Kumaway ako sa anak ko bago pumasok sa kotse at pinaharorot na papuntang opisina ko. Sabi ni Shannon may bago raw akong kliyente ngayong araw.Dahil malayo ang eskwelahan ni Sav sa opisina ko sa kanyang Ninang Clouie na siya sumasabay tuwing papasok at uuwi. Gusto kong ihatid ang anak ko sa eskwelahan niya pero dahil tambak ang trabaho at maraming babasahin at aasikasohin ay kailangan kong pumunta ng maaga sa opisina ko. Siguro, sa susunod na araw ko na lang ihahatid ang anak ko kapag hindi na busy.Pagdating ko ay pinarada ko kaagad ang kotse ko at lumabas. Bago pumasok sa building ay may napansin akong bago. Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa isang honda na kotse, luma na ang sasakyan at may mga gasgas pa. Kanino naman itong sasakyan? Ngayon ko lang ito nakita sa parking lot.Ikinibit balikat ko na lang 'yon at nagpatuloy sa paglalakad. Baka sasakyan 'yon ng kliyente ko.Ngumiti ako sa mga empleyadong nadadaanan ko at bumabati sa mga attorney. Nakakapagtaka, hindi man lang
Pagkatapos kong maihatid ang anak ko sa eskwelahan niya ay dumiretso na ako sa opisina ko. Wala na naman akong nakitang Shannon na sumalubong sa akin, siguro nilalandi na naman si Sammuel sa loob. "Attorney," Nanlaki ang mata ko nang makita si Shannon na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, gulat na gulat."Oh? Akala ko nasa loob ka ng opisina," Umirap siya. "Ayaw ko doon." Sumingkit ang mata ko, tinignan ko siya muli mula ulo hanggang paa. Ano na naman ang problema ng babaeng 'to?"Bakit naman, ha?""E, nandoon ba naman ang girlfriend niya sa loob ng opisina mo, Attorney." Umirap ulit siya pagkatapos ay humalukipkip.Tumaas ang kilay ko at diretsong tumama ang mata ko sa pintuan ng opisina. "Mas maganda naman ako doon sa girlfriend ni Prosecutor Sammuel, eh!" Napabaling ulit ako kay Shannon, ang sungit niya ngayong araw halatang bad mood dahil na doon si Marry sa loob ng opisina ko.Inilingan ko na lang si Shannon pagkatapos ay naglakad na
Tangina! Kung ayaw niyang maging kaibigan ko edi don't! Hindi ko siya pipiliting maging kaibigan ko! Bakit ko naman siya pipilitin?! Ano siya gold? Kalawang na nga siya eh, katulad sa kotse niyang kinakalawang! Ang arte naman niya kung ayaw niyang maging kaibigan ako! Dahil ba sa ex niya ako kaya ayaw niya akong maging kaibigan? Mabuti pa 'yong girlfriend niya gusto akong maging kaibigan tapos siya hindi? Feeling gwapo hindi naman gwapo! "Hoy, bakit gan'yan ang mukha mo?" Tanong ni Vien sa akin. "Wala, naiinis lang ako." Sagot ko sabay sandal sa upuan. Tulog na ang anak ko habang kami namang apat ay nasa hapag pa. "Chika naman d'yan. Anong nangyari, ha?" Si Clouie. Bumuntong hininga ako, tinignan ko sila isa-isa bago sumagot. "Nag-o-opisina si Sammuel doon sa opisina ko kasi inaayos pa ang opisina niya—" "Wait, wait! Sinabi mo bang Sammuel?!" Gulantang na tanong ni Maika. Inirapan ko siya at sinenyasan na hinaan ang boses dahil baka magising ang anak ko. "Oo—" "Oh, my god!
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakitang Sammuel. Subrang busy niya dahil doon sa nangyaring engkwentro na kailangan niyang tutokan bente kuwatro oras. Kanina pa nga nagpapadyak si Shannon dahil sa inis. Hindi kasi nakita ni Sammuel ang bagong ayos niya ngayon. Kanina pa 'to nagmamaktol na sayang lang daw ang ayos niya kung hindi niya malalandi si Sammuel. "Ano ba 'yan!" Inis siyang naupo sa upuan. "Kailan siya babalik, Attorney?" Tinignan ko si Shannon at ngkibit ng balikat. "Hindi ko alam. Hindi ko hawak buhay no'n," Humaba ang nguso niya, "may number po ba kayo ni prosecutor Sandoval?" Umiling ulit ako, "wala." Ang number ni Sammuel ay naka phone book pa rin dito sa contact list ko pero hindi ko alam kung 'yon pa rin ba ang ginagamit ni Sammuel na sim card baka nag-iba na siya ng sim sa tagal ba namang panahon. "Tanongin mo 'yong girlfriend niya—" "Eww! Ayaw ko! Bahala siya d'yan!" Ngumiwi siya, hinawi niya ang kanyang buhok bago tumayo. "Aalis na po ako, marami pa pa
Tulala akong pumasok sa apartment, napalingon ang mga kaibigan ko na nasa sala nanonood ng pelekula sa tv. "Anong nangyari?!" Tumakbo palapit sa akin si Maika, nag-aalala. "Anong nangyari sa'yo?! Umiyak ka ba?" Sunod na nagtanong si Vien. "Si Sammuel ang naghatid sa'yo?" Si Clouie na nasa likoran ko, lumabas pala siya sa apartment. "Anong ginawa ni Sammuel sa'yo?" Hinila ako ni Vien papunta sa sala at pinaupo sa sofa. Nasa harapan ko silang lahat ngayon, nag-aalala sa akin. Tinignan ko sila isa-isa, namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Nag-ulap ang paningin ko. "M-Magpo-propose na si Sammuel sa girlfriend niya," bumiyak ang boses ko. Traydor. Sinabi ko na kanina na hindi ako iiyak aa harapan ng mga kaibigan ko. Sinabi kong ayaw kong ipakita sa kanilang mahina ako. "Bakit ka nasasaktan? 'Di ba naka move on ka na?" Lumuhod si Maika sa harapan ko. Kumirot ang puso. "P-Paano ang anak ko?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanilang tatlo. "Hindi naman kasi 'yan ang problema, eh
"Sinundan mo ba ako?!" Gulantang kong tanong at tinulak siya palayo sa akin. "What? No." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ako naniniwalang hindi niya ako sinundan hanggang dito sa beach. Paano nalaman ng kumag na 'to na nandito ako?! "Bakit nalaman mong nandito ako, ha?!" "Alam ko lang—" "Sinundan mo nga ako!" Pagputol ko sa sinabi niya. Inirapan ko siya pero ngumisi lang siya sa akin. "Nauna ako dito dumating. Baka ikaw itong sumusunod sa akin," Nalaglag na lang ang panga ko sa sinabi niya. Wow! Talaga lang ah?! Ako pa talaga itong naghahabol sa kanya? Ang kapal nga naman ng pagmumukha ng kumag na 'to. Habang nakatitig kay Sammuel ay naalala ko na lang bigla 'yong unknown number na nagtext sa akin kagabi. 'See you tomorrow...' What the?! Hindi kaya si Sammuel 'yong nag text sa akin?! Tumalim ang titig ko kay Sammuel. "Ikaw 'yong nag text sa akin kagabi 'no?!" Kinagat niya ang labi niya tsaka sinuklay ang buhok na sinasayaw ng hangin. "Bingo!" Humagikhik siya. Umi
Nagising ako dahil sa mga haplos na nararamdaman ko sa aking katawan. Dahan dahan ko namang imulat ang mga mata ko at ang mukha ni Sammuel ang bumungad sa akin. Titig na titig sa akin at nang makitang gising ako ay ngumiti siya at mabilis nq yumuko para halikan ako. Sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw. Unti-unti kong narealize kung ano ang nangyari. Kagabi... Kagabi ay ibinigay ko ulit sa kanya ang katawan ko! "Good morning, love," bulong niya sa tenga ko. Tinignan niya ako pabalik. Hindi pa rin ma proseso sa utak ko ang mga nangyarj kagabi! Hindi ako lasing para makalimutan na lang 'yon at hindi rin lasing kagabi nang ibigay ko ulit ang sarili ko kay Sammuel! Nasa tamang pag-iisip ako kagabi pero kusa kong binigay kay Sammuel ang katawan ko! Anong nangyayari sa akin?! "Anong oras na?" Tanong ko at umupo sa kama. Kusang bumaba ang mga mata ko sa katawan ko. Nalaglag ang panga ko nang makitang nakabalot lang ako ng puting kumot! At nang tignan ko ang katawan ko ay wala akong suot
"At bakit hindi ka nakauwi kagabi, hmm?" Pagdating ng tatlo sa apartment ay pinaulanan kaagad nila ako ng mga tanong. "Saan ba kayo pumunta?" Tanong ni Maika na nakataas ang kilay. "Sa condo unit ni Marry—" "Condo unti ni Marry o condo unit ni Sammuel?" Inirapan ko silang tatlo, umirap naman sila pabalik. "Sa condo nga ni Marry. Tapos sinabi niyang pinsan lang daw niya si Sammuel at walang namamagitan sa kanilang dalawa." Nagsitaasan ang mga kilay nilang tatlo. Buti na lang nasa kwarto ang anak ko at hindi kami naririnig ngayon. "Tapos? Nagbago ba ang desisyon mo nang malaman mong wala naman talaga sila?" Sa tanong ni Clouie ay natahimik ako, pinakatitigan nila akong tatlo. Naghihintay sa sasabihin ko pero hindi ako makaimik. "Kailan mo sasabihin?" Nagsalita si Vien. Tinignan ko siya, "hindi ko sasabihin—" "Nag j-joke ka ba? Alam kong... Marupok ka at mahal mo pa si Sammuel at alam ko ring sasabihin mo sa kanya na may anak kayong dalawa." Hindi na naman ako makaimik. Sa tu