Kabanata 2
Pain Muli akong nagmulat nang may pumasok na nurse na babae sa aking silid. Sa pagkakataon na ito ay hindi na ako nagpumilit na lumabas ng silid at tahimik lamang siyang pinapanood sa pagchi-check ng vitals ko at pagtuturok ng gamot sa aking dextrose. "Si Dr. Ramirez? Nand'yan pa ba?" hindi ko napigilan pang itanong dito. Sumulyap ito sa'kin matapos ay ngumiti. "May inaasikaso lang hong pasyente, mamaya sisilipin ulit kayo no'n, tiyak," aniya na mas lumuwang ang ngiti sa mg labi. Bahagya lamang akong tumango dito. "Sarena pala ang pangalan mo. Buti naman ay naman ay bumubuti na ang pakiramdam n'yo." Muli akong ngumiti at tumingala dito. "Ilang araw na ba ako dito?" Kumunot ang noo n'ya sa'kin. "Mag da-dalawang linggo ka na dito. Halos isang linggo ka rin sa ICU bago ka ilipat dito," aniya. Kumurap ako at biglang naalala ang mga nangyari sa'kin. Kung gano'n ay tiyak na alam na nila ang pagkawala ko. Kaya ba gusto akong makita ng mga pulis? Tiyak na pinapahanap na ako ni Miguel ngayon. "Ah, pwede ba akong makahiram ng cell phone?" Agad naman n'ya 'yon binigay sa'kin. Pero imbes na may tawagan ay sa social media ako dumiretso sa ni-g****e ko ang balita tungkol sa'kin ngunit wala akong nakitang resulta. Kahit sa ilan niyang business ventures ay binisita ko ang account ni Miguel ngunit wala naman itong update tungkol sa pagkawala ko ngunit wala. Mabilis kong binura ang hystory at ibinalik na sa kanya ang cell phone at ngumiti dito. "Salamat." Tumango naman ito sa'kin. Matapos niyang bisitahin at painomin ako ng gamot ay umalis na rin ito. Nalubog naman ako sa malalim na pag-iisip. Bakit wala man lang balita tungkol sa akin at sa pagkawala ko? Totoo bang si Miguel ang may pakana ng lahat para ipapatay ako? Anong basehan n'ya para gawin 'yon? Pumikit ako nang mariin at pilit inaalala ang gabing 'yon. Ang gabi kung paano ako pinagtangkaan patayin ni Albert at nang grupo n'ya. Ilang beses rin niyang inulit sa'kin na si Miguel ang gustong magpapatay sa akin na bagay na hindi ko lubos maintindihan. Napukaw ang malalim kong iniisip nang bumukas ang pinto ng aking silid at sumilip doon ang maamong mukha ni Dr. Ramirez. "Hi!" he greeted with a huge smile on his face. Nagawa ko naman tumango at inayos ang pagkakaupo nang tuluyan naitong nakapasok. Diretso ito sa gilid ng aking kama habang may bitbit na isang tray na may lamang antiseptic at ilang bulak at gasa. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Mabilis kong pinakiramdaman ang sarili ang tanging masakit lamang sa'kin sa mga oras na ito ay ang aking binti at tagiliran. "Ang sugat ko," I murmured. Napasandal naman ang likod ko sa kama nang hilahin niya ang silya para maupo sa gilid ng aking kama. "Let's clean your wounds," aniya na sinimulan nang harapin ang aking binti. Sa puntong ito ay hindi ko mapigilang balutin ng kaba at takot nang maaalala kung bakit ko natamo ang sugat na 'yon. Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at pumikit. "Hinahanap mo raw ako?" Bahagya naman akong sumulyap sa kanya na nasa binti ko na ang buong atensyon. Hindi ko tuloy mapigilang titigan ito nang maigi. Sa angulo niya'y halos matunaw ang puso ko sa tangos ng kaniyang ilong, idagdag mo pa ang malalam at seryoso niyang mga mata, at ang kaniyang mapupulang mga labi. Agad akong kumurap nang umangat ang tingin niya sa'kin. Tila kanina pa hinihintay ang sagot ko sa tanong n'ya. "Ah, oo, hinahanap nga kita sa nurse." Lumunok ako matapos ay umiwas nang tingin. Ngunit hindi nakaligtas sa'kin ang kaniyang pag ngisi nang ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Ngunit sa pagkakataon na ito'y nakasuot na siya ng facemask at tanging mata na lamang niya ang kita. Mas lalo naman lumalim ang pagkakatitig ko sa kaniya habang nililinis ang aking sugat. Kahit makirot ay kagat labi ko 'yon tiniis. "Sa palagay ko pwede ka nang umuwi sa susunod na araw, pwede mo nang i-treat ang sugat mo sa bahay," aniya na abala na ngayon sa aking bandang tagiliran. Huminga ako nang malalim nang hawakan na n'ya ang aking tagiliran. Hindi ko rin napigilang mapa-itad dahil sa ginawa n'ya. Umangat ang tingin n'ya sa'kin kaya't mabilis akong umiwas nang tingin. Kasabay ng pagkabog ng aking dibdib sa kaba. "Saglit lang ito, i'll be gentle, I promise." Muling bumaba ang tingin ko sa kanya at sa sugat na nililinis na niya ngayon. Mas mariin ngayon ang pagkagat ko sa aking labi upang hindi makagawa ng ingay dahil sa gumuhit na kirot. "Tapos na, ituloy mo lang ang inom ng antibiotics kapag nasa bahay ka na para mabilis matuyo ang mga sugat mo." Tuluyan na itong tumayo. Hinubad ang kaniyang mask at ang globes sa kaniyang kamay. Lumunok ako at tumingala dito. Marami akong gustong sabihin at itanong sa kanya ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan. Ngunit nang bumaling ito sa'kin ay mabilis na nagtama ang aming mga mata dahilan upang mamula ang aking dalawang pisngi sa hiya. Ayokong isipin niya na kanina ko pa siya tinitigan habangnililinis n'ya ang aking mga sugat. "Nakausap ko na ang mga pulis na nagtatanong sa kaso mo. May nag-report daw sakanila ng gun shot sa may bandang bayan ng San Nicholas kung saan kita nakita. Sinabi ko sa kanilang maayos na ang pakiramdam mo at pwede ka na nilang kausapin, kaya lang. . ." Kumunot ang noo ko kasabay ng pagbalong ng takot sa aking puso. "Patay na raw ang hinahanap nila . May nag-report daw sakanila kaya't hindi na sila humiling na kausapin ka." Tila nanlamig ang aking buong katawan. Patay? Sino ang patay? Posibleng ako ang tinutukoy ng mga pulis. "S-sino daw ang hinahanap nilang babae? Ano daw ang pangalan?" Nanginginig ang boses ko nang magsalita. Doon naman tumiim ang tingin sa'kin ng doktor at maya pa'y muling bumalik sa kaniyang dating silya upang harapin ako. "Her name is Kamila Guevarra Monteverde," aniya sa mababang boses. Mariin ang naging pagpikit ko. Bumuhos din ang emosyon sa aking puso at hindi napigilan ang pamumuo ng mga luha ngunit mariin kong pinigilan. Pansin kong pinagmasdan niya ang aking nagimng reaksyon kaya'y pinigilan ko ang sarili at sa huli upang hjindi ito maghinala. "Tell me what happened to you?" Tila ayaw na nitong palampasin ang pagkakataon na malaman ang nangyari sa'kin. Ayoko man magbigay ng detalye dahil nag-aalala akong baka siya naman ang pagbuntunan ni Albert kapag nalaman nila na siya ang tumulong sa'kin, pero paano ko sasabihin sa kaniya na ako ang hinahanap ng mga pulis at nagtatago lang sa ibang pangalan? Umiling ako nang sunod-sunod imbes ay nagsalita. "Kailan ba ako pwedeng lumabas?" tanong kong muli kahit pa sinabi na niya kaninang pwede na akong lumabas sa makalawa. Tumiim muli ang tingin niya sa'kin bago ko napansin ang pagbuntong hininga bilang pagsuko. "Baka sa susunod na araw pwede na kitag idischraged, make sure lang na maiinom sa oras ang mga gamot mo," aniya matapos ay tumayo na at niligpit ang mga pinagamitan na panlinis ng sugat. Tahimik ko lamang itong pinanood at sa huli ay hindi ko napigilan pa ang sarili. "Salamat sa lahat, hindi ko alam kung paano ako makakabayad saiyo ng utang na loob at isa pa sa bill dito sa ospital," wika ko. Isa pa ito sa inaalala ko. Wala akong perang hawak dahil nasa mansyon ang lahat ng aking gamit at card kaya ni singkong duling ay wala ako. Lumingon ito sa'kin at sumilay ang isang tipid na ngiti. Ngunit iba ang hatid sa'kin ng mga ngiting 'yon. "Masaya akong tumulong, at kapag may kailangan ka, o gusto ka, sabihin mo lang sa'kin. Kung iniisip mo ang bayad sa ospital huwag kang mag-alala ako na ang may sagot no'n, isa pa hindi ko na sinama ang doctor's f*e." Mas lalong lumuwang ang ngiti niya sa'kin. Wala na akong nasabi pa nang tuluyan na siyang lumabas ng aking silid. Bagsak ang dalawang balikat na humiga ako sa kama. Hindi ako makapaniwala sa mga tulong na ginawa n'ya sa'kin. Kahit pa wala siyang napiga na impormasyon mula sa'kin ay bukal sa loob pa rin niyang inabot ang tulong sa'kin. Nang gabing 'yon ay hindi ako dinalaw ng antok at iniisip ang pwedeng mangyari sa'kin kapag lumabas ako ng ospital na ito. Paano kung malaman ni Albert na buhay pa ako? Ano ang sasabihin ni Miguel sa'kin at sa pagkawala ng bata sa aking sinapupunan? Sobrang daming tumatakbo sa isipan ko lalo na ang malaman na diniklara na nila akong patay... Hindi ko mapigilang bumalong ang mga luha sa aking mga mata. Halo-halo na rin ang emosyon ko, takot, galit, panghihinayang at pagluluksa. Pakiramdam ko ay wala nang saysay pa ang mabuhay. Kung bakit ba binuhay pa ako? Pwede naman mawala na lang kaming pareho ng aking anak? Umiiling ako't pinahid ang mga luhang naglandas. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang ako. Hindi rin ako papayag na mawalan ng saysay ang pagkawala ng anak ko. Tinitiyak kong hindi dito matatapos ang lahat. Dahil pagbabayarin ko ang lahat ng gumawa nito sa aming mag-ina. . .Kabanata 3 Shelter "Pwede na ho kayong lumabas ngayong araw. Pinirmahan na ho ni Dok ang discharge paper n'yo," anang nurse na nag-a-assist sa'kin. Tinanggal na niya ang dextrose na nakakabit sa aking kamay. Bahagya lamang akong tumango dito. Ang totoo kasi niyan ay wala akong matutuluyan kapag labas ko ng ospital. Malayo dito ang probinsya namin at hindi ako agad-agad na makakauwi doon dahil kinakailangan pang sumakay ng barko o hindi kaya ay eroplano upang makauwi ng probinsya. "Ito pala ang mga pampalit mong damit nakahanda na rin ho ang ilang personal n'yo na gamit d'yan sa bag." Bumaba ang tingin ko sa isang traveling bag na nilapag niya sa aking kama. Labis ang pagtataka ko nang ibalik ko ang tingin sa kanya. "Si Dr. Ramirez ho ang naghanda ng lahat nang 'yan. Hintayin n'yo lang ho siya may ino-operahan ho kasi si dok ngayon," aniya na bakas ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Labis naman ang pagtataka ko sa kaniyang mga sinabi ma tapos ay bumabang muling ang tingin
Kabanata 4New Beginning Matapos kong ilagay sa closet ang mga gamit kong binili sa'kin ni Dr. Ramirez ay bumaba na rin ako para sa pananghalian. Hindi ko na sila hinintay pa na akyatin ako sa aking silid bagay na labis kong ikinahihiya.Ayokong isipin nilang pa-importante ako kaya ako na mismo ang bumaba upang tumungo sa may komedor. Naabutan ko nga doon ang mayordoma na si Aling Dolor at ilang kasambahay na naghahanda ng pagkain.Halos matulos naman ang mga ito nang makita akong nakatayo sa may bungad ng pinto. Narinig ko pang bumagsak ang isang baso sa lamesa na siyang nakagawa ng ingay sa pagitan namin."Ah, pasensya na kayo kung nagulat ko kayo." Dahan-dahan akong umatras ngunit pansin ko ang matigas na bagay na sumalo sa aking likuran. Mabilis akong tumigala at agad na nagsalubong ang mga mga mata namin ni Dr. Ramirez. His eyes is so deep and serious at this time ngunit naroon pa rin ang pagkakalmado na palagi niyang ipinapakita sa'kin."Mabuti nandito ka na, ipapatawag sana ki
Kabanata 5StilettoMatapos makaalis ng doktor ay naupo ako sa aking kama upang buksan ang cell phone na bigay n'ya. Nakahinga ako ng maayos nang mapansin naka-set ang cell phone at naka-konek na rin sa wifi. Tiyak na ginawa iyon ng doktor dahil sa tingin niya ay hindi ko tatangkain pang hingin ang wifi password nila na siya namang totoo.Ngunit imbis na i-browse ang pangalan ni Miguel ay ni-type ko ang pangalan ng doktor sa social media. Sa tingin ko kasi ay may tinatago ito sa'kin na ayaw niyang malaman ko. Kahit sa tingin ko ay unfair ito sa kaniya ay tinuloy ko pa rin.Mukhang wala naman kakaiba sa doktor. Halos puro tungkol sa kaniyang profession lamang ang nakita ko doon at ang ilang travel n'ya with his family. Agad naman lumabas ang mga resulta ng mga litrato ng kaniyang pamilya. Ang parents n'ya at ang tatlo pa niyang kapatid.Ngunit agad na pumukaw ng atensyon ko ang pamilyar na babae na nakita kong kasama niya sa isang trip.Agad na tumahip ang kaba sa aking puso nang mapa
Kabanata 6PainPumikit ako at pinatay ang hawak na cell phone. Gusto kong iwaglit sa isipan ko si Miguel at kalimutan na lang ang lahat ng nangyari sa amin ngunit kahit na anong gawin ko'y pilit pa rin niyang sinisira ang sistema ko.Mapait akong ngumiti, muling kinapa ang nararamdaman para sa asawa at hindi na ako nagulat sa natuklasan. Pinasya ko nang patayin ang aking at matulog na para mawaglit na sa isipan ko ang lahat ng tungkol sa kanya..."Wow! In all fairness nag mukha kang sosyal sa suot mo!" bulalas na wika ni Jana matapos kong suotin ang dress na binigay sa'kin ni Mr. Monteverde. Maging ang stiletto ay sinuot ko na rin dahil binuyo ako ni Jana na suotin 'yon kahit na ang balak ko talaga ay huwag sumipot sa dinner na sinabi n'ya."Hindi ba mukha akong tanga sa suot ko?" Ilang beses kong binaba ang laylayan ng suot kong dress pagkat hindi ako sanay na 'yon ang suot.Palagi naman akong naka mini skirt sa trabaho ngunit hindi ko akalain na hindi ako magiging komportable na su
SimulaLast WordNanginginig ang aking buong katawan habang pa-ika-ikang naglalakad palayo sa mansyon kung saan minsan kong tinuring na isang paraiso.Wala ring tigil ang pagpatak ng dugo sa aking mga binti at ang dugo na nagmumula sa aking ulo. Kumapit ako nang mahigpit sa isang malaking puno at doon ay sumandal matapos makaramdam nang matinding hilo. Nanlalabo ang mga matang tinuon ko ang tingin sa unahan.Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha habang kagat-kagat ng mariin ang aking mga labi. Pumikit ako dahil sa mga luhang kanina pa bumabagsak kasama ng ilang patak ng dugo na humihilam sa aking mga mata habang sinusuong ang matalahib na gubatHanggang sa makarinig ako ng mabibigat na yabag na palapit sa akin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pilit na tinatagan ang mga binti upang makahakbang."Hindi pa nakakalayo ang babae na 'yon hanapin n'yo. Tiyak na malilintikan tayo kay boss kapag binuhay n'yo pa 'yan!" Narinig ko ang boses ng pamilyar na lalaki mula sa hindi kala
Kabanata 1Lost Mabibigat ang talukap ng aking mga mata nang magising. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan dahil tila sobrang bigat ng aking binti at tagiliran.Isang ungol ang aking pinakawalan dahil sa makirot na sugat. Pinilit kong dumilat at tanging puting kisame lamang ang naaninag ko. "Patay na ba ako?" usal ko sa sarili.Nilibot ko ang aking nanlalabong paningin sa may bandang gilid ng silid kung saan nakita ko ang side table na may nakapatong na basket ng prutas habang ang malaking kurtina na tumatakip sa tiyak kong bintana. May napansin rin akong isang malaking salamin sa may gilid na malapit sa aking kama na tila isang two way mirror.Lumunok ako ngunit ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Muli kong nilibot ang aking paningin, ako lamang ang tao sa loob at tinitiyak kong hindi biro ang halaga ng silid na ito kung saan ako dinala.Agad na pumasok sa isip ko ang batang dinadala at mabilis 'yon kinapa sa aking sinapupunan. Kinagat ko nang mariin ang mga labi nang mak

Kabanata 3 Shelter "Pwede na ho kayong lumabas ngayong araw. Pinirmahan na ho ni Dok ang discharge paper n'yo," anang nurse na nag-a-assist sa'kin. Tinanggal na niya ang dextrose na nakakabit sa aking kamay. Bahagya lamang akong tumango dito. Ang totoo kasi niyan ay wala akong matutuluyan kapag labas ko ng ospital. Malayo dito ang probinsya namin at hindi ako agad-agad na makakauwi doon dahil kinakailangan pang sumakay ng barko o hindi kaya ay eroplano upang makauwi ng probinsya. "Ito pala ang mga pampalit mong damit nakahanda na rin ho ang ilang personal n'yo na gamit d'yan sa bag." Bumaba ang tingin ko sa isang traveling bag na nilapag niya sa aking kama. Labis ang pagtataka ko nang ibalik ko ang tingin sa kanya. "Si Dr. Ramirez ho ang naghanda ng lahat nang 'yan. Hintayin n'yo lang ho siya may ino-operahan ho kasi si dok ngayon," aniya na bakas ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Labis naman ang pagtataka ko sa kaniyang mga sinabi ma tapos ay bumabang muling ang tingin
Kabanata 2 Pain Muli akong nagmulat nang may pumasok na nurse na babae sa aking silid. Sa pagkakataon na ito ay hindi na ako nagpumilit na lumabas ng silid at tahimik lamang siyang pinapanood sa pagchi-check ng vitals ko at pagtuturok ng gamot sa aking dextrose. "Si Dr. Ramirez? Nand'yan pa ba?" hindi ko napigilan pang itanong dito. Sumulyap ito sa'kin matapos ay ngumiti. "May inaasikaso lang hong pasyente, mamaya sisilipin ulit kayo no'n, tiyak," aniya na mas lumuwang ang ngiti sa mg labi. Bahagya lamang akong tumango dito. "Sarena pala ang pangalan mo. Buti naman ay naman ay bumubuti na ang pakiramdam n'yo." Muli akong ngumiti at tumingala dito. "Ilang araw na ba ako dito?" Kumunot ang noo n'ya sa'kin. "Mag da-dalawang linggo ka na dito. Halos isang linggo ka rin sa ICU bago ka ilipat dito," aniya. Kumurap ako at biglang naalala ang mga nangyari sa'kin. Kung gano'n ay tiyak na alam na nila ang pagkawala ko. Kaya ba gusto akong makita ng mga pulis? Tiyak na pinapahanap na ak