Share

Chapter 28:

TW: Sexual Harassment & Mentions of Self-Harm.

Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nanatiling nakaupo lang sa sahig, tulala at tila wala na sa sarili. Nakasandal ako sa lamesa ni Papa at hindi na rin siya umalis sa tabi ko simula noong yumakap siya sa akin. Nanuyo na ang mga luha sa aking pisngi, kumalma na ang aking mga hikbi, ngunit hindi napapawi ang sakit sa puso kong tahimik na humihiling na sana matapos na ang lahat ng ito.

Pabalik-balik ang kanina pang kumakatok sa pintuan ng Principal's Office at kahit isang beses ay hindi iyon nilapitan ni Papa. He remained seated as he carefully watches me to ease my pain. Pero sa pagkakataon na 'to, wala nang kahit sino pa ang makakatulong para mahilom ang sugat na unti-unting umuubos sa akin. Kahit ako.

Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo at natataranta naman siyang inalalayan ako. Sa natitirang lakas ay hinigit ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Nagulat siya roon ngunit hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status