Thank you for reading, see you po sa next chapter!
AngelKahapon pa sana kami dito, ngunit ng papunta na nga kami sa helicopter ay bigla kaming hinabol ni Mauro. Nag-usap sila saglit at mukhang may hindi magandang nangyari dahil na rin sa pagdilim ng mukha ni Salvatore. Humingi siya ng paumanhin ngunit siniguro niyang maaga nga ang alis namin ngayon.Nag-agahan kami ni Salvatore sa dining area kung saan mayroon ding sliding glass door na nakabukas kaya naman tagusan din ang hangin. Maaga pa kaya hindi pa rin mainit ang singaw ng hangin.Masarap ang inihandang pagkain ni Aling Sally, ang asawa ni Mang Berting na siyang kumuha ng aming bag kanina. Mga seafoods lahat at hindi hinayaan ni Salvatore na marumihan ang aking mga kamay dahil talagang ipinaghimay niya ako ng isda at ipinag balat ng hipon. May kasama pang pagsubo at ang kailangan ko lang gawin ay ang ngumanga at ngumuya na kung pwede lang din yata ay ginawa na rin niya para sa akin.Nang matapos kaming kumain ay lumabas kami sa lanai. Basta iyon ang tawag ko doon kasi para siyang
Angel“Are you ready?” tanong ni Salvatore na kakapasok lang ng kwarto. Lumingon ako sa kanya at nakangiting tumango bago ako naglakad palapit. “Ang ganda ganda mo, baby.”Nakaramdam ako ng bahagyang hiya dahil sa sinabi niya. Lagi na niya akong pinupuri ng ganun, pero pakiramdam ko ay laging first time sa tuwing sasabihin niya iyon sa akin.“Para bestida lang itong suot ko,” sagot ko.“Kahit yata sako and isuot mo ay magiging napaka ganda mo pa rin.”Inangat ko ang aking mga kamay at hinagod ang kanyang matipunong dibdib. Naka puting parang camiso siya na long sleeved na tinernuhan niya ng parang pajama pants na may tali sa bewang. Hindi ko alam kung ano ang tawag don, pero sa tingin ko ay kapareha lang ng mga damit na ipinangtutulog niya. Bagay na bagay sa puting bestidang suot ko ngayon na natatandaan kong ipinilit niyang dalhin ko.“Kahit naman ikaw ay sobrang gwapo rin, Salvatore.” Hindi bola iyon. Lalaking lalaki ang dating niya para sa akin. Ang taas niya na, ang malapad na dibd
Mature ContentAngelNaiiyak na tumango ako at tsaka hinawakan ang kamay ni Salvatore habang hawak pa rin nito ang sing-sing kasabay ang paggiya sa kanya para tumayo. “Oo, Salvatore. Gusto kong makasama ka sa habang buhay ko.”Kinuha ni Salvatore ang sing-sing at isinuot iyon sa akin. “Hinding hindi ko tatanggalin ito, mahal ko.” Siguradong kumikinang ang aking mga mata ng sabihin ko iyon at masaya akong makita ang kaligayahan din sa mga mata niya.Pagkatapos noon ay pinagsalikop niya ang aming mga kamay at tsaka ako inalalayang maglakad papunta sa dalampasigan. Ang sarap sa pakiramdam dahil kami lang dalawa talaga at ramdam ko ang pagka romantic ng paligid na hindi ko inakala na mararanasan ko.Dati ay inisip ko na huwag na lang mag-asawa dahil sa mga nakikita ko sa aking paligid. Alam mo yon, mga lalaking tambay at mga walang matinong magawa sa buhay ang puro nakikita ko dahil hindi naman nga ako nag-aaral. Pero ang pagdating ni Salvatore sa buhay ko ang siyang tuluyang nagpabago sa
AngelDalawang linggo na ng makabalik kami ng Pampanga at walang pagsidlan ang kaligayahan ko. Paulit ulit kong inaalala ang mga oras namin ni Salvatore sa isla kaya itong si Cecil ay panay rin ang panunukso sa akin. Tinatanggap ko na lang dahil useless din naman kung ide-deny ko pa gayong kitang kita na nga sa mukha at kilos ko ang pagiging blooming. Pakiramdam ko ay wala ng magpapasira pa ng araw ko.Breaktime ko at kasalukuyan akong nakatambay sa tapat ng resto katabi ng guard ng biglang dumating na naman si Victoria. Ano ba naman ang babaeng ito, wala na ba siyang magawa sa buhay niya? Talaga bang hindi siya matatahimik kung hindi ako mawawala sa landas niya?“Angel, tignan mo ang pagkakangisi oh, parang akala mo ay nanalo sa lotto.” Nginitian ko na lang ang guard namin, papalapit na kasi si Victoria eh mahirap na at baka marinig pa ang sasabihin ko ay lalo pa siyang magwala.“Hi, Angel…” sabi niya ng magkatapat na kami. Inihanda ko na ang aking sarili dahil ayaw ko na rin namang s
Basta ng pumasok ako sa loob ng resto ay dumiretso ako sa aking manager at nagpaalam na gusto ko ng umuwi. Alam kong nagtataka siya at gustong humingi ng aking explanasyon ngunit pasalamat ako na mas pinili niyang igalang ang pananahimik ko.Dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta lalo at wala pa si Salvatore para sunduin ako ay wala sa sariling naglakad lang ako. Naglakad lang ako ng naglakad na hindi alintana ang mga mata ng mga taong nakakasalubong ko na matamang sinusundan ako ng tingin.Medyo maaga pa kaya naman marami pang tao ang naglalakad sa paligid. Marahil ay mga galing sa maghapong pagtatrabaho o kaya naman ay sa eskwelahan. Hindi ko maiwasan ang mapabuntong hininga. Hindi ko malubos maisip kung bakit nangyayari sa akin ito.Nay, tay, kung naririnig niyo po ako. Sagutin niyo po ang tanong ko, masama po ba akong anak? Si Salvatore ba talaga ang dahilan ng pagkamatay niyo? Ipinilig ko ang aking ulo at tsaka pinahiran ang luhang naglalandas na pala sa king pisngi.Hindi dapa
AngelMatapos ang pag-uusap namin ni David ay nagpahatid lang ako hanggang sa matao pang bahagi ng bayan. Nang makaalis siya ay saka ako tumawag ng tricycle papunta naman sa sakayan ko kapag nag-a-out ako sa resto para doon sumakay pauwi.Paligoy-ligoy, pero ayaw ko lang kasing malaman ni David kung saan ako nakatira. Lito pa rin ang isip ko, pero isang bagay ang malinaw pa rin sa akin. Mahal ko pa rin si Salvatore at hindi ko pa rin alam kung paano tatanggapin ang katotohanang siya ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Sa buong pag-iisip ko ay nakahawak ako sa sing-sing na ibinigay sa akin ni Salvatore.Mabigat ang aking kalooban ng bumaba ako sa tricycle na sinasakyan ko ng huminto kami sa mataas na gate ng property ni Salvatore. Wala sa sarili na kumatok ako at pinagbuksan naman ng guard tsaka ako nagpatuloy sa paglakad ng biglang may humiklat sa akin at dinala sa sasakyan.“Salvatore,” mahinang sabi ko ng pumasok na rin siya sa loob. Hindi siya umimik habang nagsimula ng ma
Mature ContentAngelInangkin ako ni Salvatore ng paulit ulit, ni hindi na niya nagawang mahubad ang pang-itaas kong suot. At wala naman akong naging reklamo kahit na pakiramdam ko ay nababastusan ako dahil mahal ko talaga siya.“Ahh… ang sarap sarap mong tirahin ng ganito..” sabi niya habang nakatuwad ako at sige ang pagbayo niya sa akin. “Sabihin mong nasasarapan ka rin,” dagdag niya ng medyo dumukwang siya para umabot sa tenga ko ang kanyang bibig.“Oo, Salvatore, nasasarapan ako..” Pagkasabi ko no’n ay dinilian niya ang aking tenga pababa sa aking leeg. Ang sensasyong hatid no’n ay sadyang nakakapagbigay ng init sa buo kong katawan.“Sabihin mo kung gaano kasarap..”“Ang sarap sarap, Salvatore…”“Ganito ba kasarap ang ginawa sayo ni David?”Napatda ako sa tanong niya kasabay ang pagsabunot niya sa akin patingala. Nasa likuran ko pa rin siya at patuloy sa pagbayo. “Ganito ba, Angel? Ganito ba kasarap ang ginawa sayo ni David?”“No, wala kaming ginawa, maniwala ka. Nag-usap lang kami
AngelDahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Mabigat ang katawan pati na ang pakiramdam ko na tila may nakadagan na mabigat sa aking dibdib.Naramdam ko ang pagtulo ng mainit na likidong nagmumula sa aking mga mata kasabay ang pagbalik mga kaganapan sa aking isipan ng nagdaang gabi. “Angel, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?” Lumingon ako sa aking kanan at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni David.Lalo akong naiyak dahil sa kanyang tanong. Naalala ko si Salvatore pati na ang mga sinabi niya at ang mga ginawa niya sa akin.“Hindi na niya ako mahal, David. Ayaw na niya sa akin..” palahaw ko. “Shh… shh.. Tahan na, paos na paos ka na oh,” sabi niya habang sige ang pagpunas niya ng aking pisngi. Parang waterfalls na ang daloy ng luha ko, alam ko lalo at hindi na inalis ni David ang kamay niya sa pisngi ko.Pero hindi ako nakinig, sige pa rin ako sa pagpalahaw ng iyak. Parang dito ko ibinubuhos ang lahat ng sakit na naramdaman ko kagabi habang sinasaktan ako ni Salvatore. Haba