Share

Chapter 15a

Angel

Maaga akong pinauwi ng aming manager at siya na daw ang bahalang mag out sa akin dahil malapit na rin naman daw matapos ang oras ng trabaho. Nagpasalamat ako at tsaka nagsimulang mag asikaso pauwi.

Naglalakad ako papunta sa sakayan ng mapatingin ako sa 7-eleven. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok ako doon kahit na hindi ko rin naman alam kung ano ang bibilhin ko. Dumiretso ako sa may bandang likuran kung nasaan ang mga inumin at parang wala ako sa sarili na dumampot ng isang beer.

Hindi ako umiinom dahil ayaw ko ng lasa non. Ngunit hindi ko mapigilan ngayon dahil sa sama ng loob kay Salvatore. Talaga naman, mas maganda ako doon sa matandang spoiled na yon! Kaya bakit doon siya nakatingin at hindi sa akin?

Pagkabayad ko ng beer at kutkutin na nadaanan ko sa counter ay pumwesto ako sa isa sa mga nakahilerang upuan sa loob non. Meron naman sa labas kaya lang ay ayaw ko, mahirap na at baka may madaan na sira ulo ay mapag-trip-an pa ako.

Doon ay sinimulan kong inumin ang beer
MysterRyght

In love na ang ating Angel!!!

| 3
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status