Share

When She Cries
When She Cries
Author: Knight Ellis

Chapter 1

Author: Knight Ellis
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 1 

"Jaxon, are you sure it's okay with your wife?" 

Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan ng marinig ko ang boses na iyon. Babae.

"Kahit hindi ayos sa kanya ay isasama pa rin naman kita dito."

Jaxon.

Marahan akong bumaba ng hagdan at sinalubong silang dalawa. Ang asawa ko at isang hindi pamilyar na babae. 

"Nandito ka na pala," sambit ko. Tiningnan lamang niya ako pagkatapos ay nilagpasan nila akong dalawa ng babaeng kasama niya.

"Oh, so you're the wife? " Maarteng tanong ng babae at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napaiwas ako ng tingin dahil sa paraan ng pagkakasuri ng babae sa akin.

"I-I'm Lhaurizeth. Jaxon's-" Hindi ko pa man natatapos ang ginawa kong pagpapakilala ng hilahin ni Jaxon ang babae. 

"Let's go Bettina." Malamig na wika ni Jaxon at hawak ang kamay na isinama niya sa ikalawang palapag ng bahay namin ang babae niya. Sinundan ko na lamang sila ng tingin. 

I sighed. 

'Hanggang kailan ba kami magiging ganito?'

Nanghihinang napaupo ako at pinigilang pumatak ang mga luha sa mata ko. Kailangan kong maging malakas sa mga sitwasyong gaya nito.

Huminto ang pag-agos ng luha sa mga mata ko ng marinig ko ang pag-iingay ng cellphone ko. Saglit kong hinamig ang aking sarili bago sagutin ang tawag.

Si Arianne, ang college friend ko na parang kapatid kung ituring ako. 

"H-hello."

"Hi Lhaurize! Are you free today?"

"Y-yes. Why?"

"Iinvite sana kita sa bahay. Birthday kasi ni Hawk."

'Thank you Arianne,' anang isip ko.

 Gusto kong makaalis pansamantala sa bahay namin ni Jaxon. Ayokong marinig ang kung ano mang bagay na ginagawa nila ng babae niya. 

"I'll be there in 45 minutes Arianne," sagot ko at tinapos na ang tawag.

Muli akong bumalik sa itaas at nagtungo sa kwarto naming mag-asawa. Kwarto namin noon na ako na lang ang gumagamit ngayon simula ng magkaroon ng mga babaeng inuuwi si Jaxon sa bahay namin.

Saglit lang akong nagpalit ng damit at nag-ayos ng sarili bago muling bumaba. Dinig ko ang malakas na boses ng babae ni Jaxon mula sa katabing kwarto.

Eksaktong 45 minutes nang makarating ako sa bahay nila Arianne. Hindi ko na nagawang makapagpaalam sa asawa ko dahil busy siya kaya nag-iwan na lamang ako ng note sa tapat ng kwarto nila ng babae niya. 

"Glad you came Lhaurize!" Masayang bati sa akin ni Arianne at niyakap ako.

"Wala naman din kasi akong ginagawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta na lang dito," pilit ang ngiting tugon ko. 

Mayamaya pa ay nakita ko na ang kapatid ni Arianne na si Hawk at may kasamang hindi pamilyar na lalaki.

"Ate Lhaurize!" 

Masayang bati sa akin ni Hawk at yumakap ng makalapit sa akin.

"I thought you were busy with Kuya Jaxon kaya hindi na ako nag-abalang i-invite kayo. By the way, where is Kuya Jax?"

Napayuko ako sa tanong na iyon ni Hawk. Wala silang dapat malaman. At hindi na dapat nilang malaman. Alam kong magagalit sila. 

"He's busy kaya ako na lang ang nagpunta rito,' sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Well, ano pa nga bang aasahan natin kay Kuya? Napakaworkaholic ng asawa mo ate." Natatawang saad ni Hawk samantalang napatingin ako sa lalaking kasama niya.

"By the way ate, meet my college buddy Rusty Montelibañez.  Rust, she's Lhaurizeth Santillan- Dela Vega. " Pagpapakilala sa akin ni Hawk ganun din sa lalaking kasama niya.

"Nice to meet you Ms. Dela Vega." Nakangiting bati ni Rusty sa akin at inilahad ang palad nito. 

"Nice meeting you Mr. Montelibañez," tugon ko sa kanya tsaka tinanggap ang pakikipag-kamay niya. 

"Misis Dela Vega na iyan Rust. Naalala mo yung businessman na si Jaxon Keith Dela Vega? Asawa niya iyon," paliwanag ni Hawk kay Rusty kaya napakamot sa kilay ang huli.

"Ah yeah. I remembered his name," maikling sagot ni Rusty at tumawa.

Matapos ang maikling pag-uusap naming tatlo ay ako na ang kusang nagpaalam sa kanila at kumuha ng pang-dalawahang lamesa.

"Happy Birthday Hawkieee!"

"Yo! Hawkieee!"

"Birthday ngayon ni Hawk kaya pumayag siyang batuhin niyo ng itlog!"

"Tapos harina! Hahahaha!"

"Hoy! Walang ganyanan mga siraulo!"

Napuno ng tawanan ang buong venue ng kaawaran na iyon ni Hawk. Nakalimutan ko pansamantala ang problema ko at halos abutin ng madaling-araw ang buong party na iyon.

"Kaya mo bang mag-drive pauwi? Ipapahatid kita sa driver namin," pangungulit sa akin ni Arianne na noon ay lasing na.

"Hindi na Arianne. Kaya ko na, besides hindi ako gano'ng nakainom."

"Kahit na Lhaurize. Baka mapatay ako ni Jaxon kapag may nangyari sa'yo."

'Hindi mangyayari ang bagay na 'yon Arianne,' bulong ko sa isip. 

"Ayos lang talaga Arianne. Kaya kong umuwi."

"Lhaurize-"

"Ako na nga ang maghahatid sa kanya para mapanatag ka."

 Napalingon ako ng marinig ang boses ni Hawk. Amoy-alak siya ngunit hindi naman siya lasing hindi katulad ng kapatid niya na anumang oras ay tutumba sa kalasingan. 

"Hay, buti naman sige na ihatid mo na siya. Thank you brother." 

"Arianne!" Pagtawag ko sa kanya ngunit tinalikuran na niya ako at pumasok ng bahay kaya kaming dalawa ni Hawk ang naiwan.

"Don't worry, mukhang harmless naman si Hawk. Walang mangyayari sa'yo habang kasama mo 'yan." Mula sa kung saan ay sumulpot si Rusty na na nakangiti pa. Tumingin naman ako sa kanya bago nalipat kay Hawk.

"Okay lang ba sa'yo? You should be celebrating tonight. Ang ate mo talaga-"

"I insist ate. Let's go baka nag-aalala na ang asawa mo sa'yo."

Nagpaalam ako saglit kay Arianne at Rusty bago sumunod kay Hawk na pumasok sa loob ng kotse at tahimik kaming bumiyahe. May mga pagkakataong nagtatanong siya sa akin na sinasagot ko naman ngunit nang maramdaman niya sigurong wala na akong balak na makipag-usap pa ay tumigil na rin siya sa katatanong sa akin.

Makalipas lang ang ilang minuto ng makarating kami sa bahay. Bumaba na ako at gano'n din siya.

"Salamat sa paghatid Hawk." 

"No worries ate.  I'll go ahead na. Pumasok ka na rin sa loob."

Ngumiti ako sa kanya at saka tumango.

"Good night ate Lhaurize," saad niya pa ng makapasok na sa loob ng sasakyan.

"Ingat and thank you ulit," paalam ko at hindi na hinintay na makaalis ang sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob at isinara ang gate.

Tahimik na ang buong bahay pagdating ko. Sarado na rin ang ilaw sa ibaba kaya mukhang tulog na si Jaxon.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay binuhay ko ang ilaw sa unang palapag at halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nakaupo at nakakrus ang mga braso ng asawa ko. Oo. Gising pa siya.

"Bakit nandito ka at bakit gising ka pa?" takang tanong ko.

 Hindi ang tulad ng isang Jaxon Dela Vega ang mananatiling gising ng alas-dos ng umaga.

"Where have you been?" Malamig na tanong niya sa akin.

 Tumayo siya at nakapamulsang hinarap ako.

"Why are you asking? Hindi ba't ikaw na ang nagsabi sa akin na walang pakialamanan sa isa't isa?" Naasar na sagot ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"But you're my wife."

"Sa papel. Sa papel mo lang ako asawa Jaxon. Ikaw rin ang nagsabi niyon sa'kin." Pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko kaya tinalikuran ko na siya at dumiretso na sa kwarto namin. 

Saglit lang akong nag-ayos ng sarili bago humiga sa kama.

Oo sa papel lang kami mag-asawa. Ako ang may gusto na magpakasal kami kahit ayaw niya sa akin. Kahit pa alam kong wala siyang pagmamahal sa akin. Dahil lamang sa utang na loob ng pamilya niya kaya napilitan siyang pakasalan ako.

 Kasalanan ko lahat kung bakit nagkakaganito ang buhay ko. Para akong nag-asawa ng patay.

"Lhaurizeth." Agad akong napabalikwas nang bangon ng marinig ang boses ng asawa ko.

Hindi ko na-ilock ang pinto. 

"Jaxon please lang ayokong makipag sagutan sa'yo ngayon," sagot ko at lumapit sa kanya na nakapasok na sa loob ng kwarto.

"Dito ako matutulog sa tabi mo."

"Ano?"

"Narinig mo na. Hindi ko na kailangan pang ulitin sa'yo."

"Lasing ka ba?"

Anong himala ito? Sa loob ng apat na taon namin bilang mag-asawa ay hindi pa siya tumatabi sa akin sa pagtulog.

"Do I look like I'm drunk?"

"Pero-"

"Matulog ka na. Gusto ko na ring matulog," pagtatapos niya sa usapan namin bago humiga at tumalikod sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang mahiga na rin. Nakaharap sa akin ngayon ang malapad niyang likod na walang kumot. At hindi ko namalayang nilamon na ako ng antok.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Wilma Mallari
Wala pa po update?
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sobrang marter mo naman lhaurizeth
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • When She Cries   Chapter 2

    Chapter 2Nagising ako ng tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.Agad naman akong napabalikwas nang bangon ng makitang nasa tabi ko pa si Jaxon at tulog na tulog pa. Napatingin ako sa alarm clock na nasa bed side table at nakitang alas-otso pasado na ng umaga."Jaxon." Mahinang pagtawag ko sa pangalan niya. Kumilos siya saglit at nagulat ako ng hawakan niya ako sa may pulsuhan ko at hilahin ako palapit sa kanya."Lhaurize.." Pikit-matang bigkas niya sa pangalan ko. Saglit ko siyang pinagmasdan at akmang hahawakan ang mukha niya ngunit hindi ko na lamang itinuloy."Jaxon, malalate ka na sa trabaho mo," saad ko at idinilat naman niya ang mga mata. Saglit siyang tumingin sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong mapagmasdan muli ang asawa ko."Ah, oo nga pala may trabaho pa ako."Walang pasabi siyang bumangon at lumabas ng kwarto.Napabuntong hininga naman ako at muling humiga.

  • When She Cries   Chapter 3

    Chapter 3Kinabukasan ay nagising akong wala sa tabi ko si Jaxon. Bumangon ako at bumaba na. Wala na rin ang sasakyan niya sa garahe.'Hays'Pagkatapos nang nangyari sa amin ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya o kung paano ko siya pakikiharapan.Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ang tunog ng doorbell. May bisita ng ganito kaaga?Lumabas ako at pinagbuksan ng gate ang bisita. Ngunit hindi ko inaasahan ang taong nakatayo sa labas ng bahay namin."Rusty?" bungad na tanong ko ng makita ko siya."Good morning.""Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa. Sa halip na sumagot ay may itinaas siyang paper bag sa harap ko. Galing sa isang kilalang restaurant ang dala niyang paper bag."May dinaanan kasi akong kakilala malapit dito kaya naisipan kong dumaan sa inyo.""Gano'n ba.""Ang tahimik yata ng bahay niyo?"Lumin

  • When She Cries   Chapter 4

    "Wala ka namang dapat ikahingi ng tawad Jaxon," sagot ko matapos marinig ang paghingi niya ng tawad. Oo, aaminin ko na nagpapakatanga ako sa lalaking ito dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya kahit alam kong parang estranghera kung ituring niya ako. "Hindi ka na pwedeng lumabas o makipagkita sa Rusty na 'yon." "Pero-" "Makinig ka na lang sa'kin kung ayaw mong humantong sa annulment ang lahat." Hindi na ako nakasagot pa sa kanya. Ayoko. Ayokong makipaghiwalay sa kanya kahit anong mangyari. Hindi pwedeng humantong ang lahat sa annulment. Titiisin ko na lang ang pagtratong ginagawa niya basta kasama ko siya. "S-sige kung 'yan ang gusto mo." Tinalikuran na niya ako at lumabas ng kwarto kaya naman maayos rin akong nakapagpalit ng damit pantulog. Makaraan ang ilang sandali ay muli siyang pumasok sa loob ng kwarto na amoy-alak. Hindi ko alam kung bakit dalawang magkasunod na gabi na siyang naglalasing. Ayoko na

  • When She Cries   Chapter 5

    "How's their food? Mukhang mauubos mo na yata ang inorder mo." Tumigil ako sa akmang pagsubo ng marinig ang sinabi ni Sebastian. Nilingon ko siya pagkatapos ay kiming nginitian. Paalis na sana siya kanina nang mabangga ko kaya lang ay hindi inaasahang nagkita sila ni Rusty. Sa huli ay inaya na lamang siya nila Arianne na sumama sa amin. Akala ko nga no'ng una ay hihindian niya ang imbitasyon ngunit mabilis pa sa alas-kwatrong pumayag siya. "Masarap yung pagkain nila," sagot ko pagkatapos ay itinuloy na iyon. Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay inabot ang isang plato ng Crab dish. Kinuha ko naman iyon at naglagay sa plato ko at inilapag sa lamesa pagkatapos ay inabot din niya sa akin ang isang hot sauce."Thank you," pasasalamat ko at tumango naman siya."Taste good," sagot ni Arianne na katabi ni Rusty sa upuan."Good to know." "You love seafood dishes?" tanong pa sa akin ni Sebast

  • When She Cries   Chapter 6

    "Rusty.."Para akong natulos mula sa kinatatayuan ko ng makita si Rusty sa loob ng kwartong tinutuluyan ni Jaxon. Humarap ito sa akin matapos kong itanong kung anong ginagawa niya sa bahay naming mag-asawa. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok. Binalot muli ng kaba ang dibdib ko ng tumayo ito at akmang hahakbang palapit sa akin. Umatras ako ngunit patuloy lamang siya sa paglapit."Hindi ko alam na mauunahan pala kitang makauwi." Kalmado lamang ang boses niya habang sinasabi iyon sa akin. Pero takot ang nararamdaman ko. Takot dahil alam kong mag-isa lamang ako sa bahay at walang laban sa kanya. Lalaki siya at alam naman ng lahat ang lakas ng isang tulad niya."Anong ginagawa mo rito?"Lhaurize show some bravery.Pilit kong nilalakasan ang loob ko habang kaharap ko siya. Hindi dapat ako magpakita ng takot sa kanya dahil mas makakampante siya na kaya niya ako."Dumaan lang naman ako

  • When She Cries   Chapter 7

    Dalawang araw ang inilagi ko sa ospital. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay si Sebastian ang nag-asikaso sa akin. Hindi ko na ipinaalam kina Arianne ang nangyari dahil malamang na tatawagan agad nila si Jaxon kung nagkataon. Bukod doon ay hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko na may dalawang buhay sa sinapupunan ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sebastian na siyang tumulong sa akin. Noong una ay nahihiya pa ako dahil ilang araw pa lang kaming magkakilala ngunit heto siya at hindi ako pinabayaan. Siguro, swerte ko ng maituturing ang pagdating niya dahil inaamin kong kahit paano ay nagkaroon ako ng sandalan at kaibigan sa oras na pakiramdam ko ay mag-isa lamang ako. Nakauwi na ako sa bahay at kasama ko pa rin si Sebastian. Hindi ko pa ipinapaalam kina Arianne ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil gusto kong bukod sa akin at kay Sebastian ay si Jaxon ang sunod na makaalam. Tungkol naman kay Rusty, wala na akong balita pa sa kanya. Hindi na siya nagpakita pa sa akin u

  • When She Cries   Chapter 8

    Kinabukasan habang maaga akong nag-aagahan ay isang hindi inaasahang tao ang bumalik sa bahay. Si Jaxon.Nasa dining area ako nang makarinig ng pagbukas ng gate sa bandang garahe namin. Sa pag-aalalang bumalik si Rusty ay mabilis kong kinuha ang isang Benchmade 860 Bedlam knife na iniwan sa akin ni Sebastian nang nagdaang gabi. Noong una ay ayoko pang tanggapin iyon ngunit sadyang makulit si Sebastian kung kaya't napilit niya akong itago ang pocket knife na iyon.Dahan-dahan akong lumabas sa dining area at halos maibagsak ko ang hawak na kutsilyo ng makita ang asawa ko. As usual, magkasalubong ang mga kilay nito at parang laging iritable. Pero hindi nakabawas ang magkasalubong niyang kilay sa kaguwapuhan niya.Mabilis kong tinago sa likuran ko ang hawak ko pagkatapos ay sinundan siya nang pumanhik siya paakyat sa itaas ng bahay."Napabilis yata ang uwi mo?" usisa ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay

  • When She Cries   Chapter 9

    "Sinubukan kong sabihin kaso nagmamadali siyang umalis. Mukhang hinahabol ang flight niya."I lied for the second time around."Kahit saglit hindi kayo nakapag-usap?"Umiling ako."Actually, gusto ko ng sabihin na kaso nagkaroon kami ng kaunting pagtatalo.""Kaya hindi mo na sinubukang sabihin?""Hindi na. Ayoko ring ma-stress.""And then what happened after?""He left me."Marahang tumango-tango si Sebastian nang ikwento ko sa kanya ang nangyari bago umalis si Jaxon. Dumating siya mga ilang minuto pagkatapos makaalis ng asawa ko. Balak ko pa sanang habulin si Jaxon para sana makilala si Sebastian ngunit hindi na umabot. Wala na ang sasakyan niya paglabas ko ng bahay. Talagang ganoon kagusto ni Jaxon na makalayo sa akin."Lhaurize, be honest with me. Maayos ba ang relasyon ninyong mag-asawa?"Hindi ako naka

Pinakabagong kabanata

  • When She Cries   Last Part

    //revised version»»Flashback (two months after the secret wedding)"Nakikita mo ba kung anong nakikita ko?" I frowned because of Arianne's question. Tahimik akong kumakain ng lunch nang umupo siya sa katapat kong upuan. "Anong nakikita mo?" tanong ko pa. May kung anong nginuso siya kaya lumingon ako at sinundan iyon ng tingin. Sa pangatlong table mula sa akin ay nakita ko kung ano ang tinutukoy niya. Jaxon Dela Vega is sitting on the third table. Wala itong kasama at tahimik lamang na kumakain. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang kumain sa cafeteria dahil madalas na usapan na sa mga restaurant ito kumakain tuwing lunchtime. Hindi ko alam pero baka nagbago dahil sa naging issue tungkol sa kumpanya nila. "Kung ganyang araw-araw ko makikita si Jaxon na dito kumakain baka bilhin ko na ang buong cafeteria," rinig kong saad ng isang estudyante malapit sa amin. Nang tingnan ko si Arianne ay tila kinikilig pa ito. "Ngayon ka lang nakakakita ng lalaki, Arianne?" pang-asar ko saka mu

  • When She Cries   Chapter 49

    //revised version--Flashback(one month after the secret wedding)"Oh my g! Jaxon Dela Vega is here!" Agad kong tinigil ang ginagawa ko nang marinig ang malakas na boses ni Arianne mula sa labas ng classroom. Sinara ko ang librong binabasa saka tumayo at lumabas para lapitan ang kaibigan ko. Nakita kong nagkumpulan na rin ang ilang estudyante sa tabi niya at nasa iisang direksiyon ang atensiyon nila. Nang sundan ko iyon ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatayo ito sa tapat ng isang estudyanteng lalaki habang hawak ng isang kamay ang kwelyo ng una. Mukhang may alitan sila dahil hindi maipinta ang mukha ng matangkad na lalaki. Kahit nakatagilid ang pwesto nito mula sa amin ay kapansin-pansin ang makapal na kilay nito at ang tila perpekto ang pagkakaukit sa pangahan ng lalaki. Maputi at tila aakalain mo na nakalipstick ang mapulang labi nito. Almost perfect na sana kung hindi ko lang kilala kung sino ang lalaking iyon. "Grabe! Ano kayang kasalanan ng lalaking 'yon kay Jax

  • When She Cries   Chapter 48

    Chapter 48//revised version»»"So.. what will happen now?" I sighed when Sebastian asked me that question. Two days had passed since we spoke with Rusty. Tuwing gabi siya dumadalaw kay Jaxon para magbigay ng balita tungkol sa paghahanap kay Margareth. Ang kapatid nitong si Hawk ay dinala na sa presinto at naipasa na sa korte ang kaso nito. Mamayang ala una ng hapon na rin ang labas ni Jaxon at Malik sa hospital. Mabilis ang naging paggaling ng mag-ama ko kaya pwede na silang madischarge. Ayoko pa sanang ilabas sila pero mapilit si Jaxon. Ang rason niya ay mas mapapabilis ang paggaling ni Malik kung nasaan ito. "Magkakaroon ng paglilitis sa kaso ni Hawk. Mas mabuti na rin iyon para maging maayos na ang lahat. Si Margareth na lang talaga ang problema ngayon." "Hindi pa rin ba siya nahahanap?" "Hindi pa. Pero sana ay mahanap na siya." "I hope so." Pareho kaming natahimik ni Sebastian at pinagmasdan ang natutulog kong anak katabi ni Jaxon. Hinihiling ko na sana, matapos na ang probl

  • When She Cries   Chapter 47

    Chapter 47//revised version»»"What are you thinking?"Nilingon ko si Jaxon nang makita itong gising na. Nakaangat ang hospital bed niya habang nakadapa si Malik sa dibdib niya habang natutulog ito. Nagising na rin ang anak namin at ipinagsalamat ko na kahit paano ay nakausap ko nang maayos ang anak ko. Hindi naging matagal dahil muling natulog si Malik. Wala naman daw problema ayon sa doktor. Ilang araw lang din at magiging maayos na rin siya at hindi na mapapadalas ang pagtulog dahil na epekto ng drugs na ipinaamoy sa kanya ni Hawk. Lumapit ako kay Jaxon at hinalikan ito sa labi. "How are you feeling?" tanong ko saka umupo sa tabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga iyon ng isa pang kamay niya. "I'm getting better. You already gave me my medicine." Natawa na lang ako sa gamot na tinutukoy niya. "Ikaw? Are you doing well, hon?" Ako? Ayos ba ako? "I am. Nandito ka na, eh." "I love you, Lhaurize." "I am in love you too, Jaxon Dela Vega." Nanatili kaming magk

  • When She Cries   Chapter 46

    Chapter 46//revised version»»Jaxon was shot on his left chest. We immediately rushed to the hospital after what happened. He became unconscious. Nakatulala lamang ako hanggang sa pagdating namin sa ospital. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Ang anak ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising o si Jaxon na walang malay dulot ng tama ng bala sa dibdib. Oh God.. Napapapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha sa mata ko. Tila ngayon ko naramdaman ang panghihina pagkatapos ng mga nangyari. Si Hawk.. na hindi ko akalaing nagtatago sa pangalang Apollo. Wala akong ideya kung paano nagsimula ang pagiging obssessed niya sa akin. Maayos ko siyang nakasama sa loob ng ilang taon dahil sa pagiging magkapatid nila ni Arianne at wala akong nakitang kakaiba sa mga kilos at pananalita niya noon. I never imagined that he's behind all the threats I received from Apollo. "Lhaurize!" Patakbong lumapit sa akin si Arianne at lumuhod sa tabi ko. Kasama niya si Sebastian na karga si Margaux

  • When She Cries   Chapter 45

    Chapter 45//revised version»»"Ikaw? Paanong.."Hindi ako makapaniwala sa taong kaharap ko ngayon. Gusto kong gumising kung panaginip lang ito. All this time ang taong ito ang dahilan kung bakit halos gabi-gabi akong natatakot para sa mga anak ko. Pero bakit? Bakit sa lahat ay siya pa? Hindi ko kailanman naisip na siya si Apollo."Miss me, my love? It's been what? I know you still remember when we first meet, right?" Apollo laughed hard. Tanda ko ang lahat. Dahil hindi ko naman alam noon na siya pala iyon.FlashbackNovember 2012Frostier's College University"Lhaurize, please?" Arianne keeps nagging me to join her at the concert of her favorite band and I keep saying 'no' to her because in the first place I don't want to leave the house and I hate noisy and crowded places. It's semestral break and I'd rather stay at home than going out. "Nah. I want to sleep, Arianne. I knew for a fact that you're going to introduce someone to me again.""Well, yes. Kinda. But I want someone to ac

  • When She Cries   Chapter 44

    Chapter 44//revised version»»"Hon, will you be okay?" Makailang ulit na tanong pa sa akin ni Jaxon. Marahan akong tumango. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko. Tumingala ako upang hindi tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Ayokong makita niya akong mahina. Buhay ng anak namin ang nakasalalay sa gagawin kong pakikipagkita sa taong nagtatago sa pangalang Apollo. Oras na rin na tapusin ko na ang pananakot niya sa akin gamit ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko na papayagan na ang tulad niya ang hahadlang sa kasiyahan ng pamilya ko. Sapat na ang ilang taon na nagkahiwalay kami ni Jaxon. This time, I want my family to be complete. "Pero hon, kung sakali mang magbago ang isip mo handa akong harapin si Apollo." Fear, dread and sadness was written all over Jaxon's face. Ilang beses niya akong pinilit na siya ang dapat humarap kay Apollo ngunit nagmatigas ako. Problema ko ito. Ako ang kailangan ni Apollo at hindi siya. Sa akin ito may galit. Marahan

  • When She Cries   Chapter 43

    //revised version-Flashback October 2012Lhaurizeth Santillan POV"Lhaurize! Pupunta ka ba sa school festival mamaya?" Arianne asked me while we're walking at Johnson Hallway inside our university. It was Friday and the last day of school. Finally, I'll be saying hello to weekend! We're trying to get the new books in the library as we still have some academic task left and we need to finish it before the end of the semester. Here's the semestral break! Nilingon ko si Arianne na abala sa pagbuklat ng librong hawak niya. Sinagot ko ang tanong niya sa akin. "I'm not sure. Kailangan kong matapos itong task na pinagawa ni Professor Amelia. Sayang din kung hindi ko maeenjoy ang semestral break.""Pwede naman sigurong ipasa iyan next week. Minsan lang itong festival dito sa university kaya um-attend ka na. Gusto mo bang ipagpaalam kita sa parents mo?" I shook my head and make a 'No' sign. "Huwag na. Ako ng bahala magpaalam kay Mommy. Papayagan naman niya siguro ako." "Really? Yes! Ma

  • When She Cries   Hindi ito Update, survey lang haha

    Hello there! Una sa lahat maraming salamat sa pagbabasa at paghihintay sa kwentong ito. Medyo mabagal lang talaga ang update due to work and night shif life.Just a little request lang po lalo na sa mga sa mga readers po ng When She Cries dahil patapos na po ang kwento, ilang chapters na lang po actually, naiisip niyo na ba kung sino ang taong nagtatago sa pangalang Apollo? Comment po kayo kung sino ang naiisip niyo at kung sino ang makahula ng tama ay dedicated po sa kanya ang last chapters ng kwento. Thank you and happy reading! 🤎

DMCA.com Protection Status