Dalawang araw ang inilagi ko sa ospital. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay si Sebastian ang nag-asikaso sa akin. Hindi ko na ipinaalam kina Arianne ang nangyari dahil malamang na tatawagan agad nila si Jaxon kung nagkataon. Bukod doon ay hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko na may dalawang buhay sa sinapupunan ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sebastian na siyang tumulong sa akin. Noong una ay nahihiya pa ako dahil ilang araw pa lang kaming magkakilala ngunit heto siya at hindi ako pinabayaan. Siguro, swerte ko ng maituturing ang pagdating niya dahil inaamin kong kahit paano ay nagkaroon ako ng sandalan at kaibigan sa oras na pakiramdam ko ay mag-isa lamang ako.
Nakauwi na ako sa bahay at kasama ko pa rin si Sebastian. Hindi ko pa ipinapaalam kina Arianne ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil gusto kong bukod sa akin at kay Sebastian ay si Jaxon ang sunod na makaalam. Tungkol naman kay Rusty, wala na akong balita pa sa kanya. Hindi na siya nagpakita pa sa akin uKinabukasan habang maaga akong nag-aagahan ay isang hindi inaasahang tao ang bumalik sa bahay. Si Jaxon.Nasa dining area ako nang makarinig ng pagbukas ng gate sa bandang garahe namin. Sa pag-aalalang bumalik si Rusty ay mabilis kong kinuha ang isang Benchmade 860 Bedlam knife na iniwan sa akin ni Sebastian nang nagdaang gabi. Noong una ay ayoko pang tanggapin iyon ngunit sadyang makulit si Sebastian kung kaya't napilit niya akong itago ang pocket knife na iyon.Dahan-dahan akong lumabas sa dining area at halos maibagsak ko ang hawak na kutsilyo ng makita ang asawa ko. As usual, magkasalubong ang mga kilay nito at parang laging iritable. Pero hindi nakabawas ang magkasalubong niyang kilay sa kaguwapuhan niya.Mabilis kong tinago sa likuran ko ang hawak ko pagkatapos ay sinundan siya nang pumanhik siya paakyat sa itaas ng bahay."Napabilis yata ang uwi mo?" usisa ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay
"Sinubukan kong sabihin kaso nagmamadali siyang umalis. Mukhang hinahabol ang flight niya."I lied for the second time around."Kahit saglit hindi kayo nakapag-usap?"Umiling ako."Actually, gusto ko ng sabihin na kaso nagkaroon kami ng kaunting pagtatalo.""Kaya hindi mo na sinubukang sabihin?""Hindi na. Ayoko ring ma-stress.""And then what happened after?""He left me."Marahang tumango-tango si Sebastian nang ikwento ko sa kanya ang nangyari bago umalis si Jaxon. Dumating siya mga ilang minuto pagkatapos makaalis ng asawa ko. Balak ko pa sanang habulin si Jaxon para sana makilala si Sebastian ngunit hindi na umabot. Wala na ang sasakyan niya paglabas ko ng bahay. Talagang ganoon kagusto ni Jaxon na makalayo sa akin."Lhaurize, be honest with me. Maayos ba ang relasyon ninyong mag-asawa?"Hindi ako naka
"Ito ang bagay diyan Lhaurize.""Feeling ko mas maganda ang isang ito, Arianne.""Ang maganda pa ay pareho na lang natin na bilhin ito. Tutal alam mo na ang gender ng twins kaya mas mabuting dalawa na ang bilhin mo.""Sige na nga."Natatawang inilagay namin sa cart ang terno na blue at pink na baby dress. Kanina pa kami nagtatalong magkaibigan sa mga pinagpipilian naming damit ng kambal. At sa huli ay binibili ko rin ang mga pareho naming napili.Limang buwan na ang kambal namin ni Jaxon sa sinapupunan ko. Limang buwan na rin ang lumipas pagkatapos niya akong iwang buntis. Hindi na niya nalaman pa ang tungkol sa anak namin dahil nga sa natanggap kong divorce paper na galing sa kanya at nakikipaghiwalay na. Ang mas masakit pa doon ay nabuntis niya ang babaeng kasama niya sa Hongkong. Nalaman ko rin iyon nang makita ang larawan ng ultrasound ng babae na isinend sa email ko kaya kahit ayokong tanggapin ay ako na ang kusang sumang-ayo
"Hindi ka na ba papasok sa loob?" tanong ko kay Sebastian pagkababa ko sa kotse. Nasa harap na kami ng apartment na tinutuluyan ko. Wala namang isang oras ang biyahe mula sa mall hanggang dito. Kung minsan nga ay nilalakad ko pa iyon bilang exercise na rin. Si Arianne ang isa-isang nagpasok ng mga pinamili namin. Hindi naman hassle dahil nasa first floor lang ang kwarto ko. Unang kwarto pagpasok sa loob, katabi ng pwesto ng landord namin."No. I need to check the site. I'll drop off here before dinner. Dito rin naman mag-istay si Arianne at Hawk mamaya hindi ba?""Yeah. Plano nilang guluhin ang kusina ko," biro ko na ikinatawa niya."I see. See you later. Take care, okay?"Tumango ako bago nagpaalam na kay Sebastian. Pagkaalis niya ay pumasok na rin ako sa loob. Nadatnan ko si Arianne na inilalagay ang mga gamit at goods sa cabinet at sa hindi kalakihang refrigerator ko.Nang umalis ako sa
Mabilis na lumipas ang mga buwan. At anumang oras ay maari na akong manganak. Siyam na buwan na ang kambal sa sinapunan ko at excited na ako sa paglabas nila. Kinakabahan ako iyon ang totoo. Kaba dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa oras na makita sila. Excited naman dahil gusto ko na silang makita at mayakap.Kasalukuyang abala sina Arianne para sa nalalapit na paglabas ng kambal. Halos wala na akong gawin dahil kinuha na nila sa akin ang preparation. Noong isang araw pa sila aligaga sa paghahanda sa apartment ko. Plano pa nga ni Sebastian noong una na pansamantala muna akong mag-stay sa dati niyang bahay na caretaker na lang daw ang nakatira doon ngunit tumanggi ako. Bukod sa nakakahiya na sa kanya ay plano ko na rin namang bumili ng sarili naming bahay na mag-iina."How are you feeling?" Tumingin ako kay Sebastian na umupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Mahigpit akong kumapit sa kamay niya at naramdaman ko na marahan niya
After 3 years..."Kids, huwag kayong tatakbo sa malayo. Okay ba?"Naglatag ako ng mat sa tabi ng puno ng Narra at nilapag doon ang dalang picnic basket. Magkatulong naming inayos ng mga batang kasama ko ang basket."Yes, Mommy.""Ano nga ulit ang sabi ko everytime na nasa public places tayo?" tanong ko sa kanila. Lumapit sila sa akin sabay yakap sa leeg ko."Hmm.. Don't talk to strangers," sagot sa akin ng batang lalaki. Hinalikan ko ito sa noo ganoon din ang batang babae saka pinaupo ang dalawa sa magkabilang hita ko."Because?""Because they're bad?""Hindi naman sa ganoon anak, pero kailangan lang nating maging careful when it comes to strangers. Remember what Mommy told you, right?""Yes po Mommy. I understand," sagot sa akin ng anak kong si Malik. Ang unang lumabas nang manganak ako."How about you Margaux?""I un
Hindi ko magawang makapagsalita nang manatiling nakatutok ang atensiyon ni Jaxon sa dalawang bata. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya pagkatapos matitigan ang mga bata.Huwag naman sana niyang maisip na anak niya sina Malik kahit pa kitang-kita na ang pagkakahawig nilang mag-ama."I didn't know that you already have kids. It's been three years since we last saw each other," seryosong wika niya habang nasa mga bata pa rin ang atensiyon. Pasimple kong inilagay sa likuran ko ang mga anak ko upang hindi na sila makatitigan ni Jaxon. Yumakap naman sa binti ko ang dalawa habang sinisilip ni Margaux ang tatay niya."Y-yeah. It's been three years. Siya ang napangasawa mo, hindi ba?" tanong ko sa kanya at tumingin kay Margareth na ngayon ay matamang nakatingin sa akin. Kilala ba niya ako? Alam niya kayang ex-husband ko si Jaxon?Mayamaya pa ay naglaro na siya
Kinabukasan ay parang normal lang ang lahat. Hindi ko masyadong inisip ang pagkikita namin ni Jaxon at ng mga bata nang nagdaang gabi. Pero masyado yatang mapagbiro ang tadhana o baka talaga ako ang napagtitripan nito ngayon."Good morning Miss Lhaurize." Nakangiting bati sa akin ng guard sa entrance ng company pagdating ko."Good morning din ho," ganting bati ko rito. Pagdating sa elevator ay ilang minuto pa akong naghintay bago bumukas iyon. Nag-ring pa ang cellphone ko ngunit hindi ko na pinagkaabalahang sagutin lalo na nang makita kong katrabaho ko lang ang tumatawag. Hindi naman ako late kaya alam kong wala akong dapat ipag-alala. Malapit na rin naman ako sa floor namin.Mabilis akong lumabas ng huminto sa 12th floor ang elevator at dumiretso sa opisina namin. May ilang bumabati sa akin na ginagantihan ko rin ng ngiti."Lhaurize, ipinapatawag ka ni Boss sa opisina niya."Pagdating ko pa lamang sa station ko ay bum
//revised version»»Flashback (two months after the secret wedding)"Nakikita mo ba kung anong nakikita ko?" I frowned because of Arianne's question. Tahimik akong kumakain ng lunch nang umupo siya sa katapat kong upuan. "Anong nakikita mo?" tanong ko pa. May kung anong nginuso siya kaya lumingon ako at sinundan iyon ng tingin. Sa pangatlong table mula sa akin ay nakita ko kung ano ang tinutukoy niya. Jaxon Dela Vega is sitting on the third table. Wala itong kasama at tahimik lamang na kumakain. Iyon ang unang beses na nakita ko siyang kumain sa cafeteria dahil madalas na usapan na sa mga restaurant ito kumakain tuwing lunchtime. Hindi ko alam pero baka nagbago dahil sa naging issue tungkol sa kumpanya nila. "Kung ganyang araw-araw ko makikita si Jaxon na dito kumakain baka bilhin ko na ang buong cafeteria," rinig kong saad ng isang estudyante malapit sa amin. Nang tingnan ko si Arianne ay tila kinikilig pa ito. "Ngayon ka lang nakakakita ng lalaki, Arianne?" pang-asar ko saka mu
//revised version--Flashback(one month after the secret wedding)"Oh my g! Jaxon Dela Vega is here!" Agad kong tinigil ang ginagawa ko nang marinig ang malakas na boses ni Arianne mula sa labas ng classroom. Sinara ko ang librong binabasa saka tumayo at lumabas para lapitan ang kaibigan ko. Nakita kong nagkumpulan na rin ang ilang estudyante sa tabi niya at nasa iisang direksiyon ang atensiyon nila. Nang sundan ko iyon ay nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakatayo ito sa tapat ng isang estudyanteng lalaki habang hawak ng isang kamay ang kwelyo ng una. Mukhang may alitan sila dahil hindi maipinta ang mukha ng matangkad na lalaki. Kahit nakatagilid ang pwesto nito mula sa amin ay kapansin-pansin ang makapal na kilay nito at ang tila perpekto ang pagkakaukit sa pangahan ng lalaki. Maputi at tila aakalain mo na nakalipstick ang mapulang labi nito. Almost perfect na sana kung hindi ko lang kilala kung sino ang lalaking iyon. "Grabe! Ano kayang kasalanan ng lalaking 'yon kay Jax
Chapter 48//revised version»»"So.. what will happen now?" I sighed when Sebastian asked me that question. Two days had passed since we spoke with Rusty. Tuwing gabi siya dumadalaw kay Jaxon para magbigay ng balita tungkol sa paghahanap kay Margareth. Ang kapatid nitong si Hawk ay dinala na sa presinto at naipasa na sa korte ang kaso nito. Mamayang ala una ng hapon na rin ang labas ni Jaxon at Malik sa hospital. Mabilis ang naging paggaling ng mag-ama ko kaya pwede na silang madischarge. Ayoko pa sanang ilabas sila pero mapilit si Jaxon. Ang rason niya ay mas mapapabilis ang paggaling ni Malik kung nasaan ito. "Magkakaroon ng paglilitis sa kaso ni Hawk. Mas mabuti na rin iyon para maging maayos na ang lahat. Si Margareth na lang talaga ang problema ngayon." "Hindi pa rin ba siya nahahanap?" "Hindi pa. Pero sana ay mahanap na siya." "I hope so." Pareho kaming natahimik ni Sebastian at pinagmasdan ang natutulog kong anak katabi ni Jaxon. Hinihiling ko na sana, matapos na ang probl
Chapter 47//revised version»»"What are you thinking?"Nilingon ko si Jaxon nang makita itong gising na. Nakaangat ang hospital bed niya habang nakadapa si Malik sa dibdib niya habang natutulog ito. Nagising na rin ang anak namin at ipinagsalamat ko na kahit paano ay nakausap ko nang maayos ang anak ko. Hindi naging matagal dahil muling natulog si Malik. Wala naman daw problema ayon sa doktor. Ilang araw lang din at magiging maayos na rin siya at hindi na mapapadalas ang pagtulog dahil na epekto ng drugs na ipinaamoy sa kanya ni Hawk. Lumapit ako kay Jaxon at hinalikan ito sa labi. "How are you feeling?" tanong ko saka umupo sa tabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga iyon ng isa pang kamay niya. "I'm getting better. You already gave me my medicine." Natawa na lang ako sa gamot na tinutukoy niya. "Ikaw? Are you doing well, hon?" Ako? Ayos ba ako? "I am. Nandito ka na, eh." "I love you, Lhaurize." "I am in love you too, Jaxon Dela Vega." Nanatili kaming magk
Chapter 46//revised version»»Jaxon was shot on his left chest. We immediately rushed to the hospital after what happened. He became unconscious. Nakatulala lamang ako hanggang sa pagdating namin sa ospital. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko. Ang anak ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising o si Jaxon na walang malay dulot ng tama ng bala sa dibdib. Oh God.. Napapapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha sa mata ko. Tila ngayon ko naramdaman ang panghihina pagkatapos ng mga nangyari. Si Hawk.. na hindi ko akalaing nagtatago sa pangalang Apollo. Wala akong ideya kung paano nagsimula ang pagiging obssessed niya sa akin. Maayos ko siyang nakasama sa loob ng ilang taon dahil sa pagiging magkapatid nila ni Arianne at wala akong nakitang kakaiba sa mga kilos at pananalita niya noon. I never imagined that he's behind all the threats I received from Apollo. "Lhaurize!" Patakbong lumapit sa akin si Arianne at lumuhod sa tabi ko. Kasama niya si Sebastian na karga si Margaux
Chapter 45//revised version»»"Ikaw? Paanong.."Hindi ako makapaniwala sa taong kaharap ko ngayon. Gusto kong gumising kung panaginip lang ito. All this time ang taong ito ang dahilan kung bakit halos gabi-gabi akong natatakot para sa mga anak ko. Pero bakit? Bakit sa lahat ay siya pa? Hindi ko kailanman naisip na siya si Apollo."Miss me, my love? It's been what? I know you still remember when we first meet, right?" Apollo laughed hard. Tanda ko ang lahat. Dahil hindi ko naman alam noon na siya pala iyon.FlashbackNovember 2012Frostier's College University"Lhaurize, please?" Arianne keeps nagging me to join her at the concert of her favorite band and I keep saying 'no' to her because in the first place I don't want to leave the house and I hate noisy and crowded places. It's semestral break and I'd rather stay at home than going out. "Nah. I want to sleep, Arianne. I knew for a fact that you're going to introduce someone to me again.""Well, yes. Kinda. But I want someone to ac
Chapter 44//revised version»»"Hon, will you be okay?" Makailang ulit na tanong pa sa akin ni Jaxon. Marahan akong tumango. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin mula sa likuran ko. Tumingala ako upang hindi tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata ko. Ayokong makita niya akong mahina. Buhay ng anak namin ang nakasalalay sa gagawin kong pakikipagkita sa taong nagtatago sa pangalang Apollo. Oras na rin na tapusin ko na ang pananakot niya sa akin gamit ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko na papayagan na ang tulad niya ang hahadlang sa kasiyahan ng pamilya ko. Sapat na ang ilang taon na nagkahiwalay kami ni Jaxon. This time, I want my family to be complete. "Pero hon, kung sakali mang magbago ang isip mo handa akong harapin si Apollo." Fear, dread and sadness was written all over Jaxon's face. Ilang beses niya akong pinilit na siya ang dapat humarap kay Apollo ngunit nagmatigas ako. Problema ko ito. Ako ang kailangan ni Apollo at hindi siya. Sa akin ito may galit. Marahan
//revised version-Flashback October 2012Lhaurizeth Santillan POV"Lhaurize! Pupunta ka ba sa school festival mamaya?" Arianne asked me while we're walking at Johnson Hallway inside our university. It was Friday and the last day of school. Finally, I'll be saying hello to weekend! We're trying to get the new books in the library as we still have some academic task left and we need to finish it before the end of the semester. Here's the semestral break! Nilingon ko si Arianne na abala sa pagbuklat ng librong hawak niya. Sinagot ko ang tanong niya sa akin. "I'm not sure. Kailangan kong matapos itong task na pinagawa ni Professor Amelia. Sayang din kung hindi ko maeenjoy ang semestral break.""Pwede naman sigurong ipasa iyan next week. Minsan lang itong festival dito sa university kaya um-attend ka na. Gusto mo bang ipagpaalam kita sa parents mo?" I shook my head and make a 'No' sign. "Huwag na. Ako ng bahala magpaalam kay Mommy. Papayagan naman niya siguro ako." "Really? Yes! Ma
Hello there! Una sa lahat maraming salamat sa pagbabasa at paghihintay sa kwentong ito. Medyo mabagal lang talaga ang update due to work and night shif life.Just a little request lang po lalo na sa mga sa mga readers po ng When She Cries dahil patapos na po ang kwento, ilang chapters na lang po actually, naiisip niyo na ba kung sino ang taong nagtatago sa pangalang Apollo? Comment po kayo kung sino ang naiisip niyo at kung sino ang makahula ng tama ay dedicated po sa kanya ang last chapters ng kwento. Thank you and happy reading! 🤎