Third Person POVLahat ay nakatulala lamang at hindi labis na makapaniwala sa nangyari samantalang ang mga hikbi ni Kaiden ang nangingibabaw sa lahat. Kasalukuyan silang nandito ngayon sa hospital at nawalan na ng pag-asa nang maideklara ng doctor na dead on arrival na pala ito.Walang ibang magawa si Theo kundi ilabas nalamang ang mga luha habang wala na itong pakialam sa kung ano ang maging hitsura niya habang nakasandal sa pader at nakayaka. Nakayuko lamang ito habang yakap ng mga braso nito ang magkabilang tuhod. Tila nagmumukha itong bata sa naging posisyon. Habang bumabyahe sila papunta dito sa hospital ay mabuti nalang at nagawa pa niyang kontakin ang pamilya. Sa pagkataranta ay hindi na niya alam kung sino ang unang natawagan, nalaman nalang niyang si Ate Loraine niya pala ito nang sumagot ito sa kabilang linya.Ilang oras na ang lumipas bago ideneklara ng doctor ang nangyari at saktong kakadating lang din nina Loraine. Nalaman nadin ito ng magulang ni Theo dahil nagkataong m
Mag tatatlong linggo na ang nakalipas simula nang ma discharge ako sa hospital. Naging matiwasay naman ang buhay ko at bumalik ulit ako sa dati kong routine o gawi. Lahat ay masaya sa pagbabalik ko, may time din na bumisita ako doon sa Bahay Ampunan dahil gusto akong makita nina Madre Ofelia at kahit papaano ay naging masaya naman ako doon.Pero hindi parin nawawala ang kabigatan ng dibdib ko kahit anong pilit kong gawing abala ang sarili ko sa trabaho namin sa pag o-organize ng mga event na natatanggap namin sa mga clients namin. May mga araw na nakakalimutan ko ang nararamdaman pero sa oras na matapos ang araw ko at makauwi na sa apartment ko ay doon ko nararamdaman ulit ang paninikip ng dibdib, tila nangungulila ako pero hindi ko alam kung ano o sino.Wala naman na akong kinikilalang pamilya maliban sa mga katrabaho ko at ang mga tao doon sa bahay ampunan na pinagmulan ko. Kaya nga nitong mga nakaraang araw ay panay ang bisita ko doon sa bahay ampunan at baka nami-miss ko lang ang
"Binasa niyo na po ba lahat? As in lahat?" Kinuha ko pa ang papel at ipinakita sakanya ang bawat parte na nakasulat doon. Hindi ako makapaniwala na sang-ayon siya sa lahat ng plano at ginawa ko maski ang mga idea na gusto naming gawin sa event. "Nakinig naman po kayo diba? Sa diniscuss ko sainyo kanina?"Napakunot ang noo niya. "Kahit iulit ko pa lahat ng sinabi mo Camelle" malamig ang boses niya at napakahinahon ngunit ramdam ko ang giit. Nagtaasan tuloy ang mga balahibo ko sa braso sa di malamang dahilan. "Hindi sa ayaw kong pumayag ka Sir——"Theo" pagtatama niya sakin and this time ay naging seryoso na ang mga titig niya sakin. Napailing nalamang ako."Okay! What I want to know is——is this for real? Pipirma ka agad-agad? Hindi ka man lang ba mag tatanong o di kaya——"I trust you so I dont have nothing to worry about""Ha?" Naguguluhan kong sabi na tila hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya. May tiwala siya sakin? Bakit? Paano? Saan? Kailan? Naninibagohan ako. Kadalasan nam
Ilang minuto lang ay namataan ko si Sir Theo na papalapit sa kinaroroonan namin kaya naman ay napatayo ako agad habang karga ko parin ang anak niya sa mga bisig ko. Mukhang nakatulog na ata ang bata sa balikat ko dahil namimigat na ang bawat paghinga nito."I'm sorry, naging abala pa kami sa oras mo——"Naku ayos lang talaga, promise. Wala na rin naman akong lakad pagkatapos ng meeting natin. Sadyang ito lang talaga ang lakad ko ngayon" pagbibigay assurance ko sakanya para hindi na siya mag-alala at mag-isip pa ng kung ano-ano."Akin na ang bata"Lumapit ako kay Sir Theo para ibigay sakanya ang anak ngunit nagising nalang ito bigla at tila napagtantong mahihiwalay siya sakin kaya naman ay umiyak ito at tila naalimpungatan pa. "Mama" Hindi ko siya maibigay ng tuluyan sa Papa niya dahil bigla akong hinawakan ng bata sa laylayan ng damit ko sa may braso."Kaiden" mahinahon pagbabanta ng Papa niya sakanya. Naluluhang napalingon sakanya ang bata at napailing.Naaawa ako. Mas lalong ayaw k
Kinabukasan ay nagkataong walang kliyenteng naka assign sa team namin dahil last week ay kakatapos lang ng mga naganap na mga event na natapos na naming e-organize kaya paniguradong mahina nanaman ngayon ang mga pupuntang kliyente namin ngayong linggo. Wala naman kasing masyadong ganap ngayong katapusan ng Agosto maliban nalamang sa mga birthday parties.Speaking about doon sa proposal ay tuwang tuwa naman si Madam Ressa na siyang nagmamay-ari nong mumunting kompanya na pinagtatrabahuan namin. Lahat kami ay masaya dahil sa naging successful ang proposal. Nag set na nga kami ng date kung kailan ulit kami magme-meeting kasama si Sir Theo at para maiplano na namin ng maayos ang magiging flow ng event. At dahil day off ko ngayon inabala ko muna ang sarili kong mamasyal dito sa mall at para pumunta narin dito sa supermarket nila at bumili ng groceries dahil paubos na ang mga stock ko doon sa ref. Nagyaya pa saamin si Ysha sa group chat namin na mag FoodCamp raw kaming lahat ngayong 6pm do
Hanggang sa dumating na ang order namin ay nagsimula na kaming kumain. Minsan ay tinutulungan ko ang bata sa pagkain. Nasa tabi ko kasi ito samantalang si Theo ay nasa harapan namin. Sinubuan ko pa ang bata ng spaghetti at pasimpleng pinahiran ang sauce ng spaghetti na dumikit pa sa pisngi at gilid ng labi niya."Nagustuhan mo?" nakangiti kong tanong sa bata. Napatango lamang ito dahil sa napupuno ang bibig niya sa pagkain. Nang malunok na niya ito at wala ng laman ang bibig ay saka ito nagsalita."Masarap po ang spaghetti Mama pero mas gusto ko po ang luto niyo po" ngumiti nalamang ako sa sinabi niya. "Sige na, continue eating ka na dyan" natatawa ko nalang sabi. Mamaya ko nalang siya pupunasan pagkatapos niyang kumain. Hindi talaga naiiwasan sa mga bata na madumihan sa tuwing kumakain sila.Nakakalungkot. Gusto niya daw ang luto ng mama niya. Tuloy bigla akong nagkaron ng kuryosidad sa kung ano ang nangyari sakanila. But I know my limitations. Hindi ko ugali ang manghimasok sa buh
Sabay kaming dalawa ni Sir Theo na napatingin sa labas. Binuksan niya pa ang bintana ng kotche niya to make sure kung umuulan ba talaga at nang mabuksan ay mabilis niya rin naman iyong isinirado dahil sa sobrang lakas ng ulan na tila gusto pa atang pumasok sa loob ng kotche.Grabe, ang lakas ng hangin at halos mabingi kami sa lakas at tunog na dulot ng ulan. Biglang tumunog ang cellphone ko senyales na may nagchat sakin. Napansin ko pa ang paglingon sakin ni Sir Theo nang kunin ko ang cellphone ko sa tote bag ko. Tinignan ko kung sino ang nag chat. Si Ysha lang pala.'Camelle, mabuti nalang hindi ka tumuloy. Ang lakas ng ulan babagyo ata! Mukha na kaming basang sisiw dito na nagsiksikan sa loob ng tent hahahaha ang iba nagsiuwian'Natawa ako bigla kaya naman ay nagtipa agad ako sa keyboard para replyan si Ysha."Who's that?" Napatingin ako kay Sir Theo."Si Ysha po, nag chat sakin" sagot ko pa sakanya at itinuon ulit ang atensyon ko sa cellphone.'Ingat kayo. Umuwi agad kayo kapag
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda dahil may pasok pa ako sa trabaho ngayong alas otso ng umaga pero laking gulat ko nalang nang namataan kong nakaayos ng nakatiklop ang kinahihigaan ni Sir Theo kagabi. Napakunot ang noo ko nang marinig na tila may nagluluto sa kusina.Nanlaki nalang bigla ang mga mata kong makita siyang nagluluto roon ng fried rice."Morning" nakangiti niyang bati sakin nang mapansin niya akong nakasilip mula dito sa may sala. "I'm sorry kung nakialam na ako don sa pinamili mong grocery kahapon""Ay hala ayos lang" umiling pa ako na tila sinasabi kong walang problema iyon sakin."Nagluto nalang ako nito for giving our gratitude sa pagpa-stay mo samin dito sa bahay mo"Nakakahiya! Siya pa talaga ang nagluto. Kaya nga maaga akong gumising para kahit papaano ay mahandaan ko ng agahan ang mga bisita ko. Naunahan pa ata ako ni Sir Theo."Camelle" naguguluhan akong napaturo sa sarili ko nang humarap siya sakin at senenyasang palapitin ako sakanya para ipatik
I want to write my acknowledgement before I say goodbye to you guys. To my dear readers who support me in my writing journey, reading my story and patiently waiting for my updates, Thank you. I really appreciate you guys, hindi ko matatapos ang kwentong to kung wala kayo at kung hindi dahil sa inyo. You give me strength, inspiration and motivation to finish this work! This is not only my success but also your success. You have been a part of my journey so I am very grateful to you guys. Giving your time and having the effort to read my story, for the votes, for following me and adding my story to your reading list has a big impact on me as an aspiring writer. I am sending you my virtual hug for giving my gratitude sa inyong lahat. Thank you. Until we meet and interact again here! Lovelots 🫶
Abala ako ngayon sa pagluluto ng dinner namin hanggang sa biglang dumating si Kaiden sa kinaroroonan ko na may dalang notebook at lapis. Napangiti akong humarap sakanya habang panay parin ang paghalo ko dito sa niluluto kong beefsteak."Oh? What's wrong Baby?" Tinigil ko muna ang paghahalo at tinakpan ko muna ang niluluto ko para magsteam muna ito. Nilapitan ko si Kaiden at hinaplos ang kanyang buhok."Mama can you help me po dito sa assignment ko?" "Oo naman, let me see daw" kinuha ko ang dala niyang notebook at tinignan ang nakalagay na task na gagawin nila. "Ay madali lang to Baby, don't worry Mama will help you okay? Gagawa lang tayo ng tula about environment""Talaga po? Pero hindi po ako magaling gumawa ng tula Mama""Tuturuan kita pero saka na pag natapos natong niluluto ko. Kain muna tayo para may laman ang tiyan mo bago tayo gumawa ng assignment" napangiti siyang napatango at niyakap ako. Napangiti nalamang rin ako.Dati lang ay nasa may bandang hita ko palang ang tangkad n
"Kalma, chill ka lang. Nagbibiro lang ako" napaiwas siya ng tingin at basta nalang pinaandar ang sasakyan."To naman oh! Inaasar lang kita. Ang cute mo kasing magtampo, sarap mong isako" napatingin siya ulit sakin kaya napahalakhak nalamang ako ng tawa."Ah okay. Looks like you're enjoying teasing me like this" ang boses niya ang mukhang nanghahamon at tila may binabalak pang gumanti sakin pagnagkataong makahanap siya ng tyempo."Pero Theo" bigla akong sumeryoso para makalimutan niya ang kung ano mang balak niya saking pang-aasar. Tila gusto kong isingit muna ang tungkol doon sa nangyari kanina."What now" ngiting nanghahamon ang ipinakita niya sakin ngunit bigla rin namang nawala ang mapang-asar niyang mga tingin nang mapansin niyang seryoso lang ako."Kanina" panimula ko pa. Ipinark niya muna ang kotche sa gilid ng kalsada kaya naman ay napakunot ang noo ko at nagtaka."Bakit ka huminto? Baka hindi pwedeng mag park dito""Wala namang nakabantay at saka gusto kong makinig sayo ng maa
Ganito naman talaga ang buhay, bawat araw may panibago tayong pagsubok na haharapin, bawat minuto o oras ay may iba't iba tayong gustong gawin. Sa mga lumilipas na mga araw, buwan at taon, nagkakaroon tayo ng panibagong gustong gawin sa buhay at mga pangarap na gusto nating abutin.At ngayon na dumating na saakin ang matagal ko ng hinihiling, hindi ko hahayaang mawala ito sakin. Dahil ibinigay at itinupad ng Diyos ang pangarap kong to na magkaron ng pamilya, Nag-iba naman ngayon ang pangarap ko at ito ay ang maging isang mabuting Ina para kay Kaiden. Iparamdam sakanila ang pagmamahal at pag-aaruga ko na gusto kong maranasan at maramdaman nila. Lalo na kay Theo. Gusto kong ibigay at ibuhos sakanila ang buong atensyon at oras ko. May iba mang hindi sang-ayon at dismayado sa naging desisyon ko ayos lang sakin. Naiintindihan ko ang opinyon ng iba kong kaco-workers at nasasayangan pa sakin pero ayos lang naman sakin dahil sadyang magkaiba talaga tayo ng mga opinyon at pananaw sa buhay. Ni
KINABUKASAN ay nagpaalam ako kay Theo na aalis muna ako ng bahay at pumunta doon sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Kaya naman ay hinatid na niya ako papunta doon, malayo pa naman ang alas otso kaya mahahatid pa niya ako, wala rin siyang pakialam kung ma late siya sa pagpunta doon sa sarili niyang kompanya basta ang sabi niya sakin mas gugustuhin niyang ihatid muna ako bago siya pumunta sa trabaho.Si Kaiden naman ay nakombinsi naming babalik din kami agad. Naaawa ako sa bata dahil wala siyang kasama tuloy sa bahay maliban kina Manang. Mabuti nalang at napaintindi namin ang bata at sinabing maghihintay nalang siya sa pagdating ko at sa Papa niya.Habang nasa kotche at bumabyahe ay napatanong ako kay Theo."Theo""Hmm?" Nakangiti niyang usal habang ang atensyon ay nasa kalsada. Nagnakaw pa siya ng tingin sakin."Paano ang apartment ko?" Nababahala kong sabi. Kanina ko pa kasi iniisip ang apartment ko lalo na ang trabaho ko. Hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong hihingi nalang ng
"Ay Oh? Napano po yang si Sir Maam?" Ang gulat na si Keira ang bumungad samin ng makarating kami dito sa may sala. Kasalukuyang nagliligpit ngayon sina Keira at Ate Ruby samantalang si Manang naman at nandoon sa Kusina.Nabaling ang atensyon ko kay Theo. Karga ko na nga si Kaiden sa mga bisig ko ay mukhang may nag-aaktong bata pa dito sa gilid ko na naka-akbay sakin habang ang pagmumukha na nito ay nakasandal na sa may leegan ko. Kung titignan mo siya mukha siyang lasing na naglalambing sakin."Malakas ang tama, Keira" sira ang mukha kong sumagot kay Keira. "Kay laking tao, nagiging bata naman sakin" Natawa nalamang si Keira samantalang si Ate Ruby naman ay napatakip sa bibig na nagpipigil ng tawa."Let's sleep now Hon. Inaantok na rin ako" paglalambingan pa sakin ni Theo na dalawang braso na niya ang yumakap sa may balikat ko habang ang baba na nito ay nakapatong na sa may balikat ko at nakaharap na sakin ang mukha niya. Bahagyang napalayo ang mukha ko sakanya dahil sa sobrang lapit
"Hi" maikli ngunit may bahid na ngiti namang bati sakin ng asawa ni Ate Loraine na si Rius. Hindi ko alam kung bakit kinabahan nalang ako bigla nang nakipagkamay na ako sakanya.Ngumiti lamang ako pabalik sakanya at bahagyang napatango senyales ng pagbati ko rin sakanya pabalik.Pero nang matapos silang makipagkilala sakin at tinignan ko sila isa-isa ay hindi ko na napigilan ang sariling maiyak kaya naman ay agad akong napatalikod sakanila at panay ang pagpunas ko sa mga luhang nagsituluan nalang bigla. Nakakahiya, masyado akong naging OA sa harapan nila. Ganon ang iniisip ko, kaya ayaw kong umiiyak kasi iniisip ko bigla na nagiging OA lang ako masyado."Aww Camelle is crying" tuloy ay naiiyak na rin ang Mama ni Theo. "Hey, it's okay. Sshh" lumapit sakin si Theo at niyakap ako bigla. Panay ang paghagod niya sa balikat ko. Napayakap nalamang ako sakanya at ibinaon ang mukha ko sa may dibdib niya. Nahihiya akong umiyak sa harap ng pamilya niya. Hindi ko alam kung bakit naging iyakin
"Hon, Hon! Wake Up! They are here"Naalimpungatan ako sa pagtapik ni Theo sa magkabila kong pisngi. Bumungad sakin ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Napakunot ang noo ko at agad na napabalikwas ng bangon nang makita ko ang kabuuan niyang bihis na bihis. Anak ng!"Anong oras na?""8AM"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano!?""Let's go, Nandon sila lahat sa baba. They want to see you" nakangiti pa niyang hinila ang mga braso ko na animo'y isang batang nagyayang maglaro."Teyka! Ano?!" Natawa siya sa naging hitsura ko kaya naman ay natataranta akong napaalis sa kama at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Kung magliligpit ba ng higaan o mag-aayos ng sarili. Sa huli ay natampal ko sa braso si Theo."Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong sabi at wala sa sariling tiniklop ang mga bedsheets. Matalim ko siyang tinignan nang tumawa ulit siya. "Ikaw! Wag mo kong tinatawanan dyan. Bihis na bihis ka pa dyan ni hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako" panenermon ko sak
"Uy napano po si Kaiden Maam?" nag-aalalang bungad samin ni Ate Ruby na may dalang laundry basket. Kakapasok niya lang dito at namataan niya akong nakasandok dito sa rice cooker habang ang kaliwa ko namang braso ay karga ko ang batang mahigpit paring nakakapit sakin sa may leegan. Medyo nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero ayos lang ito sakin, kaya ko namang magsandok habang karga ko siya. Gusto ko ring pagaanin ang loob ng bata."Namiss ako Ate Ruby kaya ito, ayaw nang humiwalay sakin" nakangiti kong sabi kaya napamaang nalamang si Ate Ruby."Ay naku, ako nalang dyan Ma'am. Mukha ka talagang nahihirapan dyan. Ako na ang magsasandok ng kanin" agad siyang pumalit sa pwesto ko at napalayo naman ako. "Salamat po""Nangungulila talaga sayo yang bata. Halos araw-araw po yang naghahanap sayo. Mabuti nalang at lagi siyang pinapatahan ni Sir Theo at pinapakalma""Talaga?" Nanghina ang boses ko at gumaralgal ng kunti. Napayakap ako lalo sa bata para iparamdam sakanyang nandito lang ako sa