Sabay kaming dalawa ni Sir Theo na napatingin sa labas. Binuksan niya pa ang bintana ng kotche niya to make sure kung umuulan ba talaga at nang mabuksan ay mabilis niya rin naman iyong isinirado dahil sa sobrang lakas ng ulan na tila gusto pa atang pumasok sa loob ng kotche.Grabe, ang lakas ng hangin at halos mabingi kami sa lakas at tunog na dulot ng ulan. Biglang tumunog ang cellphone ko senyales na may nagchat sakin. Napansin ko pa ang paglingon sakin ni Sir Theo nang kunin ko ang cellphone ko sa tote bag ko. Tinignan ko kung sino ang nag chat. Si Ysha lang pala.'Camelle, mabuti nalang hindi ka tumuloy. Ang lakas ng ulan babagyo ata! Mukha na kaming basang sisiw dito na nagsiksikan sa loob ng tent hahahaha ang iba nagsiuwian'Natawa ako bigla kaya naman ay nagtipa agad ako sa keyboard para replyan si Ysha."Who's that?" Napatingin ako kay Sir Theo."Si Ysha po, nag chat sakin" sagot ko pa sakanya at itinuon ulit ang atensyon ko sa cellphone.'Ingat kayo. Umuwi agad kayo kapag
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda dahil may pasok pa ako sa trabaho ngayong alas otso ng umaga pero laking gulat ko nalang nang namataan kong nakaayos ng nakatiklop ang kinahihigaan ni Sir Theo kagabi. Napakunot ang noo ko nang marinig na tila may nagluluto sa kusina.Nanlaki nalang bigla ang mga mata kong makita siyang nagluluto roon ng fried rice."Morning" nakangiti niyang bati sakin nang mapansin niya akong nakasilip mula dito sa may sala. "I'm sorry kung nakialam na ako don sa pinamili mong grocery kahapon""Ay hala ayos lang" umiling pa ako na tila sinasabi kong walang problema iyon sakin."Nagluto nalang ako nito for giving our gratitude sa pagpa-stay mo samin dito sa bahay mo"Nakakahiya! Siya pa talaga ang nagluto. Kaya nga maaga akong gumising para kahit papaano ay mahandaan ko ng agahan ang mga bisita ko. Naunahan pa ata ako ni Sir Theo."Camelle" naguguluhan akong napaturo sa sarili ko nang humarap siya sakin at senenyasang palapitin ako sakanya para ipatik
"Huy Te, feel ko talaga type ka non" biglang sabi sakin ni Ysha sabay pulupot ng mga braso niya sa braso ko nang makalabas kami mula doon sa conference room."Oo nga, Pansin ko rin eh" sabat naman ni Krysha na isa sa mga photographer namin. "Camelle. Advice lang, lalaki din ako kaya sure din akong malakas ang tama non sayo. Ano? Resbakan ba natin?"Napapikit nalamang ako sabay hilot sa may leegan ko dahil sa sinabi ni RJ na isa rin sa taga video editing ng team."Magsitigil nga kayo. Baka ganon lang talaga ang tao——"Kung makatitig eh parang ikaw lang ang taong nandoon sa conference room?" Mas lalo akong nawalan ng emosyon sa sinabi naman ni Ysha.Makalipas ang dalawang araw ay bigla nanaman kasing tumawag itong si Sir Theo. Well actually this is our fifth meet up na kasama na ang ka team ko. Naging maayos naman ang daloy ng pagpupulong naming lahat sa makalipas na limang araw. Magaan naman kasama sa work si Sir Theo at halos sumasang-ayon siya sa mga suggestions namin and actually r
Ilang segundo lang ay itinaas na niya ang ulo sa pagkakahiga sa mesa. Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at humarap ng tuluyan sakin. Tila nakaipon na ito ng lakas at tapang na harapin ako nito."Can you come with me? I just have something to show you. I forgot to bring it here because I was in a hurry to go here para makita ka"Napakunot ang noo ko at bahagyang kinilabutan. Anong ipapakita niya sakin? At mas lalong saan naman niya ako dadalhin? Baka may gawin pa itong masama sakin, kahit na mayaman at gwapo ang lalaking to ay hindi parin ako dapat makaramdam ng kampante at ibigay basta-basta ang tiwala ko sakanya.Oo at nagkaron din naman kami ng samahan ni Sir Theo at nakabonding ko pa sila ng anak niya sa mall at doon sa bahay ko pero sa kaisipang ako na mismo ang pupunta sa place niya ay hindi ko maiwasang kabahan at matakot sa mga posibleng mangyari sakin. Ayaw ko ring paghinalaan akong kabit ng mga taong nakakakilala sakanya."May gusto ka ba sakin?" walang emosyon kong sabi. Mas
"Let's go?" malambing ang boses niya nang pinagbuksan niya ako ng pinto dito sa kanyang Kotche. Napasilip pa ako sa labas at bigla nalamang akong kinabahan. Tama ba tong naging desisyon kong sumama sakanya? Napatingin ako sa pagmumukha niyang maaliwalas at nakangiting naghihintay sakin na bumaba na. Mukhang wala naman siyang masamang balak sakin kaya hindi ko na dapat tinatakot pa ang sarili ko at mag-isip ng kung ano-ano.Hindi naman siguro takas sa mental ang lalaking to diba?Isa pa, sinabi niya sakin na nandito ang anak niya kaya kung may mangyari mang masama edi ang anak niya nalang na si Kaiden ang tatakbohan ko. Mas kampante pa ako sa bata at mukhang makakasundo ko pa kaysa dito sa lalaking to na ang lakas ng apog sa sarili at basta nalang akong nadala dito sa harap ng bahay niya.Buong biyahe ay tahimik lamang ako samantalang itong si Theo naman ay panay lang ang tingin sakin. Mas mukhang nagpopokus pa nga siya sakin kaysa sa kalsada kaya ayon nasermonan ko ng wala sa oras at
Hindi ako nagsalita. Wala akong ginawa. Ang nasa isip ko lang ay gusto ko munang mapag-isa at i-absorb ang lahat."Uuwi na ako. Gusto ko munang magpahinga at mag-isip—"You can rest here" napatitig nalamang ako sakanya. Ang mga mata niya ay nakikiusap at umaasa."Camelle, I know this is hard and not easy for you to absorb it all but can you do and follow what I want?" Nakikiusap niyang saad sakin. Tulala lamang akong nakatitig sakanya at taimtim na nakikinig habang hawak niya parin ang magkabila kong mga pisngi. "I am trying Camelle. I just want and hoping you to remember and maybe if you come back here maybe your memories will come back too"Nang hindi parin ako sumasagot ay dahan-dahang dumaosdos ang kanyang mga palad palayo sa pisngi ko na tila nawawalan ng pag-asa. "But It's up to you kung ayaw mong buma——"No, H-hindi sa ganon" pagputol ko sa sasabihin niya at napaiwas ng tingin.Sa katunayan nga ay kahit na wala man akong maalala ay nangingibabaw saakin ang kagustuhan kong buma
"Uy napano po si Kaiden Maam?" nag-aalalang bungad samin ni Ate Ruby na may dalang laundry basket. Kakapasok niya lang dito at namataan niya akong nakasandok dito sa rice cooker habang ang kaliwa ko namang braso ay karga ko ang batang mahigpit paring nakakapit sakin sa may leegan. Medyo nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero ayos lang ito sakin, kaya ko namang magsandok habang karga ko siya. Gusto ko ring pagaanin ang loob ng bata."Namiss ako Ate Ruby kaya ito, ayaw nang humiwalay sakin" nakangiti kong sabi kaya napamaang nalamang si Ate Ruby."Ay naku, ako nalang dyan Ma'am. Mukha ka talagang nahihirapan dyan. Ako na ang magsasandok ng kanin" agad siyang pumalit sa pwesto ko at napalayo naman ako. "Salamat po""Nangungulila talaga sayo yang bata. Halos araw-araw po yang naghahanap sayo. Mabuti nalang at lagi siyang pinapatahan ni Sir Theo at pinapakalma""Talaga?" Nanghina ang boses ko at gumaralgal ng kunti. Napayakap ako lalo sa bata para iparamdam sakanyang nandito lang ako sa
"Hon, Hon! Wake Up! They are here"Naalimpungatan ako sa pagtapik ni Theo sa magkabila kong pisngi. Bumungad sakin ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Napakunot ang noo ko at agad na napabalikwas ng bangon nang makita ko ang kabuuan niyang bihis na bihis. Anak ng!"Anong oras na?""8AM"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano!?""Let's go, Nandon sila lahat sa baba. They want to see you" nakangiti pa niyang hinila ang mga braso ko na animo'y isang batang nagyayang maglaro."Teyka! Ano?!" Natawa siya sa naging hitsura ko kaya naman ay natataranta akong napaalis sa kama at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Kung magliligpit ba ng higaan o mag-aayos ng sarili. Sa huli ay natampal ko sa braso si Theo."Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong sabi at wala sa sariling tiniklop ang mga bedsheets. Matalim ko siyang tinignan nang tumawa ulit siya. "Ikaw! Wag mo kong tinatawanan dyan. Bihis na bihis ka pa dyan ni hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako" panenermon ko sak