Ilang segundo lang ay itinaas na niya ang ulo sa pagkakahiga sa mesa. Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at humarap ng tuluyan sakin. Tila nakaipon na ito ng lakas at tapang na harapin ako nito."Can you come with me? I just have something to show you. I forgot to bring it here because I was in a hurry to go here para makita ka"Napakunot ang noo ko at bahagyang kinilabutan. Anong ipapakita niya sakin? At mas lalong saan naman niya ako dadalhin? Baka may gawin pa itong masama sakin, kahit na mayaman at gwapo ang lalaking to ay hindi parin ako dapat makaramdam ng kampante at ibigay basta-basta ang tiwala ko sakanya.Oo at nagkaron din naman kami ng samahan ni Sir Theo at nakabonding ko pa sila ng anak niya sa mall at doon sa bahay ko pero sa kaisipang ako na mismo ang pupunta sa place niya ay hindi ko maiwasang kabahan at matakot sa mga posibleng mangyari sakin. Ayaw ko ring paghinalaan akong kabit ng mga taong nakakakilala sakanya."May gusto ka ba sakin?" walang emosyon kong sabi. Mas
"Let's go?" malambing ang boses niya nang pinagbuksan niya ako ng pinto dito sa kanyang Kotche. Napasilip pa ako sa labas at bigla nalamang akong kinabahan. Tama ba tong naging desisyon kong sumama sakanya? Napatingin ako sa pagmumukha niyang maaliwalas at nakangiting naghihintay sakin na bumaba na. Mukhang wala naman siyang masamang balak sakin kaya hindi ko na dapat tinatakot pa ang sarili ko at mag-isip ng kung ano-ano.Hindi naman siguro takas sa mental ang lalaking to diba?Isa pa, sinabi niya sakin na nandito ang anak niya kaya kung may mangyari mang masama edi ang anak niya nalang na si Kaiden ang tatakbohan ko. Mas kampante pa ako sa bata at mukhang makakasundo ko pa kaysa dito sa lalaking to na ang lakas ng apog sa sarili at basta nalang akong nadala dito sa harap ng bahay niya.Buong biyahe ay tahimik lamang ako samantalang itong si Theo naman ay panay lang ang tingin sakin. Mas mukhang nagpopokus pa nga siya sakin kaysa sa kalsada kaya ayon nasermonan ko ng wala sa oras at
Hindi ako nagsalita. Wala akong ginawa. Ang nasa isip ko lang ay gusto ko munang mapag-isa at i-absorb ang lahat."Uuwi na ako. Gusto ko munang magpahinga at mag-isip—"You can rest here" napatitig nalamang ako sakanya. Ang mga mata niya ay nakikiusap at umaasa."Camelle, I know this is hard and not easy for you to absorb it all but can you do and follow what I want?" Nakikiusap niyang saad sakin. Tulala lamang akong nakatitig sakanya at taimtim na nakikinig habang hawak niya parin ang magkabila kong mga pisngi. "I am trying Camelle. I just want and hoping you to remember and maybe if you come back here maybe your memories will come back too"Nang hindi parin ako sumasagot ay dahan-dahang dumaosdos ang kanyang mga palad palayo sa pisngi ko na tila nawawalan ng pag-asa. "But It's up to you kung ayaw mong buma——"No, H-hindi sa ganon" pagputol ko sa sasabihin niya at napaiwas ng tingin.Sa katunayan nga ay kahit na wala man akong maalala ay nangingibabaw saakin ang kagustuhan kong buma
"Uy napano po si Kaiden Maam?" nag-aalalang bungad samin ni Ate Ruby na may dalang laundry basket. Kakapasok niya lang dito at namataan niya akong nakasandok dito sa rice cooker habang ang kaliwa ko namang braso ay karga ko ang batang mahigpit paring nakakapit sakin sa may leegan. Medyo nahihirapan ako sa sitwasyon namin pero ayos lang ito sakin, kaya ko namang magsandok habang karga ko siya. Gusto ko ring pagaanin ang loob ng bata."Namiss ako Ate Ruby kaya ito, ayaw nang humiwalay sakin" nakangiti kong sabi kaya napamaang nalamang si Ate Ruby."Ay naku, ako nalang dyan Ma'am. Mukha ka talagang nahihirapan dyan. Ako na ang magsasandok ng kanin" agad siyang pumalit sa pwesto ko at napalayo naman ako. "Salamat po""Nangungulila talaga sayo yang bata. Halos araw-araw po yang naghahanap sayo. Mabuti nalang at lagi siyang pinapatahan ni Sir Theo at pinapakalma""Talaga?" Nanghina ang boses ko at gumaralgal ng kunti. Napayakap ako lalo sa bata para iparamdam sakanyang nandito lang ako sa
"Hon, Hon! Wake Up! They are here"Naalimpungatan ako sa pagtapik ni Theo sa magkabila kong pisngi. Bumungad sakin ang maaliwalas at nakangiti niyang mukha. Napakunot ang noo ko at agad na napabalikwas ng bangon nang makita ko ang kabuuan niyang bihis na bihis. Anak ng!"Anong oras na?""8AM"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Ano!?""Let's go, Nandon sila lahat sa baba. They want to see you" nakangiti pa niyang hinila ang mga braso ko na animo'y isang batang nagyayang maglaro."Teyka! Ano?!" Natawa siya sa naging hitsura ko kaya naman ay natataranta akong napaalis sa kama at hindi ko alam kung ano ang unang gagawin. Kung magliligpit ba ng higaan o mag-aayos ng sarili. Sa huli ay natampal ko sa braso si Theo."Bakit hindi mo ako ginising?" Natataranta kong sabi at wala sa sariling tiniklop ang mga bedsheets. Matalim ko siyang tinignan nang tumawa ulit siya. "Ikaw! Wag mo kong tinatawanan dyan. Bihis na bihis ka pa dyan ni hindi ka man lang nag-abalang gisingin ako" panenermon ko sak
"Hi" maikli ngunit may bahid na ngiti namang bati sakin ng asawa ni Ate Loraine na si Rius. Hindi ko alam kung bakit kinabahan nalang ako bigla nang nakipagkamay na ako sakanya.Ngumiti lamang ako pabalik sakanya at bahagyang napatango senyales ng pagbati ko rin sakanya pabalik.Pero nang matapos silang makipagkilala sakin at tinignan ko sila isa-isa ay hindi ko na napigilan ang sariling maiyak kaya naman ay agad akong napatalikod sakanila at panay ang pagpunas ko sa mga luhang nagsituluan nalang bigla. Nakakahiya, masyado akong naging OA sa harapan nila. Ganon ang iniisip ko, kaya ayaw kong umiiyak kasi iniisip ko bigla na nagiging OA lang ako masyado."Aww Camelle is crying" tuloy ay naiiyak na rin ang Mama ni Theo. "Hey, it's okay. Sshh" lumapit sakin si Theo at niyakap ako bigla. Panay ang paghagod niya sa balikat ko. Napayakap nalamang ako sakanya at ibinaon ang mukha ko sa may dibdib niya. Nahihiya akong umiyak sa harap ng pamilya niya. Hindi ko alam kung bakit naging iyakin
"Ay Oh? Napano po yang si Sir Maam?" Ang gulat na si Keira ang bumungad samin ng makarating kami dito sa may sala. Kasalukuyang nagliligpit ngayon sina Keira at Ate Ruby samantalang si Manang naman at nandoon sa Kusina.Nabaling ang atensyon ko kay Theo. Karga ko na nga si Kaiden sa mga bisig ko ay mukhang may nag-aaktong bata pa dito sa gilid ko na naka-akbay sakin habang ang pagmumukha na nito ay nakasandal na sa may leegan ko. Kung titignan mo siya mukha siyang lasing na naglalambing sakin."Malakas ang tama, Keira" sira ang mukha kong sumagot kay Keira. "Kay laking tao, nagiging bata naman sakin" Natawa nalamang si Keira samantalang si Ate Ruby naman ay napatakip sa bibig na nagpipigil ng tawa."Let's sleep now Hon. Inaantok na rin ako" paglalambingan pa sakin ni Theo na dalawang braso na niya ang yumakap sa may balikat ko habang ang baba na nito ay nakapatong na sa may balikat ko at nakaharap na sakin ang mukha niya. Bahagyang napalayo ang mukha ko sakanya dahil sa sobrang lapit
KINABUKASAN ay nagpaalam ako kay Theo na aalis muna ako ng bahay at pumunta doon sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Kaya naman ay hinatid na niya ako papunta doon, malayo pa naman ang alas otso kaya mahahatid pa niya ako, wala rin siyang pakialam kung ma late siya sa pagpunta doon sa sarili niyang kompanya basta ang sabi niya sakin mas gugustuhin niyang ihatid muna ako bago siya pumunta sa trabaho.Si Kaiden naman ay nakombinsi naming babalik din kami agad. Naaawa ako sa bata dahil wala siyang kasama tuloy sa bahay maliban kina Manang. Mabuti nalang at napaintindi namin ang bata at sinabing maghihintay nalang siya sa pagdating ko at sa Papa niya.Habang nasa kotche at bumabyahe ay napatanong ako kay Theo."Theo""Hmm?" Nakangiti niyang usal habang ang atensyon ay nasa kalsada. Nagnakaw pa siya ng tingin sakin."Paano ang apartment ko?" Nababahala kong sabi. Kanina ko pa kasi iniisip ang apartment ko lalo na ang trabaho ko. Hindi ko alam ang gagawin kaya naisipan kong hihingi nalang ng