"Tsk" natatawang usal ni Theo at napaiwas ng tingin. Namumula ang tainga nito. Mayamaya lang ay napasandal ito sa sofa at nanliliit ang mga matang tinapunan ako ng tingin."Stop it Hon"Napangiwi akong natatawa sa inasal niya."What cake do you want baby? Just tell us everything, kami na ang bahala" Ay iba rin! Iba talaga pag maraming pera, lahat ng gusto nasusunod. Napangiti nalamang akong napatingin kay Kaiden na halatang nag-iisip sa sinabi ni Theo. Napalingon ito sakin."Anong gusto mong flavor Mama?"Natawa ako ulit. "Hay ang kulit. Sige na nga" nag-isip pa ako. Dapat siya ang tanungin kasi birthday niya naman pero ako naman itong tinatanong ng bata."Gusto ko naman lahat as long as pasok siya sa panlasa ko pero my top three flavor talaga akong gusto...Favorite ko" napataas-baba pa ang kilay kong nakatingin kay Kaiden. "Papa iyon nalang po ang Cake ko" binaling niya ang atensyon sa kanyang Papa. Napatingin naman sakin si Theo, at mukhang naghihintay sa isasagot ko."Ube Cake, M
Camelle's POVPagkagising ko ay may naramdaman akong tila may nakadikit sa noo ko kaya naman ay kunot noo ko itong tinanggal sabay bangon sa kinahihigaan. Isang Sticker note. Lokong Theo yon, panigurado akong siya ang may pakana nito. Kunot noo kong binasa ang nakasulat doon.'Good morning Hon! I have to go to work, hindi ko na kayo ginising. Just Wait for me, magdadala ako ng pasalubong. Bye.'Napangiwi nalamang ako pero ang ngiwing iyon ay naging isang malawak na ngiti. Napalingon ako sa gilid ko at wala na rin si Kaiden. Baka nasa baba na. Kaya naman ay inayos ko muna ang kama nito bago napagdesisyonang pumunta sa kwarto ko para maligo na muna bago bumaba. Alas otso na pala ng umaga, ang tagal kong nagising.Pumunta na agad ako doon sa kwarto ko pero bago ako naligo ay kinuha ko muna ang binder ko na nilagay ko sa ilalim ng kama. Hindi ko alam kung bakit gusto kong ilagay ang dinikit na sticker note ni Theo dito sa binder, gusto ko pati rin ito ay hindi ko makalimutan. Para sakin
Tulala lamang akong nakatitig sa kawalan. Matapos akong i-check ng doctor at kung ano-ano pang mga katanungan ang itinanong nila sakin ay halos wala rin naman akong maalala sa mga naging sagot ko.Hindi ako makapaniwala na halos tatlong buwan din akong nawalan ng malay. Ang sabi ng doctor ay mabuti nalang at naging madali ang pag recover ng mga natamo kong mga sugat at galos sa katawan at wala rin akong internal fracture na natamo sa aksidente. All in all ay ayos na ayos na ako at pwedeng pwede na nga akong mag discharge.Pero ang advice nila sakin ay mas mabuting manatili muna ako dito ng ilang araw for observation ,monitoring at pag check ng vital signs ko.Napag-alaman ko ring na postponed pala ang proposal at nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman umatras o nag back-out ang magiging sponsor bagkus sinabi pa nitong willing to wait lang daw ito pag naging maayos na ang kalagayan ko.Na appreciate ko din ang ginawa ng boss namin na si Madam Ressa, kinuwento sakin ni Ysha na
Third Person POVLahat ay nakatulala lamang at hindi labis na makapaniwala sa nangyari samantalang ang mga hikbi ni Kaiden ang nangingibabaw sa lahat. Kasalukuyan silang nandito ngayon sa hospital at nawalan na ng pag-asa nang maideklara ng doctor na dead on arrival na pala ito.Walang ibang magawa si Theo kundi ilabas nalamang ang mga luha habang wala na itong pakialam sa kung ano ang maging hitsura niya habang nakasandal sa pader at nakayaka. Nakayuko lamang ito habang yakap ng mga braso nito ang magkabilang tuhod. Tila nagmumukha itong bata sa naging posisyon. Habang bumabyahe sila papunta dito sa hospital ay mabuti nalang at nagawa pa niyang kontakin ang pamilya. Sa pagkataranta ay hindi na niya alam kung sino ang unang natawagan, nalaman nalang niyang si Ate Loraine niya pala ito nang sumagot ito sa kabilang linya.Ilang oras na ang lumipas bago ideneklara ng doctor ang nangyari at saktong kakadating lang din nina Loraine. Nalaman nadin ito ng magulang ni Theo dahil nagkataong m
Mag tatatlong linggo na ang nakalipas simula nang ma discharge ako sa hospital. Naging matiwasay naman ang buhay ko at bumalik ulit ako sa dati kong routine o gawi. Lahat ay masaya sa pagbabalik ko, may time din na bumisita ako doon sa Bahay Ampunan dahil gusto akong makita nina Madre Ofelia at kahit papaano ay naging masaya naman ako doon.Pero hindi parin nawawala ang kabigatan ng dibdib ko kahit anong pilit kong gawing abala ang sarili ko sa trabaho namin sa pag o-organize ng mga event na natatanggap namin sa mga clients namin. May mga araw na nakakalimutan ko ang nararamdaman pero sa oras na matapos ang araw ko at makauwi na sa apartment ko ay doon ko nararamdaman ulit ang paninikip ng dibdib, tila nangungulila ako pero hindi ko alam kung ano o sino.Wala naman na akong kinikilalang pamilya maliban sa mga katrabaho ko at ang mga tao doon sa bahay ampunan na pinagmulan ko. Kaya nga nitong mga nakaraang araw ay panay ang bisita ko doon sa bahay ampunan at baka nami-miss ko lang ang
"Binasa niyo na po ba lahat? As in lahat?" Kinuha ko pa ang papel at ipinakita sakanya ang bawat parte na nakasulat doon. Hindi ako makapaniwala na sang-ayon siya sa lahat ng plano at ginawa ko maski ang mga idea na gusto naming gawin sa event. "Nakinig naman po kayo diba? Sa diniscuss ko sainyo kanina?"Napakunot ang noo niya. "Kahit iulit ko pa lahat ng sinabi mo Camelle" malamig ang boses niya at napakahinahon ngunit ramdam ko ang giit. Nagtaasan tuloy ang mga balahibo ko sa braso sa di malamang dahilan. "Hindi sa ayaw kong pumayag ka Sir——"Theo" pagtatama niya sakin and this time ay naging seryoso na ang mga titig niya sakin. Napailing nalamang ako."Okay! What I want to know is——is this for real? Pipirma ka agad-agad? Hindi ka man lang ba mag tatanong o di kaya——"I trust you so I dont have nothing to worry about""Ha?" Naguguluhan kong sabi na tila hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya. May tiwala siya sakin? Bakit? Paano? Saan? Kailan? Naninibagohan ako. Kadalasan nam
Ilang minuto lang ay namataan ko si Sir Theo na papalapit sa kinaroroonan namin kaya naman ay napatayo ako agad habang karga ko parin ang anak niya sa mga bisig ko. Mukhang nakatulog na ata ang bata sa balikat ko dahil namimigat na ang bawat paghinga nito."I'm sorry, naging abala pa kami sa oras mo——"Naku ayos lang talaga, promise. Wala na rin naman akong lakad pagkatapos ng meeting natin. Sadyang ito lang talaga ang lakad ko ngayon" pagbibigay assurance ko sakanya para hindi na siya mag-alala at mag-isip pa ng kung ano-ano."Akin na ang bata"Lumapit ako kay Sir Theo para ibigay sakanya ang anak ngunit nagising nalang ito bigla at tila napagtantong mahihiwalay siya sakin kaya naman ay umiyak ito at tila naalimpungatan pa. "Mama" Hindi ko siya maibigay ng tuluyan sa Papa niya dahil bigla akong hinawakan ng bata sa laylayan ng damit ko sa may braso."Kaiden" mahinahon pagbabanta ng Papa niya sakanya. Naluluhang napalingon sakanya ang bata at napailing.Naaawa ako. Mas lalong ayaw k
Kinabukasan ay nagkataong walang kliyenteng naka assign sa team namin dahil last week ay kakatapos lang ng mga naganap na mga event na natapos na naming e-organize kaya paniguradong mahina nanaman ngayon ang mga pupuntang kliyente namin ngayong linggo. Wala naman kasing masyadong ganap ngayong katapusan ng Agosto maliban nalamang sa mga birthday parties.Speaking about doon sa proposal ay tuwang tuwa naman si Madam Ressa na siyang nagmamay-ari nong mumunting kompanya na pinagtatrabahuan namin. Lahat kami ay masaya dahil sa naging successful ang proposal. Nag set na nga kami ng date kung kailan ulit kami magme-meeting kasama si Sir Theo at para maiplano na namin ng maayos ang magiging flow ng event. At dahil day off ko ngayon inabala ko muna ang sarili kong mamasyal dito sa mall at para pumunta narin dito sa supermarket nila at bumili ng groceries dahil paubos na ang mga stock ko doon sa ref. Nagyaya pa saamin si Ysha sa group chat namin na mag FoodCamp raw kaming lahat ngayong 6pm do