“Darling, everything is okay. You don’t need to worry,” malambing ngunit may bahid ng pag-aalala ang tinig ng kanyang ina habang hinahaplos ang buhok ni Trisha. “Dahil nakansela na ang kasal, ang importante ngayon ay makalayo ka muna. This Sunday, pupunta ka na sa Japan. I already contacted your Tita Mariko to accompany you.”Tahimik lang si Trisha, habang pinipilit intindihin ang bigat ng mga pangyayaring naganap. Sa dami ng emosyon na sabay-sabay na dumadaloy sa kanyang sistema—galit, takot, pagkalito—hindi niya alam kung alin ang uunahin.Biglang umalingawngaw ang boses ng kanyang ama mula sa second floor ng mansyon. “Litezia!”Nagulat si Trisha at agad na napalingon paitaas. Kita niya sa hagdanan ang ama niyang nakatingin nang masama sa kanilang direksyon.“Leave that bitch over there! You, come here!” ma-awtoridad at galit na sigaw nito. Ang bawat salita ay parang palasong tumama sa dibdib ni Trisha.Parang biglang lumiit ang mundo niya. Hindi siya sigurado kung para sa kanya ang
Tumigas ang panga ni Trisha sa narinig.“Manahimik?”Parang kumulo ang dugo niya sa utos ng ina. Ilang beses na ba siyang pinatahimik? Ilang beses na ba siyang pinagtabuyan sa sariling kwento para lang mapanatili ang kapangyarihan at pangalan ng pamilya?Dahan-dahang lumapit siya sa kanyang ina, halos magkalapit na ang kanilang mukha, ngunit malamig ang titig ni Trisha—wala na ang batang dating sumusunod lang.“Alam mo kung ano ang mas masahol sa kasinungalingan, Ma?” aniyang mababa ang boses, ngunit puno ng matinding poot. “’Yung sinasadya mong ipamana ang sakit sa susunod na henerasyon… dahil mas mahalaga sa’yo ang imahe kaysa sa katotohanan.”Nanatiling tahimik ang kanyang ina, ngunit bakas sa mga mata nito ang pag-aalalang pilit itinatago.“Kung hindi mo kayang protektahan si Sebastian, ako ang gagawa. Hindi ko hahayaang gamitin mo siya tulad ng ginawa ninyo sa akin.”At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, nakita ni Trisha ang takot sa mga mata ng kanyang ina—hindi takot dah
“Sebastian, how’s your daughter?” tanong ni Jude, maingat ang boses habang dahan-dahang lumapit sa kapatid na nakaupo sa isang waiting chair, balot ng katahimikan at lungkot ang paligid.Nakita niyang tila walang buhay ang mga mata ni Sebastian habang nakatingin lamang ito sa sahig, ang mga kamay nito'y magkakahawak sa pagitan ng kanyang mga tuhod, tila pilit kinakalmang sarili sa gitna ng bagyong kinahaharap.“Nasa ICU si Chantal…” mahinang tugon ni Sebastian, halos bulong, ngunit ramdam ang bigat ng bawat salita. Sa likod ng kanyang tinig ay ang desperasyon at pagod na dulot ng mga nangyayari. Hindi na niya kayang itago ang takot, at lalong hindi ang sakit ng makitang nahihirapan ang anak.Saglit na natahimik si Jude, bago muling nagsalita, maingat pa rin ang tono.“I should contact Seraphina—” aniya, akmang kukunin ang kanyang cellphone.“No, don’t contact her.” Agad at mariin ang tugon ni Sebastian, dahilan para mapatigil si Jude sa kanyang kilos.Napatingin si Jude sa kanya, baha
“Umalis na si Diane. May lalakarin daw siya.” diretsong sagot ni Jude, walang pag-aalinlangan sa tono ng kanyang boses.Bahagyang napalingon si Sebastian, sinipat si Jude ng saglit ngunit hindi na nagsalita pa. Agad naman niyang napansin ang ekspresyon ni Trisha—ngayon ay kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa kanilang kuya.Ramdam ni Jude ang tensyon ngunit nanatili siyang kalmado. Hindi siya umurong sa titig ng kapatid. Alam niyang ginawa niya ang tama, at hindi siya magpapaapekto sa emosyon ng iba.“Is she?” tanong ni Sebastian muli, tila nais makasigurado.Tumango si Jude, at sumunod na rin si Trisha—bagamat halatang napipilitan. Sa kabila ng katahimikan, dama ang alingawngaw ng mga hindi sinasabi. Parang may mga tanong na ayaw banggitin, at may mga sagot na hindi na kailangang ipilit.Saglit silang natahimik. Tanging ang tunog ng mga dumadaang nurse at ang mahinang hum ng ospital ang pumupuno sa paligid.“Anong sabi ng doktor?” tanong ni Trisha, pilit inaa
“You seem in a hurry. Next year pa ang uwi mo sa Pilipinas, you said that to me just last week?” wika ng kapatid ni Seraphina na si Frederick, habang nakasandal sa pintuan ng kanyang kwarto. Kita sa mukha nito ang pagtataka—at ang bahagyang pagkabahala.Sa totoo lang, matagal nang ayaw ni Seraphina bumalik sa Pilipinas. The days turned to weeks, and the weeks quietly morphed into months. Italy had become her sanctuary, her new beginning. She had no intention of returning... until now.“I just need to go home, kuya. I have an emergency,” sagot ni Seraphina habang walang tigil sa pagbabalot ng kanyang mga damit. Mabilis ang kilos niya, parang bawat segundo ay napakahalaga.“Emergency? Seraphina, you can’t just get a ticket on the spot—”“Critical si Chantal,” singit niya agad, halos pasigaw. “Kaya please, not now. Kung kailangan kong magbayad ng malaking halaga just to buy a last-minute ticket, I’ll do it.”Matigas ang boses niya, puno ng emosyon—takot, pagkabigla, at matinding guilt na
Pagkalipas ng ilang minutong paglalakbay ay narating din nila Seraphina at Jude ang ospital. Sa kabila ng pagod at bigat ng katawan mula sa mahabang biyahe, hindi alintana ni Seraphina ang jet lag na pilit nang nagpapabigat sa kanyang mga talukap. Ang tanging nasa isip niya ay ang kalagayan ng kanyang anak. Wala nang mas mahalaga pa sa kasalukuyan kundi ang masilayan si Chantal at malaman ang tunay na lagay nito.“How’s my daughter? Siguro pwede na natin pag-usapan ang tungkol diyan kasi we’re here at the hospital,” wika ni Seraphina habang papasok na sila sa loob ng gusali, ang bawat hakbang ay tila may kasabay na dagok sa kanyang dibdib.“She’s still in critical situation. Nagka-tetanus infection si Chantal,” sagot ni Jude, mariing binigkas ang bawat salita, tila nagdadalawang-isip pa kung paano ito sasabihin nang hindi lalong makapanlumo.“What! How come? She’s with her father as always, how come?” Halos sumigaw si Seraphina, hindi makapaniwala sa narinig. Ang kanyang tinig ay puno
“Hindi sapat ang iyong pagsisi, Sebastian,” mariing wika ni Seraphina habang nakatitig sa kanya, ang bawat salita'y parang punyal na tumatagos. “Do you think magiging maayos ang kalagayan ni Chantal after mong magsisi?” Dagdag niya, nanginginig ang tinig sa galit at desperasyon. “Akala mo ba mapapawi ng pag-amin mo ang sakit, ang takot, ang posibilidad na mawalan ako ng anak?”Nanahimik si Sebastian saglit, bakas sa mukha niya ang tensyon—halong pagkapahiya, pagod, at inis. Hanggang sa tuluyan na siyang sumabog.“Binaba ko na ang pride ko just to talk to you,” mariin niyang sagot, bahagyang tumataas ang tono. “Tas ganyan ka? Cut it off, Seraphina—”“Don’t,” mabilis na putol ni Seraphina, mariing tinig na puno ng paninindigan. “I didn’t ask you na ibaba mo ang pride mo. Hindi ako nandito para sa pride mo. Nandito ako dahil anak natin ang nasa bingit ng kamatayan. At kasalanan mo rin naman ito.” Tumayo siya mula sa kinauupuan niya, ang mga mata’y naglalagablab sa galit.“From Chantal’s
Nasa harap na sila ng bahay ng kanyang tiyuhin. Dahan-dahang huminto ang sasakyan, at isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Seraphina habang nakatitig sa lumang gate ng bahay na minsan na rin niyang tinawag na tahanan. Ilang segundo pa siyang nanatili sa kanyang kinauupuan, parang kinakalma ang sarili bago harapin ang panibagong yugto ng araw na iyon.Sa wakas ay binuksan niya ang pinto ng passenger seat.“Ibababa ko na lang muna ang luggage mo,” wika ni Jude habang lumalabas ng sasakyan.Tumango si Seraphina, hindi na nagsalita pa, ngunit ramdam ang pasasalamat sa kanyang mga mata. Tahimik na kinuha ni Jude ang maleta mula sa trunk ng sasakyan at maingat na inilapag ito sa gilid ng gate.Nang matapos si Jude, isang sulyap na lang ang iniwan niya kay Seraphina bago siya tuluyang sumakay muli sa kotse. Hindi na siya naghintay pa ng anumang salita mula rito. Tahimik siyang umalis, iniwan si Seraphina sa harap ng bahay ng kanyang tiyuhin, sa gitna ng katahimikan ng dapithap
“Kumusta ang pagbisita mo sa iyong anak?” tanong ng kanyang tiyuhin nang makapasok siya sa bahay. Ngunit nilampasan lang siya ni Seraphina, diretsong umupo sa couch na para bang gustong kalimutan ang lahat ng nangyari kanina.“Okay lang naman,” malamig niyang tugon, bago agad binago ang usapan. “By the way, mamayang gabi na ‘yung event, diba Tito?”“Yes, dear, mamayang gabi na nga. Are you ready?” tanong ng kanyang tiyuhin.Tahimik siyang tumango, kasabay ng marahang pag-exhale, pinipilit itikom ang mga damdaming hindi pa rin niya ganap na kayang buuin sa salita.Later that evening...Pagdating nila sa banquet hall, halos punô na ito ng mga bisita. Mamahaling chandelier ang nakasabit sa kisame, mga mesa ay puno ng wine, champagne, at mamahaling appetizer.Seraphina—suot ang beige silk dress na may simpleng hiwa sa gilid, buhok na nakalugay ngunit maayos ang pagkakaayos, at makeup na minimal ngunit elegante—ay agad nakatawag pansin sa mga panauhin. Her beauty was striking, but what tru
Pumasok si Seraphina sa loob ng villa, mabigat ang bawat hakbang. Mula sa pintuan, agad niyang napansin ang mini garden sa gawing kanan. Doon, sa ilalim ng lilim ng lumang punong kahoy, nakita niya ang isang tanawing tila pumutol sa kanyang paghinga.Si Chantal. Nakaupo sa bench, tahimik na nakikinig sa kanyang lola—ang ina ni Sebastian—habang ito'y mahinahong nagsasalita.May kirot sa puso ni Seraphina. Matagal na niyang inasam na muling makita ang anak sa ganitong kapayapaang eksena. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit, isang boses mula sa kanyang likuran ang bumasag sa katahimikan."You're here? Akala ko hindi ka na dadating pa?" malamig at puno ng pangungutya ang boses na iyon.Paglingon niya, bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ni Trisha—ang kapatid ni Sebastian. As ever, kahit ilang taon na ang lumipas simula nang ikasal siya kay Sebastian, hindi pa rin nagbago ang pangmamaliit at asal nito.“I was informed na hinanap ako ng anak ko—” panimula ni Seraphina, tinatangkang pan
Sapat na kay Seraphina na malaman niyang ayos na ang kanyang anak. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang mabalitaan niyang nagising si Chantal. Dalawang linggo rin siyang tahimik na umaasa—nag-aabang ng kahit isang tawag, isang mensahe, kahit ilang salitang mula mismo sa anak niyang ilang beses niyang pinangarap na muling marinig.Pero wala. Walang tawag. Walang mensahe. Walang Chantal.Ngayon ay nasa opisina siya, tahimik na nakaupo sa likod ng kanyang mesa habang muling binabasa ang isang kaso na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga—isang divorce case. Sa bawat linya ng salaysay ng mag-asawang nais nang wakasan ang kanilang pagsasama, parang may sariling tinig na bumubulong sa kanyang isipan. Ang tahimik na paalala na siya man, ay hindi pa rin tuluyang nakakaalis sa gulo ng sarili niyang buhay.Naalala niya bigla—hindi pa pala naibibigay ng kanyang asawa ang final divorce papers. Isang dokumentong matagal na dapat ay naisara, ngunit tila ba sinadya talagang ipagpaliban… o talaga
Pagkarinig ng balita mula kay Jude, hindi na nag-aksaya pa ng oras si Seraphina. Kinuha niya ang kanyang coat at bag, saka mabilis na lumabas ng opisina. Ang bawat hakbang niya sa hallway ng law firm ay punung-puno ng kaba, at kahit pilit niyang itinatago sa mukha ang tensyon, hindi nito nalinlang ang mabilis na tibok ng kanyang puso.Pagdating niya sa parking area ay agad niyang pinaandar ang sasakyan. Ang mga mata niya ay diretso sa daan ngunit ang isip ay naglalakbay—paulit-ulit ang mga tanong: Nagising na ba si Chantal? O… lumala pa ba?Tahimik ang biyahe ngunit punung-puno ng emosyon. Habang tinatahak niya ang pamilyar na daan patungong ospital, bawat pulang ilaw sa stoplight ay tila isang bangungot, bawat segundong naantala ay parang isang buong taon.Pagkarating sa ospital, halos hindi na siya naghanap ng parking—basta’t may espasyo, doon na siya huminto at mabilis na lumabas ng sasakyan. Tumakbo siya papasok ng main entrance, hindi alintana ang mga matang sumusunod sa kanya. S
Lumipas ang ilang araw ngunit hindi pa rin nagigising si Chantal. Sa bawat paglipas ng oras ay lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ni Seraphina. Ang naging set-up nila ni Sebastian ay siya ang nagbabantay tuwing umaga, habang si Sebastian naman ang nakatalaga tuwing gabi. Ngayon ay muling sumapit ang madaling araw, at nasa loob pa rin siya ng ICU, nakaupo sa tabi ng kama ng kanyang anak, mahigpit na hawak ang maliit na kamay nito.Muli siyang napatingin sa salamin ng ICU—mahina na ang liwanag mula sa labas, at tila sumasalamin ang pagod at lungkot sa kanyang mukha. Ika-sampung araw na ito mula nang ma-admit si Chantal, ngunit wala pa ring paggalaw, walang muling pagkislot ng daliri, walang pagbukas ng mata. Ilang beses na rin siyang nakiusap sa Diyos, ngunit tila patuloy ang katahimikan.“Seraphina, you can rest now,” mahinahong wika ni Jude mula sa likuran, “Kami nalang muna ni Sebastian ang magbabantay kay Chantal.”Tumingin siya kay Jude, mabigat ang mga mata, ngunit may bahid ng pa
“Please do reconsider, Ms. Dee—” maingat ngunit may pag-aalalang wika ng doktor.“No reconsideration, Doc,” mariing sagot ni Seraphina, pinilit panatilihin ang kontrol sa boses kahit nanginginig ito sa galit at takot. “As if you’re saying na wala na kayong magagawa. Na hindi niyo kayang iligtas ang anak ko… if you can’t do that, I’ll transfer my daughter to another hospital. Somewhere where they’ll try harder, where they won’t just wait and watch.”Napatingin ang doktor sa kanya, kita ang tensyon sa kanyang mukha. “It’s risky, ma’am. Moving her now could worsen her condition—”“I know the risk,” putol ni Seraphina, ngayon ay nakatayo na at halos hindi mapakali. “But what I’m emphasizing here is simple—try your best. Huwag niyong hayaang mawalan ako ng anak nang hindi man lang kayo lumaban para sa kanya. I don’t want apologies, I want action, Doc. That’s all I’m asking for.”Nagpalitan ng tingin ang doktor at ang nurse sa tabi nito. Kita sa kanilang mga mata ang bigat ng sitwasyon, ngu