“Pina-uuwi ka na ni Dad sa Manila,” wika ni Frederick habang naglalakad sila patungo sa barbecue stall.Napatingin naman si Seraphina sa kanyang kapatid at bahagyang napakunot ang kanyang noo, hindi inaasahan ang sinabi nito.“Ako? Uuwi sa Manila? Why? You haven’t told Dad that I’m working here?” tanong ni Seraphina, halatang naguguluhan.“I told him, pero he wants you to come home. Pero uuwi ka din naman sa last week ng April,” paliwanag ni Frederick.Tumango si Seraphina habang iniisip ang mga posibleng dahilan kung bakit siya gustong pauwiin ng kanilang ama. Hindi ito basta-basta tumatawag o nagpapauwi nang walang mahalagang dahilan. Kaya naman, kahit pa may trabaho siya sa kasalukuyan, napagpasyahan niyang sundin ang utos ng kanyang ama.“I see, didiretso na lang ako sa bahay,” sagot niya, tinutukoy ang kanilang tahanan sa Cavite.Kinabukasan, maagang nagising si Seraphina upang maghanda sa kanyang pag-alis. Hindi na niya ginising si Frederick para magpahatid dahil alam niyang lat
Dahil sa tawag na iyon, mas lalong naging maingat si Seraphina. Hindi na siya lumalabas sa campus tuwing may libreng oras, at kung dati ay bumibili siya ng pagkain sa labas o sa canteen, ngayon ay mas pinipili na lang niyang magbaon. Kapag uwian naman, hindi siya nagpapagabi at palaging nagpapasundo kay Frederick, kahit pa minsan ay nag-aalangan ito dahil sa dami ng kanyang gawain.Sa kasalukuyan, nasa opisina si Seraphina, naghihintay sa kanyang kapatid na susundo sa kanya. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng orasan at mahinang tikatik ng ulan sa labas ang maririnig. Umalis na sina Ma’am Yen at Ma’am Ge, ang dalawa niyang kasamahan sa trabaho. Bago umalis, inaya pa siya ng mga ito na pumunta sa K-store upang magmeryenda."Ay, hindi na po ako sasama," magalang niyang pagtanggi habang pilit na ngumiti. "May hinihintay po kasi akong sundo.""Si Frederick na naman?" pabirong tanong ni Ma’am Ge habang inaayos ang kanyang bag. "Napakaalaga talaga ng kapatid mo, ha!"Ngumiti lang si Serap
Dahil week-long ang university intramurals, naisipan ni Seraphina na umuwi muna sa Manila. Ang dating plano nila ng kanyang kapatid na susunod na lang siya ay hindi natuloy. Nagpatuloy ang kanyang breakdowns—lalo na kapag may tumatawag sa kanya o kahit simpleng pag-vibrate lang ng kanyang cellphone, para na siyang nawawala sa sarili.Even if may kakatok lang, napapapitlag siya. Mabuti na lang at palaging may kasama siya, kaya kahit papaano, nababawasan ang kanyang takot."Ilang weeks na lang ba bago matapos ang semester?" tanong ni Frederick kay Seraphina habang binabaybay nila ang daan patungo sa airport."Mga four weeks na lang, kuya," sagot ni Seraphina, mahina ang boses, halatang pagod.Tahimik nilang nilalandas ang daan, ang mga ilaw mula sa poste ay pailaw-ilaw sa salamin ng sasakyan. Habang nasa biyahe, nakatingin lang si Seraphina sa labas ng bintana, tahimik na pinagmamasdan ang bawat gusali at sasakyang nadaraanan nila. Hindi niya na kinausap pa ang kapatid, mas pinili niyan
Nang tuluyan ng kumalma si Seraphina, agad siyang dinala ng kanyang kapatid sa study room kung saan naghihintay ang kanilang ama. Tahimik niyang pinagmasdan ang silid habang papasok—hindi nagbago ang ayos ng mga libro sa estante, at ang mabangong amoy ng mamahaling kahoy ay nanatili pa rin sa hangin. Nakaupo ang kanyang ama sa isang swivel chair, at nang maramdaman nito ang kanyang presensya, itinigil nito ang ginagawa at itinuon ang tingin sa kanya.Napatingin muna siya sa kanyang kapatid, ngunit bago pa man siya makapagsalita, umatras ito at marahang isinara ang pinto sa kanyang likuran. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi harapin ang taong labis niyang kinatatakutan—ang kanilang ama."Seraphina," malamig na tawag nito sa kanya.Lumingon siya at marahang sumagot, "Yes, Dad."Hindi siya lumapit ni naupo sa couch na nasa harapan ng mesa. Basang-basa pa rin ang kanyang damit, ramdam niya ang malamig na tela na kumakapit sa kanyang balat, pero hindi niya iyon alintana. Mas matindi ang
Pagkalabas ni Seraphina sa mansyon, agad siyang sinalubong ng isang itim na kotse na nakaparada malapit sa tarangkahan. Bumukas ang pinto nito, at bumaba ang isang pamilyar na pigura—ang kanyang tiyuhin, si Hugo, ang nakababatang kapatid ng kanyang yumaong ina. Napahinto si Seraphina at napatingin sa kanya, bakas pa rin sa kanyang mukha ang luha at pait ng mga nangyari sa loob ng bahay.“What happened to my pamangkin? Why are you crying? Bakit ka aalis?” Sunod-sunod na tanong ni Tito Hugo, bakas ang pag-aalala sa kanyang tinig.Alam ni Seraphina kung gaano siya kamahal ng tiyuhin niya. Simula pagkabata, para na siyang tunay na anak nito. Wala itong sariling pamilya, at kahit kailan ay hindi ito naghangad na magkaroon ng anak. Hindi niya alam ang dahilan, pero hindi naman niya iyon inusisa kailanman.Bago pa siya makasagot, isang sigaw ang pumunit sa katahimikan.“Seraphina!” tawag ng kanyang kapatid na si Frederick habang patakbo itong lumapit sa kanila.Lalong bumigat ang dibdib ni S
Nilalandas nila Seraphina ang daan patungo sa bahay ng kanyang tiyuhin. Nakaupo siya sa back seat ng kotse, katabi ang kanyang nakababatang kapatid na abala sa paglalaro sa kanyang iPad. Tahimik siyang nakatanaw sa bintana, pinagmamasdan ang mabilis na pagdaan ng mga gusali at puno sa gilid ng kalsada. Ang malamig na hangin mula sa aircon ng sasakyan ay nagbibigay sa kanya ng kaunting ginhawa, ngunit hindi nito napawi ang bigat ng mga iniisip niya.Habang tahimik siyang nagmumuni-muni, biglang nagsalita ang kanyang tiyuhin, si Tito Hugo, na siyang nagmamaneho.“Why not start working sa law firm, Seraphina?” tanong nito, hindi na nagpaliguy-ligoy pa.Napatingin siya rito, at sa isang iglap, muling sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang matalik na kaibigang si Althea noong huli silang mag-usap.“I have a work sa Tagum, Tito,” sagot niya ng mahinahon.“You did? I really thought you’d call me when you decided to move out of your husband’s house,” tugon ng kanyang tiyuhin, may bahi
Mabilis lang lumipas ang mga araw, at hindi nagtagal ay bumalik na rin si Seraphina sa Tagum. Ngayon, nakasakay siya sa bus patungo sa lungsod, habang yakap ang kanyang tote bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang gamit—ang kanyang iPad, cellphone, laptop, at wallet. Kaunti lang ang kanyang dala, sapat lamang para sa kanyang pangangailangan.Pagdating sa Gmall, naisipan niyang bumaba upang mamili ng ilang gamit na kakailanganin niya sa mga susunod na araw. Habang naglalakad sa loob ng mall, napagtanto niyang kailangan din niyang bumili ng ilang bagong damit, lalo na't marami sa kanyang mga damit ang naiwan niya sa Maynila.Habang abala siya sa pagpili kung saan shop ng damit siya bibili, napansin niya ang tatlong pigurang papasok sa isang kainan. Bahagyang sumingkit ang kanyang mga mata, pilit na inaalala kung pamilyar ba sa kanya ang mga ito. Gayunpaman, hindi niya agad matukoy kung sino sila, kaya nagpatuloy na lamang siya sa kanyang paglalakad. Subalit, hindi niya namalayan na di
Napatayo naman si Seraphina, marahang hinaplos ang kanyang braso na bahagyang sumakit sa pagkakatumba. Mabilis niyang kinuha ang cart, balak na sanang umalis at layuan na lamang si Diane upang maiwasan ang gulo. Ngunit bago pa man siya makalayo, bigla na lamang niyang naramdaman ang madiing paghatak sa kanyang buhok.Napasinghap siya sa sakit at napilitan siyang huminto. Lumingon siya at nakita niyang si Diane ang humablot sa kanya, may nanlilisik na tingin at halatang hindi pa tapos sa alitan nilang dalawa.Mabilis na inabot ni Seraphina ang pulsuhan ni Diane na mahigpit na nakakapit sa kanyang buhok. Hindi siya natinag at sa halip ay hinarap ito nang diretso sa mata. Sa kabila ng sakit, pinilit niyang mapanatili ang kalmado ngunit matigas na tono ng kanyang boses.“What’s with you? Gusto mo ang cart? Binigay ko. Pero binalik mo rin sa akin, kaya aalis na ako. I can’t understand why you keep sticking to me,” aniya habang pilit niyang inaalis ang kamay ni Diane sa kanyang buhok.Marii
"How are you?" tanong ni Sebastian kay Diane habang magkasama silang kumakain sa isang coffee shop. Kasama niya ang kanyang anak na si Chantal, at halatang pagod si Diane matapos ang mahabang araw. Katatapos lang kaso na isinampa sa kanya ni Seraphina, at ngayon ay naglalaan sila ng sandaling pahinga."I’m fine, kakaproseso ko lang ng mga papers. Buwiset—" sagot ni Diane, halatang may inis sa kanyang tinig.Agad namang pinutol ni Sebastian ang kanyang sasabihin. "Watch your mouth, Diane. Nandito ang anak ko," mahina ngunit matigas niyang paalala. Napatingin si Diane kay Chantal at agad siyang natahimik, medyo nahiya sa kanyang pagkakamali."You didn’t help me at all. I feel so bad," reklamo ni Diane na may bahagyang pabebe sa kanyang tono, na para bang gusto niyang makuha ang simpatya ni Sebastian.Bago pa man siya muling makapagsalita, biglang sumabat si Chantal na may bahagyang ngiti sa labi. "It’s okay, Tita. Umalis na rin naman si Mama, hindi na niya tayo guguluhin."Napangiti si
Para kay Seraphina, tila napakabagal ng takbo ng oras. Naka-upo siya ngayon sa isang silya, hawak ang isang libro at pilit na binabasa ito, ngunit hindi niya lubos na maituon ang kanyang isip sa mga pahina. Wala siyang kailangang gawin—iyon ang bilin ng kanyang kapatid. Ang tanging hiling nito ay sulitin niya ang kanyang bakasyon sa Italy at i-enjoy ang bawat sandali. Ngunit sa halip na matuwa, isang hindi maipaliwanag na lungkot ang bumalot sa kanya. Pakiramdam niya’y parang may kulang, isang bagay na hindi niya mahagilap kung ano.Sa tuwing may libreng oras ang kanyang kaibigan na si Althea, tinatawagan siya nito upang kumustahin. Isang gabi, habang nakatanaw siya sa labas ng bintana, narinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Agad niyang sinagot ang tawag."Are you okay, Seraphina?" tanong ng kanyang kapatid, na siyang nagpatigil sa kanyang malalim na pag-iisip."Okay naman ako, Kuya," sagot niya, ngunit dama sa kanyang tinig ang bahagyang pag-aalinlangan. "It’s just... I feel bo
Nasa balkonahe na sila, at sa halip na tumingin kay Sebastian, itinukod ni Seraphina ang kanyang mga siko sa railing at itinapat ang paningin sa langit. Madilim na, at nagkalat ang mga bituin sa kalangitan, tila kumikislap sa katahimikan ng gabi. Ang buwan ay maliwanag, ngunit hindi sapat upang paliwanagin ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib.“Aalis na ako,” panimula niya, hindi pa rin tumitingin sa kanyang asawa. “Sana maging mapayapa kayo ni Chantal. Ingatan mo siya.”Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niyang nilingon siya ni Sebastian. Sa pagkakataong ito, may nakita siyang emosyon sa mga mata nito—isang bagay na hindi niya inaasahan. Galit ba ito? O kaya naman, nasisiyahan na sa wakas ay aalis na siya? Hindi niya mawari.Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Yung divorce papers, paki-process na lang. I’ll be waiting for the final documents.”Sa puntong iyon, naramdaman niyang lumuwag ang kanyang dibdib. Isang hakbang palayo sa nakaraan, isang hakbang patungo sa
Habang nasa biyahe, pinagmasdan ni Seraphina ang tanawin sa labas ng bintana ng sasakyan. Ang mga ilaw sa lansangan ay tila naglalaro sa kanyang paningin, habang ang kanyang isip ay abala sa kung ano ang maaaring mangyari sa muli nilang pagkikita. Kinuha niya ang kanyang cellphone at mabilis na tinext si Jude, ang kanyang bayaw, upang ipaalam na pupunta siya sa kanilang bahay."Jude, I'm on my way. Hope it’s okay."Ilang sandali lamang ang lumipas bago ito sumagot."Of course, Seraphina. See you."Napabuntong-hininga si Seraphina matapos basahin ang sagot. Pinag-iisipan pa rin niya kung tama ba ang naging desisyon niyang dumalaw muna sa kanyang anak at manugang bago siya umalis patungong Italy. Alam niyang ito ang tamang gawin bilang isang ina, pero hindi niya rin maiwasang mangamba. Marami nang nangyari sa pagitan nila ni Sebastian at ng kanyang pamilya, at hindi niya alam kung paano siya tatanggapin sa pagkakataong ito.Muli niyang nilingon si Frederick, na tahimik na nagmamaneho. R
Bukas ng umaga, aalis na si Seraphina patungong Italy. Hindi niya alam kung kailan siya babalik, kaya napagdesisyunan niyang bumalik muna sa kanyang nirentahang apartment upang ayusin ang mga natitira niyang gamit. Habang nakaupo sa kanyang kama, pinagmasdan niya ang mga gamit na kanyang binili—mga gamit na hindi na niya madadala sa kanyang pag-alis.Napabuntong-hininga siya, halatang nag-aalangan kung ano ang dapat niyang gawin."Sayang naman kung hindi ko magagamit ang mga ito…" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kanyang kapatid na abala sa pag-aayos ng ibang gamit.Napansin nito ang kanyang pagkadismaya at agad siyang tinapik sa balikat. “Let me take care of that. Huwag ka nang mabahala,” anito, may bahagyang ngiti. “Yung laman ng ref mo, ipamigay mo na lang sa mga kapitbahay mo. Sayang kung masisira lang.”Napatingin siya sa refrigerator. Binuksan niya ito at napansin niyang puno pa ito ng pagkain—may mga sariwang gulay, karne, at iba't ibang klase ng processed food. Hindi
Kasama ngayon ni Seraphina ang kanyang kapatid habang naglalakad patungo sa korte. Huling araw na niya ito para asikasuhin ang kaso, at ngayong araw na rin ilalabas ang pinal na desisyon ng hukuman. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon, kaya hindi niya napigilan ang pagbuntong-hininga habang papasok sa court hall. Pilit niyang pinapanatili ang kanyang kumpiyansa, ngunit hindi niya maikakaila ang kaba na bumabalot sa kanyang dibdib.Habang nililibot ng kanyang paningin ang paligid, agad niyang napansin si Diane na nakaupo sa kabilang bahagi ng hall, kasama ang kanyang ina. Tahimik lang itong nakamasid, halatang nag-aalala rin sa magiging hatol. Gayunpaman, isang bagay ang kapansin-pansin—wala doon ang ama ni Diane."I guess his father never showed. Nakakahiya naman kasi," bulong ng kanyang kapatid, may bahid ng pangungutya sa tinig nito.Napakunot-noo si Seraphina at agad siyang sumulyap ng masama sa kanyang kapatid, na tila sinasaway ito sa pagiging mapanuri sa sitwasyon ng iba. Hindi n
“Finally, tapos na din,” wika ni Seraphina matapos niyang ligpitin ang kanyang mga kagamitan.Katatapos lang ng exam, at ngayon, isang mabigat na desisyon ang kanyang nagawa—magre-resign siya upang makapag-focus sa kaso laban kay Diane. Matagal niyang pinag-isipan ito, at kahit mahirap iwan ang trabahong minahal niya, alam niyang kailangan niyang unahin ang laban na matagal na niyang gustong tapusin.Nagpatuloy ang mga hearings, at sa bawat pagharap niya sa korte, ramdam niya ang pagod—hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa emosyonal. Minsan, gusto na niyang sumuko, gusto na niyang iurong ang kaso para lang matapos na ang lahat ng sakit na dulot nito. Pero sa tuwing naiisip niya ang nangyari, ang mga alaala ng kawalang-hustisyang natanggap niya, napipilitan siyang ipagpatuloy ang laban.“Ms. Sep, talagang aalis ka na talaga?” tanong ni Ma’am Ge, isa sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Kita sa mukha nito ang lungkot at panghihinayang.Napangiti si Seraphina kahit may bahagyang p
“Let’s go,” wika ni Seraphina, kasabay ng pagtango ni Althea bilang pagsang-ayon. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at tuluyang lumabas ng arena. Sa paglabas nila, kaagad silang pumara ng taxi upang makaalis.“Punta muna tayo sa isang burger house,” suhestiyon ni Althea habang inaayos ang kanyang buhok. Tumango lang si Seraphina, halatang walang reklamo sa mungkahi ng kaibigan. Pagdating nila sa burger house, agad na nagtungo si Althea sa counter upang umorder ng pagkain, samantalang si Seraphina naman ay nanatiling nakatayo at tahimik na inilibot ang paningin sa paligid.Habang abala si Althea sa pagpili ng kanilang kakainin, si Seraphina naman ay tila nalulunod sa sarili niyang isipan. Maraming tao sa paligid—mga magkakaibigang nagtatawanan, mga pamilya na masayang nagsasalu-salo, at ilang magkasintahang punong-puno ng lambing sa isa’t isa. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya maiwasang maalala ang isang bagay—o isang tao.Kailan nga ba ang huling beses n
Napataas ang kilay ni Seraphina habang nakatingin kay Gorge. Ramdam niyang para bang hinuhusgahan siya nito, ngunit wala siyang pakialam. Hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya, lalo na sa isang taong mahilig makialam sa hindi naman niya dapat pinapakialaman.“Si Sebastian ba ang hinahanap mo?” tanong ni Gorge, may bahid ng panunuyang nakapaloob sa kanyang tinig. Ang ngisi nito ay nagpapahiwatig ng kung anong iniisip na tila nais niyang iparamdam kay Seraphina.Mabilis siyang sumagot, hindi pinapahalata ang inis na unti-unting nabubuo sa kanyang dibdib. “I’m not looking for him, at saka ano ba ang pakialam mo?” madiin niyang wika, nakatingin nang diretso sa mga mata ni Gorge. Hindi niya gusto ang tono nito, ang paraang ginagamit nito upang painitin ang ulo niya.Ngunit sa halip na umurong o tumigil, mas lalo pang lumapad ang ngiti ng lalaki, tila ba natutuwa na nakikita siyang naiinis. “Oh, a loving wife is here—”Bago pa man matapos ang kanyang pangungutya, hindi na nakapag