Likas na kay Julius ang pagiging babaero. Simula nang tumuntong siya ng high school ay kinahiligan niya na ang pagpapalit-palit ng babae.Laro lang sa kanya ang pakikipag-relasyon, not until he met Ezra; the drop dead gorgeous transferee of their department.Mabilis siyang nahumaling sa dalaga, kaya naman pinagsikapan niyang makuha ang loob nito. Masyado itong tahimik at mailap, kaya naman medyo nahirapan siya sa paglapit palang dito. Pero hindi niya ito sinukuan, hanggang sa tuluyan niya nang makuha ang matamis nitong oo.Pero isang paalala ang sinabi nito sa kanya na binilin nitong huwag na huwag kalilimutan..."Kung ano'ng ibigay mo sa 'kin, gano'n rin ang ibibigay ko sa 'yo, Honey; ng higit pa."At sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan ay parang bigla itong nagbigay ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanya.
더 보기‘Five years later…’Sa limang taong nakalipas ay naging buo at matatag pa rin ang pamilya niya, though hindi na talaga maiiwasang magkaro'n ng problema na sumusubok sa tatag ng pagsasama nilang mag-asawa.Malusog na nailuwal ni Ezra ang anak nito at ni Venzie, at gaya ng gusto ng chairman ay isa itong malusog na lalake, na pinangalanan ng mga itong ‘Valzie Saavedra;’ napagdesisyonan ng mga itong Saavedra ang dalhin nitong pangalan dahil na rin sa kagustuhan ng chairman.At gaya ni Ezra ay malusog ring naipanganak ni Camina ang anak nila na isa namang babae na pinangalanan ni Camina'ng ‘Carmela,’ ayaw man ni Camina pero apelido pa rin niya ang pinagamit dito dahil naman sa kagustuhan ni Ezra.Wala ring nagawa si Camina nang mapagdesisyonan ni Ezra na kunin si Carmela nang tumuntong na ito ng isang taon para sa bahay na patirahin kasama nila, naglaban pa si Camina pero sa huli ay wala pa rin itong nagawa kun'di ang da
“Camina, right? Ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon? Bukod sa paglandi---”“Mom, stop it,” may nagbabantang tinig na putol niya sa ina, kaya agad na napairap ang ina niya at nagpatuloy na lamang sa pagpapakain sa anak niya, kaya naman nakangiti niyang binalingan si Camina.“Don't mind her, ganiyan lang talaga si Mommy,” nakangiting saad niya rito, pero napasinghal lang si Camina at nakangiwing tinignan silang lahat.“Nababaliw na kayong lahat, Ezra just cheated on her husband, nagpabuntis siya sa ibang lalake ‘tapos okay lang sa inyo 'yon? My God, ano'ng klaseng pamilya kayo? Kinukunsinti niyo ang pagiging makasalanan ng anak niyo!”“How dare you?!” galit na bulalas ng ina niya matapos marinig ang winika ni Camina.“Bakit? Totoo naman ang sinabi ko! Wala akong kasalanan sa inyo! Wala akong alam na may asawa na si Julius! Pero bakit kailangan niyo pa 'kong idamay sa kabaliwan na 'to?!”
‘Finally it's happening.’ Tipid siyang napangisi nang ihinto na ng kaniyang asawa ang kotse sa tapat ng mansion. Nilingon niya ang asawang nagtatanggal na ng seatbelt at walang kangiti-ngiti sa muka.Of course hindi nito nagustuhan ang ginawa niya, pero ano pa ba ang magagawa nito? She's the boss in this family! At isa pa'y ito ang nagsimula, ito ang unang nagkasala, kaya wala itong magagawa kun'di tanggapin ang lahat ng ibibigay niyang kapalit.“Smile, Honey,” nakangising saad niya, saka naman nilingon ang anak niya sa backseat na abala sa panonood ng isang psychological movie sa iPad nito.“Tigilan mo na muna 'yan, Ezianna, nandito na tayo,” utos niya dito.“Okay po, Mommy,” mabilis na pagsunod nito, saka na ibinalik ang iPad nito sa loob ng sarili nitong bag.‘My daughter is really a good child, she always obeying my words.’Naipaliwanag niya na rin dito ang magiging sitwasyon ng
“Sira ulo ka talaga, I'm on my way,” natatawang saad niya sa kaibigang nasa kabilang linya. Tumawag ito sa kaniya kanina dahil nag-aaya nanama'ng mag-night hang out si Uno, pero ngayon dito naman sa Crimson Wood, mabuti na lamang at kasama niya kanina si Ezra nang tumawag ito kaya agad siyang nakapagpaalam sa asawa niya, at mabuti na lamang sa kabila ng nagawa niyang kasalanan ay pinayagan pa rin siya nito, dahil ngayon nangangako na talaga siyang wala nang gagawing kalokohan pa, nadala na siya.Kaya ngayon ay maaga siyang nag-out sa trabaho dahil tumawag nanaman itong si Raniel dahil kasama na raw nito ngayon si Uno sa ‘Krix Night Bar’ na hindi nalalayo sa resto na pag-aari niya.Nang makarating sa naturang bar, agad siyang nagtungo sa VIP Room na kinuha ng dalawang kaibigan.“Musta, pre? Balita ko muntik ka nang mawalan ng asawa ahh,” nakangising salubong sa kaniya ni Uno.“Sa'n mo naman nasagap ang balitang 'yan?
Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman ngayon, matapos marinig ang kuwento ni Camina ay kung ano-ano na ang pumasok sa isipan niya.Ang dating nobya ang kabit ni Julius na siyang asawa ni Ezra na ngayo'y babaeng tinatangi niya; coincidence lang ba 'yon? O sinadya?Ayaw niyang isipin pero hindi niya mapigilan; paano kung tama ang tumatakbo sa isipan niya ngayon? Paano kung ginagamit nga lang siya ni Ezra para gumanti sa asawa nito?Pero hindi pa nga ba? Ito na mismo ang nagsabi na gusto nitong iparamdam sa asawa nito ang nararamdaman nito ngayon.Pero bakit nga ba siya? Nagkataon nga lang ba ang pagkakakilala nilang dalawa? Aksidente ba talaga ang pagkabangga niya dito sa kalsada? Gano'n ba ito kadesididong magantihan ang asawa nito para ipahamak ang sarili at sadyang magpasagasa sa kaniya?Pero kung gano'n nga, bakit siya pa? Dahil ba may nakaraan silang dalawa ni Camina? Gusto rin nitong magantih
“Hindi ako natatakot sa inyo! Kahit na dalhin niyo pa 'to sa korte, ako lang ang may karapatan sa anak ko!” matapang na sambit niya sa babae. Ipaglalaban niya ang anak niya kahit na ano'ng mangyare!“Hindi mo 'ko gugustuhing kalabanin, Camina, mukang hindi mo kilala ang pamilyang kinabibilangan ko.”“Wala akong pakialam kung sino pa kayo! Anak ko 'to, kaya akin lang 'to! Tigilan mo na 'ko, Ezra, hindi ko alam kung bakit niyo ginagawa sa 'kin 'to, ano ba ang ginawa kong kasalanan sa inyo?!” Talagang hindi niya na napigilan ang paghagulgol niya, at naiinis siya dahil ang kaharap niya ay nananatili pa ring kalmado sa kabila ng pagsigaw na ginagawa niya. Bakit ba kasi ang bilis niyang magtiwala? Parati nalang tuloy siyang naloloko.“Wala kang ginawang kasalanan, Camina, ang gusto ko lang naman ay makasama ng asawa ko ang anak niya sa 'yo, mahirap ba 'yon? Wala naman akong planong ilayo 'yang nasa sinapupunan mo, pero kung hindi ka makik
‘Two weeks have passed…’“Ano ba talaga ang pinaplano mo, Ezra? Sino itong lalaking nakarating sa 'king dumadalaw sa opisina mo halos araw-araw?”Pinatawag siya ng chairman sa opisina nito sa mansion dahil sa kumakalat na tsimis ngayon sa kumpanya, dahil sa pagpapapunta niya kay Venzie sa opisina niya; iba't ibang usapin ang naging sanhi no'n, may iba na sinasabing kaibigan niya 'yon, 'yong iba naman ay kabit niya, at may iba naman na sinasabing kamag-anak niya.Wala siyang pakialam sa sinasabi ng mga tao, ang mahalaga ay naisasakatuparan niya na ang plano niya.“Don't worry chairman, naayos ko na ho ang tungkol sa kumakalat na usapin tungkol sa 'kin, at tungkol naman sa lalakeng pumupunta sa opisina ko, kasama siya sa plano kong pagpaparusa sa asawa ko,” malumanay at hindi nagpapakita ng kahit ano'ng emosyong sagot niya.Tumaas ang dalawang kilay ng chairman, at parang biglang naging interesado sa
Alam niyang hindi ito tama, pero si Ezra na mismo ang nagmakaawa sa kaniya, paano niya matatanggihan ang babaeng ngayon ay mukang tuluyan nang nakapasok sa puso niya?Hindi niya alam kung paano, basta naramdaman niya na lamang, tuluyan na nitong pinalitan si Camina sa puso niya.‘Tapos heto ngayon ang babae, nagmakaawa sa kaniyang iligtas ito mula sa sakit na nararamdaman nito dahil sa taksil nitong asawa; nagmakaawa sa kaniyang agawin niya ang puso nito mula sa pinakasalan nitong lalake.Alam niyang isa itong malaking pagkakamali, isang kasalanan ang ginagawa nilang ito, pero hindi niya na mapigilan pa ang sarili, lalo na't si Ezra na mismo ang lumapit sa kaniya.Mahal niya na si Ezra, at dahil sa pagmamahal na ito ay nakagawa siya ngayon ng malaking kasalanan.“Venzie…” daing ni Ezra nang bumaba ang kaniyang mga labi sa mabango nitong leeg at doon naglaro kasama ng kaniyang mapangahas na dila.
“Ezra,” gulat na banggit ni Venzie sa pangalan niya nang mapagbuksan siya nito ng pinto. Nagtungo siya dito sa Darlay para talaga sadyain ito sa bahay nito, alam niya kasing day off nito ngayon.“Venzie…” mahinang usal niya sa pangalan ng binata, saka siya mahigpit na yumakap dito at umiyak sa balikat nito. “I need you, Venzie, please help me,” umiiyak na saad niya. Nabakas ang pag-aalala sa muka ni Venzie na gumanti ng yakap sa kaniya.“What happened, Ezra?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya, pero sa halip na sumagot ay isang walang buhay na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya, at saka isinubsob ang muka sa leeg nito't sinimulang halikan ito sa parteng 'yon.“Ezra!” gulat na bulalas nito dahil sa ginawa niya, saka siya nito marahang itinulak palayo. “Ano'ng problema, Ezra? Ano'ng ginagawa mo dito?” kapagkuwan ay tanong nito.Mapait siyang ngumiti. “I need you, Venzie, nasasaktan ako ngayon, puwede ba'ng tulungan mo
“By the power vested in me, I now pronounce you, man and wife. You may now kiss your bride.”Ito na yata ang pinaka masayang araw ng buhay niya; ang maikasal sa taong mahal niya.Ang makita ang matamis nitong ngiti sa araw-araw na gigising siya'y isang malaking tuwa at kaginhawaan ang hatid sa puso niya.Ang mahagkan pa lamang ang mapula at malambot nitong labi ay hindi niya na maipaliwanag kung gaano siya kasuwerte dahil siya ang lalakeng napili nitong mahalin.Paano pa kaya ngayong mag-asawa na sila't puwede niya nang magawa ang matagal niya nang inaasam magawa kasama si Ezra.“Good luck sa honeymoon, Julius, enjoy hahaha!” malaki ang ngising saad ng matalik niyang kaibigan na si Raniel, katabi ang asawa nitong si Cassy.Naiiling pero malawak ang ngiting nakipag-fist bumps siya sa kaibigan.“Nako, Julius, 'wag na 'wag mong lolokohin 'yang asawa mo, huwag kang guma...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
댓글