“Honey, in-invite kami ni Uno bukas, first birthday ng bunso niya, magdamagang inuman raw,” saad ni Julius nang tabihan niya ito sa kama.
“Okay,” tipid na sagot niya habang kinukumutan ang sarili. Okay lang naman sa kaniya kapag nakikipag-inuman si Julius sa mga kaibigan nito, lalo na kung may okasyon naman.
“Ayaw mo ba'ng sumama?” tanong nito, kahit pa alam naman na nito ang magiging sagot niya. Ayaw niyang sumasama sa mga gathering, lalo na kung hindi niya naman kilala ang mga taong kasama. Hindi siya komportable.
“No, marami pa 'kong trabaho sa office.” Nilingon niya ang asawa. “Mag-enjoy ka bukas.” Tipid niya itong nginitian. Nakita niya ang pagngiti rin nito bago siya tumihiya, saka niya ito naramdamang umusog sa tabi niya't yumakap sa baiwang niya, kaya nag-unan siya sa braso nito't marahang hinaplos ang braso nitong nakayakap sa baiwang niya.
“Thank you, Honey,” maya-maya'y bulong ni Julius sa kaniya, kaya bahagyang nangunot ang noo niya.
“For what?” tanong niya nang hindi lumilingon rito. Ipinikit niya na ang mga mata niya. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag yakap-yakap siya ng asawa; napakagaan sa pakiramdam.
“Kasi pinayagan mo 'ko kahit na sinabi kong magdamagang inuman 'yon, it means hindi ako makakauwi bukas ng gabi,” sagot nito. Ramdam niya ang pagtama ng hininga nito sa gilid ng muka niya, dahil sa sobrang lapit nito sa kaniya.
“I trust you, Honey, alam kong wala kang gagawing kalokohan,” sagot niya na nananatiling nakapikit, kaya hindi niya nakita ang paglawak ng ngiti sa labi ng asawa.
“Wala talaga, Honey, ikaw lang kasi sapat na, sobra-sobra pa hehe. I love you,” mahinang usal nito, saka niya naramdaman ang paghalik nito sa ulo niya, dahilan para tipid siyang mapangiti.
“I love you too, and good night,” sagot niya na hindi na nagmulat, saka na sila natulog habang mahigpit na nakayakap sa kaniya ang asawa.
***
Abala siya sa pag-re-review ng mga proposal nang bigla na lamang may isang babaeng walang katok na pumasok sa opisina niya, nakasunod rito ang secretary niya na pinipigilan ito, saka takot na tumingin sa kaniya.
“Ma'am, sorry, nagpumilit po siyang pumasok,” bahagyang nanginginig na saad nito. Hindi niya ito masi-sisi kung bakit ganito ito katakot sa kaniya; lahat naman ng empleyado rito ay takot talaga sa kaniya; tipong presensiya niya palang ay nanginginig na ang mga ito.
Walang emosyon niya itong tinignan, bago ibinalik ang paningin sa lapastangang babae na walang habas na pumasok sa opisina niya nang walang pahintulot. Pamilyar sa kaniya ang babaeng 'to, pero hindi niya na maalala kung sa'n niya ba ito nakita before.
“Who are you and what do you need?” wala pa ring pinakikitang emosyong tanong niya sa babae, dahilan para hindi ito makapaniwalang tumingin sa kaniya.
“Really, Ezra? Hindi mo 'ko kilala?” nang-uuyam na tanong nito sa kaniya, kaya umayos siya ng upo niya't pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa niya.
“I'm sorry, madali ko talagang makalimutan ang mga taong wala namang importansiya,” simpleng sagot niya, dahilan para mapaawang ang mga labi nito dahil sa naramdamang pagkainsulto. Nagsasabi lang naman siya ng totoo. Walang space sa isip niya ang mga taong wala namang gawa sa buhay niya.
“You're such a freak weirdo bitch!” mariing usal nito, dahilan para mapanganga ang secretary niya. Hindi ito makapaniwala sa babae na nagawa siyang pagsalitaan ng gano'n. Akmang lalapitan na nito ang babae pero sinenyasan niya itong hayaan lang ang lapastangang babae. Gusto niya ring malaman ang dahilan ng pagpunta nito; sayang naman ang effort nito na pagsadya sa office niya kung hindi niya pagbibigyan.
“Just tell your errands and leave, as you can see, marami pa 'kong trabaho na kailangang tapusin,” mahinahon at walang kaemo-emosyong saad niya na tinutukoy ang mga papel at folder na nasa lamesa niya. Ang dami niyang kailangang pag-aralang proposal, at kailangan na ang pirma niya ngayong araw mismo, tapos iniistorbo ng babaeng 'to ang pagtatrabaho niya.
“Ang yabang mo,” napapatiim bagang na saad nito, pero hindi siya tumugon, hinihintay niyang sabihin nito ang pakay. Ayaw niya ng masyadong nagsasalita, lalo na kapag hindi niya kilala ang kausap.
Nanatili siyang walang kibo na deretsong nakatingin dito, dahilan para pagak na tumawa ang babae, saka siya nginisian at tinaasan ng kilay.
“Okay, hindi mo 'ko kilala o naaalala? Puwes magpapakilala ako sa 'yo.” Nameywang ito na nananatiling nakangisi sa kanya. “I'm Cielo, Julius girlfriend.”
Napabuntong hininga na lamang siya.
“Nice try, pero marami na'ng nagpunta sa 'king babae at sinabi 'yan. Wala bang bago?” walang ganang sambit niya, saka sumandal sa swivel chair niya't itinukod ang mga siko sa armrest, saka marahang nilaro-laro sa kamay niya ang nadampot na sign pen.
“What the hell?” hindi makapaniwala nitong bulalas.
“You know, miss, kung 'yan lang ang pinunta mo dito, umalis ka nalang, dahil hindi mo masisira sa 'kin ang asawa ko.”
“Huh! Gano'n ka katiwala sa kaniya? Hindi mo ba alam ang nakaraan niya? Likas na kay Julius ang pagiging babaero, hindi siya nakukuntento sa isang babae lang!”
Nanatili siyang kalmado. Malamang isa ito sa mga ex ng asawa niya no'ng college. Medyo sanay na siya sa mga tagpong ganito, at medyo nakararamdam rin siya ng awa sa mga babaeng tulad ng nasa harapan niya; 'yong hindi maka-move on at naghahabol pa sa lalakeng may mahal nang iba; mga desperada.
Though naiintindihan niya ito; siguro talagang minahal lang nito ang asawa niya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang pagiging babaero ni Julius noon bago sila magkakilala, pero hindi niya na ito binibigyan pa ng pansin, dahil ang mahalaga ngayon ay nagbago na ito; sa nakikita niya.
“I trust my husband, at 'yon ang dahilan kaya hanggang ngayon ay matibay ang pagsasama namin.”
“You're a stupid bitch! Ilusiyonada! Akala mo talaga kuntento na sa 'yo si Julius? Nagkakamali ka! Dahil makikita mo, magsasawa rin siya sa 'yo, at pagtatawanan talaga kita kapag naghanap siya ng ibang babae!” gigil na bulalas nito sa kaniya, kaya nagkibit balikat na lamang siya't sumagot ng…
“Okay.” Saka niya na sinenyasan ang secretary niya na palabasin ang babae. Nagpumiglas pa ito't paulit-ulit siyang ininsulto kaya nahirapan ang secreatary niya, mabuti na lamang at may mga dumating na guards kaya tuluyan na itong nailabas ng building.
Siguradong magiging hot topic nanaman ito ng mga empleyado sa lahat ng department, at siguradong makararating nanaman ito sa ama niya.
Napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido't itinuloy na ang naudlot niyang trabaho.
Wala nanamang kuwentang tao na kailangang i-delete sa isipan niya.
***
(Ricks Bar in Harmony Bridge, Hallony.)
“Akala ko ba first birthday ng bunso mo? Ano'ng ginagawa natin dito sa bar?” kunot noong tanong niya sa kaibigang si Uno.
“Tss, kung hindi ko 'yon sasabihin, siguradong hindi kayo papayag dito,” nakangising sagot nito, dahilan para batuhin ito ni Raniel ng kaka-serve palang na pulutan sa table nila.
“Gago ka! Mayayari ako nito kay Cassy ehh,” bulalas ni Raniel. Well, pati siya, siguradong malalagot siya kay Ezra kapag nalaman nitong hindi naman pala talaga totoong birthday ng anak ni Uno.
“Pagbigyan niyo na 'ko, minsan-minsan na nga lang tayo nagkikita ehh.”
“Tss, 'pag ito nalaman ni Ezra, ikaw ang magpaliwanag sa kaniya ahh,” ngising saad niya, dahilan para mamutla ang kaibigan niya. Sabay silang tumawa ni Raniel. Lahat naman ng kaibigan niya'y takot sa asawa niya. Hindi niya alam kung bakit, samantalang sa paningin niya'y mukang anghel ang asawa niya.
“Gago, tignan palang ako ng asawa mo parang maiihi na 'ko sa kaba.” Muli silang nagtawanan ni Raniel dahil sa sinabi nito.
“Bakit ba kayo takot na takot kay Ezra? Para kayong mga abnormal,” tanong niya, saka tumungga sa hawak niyang beer.
“Tch, ikaw lang yata ang hindi natatakot kay Ezra ehh. Unang kita ko palang sa kaniya noon kinilabutan na 'ko. Para' kasi siyang nababalutan ng itim na aura,” sagot ni Uno na mabilis na sinang-ayunan ni Raniel. Tama naman ang mga ito. Iba talaga ang presensiya ni Ezra, hindi ito pala-kaibigan at madalang kung magsalita; masyadong mahinahon at hindi mo malalaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip.
Pero kahit na gano'n si Ezra, never siyang nakaramdam ng takot dito, dahil nang una niya itong makita, kakaibang pakiramdam ang naging hatid nito sa kaniya; napakasarap na pakiramdam.
Siya nga lang ang natatanging lalake na naglakas loob na lumapit dito noon; and that's a very good thing, wala kasi siyang naging karibal o kaagaw, dahil lahat ng lalakeng nagkakainteres dito'y walang lakas ng loob na lumapit. Totoong tingin palang ni Ezra ay tatakasan ka na ng dila mo. 'But, not me.' Napangisi siya sa sinaad ng isip.
'Everyone says she's creepy, but for me she's amazing.'
“Ewan ko sa inyo, ang ganda-ganda ng asawa ko kinatatakutan niyo,” nakangising saad niya, kaya siya naman ang binato ng pulutan ng dalawa.
Nagkuwentuhan at nagtawanan lang sila habang inuubos ang tatlong bucket ng beer na in-order nila. Tatlo lang sila pero talagang nag-e-enjoy na sila. Para' silang bumalik noong teen-ager palang sila; parati rin silang laman ng mga bar noong kabataan nila. Hindi niya maitatanggi na na-miss niya rin ito.
At nang medyo malasing na sila, namalayan na lamang nila ang mga sarili na naglalaro na ng truth or dare na parati nilang nilalaro noong mga binata pa sila.
“Puro kayo truth, ang boring na!” reklamo ni Uno dahil sa tuwing turn na nila'y parating truth ang sagot nila, hindi gaya noong binata pa sila na parating dare ang pinipili nila; mas exciting kasi 'yon.
“Sige tanggalin natin ang truth, puro dare nalang tayo,” saad ni Raniel na mukang malala na ang tama, dahil nakarami na rin sila ng bucket ng beer, idagdag pa ang ibang klase ng alak na ininom nila.
“Sige,” sang-ayon niya na rin dahil gusto niya pang mas i-enjoy ang gabing ito.
Muli nilang pinagpatuloy ang laro, at puro kalokohang dare lang ang pinag-gaga-gawa nila, nagawa pa nga'ng makipag-halikan ni Raniel sa isang babae dahil sa 'yon ang sinabing dare ni Uno.
Sa sobrang pag-i-enjoy at kalasingan, nalimutan na nilang may mga asawa silang naghihintay sa mga bahay nila.
Nang turn niya na ulit, ngumisi sa kaniya si Uno't tinuro ang isang babae na nasa bar counter. Nilingon niya ito't inaninag; sa kalasingan niya'y hindi niya na masyadong makita ang itsura nito.
“Tanggalin mo 'yang wedding ring mo, saka mo lapitan ang babaeng 'yon at magpakilala,” saad ni Uno na nananatiling nakaturo sa babae, kaya napangisi siya.
“'Yon lang? Tss, ang basic naman,” pagyayabang niya, saka niya tinanggal ang wedding ring niya't ibinulsa, at saka siya tumayo't bahagyang gumegewang na lumapit sa babaeng prenteng nakaupo sa high stool at umiinom ng cocktail drink habang nagmamasid sa paligid. Ang inosente ng itsura nito, parang first time pumasok ng bar.
“Hi, Miss, are you alone?” Napatingin sa kaniya ang babae at saka bahagyang umawang ang labi. Naguwapuhan siguro sa kaniya. Lihim siyang napangisi dahil sa naisip.
“Ahh… Kasama ko ang mga kaibigan ko,” mahinhing sagot nito na napaiwas pa ng tingin, sabay inom sa cocktail glass nito.
“Na sa'n sila? Dapat hindi nila iniiwang mag-isa ang isang magandang babaeng kagaya mo sa lugar na 'to,” saad niya, saka ipinamalas rito ang ngiti niyang nakaka-hook sa mga babae.
Lasing na nga talaga siya dahil hindi niya na alam ang ginagawa niya; kung nasa katinuan lamang siya'y hindi niya lalapitan ang babaeng 'to dahil ayaw niyang lokohin ang asawa niya. Pero ano 'tong ginagawa niya? Hindi niya na alam.
Namula ang babae at muling napaiwas ng tingin, kaya muli siyang lihim na napangisi. Wala pa rin talagang kupas ang karisma niya sa mga babae.
“By the way, I'm Julius, and you are?” kapagkuwan ay pakilala niya na, saka inilahad ang kamay sa babae, na malugod naman nitong tinanggap.
“Camina,” mahinang pagpapakilala rin nito sa kaniya.
“Camina… beautiful name, as you do.” Saka niya marahang hinalikan ang kamay nitong hawak niya.
___
Facebook Page: Ivy Loud Stories
Instagram: @ivy.loud
Twitter: @I_Loud_
Wattpad: @IvyLoud
Everything happens in a blur. Bigla niya na lamang nakalimutan ang mga kaibigan niya't masayang nakipagkuwentuhan kay Camina.Napakasimple lang nito't napakahinhin, pero napakaganda naman nito't napakasarap kausap.Ang lambot ng kamay nito nang hawakan at halikan niya ito kanina.At habang nagsasalita ito'y pasimple siyang nakatitig sa mapulang labi nito na parang napakalambot at ang sarap halikan.Parang ang sarap ring haplos-haplosin ng makinis at porselana nitong balat.Lunod na talaga siya sa kalasingan at hindi niya na magawang umahon pa. Hindi niya na alam ang ginagawa niya, biglang nawala sa isip niya na kasal siya sa pinakamamahal niyang asawa.At ngayong gabi ay parang gusto niya na lamang magpaalipin sa tumataas niyang libido dahil sa simple pero kaakit-akit na babaeng nasa harapan niya na parang tinamaan na rin dahil sa pilit niya itong pinainom ng hard drink.
One week had passed…Kahit na ano'ng gawin niyang pagpipigil at pagpilit sa sarili na kalimutan ang dalaga na nakilala niya sa bar last week, hindi pa rin talaga ito mawala sa isipan niya. Hindi niya na alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya.'Ano ba ang ginawa ng babaeng 'to sa 'kin at hindi na siya mawala-wala pa sa isip ko? Am I that attracted to her?'Napahigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan niya nang makita ang babaeng 'yon sa labas ng coffee shop na pag-aari nito na nagpupunas ng glass door.Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Napakasimple lamang ng suot nito pero napakalakas pa rin ng dating nito sa kaniya. Napalunok na lamang siya nang yumuko ito para punasan ang ibabang bahagi ng glass door, kaya kitang-kita niya ngayon ang bakat ng bilugang pang-upo nito sa suot nitong slacks.Bumigat ang paghinga niya at ramdam na ramdam niya ang paninigas ng kaniyang tinatagong a
Nang sumapit ang gabi, inaya niya si Camina na mag-check in sa isang hotel para do'n na magpalipas ng gabi. Katatapos lamang nilang maghapunan, at ngayon ay nasa bathroom na si Camina para maglinis ng katawan, kaya naman kinuha niya ang pagkakataong ito para matawagan ang anak niya.“Diyan ka muna ke'la grandma and grandpa ahh, 'wag kang maglilikot diyan,” mahina ang boses na wika niya sa anak mula sa kabilang linya.“Yes po, Daddy, mag-re-read lang po ako ng new book ko na ni-buy ni Mommy yesterday,” malambing ang boses na sagot nito, dahilan para mapangiti siya.“Sige, anak, mag-read ka lang nang mag-read ahh. I love you.”“I love you too, Daddy.”“Sige na, may work pa si Daddy ehh, bye-bye na ahh.”“Bye-bye po.”Malalim na lamang siyang napabuntong hininga nang maputol na ang linya. Nandiyan nanaman ang pag-aalinlangan niya nang marinig ang malambing na boses ng
Nang makarating sila sa Harmony ay dumeretso sila sa bahay na tinitirahan ni Camina; hindi ito kalakihan 'tulad ng bahay nila na pinagtulungan nilang ipundar ni Ezra, pero two storey house ito na may tatlong maliit na kuwarto sa taas. Sapat na sapat na para sa nag-iisang babaeng 'tulad ni Camina.“Magkape ka muna,” mahinhing saad ni Camina, kasabay ng paglapag nito ng isang tasa ng kape sa center table ng maliit na sala nito.“Mag-isa ka lang talaga dito?” tanong niya, kahit na alam naman niya na ang sagot. Nasabi na rin nito na mag-isa nalang itong namumuhay ngayon noong gabing una silang magkakilala. Sa pagkakaalala niya'y naglayas ito dahil sa magulong pamilya nito, mas pinili nitong mamuhay nalang mag-isa ke'sa manatiling miserable kasama ang kinalakihan nitong pamilya.Pinagtapos nito sa pag-aaral ang sarili, nagsikap ito hanggang sa makapagpundar na ng sariling bahay at negosyo. At dahil do'n ay mas humanga siya sa babae; hind
Another week had passed…At sa nakalipas na isang linggo'y araw-araw silang nagkikita ni Camina. Nag-de-date sila, enjoying each other’s company. Mukang hulog na hulog na nga ang babae sa kaniya, dahil ito pa mismo ang nagtanong kung ano'ng label na ba ang me'ron sila. Kaya naman tinanong niya ito kung puwede niya na ba itong maging girlfriend.Funny tho, ilang beses nang may nangyari sa kanila, kaya tatanggi pa ba ito? Mukang gustong-gusto naman siya ng babae. Poor Camina, wala itong kaalam-alam na may asawa na ang lalakeng tinatangi nito. Medyo nakararamdam siya ng konsensiya, pero lamang ang pagkahumaling niya sa babae, kaya hanggat hindi siya nagsasawa dito'y hindi niya ito lulubayan.Asawa nga niya'ng mahal na mahal niya'y nagawa niyang lokohin, ito pa kayang babae na wala naman talagang halaga sa kaniya? Yes, he sounds so evil, pero ano'ng magagawa niya? Hindi niya mapigilan ang sarili. He's now addicted with Camina, and he lo
“Ma'am, magpapahatid po ba ako ng lunch mo?” magalang na tanong ng secretary niya matapos pumasok ng opisina niya. And as usual, walang emosyon niya itong binalingan, dahilan para marahan itong mapalunok. Kahit na sanay na ito sa kaniya'y hindi pa rin nito maiwasang matakot sa tingin palang niya.“No, sasabay ako sa husband ko,” tipid na sagot niya, saka muling ibinalik ang atensiyon sa laptop niya.“Okay po, Ma'am,” huling salitang narinig niya sa secretary niya, bago nito muling nilisan ang opisina niya.Mula nang bumalik siya galing Spain three days ago, parati nang sumasabay sa kaniyang mag-lunch ang asawa niya; pinupuntahan siya nito dito sa opisina niya para magdala ng pagkain at para sabayan siyang kumain. Medyo nagtaka siya sa pagiging extra-sweet ng asawa, pero hindi niya na lamang ito binigyang pansin at hinayaan na lamang ito sa mga gusto nitong gawin, kahit na parang may kumakalabit sa kaniyang isipan na may ibang nangya
Muntik na siyang mabistong may ginagawang kalokohan kagabi, good thing at mukang hindi napansin ng asawa niyang hindi niya suot ang wedding ring nila. Sa pagmamadali niyang makapunta ng hospital ay nawala na sa kaniyang isipan ang tungkol sa wedding ring nilang tinanggal niya nang puntahan si Camina.At nakahinga siya ng maluwag nang hindi na humingi pa ng paliwanag sa kaniya si Ezra kung bakit wala siya sa resto, samantalang sinabi niyang busy siya sa trabaho dahil maraming guest, ayaw pa naman sa lahat ni Ezra ay ang nagsisinungaling. Masyado lang siguro itong nag-alala sa anak nila kaya hindi na nito binigyang pansin ang kaalamang wala siya sa resto at hindi siya sumasagot sa mga tawag at text nito.Pero may parte pa rin sa kaniya ang nag-aalala sa kung ano'ng laman ng isip nito ngayon. Alam niyang normal na dito ang pagiging tahimik, pero parang mas dumoble ito ngayon, pero agad rin namang nawawaksi ang pag-aalala niya sa tuwing kakausapin siya
Binalaan na kita noon, Ezra, pero hindi ka nakinig sa 'kin. Napakalaking kahihiyan nito sa pamilya!” mahinahon pero mariing saad ng chairman na siyang lolo niya sa father' side.Sa halip na nasa opisina ay narito siya ngayon sa Saavedra Mansion, dahil hindi lang pala siya ang pinadalhan ng video ng hindi kilalang sender na 'yon, kun'di pati na rin ang lahat ng miyembro ng pamilya niya na ngayo'y nakapulong na sa enggrandeng hapagkainan ng naturang mansion.Ang chairman na siyang grandpa niya na nasa dulo ng mesa, ang grandma niya na nasa kaliwang side ng chaiman, ang father niya na nasa kabilang dulo ng mesa, ang mother niya ay nasa right side ng ama niya, at samantalang siya'y nasa left side naman nito.Maliit lang ang pamilya nila dahil nag-iisang anak lang ng chairman ang father niya, at wala rin naman siyang kapatid, kaya nga nag-iisang tagapagmana lang talaga siya ng mga Saavedra. Though may mga kapatid, pinsan, at mga pamangki
‘Five years later…’Sa limang taong nakalipas ay naging buo at matatag pa rin ang pamilya niya, though hindi na talaga maiiwasang magkaro'n ng problema na sumusubok sa tatag ng pagsasama nilang mag-asawa.Malusog na nailuwal ni Ezra ang anak nito at ni Venzie, at gaya ng gusto ng chairman ay isa itong malusog na lalake, na pinangalanan ng mga itong ‘Valzie Saavedra;’ napagdesisyonan ng mga itong Saavedra ang dalhin nitong pangalan dahil na rin sa kagustuhan ng chairman.At gaya ni Ezra ay malusog ring naipanganak ni Camina ang anak nila na isa namang babae na pinangalanan ni Camina'ng ‘Carmela,’ ayaw man ni Camina pero apelido pa rin niya ang pinagamit dito dahil naman sa kagustuhan ni Ezra.Wala ring nagawa si Camina nang mapagdesisyonan ni Ezra na kunin si Carmela nang tumuntong na ito ng isang taon para sa bahay na patirahin kasama nila, naglaban pa si Camina pero sa huli ay wala pa rin itong nagawa kun'di ang da
“Camina, right? Ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon? Bukod sa paglandi---”“Mom, stop it,” may nagbabantang tinig na putol niya sa ina, kaya agad na napairap ang ina niya at nagpatuloy na lamang sa pagpapakain sa anak niya, kaya naman nakangiti niyang binalingan si Camina.“Don't mind her, ganiyan lang talaga si Mommy,” nakangiting saad niya rito, pero napasinghal lang si Camina at nakangiwing tinignan silang lahat.“Nababaliw na kayong lahat, Ezra just cheated on her husband, nagpabuntis siya sa ibang lalake ‘tapos okay lang sa inyo 'yon? My God, ano'ng klaseng pamilya kayo? Kinukunsinti niyo ang pagiging makasalanan ng anak niyo!”“How dare you?!” galit na bulalas ng ina niya matapos marinig ang winika ni Camina.“Bakit? Totoo naman ang sinabi ko! Wala akong kasalanan sa inyo! Wala akong alam na may asawa na si Julius! Pero bakit kailangan niyo pa 'kong idamay sa kabaliwan na 'to?!”
‘Finally it's happening.’ Tipid siyang napangisi nang ihinto na ng kaniyang asawa ang kotse sa tapat ng mansion. Nilingon niya ang asawang nagtatanggal na ng seatbelt at walang kangiti-ngiti sa muka.Of course hindi nito nagustuhan ang ginawa niya, pero ano pa ba ang magagawa nito? She's the boss in this family! At isa pa'y ito ang nagsimula, ito ang unang nagkasala, kaya wala itong magagawa kun'di tanggapin ang lahat ng ibibigay niyang kapalit.“Smile, Honey,” nakangising saad niya, saka naman nilingon ang anak niya sa backseat na abala sa panonood ng isang psychological movie sa iPad nito.“Tigilan mo na muna 'yan, Ezianna, nandito na tayo,” utos niya dito.“Okay po, Mommy,” mabilis na pagsunod nito, saka na ibinalik ang iPad nito sa loob ng sarili nitong bag.‘My daughter is really a good child, she always obeying my words.’Naipaliwanag niya na rin dito ang magiging sitwasyon ng
“Sira ulo ka talaga, I'm on my way,” natatawang saad niya sa kaibigang nasa kabilang linya. Tumawag ito sa kaniya kanina dahil nag-aaya nanama'ng mag-night hang out si Uno, pero ngayon dito naman sa Crimson Wood, mabuti na lamang at kasama niya kanina si Ezra nang tumawag ito kaya agad siyang nakapagpaalam sa asawa niya, at mabuti na lamang sa kabila ng nagawa niyang kasalanan ay pinayagan pa rin siya nito, dahil ngayon nangangako na talaga siyang wala nang gagawing kalokohan pa, nadala na siya.Kaya ngayon ay maaga siyang nag-out sa trabaho dahil tumawag nanaman itong si Raniel dahil kasama na raw nito ngayon si Uno sa ‘Krix Night Bar’ na hindi nalalayo sa resto na pag-aari niya.Nang makarating sa naturang bar, agad siyang nagtungo sa VIP Room na kinuha ng dalawang kaibigan.“Musta, pre? Balita ko muntik ka nang mawalan ng asawa ahh,” nakangising salubong sa kaniya ni Uno.“Sa'n mo naman nasagap ang balitang 'yan?
Hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman ngayon, matapos marinig ang kuwento ni Camina ay kung ano-ano na ang pumasok sa isipan niya.Ang dating nobya ang kabit ni Julius na siyang asawa ni Ezra na ngayo'y babaeng tinatangi niya; coincidence lang ba 'yon? O sinadya?Ayaw niyang isipin pero hindi niya mapigilan; paano kung tama ang tumatakbo sa isipan niya ngayon? Paano kung ginagamit nga lang siya ni Ezra para gumanti sa asawa nito?Pero hindi pa nga ba? Ito na mismo ang nagsabi na gusto nitong iparamdam sa asawa nito ang nararamdaman nito ngayon.Pero bakit nga ba siya? Nagkataon nga lang ba ang pagkakakilala nilang dalawa? Aksidente ba talaga ang pagkabangga niya dito sa kalsada? Gano'n ba ito kadesididong magantihan ang asawa nito para ipahamak ang sarili at sadyang magpasagasa sa kaniya?Pero kung gano'n nga, bakit siya pa? Dahil ba may nakaraan silang dalawa ni Camina? Gusto rin nitong magantih
“Hindi ako natatakot sa inyo! Kahit na dalhin niyo pa 'to sa korte, ako lang ang may karapatan sa anak ko!” matapang na sambit niya sa babae. Ipaglalaban niya ang anak niya kahit na ano'ng mangyare!“Hindi mo 'ko gugustuhing kalabanin, Camina, mukang hindi mo kilala ang pamilyang kinabibilangan ko.”“Wala akong pakialam kung sino pa kayo! Anak ko 'to, kaya akin lang 'to! Tigilan mo na 'ko, Ezra, hindi ko alam kung bakit niyo ginagawa sa 'kin 'to, ano ba ang ginawa kong kasalanan sa inyo?!” Talagang hindi niya na napigilan ang paghagulgol niya, at naiinis siya dahil ang kaharap niya ay nananatili pa ring kalmado sa kabila ng pagsigaw na ginagawa niya. Bakit ba kasi ang bilis niyang magtiwala? Parati nalang tuloy siyang naloloko.“Wala kang ginawang kasalanan, Camina, ang gusto ko lang naman ay makasama ng asawa ko ang anak niya sa 'yo, mahirap ba 'yon? Wala naman akong planong ilayo 'yang nasa sinapupunan mo, pero kung hindi ka makik
‘Two weeks have passed…’“Ano ba talaga ang pinaplano mo, Ezra? Sino itong lalaking nakarating sa 'king dumadalaw sa opisina mo halos araw-araw?”Pinatawag siya ng chairman sa opisina nito sa mansion dahil sa kumakalat na tsimis ngayon sa kumpanya, dahil sa pagpapapunta niya kay Venzie sa opisina niya; iba't ibang usapin ang naging sanhi no'n, may iba na sinasabing kaibigan niya 'yon, 'yong iba naman ay kabit niya, at may iba naman na sinasabing kamag-anak niya.Wala siyang pakialam sa sinasabi ng mga tao, ang mahalaga ay naisasakatuparan niya na ang plano niya.“Don't worry chairman, naayos ko na ho ang tungkol sa kumakalat na usapin tungkol sa 'kin, at tungkol naman sa lalakeng pumupunta sa opisina ko, kasama siya sa plano kong pagpaparusa sa asawa ko,” malumanay at hindi nagpapakita ng kahit ano'ng emosyong sagot niya.Tumaas ang dalawang kilay ng chairman, at parang biglang naging interesado sa
Alam niyang hindi ito tama, pero si Ezra na mismo ang nagmakaawa sa kaniya, paano niya matatanggihan ang babaeng ngayon ay mukang tuluyan nang nakapasok sa puso niya?Hindi niya alam kung paano, basta naramdaman niya na lamang, tuluyan na nitong pinalitan si Camina sa puso niya.‘Tapos heto ngayon ang babae, nagmakaawa sa kaniyang iligtas ito mula sa sakit na nararamdaman nito dahil sa taksil nitong asawa; nagmakaawa sa kaniyang agawin niya ang puso nito mula sa pinakasalan nitong lalake.Alam niyang isa itong malaking pagkakamali, isang kasalanan ang ginagawa nilang ito, pero hindi niya na mapigilan pa ang sarili, lalo na't si Ezra na mismo ang lumapit sa kaniya.Mahal niya na si Ezra, at dahil sa pagmamahal na ito ay nakagawa siya ngayon ng malaking kasalanan.“Venzie…” daing ni Ezra nang bumaba ang kaniyang mga labi sa mabango nitong leeg at doon naglaro kasama ng kaniyang mapangahas na dila.
“Ezra,” gulat na banggit ni Venzie sa pangalan niya nang mapagbuksan siya nito ng pinto. Nagtungo siya dito sa Darlay para talaga sadyain ito sa bahay nito, alam niya kasing day off nito ngayon.“Venzie…” mahinang usal niya sa pangalan ng binata, saka siya mahigpit na yumakap dito at umiyak sa balikat nito. “I need you, Venzie, please help me,” umiiyak na saad niya. Nabakas ang pag-aalala sa muka ni Venzie na gumanti ng yakap sa kaniya.“What happened, Ezra?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya, pero sa halip na sumagot ay isang walang buhay na ngisi ang gumuhit sa mga labi niya, at saka isinubsob ang muka sa leeg nito't sinimulang halikan ito sa parteng 'yon.“Ezra!” gulat na bulalas nito dahil sa ginawa niya, saka siya nito marahang itinulak palayo. “Ano'ng problema, Ezra? Ano'ng ginagawa mo dito?” kapagkuwan ay tanong nito.Mapait siyang ngumiti. “I need you, Venzie, nasasaktan ako ngayon, puwede ba'ng tulungan mo