Tears of Pain

Tears of Pain

last updateLast Updated : 2022-04-29
By:   HopeIsSerenity  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
20Chapters
2.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Inside the house of pure darkness, there lived a girl who was once painted with purity and innocence. Until the demon began devouring her femininity, stealing her faith away from God as it destroys her whole existence.At sino'ng mag-aakala na ang demonyong sisira sa kaniyang buhay ay ang sariling ama? How can this demon be so manipulative that all she could do was scream in pain and whimper in silence?Slowly, the wall she tried to build was falling down, making the hopes from deep into her soul crashed into pieces. WARNING: This book contains violence and suicidal ideation. Reader's discretion is advised.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

1...2...3...Mahinang tunog ng relo na animo'y binibilang ang bawat segundo.4...5...6...Umalingawngaw ang tunog nito sa bawat sulok ng silid-aklatan. Ang bawat paggalaw at pag-kumpas nito ay tila tibok ng kaniyang puso.Napaka-tahimik, na kahit ang pinaka-mahinang bulong ay maririnig. Madilim ang paligid at nanaisin mong manatili rito upang umiyak nang umiyak dahil wala namang makaririnig sa'yo.Ang sahig ay malinis at makintab. Halata mo'ng pinagpagurang linisin. Napakaganda..Ngunit nababawasan ang ganda nito dahil sa mga papel na nakakalat. Ang mga letra'y mistulang nakasulat sa pulang tinta na hindi na mabasa nang malinaw. Kailangan mo pa'ng titigan nang mabuti bago malaman ang mga ibig sabihin nito.Kapag inilibot mo...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Nihc Ronoel
I feel the pain of the main character. Being molested by your own father is just so hard to accept. Now I understood why this story has a suicide theme. The first few chapters already show the facts that would lead to it. I just hope that Eleonor finds happiness in the end.
2020-10-28 21:49:17
1
20 Chapters
Prologue
1...2...3...Mahinang tunog ng relo na animo'y binibilang ang bawat segundo.4...5...6...Umalingawngaw ang tunog nito sa bawat sulok ng silid-aklatan. Ang bawat paggalaw at pag-kumpas nito ay tila tibok ng kaniyang puso.Napaka-tahimik, na kahit ang pinaka-mahinang bulong ay maririnig. Madilim ang paligid at nanaisin mong manatili rito upang umiyak nang umiyak dahil wala namang makaririnig sa'yo.Ang sahig ay malinis at makintab. Halata mo'ng pinagpagurang linisin. Napakaganda..Ngunit nababawasan ang ganda nito dahil sa mga papel na nakakalat. Ang mga letra'y mistulang nakasulat sa pulang tinta na hindi na mabasa nang malinaw. Kailangan mo pa'ng titigan nang mabuti bago malaman ang mga ibig sabihin nito.Kapag inilibot mo
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 1
Napaka-payapa ng buong probinsiya ng El Cumano. Makikita rito ang mga puno't halaman na sagana sa bunga at mga ibon na bumababa sa sanga mula sa malayang paglipad sa himpapawid. Ang mga huni nito'y mistulang awit sa umaga na nagiging harana sa pagsapit ng gabi.  Sa bawat gilid ng daanan ay masisilayan ang maliliit na bahay na gawa sa pawid at kahoy. Ang sahig ay gawa sa kawayan na kung sasapit ang hapon ay nagbibigay ng maligamgam na pakiramdam. Ang mga mamamayan ay nagsisimula nang magsibak ng kahoy na kanilang pang-gatong bilang paghahanda sa kakainin.  Samantala, sa bakuran ay makikita ang mga luntian'g halaman kasama ang mga puno ng saging na hitik sa bunga. Sa gitnang parte nito'y mapap
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 2
Nang matapos ang tila isang oras na pagkaka-tulala sa loob ng kanilang maliit na banyo'y naisip niyang lumabas upang makapag-pahinga na sa kaniyang silid. Dahan-dahan siyang humakbang sa takot na baka makalikha siya ng anumang ingay na ikagagalit ng kaniyang ama."Sa'n ka pupunta?" Agad siyang kinabahan nang marinig ang tinig nito."M-Magpapahinga po" Napipilitan niyang tugon. Dahil sa mga maling inaakto ng kaniyang ama'y kinasuklaman na niya 'to mula nang siya'y magka-isip."Kumain ka na ba?" Tanong nito habang tutok ang mga mata sa panonood ng telebisyon. Bigla namang tumunog ang kaniyang tiyan na tila nakisama sa kaniyang sagot. Binaling ng kaniyang ama ang tingin nito sa kaniyang direksyon at ilang sandali pa'y kusa itong lumapit sa kaniya.Nakaramdam ang dalaga ng labis na kaba habang pinanonood niya ang bawat paghakbang ng kaniyang ama.Please, wag...Narara
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 3
Tirik na tirik ang araw. Ang mga mamamayan ng El Cumano ay nagkaka-siyahan sa munting salu-salo sa kanilang mga tahanan. Maingay at masigla ang buong probinsiya maliban sa makulimlim na tahanan ni Eleonor. Sa kabila ng mainit na panahon, naroon siya sa sulok ng silid, yakap ang mga tuhod habang nakatalukbong ng kumot ang kalahati ng katawan. Nanginginig ang kaniyang mga balikat at labi dahil sa labis na ginaw. Mainit ang kaniyang paghinga't kusang pumipikit ang mga mata dahil sa masaman'g nararamdaman.Ilang saglit pa'y pumasok ang kaniyang ama sa loob ng silid nang walang pag-alinlangan."Anong oras na, nakahiga ka pa rin!? Aba, kumilos ka!" Hinampas ng mabigat na kamay nito ang hita ng dalaga kaya lalo itong napapikit sa sakit."Ano ba'ng ginagawa mo diyan!?" Marahas nitong tinanggal ang kumot na bumabalot sa kaniya."P-Pa...masama po ang pakiramdam ko." Nanginginig na sambit ng dalaga. Tinitigan lang si
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 4
"Walang aalis! Dito ka lang sa pamamahay ko. Naiintindihan mo!?" Sinapo ng palad ni Emilito ang baba ni Eleonor kaya agad na napatingala ang dalaga. Nang matingnan ang ama sa malapitan ay itinaas niya ang kaniyang kilay at nandidiri itong tinitigan."Akala mo ba hindi ko narinig ang mga sinabi mo sa kuya mo? Anong akala mo sa'kin? Katulad mo'ng tanga?" Binitiwan niya ang baba ni Eleonor kaya agad itong napabaling sa gilid. Naramdaman na lang niya ang hapdi na dulot ng mahigpit na pagkaka-hawak sa kaniyang mukha na lalong nagpa-dagdag sa galit na kanina niya pa pinipigilan."Bakit, Papa? Wala na ba 'kong karapatan na mag-tapos? Ikukulong niyo na lang ba 'ko rito sa bahay!?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay napag-taasan niya ng boses ang kaniyang ama. Hindi ito inaasahan ni Eleonor kaya agad na nanlaki ang kaniyang mga mata. Ngunit ilang segundo pa'y naisip niya'ng dapat lamang ito sa kaniya. Sa wakas, sa tila napaka-habang panahon ay naging
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 5
"Pasensiya ka na ah.." Pag-hingi ng paumanhin ni Eleonor habang hindi maka-tingin nang diretso kay Matilda. Nang makita ang ganitong hitsura ng dalaga'y lumambot ang ekspresyon ni Matilda at napabuntong-hininga."Ayos lang, ano ka ba. 'Wag ka nang mahihiya sa'kin. Basta itago mo 'tong pera sa mga mata ng papa mo. Tara na? Ihahatid na kita sa inyo." Tumango na lang ang dalaga at nag-patangay kay Matilda. Hindi siya umimik sa gitna ng tahimik na paglalakad nila ngunit kahit gano'n ay magaan pa rin ang pakiramdam niya rito.Nang ilang hakbang na lang ang pagitan nila sa kanilang tahanan ay isinigaw ni Matilda ang pangalan ni Emilito habang mahigpit na hinahawakan ang kaniyang braso. Hindi alam ni Eleonor kung bakit, ngunit kumakalma siya sa tuwing malapit lang si Matilda sa kaniya. Sa tingin niya'y ligtas siya sa presensiya nito. At kahit magka-edad sila'y masasabi niya'ng mag-kaibang magka-iba sila ng katangian. Matapang ang babaeng nasa tab
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 6
Maiingay na tilaok ng manok ang nagpa-gising sa bawat mamamayan ng El Cumano. Lahat ay nag-umpisa nang kumilos upang simulan ang panibagong araw para sa panibagong pagbabanat ng buto. Pinakain ng mga tao ang kanilang mga alagang manok, nag-ayos ng mga tanim na halaman sa kanilang bakuran at nag-sibak ng kahoy para sa mga lulutuin na kanilang ihahanda.Samantala, sa tahanan na kung saan ay malayo ang mga kapit-bahay, mapapansin ang malaking katawan ni Emilito na nakadapa sa sahig. Ang malakas na hilik nito'y hindi nakatakas sa pandinig ng dalaga.Naisip na lang niya na ituloy ang pagliligpit kaya nagtungo siya sa likod ng kanilang bahay upang kunin ang walis tambo. Inisa-isa niya ang bawat sulok ng kanilang tahanan at mga natirang kalat ng kaniyang ama. At nang maramdama'ng tumatama sa kaniyang mga mata ang ilang hibla ng kaniyang mahaba at itim na buhok ay maayos niya 'tong itinali. Sunod na ginawa niya ay naghugas ng mga pinggan, pinunasa
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 7
Ang kagalakan sa puso ng dalawang dalaga ay walang pag-sidlan. Natutuwa si Matilda dahil sa wakas ay nakapag-desisyon na rin si Eleonor, at gano'n din ang tuwa'ng nararamdaman ni Eleonor dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may tao'ng handang tumulong sa kaniya.Magsasalita pa sana si Matilda nang may bigla silang marinig na ingay. Isa itong tinig ng pamilyar na lalaki kaya luminga-linga sa paligid si Eleonor hanggang sa mahuli ng mga mata niya ang kaniyang ama na nagpupuyos sa galit. Nagsalubong ang dalawang kilay nito't naka-kuyom ang mga kamay. Alam niya'ng maparurusahan na naman siya kaya wala siyang nagawa — nakatayo lamang siya't nakatulala. Hanggang sa narinig niyang sumigaw si Matilda. May mga pangalan itong binanggit hanggang sa mabilis na lumabas mula sa mala-laking bato ang mga kalalakihan na nakita niya kahapon. Nakita niya ang paglapit ng mga ito sa kaniyang ama at hinawakan nila ang kaniyang braso. Mas lalo pa'ng kinabahan si Eleonor d
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 8
Natatanaw na ni Eleonor mula sa bintana ng bus ang  naglalakihang mga gusali na nagpa-mangha sa kaniya.  "Matilda, ang ganda rito!" Maka-ilang beses na niyang sinambit ang mga salitang ito na nagpapa-ngiti naman kay Matilda habang nakatanaw sa bintana. Hawak niya nang mahigpit sa kaniyang kamay ang pitaka na naglalaman ng maliit na halaga na kaniyang naipon. Alam niya'ng hindi ito sasapat sa loob ng isang araw kaya hindi niya maiwasan na mag-alala dahil ginawa niya lang talaga ang lahat upang maka-alis sila ng probinsiya. At kahit walang kasiguruhan sa kanilang dadatnan sa Maynila ay pinili pa rin niya ang sumugal. Susubok na lang siguro sila ng mga matinong hanap-buhay upang maka-raos. Habang umaandar ang bus ay ang siyang pagtalon sa tuwa ni Eleonor kaya maya't mayang naka-alalay sa kaniya si Matilda. Nawawala tuloy ang kaniyang pag-aalala sa kakarompot niyang pera dahil sa tuwa na sumisilay sa maamong
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Chapter 9
Hindi pa man luma-lalim ang tulog ni Matilda'y isang hagulhol ang kaniyang narinig, kaya iminulat niya agad ang kaniyang namumungay na mga mata at agad na tumayo upang tingnan si Eleonor. Nakita niya'ng pawisan ang buong mukha nito at hindi matigil sa pag-tahip ang kaniyang dibdib."Eleonor...Eleonor...binaban gungot ka." Niyugyog nito ang mga balikat ni Eleonor ngunit wala rin itong saysay dahil patuloy pa rin siya sa pag-hikbi."Eleonor..." Natataranta na si Matilda dahil hindi niya alam ang pwedeng gawin kung sakaling hindi pa rin magising si Eleonor.Ngunit dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata'ng punong-puno na ng luha. Nang makita si Matilda ay agad siyang napa-bangon sa pagkaka-higa at akmang yayakapin ito kaya umakyat si Matilda sa kaniyang pwesto upang mahigpit siyang mayakap."M-Matilda..si Papa." Takot na takot na sambit ni Eleonor habang nanginginig ang labi. Hinaplos naman ni Matilda ang ka
last updateLast Updated : 2020-09-09
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status