Chapter: Chapter 19Nagsimula nang humakbang ni Wil patungo sa ika-apat na palapag; ang pinakatuktok ng Larzralé Bar. Lumilikha ng tunog ng prominenteng tao ang makintab niyang sapatos na dinig na dinig sa buong pasilyo. Ang kaniyang plantyadong kasuotan naman ay hindi lamang sumisigaw ng kapangyarihan, kun'di pati na rin ng kakisigan.Walang pag-alinlangan niyang tinatakpan ng matipunong mga braso si Eleonor na ngayon ay hindi mapalagay sa kayuyuko. Impit ang mga salitang hindi maibulalas ng dalaga. Hinayaan na lamang niyang takpan siya ni Wil; bawas kahihiyan na rin.Agad na huminto sa matamlay na paglalakad si Eleonor. "Teka, Wil." Huminto naman ang binata na may pagtataka.Bumwelo sa muling pagsasalita si Eleonor. Naisip niyang baka hindi nito naintindihan ang salitang tagalog. "W-Where are we going?" Dahil sa itinanong ni Eleonor ay nabanaag niya agad ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Wil.Hinawakan s
Huling Na-update: 2021-01-26
Chapter: Chapter 18Sa pagputol ng tawag ni Eleonor ay ang siyang pagngiti ni Wil Schord sa loob ng kaniyang opisina. Siya ang susundo kay Eleonor sa napag-usapan nilang tagpuan kaya naman labis ang nararamdaman niyang saya at pagkasabik. Hindi na siya makapag-hintay na makita't mahawakan si Eleonor.Samantala, labis naman ang pagpintig ng puso ni Eleonor dahil sa kaba. Hindi niya maintindihan nang lubusan ang kaniyang ginagawa. Hindi na rin niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Basta para sa kaniya, ang mahalaga na ngayon ay ang makaraos sa sitwasyon nila ngayon.Agad na s'yang nag-asikaso ng kaniyang isusuot at mga isusuot pa'ng mga damit. Sinabihan na kasi siya ni Wil na kakailanganin niya ang higit pa sa isang damit sa kaniyang pagpunta sa St. Larzralé Bar. At kahit may hindi na magandang kutob ay pinili niyang 'wag sundin ito. Mas pipiliin na niya ngayon ang lunukin ang natitirang hiya.Sa ganap na alas-kwatro ng hapon
Huling Na-update: 2020-11-24
Chapter: Chapter 17Agad na nilinis ng mga nurse ang iniwang kalat at bubog ni Matilda. Hindi naman ito nakalampas kay Dok. Agustin kaya nagtungo siya sa silid na kinaroroonan ni Matilda at Eleonor."Sorry po Dok, sa kung ano'ng nangyaring gulo. Pangako, hindi na po mauulit." Paumanhin ni Eleonor sa ngalan ni Matilda. Nilingon naman ni Dok. Agustin ang pwesto ni Matilda na ngayon ay hindi na makatingin nang diretso sa kanila.Ngayon ay silang tatlo na lamang ang naiwan sa tahimik na silid. Lumapit si Drey kay Matilda at ininspeksyon ang mga mata nito. Ngunit sa pagtitig niya rito'y agad siyang napa-hinto. Tila may isang emosyon ang mabilis na tumama sa kaniya na hindi niya mawari."Hey... 'Diba nag-usap na tayo? If there's anything that's bothering you, know that I'm always here. I'm your friend, right? Ako na muna si Drey. Kalimutan mo muna ang pagiging Dok. Agustin ko. Okey?" Marah
Huling Na-update: 2020-10-29
Chapter: Chapter 16Pangalawang araw na simula noong sabihan ni Dok. Agustin sila Matilda at Eleonor na manatili muna ng tatlong araw sa ospital. At matapos ang tagpo kagabi ay bumalik si Matilda sa kaniyang silid. Mugto ang mga mata ngunit magaan ang paghinga.Bumalik sa normal ang pag-aaral ni Eleonor kahit nasa loob parin ng ospital kasama si Matilda. Hindi naman niya ito tinitingnan bilang isang malaking hadlang. Sa katunayan nga ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing malapit kay Matilda. Mabuti nalang at hindi na nito inulit pa'ng kunin ang sariling buhay.Habang naglalakad palabas ng maliit na kantina ay napukaw ng atens'yon ni Eleonor ang isang pamilyar na lalaki. Ilang lakad lamang ang distansiya nilang dalawa na naging dahilan upang maalala ni Eleonor ang minsang nakabunggo niya sa mall. Ang lalake'ng may magandang mga mata na halatang isang banyaga, matangos na ilong at may magandang katawan. Ang lalake'ng nag-abot sa kaniya ng calling card."Anong ginagawa niya rito?" Mahina'ng tanong ni Ele
Huling Na-update: 2020-09-17
Chapter: Chapter 15Sumapit na ang gabi ngunit narito pa rin sa ospital ang dalawa. Mahigpit na pinayuhan ng Doktor si Matilda na sa ikatlong araw pa siya maaaring makalabas, kaya naman nagtitiis na lang si Matilda sa puro puti na kaniyang nakikita.Pakiramdam niya'y hindi siya bagay sa ganitong lugar at mas lalo na sa ganitong kulay.Natawa nang mapait si Matilda. "Hindi naman ako malinis e."Nilingon niya ang pwesto ni Eleonor at tulad ng mga nakaraang araw ay natutulog na naman itong nakaupo. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mapupungay na mga mata ay mas lalo lamang naka-dagdag sa galit ni Matilda sa kaniyang sarili.Ilang beses na siyang sinabihan ni Matilda na pwede naman siyang humiga upang maging komportable ang kaniyang pagtulog. Ngunit ayaw pa rin nitong makinig. Mas gusto raw kasi nito'ng malapit kay Matilda."Pasensiya na, Eleonor....nadadamay ka pa." Hinagod ng mga kamay nito
Huling Na-update: 2020-09-17
Chapter: Chapter 14Nakabulagta sa sahig ang lupaypay na katawan ni Matilda at ang mata'y nakapikit na tila natutulog lamang nang mahimbing. Ngunit iba ang pakiramdam ni Eleonor. Kaya humahangos niyang tinungo ang 1st floor upang humingi ng tulong sa Landlady dahil wala naman siyang emergency hotline sa kaniyang maliit na selpon.At nang mapuntahan ang nakabulagta'ng dalaga ay agad na tumawag ng ambulansiya ang landlady.Habang isinasakay sa stretcher si Matilda ay hindi naman ma-awat si Eleonor sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at tila siya'y biglang binagsakan ng langit at lupa. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang labi sa labis na nerbiyos ngunit pilit niya itong nilalabanan. Para kay Matilda.Agad na sumunod si Eleonor sa loob ng ambulansiya at habang mabilis ito'ng umaandar ay katumbas din ng mabilis na pag-tahip ng kaniyang dib
Huling Na-update: 2020-09-09