Home / All / Tears of Pain / Chapter 5

Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2020-09-09 19:03:27

"Pasensiya ka na ah.." Pag-hingi ng paumanhin ni Eleonor habang hindi maka-tingin nang diretso kay Matilda. Nang makita ang ganitong hitsura ng dalaga'y lumambot ang ekspresyon ni Matilda at napabuntong-hininga.

"Ayos lang, ano ka ba. 'Wag ka nang mahihiya sa'kin. Basta itago mo 'tong pera sa mga mata ng papa mo. Tara na? Ihahatid na kita sa inyo." Tumango na lang ang dalaga at nag-patangay kay Matilda. Hindi siya umimik sa gitna ng tahimik na paglalakad nila ngunit kahit gano'n ay magaan pa rin ang pakiramdam niya rito.

Nang ilang hakbang na lang ang pagitan nila sa kanilang tahanan ay isinigaw ni Matilda ang pangalan ni Emilito habang mahigpit na hinahawakan ang kaniyang braso. Hindi alam ni Eleonor kung bakit, ngunit kumakalma siya sa tuwing malapit lang si Matilda sa kaniya. Sa tingin niya'y ligtas siya sa presensiya nito. At kahit magka-edad sila'y masasabi niya'ng mag-kaibang magka-iba sila ng katangian. Matapang ang babaeng nasa tabi niya, pala-ngiti at alam ang mga dapat ikilos. Halata'ng may paninindigan ito.

Samantalang siya'y mahina, pumapayag na saktan ng iba, at pipiliin lang ang tahimik na humikbi sa sulok ng kaniyang silid. Hindi niya tuloy maiwasan ang manliit sa sarili. Kahit kailan ay wala akong maipag-mamalaki.

"Tao po! Mang Emilito, hinatid ko na po si Eleonor! Pasensiya na po ulit sa abala." Narinig nila ang mga kilos ni Emilito sa loob ng kanilang tahanan. Mga gamit na bumagsak at ang ilan ay mga bote ang nanaig sa kanilang pandinig.

Dahil dito'y hindi mapigilan ni Eleonor na mag-alala at muling matakot. Baka mamayang gabi... ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil ayaw niya'ng mag-isip ng kung anu-ano.

"Eleonor, hindi ko alam kung ano na naman ang pwede niyang gawin sa'yo. Basta tandaan mo lang na kailangan mo'ng magpaka-tatag. Kahit anong mangyari, Eleonor, nandito ako." Bulong ni Matilda sa kaniya habang mayat-mayang nakatingin sa pintuan ng kanilang tahanan. Sinisigurado niya na hindi ito maririnig ng kaniyang ama.

Mula sa naka-kuyom na mga kamay ay isiniksik pa lalo ni Eleonor ang hawak na pera sa gilid ng kaniyang blusa. Sa mahigpit na pagkakahawak niya rito'y katumbas ng isang determinasyon na unti-unting naghahari sa kaniya. Sa kabila ng pagdadalawang-isip ay nananaig sa kaniya ang kagustuha'ng umalis, ang tuparin ang kaniyang mga pangarap, at mag-simula muli ng panibagong buhay kung saan ay walang hahadlang at walang mananakit sa kaniya.

Nginitian niya si Matilda na tila isang senyales na unti-unti na niyang tinatanggap ang sinserong tulong nito. Nagulat si Matilda at napakurap-kurap ang kaniyang mga mata ngunit agad niya rin itong binawi. Sa tingin niya'y hindi ito sapat upang maka-buo ng matalinong desisyon si Eleonor. Hindi pa ito ang tamang oras. Ilang sandali pa'y nakita na nila'ng lumabas ang kaniyang ama. Ang katawan nito'y pasuray-suray habang hawak sa isang kamay ang bote ng alak at ang anino nito'y nag-mistulang isang bangungot para kay Eleonor. Gustong-gusto na niya'ng sumama kay Matilda upang tumakas ngunit may pumipigil sa kaniya. Kailangan niya muna'ng makapag-isip nang mabuti sa mga kilos na kaniyang gagawin. Hindi dapat padalos-dalos.

Sa mapungay na mga mata'y sinikap ni Emilito ang tumango at titigan silang dalawa. Hanggang sa unti-unti siyang bumaba sa maliit na kahoy na kanilang hagdan. Nang makalapit ay hinawakan na nito ang kaniyang nilalamig na braso at tinanguan si Matilda.

"S-Sige po. Mauna na po ako." Kinakabahang sambit ni Matilda kaya agad na napalingon sa kaniya si Eleonor. Gusto niya'ng kumuha ng lakas dito at higpitan pa lalo ang pagkaka-hawak sa kaniyang braso ngunit naisip niya'ng mali ito. Mali na idepende niya ang sarili sa ibang tao. Maling mali na ipakita ang kaniyang kahinaan. Kung gusto niya'ng maging katulad ni Matilda'y dapat maging malakas siya. Ngunit dahil sa boses nitong biglang nanginig ay hindi maiwasan ni Eleonor ang madismaya at mag-alala. Alam niya ang dinudulot na takot ng kaniyang ama sa kahit na sinong tao sa kanilang lugar. Ano pa nga ba'ng bago..?

Sa huling pagkakataon, bago tuluyang lumisan ni Matilda'y nilingon niya si Eleonor. Isang mensahe ang agad n'yang naintindihan.

"Hmmm.." Inamoy ng kaniyang ama ang buhok ni Eleonor kaya agad naman siyang napa-iwas.

"Pagsilbihan mo 'ko ngayong gabi." Makabuluhang sambit nito nang silang dalawa na lang ang naiwan sa labas. Wala namang imik na dumiretso si Eleonor sa kanilang tahanan upang linisin ang mga ginulo nitong gamit. Naramdaman niya ang pag-sunod ni Emilito habang naka-ngiti at wala sa sarili'ng tumitingin sa kawalan.

"Eleonor, anak..." Nakatalikod siya sa kaniyang ama at nararamdaman niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kaniyang batok. Ilang saglit pa'y naramdaman niya ang bahagyang pag-taas ng kaniyang blusa at ang pag-hagod ng maruruming palad nito sa kaniyang balat.

"Pa...tigilan mo na 'to." Pagma-makaawa nito ngunit tila walang naririnig ang kaniyang ama.

"SUNOG!" agad na natauhan si Eleonor sa malakas na mga boses na kaniyang narinig at ang kaniyang ama'y agad na tumayo nang tuwid. Agad siyang nag-tungo sa maliit nilang bintana upang silipin ang nangyayari sa labas at laking gulat niya nang makitang wala namang nasusunog sa labas. Inilibot pa niya ang kaniyang paningin at sa may mga talahib ay namataan niya ang pigura ng mga tao'ng hindi pamilyar sa kaniya. Sa tansiya niya'y mga ka-edaran lamang niya ang mga ito. Grupo ito ng kalalakihan na may payat na pangangatawan at tangkad na hindi nalalayo sa kaniya at kay Matilda.

Bahagya niyang pina-liit ang mga mata upang maka-siguro sa anino na kaniyang nakikita. Pamilyar ang bulto ng pangangatawan nito at iisa lang ang nasa isip niya. Matilda..

Ang pamilyar na babae ay kumaway sa kaniya. Sumilay ang nakagagaan na ngiti sa labi nito at hindi mapigilan ni Eleonor ang mapa-ngiti pabalik. Mas lalo pang gumaan ang kaniyang pakiramdam nang malaman na ayos lang ang kaniyang kaibigan. Walang nasusunog sa labas. Pero teka... Hindi niya maiwasa'ng isipin na pakana ito ng mga kaibigan ni Matilda.

Nilingon niya ang kaniyang ama mula sa kaniyang likuran at nakitang nagmamadali ito sa pagtakbo. Akmang lalabas siya ng kanilang tahanan nang bigla niyang mabitiwan ang bote ng alak. Lumikha ito ng nakabibinging tunog at ang mga piraso nito'y kumalat sa kanilang sahig. Nang mahimasmasan ay dahan-dahan itong tumungo sa kaniyang direksyon. Ang mga mata nito'y napalilibutan ng pagnanasa. Kaya naman agad na ibinaling ni Eleonor ang kaniyang paningin sa bintana kung nasa'n si Matilda. Gusto niya'ng humingi ng tulong ngunit hindi siya maka-sigaw. Hindi niya man lang magalaw ang kaniyang labi.

"SUNOG!" Muli ay sumigaw ang mga kalalakihan. Hindi kalayuan ang kanilang pwesto sa bintana nina Eleonor kung kaya nama'y rinig na rinig ito ng kanilang ama. Ginamit ng mga kaibigan ni Matilda ang ginusot na papel na pinatigas upang gawing mikropono na nakatutulong upang mas lalong lumakas ang kanilang boses. Hindi naman nila ito alintana dahil malayo naman ang mga kapit-bahay nila Eleonor kaya't wala silang maiistorbo.

Agad na nataranta si Emilito dahil sa malakas na mga boses na kaniyang narinig at nagkukumahog na humakbang palabas ng kanilang tahanan. Ngunit bago pa man siya makalabas ay agad siyang nauntog sa kahoy na kanilang dingding na hindi nakatakas sa paningin nina Matilda dahil hindi naman gano'n ka-liit ang kanilang bintana. Sakto lamang upang masilip ang nasa loob.

Hindi mapigilan ng mga kabataang lalake ang pigil na matawa. Kaya agad silang sinaway ni Matilda kahit siya'y natatawa na rin. Muling lumingon si Eleonor sa kaniyang ama at nakitang nakahiga na ito sa kanilang sahig matapos mauntog ng kaniyang ulo. Nakapikit ang mga mata nito't humihilik na.

Agad niya'ng tiningnan isa-isa sina Matilda at bumulong ng salitang 'Salamat.' Magpapahinga siya na magaan ang pakiramdam. Mas mabuti na ito kaysa naman ang magising sa higaan habang katabi ang kaniyang ama. Mas mabuti na'ng mag-linis ng mga kalat kaysa naman ang sumigaw tuwing gabi at umiyak nang umiyak.

Related chapters

  • Tears of Pain   Chapter 6

    Maiingay na tilaok ng manok ang nagpa-gising sa bawat mamamayan ng El Cumano. Lahat ay nag-umpisa nang kumilos upang simulan ang panibagong araw para sa panibagong pagbabanat ng buto. Pinakain ng mga tao ang kanilang mga alagang manok, nag-ayos ng mga tanim na halaman sa kanilang bakuran at nag-sibak ng kahoy para sa mga lulutuin na kanilang ihahanda.Samantala, sa tahanan na kung saan ay malayo ang mga kapit-bahay, mapapansin ang malaking katawan ni Emilito na nakadapa sa sahig. Ang malakas na hilik nito'y hindi nakatakas sa pandinig ng dalaga.Naisip na lang niya na ituloy ang pagliligpit kaya nagtungo siya sa likod ng kanilang bahay upang kunin ang walis tambo. Inisa-isa niya ang bawat sulok ng kanilang tahanan at mga natirang kalat ng kaniyang ama. At nang maramdama'ng tumatama sa kaniyang mga mata ang ilang hibla ng kaniyang mahaba at itim na buhok ay maayos niya 'tong itinali. Sunod na ginawa niya ay naghugas ng mga pinggan, pinunasa

    Last Updated : 2020-09-09
  • Tears of Pain   Chapter 7

    Ang kagalakan sa puso ng dalawang dalaga ay walang pag-sidlan. Natutuwa si Matilda dahil sa wakas ay nakapag-desisyon na rin si Eleonor, at gano'n din ang tuwa'ng nararamdaman ni Eleonor dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may tao'ng handang tumulong sa kaniya.Magsasalita pa sana si Matilda nang may bigla silang marinig na ingay. Isa itong tinig ng pamilyar na lalaki kaya luminga-linga sa paligid si Eleonor hanggang sa mahuli ng mga mata niya ang kaniyang ama na nagpupuyos sa galit. Nagsalubong ang dalawang kilay nito't naka-kuyom ang mga kamay. Alam niya'ng maparurusahan na naman siya kaya wala siyang nagawa — nakatayo lamang siya't nakatulala. Hanggang sa narinig niyang sumigaw si Matilda. May mga pangalan itong binanggit hanggang sa mabilis na lumabas mula sa mala-laking bato ang mga kalalakihan na nakita niya kahapon. Nakita niya ang paglapit ng mga ito sa kaniyang ama at hinawakan nila ang kaniyang braso. Mas lalo pa'ng kinabahan si Eleonor d

    Last Updated : 2020-09-09
  • Tears of Pain   Chapter 8

    Natatanaw na ni Eleonor mula sa bintana ng bus ang naglalakihang mga gusali na nagpa-mangha sa kaniya."Matilda, ang ganda rito!" Maka-ilang beses na niyang sinambit ang mga salitang ito na nagpapa-ngiti naman kay Matilda habang nakatanaw sa bintana. Hawak niya nang mahigpit sa kaniyang kamay ang pitaka na naglalaman ng maliit na halaga na kaniyang naipon. Alam niya'ng hindi ito sasapat sa loob ng isang araw kaya hindi niya maiwasan na mag-alala dahil ginawa niya lang talaga ang lahat upang maka-alis sila ng probinsiya. At kahit walang kasiguruhan sa kanilang dadatnan sa Maynila ay pinili pa rin niya ang sumugal. Susubok na lang siguro sila ng mga matinong hanap-buhay upang maka-raos.Habang umaandar ang bus ay ang siyang pagtalon sa tuwa ni Eleonor kaya maya't mayang naka-alalay sa kaniya si Matilda. Nawawala tuloy ang kaniyang pag-aalala sa kakarompot niyang pera dahil sa tuwa na sumisilay sa maamong

    Last Updated : 2020-09-09
  • Tears of Pain   Chapter 9

    Hindi pa man luma-lalim ang tulog ni Matilda'y isang hagulhol ang kaniyang narinig, kaya iminulat niya agad ang kaniyang namumungay na mga mata at agad na tumayo upang tingnan si Eleonor. Nakita niya'ng pawisan ang buong mukha nito at hindi matigil sa pag-tahip ang kaniyang dibdib."Eleonor...Eleonor...binaban gungot ka." Niyugyog nito ang mga balikat ni Eleonor ngunit wala rin itong saysay dahil patuloy pa rin siya sa pag-hikbi."Eleonor..." Natataranta na si Matilda dahil hindi niya alam ang pwedeng gawin kung sakaling hindi pa rin magising si Eleonor.Ngunit dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata'ng punong-puno na ng luha. Nang makita si Matilda ay agad siyang napa-bangon sa pagkaka-higa at akmang yayakapin ito kaya umakyat si Matilda sa kaniyang pwesto upang mahigpit siyang mayakap."M-Matilda..si Papa." Takot na takot na sambit ni Eleonor habang nanginginig ang labi. Hinaplos naman ni Matilda ang ka

    Last Updated : 2020-09-09
  • Tears of Pain   Chapter 10

    Pagkagising sa umaga ay nag-asikaso na agad si Eleonor at Matilda. At sa unang pagkakataon ay gumising ang dalawang dalaga na magaan ang pakiramdam, walang bigat na nakapasan sa kanilang mga puso at ang lahat ng bagay na madadapuan ng kanilang mga mata'y tila napaka-ganda. Ganito nga siguro kapag ika'y natulog nang hindi nagki-kimkim ng sama ng loob.Nagpasiya sila'ng maglibot muna at mag-tungo sa isang mall na isang sakay lamang ng jeep ang pagitan. At habang naglalakad sila'y hindi mapigilan ni Eleonor ang mamangha sa buong paligid — napaka-laki at napaka-lawak nga talaga ng Maynila.Habang binabagtas nila ang malawak na daan papunta sasakayan ng jeep ay lalong nag-umapaw ang saya na nararamdaman ni Eleonor.Marami s'yang nakita na mga maliliit na tindahan sa bawat gilid na dahan-dahang itinatayo ng mga tao. Kaya naman maya't maya niyang kinakalabit si Matilda sa kaniyang braso. Napapa-lingon naman s

    Last Updated : 2020-09-09
  • Tears of Pain   Chapter 11

    Pagkatapos ng tagpong 'yon ay ipinagpatuloy ni Eleonor ang kaniyang paglalakad. Sa isang gilid na kung saan ay maraming tao ang nagku-kumpulan ay napansin niya ang kaunting kababaihan na naka-suot ng pormal na panamamit at may takong na hindi kataasan. Pagod na ang ekspresiyon sa kanilang mga mukha na nahalata ni Eleonor, ngunit pilit nila itong ikinu-kubli sa pamamagitan ng kanilang ngiti habang inaasikaso ang mga mamimili.Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa tapat ng kanilang glass door at doon ay nabasa niya na naghahanap sila ng mga Sales lady. Sa tingin niya'y disente naman ang ganitong trabaho kaya nag-isip siya nang mabuti.At sa kaniyang pagbabalik sa kanilang pwesto ni Matilda'y naabutan niya'ng may hawak na itong mga supot ng damit at tsinelas. Saglit siyang napa-hinto dahil hindi niya inaasahan na may sapat na salapi pala si Matilda upang bilhin ang mga ganitong gamit."Nandiyan ka na pala.

    Last Updated : 2020-09-09
  • Tears of Pain   Chapter 12

    Ito na ang pinaka-hihintay ng dalawang dalaga. Sa wakas ay makakarating na rin sila sa paaralan na kanilang papasukan. Suot ni Eleonor ang magandang bestida na binili ni Matilda para sa kaniya kaya mas lalo siyang natutuwa.Hanggang sa sumakay muli sila sa isang jeepney na ang ruta ay hindi naman kalayuan mula sa kanilang apartment.At nang pag-baba nila mula sa sinasakyan ay hindi na napigilan ng dalawa ang ma-lula. Malaki ang labas ng paaralan na may bilog na logo sa gitna ng gate. May estatwa rin na makikita mula sa labas na kanilang kinatatayuan na kinakawayan naman ng katamtamang sinag ng araw. Lalo lamang gumanda ang paaralan sa kanilang paningin."Grabe, Matilda! Ang laki pala ng school na 'to!" Mangha'ng saad ni Eleonor habang binabagtas ng kaniyang paningin ang itaas ng paaralan."Oo, Eleonor. Wala

    Last Updated : 2020-09-09
  • Tears of Pain   Chapter 13

    Isa lamang si Eleonor sa mga mag-aaral na masiglang nakikilahok sa mga aktibidad sa kanilang paaralan. Ngunit iisa lamang ang tumatak sa bawat isa."Teresa Montenegro. I'm 19 years old..." Isa sa mga kaklase ni Eleonor ang nag-boluntaryo upang sumagot sa tanong ng kanilang guro tungkol sa kanilang relasyon sa kanilang pamilya."I have a complete family." Huminto ito saglit at ngumiti nang malawak bago nagpatuloy."Mahal na mahal nila 'ko. At ang swerte-swerte ko kasi sila ang mga naging magulang ko. I'm actually doing this for them. Excited ako'ng bumabangon para makapasok sa school, I love the way they hug and kiss me bago ako umalis. Gusto'ng gusto kong nakikita 'yung ngiti nila sa tuwing may iu-uwi akong achievements. I really want to make them proud." Nagpalak-pakan ang mga estudyante, at ang lahat a

    Last Updated : 2020-09-09

Latest chapter

  • Tears of Pain   Chapter 19

    Nagsimula nang humakbang ni Wil patungo sa ika-apat na palapag; ang pinakatuktok ng Larzralé Bar. Lumilikha ng tunog ng prominenteng tao ang makintab niyang sapatos na dinig na dinig sa buong pasilyo. Ang kaniyang plantyadong kasuotan naman ay hindi lamang sumisigaw ng kapangyarihan, kun'di pati na rin ng kakisigan.Walang pag-alinlangan niyang tinatakpan ng matipunong mga braso si Eleonor na ngayon ay hindi mapalagay sa kayuyuko. Impit ang mga salitang hindi maibulalas ng dalaga. Hinayaan na lamang niyang takpan siya ni Wil; bawas kahihiyan na rin.Agad na huminto sa matamlay na paglalakad si Eleonor. "Teka, Wil." Huminto naman ang binata na may pagtataka.Bumwelo sa muling pagsasalita si Eleonor. Naisip niyang baka hindi nito naintindihan ang salitang tagalog. "W-Where are we going?" Dahil sa itinanong ni Eleonor ay nabanaag niya agad ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Wil.Hinawakan s

  • Tears of Pain   Chapter 18

    Sa pagputol ng tawag ni Eleonor ay ang siyang pagngiti ni Wil Schord sa loob ng kaniyang opisina. Siya ang susundo kay Eleonor sa napag-usapan nilang tagpuan kaya naman labis ang nararamdaman niyang saya at pagkasabik. Hindi na siya makapag-hintay na makita't mahawakan si Eleonor.Samantala, labis naman ang pagpintig ng puso ni Eleonor dahil sa kaba. Hindi niya maintindihan nang lubusan ang kaniyang ginagawa. Hindi na rin niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Basta para sa kaniya, ang mahalaga na ngayon ay ang makaraos sa sitwasyon nila ngayon.Agad na s'yang nag-asikaso ng kaniyang isusuot at mga isusuot pa'ng mga damit. Sinabihan na kasi siya ni Wil na kakailanganin niya ang higit pa sa isang damit sa kaniyang pagpunta sa St. Larzralé Bar. At kahit may hindi na magandang kutob ay pinili niyang 'wag sundin ito. Mas pipiliin na niya ngayon ang lunukin ang natitirang hiya.Sa ganap na alas-kwatro ng hapon

  • Tears of Pain   Chapter 17

    Agad na nilinis ng mga nurse ang iniwang kalat at bubog ni Matilda. Hindi naman ito nakalampas kay Dok. Agustin kaya nagtungo siya sa silid na kinaroroonan ni Matilda at Eleonor."Sorry po Dok, sa kung ano'ng nangyaring gulo. Pangako, hindi na po mauulit." Paumanhin ni Eleonor sa ngalan ni Matilda. Nilingon naman ni Dok. Agustin ang pwesto ni Matilda na ngayon ay hindi na makatingin nang diretso sa kanila.Ngayon ay silang tatlo na lamang ang naiwan sa tahimik na silid. Lumapit si Drey kay Matilda at ininspeksyon ang mga mata nito. Ngunit sa pagtitig niya rito'y agad siyang napa-hinto. Tila may isang emosyon ang mabilis na tumama sa kaniya na hindi niya mawari."Hey... 'Diba nag-usap na tayo? If there's anything that's bothering you, know that I'm always here. I'm your friend, right? Ako na muna si Drey. Kalimutan mo muna ang pagiging Dok. Agustin ko. Okey?" Marah

  • Tears of Pain   Chapter 16

    Pangalawang araw na simula noong sabihan ni Dok. Agustin sila Matilda at Eleonor na manatili muna ng tatlong araw sa ospital. At matapos ang tagpo kagabi ay bumalik si Matilda sa kaniyang silid. Mugto ang mga mata ngunit magaan ang paghinga.Bumalik sa normal ang pag-aaral ni Eleonor kahit nasa loob parin ng ospital kasama si Matilda. Hindi naman niya ito tinitingnan bilang isang malaking hadlang. Sa katunayan nga ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing malapit kay Matilda. Mabuti nalang at hindi na nito inulit pa'ng kunin ang sariling buhay.Habang naglalakad palabas ng maliit na kantina ay napukaw ng atens'yon ni Eleonor ang isang pamilyar na lalaki. Ilang lakad lamang ang distansiya nilang dalawa na naging dahilan upang maalala ni Eleonor ang minsang nakabunggo niya sa mall. Ang lalake'ng may magandang mga mata na halatang isang banyaga, matangos na ilong at may magandang katawan. Ang lalake'ng nag-abot sa kaniya ng calling card."Anong ginagawa niya rito?" Mahina'ng tanong ni Ele

  • Tears of Pain   Chapter 15

    Sumapit na ang gabi ngunit narito pa rin sa ospital ang dalawa. Mahigpit na pinayuhan ng Doktor si Matilda na sa ikatlong araw pa siya maaaring makalabas, kaya naman nagtitiis na lang si Matilda sa puro puti na kaniyang nakikita.Pakiramdam niya'y hindi siya bagay sa ganitong lugar at mas lalo na sa ganitong kulay.Natawa nang mapait si Matilda. "Hindi naman ako malinis e."Nilingon niya ang pwesto ni Eleonor at tulad ng mga nakaraang araw ay natutulog na naman itong nakaupo. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mapupungay na mga mata ay mas lalo lamang naka-dagdag sa galit ni Matilda sa kaniyang sarili.Ilang beses na siyang sinabihan ni Matilda na pwede naman siyang humiga upang maging komportable ang kaniyang pagtulog. Ngunit ayaw pa rin nitong makinig. Mas gusto raw kasi nito'ng malapit kay Matilda."Pasensiya na, Eleonor....nadadamay ka pa." Hinagod ng mga kamay nito

  • Tears of Pain   Chapter 14

    Nakabulagta sa sahig ang lupaypay na katawan ni Matilda at ang mata'y nakapikit na tila natutulog lamang nang mahimbing. Ngunit iba ang pakiramdam ni Eleonor. Kaya humahangos niyang tinungo ang 1st floor upang humingi ng tulong sa Landlady dahil wala naman siyang emergency hotline sa kaniyang maliit na selpon.At nang mapuntahan ang nakabulagta'ng dalaga ay agad na tumawag ng ambulansiya ang landlady.Habang isinasakay sa stretcher si Matilda ay hindi naman ma-awat si Eleonor sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at tila siya'y biglang binagsakan ng langit at lupa. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang labi sa labis na nerbiyos ngunit pilit niya itong nilalabanan. Para kay Matilda.Agad na sumunod si Eleonor sa loob ng ambulansiya at habang mabilis ito'ng umaandar ay katumbas din ng mabilis na pag-tahip ng kaniyang dib

  • Tears of Pain   Chapter 13

    Isa lamang si Eleonor sa mga mag-aaral na masiglang nakikilahok sa mga aktibidad sa kanilang paaralan. Ngunit iisa lamang ang tumatak sa bawat isa."Teresa Montenegro. I'm 19 years old..." Isa sa mga kaklase ni Eleonor ang nag-boluntaryo upang sumagot sa tanong ng kanilang guro tungkol sa kanilang relasyon sa kanilang pamilya."I have a complete family." Huminto ito saglit at ngumiti nang malawak bago nagpatuloy."Mahal na mahal nila 'ko. At ang swerte-swerte ko kasi sila ang mga naging magulang ko. I'm actually doing this for them. Excited ako'ng bumabangon para makapasok sa school, I love the way they hug and kiss me bago ako umalis. Gusto'ng gusto kong nakikita 'yung ngiti nila sa tuwing may iu-uwi akong achievements. I really want to make them proud." Nagpalak-pakan ang mga estudyante, at ang lahat a

  • Tears of Pain   Chapter 12

    Ito na ang pinaka-hihintay ng dalawang dalaga. Sa wakas ay makakarating na rin sila sa paaralan na kanilang papasukan. Suot ni Eleonor ang magandang bestida na binili ni Matilda para sa kaniya kaya mas lalo siyang natutuwa.Hanggang sa sumakay muli sila sa isang jeepney na ang ruta ay hindi naman kalayuan mula sa kanilang apartment.At nang pag-baba nila mula sa sinasakyan ay hindi na napigilan ng dalawa ang ma-lula. Malaki ang labas ng paaralan na may bilog na logo sa gitna ng gate. May estatwa rin na makikita mula sa labas na kanilang kinatatayuan na kinakawayan naman ng katamtamang sinag ng araw. Lalo lamang gumanda ang paaralan sa kanilang paningin."Grabe, Matilda! Ang laki pala ng school na 'to!" Mangha'ng saad ni Eleonor habang binabagtas ng kaniyang paningin ang itaas ng paaralan."Oo, Eleonor. Wala

  • Tears of Pain   Chapter 11

    Pagkatapos ng tagpong 'yon ay ipinagpatuloy ni Eleonor ang kaniyang paglalakad. Sa isang gilid na kung saan ay maraming tao ang nagku-kumpulan ay napansin niya ang kaunting kababaihan na naka-suot ng pormal na panamamit at may takong na hindi kataasan. Pagod na ang ekspresiyon sa kanilang mga mukha na nahalata ni Eleonor, ngunit pilit nila itong ikinu-kubli sa pamamagitan ng kanilang ngiti habang inaasikaso ang mga mamimili.Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa tapat ng kanilang glass door at doon ay nabasa niya na naghahanap sila ng mga Sales lady. Sa tingin niya'y disente naman ang ganitong trabaho kaya nag-isip siya nang mabuti.At sa kaniyang pagbabalik sa kanilang pwesto ni Matilda'y naabutan niya'ng may hawak na itong mga supot ng damit at tsinelas. Saglit siyang napa-hinto dahil hindi niya inaasahan na may sapat na salapi pala si Matilda upang bilhin ang mga ganitong gamit."Nandiyan ka na pala.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status