"Thank you, ma'am! Please come again soon." Malawak na ngiti ang ibinigay ko sa huli naming customer. Pagkalabas nito ng pinto, saka naman ako nag-unat ng mga kamay. "Sa wakas! Tapos na rin." Lumapit ako sa sign na nasa pintuan para ilipat iyon sa 'We're Close' sign.
"Pagod na pagod ba, June?" Tanong ng kasama kong si Keith. Dala-dala niya ang mop para linisan ang sahig.
"Yeah, finals kaya namin kanina! It was really hard but thank God, I manage to answer them all. Though, hindi ako sigurado sa iba." Kinuha ko ang pamunas para magpunas ng mga mesa.
Alas dose nagsasara ang coffee shop na pinagtatrabahuan ko, pero ngayon ay napatagal kami dahil sa dami ng customers kanina. Kaya naman halos mapunit ang labi ko kangi-ngiti sa huli naming customer nang tumayo ito sa kinauupuan niya.
"Luckily, hindi ko na kailangan problemahin 'yan," natatawang sabi ni Keith.
As far as I know, Keith stopped going to school already due to his personal reasons. At sa aming lahat na empleyado rito, siya lang ang full-time dahil mga estudyante kami. Madalas siya ang taga-salo ng schedule kapag nagkaproblema.
"Ako na ang bahalang magsara ng shop. Mauna ka na, June. Diba sabi mo pagod ka?"
"Hala, sure ka ba? Kaya pa naman kitang tulungan, hindi pa naman ako inaantok ng sobra." I asked him worriedly. He's been working 8 hours straight and yet he still volunteer to close the shop.
"Yes, I'm sure. You still have classes tomorrow, right? Umuwi ka na, magco-commute ka pa naman," he answered.
Wala na akong magawa dahil siya na rin ang nag-insist. I helped him to keep clean-up before going to the comfort room to change my clothes.
Basa ng pawis ang likuran ng t-shirt ko. Tatangkain ko pa sanang amuyin pero parang pagsisisihan ko kaya hindi ko na tinuloy.
Matapos kong magpalit ay nagpaalam na ako kay Keith na mauuna.
"Text me when you get home, okay?" He reminded me before I can leave the shop.
I paused for a second to looked at him. He raised his brow when he saw I grinned. "Ikaw, ha? Huwag mo namang ipahalatang patay na patay ka sakin, Keith. Ako lang 'to."
"Sira! Hindi ako pumapatol sa bata." Tinawanan ko lang siya bago lumabas. Sinuot ko ang jacket ko dahil malamig na. May mga bukas pa namang mga shops at may makikita ka pa rin namang mga tao na palakad-lakad sa daan.
Besides, the city doesn't sleep anyway.
Naglakad pa ako ng ilang minuto bago makarating sa sakayan ng bus. Hindi naman malayo ang apartment na tinutuluyan ko, pero wala na kasing mga jeep sa ganitong oras.
"Sa Ronaville Avenue lang, Kuya." Inabot ko ang bayad ko sa konduktor at binigay niya naman sa akin ang butas na ticket. Inayos ko ang upo ko at saka nagsuot ng earphones. Maya-maya ay aalis na rin naman ang bus dahil hindi na nila hihintaying mapuno pa.
Nang makababa ako sa Ronaville, kailangan ko pang lakarin hanggang sa kanto ng Lovini. Hindi gaya sa may coffee shop, dito wala ka nang taong makikitang palakad-lakad. Pero hindi naman madilim ang daan dahil sa mga lamp post na nagkalat.
Bago ako makapasok sa village ng Birdseye, binati muna ako ng guard. Inalok niya pa akong ihatid gamit ang golf cart hanggang sa apartment na hindi ko naman tinanggihan. Masyado na akong pagod para maglakad.
"Salamat, kuya!" Pagpapasamat ko sa kaniya.
"Walang anuman, ma'am." Kumaway naman ito sa akin bago niya pinaandar paalis ang cart.
Umakyat na ako pagkaalis niya. Mabuti na lang at nasa second floor lang ang nirerentahan ko kaya hindi na masyadong mahaba ang aakyatin ko.
Pagkatapat ko sa room 45, hindi ko na kailangan pang kunin ang susi ko dahil alam kong gising pa si Rosetta, ang pinsan ko. Naririnig kong nakabukas pa ang TV. Hula ko ay nagbi-binge watching na naman siya. Kumatok lang ako at maya-maya ay bumukas na ang pinto.
"You're so tagal," reklamo niya. May suot pa siyang clay mask kaya napaatras ako ng kaunti. Siya ang kasama ko sa ilang taon ko ritong nag-aaral sa siyudad. She's my cousin from my mother's side and when I tell you she cooks so good, I really mean it.
"Daming customers," maikli kong sagot. Pumasok na ako sa loob at saka naghubad ng sapatos. Sinabit ko sa coat rack ang hinubad kong jacket bago tumuloy paloob.
"The mailman came here again. You have 6 letters, I put them in your room." Bumalik siya sa panunood ng TV habang ako naman ay sa kusina ang diretso para uminom ng tubig.
"July already sent me last day, bakit naman ang dami?"
"I don't know. Why naman kasi hindi na lang kayo mag-text or chat sa messenger? Letters is so makaluma na!"
Binalik ko sa loob ang pinag-inuman kong tumblir. "Baliw. You know Tierra Cota don't have transmission towers yet."
"Yeah, whatever. May tinira akong adobong chicken sayo. Nasa ref if you want."
"No, thank you. I want to sleep already, I'm exhausted." Reklamo ko bago pumasok sa loob ng kwarto.
I didn't bother to open the lights and used my phone to find something to wear in the drawer. Pabigat nang pabigat ang talukap ng mga mata ko kaya binilisan ko na ang pagbibihis at saka nag-dive sa kama.
I feel the comfort of my bed andthat's the cue to make my whole system rest.
--
Nagising ako bandang alas nueve na. I have to go to school at 3 but I don't have classes anymore dahil tapos na ang finals kahapon. May kailangan lang akong ipasa sa adviser ko. To spend my vacant hours, I brewed some jasmine tea and grab the book that July sent me.
He sent me this last time together with his letter. Now I have to send him something in exchange too.
Pumwesto ako sa may bintana ng kwarto dahil mahangin doon at tamang-tama ang liwanag na galing sa labas.
Binuklat ko ang libro kung saan ang huli kong binasa. I used July's photo as a bookmark cause I don't have one. I leaned my back to the reclining chair and let my imaginatuon do the work as I read the book.
It's about the tale of the village where the people lives there are disappearing one by one each night. And Hopper, the main character has a hunch that it was cause by aliens because he witnessed one incident of abduction. And his goal is to save the villagers before the symbiotes mark them.
The plot is interesting kaya naman ganado talaga akong magbasa to the point na hindi ko na namamalayan ang takbo ng oras. July did a good job picking this book. I wonder kung saang part na siya since nauna siyang mag-umpisa kaysa sa akin.
When my phone alarm rings, I closed the book to start preparing myself. I planned to visit the mall before going to school to grab something for me since yesterday's payday. Baka makahanap din ako roon ng pwedeng pangregalo kay July kahit wala namang okasyon.
Nang lumabas ako sa kwarto, nadatnan kong nanunood na naman ng TV si Rosetta. Ever since na nagkaroon ng wifi connection per floor ang partment, hindi na niya tinantanan ang mga series na nakikita niya sa Netflix. Hinayaan ko na lamang siya roon at dumiretso sa kusina para kumain.
"Anong ulam?" tanong ko.
"I already reheated the leftovers last night. May boiled eggs diyan sa kaldero, you can have two if you want. Don't mind me, tapos na akong kumain." She stuff some popcorn in her mouth without even looking at me. She's so busy watching.
Kumain na lang ako nang tahimik sa lamesa habang pasulyapsulyap sa pinapanood niyang K-drama. Rosetta have the luxury of time to binge watch since she's all done with her responsibilities. Ako na lang ata ang may dapat asikasuhin sa school.
"The landlord said that the mailman went earlier. He left the letter at the gate. Nakalimutan kong kunin kanina, you can manage to get that naman, diba?" Tumayo ito para mag-refill ng orange juice sa ref. Pagkatapos ay bumalik lang din sa kaninang pwesto. "You're receiving a lot of letters this day, may ganap ba?" Nilingon niya ako nang may pagtataka ang nakaguhit sa kaniyang mukha.
I just shrugged my shoulder, "I don't know. Hindi ko pa nabasa ang mga liham kahapon. Maybe some of them are from Thaft or Auntie Lucy."
"They loved you that much?"
"Maybe? I was a good girl back there so... it's not questionable."
Nagkibit balikat lang si Rosetta at saka binalik ang tuon sa panunood.
Matapos kumain ay naghugas ako ng pinggan. Sinama ko na rin ang mga natira sa lababo para malinis tingnan. Bago maligo, nagwalis muna ako sa loob ng kwarto dahil pakiramdam ko maalikabok na. Kawawalis ko lang naman nito kahapon pero parang ang dumi na sa paningin ko.
Nakita kong nakabukas ang isa sa mga liham na nakapatong sa study desk ko. Nagtaka ako dahil wala naman akong ginalaw kagabi. Nilapitan ko ito para tingnan kung anong laman. Pagkabuklat ko ng papel sa loob, hindi liham ang bumungad kundi isang lumang alien poster.
Medyo lukot na ang tig-gigilid nito pero maayos at matingkad pa naman ang kulay.
At the bottom, the phrase 'They're real' is written in a creepy font. A big green face of an alien is drawn in the center which catch the attention of anyone who will look unto it.
Hindi ito pamilyar sa akin kaya binalik ko siya sa loob ng envelope. Hinanap ko kung kanino galing pero wala naman akong nakitang pangalan bukod sa akin. Hinayaan ko na lang ito at naligo na.
Dahil maaraw sa labas, nagbitbit ako ng payong. Pagkababa ko ng apartment, nakita kong nagdidilig si Manong Fred, ang landlord, ng mga halaman niya.
"Trabaho na naman ba, June?" Tanong niya.
"Sa eskwelahan po ang punta ko, Manong," sagot ko sa kaniya.
"Ay siya, mag-ingat ka. Dumaan kaninang umaga ang kartero, mukhang may liham ka na naman. Kunin mo na lang d'yan sa mailbox." Huling bilin niya bago ako makalabas ng gate.
Kinuha ko ang liham na sinabi niya sa mailbox. Bubuksan ko pa sana ito nang may nahagip akong papadaan na tricycle kaya pinara ko ito at nilagay na lang sa loob ng bag ang liham. Siguro mamaya ko na lang babasahin iyon kasabay ng mga nasa kwartong hindi ko pa nabubuksan.
"Kuya, sa Vindanggo Mall po." Binigay ko sa kaniya ang bayad at umandar na rin agad ang sasakayan papunta sa sinabi kong lugar.
Mabilis lang kaming nakarating dahil hindi traffic. Sa bookstore agad ang punta ko para tumingin kung may magandang libro ba akong makikita. Tumagal ako ng ilang minuto roon bago ako nakaramdam ng gutom at saka pumunta sa food court.
Isang order ng sisig lang ang binili ko at saka pumwesto sa pinakadulong table na medyo may kalayuan sa maraming tao.
Dalawang oras pa ang bakante ko. Mahaba pa para maglibot dito sa loob.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa pagsubo. Pagtingin ko sa caller ID, si mama pala kaya sinagot ko ito agad.
"Hello, ma?"
"June, where are you?" Bakas sa boses niya ang pagkabahala kaya naman nagtaka ako.
"Nasa mall ako ngayon, kumakain, bakit po?" tanong ko.
"After you finish eating, head here at the house. ASAP!"
"Bakit, ma? Anong nangyari?"
"It's July."
Naguguluhan ako sa inaasta niya. Kaya naman binaba ko ang kutsara para pagtuunan ang pag-uusap namin.
"Why? What happened to July?"
"Just head here immediately and I'll tell you."
//
Mabilisang kain pero maingat ang ginawa ko. Mukhang 'di ko na mababalikan ang tinago kong libro sa bookshop kanina. Agaran akong pumara ng taxi pagkalabas ng mall para magpahatid sa bahay.Medyo malayo ang bahay namin mula sa pinapasukan ko kaya kailangan kong magrenta ng apartment kasama si Rosetta. At dahil may part-time job naman ako, hindi na ako namo-mroblema sa pera.Ang sabi ni mama, siya na ang magpapaalam sa adviser ko. Pero nag-iwan pa rin ako ng excuse letter via email. Nag-chat na rin ako kay Rosetta na papunta ako sa bahay namin. Para kung sakaling hindi ako makauwi ngayon, alam niya kung nasaan ako.Huminto ang taxi sa may guard house ng subdivision. Kinausap ito ng guard at nang magpakita ako, pinapasok na niya kami.Ibinaba ako ng taxi sa harap ng pulang gate. Nang makapagbayad na, umalis na rin ito. Dumiretso ako sa loob ng bahay para hanapin si mama. Tahimik lang ang loob dahil nasa
Naabutan ako ni Jessie na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Kaya naman lumapit siya sa akin at pinaupo ako sa gilid para pakalmahin."Wait here, Ate June. I'll get you some water." Umalis ito habang ako ay nakatulala pa rin sa sahig at hindi matigil ang pag-iyak.Hindi ko alam kung may katapusan pa ba 'tong luha ko, pero ang alam ko lang ay hindi ko siya mapigilang umagos. Hangga't may nararamdamang kirot ang puso ko, hinding hindi magiging kapos ang luhang manggagaling sa mata ko."Here, Ate. Inom ka muna."Inabot sa akin ni Jessie ang isang basong puno ng tubig. Tinanggap ko iyon gamit ang dalawang nanginginig na kamay at sumimsim. Umupo siya sa tabi ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa aking mukha. Habang ako naman ay nanatili ang tingin sa sahig. Sumisikip na ang lagusan ng hangin sa aking ilong, tingin ko ay may sipon nang namumuo. Pero hindi iyon problema."His death
Malapit lang naman ang Arcana mula sa Tierra Cota kaya naman hindi ako nagtagal. Pagkababa ko sa may arko nila, masiglang pamilihan ang bumungad sa akin. Iba't ibang mga paninda ang nakikita ko. Mula sa mga bagay na gawa sa yantok at rattan hanggang sa mga sariwang mga prutas at gulay.Lumapit ako sa nagtitinda ng mansanas at bumili ng tatlo. Pumili rin ako ng ibang prutas gaya ng saging, hinog na mangga at ubas. Mas maigi nang may bitbit akong makakain ni Thaft.May maliit na dangwahan din malapit sa tindahan ng mga kandila kaya bumili rin ako ng ilang daisies bago ako tumuloy sa ospital.Sinabi sa akin ni Auntie Lucy na malapit ang ospital ng Arcana sa Shinto Shrine. Kailangan ko lang daw sundan ang mga pulang lampost na makikita ko sa mga kalye.Nang sakupin kasi ng mga hapon ang bansa, ang Arcana ang ginawang base ng mga hapones. Kaya naman Shinto ang pangunahing relihiyon nila. At dahil dito, ti
Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Thaft nang may biglang kumatok sa pintuan."Mr. Mondino, si Nurse Karina po ito. Oras na po para sa gamot niyo!"Mabilis na kinuha ni Thaft ang maliit na notebook sa ilalim ng unan niya. Pumilas ng papel at may sinulat na kung ano rito. Habang ako naman ay tumayo para sana buksan ang pintuan pero pinigilan ako ni Thaft."Bakit?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot."Sir, papasok na po ako, ha?"Bago pa man mabuksan ng nurse ang pintuan, mabilis na inabot ng mga kamay ni Thaft ang tali ko sa buhok. Tinanggal niya ito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.Ilang oras kong inayos iyon tapos sisirain niya lang?"Ay, may kasama pala kayo, Sir. Hello, ma'am!" Binati ako ng nurse kaya naman nginitian ko siya. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ni Thaft at lumipat sa couch na nasa gilid lang.
Dinala kami ng sinasakyan naming truck sa bayan ng Lumban -- ang maliit na karatig bayan ng Tierra Cota at Arcana. Dahil sa kondisyon ni Thaft, ibinaba kami nito sa maliit na clinic. Agaran namang nilapatan ng paunang lunas ang sugat niya sa binti. Nagtataka pa ang nurse na nandoon kung saan niya nakuha iyon, pero sinabi na lang ni Thaft na dahil sa aksidente.Pinilit siya ng nurse na manatili na lang muna sa clinic pero hindi siya pumayag. Gusto niya kasing pumunta sa mansion ng mga Ignacio kasama ko. Kailangan na rin naming makauwi dahil lumubog na ang araw, baka hinahanap na ako nila mama."Tara na, June," tawag niya sa akin. Nakasuot na siya ng maayos na damit ngayon, kumpara kanina na naka-hospital gown lang. May hawak na siyang saklay, pangsuporta sa kaliwa niyang binti.Tumango naman ako bilang pagsagot sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya sa paglalakad dahil siya ang nakakaalam sa lugar na ito. Noong sa Tierra Cota pa lang kami nakatira, ni-
Tahimik lang kami habang nakasakay sa lumang karwahe. Mabagal lang din ang usad nito pagkat tatlo kaming nasa loob at tingin ko ay dalawang kabayo lang ang nasa unahan. Hindi ko pa alam kung sino ang nagmamaneho.Tahimik lang si Kuya Barrett habang nakasilip sa mga siwang. Si Thaft naman ay pinapahinga ang binti niyang sugatan. Habang ako naman ang hindi mapakali.Alam kong ang humabol sa amin kanina ay hindi ordinaryong tao. Sa laki ng pangangatawan ni Kuya Barrett, duda akong tatakbuhan niya ang kung sino mang magtatangka sa buhay niya. Pero iba 'yung kanina, kasi kahit ako, nakaramdam din ako ng matinding takot."Saan tayo papunta?" tanong ko, matapos tingnan silang dalawa."Pauwi," maikiling tugon ni Thaft."Sa Tierra Cota?""Oo. Gabi na, baka hinahanap ka na nila.""Pero pa'no ka? Saan ka uuwi?""Tingin mo ba wala akong bahay, ha?" sarkastiko niyang tanong sa akin. "Tsk, ihah
Warning: This chapter contains gruesome scene that may not suitable for young and soft-hearted readers. Read at your own risk.***"June, bilisan mo! Nando'n na si Thaft, baka ubusan niya tayo ng ice cream!" Hinawakan ni July ang dalawa kong kamay habang ang isa naman ay nakahawak ng mahigpit kulay asul na picture book."Timepers muna, natanggal yung shoelace ko." Binitawan ko ang kamay niya at saka umupo para ayusin ang natanggal na sintas.Nagsalubong pa ang dalawa kong kilay dahil ayaw ma-ribbon. Naririnig ko na si July na hindi mapakali dahil paalis na ang nagtitinda ng ice cream."June, bilisan mo! Paalis na si Kuyang ice cream!" pagmamadali ni July. "Bakit ba ang tagal mo?""Saglit lang kasi, ayaw niyang matali, eh!"Hindi na siya nakatiis. Lumapit na ito sa 'kin at saka umupo rin."I already taught you this for how many times na. Bakit hindi mo pa rin kaya mag-ribbon?" tanong n
Chapter Seven Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga. Hinahabol ang panghinga habang pawisan ang buong katawan. Nanunuot pa rin ang takot at pagod sa katawan ko na para bang nakipaghabulan ako. Malinis na kwarto ni Jes ang bumungad sa akin kalakip ang liwanag na nagmumula sa labas. Umaga na pala. Bigla akong napapikit nang maalala ang napanaginipan ko. Pilit ko na iyong ibinaon sa limot pero bigla-bigla pa rin talagang napapanaginipan ulit. Napahawak sa batok ko nang maramdamang parang may bukol ako roon. Napa-aray naman ako nang mahawakan ang sinabing parte ng bukol. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Ang marka sa kamay ni July, ang pagbangon ng bangkay… at ang paghampas sa ulo ni Auntie Lucy.  
♣♣♣Sumunod ako kay Pietro pabalik sa kanilang bahay para magkapagpalit ng damit. Maghahanda rin siguro si Pietro ng mga dadalhin niya.“Are you sure you’re having a pistol?” tanong nito sa akin habang nakatingin sa hawak ko.“Yes, it’s less heavy and I’m not experienced yet in handling big guns,” sagot ko sa kaniya.“Do you know how to fire that?”Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya. “I just have to pull the trigger, right?” paninigurado ko.“Leave that pistol,” sabi niya sa akin. Iniwan nito ang kaniyang ginagawa at saka tumayo papunta sa tsimeneya. May kinapa ito mula rito at nang ilabas niya ang kaniyang kamay, may hawak na siyang panibagong baril. “Take this automatic pistol instead. It’s easier to use.”
Chapter♣♣♣Biglang lumakas ang tibok ng aking puso nang bigla kaming nakarinig ng marahas na katok mula sa pintuan. Natigil ang chief sa pagkukwento at saka tumayo para tingnan kung anong nasa labas.Hinayaan namin siyang asikasuhin kung anong mang nandoon at nanatili lang na nakaupo sa aming pwesto. Napatingin ako kay Sphere na nasa tapat ko ngayon. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin ng mariin sa kaniyang putol na binti. Kahit pa man wala na itong dugo, hindi parin ito kaaya-aya tingnan sapagkat may nakausling buto sa dulo. Nakakakilabot.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kakayahan palang ganoon ang mga tulad namin. Nakanganga ako habang kinikwento ng chief iyon kanina, nakakamangha pero nakakatakot. Nung una ayoko pang paniwaan iyon dahil napakaimposible, pero anong magagawa ko kung si Sphere ay ang mismong ebidensya na ngay
♣♣♣TATCHERI already know that someday, I'll tell my stories to the next successors, but I didn't think that it'll be earlier than expected.I sat comfortably on the wooden couch of my own abode. Right in front of me is a curious yet cowardly girl who's tapping her hand on her wounded leg. I supposed that it hasn't healed already, yet she already forced herself to walk towards my house in the middle of the night. What a troublesome girl. Is she really a black general?On my right is also a wounded boy who used his ability to regenerate his leg. I feel this one is quite strong based on his aura, it seems like this fella has some problems towards the girl since he's been trash-talking her earlier."So what happened during your generation?" June asked.I can't help but to sneer at her, remembering those old days feels so nostalgic."Tatang, nakakatakot ka ngumiti. Para kang manyak," the b
♣♣♣Sumapit ang gabi nang hindi ako pinatulog ng isip ko. Napakaraming tanong, napakaraming pangamba, napakaraming hindi kasiguraduhan. Napapikit na lang ako nang mariin dahil nagsisimula nang sumakit ang ulo ko kasabay ng pagsikip ng aking dibdib.Patay na ang ilaw sa buong bahay nila Adara. Binigay nila sa akin ang isang silid para tulugan ko habang magkasama naman ang dalawa sa kabila.Tanging malamlam na ilaw ng lampara lamang ang siyang nagliliwanag sa silid. Dahil sa mga maliliit na siwang mula sa pader ng bahay, nakakatakas ang hamog na mula sa labas dahilan para mas balutin ko ang saili ng kumot.Tumagilid ako. Iniisip ko kung anong maaring kalagayan nila ni Thaft sa Tierra Cota. Ano kayang ginagawa nia ngayo
♣♣♣ Matapos ang usapan namin sa opisina ng chief, si Adara ulit ang naging kasama ko. Dinala niya ako kung nasaan nananatili si Sphere ngunit hindi ko siya nakita dahil pinagbawalan kaming bumisita. Hindi pa raw kasi siya nagkakaroon ng malay hanggang ngayon dahil sa rami ng dugong nabawas sa katawan niya. Natapos ang araw, sinabi ni Adara na pansamantala muna akong mananatili sa bahay niya. Wala kasi masyadong mga gamit sa ospital nila. Maliit lang ang bahay ni Adara. May dalawang palapag ito ngunit dalawa o tatlong tao lang siguro ang pwedeng tumira. Ngunit maayos na ito kaysa sa wala. Nagulat ako pagpasok namin sa loob nang si Pietro ang sumalubong sa akin. Hindi na ito nakasuot ng kaniyang uniporme. Sa halip, nakasuot siya ng kulay asul na t-shirt at isang pambahay na pantalon. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pot holder na nakakabit sa kaniyang kamay, nagsasaad na may niluluto ito sa kusina.
♣♣♣ Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay ng kanilang pinuno, ipinaliwanag sa akin ni Adara ang lahat ng dapat kong malaman. Sinabi niya na kabilang sila sa isang organisasyon sa tumutugis sa mga halimaw na makikita sa kakahuyan. Isang organisasyon na hindi sakop ng gobyerno na nagtatago sa pangalang White Drifts. Ang organisasyon na ito at sumumpang tumugis sa mga nilalang na gumagambala sa natural na batas ng kalikasan, at isa na doon ang mga halimaw na sumasakop sa bayan namin. Ayon sa kaniya, marami nang mga alien o mga nilalang na siyang hindi nabibilang dito sa mundong ito ang kanilang nakasalamuha habang nagta-trabaho sa organisasyong. Ngunit, ang mga aliens na nasa amin ay masyadong iba sa mga ito. Natatangi pagkat ang mga ito ay may kakayahang mag-isip na higit pa sa ordinaryong tao. Dahilan para mas mahirapan silang ubusin ang mga ito. Sa kasamaang palad, walang hawak na
♣♣♣Tirik na tirik ang sinag ng araw, tanging huni ng mga salagubang lang ang maririnig mo pati ang lagaslas ng mga dahong unti-unting nahuhulog sa lupa. Ganito ang paligid sa kakahuyan.Bagamat may mga malalagong punong nakapalibot sa amin, hindi ko pa rin mapigilang mapapikit lalo na kung sinisilayan ng sinag ang aking mukha na siyang tumatagos sa magalaw na puno.Uhaw, pagod at bigat ang tanging nararamdaman ko. Nakakasiguro akong malayo na kami mula sa warehouse na pinanggalingan namin ngunit kahit pa man ganoon, hindi pa rin ako makampante.Gewang-gewang na ang lakad ko habang pasan ang walang malay na katawan ng lalaki. Kahit ako nagulat din dahil hindi ko inakalang kaya ko pala itong buhatin ng ganito kalayo.
♧♧♧"Hindi mo pa ba alam? Patay na si July." Nakangisi niyang sagot.Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Pero agad ko rin kinontrol ang sarili ko. Nagbibiro lang siya, hindi ko dapat siya hayaang paglaruan ang utak ko. Hindi ako sing bobo ng iniisip niya."Hindi mo ako maloloko. Alam kong peke ang July na nakita sa bangin." Hindi tanga si July para magtungo roon. Lalo na kung sa aming tatlo ni Thaft, siya ang mas may alam sa mga pasikot-sikot sa gubat."Nakakagulat na alam mo, June." Sar
♧♧♧Sigurado na ako ngayon na hindi pumapanig sa akin ang panahon o maging ang swerte. Para bang kamalasan ang lumalapit sa akin o sadyang matigas lang talaga ang ulo ko at ako ang nagdadala sa aking sarili sa kapahamakan. Sana nakinig na lang ako kay Thaft. Sana pinakinggan ko muna siya. Sana inisip ko muna ang gagawin ko kung tama ba dahil halata namang nadala lang ako sa bugso ng damdamin. Masyado lang akong nag-alala, na sa puntong hindi na ako nakapag-isip ng tama.Nagising ako nang bigla akong makaramdam ng malamig na ibinuhos sa aking katawan. Mabilis akong napabangon para tingnan kung anong nangyari. Saka ko nakita ang aking sarili sa loob ng hindi pamilyar na silid. Gawa ito sa semento at wala gaanong gamit ang nasa loob kundi mga gulong lamang. May malaking bintanang gawa sa bakal ang na