Malapit lang naman ang Arcana mula sa Tierra Cota kaya naman hindi ako nagtagal. Pagkababa ko sa may arko nila, masiglang pamilihan ang bumungad sa akin. Iba't ibang mga paninda ang nakikita ko. Mula sa mga bagay na gawa sa yantok at rattan hanggang sa mga sariwang mga prutas at gulay.
Lumapit ako sa nagtitinda ng mansanas at bumili ng tatlo. Pumili rin ako ng ibang prutas gaya ng saging, hinog na mangga at ubas. Mas maigi nang may bitbit akong makakain ni Thaft.
May maliit na dangwahan din malapit sa tindahan ng mga kandila kaya bumili rin ako ng ilang daisies bago ako tumuloy sa ospital.
Sinabi sa akin ni Auntie Lucy na malapit ang ospital ng Arcana sa Shinto Shrine. Kailangan ko lang daw sundan ang mga pulang lampost na makikita ko sa mga kalye.
Nang sakupin kasi ng mga hapon ang bansa, ang Arcana ang ginawang base ng mga hapones. Kaya naman Shinto ang pangunahing relihiyon nila. At dahil dito, ti
Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Thaft nang may biglang kumatok sa pintuan."Mr. Mondino, si Nurse Karina po ito. Oras na po para sa gamot niyo!"Mabilis na kinuha ni Thaft ang maliit na notebook sa ilalim ng unan niya. Pumilas ng papel at may sinulat na kung ano rito. Habang ako naman ay tumayo para sana buksan ang pintuan pero pinigilan ako ni Thaft."Bakit?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot."Sir, papasok na po ako, ha?"Bago pa man mabuksan ng nurse ang pintuan, mabilis na inabot ng mga kamay ni Thaft ang tali ko sa buhok. Tinanggal niya ito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.Ilang oras kong inayos iyon tapos sisirain niya lang?"Ay, may kasama pala kayo, Sir. Hello, ma'am!" Binati ako ng nurse kaya naman nginitian ko siya. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ni Thaft at lumipat sa couch na nasa gilid lang.
Dinala kami ng sinasakyan naming truck sa bayan ng Lumban -- ang maliit na karatig bayan ng Tierra Cota at Arcana. Dahil sa kondisyon ni Thaft, ibinaba kami nito sa maliit na clinic. Agaran namang nilapatan ng paunang lunas ang sugat niya sa binti. Nagtataka pa ang nurse na nandoon kung saan niya nakuha iyon, pero sinabi na lang ni Thaft na dahil sa aksidente.Pinilit siya ng nurse na manatili na lang muna sa clinic pero hindi siya pumayag. Gusto niya kasing pumunta sa mansion ng mga Ignacio kasama ko. Kailangan na rin naming makauwi dahil lumubog na ang araw, baka hinahanap na ako nila mama."Tara na, June," tawag niya sa akin. Nakasuot na siya ng maayos na damit ngayon, kumpara kanina na naka-hospital gown lang. May hawak na siyang saklay, pangsuporta sa kaliwa niyang binti.Tumango naman ako bilang pagsagot sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya sa paglalakad dahil siya ang nakakaalam sa lugar na ito. Noong sa Tierra Cota pa lang kami nakatira, ni-
Tahimik lang kami habang nakasakay sa lumang karwahe. Mabagal lang din ang usad nito pagkat tatlo kaming nasa loob at tingin ko ay dalawang kabayo lang ang nasa unahan. Hindi ko pa alam kung sino ang nagmamaneho.Tahimik lang si Kuya Barrett habang nakasilip sa mga siwang. Si Thaft naman ay pinapahinga ang binti niyang sugatan. Habang ako naman ang hindi mapakali.Alam kong ang humabol sa amin kanina ay hindi ordinaryong tao. Sa laki ng pangangatawan ni Kuya Barrett, duda akong tatakbuhan niya ang kung sino mang magtatangka sa buhay niya. Pero iba 'yung kanina, kasi kahit ako, nakaramdam din ako ng matinding takot."Saan tayo papunta?" tanong ko, matapos tingnan silang dalawa."Pauwi," maikiling tugon ni Thaft."Sa Tierra Cota?""Oo. Gabi na, baka hinahanap ka na nila.""Pero pa'no ka? Saan ka uuwi?""Tingin mo ba wala akong bahay, ha?" sarkastiko niyang tanong sa akin. "Tsk, ihah
Warning: This chapter contains gruesome scene that may not suitable for young and soft-hearted readers. Read at your own risk.***"June, bilisan mo! Nando'n na si Thaft, baka ubusan niya tayo ng ice cream!" Hinawakan ni July ang dalawa kong kamay habang ang isa naman ay nakahawak ng mahigpit kulay asul na picture book."Timepers muna, natanggal yung shoelace ko." Binitawan ko ang kamay niya at saka umupo para ayusin ang natanggal na sintas.Nagsalubong pa ang dalawa kong kilay dahil ayaw ma-ribbon. Naririnig ko na si July na hindi mapakali dahil paalis na ang nagtitinda ng ice cream."June, bilisan mo! Paalis na si Kuyang ice cream!" pagmamadali ni July. "Bakit ba ang tagal mo?""Saglit lang kasi, ayaw niyang matali, eh!"Hindi na siya nakatiis. Lumapit na ito sa 'kin at saka umupo rin."I already taught you this for how many times na. Bakit hindi mo pa rin kaya mag-ribbon?" tanong n
Chapter Seven Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga. Hinahabol ang panghinga habang pawisan ang buong katawan. Nanunuot pa rin ang takot at pagod sa katawan ko na para bang nakipaghabulan ako. Malinis na kwarto ni Jes ang bumungad sa akin kalakip ang liwanag na nagmumula sa labas. Umaga na pala. Bigla akong napapikit nang maalala ang napanaginipan ko. Pilit ko na iyong ibinaon sa limot pero bigla-bigla pa rin talagang napapanaginipan ulit. Napahawak sa batok ko nang maramdamang parang may bukol ako roon. Napa-aray naman ako nang mahawakan ang sinabing parte ng bukol. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Ang marka sa kamay ni July, ang pagbangon ng bangkay… at ang paghampas sa ulo ni Auntie Lucy.  
Chapter EightHindi ko namalayang dinala ako ng aking mga paa sa bahay nila July. Ito ang bahay na tinitirhan nila ng kaniyang pamilya. Ang bahay na madalas naming tambayan noon pagkatapos naming magmeryenda sa panaderya.Ngunit ang pinagtataka ko ay ang itsura nito. Mukha na itong luma at abandonado sa aking paningin. Ang mga pader ay inakyat na ng lumot, ang mga damong nasa paligid ay matataas na rin na parang walang nag-asikasong pumutol. Maging ang mga tuhong dahon ay talamak na rin dahil mukhang ilang araw nang hindi nawawalis. Parang walang nakatira rito. Dahil ba nasa mansion sila Jessie? Hindi ko alam.Pero kahit pa man gano'n ang itsura ng nasabing bahay, hindi nito magawang pigilan ang kagustuhan kong makapasok sa loob.Bawat apak ko ay pagkadurog ng mga dahon ang maririnig. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka may tao p
Bata pa lang kami, nahilig na talaga namin ang pagbabasa ni July. Nung natuto kaming bumasa at umintindi ng Ingles, mas lalong lumala ang pagiging adik namin sa mga libro. Kaya naman halos gumulong-gulong kaming dalawa sa tuwa nung nabalitaan namin mula kay Thaft na magbubukas ng public library sa sentro ng bayan.Naging tambay kami roon tuwing Sabado't Linggo para magbasa at madalas pa kaming mag-uwi ng tig-lilimang libro kada ika-15 ng buwan. Kahit si Thaft ay nahawaan naming magbasa, ang kaso lang ay ayaw niya naman sa science fiction dahil para sa mga matatalino lang daw iyon.Gustong-gusto ko pa kapag pinupukaw ng libro ang thrill sa sistema ko, lalong-lalo na kung nasa interesting part na. Sabayan mo pa ng mga unpredictable plot twist na talaga naming hindi lang palulundaging ang puso mo kundi papatulugin ka ring may natitirang takot ang pangamba. Lalo n
Chapter TenTatlong araw na ang lumipas simula nung magpadala ako ng liham kay Rosetta. At sa tatlong araw na 'yon, napakaraming nangyari. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung paano ako tutugon sa sitwasyon.Maayos ang naging unang gabi ko sa bahay nila Thaft, komportable sa pakiramdam at mahimbing ang pagkakatulog ko. Pero kung alam ko lang na iyon na pala ang huling tulog ko ng mahimbing, sana pala ay mas sinulit ko pa. Dahil noong magsimulang sumikat ang araw, hindi ko aakalaing magsisimula rin ang kalbaryo namin.Maaga kaming dalawa nagising ni Thaft dahil kailangan niyang magsibak ng kahoy na panggatong para ibenta sa Lumban. Habang ako naman ang nagluto ng simpleng almusal naming dalawa. Gamit ang luma nilang karitela, kinarga namin ang mga panggatong na siyang naka-grupo-grupo na. Tinalian ito ng goma para hindi mab
♣♣♣Sumunod ako kay Pietro pabalik sa kanilang bahay para magkapagpalit ng damit. Maghahanda rin siguro si Pietro ng mga dadalhin niya.“Are you sure you’re having a pistol?” tanong nito sa akin habang nakatingin sa hawak ko.“Yes, it’s less heavy and I’m not experienced yet in handling big guns,” sagot ko sa kaniya.“Do you know how to fire that?”Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya. “I just have to pull the trigger, right?” paninigurado ko.“Leave that pistol,” sabi niya sa akin. Iniwan nito ang kaniyang ginagawa at saka tumayo papunta sa tsimeneya. May kinapa ito mula rito at nang ilabas niya ang kaniyang kamay, may hawak na siyang panibagong baril. “Take this automatic pistol instead. It’s easier to use.”
Chapter♣♣♣Biglang lumakas ang tibok ng aking puso nang bigla kaming nakarinig ng marahas na katok mula sa pintuan. Natigil ang chief sa pagkukwento at saka tumayo para tingnan kung anong nasa labas.Hinayaan namin siyang asikasuhin kung anong mang nandoon at nanatili lang na nakaupo sa aming pwesto. Napatingin ako kay Sphere na nasa tapat ko ngayon. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin ng mariin sa kaniyang putol na binti. Kahit pa man wala na itong dugo, hindi parin ito kaaya-aya tingnan sapagkat may nakausling buto sa dulo. Nakakakilabot.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kakayahan palang ganoon ang mga tulad namin. Nakanganga ako habang kinikwento ng chief iyon kanina, nakakamangha pero nakakatakot. Nung una ayoko pang paniwaan iyon dahil napakaimposible, pero anong magagawa ko kung si Sphere ay ang mismong ebidensya na ngay
♣♣♣TATCHERI already know that someday, I'll tell my stories to the next successors, but I didn't think that it'll be earlier than expected.I sat comfortably on the wooden couch of my own abode. Right in front of me is a curious yet cowardly girl who's tapping her hand on her wounded leg. I supposed that it hasn't healed already, yet she already forced herself to walk towards my house in the middle of the night. What a troublesome girl. Is she really a black general?On my right is also a wounded boy who used his ability to regenerate his leg. I feel this one is quite strong based on his aura, it seems like this fella has some problems towards the girl since he's been trash-talking her earlier."So what happened during your generation?" June asked.I can't help but to sneer at her, remembering those old days feels so nostalgic."Tatang, nakakatakot ka ngumiti. Para kang manyak," the b
♣♣♣Sumapit ang gabi nang hindi ako pinatulog ng isip ko. Napakaraming tanong, napakaraming pangamba, napakaraming hindi kasiguraduhan. Napapikit na lang ako nang mariin dahil nagsisimula nang sumakit ang ulo ko kasabay ng pagsikip ng aking dibdib.Patay na ang ilaw sa buong bahay nila Adara. Binigay nila sa akin ang isang silid para tulugan ko habang magkasama naman ang dalawa sa kabila.Tanging malamlam na ilaw ng lampara lamang ang siyang nagliliwanag sa silid. Dahil sa mga maliliit na siwang mula sa pader ng bahay, nakakatakas ang hamog na mula sa labas dahilan para mas balutin ko ang saili ng kumot.Tumagilid ako. Iniisip ko kung anong maaring kalagayan nila ni Thaft sa Tierra Cota. Ano kayang ginagawa nia ngayo
♣♣♣ Matapos ang usapan namin sa opisina ng chief, si Adara ulit ang naging kasama ko. Dinala niya ako kung nasaan nananatili si Sphere ngunit hindi ko siya nakita dahil pinagbawalan kaming bumisita. Hindi pa raw kasi siya nagkakaroon ng malay hanggang ngayon dahil sa rami ng dugong nabawas sa katawan niya. Natapos ang araw, sinabi ni Adara na pansamantala muna akong mananatili sa bahay niya. Wala kasi masyadong mga gamit sa ospital nila. Maliit lang ang bahay ni Adara. May dalawang palapag ito ngunit dalawa o tatlong tao lang siguro ang pwedeng tumira. Ngunit maayos na ito kaysa sa wala. Nagulat ako pagpasok namin sa loob nang si Pietro ang sumalubong sa akin. Hindi na ito nakasuot ng kaniyang uniporme. Sa halip, nakasuot siya ng kulay asul na t-shirt at isang pambahay na pantalon. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pot holder na nakakabit sa kaniyang kamay, nagsasaad na may niluluto ito sa kusina.
♣♣♣ Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay ng kanilang pinuno, ipinaliwanag sa akin ni Adara ang lahat ng dapat kong malaman. Sinabi niya na kabilang sila sa isang organisasyon sa tumutugis sa mga halimaw na makikita sa kakahuyan. Isang organisasyon na hindi sakop ng gobyerno na nagtatago sa pangalang White Drifts. Ang organisasyon na ito at sumumpang tumugis sa mga nilalang na gumagambala sa natural na batas ng kalikasan, at isa na doon ang mga halimaw na sumasakop sa bayan namin. Ayon sa kaniya, marami nang mga alien o mga nilalang na siyang hindi nabibilang dito sa mundong ito ang kanilang nakasalamuha habang nagta-trabaho sa organisasyong. Ngunit, ang mga aliens na nasa amin ay masyadong iba sa mga ito. Natatangi pagkat ang mga ito ay may kakayahang mag-isip na higit pa sa ordinaryong tao. Dahilan para mas mahirapan silang ubusin ang mga ito. Sa kasamaang palad, walang hawak na
♣♣♣Tirik na tirik ang sinag ng araw, tanging huni ng mga salagubang lang ang maririnig mo pati ang lagaslas ng mga dahong unti-unting nahuhulog sa lupa. Ganito ang paligid sa kakahuyan.Bagamat may mga malalagong punong nakapalibot sa amin, hindi ko pa rin mapigilang mapapikit lalo na kung sinisilayan ng sinag ang aking mukha na siyang tumatagos sa magalaw na puno.Uhaw, pagod at bigat ang tanging nararamdaman ko. Nakakasiguro akong malayo na kami mula sa warehouse na pinanggalingan namin ngunit kahit pa man ganoon, hindi pa rin ako makampante.Gewang-gewang na ang lakad ko habang pasan ang walang malay na katawan ng lalaki. Kahit ako nagulat din dahil hindi ko inakalang kaya ko pala itong buhatin ng ganito kalayo.
♧♧♧"Hindi mo pa ba alam? Patay na si July." Nakangisi niyang sagot.Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Pero agad ko rin kinontrol ang sarili ko. Nagbibiro lang siya, hindi ko dapat siya hayaang paglaruan ang utak ko. Hindi ako sing bobo ng iniisip niya."Hindi mo ako maloloko. Alam kong peke ang July na nakita sa bangin." Hindi tanga si July para magtungo roon. Lalo na kung sa aming tatlo ni Thaft, siya ang mas may alam sa mga pasikot-sikot sa gubat."Nakakagulat na alam mo, June." Sar
♧♧♧Sigurado na ako ngayon na hindi pumapanig sa akin ang panahon o maging ang swerte. Para bang kamalasan ang lumalapit sa akin o sadyang matigas lang talaga ang ulo ko at ako ang nagdadala sa aking sarili sa kapahamakan. Sana nakinig na lang ako kay Thaft. Sana pinakinggan ko muna siya. Sana inisip ko muna ang gagawin ko kung tama ba dahil halata namang nadala lang ako sa bugso ng damdamin. Masyado lang akong nag-alala, na sa puntong hindi na ako nakapag-isip ng tama.Nagising ako nang bigla akong makaramdam ng malamig na ibinuhos sa aking katawan. Mabilis akong napabangon para tingnan kung anong nangyari. Saka ko nakita ang aking sarili sa loob ng hindi pamilyar na silid. Gawa ito sa semento at wala gaanong gamit ang nasa loob kundi mga gulong lamang. May malaking bintanang gawa sa bakal ang na