Share

Chapter 2

Author: C. Creeps
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Mabilisang kain pero maingat ang ginawa ko. Mukhang 'di ko na mababalikan ang tinago kong libro sa bookshop kanina. Agaran akong pumara ng taxi pagkalabas ng mall para magpahatid sa bahay.

Medyo malayo ang bahay namin mula sa pinapasukan ko kaya kailangan kong magrenta ng apartment kasama si Rosetta. At dahil may part-time job naman ako, hindi na ako namo-mroblema sa pera.

Ang sabi ni mama, siya na ang magpapaalam sa adviser ko. Pero nag-iwan pa rin ako ng excuse letter via email. Nag-chat na rin ako kay Rosetta na papunta ako sa bahay namin. Para kung sakaling hindi ako makauwi ngayon, alam niya kung nasaan ako.

Huminto ang taxi sa may guard house ng subdivision. Kinausap ito ng guard at nang magpakita ako, pinapasok na niya kami.

Ibinaba ako ng taxi sa harap ng pulang gate. Nang makapagbayad na, umalis na rin ito. Dumiretso ako sa loob ng bahay para hanapin si mama. Tahimik lang ang loob dahil nasa trabaho si papa sa ganitong oras at mukhang umalis si Manang Celly, ang kasambahay namin.

"Ma? Nandito na ako," tawag ko sa kaniya.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. May nakita pa akong hugasin sa lababo na mukhang pinagtimplahan ng tsaa dahil sa nakalitaw na tea bag. Nagpasya akong hugasan na lang ito para walang nakatambak sa lababo.

"Anak?"

Nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit. Nang lumingon ako, nakita ko ang nag-aalalang mga mata ni mama.

Mabilis kong iniwan ang hugasin at saka nagpunas ng kamay.

"Bakit? Nag-away ba kayo ni papa?" tanong ko sa kaniya.

Umiling ito sa akin bago siya lumapit. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang pinaparamdam niyang may karamay ako --- na siyang hindi ko maintindihan.

Nang bumitaw siya sa yakap, hinawakan niya ang braso ko at iginiya sa sala. Pinaupo niya ako roon habang siya naman ay tumabi sa akin.

"Ma, hindi kita maintindihan. May nangyari ba? Mabilis akong nagpunta rito kasi may sasabihin ka. Ano po ba 'yon?"

"Patay na si July," diretsang sabi niya.

I looked at her for a moment. She was so straightforward to the point that I can't react. My brain can't function to well because what she said is too impossible.

"Ano bang sinasabi mo, Ma? Kabibigay lang niya ng sulat sa'kin kaninang umaga. Imposible po 'yang sinasabi mo," ani ko.

"The letter earlier, it was from his mom."

"That's impossible, mom! July always sent me letters regularly. He won't fail this time," pagpipilit ko.

"The letter was from his mom. I know it, June... because I received one earlier too!"

Saka ko naalalang dala-dala ko pala ang liham. Agad kong kinuha ang bag ko para halungkatin ang nasa loob. As far as I can remember, inipit ko iyon sa isa sa mga notebooks.

Nilabas ko lahat ng notebook na nasa bag. Binuklat ko ang mga ito hanggang sa makita ko ang liham. Pagkatingin ko sa likod nito, nagsimula na akong kabahan. Mom was right, it was from July's mother, Tita Julieta.

Tinanggal ko ang tinunaw na silyo para mabuksan ang liham. Kinuha ko ang papel sa loob at mabilis itong binuklat.

----

Dear Juniper Gallego,

     We are sorry to be the bearers of this sad news, but our son Julius Lysander Ignacio passed away last Tueday, June 2, 2026. He fell accidentally in the cliff while running at the woods. He was normal these past few weeks and doesn't seem to have a problem. That's why his death is still sudden to us.

     Following the family's tradition, we held the wake with the whole family and relatives in the old mansion of our late ancestors, at the Casa Ignacio. His funeral will be on June 14, 2026. Exactly 10 days after you recieve this letter. We hope that you can come.

Sincerely yours,

Julieta Ignacio

---

My world almost stopped after reading the content of the letter. Mom wasn't lying.

I looked at her, teary-eyed. She has a worried face written all-over. She spread her arms and that's the signal to embraced her.

Hindi na ako nahiya. Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. Sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib habang siya naman ay hinahagod ang aking likod. My sobs became clearer and clearer until I burst into tears. All I can do is hug her to feel her warmth that comforts me... that makes me assured that everything will be fine. Even if it's not.

"Shh, shh... tahan na. Right after your father arrives, we'll head to Tierra Cota, okay?" mother said.

She looked at my face and cupped my cheeks, wipe down the falling years and looked at me with sympathizing eyes.

"I know this is tough for you, but be strong, okay? For July... for you."

We stayed like that for a how many minutes. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto para magligpit ng damit na dadalhin papuntang Tierra Cota. My mind is still a mess, I don't know how did I manage to packed my things well.

Matapos mapagod sa pagsasalansan ng damit sa bagaheng dadalhin, humiga ako sa kama at napatitig sa kawalan. I can't stop myself from thinking how's my childhood with July and Thaft.

We were trio back then and I was the only girl. I met July first since we're classmates in kindergarten. Siya yung batang lalaki na hindi nawawalan ng picture book sa katawan. Kahit saan siya pumunta, lagi siyang may dalang picture book. And everyday, iba-ibang picture book and dala niya. Nag-away pa kami dati dahil hindi siya nagpapahiram. And that's how our friendship starts.

We met Thaft in fourth grade. July was forced to join the baseball team and I always watch their practice matches to show my support. Kahit pa man hindi nakakatama ng bola si July. Thaft was the pitcher that time and he intentionally hit July's face. Inaway ko pa siya noon pero tiningnan niya lang ako at hindi nagsalita. But he treated us ice cream as his peace offering.

Wala sa sariling napatingin ako sa bed side table ko. Nakita ko ang litrato naming tatlo na magkakaakbay while wearing our uniform. I was on my pigtails, Thaft is holding a baseball glove and July is in the middle, smiling ear to ear. A tear escaped from my eyes again.

How come that there's only the two of us now? Does time flies so fast to the point that I didn't notice we're growing?

July is a great friend, he's more than a brother. He's the only one who can understands my bad, idiotic side. He's the only one who can handles Thaft anger issues. He's a dependable young man. Now that he's gone, it's like our foundation is gone too.

Hindi ko namalayang nakarating na pala si papa galing sa trabaho. Gaya namin ay hindi rin siya natuwa sa nabalitaan.

Kumain kami ng hapunan nang may bigat sa dibdib. I can barely chew my food even it's my favorite. Manang Celly is also worried after hearing the news.

Kahit gabi na, tuloy pa rin ang pagbiyahe namin papuntang Tierra Cota. It will take 6 hours before we can reach the town. Magbabiyahe ka sakay ng tren at pagdating mo sa station, sasakay ka ulit ng bus papasok sa bayan ng Hermenes. Mula sa Hermenes, gamit ang makalumang jeep, ihahatid ka nito sa tagong bayan ng Tierra Cota at mula roon sa bukana, pwede ka nang magpahatid sa mansyon ng mga Ignacio.

Hindi ako natulog habang nasa biyahe dahil hindi komportable. Puyat na puyat na ako nang makarating kami sa bayan ng Hermenes. May iilang mga bukas na tindahan pa rito at may mga tao pang nasa labas. Ang bayan kasi na ito ang pinakamalapit sa kabihasnan kaya naman mabilis itong mag-adapt sa kung anong mayroon sa siyudad.

Mabuti na lang at may naabutan pa kaming sasakayan na siyang maghahatid papuntang Teirra Cota. Sa gubat kasi ang daan nito at tanging maliliit ng poste ng ilaw lamang ang nagliliwanag ng daan. Pero kung gamay mo naman ang lugar, hindi ka maliligaw.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Dahil na rin siguro sa antok at pagod dulot ng ilang oras ng pagbabyahe. Hindi ko rin magawang maka-idlip man lang dahil mauga ang sasakyan.

Nang tingnan ko ang oras sa cellphone, malapit na palang mag-alas tres. Mahigit limang oras na rin pala ang lumipas. Wala na ring signal ang cellphone ko mula rito. Kanina, nung nasa Hermenes pa kami, may kaunti pang natira. Pero ngayon, wala na talaga.

Ibinaba kami ng jeep sa tapat ng arko ng Tierra Cota. Gawa ito sa bato habang ang mga letra naman na nagsasabing 'Welcome' ay nagsisimula nang kalawangin.

Hindi katulad sa bayan ng Hermenes, dito wala na talagang taong makikita. Lahat ng mga bahay ay nakapatay na rin ang ilaw at tanging mga lamp posts na lang ang maliwanag. Sobrang tahimik ng paligid, to the point na pati mga hakbang ng iyong mga paa ay maririnig mo.

At dahil malapit kami sa kakahuyan at mahangin dito sa labas, ang pagsayaw ng mga dahon sa hangin ay rinig na rinig din.

Isang itim na kalesa ang lumabas mula sa isa sa mga kanto. Lumapit ito sa amin at huminto. Lumabas mula rito ang isang ale na may taklob na itim na balabal.

"Maligayang pagbabalik sa Tierra Cota, mga Gallego," ani nito. Nang tanggalin niya ang balabal na nakatakip sa kaniyang ulo ay saka lang namin siya nakilala.

"Auntie Lucy!" Lumapit ako sa kaniya at saka nagmano. Siya ang tiyahin ni July na may panaderya rito malapit sa arko. Roon kami madalas tumatambay dati dahil may libreng meryenda.

"Napakalaki mo na, June." Hinawakan niya ang aking pisnge saka ngumiti ng bahagya. Pero halata pa rin sa mga mata niya ang pagdadalamhati.

Bumaling ang tingin ni Auntie sa mga magulang ko. Ngumiti rin ito sa kanila at nakipagbeso. "Nakikiramay kami sa pagkawala ni July," saad ni Papa.

Lumungkot muli ang reaksyon ni Auntie pero mabilis lang ding nawala iyon.

"Andres, kunin mo na ang mga gamit nila. Ihahatid natin sila sa mansiyon."

Bumaba si Andres mula sa pagkakasakay sa unahan. Siya kasi ang nagpapatakbo ng mga kabayo.

Kinuha nito ang mga gamit namin at isa-isang nilagay sa likuran. Nang bagahe ko na ang susunod, huminto muna siya sa harap ko at ngumiti. "Bumalik ka na nga, June."

"Nahuli nga lang ang pagbalik ko," sagot ko sa kaniya.

"Okay lang 'yan. Maiintindihan naman ni July 'yon."

Pinasakay na ako ni Auntie sa loob ng kalesa. Mabuti na lang at may kalakihan iyon kaya nagkasya kaming apat sa loob.

Tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami sa mansyon. Sinabi ni Andres na siya na ang bahalang mag-aakyat ng mga gamit namin sa taas kung saan kami matutulog.

Iniwan ko sila Mama kay Auntie Lucy dahil nag-uusap pa ang mga ito. Habang ako ay hinanap kung nasaan ang kabaong ni July.

Masyadong malawak ang mansyon ng mga Ignacio. Maraming mga pasilyo at mga pinto na dadalhin ka sa kung saan-saang parte ng mansiyon. Mabuti na lang at kahit papaano ay tanda ko pa ang mga pasikot-sikot dito.

Natagpuan kong maraming tao sa likurang bahagi, kung nasaan ang hardin nila. Maraming mga kandila at bulaklak na may sulat na 'Condolences' ang makikita ko kung saan-saan. May mga upuan din doon at nasa unahan ang kulay itim na kabaong.

Parang piniga ang puso ko nang makita ko ang tarpaulin sa itaas. Buong pangalan ni July ang nakasulat kasama ang litrato niya. Kaparehong litrato ng bookmark ng libro ko.

Nang nasa harapan na ako ng kabaong, nagdadalawang isip pa ako kung titingnan ko ba ang loob o hindi. Hindi dahil sa takot ako, kundi dahil sa ayokong maniwala na si July ang nasa loob.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sumilip ako kung ano ang nasa loob. Ang napakapayapang mukha ni July ang bumungad sa akin. Totoo nga ang nangyayari. Hindi nga sila nagsisinungaling. Para bang natutulog lang ito kaya gusto kong buksan ang kabaong at gisingin siya.

Tumulo ang luha ko nang hawakan ko ang salamin na nakapagitan sa aming dalawa. Sabi sa pamahiin na hindi dapat matuluan ng luha ang kabaong kaya bawat butil na nilalabas ng mata ko ay kaagad kong hinahawi.

Tiningnan ko siya ng matagal. Pero sa bawat segundong lumilipas sa pagtitig ko, mas lalong sumasakit. Dahil sa wakas, nasa harap ko na ang katotohanan. Hindi ko na siya binabasa sa liham dahil nasa harap ko na.

Nanghina ang aking mga tuhod at ang kaninang pagluha ay napalitan ng paghagulgol. Wala na akong magawa kundi takpan ang mga mata ko. Ayoko nang makita pa sa ganoong sitwasyon si July.

"Nandito na ako," mahina kong saad sa pagitan ng aking pag-iyak.

Hindi ito ang gusto kong sumalubong sa akin sa pagbalik ko rito. Ibang-iba 'to sa naiisip kong paraan ng pagsalubong niya.

Malinaw na malinaw ang pangako niya sa sulat na hihintayin niya ako. Pero hindi sa gantong uri ng paghihintay. Sinabi niyang miss niya na ako at gumanti akong miss ko rin siya. Pero hindi ko inakalang ganitong pangungulila ang madadatnan ko.

Sobrang dami pa ng gusto kong ikwento sa 'yo. Pero sa ganitong sitwasyon na nakahimlay ka na, maririnig mo pa kaya?

//

Related chapters

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 3

    Naabutan ako ni Jessie na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Kaya naman lumapit siya sa akin at pinaupo ako sa gilid para pakalmahin."Wait here, Ate June. I'll get you some water." Umalis ito habang ako ay nakatulala pa rin sa sahig at hindi matigil ang pag-iyak.Hindi ko alam kung may katapusan pa ba 'tong luha ko, pero ang alam ko lang ay hindi ko siya mapigilang umagos. Hangga't may nararamdamang kirot ang puso ko, hinding hindi magiging kapos ang luhang manggagaling sa mata ko."Here, Ate. Inom ka muna."Inabot sa akin ni Jessie ang isang basong puno ng tubig. Tinanggap ko iyon gamit ang dalawang nanginginig na kamay at sumimsim. Umupo siya sa tabi ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa aking mukha. Habang ako naman ay nanatili ang tingin sa sahig. Sumisikip na ang lagusan ng hangin sa aking ilong, tingin ko ay may sipon nang namumuo. Pero hindi iyon problema."His death

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 4

    Malapit lang naman ang Arcana mula sa Tierra Cota kaya naman hindi ako nagtagal. Pagkababa ko sa may arko nila, masiglang pamilihan ang bumungad sa akin. Iba't ibang mga paninda ang nakikita ko. Mula sa mga bagay na gawa sa yantok at rattan hanggang sa mga sariwang mga prutas at gulay.Lumapit ako sa nagtitinda ng mansanas at bumili ng tatlo. Pumili rin ako ng ibang prutas gaya ng saging, hinog na mangga at ubas. Mas maigi nang may bitbit akong makakain ni Thaft.May maliit na dangwahan din malapit sa tindahan ng mga kandila kaya bumili rin ako ng ilang daisies bago ako tumuloy sa ospital.Sinabi sa akin ni Auntie Lucy na malapit ang ospital ng Arcana sa Shinto Shrine. Kailangan ko lang daw sundan ang mga pulang lampost na makikita ko sa mga kalye.Nang sakupin kasi ng mga hapon ang bansa, ang Arcana ang ginawang base ng mga hapones. Kaya naman Shinto ang pangunahing relihiyon nila. At dahil dito, ti

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 5

    Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Thaft nang may biglang kumatok sa pintuan."Mr. Mondino, si Nurse Karina po ito. Oras na po para sa gamot niyo!"Mabilis na kinuha ni Thaft ang maliit na notebook sa ilalim ng unan niya. Pumilas ng papel at may sinulat na kung ano rito. Habang ako naman ay tumayo para sana buksan ang pintuan pero pinigilan ako ni Thaft."Bakit?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot."Sir, papasok na po ako, ha?"Bago pa man mabuksan ng nurse ang pintuan, mabilis na inabot ng mga kamay ni Thaft ang tali ko sa buhok. Tinanggal niya ito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.Ilang oras kong inayos iyon tapos sisirain niya lang?"Ay, may kasama pala kayo, Sir. Hello, ma'am!" Binati ako ng nurse kaya naman nginitian ko siya. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ni Thaft at lumipat sa couch na nasa gilid lang.

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 6

    Dinala kami ng sinasakyan naming truck sa bayan ng Lumban -- ang maliit na karatig bayan ng Tierra Cota at Arcana. Dahil sa kondisyon ni Thaft, ibinaba kami nito sa maliit na clinic. Agaran namang nilapatan ng paunang lunas ang sugat niya sa binti. Nagtataka pa ang nurse na nandoon kung saan niya nakuha iyon, pero sinabi na lang ni Thaft na dahil sa aksidente.Pinilit siya ng nurse na manatili na lang muna sa clinic pero hindi siya pumayag. Gusto niya kasing pumunta sa mansion ng mga Ignacio kasama ko. Kailangan na rin naming makauwi dahil lumubog na ang araw, baka hinahanap na ako nila mama."Tara na, June," tawag niya sa akin. Nakasuot na siya ng maayos na damit ngayon, kumpara kanina na naka-hospital gown lang. May hawak na siyang saklay, pangsuporta sa kaliwa niyang binti.Tumango naman ako bilang pagsagot sa kaniya. Tumabi ako sa kaniya sa paglalakad dahil siya ang nakakaalam sa lugar na ito. Noong sa Tierra Cota pa lang kami nakatira, ni-

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 7

    Tahimik lang kami habang nakasakay sa lumang karwahe. Mabagal lang din ang usad nito pagkat tatlo kaming nasa loob at tingin ko ay dalawang kabayo lang ang nasa unahan. Hindi ko pa alam kung sino ang nagmamaneho.Tahimik lang si Kuya Barrett habang nakasilip sa mga siwang. Si Thaft naman ay pinapahinga ang binti niyang sugatan. Habang ako naman ang hindi mapakali.Alam kong ang humabol sa amin kanina ay hindi ordinaryong tao. Sa laki ng pangangatawan ni Kuya Barrett, duda akong tatakbuhan niya ang kung sino mang magtatangka sa buhay niya. Pero iba 'yung kanina, kasi kahit ako, nakaramdam din ako ng matinding takot."Saan tayo papunta?" tanong ko, matapos tingnan silang dalawa."Pauwi," maikiling tugon ni Thaft."Sa Tierra Cota?""Oo. Gabi na, baka hinahanap ka na nila.""Pero pa'no ka? Saan ka uuwi?""Tingin mo ba wala akong bahay, ha?" sarkastiko niyang tanong sa akin. "Tsk, ihah

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 8

    Warning: This chapter contains gruesome scene that may not suitable for young and soft-hearted readers. Read at your own risk.***"June, bilisan mo! Nando'n na si Thaft, baka ubusan niya tayo ng ice cream!" Hinawakan ni July ang dalawa kong kamay habang ang isa naman ay nakahawak ng mahigpit kulay asul na picture book."Timepers muna, natanggal yung shoelace ko." Binitawan ko ang kamay niya at saka umupo para ayusin ang natanggal na sintas.Nagsalubong pa ang dalawa kong kilay dahil ayaw ma-ribbon. Naririnig ko na si July na hindi mapakali dahil paalis na ang nagtitinda ng ice cream."June, bilisan mo! Paalis na si Kuyang ice cream!" pagmamadali ni July. "Bakit ba ang tagal mo?""Saglit lang kasi, ayaw niyang matali, eh!"Hindi na siya nakatiis. Lumapit na ito sa 'kin at saka umupo rin."I already taught you this for how many times na. Bakit hindi mo pa rin kaya mag-ribbon?" tanong n

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 9

    Chapter Seven Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga. Hinahabol ang panghinga habang pawisan ang buong katawan. Nanunuot pa rin ang takot at pagod sa katawan ko na para bang nakipaghabulan ako. Malinis na kwarto ni Jes ang bumungad sa akin kalakip ang liwanag na nagmumula sa labas. Umaga na pala. Bigla akong napapikit nang maalala ang napanaginipan ko. Pilit ko na iyong ibinaon sa limot pero bigla-bigla pa rin talagang napapanaginipan ulit. Napahawak sa batok ko nang maramdamang parang may bukol ako roon. Napa-aray naman ako nang mahawakan ang sinabing parte ng bukol. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kagabi. Ang marka sa kamay ni July, ang pagbangon ng bangkay… at ang paghampas sa ulo ni Auntie Lucy.  

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 10

    Chapter EightHindi ko namalayang dinala ako ng aking mga paa sa bahay nila July. Ito ang bahay na tinitirhan nila ng kaniyang pamilya. Ang bahay na madalas naming tambayan noon pagkatapos naming magmeryenda sa panaderya.Ngunit ang pinagtataka ko ay ang itsura nito. Mukha na itong luma at abandonado sa aking paningin. Ang mga pader ay inakyat na ng lumot, ang mga damong nasa paligid ay matataas na rin na parang walang nag-asikasong pumutol. Maging ang mga tuhong dahon ay talamak na rin dahil mukhang ilang araw nang hindi nawawalis. Parang walang nakatira rito. Dahil ba nasa mansion sila Jessie? Hindi ko alam.Pero kahit pa man gano'n ang itsura ng nasabing bahay, hindi nito magawang pigilan ang kagustuhan kong makapasok sa loob.Bawat apak ko ay pagkadurog ng mga dahon ang maririnig. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil baka may tao p

Latest chapter

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 27

    ♣♣♣Sumunod ako kay Pietro pabalik sa kanilang bahay para magkapagpalit ng damit. Maghahanda rin siguro si Pietro ng mga dadalhin niya.“Are you sure you’re having a pistol?” tanong nito sa akin habang nakatingin sa hawak ko.“Yes, it’s less heavy and I’m not experienced yet in handling big guns,” sagot ko sa kaniya.“Do you know how to fire that?”Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tanong niya. “I just have to pull the trigger, right?” paninigurado ko.“Leave that pistol,” sabi niya sa akin. Iniwan nito ang kaniyang ginagawa at saka tumayo papunta sa tsimeneya. May kinapa ito mula rito at nang ilabas niya ang kaniyang kamay, may hawak na siyang panibagong baril. “Take this automatic pistol instead. It’s easier to use.”

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 26

    Chapter♣♣♣Biglang lumakas ang tibok ng aking puso nang bigla kaming nakarinig ng marahas na katok mula sa pintuan. Natigil ang chief sa pagkukwento at saka tumayo para tingnan kung anong nasa labas.Hinayaan namin siyang asikasuhin kung anong mang nandoon at nanatili lang na nakaupo sa aming pwesto. Napatingin ako kay Sphere na nasa tapat ko ngayon. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin ng mariin sa kaniyang putol na binti. Kahit pa man wala na itong dugo, hindi parin ito kaaya-aya tingnan sapagkat may nakausling buto sa dulo. Nakakakilabot.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kakayahan palang ganoon ang mga tulad namin. Nakanganga ako habang kinikwento ng chief iyon kanina, nakakamangha pero nakakatakot. Nung una ayoko pang paniwaan iyon dahil napakaimposible, pero anong magagawa ko kung si Sphere ay ang mismong ebidensya na ngay

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 25

    ♣♣♣TATCHERI already know that someday, I'll tell my stories to the next successors, but I didn't think that it'll be earlier than expected.I sat comfortably on the wooden couch of my own abode. Right in front of me is a curious yet cowardly girl who's tapping her hand on her wounded leg. I supposed that it hasn't healed already, yet she already forced herself to walk towards my house in the middle of the night. What a troublesome girl. Is she really a black general?On my right is also a wounded boy who used his ability to regenerate his leg. I feel this one is quite strong based on his aura, it seems like this fella has some problems towards the girl since he's been trash-talking her earlier."So what happened during your generation?" June asked.I can't help but to sneer at her, remembering those old days feels so nostalgic."Tatang, nakakatakot ka ngumiti. Para kang manyak," the b

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 24

    ♣♣♣Sumapit ang gabi nang hindi ako pinatulog ng isip ko. Napakaraming tanong, napakaraming pangamba, napakaraming hindi kasiguraduhan. Napapikit na lang ako nang mariin dahil nagsisimula nang sumakit ang ulo ko kasabay ng pagsikip ng aking dibdib.Patay na ang ilaw sa buong bahay nila Adara. Binigay nila sa akin ang isang silid para tulugan ko habang magkasama naman ang dalawa sa kabila.Tanging malamlam na ilaw ng lampara lamang ang siyang nagliliwanag sa silid. Dahil sa mga maliliit na siwang mula sa pader ng bahay, nakakatakas ang hamog na mula sa labas dahilan para mas balutin ko ang saili ng kumot.Tumagilid ako. Iniisip ko kung anong maaring kalagayan nila ni Thaft sa Tierra Cota. Ano kayang ginagawa nia ngayo

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 23

    ♣♣♣ Matapos ang usapan namin sa opisina ng chief, si Adara ulit ang naging kasama ko. Dinala niya ako kung nasaan nananatili si Sphere ngunit hindi ko siya nakita dahil pinagbawalan kaming bumisita. Hindi pa raw kasi siya nagkakaroon ng malay hanggang ngayon dahil sa rami ng dugong nabawas sa katawan niya. Natapos ang araw, sinabi ni Adara na pansamantala muna akong mananatili sa bahay niya. Wala kasi masyadong mga gamit sa ospital nila. Maliit lang ang bahay ni Adara. May dalawang palapag ito ngunit dalawa o tatlong tao lang siguro ang pwedeng tumira. Ngunit maayos na ito kaysa sa wala. Nagulat ako pagpasok namin sa loob nang si Pietro ang sumalubong sa akin. Hindi na ito nakasuot ng kaniyang uniporme. Sa halip, nakasuot siya ng kulay asul na t-shirt at isang pambahay na pantalon. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang pot holder na nakakabit sa kaniyang kamay, nagsasaad na may niluluto ito sa kusina.

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 22

    ♣♣♣ Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay ng kanilang pinuno, ipinaliwanag sa akin ni Adara ang lahat ng dapat kong malaman. Sinabi niya na kabilang sila sa isang organisasyon sa tumutugis sa mga halimaw na makikita sa kakahuyan. Isang organisasyon na hindi sakop ng gobyerno na nagtatago sa pangalang White Drifts. Ang organisasyon na ito at sumumpang tumugis sa mga nilalang na gumagambala sa natural na batas ng kalikasan, at isa na doon ang mga halimaw na sumasakop sa bayan namin. Ayon sa kaniya, marami nang mga alien o mga nilalang na siyang hindi nabibilang dito sa mundong ito ang kanilang nakasalamuha habang nagta-trabaho sa organisasyong. Ngunit, ang mga aliens na nasa amin ay masyadong iba sa mga ito. Natatangi pagkat ang mga ito ay may kakayahang mag-isip na higit pa sa ordinaryong tao. Dahilan para mas mahirapan silang ubusin ang mga ito. Sa kasamaang palad, walang hawak na

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 21

    ♣♣♣Tirik na tirik ang sinag ng araw, tanging huni ng mga salagubang lang ang maririnig mo pati ang lagaslas ng mga dahong unti-unting nahuhulog sa lupa. Ganito ang paligid sa kakahuyan.Bagamat may mga malalagong punong nakapalibot sa amin, hindi ko pa rin mapigilang mapapikit lalo na kung sinisilayan ng sinag ang aking mukha na siyang tumatagos sa magalaw na puno.Uhaw, pagod at bigat ang tanging nararamdaman ko. Nakakasiguro akong malayo na kami mula sa warehouse na pinanggalingan namin ngunit kahit pa man ganoon, hindi pa rin ako makampante.Gewang-gewang na ang lakad ko habang pasan ang walang malay na katawan ng lalaki. Kahit ako nagulat din dahil hindi ko inakalang kaya ko pala itong buhatin ng ganito kalayo.

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 20

    ♧♧♧"Hindi mo pa ba alam? Patay na si July." Nakangisi niyang sagot.Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. Pero agad ko rin kinontrol ang sarili ko. Nagbibiro lang siya, hindi ko dapat siya hayaang paglaruan ang utak ko. Hindi ako sing bobo ng iniisip niya."Hindi mo ako maloloko. Alam kong peke ang July na nakita sa bangin." Hindi tanga si July para magtungo roon. Lalo na kung sa aming tatlo ni Thaft, siya ang mas may alam sa mga pasikot-sikot sa gubat."Nakakagulat na alam mo, June." Sar

  • What Happened To July (Tagalog)   Chapter 19

    ♧♧♧Sigurado na ako ngayon na hindi pumapanig sa akin ang panahon o maging ang swerte. Para bang kamalasan ang lumalapit sa akin o sadyang matigas lang talaga ang ulo ko at ako ang nagdadala sa aking sarili sa kapahamakan. Sana nakinig na lang ako kay Thaft. Sana pinakinggan ko muna siya. Sana inisip ko muna ang gagawin ko kung tama ba dahil halata namang nadala lang ako sa bugso ng damdamin. Masyado lang akong nag-alala, na sa puntong hindi na ako nakapag-isip ng tama.Nagising ako nang bigla akong makaramdam ng malamig na ibinuhos sa aking katawan. Mabilis akong napabangon para tingnan kung anong nangyari. Saka ko nakita ang aking sarili sa loob ng hindi pamilyar na silid. Gawa ito sa semento at wala gaanong gamit ang nasa loob kundi mga gulong lamang. May malaking bintanang gawa sa bakal ang na

DMCA.com Protection Status