“I didn’t say, you can tell everything we do in front of others, Ms. Pineda.” Mariing salita niya upang sermonan ang undpredictable na babaeng kanyang nasa harapan.He did everything she said pero mukhang hindi nakukutento ang isang ito. He even made better adjustments for her to be comfortable but staying with her under one roof was one thing he should think about first.Regardless of whatever Xia thinks, or him, being divorced from Tiffany ay pilit ni Liam na pinipigilan ni Liam na lumalim ang koneksyon nilang dalawa. He didn’t want to mix the business with pleasure kahit pa gaano niya ka-gusto itong gapangin ng gabing iyon ang dalagang nasa harap niya noong sa loob ito ng kanyang opisina.There was no reason for them to like each other or give time to know each other dahil pagkatapos ng siyam na buwan ay babalik muli sa dati ang kanilang buhay. Ito na ang pinakamadaling paraan para mapagbigyan ang kahilingan ni Tiffany.“Ay, sorry. Ikaw naman masyado kang seryoso. “Liam saw her smir
ISANG oras ng nakasampa ang dalawang paa sa coffee table ni Xia habang nilalaro ang telepono sa kanyang mga daliri. Pinaikot-ikot niya ang telepono habang nakatingin sa teleseryeng pinapanood niya sa napakalaking flat screen tv na naroon sa malaking sala na iyon. Tinignan niya ang orasang nakasabit sa itaas lamang ng tv.“Ang boring!” Inip na sabi niya habang nakatuon ang mata sa orasan. Mag-aalas nwebe na ng gabi ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok.Naiwan na naman siyang mag-isa sa malaking unit na iyon. Pakiramdam niya ay nakakulong siya sa isang malawak na hawla kahit pa sinabi naman ni Liam na pwede siyang lumabas.Wala na si Wina ng mga oras na iyon dahil kinakailangan nitong umuwi ng mansion ni Liam upang asikasuhin ang iba raw na papeles na hindi naman niya naiintindihan kung para saan.Nakasimangot siya habang binago ang pwesto upang bumaluktot sa sofa na nagmumukha ng kama sa lapad. Kulay Beige ito at para hindi madumihan ay hindi niya inaapak ang kanyang tsinelas.“Sab
“OH ateng, ito na yung ni-request mo,” Isang maliit na kulay pink na paper bag ang iniabot ni Oka kay Xia habang kumakain sila sa isang coffee shop sa may alabang mall.“Hmmm, Thank you. Kumpleto ito?” Puno pa ang kanyang bibig ng tanungin ang kaibigang si Oka. Nagmadali siyang halungkatin ang laman noon. Isa iyong homemade leche flan na gawa ng ina nito. Mahilig kasi talaga siya matamis na dessert at dahil puro healthy food at halos mga gulay ang pinapakain sa kanya ni Wina ay nagparequest siya ng magdala ang kaibigan upang maiuwi sa condo. “Okay lang ba na lumabas ka Xia?” Narinig niyang bulong ni Aizu sa kanya habang itinuro ng nguso nito ang dalawang naka-kulay itim na mga body guards na nakapwesto sa pinakamalyo sa labas ng coffee shop. “Mukha kang nakatakas sa preso. Bawat galaw mo sumusunod yang mga yan oh.” Pagsimangot pa ni Aizu.“Okay lang yan Nagpaalam ako kay Liam na lalabas ako kasama kayo.” Ngiting sabi niya habang nakatingin pa rin sa paper bag at binibilang ang leche
Marahang umupo si Xia sa harap ng malaking salamin na nakapwesto sa harapan ng kanyang kama. Napakalaki noon at puno ng dim lights upang makita niya ang kanyang bagong paligo na sarili. Sinuklay niya ang kanyang hanggang balikat na buhok habang tinutuyo iyon ng puting twalya kasabay ng pagblower.Mag-alas siyete na ng gabi ng siya ay makauwi sa kanyang tinutuluyan pagkatapos nilang kumain sa isang coffee shop at manood ng sine ng mga kaibigan. Hindi niya magawang imbitahan ang mga kaibigan sa condo upang magsleep over dahil hindi pwede.Tuwing gabi ay naiiwan na lamang siyang mag-isa sa bahay at hindi rin 24-hrs nakabantay ang mga bodyguards ng mga Bieschel sa kanya upang walang makahalata na kahit sino na may tao sa loob ng condo. Secured naman ang lugar kahit pa hindi siya ipabantay nito sa sampung katao. Nasa Magandang management ang unit ng mga pamilyang Bieshel at high security naman.[Braaaaaaag!]Isang malakas na bagsak ng kulog ang nakapagpaigdad sa kanya habang nagb-blower.
“TARANTADO ka, bakit hindi mo sinabi na sa mga Bieschel ito!” IsaNG bulyaw ng lalaki sa harapan ni Xia habang inaaway nito ang isa pang lalaki kasama nito.Parehong mga nakaitim ito at may bonet at takip ang mukha ng mga ito na kulay itim Isang matangkad na lalaki ang siyang halos bumali ng kanyang likod at nagtusok ng patalim sa kanyang leeg. Isa pang maliit at matabang lalaki ang nasa harapan niya ang siya kaninang humawak sa kanyang paa. Ito ang nagagalit sa matangkad na kasamahan.Halos mangilid ang kanyang mga luha habang pinapanood ang mga ito sa pagtatalo. Nakatakip ng panyo ang kanyang bibig na sobrang higpit at ang kanyang mga kamay ang nakaziplock sa kanyang likuran. Sa sobrang higpit noon ay hindi niya na maunat ang kanyang siko. Inupo siya ng mga ito sa mataas ng counter habang naghihina siya sa sakal at pagtusok ng matulis na bagay.Nakita rin niya ang patak ng kanyang dugo dahil nasugatan ang kanyang leeg sa pagtusok nito dahil na rin sa pumapalag siya sa mga ito. Nagpal
“SASAMPAHAN sila ng kasong domestic burglary, Ang isa sa mga magnanakaw ay dating empleyado ng building na ito. Nalaman namin na matagal na nilang minanmanan ang unit ninyo bago isagawa ang plano.” Liam was focused on what was the investigator saying.Halos inabot na sila ng alas-dose ng gabi bago pa matawag na all clear na ang kanyang unit. Xia was asked by the police habang ginagamot ng isang babaeng aide ang sugat nito. Napatingin siya sa gawing sofa sa sala upang tignan ang kalagayan ni Xia.Mukhang hindi pa ito nakaka-recover sa nasaksihan at nakayuko lamang sa isang tabi kasama ang dalawang pulis. It was the first time na nilooban ang kanyang unit at ito rin ang unang kaso na may nanloob sa mahigpit at maayos na pamamahala sa building na ito. Muli niyang ibinalik ang kanyang mata sa kausap na pulis na nag-iimbestiga sa nangyaring panloloob sa kanyang unit.“I want to file an aggravate burglary,” Diretsong pananalita niya sa kausap na pulis. “They tried to hurt a woman with a
“OKAY lang ako-“ Hinigit niya ang sariling kamay upang hindi nito mahalata na nao-overwhelm siya sa ginagawa at pakikitungo nito. “S-salamat at dumating ka, A-akala ko talaga hindi mo sasagutin ang tawag ko.” Saad pa niya.Nakita naman niyang tumikhim lang ito at walang balak na magpaliwanag kung bakit nito sinagot ang kanyang tawag gayong mahigpit nitong binilin na hindi ito sasagot sa kahit anong phone calls na galing sa kanya. Nagpamulsa lamang ito sa kanyang harapan at waring may dumaang anghel sa kanilang harapan.“N-nasaan pala si Mr. Gonzales?” puna niya habang napansin na dalawa na lamang sila sa loob ng unit. Hindi niya nakita kahit kanina ang anino nito. Nakakapagtaka dahil lagi iyon nakabuntot sa binata.“I asked him to drop my luggage at the mansion.” Banggit naman ni Liam.“Ganoon ba?” napakamot siya ng batok ng wala na siyang masabi. “Sorry kung naistorbo kita ha, nabasa ka pa ng ulan papunta rito.” Wala sa sariling sabi niya habang iniisip kung paano nito nakalkula a
“Okay na kaya ito?” nagpaikot-ikot sa harap ng malaking salamin si Xia, upang tignan ang napaka-sexy na damit na kanyang isinuot ng umagang iyon. Napapangiti siya habang tinitignan ang kanyang backless flowy dress na kulay rosas at haba nito ay sa pagitan ng kanyang hita at tuhod.Maiksi man ito ngunit maganda pa rin sapagkat napakaflowy, gawa din ito sa polyester fabric ngunit komportable naman ang panloob dahil may dobleng silk ito na kulay abo. Mukhang summer na summer ang dating ng kanyang damit.Wala naman siyang lakad ngayon ngunit pinili niyang magpaganda sa araw na iyon dahil ito ang unang araw na kasama niya sa unit ang lalaki na si Liam.Natigilan siya na mapagtanto na sobra-sobra ang excitement niya ng dahil narito ang lalaki. Hindi niya dapat ginagawa ito ngunit hindi niya mapigilang magdoll-up dahil ito ang unang araw na makikita niya ang gwapong pagmulat ng kanyang mga mata.“Ano ka ba Xia? Highschool ka ba? Sanay ka naman sa simpleng pambahay at short lang! Bakit ganyan