In preparation for the mini Raffle: kindly follow my Efbi page: Oautkuforever12 upang doon niyo po isesend ang details ng inyong contacts: and adress sa mga mananalo po na 3 lucky readers! stay tune for the mechanics! Follow po muna kayo and like the page. PM me para malaman ko kung sino ang willing sumalit sa mini palaro! Also let me know kung readers kayo na galing sa HGMP BOOK1&2. dahil ibabase natin ang laro sa unang novel ko! Thank you guys!
“SASAMPAHAN sila ng kasong domestic burglary, Ang isa sa mga magnanakaw ay dating empleyado ng building na ito. Nalaman namin na matagal na nilang minanmanan ang unit ninyo bago isagawa ang plano.” Liam was focused on what was the investigator saying.Halos inabot na sila ng alas-dose ng gabi bago pa matawag na all clear na ang kanyang unit. Xia was asked by the police habang ginagamot ng isang babaeng aide ang sugat nito. Napatingin siya sa gawing sofa sa sala upang tignan ang kalagayan ni Xia.Mukhang hindi pa ito nakaka-recover sa nasaksihan at nakayuko lamang sa isang tabi kasama ang dalawang pulis. It was the first time na nilooban ang kanyang unit at ito rin ang unang kaso na may nanloob sa mahigpit at maayos na pamamahala sa building na ito. Muli niyang ibinalik ang kanyang mata sa kausap na pulis na nag-iimbestiga sa nangyaring panloloob sa kanyang unit.“I want to file an aggravate burglary,” Diretsong pananalita niya sa kausap na pulis. “They tried to hurt a woman with a
“OKAY lang ako-“ Hinigit niya ang sariling kamay upang hindi nito mahalata na nao-overwhelm siya sa ginagawa at pakikitungo nito. “S-salamat at dumating ka, A-akala ko talaga hindi mo sasagutin ang tawag ko.” Saad pa niya.Nakita naman niyang tumikhim lang ito at walang balak na magpaliwanag kung bakit nito sinagot ang kanyang tawag gayong mahigpit nitong binilin na hindi ito sasagot sa kahit anong phone calls na galing sa kanya. Nagpamulsa lamang ito sa kanyang harapan at waring may dumaang anghel sa kanilang harapan.“N-nasaan pala si Mr. Gonzales?” puna niya habang napansin na dalawa na lamang sila sa loob ng unit. Hindi niya nakita kahit kanina ang anino nito. Nakakapagtaka dahil lagi iyon nakabuntot sa binata.“I asked him to drop my luggage at the mansion.” Banggit naman ni Liam.“Ganoon ba?” napakamot siya ng batok ng wala na siyang masabi. “Sorry kung naistorbo kita ha, nabasa ka pa ng ulan papunta rito.” Wala sa sariling sabi niya habang iniisip kung paano nito nakalkula a
“Okay na kaya ito?” nagpaikot-ikot sa harap ng malaking salamin si Xia, upang tignan ang napaka-sexy na damit na kanyang isinuot ng umagang iyon. Napapangiti siya habang tinitignan ang kanyang backless flowy dress na kulay rosas at haba nito ay sa pagitan ng kanyang hita at tuhod.Maiksi man ito ngunit maganda pa rin sapagkat napakaflowy, gawa din ito sa polyester fabric ngunit komportable naman ang panloob dahil may dobleng silk ito na kulay abo. Mukhang summer na summer ang dating ng kanyang damit.Wala naman siyang lakad ngayon ngunit pinili niyang magpaganda sa araw na iyon dahil ito ang unang araw na kasama niya sa unit ang lalaki na si Liam.Natigilan siya na mapagtanto na sobra-sobra ang excitement niya ng dahil narito ang lalaki. Hindi niya dapat ginagawa ito ngunit hindi niya mapigilang magdoll-up dahil ito ang unang araw na makikita niya ang gwapong pagmulat ng kanyang mga mata.“Ano ka ba Xia? Highschool ka ba? Sanay ka naman sa simpleng pambahay at short lang! Bakit ganyan
“Eat all of these Xia, These are for your health, no junk food until dinner. ” Narinig niyang bilin sa kanya ni Liam habang mabilis na tumayo sa hapag-kainan matapos siyang saluhan nito sa almusal.“Aalis ka na?” tanong niya na may halong pagtataka kung bakit nagmamadali itong kumain. Halos walang pang limang minuto ng sila ay makaupo sa lamesa. Iniisip niya siguro na baka ilang na ilang na ito sa kanya dahil mukhang halata nito lagi ang kanyang pamumula sa pisngi sa tuwing kaharap.“I’ll just be in my office. If you need anything just tell Wina.” Tila iniiwasan na nitong tumingin sa kanyang mga mata. “Please refrain from knocking on the door, it will be a long day for me.”“Uh-“gusto pa sana niyang magtanong ngunit mukhang nasa masungit mood ito ngayon. Hindi nito pinansin ang sasabihin niya at agad na tumalikod sa kanya.“Wina, don’t let Xia knock on my door.” Utos pa nito kay Wina na nakatayo lamang sa isang tabi. Tumango ang secretary habang iniabot ang isang bind ng pressed board.
“THIS is the first time, I saw him na nakipag-interact outside the business world, and it’s all because of you Xia. Nakukuha mo ang kanyang loob.” Paliwanag naman ni Wina sa kanya. Sa unang pagkakataon ay ngayon nlang niya iton akausap sa mga bagay-bagay.“Nakukuha? Nakita mo nga bigla akong sinungitan, Para daily dose na niya ang maging masugit. Akala ko naman magkaibigan na kami-“ Pagmamaktol niya habang nilalagok ang malamig at ma-yelong orange juice.“Maybe he is just overwhelmed with your presence. “Nakita niya ang pag-ngiti ni Wna sa kanya na waring natatawa sa kanyang mga pagmamaktol. “He’s not familiar with some mixed emotions that you are feeding to him. Kaya nagugulahan siya.”“Ha? Overwhelmed? “Takang-tanong niya rito. Ang labis na pinagtataka niya ay kung bakit ito pa ang na-ooverwhelm? Ang dapat na ma-overwhelm siguro ngayon ay siya. Dahil kaunti na lang ay mahuhulog na ang kanyang loob sa lalaking may asawa!“Yes, Sir Liam and Ms. Tiffany don’t act and talk like the way y
(R+18)“It’s possible to get pregnant outside your fertility schedule….” Halos paulit-ulit nagbasa Xia sa kanyang phone at maghanap ng iba pang website nang susupporta sa mga pahayag ni Tiffany.Halos buong maghapon na siyang nagkulong sa kwarto pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nila ni Tiffany sa telepono. Ang kanyang puso ay halo-halo na ang nararamdaman. Mas malakas ang pakiramdam ang kaba dahil minamadali siya nitong gawin ang dapat na kanyang tina-trabaho kahit pa alam nitong may pinirmahan siya kontrata. At isang pakiramdam na namamahay sa kanyang damdamin ay ang excitement.Oo, excitement dahil ito ang unang pagkakataon na gagawa siya ng unang hakbang upang ma-ikama ang isang lalaki. Hindi lang basta lalaki kung hindi si Liam, ay isa sa pinakatanyag na batang negosyante ng bansang ito. Hindi rin niya alam kung bakit nanaig rin ang pakiramdam na iyon gayong alam naman niyangnapaka-imposible ng kanyang gagawin. Mas lalo niyang iniisip kung paano ang gagawing plano sa paraang h
(R+18)NARARAMDAMAN ni Xia ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit sa kinaroroonan ng lalaking nagpapahinga satabi ng pool. Isang libo’t isang kaba ang kanyang naipon bago niya mapagdesisyunan na gawin ang kanyang binabalak.Habang nakatanaw sa loob ng unit ng lalaki ay pinanood niya muna ang pagpapabalik-balik na paglangoy nito habang hindi nito napapansin ang kanyang pagbaba malapit sa kinaroroonan nito. Dala-dala niya ang isang wine glass na may lamang red wine upang ibigay sa binatang naabutang nakadapa sa isang long sunbed. Xia‘s throat suddenly became dry as she carefully approaching the antipathetic yet a princely guy.“Liam,” Marahang tawag niya sa pangalan nito ng makarating sa paanan ng sunbed kung saan tahimik itong nakahiga. Nakita niya ang pag-galaw ng ulo nito ngunit mukhang wala itong balak na lingunin siya.“G-galit ka pa rin?” Halos hindi na naman siya nagisip sa pagbitaw ng salita dahil ang unang niyang inisip ay ang damdamin nito para sa kanya. Ayaw niyang mag
NAKAHANDA na si Xia sa pagdaupang-palad ni Liam sa kanyang mayayamang dibdib ngunit tanging lamig ng hangin at galing sa basa nitong katawan ang kanyang nararamdaman. Ang mariing pagkakapikit ng kanyang mata ay marahan niyang iminulat upang siilipin kung bakit hindi pa ito nagsisimula.Xia opened her eyes and met his gaze on her face with a smirk on his lips. Hindi niya mapigilang pamakunot-noo sa ngiti nitong mukhang niloloko siya.“Ha-ha.” Bigla itong napatawa ng mahina habang nailing sa kanyang harapan. Liam’s chuckle in humor made her very insulted. “You should have looked at your face Xia. It’s funny.”“A-Anong nakakatawa?” Naramdaman niya ang papataas na pag-arko ng kanyang kilay dahil sa insulting naramdaman sa kaharap na lalaki na pigil na pigil ang pagtawa.“You,” wala namang patumpik-tumpik na sagot nito sa kanya na mas lalo niyang ikinainis. Hindi niya tuloy malaman kung bibigwasan niya ito dahil pinaasa siya o hahatakin na lang ulit upang matuloy na ang inaabangang pagnini
“Maganda ba?” Itinaas pareho ni Xia ang dalawang bracelets na kanina pa niya tinitignan sa isang sulok ng section ng department mall kung saan kasama niya sina Oka at Aizu. Maaga niya kasi itong niyaya upang makipagkita sa kanya kahit magmiryende lang sila sa labas dahil nga may mga trabaho ang mga ito.Gusto rin niya pakiusapan si Aizu na ipasok sana siya nito muli sa trabaho ngunit bago sila nakapag-usap ay nagpasya muna silang maglakad-lakad.“Ano naman yan?” Nagtaas-kilay naman si Oka habang masuring tinititigan ang pinapakita niyang bracelet.“Couple Bracelets” Ngiting tagumpay niya habang naiimagine na kung para kanino ang gift na iyon. “Tignan mo!” Nagmamadali niyang kinuha ang isang kamay ni Oka upang ikabit ang isang silver chained magnetic pendant na nasa kanyang kabilang kamay. “It’s a magnetic pendant po and with a button po. These are also called distance Bracelet po. Kapag magkasama po kayo ng partner ninyo nabubuo po ang hearts na pendant.”Mabilis rin niyang sinuot ang
[RING! RING! RING!]Halos hindi maimulat ni Xia ang kanyang mga mata ngunit dahil sa tuloy-tuloy na tunog ng kanyang telepono ay napabalikwas siya upang kunin iyon sa kanyang maliit na lamesita sa tabi ng kanyang kama.Ala-sais pa lang ng umaga at hindi pa ras para gumising siya. Sa totoo lang ay napuyat siya kagabi dahil halos hanggan alas tres yata sila magkausap sa text ni Liam.Nag-enjoy siyang kausap ito kahit text lang iyon. Liam showed her how Liam was different now. They just talked about theirselves. Mga paborito at hindi paborito ng isa’t isa. Sa sobrang dami ay natulog siyang may ngiti sa mga labi dahil napakadaldal nito sa texts.“Si Liam?” Napabalikwas si Xia ng pagbangon sa kama ng makita ang ID caller ng tumatawag. “L”. Agad niyang hinawakan ang lalamunin at bahagyang umubo ng kaunti upang ayusin ang boses bago sinagot ang tumatawag.[“H-Hello?” -Xia.][“Good morning, Princess.” – Liam.]Napapikit siya na may halong kilig na nararamdaman dahil sa ganda ng boses nito ay t
“Naiintindihan mo na ba Ma?” Tanong niyang muli sa kanyang ina pagkatapos ng mahaba-habang paliwanagan. Maging si Liam ay pinilit na padaliin ang sitwasyon na kinasasadlakan nito ng mabuti. Masusi nitong inungkat ang tungkol lamang sa kwestiyon ng kanyang ina.“Ibig mong sabihin, binata ka? Pero sa papel hindi?” Muling tanong ng kanyang ina kay Liam.“We are already divorced in the other country and we didn’t register our marriage here in the Philippines, so by law, I am still unmarried. ““Nagsasama lang kayo dahil sa sakit ng asawa mo-este ng ex-wife mo? ““Uhm.” Napalingon siya ng mapatigil ito sa pagsagot sa kanyang ina. May point ang tanong ng kanyang ina. Dalawang taon ang pagsasama nil ani Tiffany at hindi naman ito kaagad na diagnose na may sakit ang pagkakaalam niya.“No, ma’am. It isn’t very easy. It’s a family matter. Our clan has this tradition that we have to marry into another wealthy family to extend our wealth- ““Alam mo naman palang may kumplikasyon pero bakit kailan
“You don’t want me to go inside your house?” Tanong ni Liam kay Xia na may pag-aalinlangan sa boses nito ng ihinto nito sa harap ng kanilang townhouse ang sasakyan nito. Halos matagal-tagal rin ang inilagi at paglalandian nila sa loob ng condo nito bago ito nagpasyang i-uwi siya sa kanila.Mahigpit niyang ibinilin nito na simula sa araw na ito ay hindi na siya titira pang muli sa mga Bieschel. Nirespeto naman iyon ni Liam at niyaya siyang ihatid sa kanilang bahay. Magtatakip-silim na rin naman ng makarating sila sa kanilang barangay.Ang sabi nito ay pwede siya nitong ihatid hanggang sa loob ng kanilang bahay ngunit tinutulan niya iyon. Nang dahil sa umaapaw ang kanyang nararamdaman ngayon lalo na at kasama niya ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ay doon naman nagsimula ang pakiramdam ng pagka-asiwa.“Bakit mo pa ako ihahatid sa loob?B-baka may makakita sayo dito?”“So?’“Anong so? Gusto mong ma-headline ka?” Taas-kilay na sabi niya. Iginiya niya ng mariin ang paligid ng kanilan
Umaapaw ang nararamdamang kaligayahan sa puso ni Xia. Ang pag-amin nito na mahal na siya ng binata ay sapat na para sa kanya. Ang pag-amin nito na wala na itong asawa ay siya ring ikanatuwa niya ngunit lungkot at mabigat na responsibilidan ang pinataw nito sa kanya.“Liam,” Iiniwas niya ang sarili niyang mga labi at bahagya muli itong itinulak upang hindi siya nito mahagkan sa mga labi. “Hindi ko alam ang i-rereact ko…” Gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil umaarte siya. Kung siya ang tatanungin ay kaya niyang ipagkaloob ang kanyang sarili ngunit samu’t saring senaryo ang biglaang pumaosk sa kanyang isipan.Hindi naman porket umamin ang binata sa kanya ay kaya niyang gsunggaban ang oportunidad na iyon. Mas lalong lumaki ang kanyang problema gayong Malaya silang magmahalan ngunit hindi maitatangging malayo ang kanilang mga mundo. Langit ito at lupa siya.“Hindi sa nagiinarte ako pero ayokong isipin mo na pera ang habol ko sayo. Ayokong madaliin ang magiging relasyon natin ng
“A-Anong ginagawa mo dito?” Pagkabukas pa lang ni Xia ng kanilang gate sa labas ng kanilang townhouse ay bumungad na agad ang matipunong pangangatawan ang mala-anghel na mukha ni Liam. Mas kuminang yata ang itsura nito sa kanyang paningin.Nakasandal lamang ito sa may hood ng magara nitong benz. Ang kasuotan nito ay napakasimpleng polo sleeves na off-white ang kulay na nakahapit pataas sa mga braso nito kung kaya kitang-kita mo na mas maputi pa angmga braso nito kaysa kanya.Ang malamlam nitong pagtitig sa kanya ay mas lalong nakakaba ng kanyang dibdib dahil kita mo sa ga mat anito ang sinseridad ng pagpunta nito sa harapan ng kanilang bahay.Luminga pa siya sa looban ng driver’s seat nito upang hanapin ang driver nitong si Mr. Gonzales ngunit wala siyang maaninag na tao sa harapan ng kotse nito.“I came here, hoping we can talk. Xia.” Muli nitong kinuha ang ang kanyang atensyon sa pagsasalita at lumapit sa kanyang harapan.“Mag-isa mo?” Tanong niya rito na may halong pagkunot-noo dahi
Papungas-pungas pa ang mga mata ni Xia habang kinukuyumos ang mga mata pababa ng hagdan. Napasobra yata ang kanyang tulog dahil sa tindi ng sakit ng ulo na naradaman pagkatapos ng mahabang paghagulgol.“X-Xia.”Napalingon siya sa kanilang hapagkainan ng marinig niyang tawagin siya ng kanyang ina. Nakatayo lamang ito sa tabi nang nakaupo ng nobyo nitong si Briggs na matamang nakatingin rin sa kanya habang hinihigop ang mainit na kape. Siya na lamang ang naunang mag-iwas ng tingin bago pa man magkaroon na pangalawang komusyon pa. Diniretso niya ang kanilang sofa upang tignan kung naroon pa ang mga bags ng dalawang kapatid. Mukhang pumasok nga ang mga ito at hindi naman nagulob ang pag-aara l ng dahil sa nangyaring problema. “Alis na ako,” Narinig niynang nagsalita si Briggs at ang gaslaw ng silya nitong inuupuan na parang nagmamadali sa pagkilos.“Sige.” Sagot naman ng ina. Umikot na lamang ang kanyang paningin habang walang lingong umupo sa kanilang sofa. Nakiramdam laman siya sa ma
“Aries, Arrietta, Ma, Halika na!” Mula sa malayo ay tanaw-tanaw na ni Xia ang kanyang mga kapatid na nag-eenjoy pa lamang sa dessert na nakahain sa mesa. Habang nagku-kwentuhan na si Tiffany at ang kanyang ina.“Tumayo na kayo dyan.” Pinatigas niya ang sariling panga upang hindi mahalata ng mga nakababatang kapatid na galing siya sap ag-iyak. Tumayo naman si Tiffany at maagap na lumapit sa kanya.“Xia, Are you okay? What happened?” Takang -tanong nito sa kanyang habang hinapit nito ng marahan ang kanyang siko. Kaagad niya itong binaw at iniwasan ang pagtingin rin sa mga mata nito. “Pwede bang i-uwi ko na ang mga bata? “ Pigil at garagal ang boses niya habang ipinapaalam ang mga kapatid.“Ate, bakit ka umiiyak?” Puna naman ni Arry habang nakayakap sa kanyang bewang Na warin gusto siyang i-comfort. Mariin siyang umiling at hinawakan sa isang pulso si Arry at sa kabila naman ay si Aries.“Uwi na tayo.” Maiksing pagyakag niya sa mga ito.“Huy, Anong uuwi? Sasama ka sa amin?” sagot pa ng
"Hmmm? You didn't even flinch, my Xia." Maangas na pagmamalaki pa ng lalaking nagnakaw ng halik kay Xia. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi man lang niya nagawang maitulak ito kaagad. Unang-una sa lahat ay nilason ng kanyang isipan ang sandaling pagpapakita nito sa kanilang harapan ni Liam. Pangalawa, hindi niya akalaing sa liit ng mundo ng mga mayayamang ito ay magkikita pa sila ng lalaking ito. Si Lorenzo Lopez, Ang unang lalaki sa kanyang buhay at ang unang bumigo at dumurog noon. Sa tindi ng galit niya noon para dito ay himalang nawala iyon at nilimot na ng panahon dahil sa wala nang laman ang kanyang isip kung hindi si Liam Bieschel. Kung iisipin mo, sino nga ba talaga ang nauna sa puso niya? si Liam o si Enzo? Si Liam ang una niyang nakilala at hiningaan ng ilang taon. Nang makaharap niyang muli si Enzo ay tila walang kahit anong bahid ng galit o inis ang kanyang nararamdaman. Kung titignan niya ito sa kabuuan ay hindi na siya apektado sa lakas ng dating nito. Hindi na rin