Share

Chapter 2 #TheReturn

Author: Lovemarian
last update Huling Na-update: 2022-07-18 18:13:37

"Hi lolo.” Patakbo kong tinungo si lolo ng makapasok ako sa mansion niya. Kasalukuyan siyang pinapainom ng gamot ng nurse niya. 

Kapag si lolo ang kaharap ko iba ang nakikitang expression sa mukha ko. Ayaw ko ng nakikita niya akong maangas.

“Apo,” masiglang baling niya sa akin saka tumayo at binuka ang magkabilang braso para salubungin ako ng yakap.

Simula ng gabing iyon, si Lolo Lorence na ang nag alaga sa akin. Daddy siya ni Mommy, simula ng maulila ako sa magulang at para sa kaligtasan ko dinala niya ako dito sa Japan at dito na ako nagkaisip. 

Siya rin ang nagdala sa akin sa specialist para ipatingin ako dahil sa trauma na dinanas ko matapos akong mailabas sa ospital at makaligtas sa bingit ng kamatayan. Pero naging walang silbi ang lahat ng iyon dahil hanggang ngayon presko pa rin sa ala-ala ko ang senaryong iyon. Walang sinumang specialists ang pagbabalabas sa akin sa madilim kong kahapon.

 Hindi rin nito alam ang tungkol sa isa kong trabaho as hired killer. 

Nasa edad na 60 na si lolo Lorence, sakitin na rin ito kaya hindi puwedeng wala siyang personal nurse.

“How are you po?” Nakangiti kong tanong matapos kumalas sa kanya.

“Gano'n pa rin tumatanda na ang lolo mo,” natatawa niyang sabi. 

Ngumiti ako saka niyakap siya ulit. Hindi ako makapag-isip ng maayos kung paano ko sasabihin na uuwi ako sa pilipinas. Pero kailangan niyang malaman para hindi niya ako hanapin.

“Halika, Lo, maupo tayo.” Inakay ko siya sa bakante at mahabang sofa. 

Tinanguan ko ang nurse niya na agad namang na gets nito dahil iniwan na niya kami.

“Apo, dito ka mananghalian huh, magpapaluto ako ng mga paborito mo,” nakangiti pa ring saad nito. 

Minsan lang ako dumadalaw rito, kaya kapag dumalaw ako lage siyang naghahanda at niluluto ang mga paborito ko.

Napangiti ako ng tipid. Ayaw ko sanang biguin si Lolo pero kailangan ko ng umalis ngayon.

“Lo, babalik ako ng pinas.” Nakayuko kung saad rito. 

Nagtaas ako ng mukha ng wala akong marinig na tugon. Napalunok ako ng makita ko kung paano nawala ang kanina’y masiglang ngiti nito. 

“Bakit, kailangan mo pang bumalik?” Seryoso na ang mukha nito. Ramdam ko ang dismaya sa boses nito.

“I-it’s for business lang, Lolo.” Pinilit kung ngumiti para maniwala siyang para sa negosyo lang talaga ang pupuntahan ko.

“Negosyo lang ba talaga, Brianna?” 

Napatitig ako ng marahas sa lolo ko ng banggitin niya ang pangalang matagal ko ng nilibing. Ayaw na ayaw ko ng maalala ang batang iyon, ang batang walang silbi at walang nagawa parq iligtas ang pamilya.

“Alexandra Lolo, hindi ako si Brianna.” Pinilit akong huminahon, pero hindi ko pa rin maitago ang bumangong galit sa puso ko.

“Paghihiganti ang pakay mo sa pagbabalik mo sa Pilipinas hindi ba?” tanong nito na noo’y hindi na tumingin sa akin. Bagkos ay tumingin ito sa kawalan.

Hindi ako nagsalita, kailangan kong huminahon dahil sa oras na hayaan kung pakawalan ang pasensya ko baka anong masabi ko. Madali lang kasi mag-init ang ulo ko lalo na kung ang nakaraan ko ang pag-uusapan.

“Apo, please let’s forget about everything.” Sa pagkakataong iyon ay tumingin siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso.

Sinalubong ko ang mga matang nag-aalala ni lolo.

Umiling ako. ”How? How can I forget everything, when I remember those things day by day? One by one? Paano ko makakalimutan ang isang pangyayari kung gabi-gabi akong binabangungut. Paano ko makakalimutan ang isang alaala na kung nakadugtong na ito sa pagkatao ko?” wala sa sariling wika ko. I gritted my teeth because of anger.

“Hayaan mong ang diyos ang magparusa apo.” Mula sa pagkakahawak ng kaliwang braso nito sa balikat ko ay lumipat ito sa ulo ko at hinaplos ang buhok ko.

Hindi ko mapigilan ang pagsilip ng luha ko sa bintana ng aking mga mata. Alam ni lolo ang plano kong paghihiganti dahil noon pa man bukang bibig ko na ito. Pinangako ko na ito, sa harap ng libingan ng magulang ko, sa harap ni lolo at sa harap ng dios.

“Ang tagal magparusa ng dios Lo, 15 years had past until now, ngumingiti pa rin ang demonyong Bernardo na 'yon! Kaya uunahan ko na ang dios, Lo.” Nakakuyom ang kamay kong tumayo. Nanginginig ako sa tuwing naalala ko ang nakangiting mukha ng demonyong iyon, no’ng gabing walang awang pinatay niya ang mga mahal ko sa mismong harapan ko.

Kinagat ko ang ibaba kong labi para mapigilan ang nagbabadya kong luha.

“Apo, Brianna…” 

“Stop calling me Brianna, she’s already dead.” Malamig kung tugon saka tumalikod.

Hahakbang na sana ako ng maramdaman ko ang kamay na nakahawak sa pulsuhan ko. Napapikit ako ng mariin.

“Just stay here," mahinang saad ni lolo sapat para marinig ko.

“Kung may mangyari mang masama sa akin, ngayon pa lang sa pag-alis ko tanggapin niyo na," matigas kong sabi.

Narinig ko ang malakas na buntonghininga ni lolo. Walang sino man ang makakapigil sa paniningil ko. Ang utang ay utang. Pagsisisihan nilang hindi sinigurado ang kamatayan ko.

“Watashi w* ikanakereba naranai, sofu (I have to go),” saad ko saka hinarap ang matanda at hinalikan sa noo. Naramdaman ko rin ang pagluw*ng ng pagkakahaw*k nito sa pulsuhan ko kaya tuluyan na akong lumayo.

Nakailang hakbang na ako ng lingunin ko si Lolo. Nanatili lang itong nakatitig sa akin at nakita ko ang paglandas ng luha nito.

“I’m sorry Lo, pero hindi niyo po ako mapipigilan. I already promised myself. Noon pa no’ng gabi ring iyon.” Bulong ng isip ko. Hindi na ako nag abala pang ibulalas iyon. 

Tumalikod na ako dala ang puot at galit sa puso ko na dala-dala ko sa nakalipas na labing-limang taon.

***

“Report everything to me, Enrique,” sabi ko sa secretary ko ng magkita kami.

Mabilis ang mga hakbang namin habang patungo sa kinaroroonan ng private plane na sasakyan namin papuntang Pilipinas.

“Everything is under control, Señorita. Nakaayon lahat sa plano. Bukas na bukas rin may schedule po kayong meeting with Mr Lim,” sagot ng secretary ko.

Lihim akong napangiti. Sa loob ng tatlong taon ay nakuha ko na ang tiwala ni Bernardo Lim, 3 years had past ng manganib na bumagsak ang isang kompanya nito. At doon na ako pumasok sa eksena. I am the biggest shareholder ng kompanya nito, ang BL Empire. Dahil sa akin at sa pera ko pati sa connection ko umangat ulit ito. Kaya nga ngayon ay ito na mismo ang nag-request na makita ako. Si Enrique pa lang kasi ang nakita nila as my representative and spokesperson everytime na kailangan ang presensya ko o hanapin ako ng mga board member para sa mga opinion ko. But now gigil na gigil na si Bernardo na makita ako.

“Good job, Enrique. Nakakatawang isipin na ang palay na ang lumalapit sa manok.” 

Sinimulan na naming akyatin ang hagdan papasok sa private plane na pag-aari ko.

“Umaayon ang tadhana sa atin, Alexandra,” anito na may makahulugang ngiti sa labi. 

Nang makapasok na kami sa loob ay umupo na kami sa upuan sa harap ng mesa. Si Enrique naman ay sa harapan ko naka-upo.

Si Enrique ay hindi ko lang basta basta na secretary dahil kaibigan ko rin ito. For almost 10 years, mas matanda ito sa akin ng tatlong taon. Nang malaman ko ang kwento niya ay hindi na rin ako nagdalawang isip na e kwento sa kanya ang pinagdaanan ko. Kagaya ko ay may galit rin ito kay Bernardo dahil sa pagpapahirap nito sa kaniyang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit napadpad sa Japan si Enrique upang makipagsapalaran. 

Anito sa kwento niya giniba ng mga tauhan ni Bernardo ang kanilang maliit na restaurant na siyang pinagkukunan nila ng araw-araw na pangangailangan ngunit dahil sa kasakiman ni Bernardo ay nawala iyon sa kanila. Hinaras sila ng mga tauhan ng huli dahil ayaw nilang ibinta ang area na iyon. Para sana sa ipapatayo nitong five-star hotel, pero dahil pinaglaban nila Enrique ang karapatan nila kaya sa marahas na paraan inagaw ni Bernardo iyon. Dahilan ng pagkakasakit ng nanay niya at pagkamatay nito. Wala na itong ama tanging ina at nakababatang kapatid na lang nito ang natitirang pamilya ngunit binawi rin sa kanila ang ina niya.

 Ngayon ay ang kapatid na lang niya ang natira na ngayon ay maginhawa na ang buhay dahil sa tulong ni Enrique. Nasa Japan rin ang kapatid nito. At ngayon nga ay kagaya ko nais ring gumanti ni Enrique kaya ng malaman nito ang plano ko ay ito ang ang naging katuwang ko hanggang ngayon. Hindi lang rin ito simpleng tao dahil mamamatay tao rin ito. Mafia boss ng Japan ginawa siyang sidekick pero pinagtaksilan niya ito at pinatay dahil rin sa pang-aabuso nito sa kanya na hindi niya nakayanan. Limang taon ang lumipas nang ipasok ko siya sa companya ko, bilang secretary ko magpahanggang ngayon. Kasama siya sa mga plano kong pabagsakin si Bernardo Lim at iparanas rito ang paghihirap na dinanas namin sa kasakiman ito.

Kaugnay na kabanata

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    chapter 3 #Present

    Kararating ko lang ng pilipinas at pasado alas 7 na ng gabi, agad akong puwesto kung saan inihanda ni Enrique ang kagamitan sa isang hotel room kung nasaan ako ngayon. Kaharap lang nito ang building ng company ni Bernardo na may ilang ektarya ang layo, wala na akong inaksaya pang oras dahil hindi rin naman ako nakaramdam ng pagod, masyado akong excited sa paghihiganti ko. Nakaharap ako sa bintana kung saan makikita ko ng mabuti ang building nito. Gamit ang binocular ay nakikita ko ang papalabas na pigura ni Bernardo Lim mula sa building ng company nito. Wall glasses ang building na iyon kaya nakikita ko ito. Nasa 30th floor ako ng hotel room na, madilim ang kwarto sinadya kong 'wag buksan ang ilaw para makubli ako ng dilim. Nang tuluyan na siyang lumabas ay nakita ko ng mabuti ang pigura nito. Bakas ang katandaan sa mukha nito. Namumuti na rin ang buhok at may kulubot na sa mukha. Pero matikas pa rin ang tindig nito. Gaya ng dati ay may dala pa rin itong malaking rolyo ng tabacco

    Huling Na-update : 2022-07-19
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 4 #pagkikita

    BUMABA ako mula sa mamahaling sasakyan na minamaneho ni Enrique. Pagkababa ko ay bumaba na rin ito. Tinanggal ko ang black shades mula sa mata ko. Nandito ako ngayon sa harap ng BL empire, napangiti ako, the long wait is over. May lumapit sa aming isang matangkad na lalaki na naka black suit yumuko ito sa amin."Magandang umaga po ma'am," aniya na nakayuko pa rin."Goodmorning," nakangiti kung sabi. I am so very happy today, because this is the start.Sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang pag-abot ni Enrique ng susi ng sasakyan sa taong bumati sa amin. "Let's go?" nakangiting saad niya. Tumango lang ako at naglakad na. Bahagya pang lumipad ang mahaba kong buhok kasabay ng paghakbang ko ng umihip ang sariwang hangin. Pagkapasok namin sa loob ng building ay binati na agad nila si Enrique at ng mapansin ako ay bumati na rin sila sa akin. Lahat ng nadadaanan naming staff binabati kami. Marami ring mga matang nakatitig sa amin, may mga nagbubulong-bulungan. "She's perfectly beautiful.

    Huling Na-update : 2022-08-07
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 5: #lifesaver

    HINDI ko maiwasan ang titigan ito dahil animo hinihila ako ng mga titig niya. Nakipagsukatan na rin ako ng titig sa malamig ring paraan. Doon lang naalis ang pagkakatitig ko sa kan'ya at pagkakatitig niya sa akin ng marinig kong tumikhim si Mr. Lim."Tamang tama ang dating mo son. Come here." Son? May anak siyang lalaki? I was thought, puro babae ang anak niya. Where this man came from? When I was a kid, nakilala ko ang mga anak niya na halos kaedaran ko lang. He has a 3 daughters, pero hindi ko alam na may anak pa siyang lalaki na sa tantiya ko ay nasa kan'yang med 30's na. Naglakad ito palapit sa ama. "By the way, Ms Lewis, I want you to meet my son Raden Lim." Pakilala nito. Kaya napatayo ako at nagbow rito. Nasanay na ako sa culture ng Japan. "And son, she is Miss Alexandra Lewis, ang sinasabi ko sayong malaking investor natin." Nauna akong naglahad ng kamay ng makalapit ito na tinitigan lang nito. Napataas ako ng isang kilay dahil sa attitude nito. Ibababa ko na sana an

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 6 #pagbagsakngSempire

    HINDI na kami natuloy sa planong pagpunta sa S Building dahil sa insidenteng nangyari. Bumalik na lang kami sa opisina ni Bernardo. Panay pa ang pasalamat nito dahil sa pagliligtas ko sa buhay niya. Hindi na rin nito nabanggit kung sino ang mga iyon. Puro pasalamat at paghingi ng pasensya lang ang bukang bibig nito sa akin. Blessing in disguise rin ang nangyari, dahil for the second time mas lalo lang lalaki ang tiwala nito sa akin dahil hero na ang tingin nito sa akin ngayon. Nagdesisyon na akong umuwi dahil gusto kong mag shower. Nakasanayan ko ng pagtapos magbakbakan ay nagshoshower ako para lumamig ang ulo ko kahit na sisiw lang naman ang nangyari. Papasok na ako ng elevator ng maabutan ako ni Raden at sumakay na rin ito. Pagsara na pagsara ng pintuan ng elevator ay hinarap ako nito kaya hinarap ko rin siya. Nakikita ko ang marahas na titig nito sa akin na hindi ko sinukuan. Tinaasan ko pa siya ng isang kilay."What?" Nakataas ang isang kilay ko na tanong rito."Who are you?" Ma

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 7

    "Hi beautiful evening for this beautiful señorita beside me." Napalingon ako sa may-ari ng baritunong boses na umupo sa tabi ng stool na inuupan ko. Naramdaman ko ang paninitig nito sa akin, kaya lumingon ako. Malaki ang katawan nito panot ang ulo. Balbas sarado ang mukha. Inirapan ko ito saka bumalik ang pansin ko sa iniinom ko. Dinampot ko ang pulutan na hindi ko alam ang pangalan saka hinatid sa bibig ko. "You look alone. Mind if I join you." Patuloy nito na hindi ko pinansin. Napakagat labi ako ng mariin ng humaplos ang malaki nitong kamay sa likod ko. Ramdam ko iyon dahil backless ang sout kong itim na dress na hanggang talampakan ang haba. Sleeveless rin iyon. Naramdaman ko rin ang kamay niyang gumapang sa balikat ko. Ininom ko ang laman ng isang shot glass na inisang lagok ko lang. Saka bumaling sa kan'ya. At mabilis ang ginawa kong kilos ng hawakan ko ang kamay niya mula sa balikat ko mabilis ko iyong inikot na parang pilipit. Saka sinampal ng malaya kong kama

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 8 #CallofJob

    NASA opisina ako ng mga sandaling ito -nasa condo ko lang ang opisina ko. Inaaral ko ang mga nakatambak na documents na galing pa ng japan para personal kong mapirmahan at mapag-aralan. Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa tungkol sa documents ng biglang may narinig akong tatlong katok."Pasok," sabi ko saka muling binaling ang tingin ko sa mga papeles. Alam ko namang si Enrique iyon dahil siya lang naman ang katuwang ko sa trabaho at kakilala ko rito. Napasinghap ako ng muling mabaling ang tingin ko sa pinto habang papasok siya sa opisina ko, pasan-pasan ang maraming papel na halos hindi na makita ang mukha nito dahil natatabunan na. What the fuck! Kanina pa akong umaga dito anong oras na, gabi na hindi pa ako matapos tapos dito sa mga papel na 'to. May dumagdag na naman?Lumalim ang gitla ng noo ko ng pabagsak na nilagay ni Enrique sa ibabaw ng executive table ko ang mga makakapal na papel."What is this shit , Enrique?!" Hindi ko mapigilang mapabulalas ng mura."Mga pipirmahan mo

    Huling Na-update : 2022-08-15
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 9 #TakeBackTheSempire

    Enrique POV"Siguraduhin mo na masusunod mo ang lahat ng itinuro ko, huh." Bilin ko sa babaeng nakuha ko upang magpanggap na siyang tutubos sa S company building.Nakita ko siyang tumango.Nahirapan akong maghanap ng babaeng magpi-fit sa role na gagawin, ang role bilang si Brianna Smith. Mahirap maghanap ng sophisticated, makinis, may fierce look at talagang mayaman tingnan kapag nabihisan na babae na p'wedeng bayaran. Umabot pa ako ng ilang araw para makahanap. Buti na lang may nakita akong babae sa park na nakikipag malditahan sa mga bakla na hindi ko na rin inalam kung bakit. Nang ipakita ko ang 200 thousand cash sa kan'ya ay mabilis siyang umu-oo kapalit ng pagpapanggap niya at habang buhay na pananahimik. Magaling rin ito sa englishan kaya nagkasundo kami. Ang hindi ko lang bet ay ang kaartehan nito na pang world class akala mo naman kung sinong slapsoil, pero kere na rin 'to kaysa masira pa ang beauty ko kakahanap.Sa mga sandaling ito ay binabaybay pa namin ang daan pa

    Huling Na-update : 2022-08-15
  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 10 #invitation

    Alexandra Pov"Brianna Smith," bulong ko sa hangin saka isang malademonyong halakhak ang lumabas sa bibig ko."Parang hindi ka makamove-on sa nangyari kanina ah," sabi ni Enrique saka nagsalin ng wine sa sariling wine glass."Of course, naku Enrique kung nando'n ka lang for sure, matatawa ka. Makikita mo kung paano halos mawalan ng dugo ang mukha si Mr. Lim dahil sa putla ng marahil sabihin ni Mr. Sandoval kung sino ang tumubos ng building niya. And take note, nag-animo gulaman sa lambot ang tuhod niya na kailangan pa siyang alalayan ng anak niya dahil muntik na itong mawalan ng malay." Mahaba kong sabi saka muling humalakhak.Nakitawa na rin si Enrique. "Talaga? Sayang wala ako do'n kanina. Mag-e-enjoy siguro ako," aniya."For sure, dahil ako enjoy na enjoy!" Masayang sabi ko. Saka nagsalin ng wine sa baso ko."Cheers for today's successful mission!" Wika ko saka itinaas ang baso na may lamang wine."Cheers!" anang Enrique naman saka pinag-umpog ang baso namin. Tapos sabay na uminom

    Huling Na-update : 2022-08-15

Pinakabagong kabanata

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    EPILOGUE #theEnd

    [THE TIME BEFORE RADEN AND BRIANNA O ALEXANDRA REUNITE] HABANG NAKATAGO sa likod ng kotse ay minadali kong lagyan ng magazine ang gamit kong calibre 45 na baril at mabilis na nakipagpalitan ng putok. Masyado silang maraming armas at ako lang ang mag-isa. Nauubos agad ang bala kaya ang baby armalite naman ang kinasa ko. “Bwes** naman ‘to! Bakit kasi ito lang ang issue na baril eh. Naghihirap na ba ang government dito sa Russia? Kaya ang mga kriminal dito happy go lucky na lang,” reklamo ko. Naubos pa naman lahat ng armas ko noong sumabog ang condo na tinitirhan ko sa Pilipinas dahil kay Enrique. Hindi ko na rin matrace kung saan binibili ni Enrique dati ang mga baril na kailangan ko. Hindi na ako makatiis kaya gumapang na ako sa ilalim ng kotse ko at kinuha ang tinatago kong Machine Gun, ito na lang ang meron ako. Mabilis akong lumabas at pinatong ang stand sa hood ng kotse at saka kinalabit ang trigger ng baril at walang takot na pinagbabaril ang mga kalaban na nagtatago sa lik

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 38 #Reunited

    “LOLO, oh ano ayos ka na ba talaga? Baka mamaya niyan may maramdaman na naman kayo. Sabi ko naman sa inyo manatili muna tayo sa ospital,” mahinahong sabi ko sa abuelo ko nang pahigain na siya ng kaniyang personal nurse sa kaniyang kama. Kararating lang namin galing hospital. Lumabas na kami dahil nagpupumilit si Lolo na lumabas na. Ayaw raw niyang manatili ng matagal sa hospital dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang magkakasakit.“Apo Brianna, mas magiging malakas ako at mapapabilis ang recovery kapag nandito ako sa bahay. Nandito naman si Melanie eh,” aniya pa. Natutuwa ako sa sarili ko dahil kahit tawagin na ako ng lolo ko sa totoo kong pangalan ay wala na akong galit at sakit na nararamdaman.“Mga matatanda talaga oh matitigas ang ulo,” kunwa’y sermon ko sa kaniya. Narinig ko naman siyang natawa. “Hayaan mo na matanda na eh,” himig nagbibirong sabi nito.“Maam, mukhang kanina pa po may nagdo-doorbell,” anang pinay nurse sa akin. Napatingin ako sa kaniya. May doorbell

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 37 #Brianna

    HINDI ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kama na hinihigaan ni Alexandra kanina. Wala na siya roon, tanging binunot na swero lang ang nakalapag sa hospital bed. Wala si Alexandra. Kanina tumawag sa akin si Papa para ipaalam na hindi niya naabutan si Alexandra nang bisitahin niya ito. Nagtanong na rin kami sa mga nurses na naroon naka-duty pero hindi nila napansin ang pag-alis ni Alexandra. Wala ni isang nakakaalam. Kusa na lang tumulo ang luha ko. Sa ikalawang pagkakataon nagkamali na naman ako ng desisyon. Hindi ko pala dapat siya iniwan kanina. Sana pala nanatili ako. Sa ikalawang pagkakataon, nagsisisi na naman ako. Saan ko siya hahanapin? Saan ako mag-uumpisa? Talagang sinukuan na niya ako. “Anak…” narinig kong sambit ni Papa sa pangalan ko na noo’y nasa likuran ko na pala. Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko kaya mas lalo lang tumulo ang luha ko.“Susuko na ba ako, pa? Hindi ko na alam kung lalaban pa ba ako? Baka kasi hanggang dito na lang talaga a

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 36 : #Baby

    NAKAILANG shot na ako ng hard brandey, pero hindi pa rin mawalawala ang mga tanong at alalahanin sa isip ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Naghahalo ang takot at galit ko sa sarili ko. What will happen after all of this? Ni hindi ko alam kung paano haharapin si Alexandra. What if we lost our baby? How can I deal with it? How can I possibly handle it? Paano kung galit siya sa akin dahil nahuli ako? Masisira ang utak ko kakaisip. Kahit saang anggulo ko tingnan kasalanan ko lahat ng ito. Nagmatigas ako eh. Wala akong ibang magawa kun'di ang magsisi na lang. Tinungga ko na ang natitirang laman ng beer mug ko at inubos ang laman niyon. Pabagsak kong nilapag ang baso sa counter kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahid, pero patuloy pa rin ang pagtulo.“One more, please,” utos ko sa bartender na nasa harap ko at abala sa pag-mix ng beverages na order ng ibang customer. Agad naman niyang iniwan ang ginagawa at tumalima sa

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 35 #RadenToTherescue

    KALANSING ng bakal na hawak ko at ng espada ni Enrique ang naririnig sa loob ng factory. Habang sinasangga namin ang sandata ng isa’t-isa para hindi kami matamaan. “Let’s stop this, Enrique. Let’s live a new life… you have your sister. ‘Wag mong pangibabawin ang galit mo. Kung tinatakot ka lang ni Wem, okay na. Hindi mo na kailangang matakot sa kaniya. He died and you’re free,” pangungumbinsi ko sa kaniya habang nakikipagtagisan ng lakas ang naka-X naming sandata. Sa pag-asang bubuksan niya ang puso niya at hindi na kailangan pang saktan namin ang isa't-isa. Pero mukhang wala iyong epekto sa kaniya.“You know how much I hate Bernardo, Alexandra! You know how much I wanted him to die. You know the reason why at umasa ako sa pangako mong ipaghihigante mo rin ako. Pero ano? You fall in love with his fucking son and forgive him that easily. You forget me! You forget me, you forgot your promises to me! And now you’re protecting him?!” Sumbat niya sa akin habang nangingilid ang luha sa

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 34 #AngPagtutuos

    BINUKSAN KO ang bintana ng kotse ko saka nilabas ang kamay kong may bitbit na baril. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko upang patamaan ang sasakyan nila. Habang ang isa kong kamay ay nasa manibela. Gumanti sila ng putok kaya mabilis akong yumuko. Muntik pa akong mabangga sa papalapit na sasakyan pero agad rin naman akong nakailag. Hindi na ako nagpaputok at sinundan ko na lang sila. Habang sila ay patuloy sa pagpapaputok sa akin. Panay ilag lang ang ginagawa ko. Naririnig ko pa ang balang tumatama sa hood ng kotse ko. Hanggang sa tumigil na sila sa pagpapaputok. At nagpatakbo ng nagpatakbo lang sila ng sasakyan. As if they’re leading me the way…. sa daan pabalik sa factory? Hindi ako p’wedeng magkamali, ito iyong daan na dinaanan ko kanina papunta sa factory. They are playing with me again. “Damn it!” mura ko. Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa gigil habang iniiisip na pinagkakatuwaan ako nila Enrique. Hindi ko talaga sila mapapatawad na ginagago nila ako ng gan

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 33 #Scavengerhunt

    HAWAK ang baril na nakatutok sa likod ng lalaking nahuli ko kanina na isa sa mga nagpasabog ng building na tinitirhan ko ay nanggigil na ko. Nakadapa siya habang tinatapakan ko siya at batok niya. “Isang tanong, isang sagot lang ang kailangan ko. Sino ang nag-utos sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya. Alam ko naman kung sino. Pero mas masaya kung marinig ko mula sa tauhan ni Enrique at Wem na sila nga ang may pakana. Diniin ko pa sa likod ng ulo niya ang dulo ng armalite na hawak ko na inagaw ko pa mula sa kaniya. “Hindi ko…” “Subukan mong magsinungaling, pati pamilya mo sasabog ang utak,” banta ko sa kaniya kahit hindi ko alam kung may pamilya ba ito o wala. “Papatayin mo rin naman ako kahit pa sabihin ko man o hindi,” matigas niyang sabi. “Bakit ‘di mo subukan?” sarkastiko kong sabi sa kaniya. Ito-torture ko talaga siya kapag hindi niyan pa banggitin ang pangalan nila Enrique. Gigil na gigil na ako talaga. Hindi nagsasalita ang lalaki. Pinaputukan ko ang gilid ng mukha nito ka

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    CHAPTER 32 #ChasingRaden

    NAGISING ako na nakahiga sa isang kama na napapaligiran ng kulay berdeng kurtina. I think I'm in the hospital. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari. Kinapa ko ang suot ko. Thank God dahil ito pa rin ang suot ko at nandito ang cellphone ko. Agad na dinial ko ang number ni Bernardo para tawagan. Gusto ko lang malaman kung nakatakas ba sila at kung wala bang nangyaring masama. Nakailang ring ito nang may sumagot, nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin safe sila. "Bernardo, ayos lang kayo? Si Raden? Hindi ba kayo nasaktan…" "Stop acting like you care. You're a heartless person, a heartless criminal." Boses ni Raden ang narinig ko mula sa kabilang linya. Napipi ako dahil sa sinabi niya, tumagos hanggang sa puso ko ang sinabing iyon ni Raden. Masakit but I will deal with it later. Ang mahalaga safe siya. "Raden, 'wag mong pagsalitaan si Brianna ng ganiyan!" galit na angil ng ama niya na rinig na rinig ko. Tumulo ang luha ko, hindi ko mapigilan kahit sabihin kong okay l

  • Warlord series 1: Señorita Mafia    Chapter 31 #Ruinedtrust

    NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Tumungo ako sa mini ref ng kuwarto ko para makainom ng tubig. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ako mapakali, oras-oras akong kinakabahan dahil baka badnews ang biglang bubungad sa akin kapag lilipas ang oras. Napasulyap ako sa wall clock na nakasabit sa wall. Alas d'yes na pala ng umaga, napahaba yata ang tulog ko. Sobrang pagod ko kasi kahapon. Napaigtad ako nang may magdoorbell. Hindi muna ako gumalaw. Bigla kasing bumundol ang kaba ko. Nakatatlong doorbell na ang kung sinuman ang nasa labas, bago ako lumabas ng kuwarto. Dumeretso na ako sa main door. Pagbukas ko ay si Raden ang nabungaran ko kaya napangiti ako. "R-Raden," sabi ko saka akmang hahalikan siya. Pero nagulat ako nang ilayo niya ang mukha niya kaya hindi ko nagawang halikan siya. "M-may problema ba?" Nagdilim ang tingin niya sa akin. “Totoo ba?” may diin niyang sabi. “A-ang alin?” Naamoy ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi ako tanga para hindi

DMCA.com Protection Status