Enrique POV"Siguraduhin mo na masusunod mo ang lahat ng itinuro ko, huh." Bilin ko sa babaeng nakuha ko upang magpanggap na siyang tutubos sa S company building.Nakita ko siyang tumango.Nahirapan akong maghanap ng babaeng magpi-fit sa role na gagawin, ang role bilang si Brianna Smith. Mahirap maghanap ng sophisticated, makinis, may fierce look at talagang mayaman tingnan kapag nabihisan na babae na p'wedeng bayaran. Umabot pa ako ng ilang araw para makahanap. Buti na lang may nakita akong babae sa park na nakikipag malditahan sa mga bakla na hindi ko na rin inalam kung bakit. Nang ipakita ko ang 200 thousand cash sa kan'ya ay mabilis siyang umu-oo kapalit ng pagpapanggap niya at habang buhay na pananahimik. Magaling rin ito sa englishan kaya nagkasundo kami. Ang hindi ko lang bet ay ang kaartehan nito na pang world class akala mo naman kung sinong slapsoil, pero kere na rin 'to kaysa masira pa ang beauty ko kakahanap.Sa mga sandaling ito ay binabaybay pa namin ang daan pa
Alexandra Pov"Brianna Smith," bulong ko sa hangin saka isang malademonyong halakhak ang lumabas sa bibig ko."Parang hindi ka makamove-on sa nangyari kanina ah," sabi ni Enrique saka nagsalin ng wine sa sariling wine glass."Of course, naku Enrique kung nando'n ka lang for sure, matatawa ka. Makikita mo kung paano halos mawalan ng dugo ang mukha si Mr. Lim dahil sa putla ng marahil sabihin ni Mr. Sandoval kung sino ang tumubos ng building niya. And take note, nag-animo gulaman sa lambot ang tuhod niya na kailangan pa siyang alalayan ng anak niya dahil muntik na itong mawalan ng malay." Mahaba kong sabi saka muling humalakhak.Nakitawa na rin si Enrique. "Talaga? Sayang wala ako do'n kanina. Mag-e-enjoy siguro ako," aniya."For sure, dahil ako enjoy na enjoy!" Masayang sabi ko. Saka nagsalin ng wine sa baso ko."Cheers for today's successful mission!" Wika ko saka itinaas ang baso na may lamang wine."Cheers!" anang Enrique naman saka pinag-umpog ang baso namin. Tapos sabay na uminom
*** Handa na ako para sa party na gaganapin at dadaluhan ko. Sinabi ko na rin kay Enrique ang tungkol sa imbitasyon ni Raden. Nakasuot ako ng black off the shoulder ball gown na napapaligiran ng black sparkling beads. Naka-space bun style ang buhok ko. Itim rin ang maskara na gamit ko dahil masquerade party nga iyon. Animo hugis pakpak ang style ng Mask ko at may mga golden beads rin sa ibabaw na bahagi ng mask at naka high-heeled black boots ako. Mahaba ang gown ko na floor length kaya hindi makikita ang soot ko sa paa. Sinadya ko iyon dahil sa loob ng ballgown ko ay may isa pa akong damit na soot leather skinny iyon. Ang pang itaas ko naman pinailaliman ng leather tube. "Alexandra," tawag sa akin ni Enrique ng makapasok sa kwarto ko.Lumingon ako sa kanya. Lumapad naman ang ngiti nito saka pumalakpak. "Gorgeous! You really look great with black Alexandra. It suits your personality. " Puri nito. Napangiti ako saka tinanggal ang mask na soot ko. "I know Enrique. "
Pagkatapos kong masiguro ang ayos ko at maisuot ang black hand gloves ay lumabas na ako ng Cr. Nagulat pa ako ng makita kong papuntang Comfort room si Raden. Pero kalmado lang akong naglakad at nilampasan siya. Parang hindi rin naman ako napansin ng huli dahil diretso lang ang tingin nito habang naglalakad."Don't worry, Alex, your transformation is pretty good. Hindi ka niya makikilala," sabi ni Enrique kaya tumango lang ako.Paglabas ko sa pasilyo galing comfort room ay sumalubong sa akin ang dumadagundong na tugtugin. May mga tao na ring nagsasayawan sa gitna. Nakita ko naman si Takahashi na aliw na aliw pa rin sa mga babae niya. Wala na akong inaksaya pang oras at mabilis na kinuha ang dalawang baril sa magkabilang gilid ko at mabilis na pinaputukan si Takahashi. Tinamaan ito sa dibdib, siniguro kong hindi na ito mabubuhay dahil tinadtad ko ng bala ang katawan nito. Dahil sa ginawa ko ay nagkagulo ang mga tao roon.Rumesbak rin ang mga tauhan nito kaya nagtago ako sa poste ng h
Dumiretso ako sa opisina ni Mr. Lim matapos ang isinagawang board meeting kanina. Pinag-uusapan nila kung paano mapoprotektahan ang kompanya laban kay Brianna Smith. Without knowing na kaharap lang nila ang tinutukoy nila, fool pity Bernardo. Ano kaya ang magiging reaction niya oras na malaman niya na si Brianna Smith at ang babaeng pinagkakatiwalaan niya ay iisa. Hmmm, I can't wait for that to happen. "Hindi pa pala kita natatanong Mr. Lim about, how was your feeling since the day you almost collapse," nakangiti kong saad matapos akong sumimsim ng isang cup ng tea. Nasa harap ko siya ng mga sandaling ito at kitang kita ko kung paano siya namutla sa sinabi ko. Is he ashamed? Gusto ko lang naman maamuse ulit, dahil at this moment, pamumutla pa lang niya gusto ko ng pumalatak ng tawa. "A-ah, 'yon ba? Thank you for your concern Miss Lewis. I'm okay now," aniya."Good to hear…" "Sigurado ka bang umalis ka kagabi ng magkagulo sa party, Miss Lewis?" Napatigil ako sa biglaan
Isang linggo na rin ang lumipas nang huli kaming magkita ni Raden. At isang linggo na rin akong nag-iisip kung paano ko bibitagin ang lalaking iyon. Kaya ito ako ngayon, sakay ng kotse ko. Binabagtas ang lubak-lubak na daan patungo sa bahay ampunan. Yes, papunta ako sa bahay ampunan kung saan naroon si Raden. Volunteer daw siya sa ampunan na iyon, ayon na rin sa informant ko. Kaya noong isang araw lang kasama ko si Enrique para magpakilala sa mga madre doon at nagbigay ng donation para makilala nila ako. At para hindi halata na sinusundan ko siya.May bitbit na rin akong mga groceries. Schedule ngayon ni Raden sa bahay ampunan na iyon. Actually, si Enrique ang nagplano nito. Ngayon pa lang gusto ko ng mag retreat. At saka bakit pa dito na pili ni Raden, mag-volunteer, sa bukid na ito? Nakakainis, ang daming malalaking bato. Kung puwede lang sana nag motor ako. Noong unang punta kasi namin ni Enrique dito nag motor kami. Eh, ngayon hindi ako makakapag motor dahil ang dami ko
Mula sa pagkakatitig sa akin ay lumipat ang tingin niya sa paa ko kung nasaan ang palaka saka tumitig ulit sa akin. Nanatili pa rin akong nakatayo at hindi gumagalaw. Kung puwede lang na pati paghinga pigilan ko. "Raden!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw ng hindi pa rin natitinag sa kinatatayuan niya si Raden. Potek na lalaking ito. Ki laking tao takot sa palaka. "W-what should I gonna do?" tarantang tanong niya. Gusto ko na lang matawa dahil namumutla na ang itsura nito. "Kunin mo na ang palaka, hurry up!" At the same time gusto ko na ring maiyak dahil hindi pa rin umaalis ang palaka sa paa ko. Bakit ba kasi nasa bukid pa nakatirik ang orphanage na ito eh. Nakita ko si Raden na aligaga sa paglibot ng kaniyang paningin sa paligid. Hanggang sa may makita at napulot itong mahaba at tuyo na sanga ng kahoy. Pero imbis na paalisin agad ang palaka ay tinitigan pa muna niya ito. Seriously? Kitang-kita ko pa ang paglunok nito kaya laglag ang panga ko sa inis. "A
RADEN'S POVNagising ako sa tunog ng cellphone ko, inabot ko sa may ulunan ko ang kinalalagyan ng cellphone. Saka mabilis na dinala sa tainga ko matapos pindutin ang answer button. "Yes," bungad ko sa kabilang linya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Napakunot ako ng putol-putol ang salita ng nasa kabilang linya. Minulat ko ang mga mata ko saka sinipat ang aparato. Mas lalo lang lumalim ang gitla ng noo ko ng makita ko ang pangalan na naka register sa screen ng touch screen phone ko. It's Papa, ano kayang sadya nito. Namatay na ang tawag, pero bigla na naman itong tumunog kaya bumangon na ako. Oo, nga pala nandito pala ako sa remote area kaya mahina ang signal. Napatingin ako sa pinakadulo ng kuwarto kung saan nakahiga si Alexandra, wala na siya roon. Ano na bang oras ang aga naman yata niyang gumising. Sinipat ko ang suot kong relo, alas kuwatro 'y medya na pala ng madaling araw. Tumayo na ako para lumabas at para makasagap ng signal. Tumigil na rin ang pa
[THE TIME BEFORE RADEN AND BRIANNA O ALEXANDRA REUNITE] HABANG NAKATAGO sa likod ng kotse ay minadali kong lagyan ng magazine ang gamit kong calibre 45 na baril at mabilis na nakipagpalitan ng putok. Masyado silang maraming armas at ako lang ang mag-isa. Nauubos agad ang bala kaya ang baby armalite naman ang kinasa ko. “Bwes** naman ‘to! Bakit kasi ito lang ang issue na baril eh. Naghihirap na ba ang government dito sa Russia? Kaya ang mga kriminal dito happy go lucky na lang,” reklamo ko. Naubos pa naman lahat ng armas ko noong sumabog ang condo na tinitirhan ko sa Pilipinas dahil kay Enrique. Hindi ko na rin matrace kung saan binibili ni Enrique dati ang mga baril na kailangan ko. Hindi na ako makatiis kaya gumapang na ako sa ilalim ng kotse ko at kinuha ang tinatago kong Machine Gun, ito na lang ang meron ako. Mabilis akong lumabas at pinatong ang stand sa hood ng kotse at saka kinalabit ang trigger ng baril at walang takot na pinagbabaril ang mga kalaban na nagtatago sa lik
“LOLO, oh ano ayos ka na ba talaga? Baka mamaya niyan may maramdaman na naman kayo. Sabi ko naman sa inyo manatili muna tayo sa ospital,” mahinahong sabi ko sa abuelo ko nang pahigain na siya ng kaniyang personal nurse sa kaniyang kama. Kararating lang namin galing hospital. Lumabas na kami dahil nagpupumilit si Lolo na lumabas na. Ayaw raw niyang manatili ng matagal sa hospital dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang magkakasakit.“Apo Brianna, mas magiging malakas ako at mapapabilis ang recovery kapag nandito ako sa bahay. Nandito naman si Melanie eh,” aniya pa. Natutuwa ako sa sarili ko dahil kahit tawagin na ako ng lolo ko sa totoo kong pangalan ay wala na akong galit at sakit na nararamdaman.“Mga matatanda talaga oh matitigas ang ulo,” kunwa’y sermon ko sa kaniya. Narinig ko naman siyang natawa. “Hayaan mo na matanda na eh,” himig nagbibirong sabi nito.“Maam, mukhang kanina pa po may nagdo-doorbell,” anang pinay nurse sa akin. Napatingin ako sa kaniya. May doorbell
HINDI ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kama na hinihigaan ni Alexandra kanina. Wala na siya roon, tanging binunot na swero lang ang nakalapag sa hospital bed. Wala si Alexandra. Kanina tumawag sa akin si Papa para ipaalam na hindi niya naabutan si Alexandra nang bisitahin niya ito. Nagtanong na rin kami sa mga nurses na naroon naka-duty pero hindi nila napansin ang pag-alis ni Alexandra. Wala ni isang nakakaalam. Kusa na lang tumulo ang luha ko. Sa ikalawang pagkakataon nagkamali na naman ako ng desisyon. Hindi ko pala dapat siya iniwan kanina. Sana pala nanatili ako. Sa ikalawang pagkakataon, nagsisisi na naman ako. Saan ko siya hahanapin? Saan ako mag-uumpisa? Talagang sinukuan na niya ako. “Anak…” narinig kong sambit ni Papa sa pangalan ko na noo’y nasa likuran ko na pala. Tinapik niya ng tatlong beses ang likod ko kaya mas lalo lang tumulo ang luha ko.“Susuko na ba ako, pa? Hindi ko na alam kung lalaban pa ba ako? Baka kasi hanggang dito na lang talaga a
NAKAILANG shot na ako ng hard brandey, pero hindi pa rin mawalawala ang mga tanong at alalahanin sa isip ko. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Naghahalo ang takot at galit ko sa sarili ko. What will happen after all of this? Ni hindi ko alam kung paano haharapin si Alexandra. What if we lost our baby? How can I deal with it? How can I possibly handle it? Paano kung galit siya sa akin dahil nahuli ako? Masisira ang utak ko kakaisip. Kahit saang anggulo ko tingnan kasalanan ko lahat ng ito. Nagmatigas ako eh. Wala akong ibang magawa kun'di ang magsisi na lang. Tinungga ko na ang natitirang laman ng beer mug ko at inubos ang laman niyon. Pabagsak kong nilapag ang baso sa counter kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko. Agad ko iyong pinahid, pero patuloy pa rin ang pagtulo.“One more, please,” utos ko sa bartender na nasa harap ko at abala sa pag-mix ng beverages na order ng ibang customer. Agad naman niyang iniwan ang ginagawa at tumalima sa
KALANSING ng bakal na hawak ko at ng espada ni Enrique ang naririnig sa loob ng factory. Habang sinasangga namin ang sandata ng isa’t-isa para hindi kami matamaan. “Let’s stop this, Enrique. Let’s live a new life… you have your sister. ‘Wag mong pangibabawin ang galit mo. Kung tinatakot ka lang ni Wem, okay na. Hindi mo na kailangang matakot sa kaniya. He died and you’re free,” pangungumbinsi ko sa kaniya habang nakikipagtagisan ng lakas ang naka-X naming sandata. Sa pag-asang bubuksan niya ang puso niya at hindi na kailangan pang saktan namin ang isa't-isa. Pero mukhang wala iyong epekto sa kaniya.“You know how much I hate Bernardo, Alexandra! You know how much I wanted him to die. You know the reason why at umasa ako sa pangako mong ipaghihigante mo rin ako. Pero ano? You fall in love with his fucking son and forgive him that easily. You forget me! You forget me, you forgot your promises to me! And now you’re protecting him?!” Sumbat niya sa akin habang nangingilid ang luha sa
BINUKSAN KO ang bintana ng kotse ko saka nilabas ang kamay kong may bitbit na baril. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko upang patamaan ang sasakyan nila. Habang ang isa kong kamay ay nasa manibela. Gumanti sila ng putok kaya mabilis akong yumuko. Muntik pa akong mabangga sa papalapit na sasakyan pero agad rin naman akong nakailag. Hindi na ako nagpaputok at sinundan ko na lang sila. Habang sila ay patuloy sa pagpapaputok sa akin. Panay ilag lang ang ginagawa ko. Naririnig ko pa ang balang tumatama sa hood ng kotse ko. Hanggang sa tumigil na sila sa pagpapaputok. At nagpatakbo ng nagpatakbo lang sila ng sasakyan. As if they’re leading me the way…. sa daan pabalik sa factory? Hindi ako p’wedeng magkamali, ito iyong daan na dinaanan ko kanina papunta sa factory. They are playing with me again. “Damn it!” mura ko. Nagtagis ang mga bagang ko dahil sa gigil habang iniiisip na pinagkakatuwaan ako nila Enrique. Hindi ko talaga sila mapapatawad na ginagago nila ako ng gan
HAWAK ang baril na nakatutok sa likod ng lalaking nahuli ko kanina na isa sa mga nagpasabog ng building na tinitirhan ko ay nanggigil na ko. Nakadapa siya habang tinatapakan ko siya at batok niya. “Isang tanong, isang sagot lang ang kailangan ko. Sino ang nag-utos sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya. Alam ko naman kung sino. Pero mas masaya kung marinig ko mula sa tauhan ni Enrique at Wem na sila nga ang may pakana. Diniin ko pa sa likod ng ulo niya ang dulo ng armalite na hawak ko na inagaw ko pa mula sa kaniya. “Hindi ko…” “Subukan mong magsinungaling, pati pamilya mo sasabog ang utak,” banta ko sa kaniya kahit hindi ko alam kung may pamilya ba ito o wala. “Papatayin mo rin naman ako kahit pa sabihin ko man o hindi,” matigas niyang sabi. “Bakit ‘di mo subukan?” sarkastiko kong sabi sa kaniya. Ito-torture ko talaga siya kapag hindi niyan pa banggitin ang pangalan nila Enrique. Gigil na gigil na ako talaga. Hindi nagsasalita ang lalaki. Pinaputukan ko ang gilid ng mukha nito ka
NAGISING ako na nakahiga sa isang kama na napapaligiran ng kulay berdeng kurtina. I think I'm in the hospital. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari. Kinapa ko ang suot ko. Thank God dahil ito pa rin ang suot ko at nandito ang cellphone ko. Agad na dinial ko ang number ni Bernardo para tawagan. Gusto ko lang malaman kung nakatakas ba sila at kung wala bang nangyaring masama. Nakailang ring ito nang may sumagot, nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin safe sila. "Bernardo, ayos lang kayo? Si Raden? Hindi ba kayo nasaktan…" "Stop acting like you care. You're a heartless person, a heartless criminal." Boses ni Raden ang narinig ko mula sa kabilang linya. Napipi ako dahil sa sinabi niya, tumagos hanggang sa puso ko ang sinabing iyon ni Raden. Masakit but I will deal with it later. Ang mahalaga safe siya. "Raden, 'wag mong pagsalitaan si Brianna ng ganiyan!" galit na angil ng ama niya na rinig na rinig ko. Tumulo ang luha ko, hindi ko mapigilan kahit sabihin kong okay l
NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Tumungo ako sa mini ref ng kuwarto ko para makainom ng tubig. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ako mapakali, oras-oras akong kinakabahan dahil baka badnews ang biglang bubungad sa akin kapag lilipas ang oras. Napasulyap ako sa wall clock na nakasabit sa wall. Alas d'yes na pala ng umaga, napahaba yata ang tulog ko. Sobrang pagod ko kasi kahapon. Napaigtad ako nang may magdoorbell. Hindi muna ako gumalaw. Bigla kasing bumundol ang kaba ko. Nakatatlong doorbell na ang kung sinuman ang nasa labas, bago ako lumabas ng kuwarto. Dumeretso na ako sa main door. Pagbukas ko ay si Raden ang nabungaran ko kaya napangiti ako. "R-Raden," sabi ko saka akmang hahalikan siya. Pero nagulat ako nang ilayo niya ang mukha niya kaya hindi ko nagawang halikan siya. "M-may problema ba?" Nagdilim ang tingin niya sa akin. “Totoo ba?” may diin niyang sabi. “A-ang alin?” Naamoy ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi ako tanga para hindi