Hi everyone! Hope you all have a nice day and I just want to say thank you all for making time to read this book. I am still an amateur writer so please bare with me.
This story is still not edited. I will try to find time in editing it.Please don't forget to respect other readers! Please don't compare my stories to other authors if you think the story is similar to other works. This is purely a work of fiction and a piece of my own hardwork.DisclaimerThis is a work of fiction. Names, places, events, businesses either are product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, events, deaths, schools, is entirely coincidental.Health disclaimerThere are some information with regards to medical treatment and the information or content is not intented as a substitute for professional medical advice. Don't use the the information to diagnose or develop a treatment plan for a health problem or disease.Warning: this book contains mature content and not suitable for ages 18 and below. Read at your own risk.Happy Reading♡✧( ु•⌄• )From where I came from, they say that med school is only for the strong-hearted. You have to have the courage of a soldier and a heart of gold to withstand the harsh reality of the healthcare delivery system not just in the Philippines but also abroad.Not everyone is called to this profession. Some have fought the fates to prove their worth in this field. Some are discouraged, and they eventually drop out.As for me, it was never that easy compared to my pre-med, Nursing.I am now a first year med student pero first sem pa lang, gusto ko nang mamatay. Sobrang daming aaralin at ang hirap pa ng subjects namin. Humanda ka sa akin med school kapag clerkship ko na, madami akong experience sa hospital.Registered Nurse din ako kaya bago magsimula ang school year, nagtrabaho muna ako ng isang taon para kahit pa-paano, ako na ang nagbabayad sa miscellanous fees.Additional na doon iyong experience. I am a curious person, kaya kapag walang rounds iyong mga doctors, especially the senior residents, I bombared them with questions and they are actually nice in giving me a lot of advice for med, board exam, and residency."Ana! Kain tayo! Wala daw si Dr. Agbayani," I heard Francine's authoritative shout not too far from me.I look back as I follow where her voice comes from and see my only friend in med school walk inside our room wearing our white blouse and white pencil skirt.Francine's long black hair caught my attention. It's the first thing that you'll notice about her feature, followed by her mischievous almond eyes. She has a different air than those around her, just like me. Her stare demands respect. Her stance demands authority. Her body language demands to be studied. Some of these are just a few of the many things people in our college have said about her. As for me, she's just Francine."Weh?" Kontra ko."Oo nga! Tara na!" She tried to pull me up of my chair, but I remained seated. Binigatan ko talaga ang sarili ko para 'di niya ako mahila patayo.Nakakatamad buong araw. In fact, walang kwenta ang araw ko ngayon. Nag-aral lang ako sa physio, 'yon lang at wala nang iba pa."Ang arte mo naman," iritadong niyang kinamot ang ulo niya."Kung i-announce mo muna kaya sa klase 'no," pag-ta-taray ko sa kaniya. Inirapan niya ako at padabog siyang pumunta sa harap ng classroom.Bilis naman magalit."Guys, wala daw si Dr. Agbayani kaya pwede nang umuwi," naghiyawan ang mga kaklase ko sa announcement ni France at diretsong lumabas ng classroom.May ibang natira, tulad nang mga nag-re-review at may iba namang mga nagpapaganda, tulad ko."Mag-aayos lang ako," kinuha ko na iyong make-up pouch sa bag at nilagyan ko ng pulbo ang mukha at liptint ang bibig.Nag-spray din ako ng pabango nang Victoria's Secret na Bare Vanilla. Sobrang bango kasi. Kapag nag-spray ako, amoy doughnut shop ang classroom."Pahingi din ako," kinuha ni France iyong bote ng pabango at naglagay sa kanyang palapulsuhan at leeg.Lumapit sa akin ang isa kong kaklase sa upuan ko na may dalang physio book at backpack na nakasabit lang sa kaliwang braso. "Ana, sa wednesday na lang natin gawin yung worksheet sa biochem. Hindi ako puwede ng weekend.""Okay lang. Mag-aaral naman ako sa Physio," I gave her a smile."Thanks," she waved her hands at us and walked out of our classroom. Mabait siya. Matalino na rin. Isa siya sa mga tinuturing ko na rin na kaibigan ko.Si Desiree yung ka-partner ko sa biochem. May lab worksheet kasi kaming dapat ipasa next friday. Naintindihan ko naman ang rason niya. Hindi rin naman ako pwede this weekend. Mag-aaral ako at saka iinom.Nilagay ko na ang make-up pouch at pabango sa black jansport bag at isinabit ito sa likod. Hinatak na ako palabas ni France hanggang sa labas ng SRCU.Friday ngayon kaya ang saya lang ng early dismissal tapos inom hanggang bukas. Biro lang. Madami pa akong aaralin.Napag-isipan namin kumain na lang ng bananaque sa Recoletos at kumain sa Ministop. Masarap kasi fried chicken sa mini at para sa akin, wala nang ibang tatalo pa doon.Naupo kami sa isang table habang pinapalamig iyong bagong lutong manok. Bumili din ako ng dynamite flavoured na chillz kasi sobrang refreshing niya."Nakakainis naman. Apat dapat ang klase natin ngayon pero grossanat lang ang pinasukan ko," ngumuso ako sa pagka-dismaya habang nag-ti-trintas ako nang buhok. It's a simple dutch braid."May emergency daw si Dra. Lim tapos si Dr. Agbayani naman nanganak yung asawa," aniya."Kailan daw nanganak?" Tanong ko."Ewan ko. Basta sabi nung kabilang section nanganak daw asawa kaya pina-confirm ko pa kay Dean kung pwede na umuwi," kumagat siya doon sa manok niya, at dahil sa sobrang init, halos mailuwa niya iyong manok."Ang init!" Mangiyak-ngiyak niyang reklamo. Uminom siya doon sa kaniyang chillz para maibsan ang init."Takaw ba naman," Tinawanan ko siya habang tinatali ko ang natapos na braid.Pakagat na sana ako sa fried chicken nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa ministop kaya lumingon ako sa may pintuan. Pumasok ang isang grupo ng mga lalaking naka-uniporme na pang-med.Shit, mga kaibigan ni Eros.Iniwas ko ang tingin sa kanila at sinimulan na ni France ang panunukso sa akin. Tingin siya nang tingin sa grupo ng mga lalaking umo-order sa counter na parang akala mo mga spy kami."Huwag mo nga silang tignan!" I hissed at her pero sumulyap pa si gaga. Mahahalata tuloy kami. Lalo na s'ya."Wala naman bebe mo," tinuloy niya lang ang pagkain sa manok.Luminga ulit ako sa grupo ng mga lalaki at nakita ko lang doon si Paul, Caiden, Paolo at Wesley."Andiyan naman bebe mo," I plastered a smirk on my face while looking at France. She rolled her eyes at me and, once again, glanced at the group.Napabuntong-hininga na lang ako at kumain na lang ulit.Wala naman akong business sa tropa niya. Siya lang naman ang gusto kong makita. Although guwapo din iyong mga kaibigan niya kasi lahat sila may ibang lahi at mayaman saka nag-aral silang lahat sa Ateneo. Hindi ko alam kung bakit gusto nilang mag-aral ng med sa St. Rita of Cascia University. Andami-daming med school sa Maynila. Okay na rin iyon. Araw-araw ko siyang nakikita.Simula noong lumipat si Eros at iyong tropa niya dito sa SRCU, ang dami ko nang kaagaw lalo na kay Eros. Sino ba naman ang hindi mahuhulugan ng panty kay Eros? He's the real deal.Matangos ang ilong, may dimples kapag naka-ngiti, thick eye brows, kitang-kita ang pag galaw ng adam's apple kapag nalunok or nainom, perfectly carved jaw, perfectly built body, broad shoulder, at mayroon siyang four pack abs. Minsan nakikita ko siyang nag g-gym malapit sa Letran. Kapag pumupunta kami doon sa beer garden, napapadaan kami sa gym nila at nakikita ko siya doon.Tuwing dumadaan siya sa corridor namin at may dalang libro, kitang-kita mo ang mga ugat niya at ang pag flex ng kanyang muscle. Hindi lang siya gwapo, matalino din. Marunong pa magluto.Just by describing him, nahuhulog na panty ko.Sa sobrang crush ko sa kaniya, tinulungan na ako ni France na hanapin kung saan siya kadalasang natambay at nalaman namin na lagi siyang nag-aaral sa library ng college of law kaya minsan, doon ako nag-aaral para motivated ako araw-araw.Swerte ko nga dahil kaibigan siya ng mga kaibigan ko noong High School. Nagkakilala kami because of common friends.Unang kita ko pa lang sa kanya, crush ko na lalo na noong mas nakilala ko pa siya. He treasures all the people he loves the most, and that includes his family."Ana!" Narinig ko ang pagtawag ni Wesley sa akin. Shit. Nakita pa 'ko.Bumili siya nang kariman at chillz na katulad noong sa amin. Hawak-hawak niya iyon noong tinawag niya ako."Musta, Wes?" Umupo ang grupo nila sa tabi nang table namin at isa-isa silang bumati sa amin ni France. Nakita ko pa kung papaano inaasar ni Paul si Caiden."Okay lang. May prof ba kayo ngayon?" Tanong ni Paolo na uminom doon sa tubigan niya."Isa lang. Bakit? Wala din ba kayong prof?" I looked at him with a questioning eyes."Isa lang din sa amin e. Bonak 'di ba?" Nakitawa ako sa biro ni Wes habang iyong mga kaibigan niya ay inaasar si Caiden. Pilit na tinatago ni France ang kaniyang mukha at pabebe pang kumakain. Ngumisi ako sa kaniya ngunit pi-nan-lakihan lang ako nang mata sa inis.I know Caiden had a huge crush on France way back in third year college. Sinama ko si France dati sa birthday ni Cha at nagkataon naman na na andoon silang tropa. Caiden is a nice guy. He's always well groomed, he has the charm, and he's a hot nerd. His specs told him so.Nalaman ko lang na may crush siya kay France ay dahil tinutulungan ko si Paul na malapit silang dalawa. Ito namang si France, napaka-manhid. Ilang beses ko nang iniwan silang magkasama tuwing dismissal pero litong-lito pa din siya sa nararamdaman ni Caiden.Akala kasi ni France may jowa na siya. Iyong lagi niyang kasamang babae, si Arwen Nepomuceno. Blockmate ni Caiden. May crush din naman itong si France kay Caiden pero ang manhid din naman nung isa.Ako ang stress sa kanilang dalawa. Ayaw pa mag-aminan.Natapos na kaming kumain at inayos ang table dahil motivated kami ni France na mag-aral sa mini."Anong aaralin sa physio?" Naglakad ako pabalik nang table namin dahil nagtapon ako nang basura. Umupo ako sa harap ni France na nagpupunas nang lamesa gamit iyong tissue."Neuron action potenial mechanism lang. Doon daw mag-focus sabi ni Desiree," kinuha ko iyong libro ko sa physio at binuklat ito."Hindi ko pa rin gets. Diba may tatlong klase nang threshold. Subthreshold, threshold at suprathreshold... Is an action potential different depending on whether it's caused by threshold or suprathreshold potential?" Tinuro sa akin ni France kung saang parte siya nalilito."Hindi. The length and amplitude of an action potential are always the same. However, increasing the stimulus strength can cause an increase in the frequency of an action potential." Binuksan ko iyong notebook ko at nag drawing sa likod nang mechanism ng action potential. Mahirap siyang intindihin kapag wala kang visual aid dahil mechanism ito. Mas maganda kung nakikita yung buong process.Mabuti na lang at naintindihan na niya ang tungkol sa action potential dahil sa Histo naman ako mag-aaral. Nagsalpak ako ng earphones sa tainga at sinimulan ko nang mag highlight sa notes ko.Dalawang oras na kaming nag-aaral ni France at sumuko na kami. Kanina pa nagpaalam sina Paul sa amin. May "group study" daw sila . Tinignan ko ang orasan para i-check kung anong oras na.5:43 PMNanlaki ang mga mata ko nang makita kong malapit nang mag 6 pm."Shit! Kailangan kong pumuntang Katip ngayon!" Dali-dali kong inayos ang gamit ko at lumabas na kami ni France ng mini stop.Magka-dorm lang naman kami ni France kaya sabay kaming umuwi. I took a shower and wore a simple black knitted crop top and white high waisted shorts. Isinalpak ko ang black slider ko sa paa saka naglagay ng lipstick at eyeliner."Mag-uwi ka naman!" Ngumuso sa akin si France at pilit pa akong pinagdadala nang tupperware."Inuman lang 'yon," I rolled my eyes on her and fixed everything I needed. I missed my girls already. It's been one month since the last time we saw each other. Simula noong pumasok ako sa med last August, doon na umiikot ang buhay ko. Hindi pa nga ako nakaka uwi ng Laguna. Galit na sa akin si papa dahil hindi ko raw siya mabisita at iyong kapatid ko na si Keith.Usapan naming tatlo na mag iinuman kami sa condo ni Cha sa may Katipunan nang eight.6:30 PMKailangan ko nang umalis baka ma-late pa ako. Hindi ko alam ba't kailangan sa Katipunan pa kami iinom. Mas malapit kung sa Sampaloc na lang—sa condo ni Ae. Isipin mo yung gas ko! Ang mahal ng gas! Intramuros to QC.Traffic is waving at you.Hindi na ako nagtaka na traffic. Kasalan ko din naman na umalis ako ng rush hour pero utang na loob, nagta-trabaho na sila at ako nag-aaral pa ako ng med, ako pa yung mag-a-adjust.While I was driving, my phone vibrated from a call. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag at basta ko na lang 'yon inaccept."Hello, good evening! Sino po sila?" I asked in a calm voice."Ana?"My face turned sour as I looked at my phone and saw the name of the caller. He's always clingy. Walang araw hindi ako tatawagan ng lalaking ito."Ano na naman ba, Doc?"I heard him chuckle. I bet he is laughing due to my bitchy attitude. He can sniff me even when we're countries apart!"France told me you're going to Charlene's condo, is that right?"Ambilis naman makasagap ng information 'to. I won't blame France if he told him of my activities and whereabouts. They are cousins after all."Oo. May reklamo ka?" Sa tono kong 'yon, para bang nanghahamon ako ng away. He won't take it seriously."Wala naman. Just drive safely, and don't drink too much. Mag d-drive ka pa after.""I know! You do not have to remind me. I'm a nurse!" Pagmamalaki ko sa kaniya.And, once again, he laughed at my prideness.Silence then reigned over. For some odd reasons, I could only hear the fast beating of my heart. I hate awkward silence, especially when it comes to this guy. Earl has this authoritative air when it comes to other people, but whenever the two of us hang out, I couldn't explain why I find myself laughing at his small jokes. Even worst, his dad jokes.My breathing hitched upon hearing him heave a sigh."Yes. I believe that you are responsible."My heart swelled at his compliment."As you should!""And!" Dagdag ko. "I'll be studying afterwards.""You should rest, Athanasia Mare." I could already imagine his darting eyes staring into my soul. "France told me the two of you already studied. That should be enough.""No! Ikaw na nga mismong nagsabi na nag-aaral ka hanggang alas-tres ng umaga!" Pagrereklamo ko.It feels incomplete when I don't study until morning. Nakagawian ko na rin iyan noong student nurse pa ako. My guilt is eating me from the lack of study.There are times I would even joke about my nursing diagnosis for myself. I would always say I am at risk for failure r/t lack of study as evidenced by partying all night and / or lack of motivation."That's because I also work." He defended himself."See! Ako nga dapat ang ma concern sa'yo kasi ikaw yung maraming ginagawa! Come on! What I'll be doing prior to my study is leisure."He sighed as if he cannot make me obey him further."Fine. But do not overdo it. Okay?""Yes, doc!" I even made a salutation even though he cannot see it. With the way he giggles at my tone, as if he knew I am doing something goofy, which is true."Okay. Goodbye." He said, almost whispering."Bye, Earl!"I just found myself updating Earl of my whereabouts.Ako (to Earl):I am at Cha's condo.After a few minutes, he replied.Earl:Have fun!Alas-otso na nang makarating ako sa unit ni Cha.Hindi na ako kumatok at diretsong pumasok doon. Pagbukas ko pa lang ng pinto, amoy alak agad. Kumunot ang noo ko nang makita kong madaming tao sa loob.Akala ko ba kaming tatlo lang? Ba't pati kaibigan ni Cha kasama? Sana sinama ko na si France."Lala!" Lumapit sa akin si Cha na may dalang can ng San Mig flavored beer. B****o siya sa akin saka ako hinila papuntang salas.Puro college friends ni Cha ang nakita ko doon."Hoy, Charlene, akala ko ba tayong tatlo lang?" I crossed my arms and furrowed my brows, emphasizing that I am a bit annoyed. Hindi ko naman kasi kilala ang ibang kaibigan ni Cha sa Ateneo. Ang kilala ko lang sa kaibigan niya ay si Zenith at Cami, wala pa nga sila dito."I am so sorry, Lala. Nakakainis kasi sila! Gustong-gusto nang uminom," she draped her arms around my shoulder and gave me an apologetic smile."Tss," I removed her arms on my shoulder at naglakad papunta sa kusina niya para kumuha nang isang can ng beer sa ref. Nakasunod naman sa akin si Cha at patuloy siyang humingi ng tawad."I swear, Athanasia Mare, nagulat na lang ako that they're already here! It's so annoying kaya. I love my girls," she pouted her lips and pleaded in front of me. Natutukso ako sa malambing niyang mukha. Nakakainis naman. Si Ae ang inosente sa amin, hindi si Cha."Oo na," iritado kong pagkakasabi at napakamot na lang sa ulo. "'Asan ba si Ae?" Binuksan ko iyong can ng beer saka uminom."Hindi na raw siya makakapunta. May emergency yung hospital nila," nakita ko kung papaano lumungkot ang mukha ni Cha. Tinungga niya iyong isang can at saka tinapon ito sa may basurahan. Tatlo na lang kami pero dahil sa sobrang busy, hindi na namin magawang magkita-kita."Hayaan mo na," I gave her a smile, but she's still looking gloomy. There was a short moment of silence. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang words na gagamitin para sa kanya."I missed her."Napa-tingin tuloy ako sa kanya na pilit na nagpipigil ng luha. Napabuntong-hininga ako at nilapag sa counter top ang beer. Tumabi ako sa kanya at hinaplos ko ang likod para pa-kalmahin siya."We all missed her." Malambing kong pagkakasabi. She took a deep breath and gave me a hug, still holding her beer.I hugged her back and drew circles on her back to comfort her. Naramdaman ko ang pagpigil nang kaniyang tawa habang ginagawa ko iyon sa kaniya."Ba't ba tayo nalipat sa usapan na iyan?" I chuckled as I unclasped myself from hugging her."Inom ang pinunta ko dito!" I let out a laugh at kinuha iyong beer."Cheers," we both raise our cans and drank our beers.We walk towards her living room so she can introduce me to her friends. Nine sila doon. Medyo nakakahiya kasi lahat sila nakatingin sa akin! Ayaw ko pa naman ng exposure. Char."Guys, this is Athanasia Mare. You can just call her Lala," Pakilala sa akin ni Cha sa mga kaibigan niya. Hinampas ko pa siya sa braso dahil Lala pa ang binigay na nickname sa akin.Sila lang naman ang tumatawag sa akin na Lala dahil surname ko ay Lacsamana. Kinuha yung 'La' ng Lacsamana kaya Lala.They all waved their hands at me, so I simply smiled at them."Ah! This is Sei, Patrick, Ken, Garett, Neil, Ayla, Connor, Vince, and Raine." She pointed out which is which, and I nodded in response."Single siya, so if any of you are intere-" tinakpan ko iyong bibig niya para hindi na siya makapag salita. I glared at her at saka hinampas ulit braso niya."Ow! Dalawang beses mo na akong hinahampas!" She caressed her arm like it was her baby at sumimangot pa ang gaga."I am married to med school right now, Charlene," I rolled my eyes and drank my beer.Loyal tayo kay Eros, okay?"Kows," pambobola niya pa sa akin. Kumuha ako ng dalawang slice ng pizza ng S&R at naupo doon sa bean bag, malapit sa pinto ng terrace niya.Nakakainis talaga itong bunganga ni Cha. Ever since high school, wala nang bukang bibig kundi chismis. Napairap tuloy ako at sinubo ng buo iyong pizza. Maliit lang naman iyong slice.Dahil wala naman akong kadaldalan dito, nagbukas na lang ako ng f******k para maghanap ng mga memes. Hindi na ako nagtaka na ninety-two ang notifications ko. Sa isang araw, thirty memes ang na-she-share ko.Emery Danise PoncePicture nang puting van: nangunguha ng mga bunsong palaban.I let out a laugh ng makita iyong post. Naalala ko kasi si Keith, bunsong kapatid ko, lagi kasi siyang palaban pag inuutusan ko na.Write Post:Alyjah Keith Lacsamana manigas ka na hahahaI tagged her and shared the post on my f******k. Hindi na ako nagtaka na online si Keith at nag comment pa sa post ko.Alyjah Keith Lacsamana: Gago kaNag react na lang ako nang laughing emoji at habang nag re-react ako, nakita ko na nag ta-type si papa.Rod Lacsamana: Language, Keith.Mas lalo akong natawa dahil nakita pa ni papa na nagmura siya.Huli pero 'di kulong. Police pa man din si papa.Naistorbo ako sa paghahanap ng memes nang may lumapit sa aking lalaki."Hey," I look at the man who called me. His name is Garett, I believe.Naka-pamulsa iyong isang kamay niya habang hawak naman noong isang kamay ang can ng beer.I furrowed my brows, questioning him why he even approached me.Yes, I am that kind of bitch.He let out a chuckle and took a sip from his beer."You're something," he said."Sorry, hindi ako bagay para tawagin mong 'something'." inirapan ko siya at tinungga ko iyong beer. I need another can.I saw how his lips rose from amusement. I didn't bother him anymore kaya pumunta na akong kusina para kumuha ng dalawa pang can habang kinakagat iyong isa pang slice ng pizza.Binuksan ko iyong refrigirator at yumuko para abutin iyong can ng beer pero noong tumayo ako nagulat ako ng makita kong nakasandal si Garett sa counter."Pota!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat."Ba't mo ba ako sinusundan?" Kumunot ang noo ko sa galit at binuksan iyong can ng beer."I just wanted to know you," he took a sip from his can and stared at me intently. His stares made me shivered so I took a step back from him after closing the fridge."Sorry, taken na ako." I said in a monotous tone and walked past him, hitting his broad shoulder a little. I hear him chuckled from the distance, and I hurriedly walk away. I need to go."Wait!" I heard him call for me, and I didn't bother to respond, so I walked faster. I was surprised when he grab my wrist and pulled me closer to him.I was so close to him to the point that I am already inhaling his manly scent and the alcohol.I tried to pull my wrist out from his grasp but he didn't even flinch.Bitch, the audacity!One thing na ayaw ko sa lalaki ay iyong hinahawakan ako nang basta-basta lang lalo na kapag hindi ko naman kilala."Ano ba ang problema mo sa akin?" I asked him as my voice creaked. He plastered a grin on his face and leaned his face close to my ear."My problem is your attitude," he softly whispered on to my ears that made me shuddered. I did not flinch, showing him that his words had no effect on me. People had the right to judge me but in the right manner. He, on the other hand, doesn't even know who I am. Oh well, first impression are always inaccurate.He slowly moved his face away from my ear as he unclasped his holds on my wrist. I stared directly at his brown eyes with no smear of emotion on my face. I drank the remaining beer in my can and walked out of the kitchen.Pumunta ako sa salas para mag paalam na kay Cha. I don't want to hang out with her friends anymore. I don't like them, lalo na iyong gagong Garett na iyon. Pa-fall ampota. Well, hindi gumagana sa akin.Sorry to say pero hindi ako marupok."You're leaving already?" Lumungkot tuloy ang mukha ni Cha noong nalaman niya na aalis na ako. Ayaw ko siyang masaktan pero gusto ko din naman ng kapayapaan."Yeah. I still need to wake up early tomorrow. Madami pa akong quiz sa Monday." I hugged her and gave her a kiss on the cheek. I smiled at her and held her hand."Bye, my love," I softly said and let go of her hand.I wave my hand while walking towards the door and even gave her a flying kiss. She chuckled and grab that kiss and placed it on her chest.Simple acts like that warms my heart.So many things had happened in our friendship and I am so proud at them for being brave. Kami-kami na lang ang nagtutulungan.Sumakay na ako sa sasakyan at hindi ko alam kung ano na ang gagawin. I looked at my watch and it's only 9:10 PMMay dala din naman akong notes at libro kaya mag-aaral na lang ako sa Coffee shop. I searched for a near coffee shop that is still open and good thing there's one open for twenty-four hours.I parked my car in front at nagpabango pa ako gamit iyong VS fragrance mist ko. Amoy alak na ako for sure.Dinala ko iyong tote bag ko na puro notes at iyong wooden bookstand at hawak ko naman sa isang kamay ang makapal na libro ko sa Physio.I went inside the shop and smelled the aromatherapic scent of coffee. I scanned first the place to see if there are any vacant tables."Oh my gosh," napahawak ako sa dibdib ko ng makita si Eros at Caly sa isang table.Ba't ngayon ko pa siya makikita?I looked so wasted.Babalik na sana ako sa sasakyan para umalis pero narinig ko ang tawag ni Caly."Ate Lala?" Lumingon ako sa direksyon niya at nginitian. Wala naman akong magagawa. Nahuli na ako.I walked towards her and gave her a hug. After hugging her, napatingin ako kay Eros na kanina pa pala nakatingin sa amin."Hey, Eros," Fuck Athanasia, why did you stutter?!"Hey, Lala," He gave me a simple smile and got back from studying.'Yon lang? Grabe! Parang hindi kami nagkikita sa School!I sat beside Caly at nilapag iyong makapal na libro ko sa Physio."Grabe ate, ang kapal," Caly scanned through the pages of the book, jaws dropped in astonishment."Inaral niyo din 'to, kuya?" Napatingin naman si Eros sa kanya and nodded at her."Physiology is a branch of biology. It aims to understand the mechanism of living things that's why, in my opinion, it's the hardest subject in first year." He calmly explained to her sister at nakita kong tumango si Caly."Grabe, nakakatakot naman maging doctor," napamasahe si Caly sa sentido niya. I let out a chuckle and so does Eros.My gosh. Kalma self."Order lang ako." I stood up at pumuntang counter. Naghanap ako kung ano pwedeng inumin na magigising ang buong diwa ko."Isa pong Matcha Espresso, iced, medium." Sinabi ko iyong order sa kahera. "Oh, and a slice of carrot cheesecake," dagdag ko pa."Two hundred ninety po," she coldy said.Weird. Usually cheerful sila. Anyare 'te? Lungkot naman. Awit sa'yo.I handed her the money at hinintay ko ang order sa kabilang side. Nang matapos gawin iyong drink ko, bumalik na ako kung saan naka-pwesto sina Caly.I placed my drink and cake on top of the table saka ibinalik iyong tray sa counter. Umupo ako malapit kay Caly at uminom doon sa matcha espresso.Nabuhayan tuloy ako ng diwa.Natikman ko dati Matcha latte ng starbucks, iyong hot drink, hindi ako pinatulog noong punyetang iyon e!I glanced at Eros as I observed his eyes glancing through the words from his book. Sana ako na lang yung libro.Anong subject iyong inaaral niya? Patho ba iyon?I got curious about the book he's reading kaya hindi ko na namalayan na nagiging giraffe na ang leeg 'ko dahil hindi ko talaga makita kung ano ba ang binabasa niya.He tilted his head on my side and raised his left eyebrow, questioning me.Grabe, ganito ba ako kataray sa kausap ko kanina? Omg I am tasting my own medicine! Sa crush ko pa."What do you need?" He then said in a cold manner."Grabe, ang ginaw na dito sa coffee shop 'tas nadagdagan pa ng pagiging malamig mo sa akin," I hugged myself and giggled. I saw him chuckled in amusement at umiling na lang sa sinabi ko.Oh ha! Napatawa na kita! Ang hirap-hirap pasayahin nitong si crush e."I didn't know that you'll even follow me all the way here," he amusingly said, emphasizing the word 'all'."Grabe! Pwede bang coincidence lang na nagkita tayo dito?" Depensa ko. I heard him laugh at my statement.Hay, sarap pakinggan ang tawa ni Eros Xavier Sahagun.I sipped on my drink to avoid myself from blushing."Ah, so lagi ninyo pong sinusundan si kuya sa school?"Nasamid ako sa iniinom ko nang marinig ko ang tanong ni Caly. I coughed habang hinihimas ko ang dibdib ko.Eros gave me his glass of service water.Uminom doon si Eros. Indirect kiss, sis!Wala na akong magagawa kung may laway niya iyon, baka mamatay pa ako dito. I gulped at the water. Napa-hinga ako ng malalim saka nilapag iyong baso."Thank you," I said to Eros and gave him a smile. He only nodded in response.'yun lang?!"Okay ka lang, ate?" Caly asked and nodded in response.Kinain ko na iyong cake dahil kanina pa ako takam na takam sa carrot cake. Pagtapos ko kumain, nag-aral agad ako.Nasa tabi ko lang si crush kaya pagbutihan natin ang pag-aaral.(✿◠‿◠)CutI am sitting alone inside the coffee shop, thinking if I should buy another carrot cheesecake or try their empanada. Ang hirap naman. Huwag na nga lang. Tataba pa ako. Nakakainis kasi umalis na si Eros. Magtatanong sana ako sa kaniya tungkol doon sa action potential na under ng membrane physio. Kanina ko pa iyon inaaral pero simula noong nagtanong sa akin si France kanina noong nasa ministop pa kami, gumulo na utak ko. I took a sip from my matcha espresso, frustrated in this topic. Ba't ba kasi ako pinanganak na walang utak? 12:21 AMNang makita ko na alas-dose na, I pack my things and leave the coffee shop. Hindi ko alam kung uuwi na ba ako sa dorm or makikitulog muna ako sa condo ni Cha, but then I remember what happened earlier kaya huwag na lang. While driving, I contacted Ae. For sure gising pa 'yon. I am glad she picked up."Huwag mong sabihing makikitulog ka na naman sa condo ko."I laughed so hard at her opening statement. Kung ang ibang tao, kurakot sa pagkain, ako kur
TouchHe let my arm draped around his shoulder as he assisted me in walking. My head was already spinning due to alcohol intake. He sat me on a couch, and knelt down in front of me.Jusko! Tulungan ninyo po ako dito! Ano ba itong ginagawa ni Eros? Hindi pa po ako ready!"Hey, Eros," I bit my lower lip from embarrassment. I didn't know what to say. I lost tract of my words."You should be careful." He calmly said as he wrapped something on my legs."What?" Lito kong tanong."You have a cut." I saw how his jaw clenched from, I don't know, anger?Tinignan ko iyong binti ko, and he was right! I am already bleeding, but it's a good thing he wrapped it with a towel to stop it from bleeding. Para may pressure."Give me your car keys," his jaw was still clenching when he stood up looking away. "Bakit?" I gave him a questioning look."I'll drive you to the hospital," aniya. "Pa
Feeling"You're injured. You should stay at my place," giit niya sa akin."Hindi. Gusto ko sa dorm," tinitigan ko siya nang masama habang nag da-drive siya. Nakakahiya din sa kaniya 'no. Saka, baka kung ano-ano pa ang maisip ko. Patawarin mo po ako Lord."Okay fine." And for the third time, he finally gave up. Sinandal ko ang ulo ko sa may salamin at nanatili ang aking mga mata sa pamilyar na lugar.Intramuros. Napaka-historical iyong wall na nakapalibot sa buong ciudad. Simbulo nang mapait na nakaraan. Madami din ang tourist spot. Tulad na lamang ng Fort Santiago, Luneta park at ang mga naglalakihang museo kung saan nakatala o nakalagay ang mga kinaiingatan na artifacts. Hindi ko gusto ang Intramuros kapag gising ang mga tao. Masikip, traffic at sobrang daming tao. Masaya ang night life sa Intramuros. Nangingibabaw ang kagandahan nang lugar na ito dahil sa mga ilaw. Para kang ibinabalik sa maka-lumang panahon. Papasok na sana
Medical Doctor"Ana?" Sa 'di kalayuan, narinig ko ang tawag ng isang lalaki. Malalim ang kaniyang boses at napapaos pa ito. Luminga-linga ako at hinanap ang boses na iyon. Nakatayo ako sa may patio ng simbahan ng San Agustin habang ang mga parokyano ay abalang-abala sa paglabas at pagpasok ng simbahan. May susunod pa kasing misa. Nag iintay ako kay Eros dahil nag cr muna siya. May kumulbit sa balikat ko at nang bumaling ako sa kaniya, nakita ko ang isang lalaking seminarista na nakasuot ng black cassock, lace surplice at clerical collar. "Martin! Kumusta?!" Hindi pa rin ako makapaniwala na si Martin Taguilaso, kaibigan kong seminarista ay nakatayo sa harap ko. It's been four or five years since I last saw him. "Eto, buhay pa naman," ngumisi siya sa akin at pinagmasdan ang itsura ko. Madaming nagbago sa kaniya. Mas lalo siyang tumaba. Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya ang sugat
Wonderful Places"Tao po!" Sumigaw ako nang malakas sa tapat ng bahay ni Cha dito sa Jubilation South. Bingi pa naman ang babaeng 'yon. Laging nakasalpak ang airpods. Mabuti na lang at bumukas ang kanilang gate. Unang tumambad sa aking paningin ay si Aling Lina, ang matandang kasambahay nila Cha."Lala! Naparito ka. Pasok ka." Nilahad niya ang kaniyang kamay para makapasok ako. Sinundad ko siya papasok ng pintuan hanggang sa makarating kami sa engrandeng living room."Upo ka muna at tatawagin ko lang si Charlene," sumunod naman ako sa sinabi niya at naupo sa couch. Nilibot muna ng aking paningin ang mediterranean style house nila Cha. Malawak ang kanilang bahay dahil sa kanilang garden sa labas. Ang alam ko, limang lote ang binili ng magulang niya. Mahilig kasi si Cha sa makukulay na bagay at kasama na roon ang bulaklak. Tumayo ako sa aking inuupuan at nagtungo sa kanilang garden sa labas. Para kang nasa gubat pagkalabas mo pa lang. May
RentHalos lahat ng tao na naglalakad ay napapatingin sa sasakyan namin. Nasa loob ako nang Aston Martin Vanquish S ni Earl at hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. Ang mahal ba naman ng sasakyan niya! He said he bought this for three hundred and fifty thousand dollars ($350k) lang! Ni-la-lang niya lang ang seventeen million pesos! Baka nakapasok na ako sa med school nang sampung beses.Hindi na ako magtataka. Mayaman naman kasi ang mga Almenanza. They own the biggest malls in the Philippines and Singapore under CAIC—a multinational corporation owned by their family. I am actually impressed that he's not the type of guy to brag about their wealth. He's humble that's for sure. Kapag nasa hospital siya, dala niya lagi ay ford ecosport, hindi itong aston martin. Hindi ko alam bakit ito pa dala niya. Feeling ko wala akong karapatang umupo sa "baby" niya. Daan namin ngayon ay papuntang upper Laguna. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhi
TicklesNaglalakad kami ngayon sa masukal na daan patungong bukal falls. Sobrang init ng aking nararamdaman dahil tanghaling tapat kami tumulak ni Earl patungo roon.Hindi ko naman aakalaing pupunta kaming bukal falls. E'di sana nakapag handa ako ng bonggang swimsuit at saka nagdala ako ng camera. Mabuti na lang at may camera itong si Earl.Mahigit trenta minutos daw ang aming tatahakin bago marating ang falls. Mayroon din kaming kasamang tour guide. Siya ang nasa unahan ko at si Earl naman ang nasa likod.Medyo nakakahingal itong paglakad namin. Hindi na sanay ang katawan ko na mag exercise. Oras na ba para mag workout ako? Nakakatamad naman kasi mag gym! Baka wala pang five minutes, suko na ako."Water?" Hinahapong tanong ni Earl nang makarating kami sa isang pahingahan na gawa sa kawayan. "Pahingi," inabot sa akin ni Earl ang kaniyang hydroflask. Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay at uminom doon. "Woohh! Ang lamig!" S
LostTahimik kaming nakaupo sa mga damuhan, tapat lang ng Sampaloc lake. Kumakaway na ang kadiliman sa kalawakan ng San Pablo at ang nagsisilbing ilaw namin ngayon ay ang kumikinang na mga tala at ang buwan. Hindi pa rin mawala sa utak ko lahat ng mga memoryang naalala ko noon. I remember how me and my friends, Cha and Ae cried in front of her casket. There, she lied lifeless. Still smiling even if everything is already over for her. Siguro masaya na siya sa kabilang buhay. Imagine the pain she's going through, fighting her sickness and for the love of her life. Ang hirap noon para sa kaniyang magulang at kapatid. Paano pa kaya sa akin? She's my cousin and best friend for pete's sake! Siya lang ang pinagsasandalan ko ng mga problema noong mga oras na gusto ko ng sumuko pero siya ang tuluyang nawala sa tabi ko. "Nakita mo na ba kung paano namatay ang isang tao?" Tanong ko habang nakatingala sa langit. The constellation of sta
Spotlight"Hoy gaga gumising ka na!" Parang may giyera sa labas at sobrang lakas nang pagkatok sa pinto ko."Shut up, Aenna!" I hid my face with a pillow."May photoshoot pa sa kuwarto ni Cha! Alam mo, ikaw ang magpapalate sa kasal." I groaned and seated on the bed. Today is Charlene's wedding. We're in Isabela, malayo sa kabihasnan. "Hoy! Bilisan mo, Lala!" Padabog na naman ang pagkatok niya. Geez masisira ang pinto. Pinagbuksan ko siya ng pinto para mapanatag na ang loob niya na gising na ako. Wala pa akong gana nang ayusin ko ang gamit ko. My gown is in Cha's room. Doon na rin ako maliligo. Wala namang pake si Cha kung makita niya akong nakahubad.Nasubukan na rin naman naming maligo nang nakahubad noong kasama pa namin si Andeng. Nainggit pa sa akin ang mga gaga dahil ang laki raw ng boobs ko. "Maligo ka muna!" "Doon na ko maliligo." Tamad kong turo sa direksyon ng kuwarto ni Cha. Umiling si Ae."Saan si Cami?" I asked Ae as I closed my door. Nahulog pa ang susi nang kuwarto
BackNa-upo kami ni na Karen at Des sa cafeteria at um-order ng kape. We plan to study while waiting for our turn. Andami kasing nag-e-enroll. Puro 1st year at iisa lang ang naka-deploy na secretary sa registrar office. Nasa pang 129 pa lang yung huling natawag nang umalis kami e pang 470 ako. "I can't believe that we're medical interns." Karen said out of the blue. Humihigop lang s'ya sa kanyang mainit na kape nang sabihin niya 'yon. Des and I both nodded."Parang dati first year lang tayo ta's hirap na hirap agad sa Physio." Des chuckled.Those were the days na sobra ang struggle ko. Kung noong high school, nakakatuwa ang biology lalo na kapag pinag-aaralan ang mga systems ng katawan. Noong Nursing days ko nga, hirap na hirap ako sa Anaphy pero noong tumungtong ako sa med school, pati microscopic anatomy ng bawat parte ng isang system ay inaaral. Wala naman akong Eidetic memory para makabisa ang lahat ng parte lalo na iyong function (anatomy is the study of the structure. Physiolo
Fresh StartI finished unpacking my luggage after I arrived at my Apartment."Ana!" Someone called from the kitchen."Yes?" I peek from my room to look at her while she's busy washing the dishes."Puwedeng ikaw na lang ang magluto ng dinner natin? Alam ko namang pagod ka pero kailangan kong pakainin si Mason.""Oo naman. Saglit lang." Inayos ko nang mabilisan ang aking mga damit at hindi na isinalansang nang maayos. Gutom na rin ako.Kakagaling lang naming ni Althaia sa Doctor dahil nagkasakit si Mason.It's been 2 years since I lived from my dorm. Masikip kasi doon at mataas pa ang renta kaya naghanap ako ng apartment na malapit lang sa school.Kaso, walang murang apartment na malapit lang. I badly wanted to stay in this apartment but it's already full. Ang sabi'y kung may umalis, e'di naka-reserve na ako, but I couldn't wait any longer. Ayokong masayang ang mga oras ko na dapat nag-aaral ako kaysa sa paghahanap nang malilipatan. Maybe it's a miracle that I happened to stumble upon,
LetterInuwi kami ni Pao sa Laguna kasama si Cha. Nang makauwi ako'y agad akong nagkulong sa kuwarto. Sabi nila Papa tatlong araw lang ang burol ni Mama dahil nagpasya siyang magbakasyon kami sa Sta. Ana. I am so tired and drunk. Gusto ko na lang matulog pero kailangan ang presensya ko sa burol ni Mama. Mabuti na lang at naandito sa bahay ang sasakyan ko. Nagising ako ng ala-syete y media ng umaga dahil sa tawag ni Ae. Ang sabi niya'y dadalaw sila ni Cha sa burol. I also recieved at text message from Eros saying how sorry he was for kissing me knowing that I have a boyfriend that time. Well now, ex. I took a deep breath taking all of it at once. I'm going to be okay. Nagpalit na ako ng damit na kulay black at maong shorts bago tumulak papuntang burol. Pagkarating ko roon ay nakita ko si Papa na kinakausap ang kanyang mga kaibigan na pulis din.Naroon din si Tita Cecil, at ang mga Tito at Tita ko sa Flores at Lacsamana. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya.Ever si
WallI lost my appetite but Papa made an effort to stay still and calm despite the circumstance. He bought us food and his little effort moved my heart. Hindi kami nagkikibuan nang kumain kami sa cafeteria ng ospital. Humihikbi pa rin si Keith at si Ate Gladys ang nagpapatahan sa kanya. Nakatitig lang ako sa aking pagkain at sinusubukang kainin iyon."Gladys, ang life plan ng Mama mo saan nakalagay?" Papa simply asked. "Nasa kuwarto ko po lahat ng dokumento." We were then enveloped by silence once again. Hindi ko alam kung anong maaari kong itulong dahil kahit ako'y tuliro na. I am also worried of my studies. Kailangan kong magpasa bukas. I have to go to Manila tomorrow but I don't know anymore. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."Pa. Ako na-na lang mag-aayos ng death certificate ni Mama. Ibibigay naman ng ospital yung cause of death 'di po ba?" Keith volunteered. Tumango si Papa at in-explain kay Keith kung ano ang mga gagawin.Ako... anong gagawin ko? "Mare. Magpapasa ka buka
Emptiness Sobrang bilis ng panahon. I took my special exam last weekend and now I am back in Laguna for my Mom. Midterms na nila Keith samantalang ako ay patapos na ang finals. The Dean talked to me about it and they said that I can pass my works every weekend. I am thankful that I enrolled in SRCU. No wonder this school produces top notchers every year at kung hindi 100% ang passing rate, 99% ang pinakamababa. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang ibigay sa akin ni Earl ang bagong number ni France. She's studying med abroad and was quickly challenged on how competitive students are. Minsan nga'y nagtutulungan kaming intindihin ang mga topics namin. I sat on a cold metal chair at the waiting area near the clinics of the hospital. Naandito ako para makahinga nang maayos. Ako lang ang nagbabantay kay Mama. Tulog pa rin siya. I am afraid that I'll be the first person she sees after a long period of coma. Nang bumisita si Tita Cecil at Tito Emman, I excused myself to grab a hot w
TiredI almost cursed Earl for being late! Kung hindi pa niya ako pinagod kagabi ay sana nagising ako nang maaga. I lost the chance to study before going to school. Natataranta pa akong pumasok at basang-basa pa ang buhok.I rushed through the crowded hallways and climbed upstairs where our patho classroom is. Nakahinga ako ng maluwag nang wala pa roon si Dra. Lim. Ako ang pinakahuling taong pumasok. Okay na iyong late na ako kaysa naman sa ma-zero sa quiz. Mabigat pa naman ang units sa patho. Desiree saved me a sit so I sat there. Nilabas ko ang aking ipad at iyong binded notes ko sa patho. I reviewed all the things I studied last night and the previous day. Hindi na ako nagbasa, I just briefly scanned my notes like I'm in some horse race.Tinandaan ko rin ang mga keywords na sinabi sa akin ni Ae. She said that Dra. Lim was also their prof in patho while she was still studying med tech. She adviced to only remember the important components and their concise definition. 'Di ko alam
Frustrated "Naghanda pa naman ako ng baked mac!" Halatang dismayado ang tono ni Aenna dahil sa balita ko."Kinuwento ko naman sa'yo ang tungkol kay Mama. E alam mo naman 'yon, mapilit?" I rolled my eyes while driving. Nasa slex na ako pauwi ng Sta. Rosa. Na naman."I understand pero... ugh!" She's already frustrated. Pinakita niya sa akin habang kami'y naka video call kung gaano kadaming baked mac ang niluto niya para sa aming dalawa."Why don't you invite Ellaine?" I suggested one of her friend in college to accompany her."Nasa Ilo-Ilo siya." Tamad niyang sabi.I smirked at the idea that strucked my mind. "How about your ex?" I took a glimpse of her reaction on what I said. She's scowling. Para niya akong papatayin sa tingin niya pa lang."Past is past Lala. Ayaw ko na do'n." "Weh ba? 'Di ako naniniwala. Huwag kang ano Aenna. Marupok tayo." I laughed so hard that I almost forgot I'm driving! Geez. Malapit na ang Sta. Rosa exit kaya lumipat ako sa gilid na lane."Baka ikaw." Para
EmergencyWe were silently seating on a bench that's surrounded by roses and shrubs. Hindi ko na napigilan ang pagluha ko dahil sa nangyari.I was enraged of what she said to me. A slut. Masakit sa pakiramdam na paratangan ka sa isang bagay na hindi naman ikaw o hindi mo naman ginagawa. I know what Earl and I did at the shore is somehow disturbing since it's a public place but accusing me of a slut? Really? Akala mo naman hindi niya ginawa iyon.Second, I am guilty of what I said to her. I didn't even respect her. I called her by her first name and I am deeply guilty of what I said. I know she's still my mother but at that time, I couldn't think straight. Tumigil na ako sa paghikbi dahil sa malamyos na pagkakahagod ni Earl sa aking likod. He haven't uttered a word yet. He's probably waiting for me to finish crying. Kumalma ako at kinuha ang panyo sa bulsa ng dress. I wiped my tears and inhaled a huge amount of air to still my breathing."How are you? Feeling better?" I slowly nodde