Nagising si Cassandra sa hindi niya alam na lugar. Madilim ang paligid at tila siwang lang sa itaas ang nakikita niyang liwanag, ramdam din niyang tila umuuga ang kinalalagyan niya.
"Nasaan ako?" Sabi pa niya habang kinukusot-kusot ang mata. Aminadong nahihilo pa siya dahil sa ipina-inom ni Jerick sa kaniya. Napakabigat ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Minabuti niyang gumapang sa sahig hanggang maabot niya ang mga pinagpatong-patong na barrel. Parang may mga laman ito na hindi niya makita dahil sa dilim. Masama ang kutob niya.
"T-tulong! Tulong! Tulungan ninyo ako!" Pabalik-balik pa niyang sigaw sa kawalan. Pinagpopok-pok ni
Kasabay ni Alejandro ang mga kapulisan para puntahan ang sinasabing Isla Catalina sa Cebu. Halos hindi niya mawari kung ano ang magagawa niya kapag nakita si Jerick.Sakay siya ng helicopter, at nakipag-ugnayan na rin sila sa kapulisan ng Cebu.Saktong pag-landing nila sa paliparan ay bumungad sa kanila ang head of chief sa Cebu, kasama nito ang iilang kapulisan para tumulong sa pagsagip ni Cassandra. Mabuti na lang at tinulungan siya ng pinsan niyang si Sherwin Dela Cuesta, na kilala rin sa Cebu. Nakipag-ugnayan siya rito para mapadali ang paghahanap niya sa dalaga.Nang maproseso ang gagawin nilang entrapment operation ay agad nilang tinungo ang isla. Buong-loob na nakatingin si Alejandro sa daan. Lulan sila sa sasakyan, habang kasama ang mga kapulisan. Tahimik lang siya sa oras na iyon, halatang pinag-iisipan ang pwedeng gawin.Ilang oras pa ang nakalipas at huminto na sila sa isang pier. "Nandito na tayo sa pier, kailangan nating bumaba para sumakay n
Hawak ni Cassandra ang sandwich habang nakaupo sa kaniyang kama. Nasa hospital pa rin siya sa ikatlong araw mula ng magkamalay siya.Tahimik lang nitong kinakagat ang sandwich na muling tumingin pa kay Alejandro. "Want some?" she asked.Umiling si Alejandro saka ngumiti."Hindi ka ba nagugutom?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro."Hindi." Tipid na sabi ni Alejandro na noo'y nakatingin lang sa kaniya. Nag-iisip kasi ito kung paano niya sasabihin kay Cassandra ang katotohanan na hindi ito mabibigla."Kung makalabas na ako rito, saan tayo dideretso?" sabi pa ni Cassandra kay Alejandro."Magbakasyon tayo sa kakilala ng pinsan ko." Sabi pa ni Alejandro sa dalaga."Saan naman?""Sa isang resort, malapit lang dito.""Hmm..it seems marami kang kakilala rito ah," ngiti pa ni Cassandra sa kaniya.Umiling siya saka ngumiti."Kakilala lang ng pinsan ko," saad pa niya saka tumayo."Oh, saan ka pupunta?" sabi pa
Tulak-tulak ni Alejandro ang wheelchair ni Cassandra habang papunta sa reception ng hotel, nasa LCDDR na sila sa Cebu para mag-relax at magpalipas muna ng panahon, kailangan ni Cassandra na magpalakas at magpagaling mula sa nangyari."Let's go, Alejandro, ang bagal mo naman!" palatak pa ni Cassandra na nayayamot habang kinakati ang pisngi."Easy, Cassandra, malapit na tayo." Saad ni Alejandro na agad namang inasikaso ng sumalubong na staff. Agad niyang nilahad ang card ni Ezekiel, kaya't tuloy-tuloy lang sila sa isang pribadong elevator.Napahanga si Cassandra sa pag-aasikaso nila sa kanila. "Wow, ah. Exclusive suite ba tayo?" nakangiting saad ni Cassandra na hindi mapirmi sa pagtatanong kay Alejandro. Halos mabali ang leeg nito katitingala, katitingin sa bawat madaanan nilang pasilyo.Nang pumaloob sila sa elevator ay inasikaso sila ng staff na siyang pumindot sa button na nasa gilid."Enjoy your stay, sir, maam." Sabi pa ng staff kina Alejandro a
"The food is ready!" tawag pa ni Cassandra kay Alejandro na nasa pool area. Katatapos lang niyang ilapag ang plato sa counter top table nag-prepare pa siya ng sandwich, egg omelet at lime juice. Hindi siya sigurado pero parang nasa-instinct na niya na iyon ang dapat niyang lutuin that time.Nakita niyang dahan-dahang lumapit si Alejandro at nagsuot ng roba. Nang makalapit ito ay umupo ito sa harapan niya at pasimpleng kinuha ang baso ng lime juice.Uminom ito na tila uhaw na uhaw."Oh great! It taste the same, Cass..i..i mean, señorita." Sabi pa ni Alejandro na sumeryoso at naupo lang.Cassandra help him to put another juice in his glass."O, kumain ka na. Alam kung nagugutom ka," Cassandra said while biting her sandwich.Tumingin si Alejandro at sumandok ng kanin at ng isdang prito, saka pa ito sumubo. "Hmmm...sarap!" sabi pa ni Alejandro kay Cassandra na pinupuri ang niluto nito."Thanks!" Cassandra said while smiling.
Matapos maasikaso ang abo ni Don Ejercito, ay agad na nilisan nina Alejandro, Kata at Kulas ang Las Vegas. Umuwi sila sa San Luisita, gamit ang private plane na na binili ni Alejandro para kay Travis. They're in their misery upon arriving. Naghihinagpis din ang hacienda Monteverde nang mapabalita ang nangyari, mabilis kumalat ang balita.Lulan pa sila ng kotse, papunta sa hacienda nang mapansin ang iilang establishimento sa bayan na naka-half flag. Simbolo na nagluluksa ang mga ito sa pagkamatay ng isa sa magaling na pinuno ng bayan. Tumuloy sila sa hacienda Monteverde, at doo'y naisaayos na ang mansyon, nang makababa sila sa sasakyan ay bumungad kina Alejandro ang naghihinagpis na mga trabahador ng pamilya. Tuloy-tuloy lang si Alejandro sa paglalakad habang hawak ang ceramic vase na pinaglalagyan ng abo ng yumaong matanda. Nakasuot lang siya ng itim na shades para hindi makita kaniyang namumulang mata na tanda ng kaniyang pag-iyak.Nang makapasok siya sa salas ay naka
Nagising si Alejandro sa ingay mula sa kusina, maagang naghanda sina Manang Anda ng makakain, at dahil d'on ay namulat siya sa pagkakasandal sa sofa. Namulatan niya ang magandang arrangement ng mga bulaklak at ang palamuti na kinase-sentrohan ng lamesang may ceramic vase."Good morning, 'nong," bati pa niya sa larawang natatanaw.Agad siyang tumayo at tinahak ang kusina. Doo'y nakita niya ang mga katiwala ng hacienda na tulong-tulong na nagluluto at naghahain ng mga pack-lunch para sa mga dadalaw at makikiramay."Ay sir, gising ka na pala...kumain ka na po, may niluto na po akong pritong isda at omelet, nand'yan na rin po sa lamesa ang lime juice." Saad pa ni manang Anda na abala sa paghalo ng kung anong putahe sa malaking kawali."Sige ho, salamat." Aniya saka pa tinungo ang lamesa. Tahimik lang siyang naupo at tinitigan ang nakahaing pagkain. Naalala niya si Cassandra na ngayo'y nandoon pa rin sa Cebu. And he is wondering if kamusta na kaya ito ngayon d
Hawak-hawak ni Cassandra ang braso ni Alejandro sa mga sandaling iyon. Dahan-dahan niyang tinatahak ang kaniyang mga paa papunta sa bukana ng mansyon. Ramdam niya ang mabigat na awra sa bawat paghakbang niya.Natatanaw pa niya ang mga trabanteng tumitingin sa kaniya."Halika na, Cassandra..." sabi pa ni Alejandro."I'm...nervous." Cassandra said. Namumula pa ang mata nito na tanda mula sa pag-iyak. Muling hinawakan siya ni Alejandro na parang nagsasabing nandito lang siya at handa siyang damayan.Alejandro rubbed her hands and smiled."Andito lang ako," sabi pa nito.Muling hinakbang ni Cassandra ang kaniyang mga paa at doo'y nabungaran ang tarangkahan ng mansyon, natatanaw niya ang salas na kinalalagyan ng mga bulaklak at pinaglalamayang abo ng kaniyang lolo. Mabilis na tumulo ang kaniyang mga luha sa nakita."Lolo...lolo! Lolo!" iyak pa ni Cassandra na noo'y napatakbo sa gawi ng lamesa. Humagulhol pa ito habang nahihirapang tumayo.
Nagising si Cassandra mula sa pagkakatulog, agad siyang napabalikwas at nilinga ang paningin."Alejandro!" tawag pa niya sa kawalan, masama ang kutob niya. Agad siyang tumayo at agad na tinungo ang labas. Pumanaog siya sa hagdan at hinanap ang binata. Magmamadaling araw na sa oras na iyon. Mayamaya ay pumunta siya sa may kusina at doo'y nakita sina Kata at Kulas."O, Cassandra, nagising ka na pala?" sabi pa ng dalawa na nagtitimpla ng kape."Nasaan si Alejandro?" aligagang tanong ni Cassandra."May pupuntahan lang daw sa Manila, maniningil lang daw siya ng utang," walang kamalay-malay na saad ni Kulas."Oh my god!" bulalas ni Cassandra na may masamang kutob."O? Bakit, bakit Cassandra?" naguguluhan na saad ni Kata sa kaibigan."I have some feeling, may kutob akong hindi maganda!" sabi pa ni Cassandra na naupo sa kalakip na silya."Huminahon na muna, please. Nakakasama sa'yo ang mag-alala, hindi ka pa magaling." Sabi pa ni Kata.
In that moment, kapwa sila nakatanaw sa anak nilang si Connor, siya ang speaker sa school nila that time, regarding sa speech nito about love, may school activity kasi ito at dapat ay hindi sila mawala sa importanteng okasyon ng anak nila.Kasama rin nila si Gerald na masayang malaman na may kapatid na siya. Isang taon lang ang gap nilang dalawa, naging madali rin dito na tanggapin ang kapatid nito. Ang sabi pa nga nito ay matagal na niyang pinapanalangin na may kapatid siyang lalaki."Look dad, mom, si Connor na po ang susunod." Sabi pa ni Gerald."Okey, let's give him a big hand!" sabi pa ni Alejandro."That's my son!" cheered naman ni Cassandra that time.Ngumiti si Connor sa sandaling iyon saka nagsimula. He starts with a bow."What is Love?" bungad pa ng paslit sa madla.May pa-aksyon-aksyon pa ito habang nakatingin sa lahat ng taong nandoon."Love is when you feel all warm inside, like having a cozy blanket on a chilly day. It's when you hug your teddy bear tight, and it's even
"Safe travels everyone," narinig niyang sabi ng flight attendant sa sandaling iyon. Tila nagbabalik sa ala-ala niya ang unang pagkakataon kung kailan siya napunta sa Pilipinas. That moment she's going to her grandparent's place.Nilingon niya ang batang katabi niya ngayon, gaya kanina'y bumalik ito sa pagtulog. Mahimbing pa rin itong natutulog, knowing that Connor gave her the authority na maging protector nito. Kampante ang bata na kasama siya.Bumuntong hininga siya sa sandaling iyon. "Sleep well, Connor." Mahina niyang sambit saka hinalikan ito sa kaniyang buhok. How she wish na sana'y may anak sila ni Alejandro na gaya ni Connor.Napatingin siya sa balat ni Connor na nasa leeg nito, magkapareho sila, may balat din siya sa leeg na gaya ni Connor. Lihim siyang napangiti, marami kasi silang pagkakapareho. No wonder the reason na mabilis silang nagclick na dalawa.Sa sandaling iyon ay kumuha siya ng magazine na nasa gilid ng kinauupuan niya, nagbasa siya doon ng isang article, latest
Nasa pier na sina Mabel sa oras na iyon. Kasama niya ang batang si Connor."Ayaw ko na po sa resort, ate ganda. Hindi po ako mahal ni Daddy, busy din po si Mommy. Hindi nila ako mahal, palaging mga yaya ko lang ang kasama ko doon." Naiiyak na sumbong ni Connor kay Mabel."Kawawa ka naman...pero dapat ay ibalik na kita doon.""Please, ate ganda. Huwag mo na po akong ibalik, sa'yo na lang po ako sasama."Nagdadalawang isip man ay walang magawa si Mabel. May kung ano din kasi ang bumubulong sa kaniya na hwag na niyang isauli ang bata doon. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero gusto niyang kasama ang bata at protektahan ito."Hmm, sige. Luluwas tayo sa Davao. Aalis tayo dito sa Samal...""Sige po, kahit saan po, sasama po ako." Sabi pa ni Connor."Pero may problema..." ani ni Mabel."Ano po?""Wala tayong pera..."Ngumiti naman si Connor sa sandaling iyon."Dala ko po ang piggy bank ko."Napangiti na lang si Mabel sa oras na iyon. Matalino rin pala si Connor dahil naisipan nitong dalh
"Nice meeting you Connor." Naglamano silang dalawa. Sa sandaling iyon ay parang may koneksyon na gumapang sa buong katawan ni Alejandro. It's very foreign to his system, parang ay kung ano sa bata na hindi niya maalis sa isip niya. May kamukha ito, pero hindi niya mapagtanto ang eksaktong detalye."You're cute." Sabi pa niya rito."Thank you po." Sagot naman ng bata."Ahm, sige Alejandro, enjoy your staycation here," ngiti ni Cassy sa kaniya.Tumango lang siya dito saka nagsara ng kaniyang kwarto. Nang makita ang kabuuan n'on ay kampante niyang nilapag ang dalang bag. Naghubad siya ng suot na shirt at dinama ang kakaibang lamig ng hangin doon. He feels alive again, parang sa lugar na ito makikita niya ang kapayapaan na gusto niya. Sa past weeks na pagtatrabaho ay puro late nights na siya kung makatulog, hectic kasi ang schedule niya at idagdag na rin ang rason na gusto niyang makalimot. Nilulunod niya ang sarili sa trabaho para lang maka-move on... but it's not effective at all."Ahhh
Kinabukasan, maagang nagising si Mabel para manguha ng mga tuyong kahoy sa dalampasigan. Iyon ang daily routine niya sa bawat araw. Iyon din ang paraan niya para manumbalik ang memorya niya sa lugar na iyon pero kahit anong pilit niyang pagbalik-balik sa dalampasigan ay wala siyang maalala na nandoon siya noon, wala siyang maaalala na taga-Samal siya."Ah, ano ba kasing nangyari noon...haysss, nakakainis." Sabi pa niya sa sarili habang hawak ang mga kahoy na napulot niya. Ilang sandali pa ay may nakita siyang bata, umiiyak ito sa may bakawan, tila nawawala ito."Hala, bata...anong ginagawa mo dyan?" nilapitan niya ito.Halatang natakot ito nang makita siya."Shh, hwag ka nang umiyak. Hindi naman ako masamang tao e. Tahan na." Sabi pa niya rito."Diyan ka lang po." Sabi ng batang paslit sa kaniya."Hindi ako masama, taga doon ako oh." Turo ni Mabel sa kinaroroonan ng bahay niya.Tiningnan naman iyon ng bata. "Anong pangalan mo?" tanong ng bata sa kaniya."Ako si Mabel, ikaw?""Ahm, ak
Unti-unting nagsi-sink in sa isipan ni Mabel na hindi nga siya nanaginip. She's with someone whose holding her arms too tight, like what her dream is telling her about. Pabalik- balik iyon sa isipan niya.Pero parang may mali, nagre-rewind ang pangyayari. It's like a flash of baliktad na eksena. Biglang nagfa-flashback ang mga pangyayari sa utak niya. Mula sa simula, heto na naman ang eksenang nandoon siya, paulit- ulit itong sumasagi sa bawat oras.Nakatayo ako sa kung saan. Baybayin, hampas ng alon, mga ibong malayang lumilipad, mga matatayog na puno ng niyog, puting buhangin, ang ganda ng asul na karagatan at ang nag-iisang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa kaniyang harapan, matamang nakatutok sa kung saan, sinasayaw ng hangin ang suot nito. Isang eksena habang babad sila sa magandang sinag ng takip-silim. Dahan-dahan siyang lumapit, isang hakbang papalapit, isang puldaga na lang ang kaniyang mga kamay, upang sana'y mahawakan niya ito. Nang biglang—"Mabel, gumising ka na, tang
Cassandra is quiet clueless on what's happening that time. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dahil wala siyang kaalam-alam na hindi pala si Alejandro ang kasama niya. Nasa helipad na siya sa oras na iyon, nagdadalawang-isip siya na sumampa sa upuan."Come on, babe. Hindi na tayo dapat magsayang pa ng oras." Sabi pa ni Alejandro, nakatingin ito sa kaniya."Naninibago lang ako sa'yo, Alejandro. You always offer a hand to me. Bakit hindi ngayon?" pagtataka pa nito."We must don't waste our time, arguing here." Medyo nagtaas na ito ng boses sa babae."I can't believe this..." sabi pa niya rito."Now." Utos ni Alejandro.Walang nagawa si Cassandra sa oras na iyon kung di ang sumunod.Nang makaupo na sila sa helicopter ay hindi napansin ni Cassandra ang sumunod na pangyayari dahil may kasama pala sila sa loob, mabilis na tinakpan nito ang mga paningin niya."What is happening, arghh! Pakawalan mo ako, ano bang problema, Alejandro?" pagpupumiglas pa ni Cassandra. May tatlong tauhan si
"Anong pwede nating gawin sa kaniya boss?" tanong ng lalaking nasa harapan ni Alejandro. Nakatingin lang ito sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo."Wait for my signal." Sabi ng matandang lalaki at muling tumalikod. Lumabas ito sa kwarto at naiwan sina Alejandro at ang lalaking nagbabantay sa kaniya."Anong gagawin n'yo sa akin? Wala kayong mapapala. Hindi ako ang hinahanap ninyo!""Tsk. Pero malaki ang kikitain namin sa'yo," makahulugang sambit nito."Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Alejandro."Hindi ka namin kilala, pero tiyak kong kilala ka ng hinahanap namin.""I don't who's that fucking guy! Hindi ko alam ang pinagsasabi ninyo.""Relax ka lang brad! Alam namin ang ginagawa namin, sa ngayon...dito ka muna." Unti- unting lumapit ito kay Alejandro at idiniin ang upos ng sigarilyo sa kaniyang hita."Ahh! Damn it!"Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng lalaki sa kaniyang pisngi. Sapol iyon, rason para matumba siya sa kinauupuan. Iyon ang pagkakataon na lumuwag ang tali ni
Nagising si Cassandra sa sandaling iyon, wala na sa tabi niya si Alejandro. Hindi niya alam kung nasaan ito."Alejandro? hon?" tawag pa niya sa kabuoan ng kwarto nila. "Baka nasa kusina..." bulong niya sa sarili saka dahan-dahang kinuha ang robe na nasa gilid ng kama. Nagtungo siya sa may kusina, pero walang tao doon. "Hon?" tawag ulit niya sa may sala. Sinipat niya ang orasan na nasa pader, pasado alas singko na ng umaga pero madilim pa rin ang paligid dahil sa masamang panahon. Nakatingin sa labas si Cassandra habang tanaw ang karagatan, halata sa kalangitan na uulan at hindi maaraw. Katunayan ay nag-uumpisa nang umambon sa labas.Nagtaka siya, nasaan kaya ang asawa niya?Nagpunta siya sa staff room, wala pang nandoon dahil stay out ang mga tauhan nila sa isla, ganoon din sa resort nila. Napahimas siya sa kaniyang magkabilang balikat. May kutob siyang may masamang nangyari sa asawa niya."Alejandro! Alejandro!" sigaw ni Cassandra papunta sa dalampasigan. Nilinga niya ang paligid p