Bleu's POV:Nanginginig kong hawak-hawak ang isang pregnancy test sa loob ng CR. I've been feeling weird and unwell, I just don't feel good at all for almost a month now, i'm not stupid to not notice that the symptoms I've been experiencing points out to one serious thing, pregnancy. Bumili ako ng dalawang pregnancy tests just in case and took it sa loob ng CR ng kwarto ko and guess what? It has the same results. "I'm dead, i'm fcking dead 'pag nalaman nila Mama 'to.", my primary reaction nang makita 'yung resulta ng ikalawang pregnancy test. Sht. I'm really dead. Ni hindi ko maalala ang nangyari nung gabing 'yun! Lumabas ako sa CR na dala-dala 'yung dalawang pregnancy tests at tinago 'yun sa drawer ko na may lock. Napaupo ako sa kama. It's the third day of the second semester of me as a 4th year University student tapos ito ang mangyayari kung kailan pa graduate na ako, wala akong masisisi, it's my fault. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko habang nag-iisip kung anong g
Bleu's POV:'Di ako makapaniwalang kailangan kong tiisin matapos ang whole semester para makalayo ako sa lalaking 'yun. No, wala na akong planong sabihin sa kanya ang ipinagbubuntis ko, maybe not now? Hindi ko alam... Base sa naging reaksyon niya palang kahapon while we were talking about sa nangyari sa min, he looked disgusted na para bang ang laking kasalanan ng nangyari sa amin... He told me na may nag utos sa akin tapos may kumalat na pictures namin at isinisisi niya sa akin? What the fck!? Bakit ko 'yun gagawin sa sarili ko? Galit na galit siya na may nangyari sa amin, how much more 'pag nalaman niyang nag bunga 'yung ginawa namin? Kabanas. Now, kailangan ko harapin 'to ng mag-isa, ang alam ko lang ay kailangan ko 'to itago hanggang sa grumaduate ako. "Boo!"Muntik akong matumba sa gulat nang may biglang sumulpot sa harap ko, napahinto kasi agad ako sa paglalakad, "Aray! Aray! Joke lang eh! Aray!"Hinampas-hampas ko siya ng malakas, kasi pa'no kung natumba nga ako kanina?
Bleu's POV:Tatlo lang 'yung subject ko ngayong araw, kaya medyo masaya ako kasi stress free, ang dami kasing gawain kahit kasisimula lang ng semester, might be because i'm graduating. Buti nalang talaga hindi ako nabuntis nung 1st semester kung saan OJT namin kasi kawawa naman si baby ko na andito sa tummy ko ngayon, baka ma stress rin katulad ko. 'Yung kasama ko talaga mag-inuman nung gabing 'yun sa club ay 'yung mga nakasama ko sa OJT. "Ano ba 'yan, ba't ang layo naman nito? Ang init-init ng panahon, ayokong mag-jeep!", reklamo ko nang matanggap ko na 'yung mensahe galing kay Ampalaya kung saan kami magkikita at eme-meet 'fiancee' niya, kadiri. "Hoy, besh! Sa'n ka? Kanina ka pa namin hinahanap! Arcade daw tayo, sama ka?", sigaw ni Sam nang magkita kami sa labas ng University. Hindi niya kasama si Eric at Tricia, mukhang nauna na ata sa Arcade. "Kailangan kasi ako sa bahay, sa susunod nalang! Promise! "Napasimangot si Samantha."Sige, gets ko naman, next time ah?""Oo nga, pro
Bleu's POV:Parang tangang payuko-yuko ako sa upuan ko nang makitang papasok na siya sa classroom. Sabi ko nung isang araw 'di ako papasok sa klase niya pero letse takot ko lang hindi maka graduate T_T baka totohanin ako ng Ampa na 'yan at hindi ipasa sa subject niya. Saktong pagsilip ko sa harap ay nakapasok na siya tapos nakatingin rin pala siya sa banda ko kaya nagkatinginan mga mata namin, agad akong napaayos ng upo at umiwas ng tingin. Ayoko naman ipagpatuloy 'yung payuko-yuko ko noh! Lalo na't nasa harapan na siya. Rinig na rinig ko 'yung malakas niyang pag tikhim kasi 'pag nasa loob na kasi siya sa classroom tumatahimik lahat. Nasa ibang direksyon nakaharap mukha ko pero 'yung mga mata ko nakatingin sa harap. "Good morning.", parang hindi niyang sincere na bati sa amin kasi napakalamig ng boses niya katulad ng panlabas niyang anyo, good morning raw... Anong good sa umaga? Diba by schedule 'yung subjects ko? 'Yung subject niya is MTF sa schedule ko, ibig sabihin, Monday,
Zane's POV:"Good morning class.", bati ko sa lahat nang makapasok ako sa loob ng classroom. "Good morning prof!", bati nila pabalik sa akin kahit hindi sabay-sabay. Ibinaba ko 'yung manual ko sa mesa ko sabay napatingin sa upuan niya, kumunot ang noo ko. Where the heck is she? Napatingin ako sa pintoan nang biglang may pumasok at taas kilay ko siyang sinundan ng tingin palapit sa akin, inabot niya sa akin 'yung envelope na naglalaman ng test papers at answer sheet nung quiz nila last week. "Sorry, i'm late. Traffic.", tinatamad niyang sabi sa akin tapos hindi pa nakatingin. Nalilito ako sa kinikilos niya kaya hindi ko nakuha agad 'yung envelope ka inaabot niya kaya siya na mismo nag lapag nun sa mesa ko atsaka umalis para pumunta sa seat niya. Napalibot ako ng tingin sa classroom at nakitang nagtataka rin ang lahat sa inaasta niya sa harap ko, nakalimutan niya atang professor niya ako? We were talking just fine sa cellphone yesterday nang bigla niyang ibaba agad ang tawag ta
Bleu's POV:Nung nakaraang araw pa ako parang tanga bigla nalang ngingiti kasi sumasagi nalang sa isipan ko biglaan 'yung kabaliwan na ginawa ko, hindi ko naman 'yun first kiss pero kilig na kilig ako, hindi rin naman ako magtataka kung ba't ako kinikilig, ang pogi kaya ni Ampa. Bumaba ako galing sa kwarto ko papuntang kusina para kukuha sana ng makakain sa fridge, oh diba? Kakain na naman ako. Hindi naman ako excited pumasok noon pero hindi na ako makapag-antay para bumukas kasi first subject ko si Ampa, enebe hahahahhaNawala 'yung ngiti ko nang makita sa dining table si Mama at Papa na kumakain. Minsan ko lang makita sila Mama at Papa sa bahay, it's either nasa business trip sila o buong hapon andun sa trabaho nila. Nakakasama ko lang sa bahay lagi ay si Manang Cynthia tapos 'yung dalawa pa naming kasambahay. Ba't 'di ako na-inform na nakauwi na pala sila Mama? Napatingin silang dalawa sa akin nang palapit ako, napapalunok ako ng laway, kita mo bahay namin 'to, dito ako nakati
Bleu's POV:Dumaan na ang isang buwan, oo isang buwan, ibig sabihin 2 months na akong buntis pero hindi pa rin naman ganun kahalata kasi wala namang masyadong pinagbago sa laki ng tiyan ko, mukha lang akong busog ng konti hahahaha. Ayun nga, isang buwan na rin lumipas simula nung pinilit ko si Ampa na jowain ako pero guess what? 'Yung akala ko may progress na kami, akala ko lang pala. Minsan lang kami magsama 'pag nasa school lang ako at 'pag subject niya kasi hindi ako makapunta lagi sa opisina niya dahil pinagbabawalan niya ako. Inaasahan ko magiging sweet man lang siya kahit konti, pero alam niyo? Ginawa na talaga akong secretary ng lalaking 'to. Kung anu-ano inuutos sa akin tapos ako lagi ginagawa niyang checker sa mga test papers. Kulang nalang sweldohan niya ako eh. Mas lalo pa siyang naging strikto kung alam niyo lang, ang tahimik 'pag siya 'yung nagtuturo, kasi next week na first midterm exam, malaki expectations niya raw sa section namin, nakaka pressure diba? Wala akong
Zane's POV:Napahinto ako sa harap ng bahay ko, it's more like my parents home na ako na ang nakatira kasi nasa States si Dad with his second family, at nasa Baguio si Mama with her second husband, yeah, i'm all left alone. It's inside a village. Napatingin ako kay Bleu ng saglit, she fell asleep at basa pa rin damit niya pero hind na ganun ka ba sa kanina kaya hindi na masyado bakat pang itaas niya. Nagpahinga ako ng malalim, now I feel bad na nasigawan ko siya kanina. Tigas kasi ng ulo. "Hey, wake up.", gising ko sa kanya at agad rin naman siyang nagising. Napatingin siya sa labas saka sa akin. "Saan tayo?", nagtataka niyang tanong. "You don't want me to take you home but I don't want you to go home alone either lalo na't ganyan itsura mo, dinala kita sa bahay ko. Change your upper first at ako na mismo magtatawag ng taxi pauwi sa inyo."Nanlaki mga mata niya, "Hala? Bahay mo? Baliw ka... Teka.. "Basing on how she talks to me mukhang okay na siya dahil nakatulog, I really c
Third Person's POV:"Maghiwalay na tayo.", rinig na rinig sa bawat sulok ng condo ni Dave ang sinabi ni Althea. Napahinto si Dave sa pinapanood sa netflix nang dahil sa narinig, napalingon siya kay Althea. "What?", tanong nito, asking Althea to repeat what she said."Maghiwalay na tayo. Pagod na pagod na ako. Lagi nalang ganito, Dave.", may namumuong luha sa mga mata na ani ni Althea."What the heck are you talking about?", kunot noong tanong ni Dave sa dalaga."I thought ikaw na talaga. That you'd complete me, that we'll work out. I've imagined a future with you pero habang tumatagal tayong magkasama, mali pala ako. I have realized a lot of things, our personalities doesn't even match. I'm so tired trying to work things out alone, hindi ko na kaya. Let's break up, i'm leaving you.", may luhang tumulo sa kaliwang mata ni Althea at agad niya itong pinunasan."Okay.", mabilis na sagot ni Dave. Nanlaki ang mga mata ni Althea."What?", hindi makapaniwalang reaksyon ng dalaga."I said ok
Dave's POV:Ubos na ang enerhiya ko. Kung saan-saan na ako hinila ni Althea at kung saan-saan na kami napunta, hindi ako makapag-reklamo kasi maliban sa maiinis siya sa akin ay baka hindi na naman ako pansinin ng mga ilang araw. Alam ko, when did I ever care? Kailan ba ako nagka-pake kung maiinis siya sa akin o kung hindi niya ako pansinin? Ewan. Nagising nalang ako isang araw na kahit bwine-bwiset ako ng babaeng 'yun minu-minuto ay 'di ko siya dapat inisin pabalik. Tsk. "Lika naaaaaa~ sayaw tayoooooo.", hinihila na naman niya ako. Andito kami sa isang club, hindi ko rin alam kung ba't napunta kami dito, parang kanina lang nasa Mall kami. "No, you can dance alone, okay? I'll just watch you here. I'm damn tired, Althea."Kaninang umaga pa kami kung saan-saan napunta tapos anong oras na ba ngayon? Mag aalas-dyes na ng gabi. Napahinto siya sa pag-hila sa akin kasi hindi talaga ako nagpapahila, binibigyan niya na naman ako ng masasamang tingin. Eto na naman tayo, gusto niya talaga l
Bleu's POV:It's been 5 months, 5 months after I gave Zane a chance and within those months he made me feel and the kids that nothing could ever go wrong again. He's been trying hard to court me and the kids at the same time for the past 5 months. Mabilis niya lang nakuha loob ni Laine, maybe because they both have the same personality and i'm really glad seeing Laine calling him every single time like a father when she needs help about something. Guess what? I don't see the need na patagalin pa o pahirapan siya, we've grown up and i'm all aware sa nararamdaman ko sa kanya and the kids love him kaya i'm planning na sagutin siya ngayon. Actually, last week ko pa gustong gawin kaya lang nawawalan ako ng timing. Kinakabahan ako na para bang teenager na may balak sagutin ang matagal niya ng manliligaw. "No. Put that back."Napasunod ako ng tingin doon sa garapon ng gummy bears na inilagay ko sa pushing cart namin na kinuha ni Zane at ibinalik sa shelf. Nasa mall kami, nagro-grocery n
Bleu's POV:Dahan-dahan na ibinaba ni Zane si Tobi pahiga sa kama nito. Zane cooked dinner for us, maliit lang kinain ni Laine kasi kanina pa wala sa mood tapos ang aga natulog, nagpaalam naman siya kay Zane before going to bed. Zane spent playing around with Tobi hanggang sa mapagod ito. Buti nalang talaga never once na ginawang kabayo ni Tobi si Zane, 'di katulad nung kay Zach na halos mapunit na damit ni Zach dahil sa pinanggagawa ng anak ko. Maingat kaming lumabas ng kwarto ni Zane after niyang maihiga si Tobi ng maayos. "It's very late, I need to go.", paalam sa akin ni Zane. "Ihahatid kita sa labas.", alok ko sa kanya. "No, it's fine. You should rest, i'll lock the gate and the door myself."Hindi pwede. Kailangan mahatid ko siya sa labas kasi ngayon ko nga siya balak sagutin. Matatapos na naman ba ang araw na hindi ko masasabi nararamdaman ko? Tapos bukas na naman? Then hindi matutuloy ulit, tapos another bukas... Like Hello? Ilang bukas pa ba aantayin ko? "No, let me s
Tumahimik 'yung paligid nang makapasok na si Zach sa loob ng bahay kasama si Laine at Tobi, kung saan na dumako ang mga tingin ni Bleu maliban nalang sa ginoong nakatayo sa tabi niya. Bleu heard the sudden movements from the man beside her kaya napatingin na siya dito. Nakita niyang inaayos nito ang pang-itaas na damit na ngayon ay sobrang basa dahilan ng pag buhat nito kay Tobi. "You messaged me na may meeting ka ngayon kaya hindi ka makakabisita?"Napaiwas ng tingin ang ginoo sa naging tanong ni Bleu. "Zach told me he'll be visiting. The meeting finished early, so why can't I be here?"'Huh? So ano talaga? Andito siya kasi andito si Zach? O dahil natapos ng maaga meeting niya? Beh baka both! Ang hina ng hearing comprehension mo Bleu!', laman ng isipan ni Bleu. "I see. May dala ka bang extra na damit? Basang-basa ka.", sabi ko habang nakatingin sa pang-itaas niya. Umiling si Zane kung kaya't napaisip si Bleu ng gagawin. May mga damit kaya siya na pwede magkasya kay Zane? "Hal
Zach's POV:Nagdra-drive ako papuntang sementeryo. Hindi ko alam kung nagkausap na ba ang kapatid ko o si Claire kaya kailangan ko e-check para makasigurado. What they really need right now is to talk. Malapit na ako sa sementeryo ay nahagilap ng mga mata ko si Claire na naglalakad papalayo doon. Teka? Pauwi na ba siya? Tapos na ba sila mag-usap? Bumusina ako para makuha ang atensyon niya, pero lutang lang siyang naglalakad sa gilid ng daan. Hindi ba naging maayos ang pag-uusap nila ni Zane? Ipinara ko ang kotse ko malapit sa kanya at bumisina ng ilang ulit kaya doon na siya napatingin sa akin. Ibinaba ko 'yung bintana ng kotse ko. "Sakay.", sabi ko sa kanya at kahit hindi siya sumagot ay sumakay naman siya sa kotse. "Anong nangyari? Hindi ba naging maganda takbo ng pag-uusap niyo ni Zane?", tanong ko sa kanya habang sinusuot niya 'yung seatbelt. "Why do you think so?", kunot noo niyang tanong pabalik sa akin. "You were spacing out.", sagot ko. Napailing naman siya. "I'm
Huminga ako ng sobrang lalim. "I should've told you both about this sooner but it was really hard and I can't find the right words to say. Me and Tito Zach are no longer getting married. We decided to stay as friends.", mahinahon kong sabi sa kanila. Hindi ko mabasa ang reaksyon ng mga mukha nila. "I feel sad... I thought I now have two Dads.", nakayukong sabi ni Tobi. "Is that why he's not visiting us again? Because you're no longer getting married? Is that why? Was he just doing all those things in the past because you were getting married, tapos ngayong hindi na ay huminto na siya? Is that it?"Nagulat ako sa tono ng boses ni Laine. She sounds mad and disappointed at the same time. Umusog ako palapit kay Laine. "Anak, don't say that. Busy lang si Tito Zach niyo kaya hindi na nakakabisita pero he video calls pa rin naman diba?"I wasn't expecting this kind of reaction from Laine. "He doesn't anymore. It's been 4 days."Nagtatampo ba siya kay Zach? Ang alam ko talaga ay maram
Claire's POV:*YEARS AGO*Itinapat ko sa tenga ko ang cellphone ko pagkatapos ko tawagan ang number ni Zane. Nasa harap ako ng paaralan kung saan siya nagtuturo, ayokong pumasok sa loob ng kusa para hanapin siya kasi nahihiya ako, lalo na 'pag pinag-titinginan ako ng mga estudyante. Ibinaba ko saglit ang cellphone ko at tinignan ang screen. Hindi niya kasi sinasagot. Ang alam ko lunch time nila ngayon and he promised me na he'd take me out for lunch kasi sa hindi niyo na itatanong ay anniversary namin ngayon. Zane is retiring from teaching soon so busy na busy siya to make the most out of it at naiintindihan ko 'yun. Dinial ko ulit ang number niya at nang sagutin niya 'yun after four rings ay agad na lumiwanag ang mukha ko at napalundag ang katawan ko sa saya. "Zan—""Claire, i'm sorry. Nasa school ka na ba? May biglaang meeting kasi, I can't eat lunch with you. Babawi ako mamaya sa dinner."Hindi ko pa tapos tawagin pangalan niya ay 'yun agad ang binungad niya sa akin. Nawawalan
Kunot noo na napatingin si Tito Arthur kay Daddy. "What do you mean?", may halong inis nitong reaksyon. Inilipat ni Daddy ang atensyon niya mula kay Zach, papunta kay Tito Arthur. "You're really asking me that? I just know that this pact between us would help your business greatly and I don't want that to happen anymore pagkatapos ng mga nalaman ko. You're not human, Arthur, you're a monster!"Napatayo ang Daddy ni Zach at napahampas sa ibabaw ng mesa, agad naman napahawak sa braso ang Mama ni Zach kay Tito Arthur. "Anong pinagsasabi mo huh?", galit nitong tanong. "How could you do that to a child, Arthur? Ikaw ang rason sa nangyari! Kung hindi narinig ng bata ang baho na nilalabas ng bibig mo, the child would've been fine right now!"Natigilan ako. So Dad heard about everything? And he's calling everything off because of that? "Ayusin mo pananalita mo Jeff. Stop accusing me. Lahat ng sinabi ko sa araw na 'yun? I did not regret that! Kasi lahat ng 'yun totoo! That child is a b