Share

His Ex

Bleu's POV:

Tatlo lang 'yung subject ko ngayong araw, kaya medyo masaya ako kasi stress free, ang dami kasing gawain kahit kasisimula lang ng semester, might be because i'm graduating.

Buti nalang talaga hindi ako nabuntis nung 1st semester kung saan OJT namin kasi kawawa naman si baby ko na andito sa tummy ko ngayon, baka ma stress rin katulad ko. 'Yung kasama ko talaga mag-inuman nung gabing 'yun sa club ay 'yung mga nakasama ko sa OJT.

"Ano ba 'yan, ba't ang layo naman nito? Ang init-init ng panahon, ayokong mag-jeep!", reklamo ko nang matanggap ko na 'yung mensahe galing kay Ampalaya kung saan kami magkikita at eme-meet 'fiancee' niya, kadiri.

"Hoy, besh! Sa'n ka? Kanina ka pa namin hinahanap! Arcade daw tayo, sama ka?", sigaw ni Sam nang magkita kami sa labas ng University.

Hindi niya kasama si Eric at Tricia, mukhang nauna na ata sa Arcade.

"Kailangan kasi ako sa bahay, sa susunod nalang! Promise! "

Napasimangot si Samantha.

"Sige, gets ko naman, next time ah?"

"Oo nga, promise."

Nginitian ako ni Sam tapos pumara na siya nga jeep saka sumakay.

Takot kasi sila 'yan sa mga magulang ko kaya 'pag rason ko kailangan ako sa bahay, walang kibo ang mga 'yan at hahayaan lang ako.

Sinusundan ko ng tingin 'yung mga jeep na dumadaan, nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako o hindi, kasi ang init tapos siksikan T_T hindi naman sa maarte ako pero ewan ko ba, hindi ko alam if dahil 'to sa pagbubuntis ko pero ang dami kong reklamo mostly sa lahat ng bagay.

Nakita kong may palapit na taxi, pinara ko 'yun. Bahala na, si Ampalaya magbabayad ng taxi fare.

Ang alam ko lang sa loob ng isang coffee shop kami magkikita, binigay ko sa taxi driver 'yung address. Menessage ko si Ampalaya na antayin niya ako sa labas kasi baka kunwari mawala ako, kaya ko lang talaga gusto antayin niya ako sa labas eh para siya magbayad ng taxi hahahaha

Tama bang nag taxi ako? Hindi ko type ang amoy dito, nakakahilo.

Buong biyahe, parang tanga akong nagdadasal na sana makarating na kami kasi nga nakakahilo 'yung amoy ng taxi, nasusuka ako!

Nang mapansin kong malapit na kami sa, Espresso Express— 'yung coffee shop kung saan magkikita kami ni Ampalaya, ay napatingin ako agad sa labas, nakita ko siya sa may gilid at nakatayong nag-aantay, masunurin naman pala hahahah kahit na sirang-sira 'yung mukha niya habang nakatingin sa relo niya.

'Yung mga babaeng dumadaan, napapatingin sa kanya tapos siya walang pake, kasi mukhang kasing init na ng panahon 'yung ulo niya kakaantay sa akin.

"Kuya, doon ka huminto sa harap nung lalaki.", sabi ko sa driver.

"Yan po bang pogi na naka polo na itim?", tanong ng driver.

Pogi? Pwe!

"Opo kuya, 'yung lalaking naka polo na itim without the word pogi.", sabi ko at napairap ng patago.

Hindi si Kuya driver iniirapan ko ha? Just the thought na pati si Kuya driver napopogian sa kanya ay mapapairap ako sa inis, kasi truth hurts!

Hininto ni Kuya driver 'yung taxi sa mismong harap ni Ampalaya kaya napaatras siya, natawa ako sa mukha niya eh, akala niya sasagasaan siya hahahahha

"Kuya, teka lang ah? Siya magbabayad.", sabi ko sa kanya sabay turo kay Ampalaya, ngumuti naman si Kuya.

Bumaba ako sa kotse at grabe ang Ampalaya na 'to kung makatingin! Parang jinu-judge buong pagkatao ko!

Nilahad ko 'yung palad ng kanang kamay ko sa harap niya, at nagtataka siyang napatingin doon.

"Namamalimos ka ba?", taas kilay niyang tanong, sarap putulan ng dila:)

"Bigyan mo ako ng pera, magbabayad ako sa taxi driver."

Binigyan niya ako ng matagal na tingin bago niya abutin 'yung pitaka niya sa likurang bulsa ng pantalon niya;

"Magkano?", tanong niya.

"500"

Nanlaki mga mata niya.

"Anong 500? Ba't ang mahal? The school isn't that far from here, wait, let me talk to the driver."

Akmang lalapitan niya 'yung driver's seat nang hilahin ko siya, parang sumusugod lang ng away eh...

"May sukli pa 'yan! Ang hawt mo masyado, may sukli pa!"

"Ba't kasi 'di mo sinabi ang exact amount?"

Ang kuripot naman! Balak ko kasi iuwi ang sukli hahahahha

"Akin na! Bilisan mo! Nag-aantay si kuya eh!"

Kulang nalang kunin ko sa kanya pitaka niya eh, kaya napakuha siya ng limang daan agad at binigay sa akin.

Binayaran ko si Kuya Driver tapos binulsa 'yung sukli hahaha kurakot 'to hahaha

"Nakita kong binulsa mo sukli ko."

He looks so done with me by the way hahahaha

"Ano ngayon?"

He hissed at tinalikuran ako,

"I can't really argue with a kid, tsk.", mahina niyang sabi pero rinig ma rinig ko kasi nakasunod lang ako sa likuran niya.

Argue with a kid? Tinawag na akong bata, kung umasta parang hindi niya nabuntis sa kama, langhiya! Give chance kasi hindi niya rin naman alam na nabuntis niya ko, galing eh, walang mintis.

Nang makapasok kami doon sa coffee shop ay naupo siya agad sa table kung saan malapit lang sa entrance, gusto ko talaga sa tapat niya umupo pero hinila niya ako kaya napaupo ako sa tabi niya, he said that doon raw mauupo 'yung ex-fiancee niya na parating na.

"Di ko alam kung anong gusto mo, so I ordered the most decent one.", sabi niya sabay inalok sa akin 'yung parang milkshake na katabi nung kape na inorder niya.

Ang init ng panahon, nagkakape!

Tinikman ko 'yung inorder niya para sa akin at okay lang naman ang taste, atat na atat ba 'to at nag order kahit wala pa ako?

I took a sip again at napatingin sa entrance nang tumunog ito, ibig sabihin may pumasok o lumabas...

May biglang pumasok na babae na naka-shades, tinanggal niya 'yung shades at napalibot ng tingin sa paligid, huminto siya ng tingin sa table namin...

"That's her.", mahinang sabi ni Ampalaya, napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa babaeng 'yun.

Binalik ko 'yung tingin ko sa babaeng kakapasok lang at naluwa ko ata iniinom kung shake...

Buset, ang ganda! Mukhang artista!

Bleu's POV:

Naupo sa harap namin 'yung babaeng mukhang artista, 'yung aura ng babaeng 'to napaka intimidating sa puntong napaupo ako ng tuwid.

Napanakaw ako nga tingin kay Ampalaya at parang may kinang sa mga mata niya habang nakatingin sa babaeng kaharap namin.

Hindi na ako magtataka pa at nakabingwit ng ganito kaganda na fiancee 'tong si Ampa kasi ka-level niya lang te, ako lang ata nakakapangit sa view ng mapapatingin sa amin! Di na rin ako magtataka why he wants this lady back so desperately, cuz I mean look at her, hindi ko rin iiwan fiancee ko kung lalaki lang ako tapos ganyan rin kaganda.

Agad ako nag-iwas ng tingin nang tumingin sa akin 'yung babae, nakakatomboy siya men, pati ako nahihiya.

Bumalik lang 'yung tingin ko sa kanya nang ilihis niya tingin niya kay Ampa, simula ngayon Ampa na tawag ko sa kanya kasi sobrang haba ng Ampalaya putek.

"So? Anong gusto mong pag-usapan?", tanong nung chix— I mean babae.

"Do you recognize her?", sagot ni Ampa sa kanya pertaining to me, napatingin siya sa akin ulit.

Umayos ka, Bleu! Baka nakalimutan mo kung bakit nasa iisang table ka nila ngayon? Tutulungan mo dapat si Ampa na magkabalikan sila ng babaeng 'yan, si Ampa na without letter P ay Ama ng ipinagbubuntis mo.

"Ako 'yung babaeng kasama ni Zane sa picture na 'yun."

Nagsalita na ako, mas tatagal lang ang usapan na 'to kapag walang maglalakas ng loob na maging straightforward.

Nagbago 'yung Timpla ng mukha nung babae habang nakatingin sa akin,

"Ano 'to? At talagang ipapakilala mo pa sa akin ang babae mo?", sabi niya kay Ampa.

Babae mo? Ginawa na akong kabet, hayop na 'yan T_T

"Claire, I've been looking for her para rin maliwanagan sa nangyari, someone is trying to ruin us at nagtagumpay siya nung hiwalayan mo ako, Claire. I was drugged ng gabing 'yun... ", panimulang eksplenasyon ni Ampa

"You should believe him, we were both drunk and he got drugged, nagkataon na lumapit ako sa kanya nun kasi I was dared by some friends to get his number. Wala akong balak na sirain kayo, we were both out of control, I know lahat ng sasabihin namin would only sound as an excuse pero 'yun yung totoo.", pag tulong ko kay Ampa.

Na palipat-lipat ng tingin sa amin ni Ampa ang ex-fiancee niya, what's with her reaction?

"Let's say na totoo ang pinagsasabi niyo pero Zane, wala ng magbabago... "

Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?", Ampa.

"I'm dating someone else now."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig ko, tinignan ko si Ampa habang takip-takip 'yung bibig ko para makita ang reaksyon niya, oh my god, bakit andito ako? Anong telenobela 'to jusko!

"Claire, it wasn't even one month yet simula nung naghiwalay tayo... "

Langya, naaawa tuloy ako kay Ampa, ganyan na nga ka-gwapo, pinagpalit pa T_T

Iba rin ang babaeng 'to, bilis naman nakahanap ng ipapalit!?

Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina, kung ganyan kaganda pero ang pangit ng ugali? No thanks.

"I know and i'm sorry, Zane. Wala na akong pake kung totoo ang pinagsasabi niyo o hindi, i'm really happy now. If there's nothing else, aalis na ako."

Tumayo 'yung ex-fiancee niya kasi aalis na ata nang biglang abutin ni Ampa 'yung braso niya kaya napahinto ito,

"Pa'no mo nagawa sa akin 'to? Minahal mo ba talaga ako?"

Letseng linyahan 'yan, anong movie 'to?

"I did, I just moved on.", sagot nito kay Ampa.

Biglang natawa si Ampa ng mahina, nabaliw na ata.

"Ng ganun kabilis?", 'di makapaniwalang tanong ni Ampa, nagmumukha akong referee dito, mga walanghiya 'to!

Tinanggal nung babae 'yung pagkakahawak ni Ampa sa braso niya,

"Oo, ganun kabilis."

Napatingin ako kay Ampa at 'yung kinang ng mga mata niya ay naglaho na, napalitan ito ng bahid ng sakit;

Wala naman akong kasalanan pero ako 'yung nagi-guilty!

"Teka."

Bwiset na bibig 'yan! Sino may sabing pwede kang magsalita?

Napalingon siya sa amin ulit, napatayo ako.

"You just lost a gem. Sana wala kang pagsisihan sa huli.", sabi ko sa kanya at ngumisi siya, parang kanina lang gandang-ganda ako sa kanya, ngayon parang gusto kong gawing mop mukha niya sa sahig eh!

"Wala akong pagsisisihan, lalo na kung isang katulad mo lang ipapalit niya sa akin."

"Woahahhahahaha", reaksyon nung mga nakarinig.

Mga langhiyang 'to! Ano akala nila? Fliptop battle?

"Atleast i'm a decent one, you can say that again 'pag 'di na kasing kapal ng mukha mo 'yang make up mo."

"Woahahahahajaj", relasyon ulit nung mga chismoso't-chismosa.

"Buti nga naghiwalay kayo, 'wag na 'wag kang maging asong ulol na maghahabol kay Ampa sa oras na ma-realize mo ang binitawan mo."

Kunot noo na napatingin sa akin si Zane,

"Ampa? Sinong Ampa?", nalilito niyang tanong, kung pwede lang ma typo 'yung bibig 'yun 'yung irarason ko sa kanya T_T

"Basta.", sagot ko sa kanya.

"And how can you be so sure na maghahabol ako sa kanya?", confident nitong tanong.

"Nalihis ka kasi sa tamang daan sa tingin ko, katulad ng ilong mo na tabingi, sayang 'yung pera na binayad mo diyan."

Kinuha ko 'yung kamay ni Ampa saka hinila siya patayo, nalilito pa ata siya sa nangyayari kasi nagpahila lang rin. Professor niyo, lutang!

Hinila ko palapit ng entrance si Ampa tapos huminto saglit sa harap ng babaeng 'yun, gandang-ganda talaga ako sa kanya eh na hindi ko na pinansin mga pinagawa niya sa katawan at sa mukha kasi dapat girl power pero kung ganito ugali? No thanks ulit.

"Ikaw 'yung nang-iwan, ereremind ko lang na wala ka ng babalikan. Tabi!", huli kong sabi sa kanya at sadya siyang binangga.

Hinila ko na palabas sa coffee shop na 'yun si Ampa, kasi kawawa naman ang lalaking 'to, ano ba nagustohan nito sa babaeng 'yun? Ambaho ng ugali!

Habang hinihila ko siya ay bigla niyang inalis 'yung pagkakahawak ko sa kamay niya kaya napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.

"Bakit mo 'yun ginawa?", may halong inis niyang tanong.

"Anong bakit? 'Di ba obvious, she's literally playing with your feelings!"

"Anong pake mo ? You just made the matter worst! Kaya ko pang ayusin 'yun!", galit na siya.

Talagang sa akin pa siya nagagalit?

"Naririnig mo ba sarili mo? You're proving the saying na kahit gaano katalino ng tao, nagiging bobo sa pag-ibig. Anong maaayos mo pa? She said she's dating someone else! Pinamukha niya sayo na kahit ginusto mo man 'yung nangyari sa atin o hindi ay wala siyang pake! Ano pang aayusin mo dun?"

"That still doesn't give you any right na ipahiya siya sa maraming tao at makisawsaw sa problema na hindi ka naman kasali!", tumaas 'yung boses niya kaya medyo napaatras ako sa gulat.

"Pinahiya niya rin ako! Kasali na ako sa problema, simula nung napagdesisyonan mong isama ako dito! Sorry ah? Ikaw na nga 'yung tinulungan ko, ikaw pa 'tong galit!"

"Humingi ba ako ng tulong!?"

Mahigpit akong napahawak sa shoulder bag ko, pero hindi ko na napigilan 'yung sarili ko, hinampas ko sa bandang dibdib niya 'yung shoulder bag ko;

"Pasensya na! Naging kasalanan ko pa. I was so stupid na isipin na kailangan mo tulong ko, na naisip kong hindi mo deserve na mapahiya ng ganun kaya pinahiya ko nalang sarili ko! Sorry talaga! Walanghiya ka!", hinampas ko ulit 'yung bag ko sa bandang dibdib niya saka nag walk out kasi sa oras na mag tagal pa ako doon ay tutulo na talaga luha ko.

Ayoko na ring makipag sigawan sa kanya kasi mababsag na 'yung boses ko.

Bakit ako umiiyak? I am just so frustrated, ginagago na siya ng babaeng 'yun and all tapos ipinagtatanggol niya pa rin? What the fck, diba?

Hindi ako papasok sa klase niya bukas, bahala na kung anong gagawin niya. I am never seeing him again!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status