Share

WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE
WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE
Author: Shein Althea

Simula

Author: Shein Althea
last update Last Updated: 2021-04-12 21:15:33

"Yes! Mrs. Monterio. This is noted. Okay, we're going to meet tomorrow. Sige po. Bye!"

Pagkatapos kong maibaba ang tawag ay napabuntonghininga na lamang ako. Mabilis din ang aking paglalakad habang papasok sa clubhouse ng South Ridge Village, isang eksklusibong lugar na kinabibilangan ng mga mayayaman at mga prominenting tao. Napailing na lamang ako habang pinagmamasdan ang aking itsura mula sa salaming dingding nito. Pawisan at halatang pagod mula sa pagmamadali.

"Malas!" bulong ko sa sarili.

Sa entrada pa lamang ng nasabing lugar ay kapansin-pansin na ang magarbong interior nito. Ang namumukod tanging fountain na nasa sentro mismo nang pavillion at ang malawak na function hall. Minimalist ang disenyo at kulay ng lugar kaya napakaganda at napakaaliwalas nitong tingnan.

Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko rin ang naggagandahang mga muwebles na aking nadaraanan. Ang naghuhumiyaw na kaelegantehan nito at ang magarbong marmol na sahig na lahat ay halatang pinagkagastusan. Ngumiti ako sabay napailing. South Ridge Village screamed luxury, the main reason why I always wanted to live in the place.

"Alam mo ba? 'Yang bagong lipat d'yan sa kabila, kabit pala 'yan?"

Tumaas kaagad ang kilay ko nang marinig ang isang bulungan mula sa aking harapan. Kakaupo ko pa lamang mula sa mahabang paglalakad ngunit iyon na kaagad ang bumungad sa akin. Parehong sopistikada at nagsusumigaw sa karangyaan ang mga ito na prenteng nakaupo sa silya na nasa aking unahan. Kasalukuyang nagsasalita ang presidente ng village para sa gaganaping Christmas Party sa darating na pasko ngunit, iba naman ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Narinig ko nga rin sa isang amiga ko, binubugbog pala 'yang si Mrs. Martinez. Naku! Napakaganda at napakamahinhin pero may pinagdadaan pala," wika naman ng isa. Hinampas pa nito ang kasama habang nagtatawanan ang mga ito na para bang may nakakatawa sa kanilang pinag-uusapan.

"Alam mo, 'yang si Mrs. Ramirez din, niloloko ng asawa. Nakita ko kamakailan, umiiyak ng mag-isa sa park. Nakakaawa!"

Tumikhim ako. Tumikhim ako para agawin ang kanilang pansin at hindi naman ako nabigo. Agad na nanlaki ang kanilang mga mata pagkakita pa lamang sa akin. Napangiti rin ito nang pilit na hindi man lamang umabot sa mga mata ng mga ito.

'Plastic!' hiyaw ng aking isip.

"It's very rude to talk about others life behind their back. Why not, talk to them in private. Malay niyo, makatulong pa kayo," mariin kong sabi sa mga ito.

Natawa ang dalawa nang alanganin. Hindi rin mapirmi ang kanilang mga mata na nakatitig sa akin.

Bakit ba may mga taong mahilig mangialam sa buhay ng iba? Bakit may mga taong natutuwa pa sa kamiserablehan ng iba? Why didn't they mind their own business? It was easier that way.

"Pasensya ka na, Doktora," hinging paumanhin ng mga ito sabay napayuko. Halatang napahiya ang mga ito sa kanilang ginawa.

Tumango ako at lumipat na lamang ng bagong upuan. Pinili ko ang bakanteng silya na ilang dipa lamang ang layo mula sa entablado. Nakinig ako sa bawat plano at mga suhestiyon ng iilan kong kasamahan sa home owners ngunit saglit lang ay hindi ko maiwasang sulyapan ang aking mga kasamahan isa-isa.

Curiosity filled within me while watching them from afar. Nagsusumigaw rin sa aking utak kong totoo ba ang paratang sa mga ito. Kung totoo bang niloloko ang mga ito ng kanilang mga asawa.

Napailing ako kapagkuwan. Ano bang pinag-iisip ko? Na katulad ko ay niloloko rin ang mga ito? Na miserable rin ang buhay ng mga ito?

Mas lalo akong nanliit sa sarili dahil sa naisip. How low of me thinking misfortune to others. Nakakatawa at nakakaawa ang isang katulad ko. Isang babaeng nang-aamot nang pagmamahal mula sa taong nangako ng walang hanggan sa altar kasama ko.

Napangiti ako ng mapait para sa sarili. Pinilit ko ring pakalmahin ang unti-unti na namang pagsikip ng aking dibdib. Sino nga ba ang niloloko ko? Aasa pa ba akong mahalin ng aking asawa? Ang pangako ni Atlas sa harap ng altar ay hanggang salita lamang. Walang ibang kahulugan. Dahil alam na alam ko naman na hindi niya ako mahal. Napakasakit para sa katulad kong namanhid na nang hapdi at pasakit.

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang meeting. Mabilis akong tumayo para lisanin na ang lugar, ngunit tinawag ako ng presidente. Wala akong nagawa kundi ang makihalubilo sa aking mga kasamahan.

Habang nagpapalitan ng salita ang mga ito sa harap ng eleganteng tea table ay nakikinig lamang ako. Sasagot kong tatanungin at kung minsan pa ay tatango na lamang. Pinagmasdan ko rin ang mga ito sa malapitan. Napagtanto kong ang chismis ng iilan ay may basehan. Kitang-kita ko at damang-dama ko.

"Pasensya na kayo, hindi talaga makakadalo si Zanjo sa party bukas. Hindi na rin ako dadalo. Alam niyo naman, kung nasaan ang asawa ay nandoon din tayo," natatawang wika ni Pepper, isa ring miyembro ng asosasyon.

Napailing ako sa nakita. Kaya mang takpan ng isang plastic na ngiti ang lungkot, ngunit hindi maaring pekein ang damdaming isinisigaw ng mga mata.

Lungkot, hirap at pasakit.

Hindi lamang ako ang may pinagdaraanan. Maging ang mga kasama ko ay ganoon din. I could see it. I could feel it.

Nang matapos ang mga ito sa pakikipag-usap sa ibang miyembro ay kinuha ko ang pagkakataon para magpaalam. Halatang nagmamadali ako. Ni hindi ko na hinintay na may sumagot pa sa akin. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa aking kotse na naka-park 'di kalayuan. Nang makalapit ay agad ko itong pinasibad patungo sa direksyon kong saan alam kong masasaktan lamang ako.

Ang Dreame Cafe ay hindi kalayuan sa village. Nang mai-park ko ang sasakyan sa gilid niyon ay agad na akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob. Hindi ko na rin pinansin ang mga naroon at dumiretso kaagad ako sa opisina kanugnog ng counter. Nakita ko kaagad ang babaeng aking hinahanap. Si Trina, ang kabit ng aking asawa.

"Anong sadya mo?" nakataas ang kilay na tanong nito.

Agad kong ikinuyom ang aking mga palad habang ito naman ay nakangising pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Napapailing pa ito na tila ba hindi makapaniwala sa nakikita.

"Gusto kong hiramin si Atlas, bukas. May pupuntahan kami. My family gathering ang pamilya at kailangan nandoon siya," sagot ko sa tanong nito.

Natawa si Trina sa aking sinabi. Pumalakpak pa ito na parang tuwang-tuwa. Ngunit, alam kong sa likod niyon ay isang sarkastikong tono. Na may halong galit at panliliit.

"Hindi ko alam kong manhid ka ba Olive o bulag. Ayaw na ayaw sa 'yo ni Atlas pero pinilit mo pa rin. Ngayon naman pati oras ko gusto mo na ring kunin? Akin si Atlas bukas! Schedule ko kaya magtiis ka sa kahihiyan!" Sa lahat ng sinabi nito tanging ang huling pangungusap lamang ang tumatak sa akin.

Schedule.

Para kaming mga bata na nagpapatentiro sa laro ng kapalaran. Naghihintay kung kailan magiging taya. Kung sino ang dapat mauna o kung para kanino ang laban.

Ako ang totoong asawa. Ako ang pinakasalan. Ako ang nakikihati sa oras at panahon. Ako rin ang nasasaktan. Isa akong psychiatrist ngunit hindi ko kayang gamutin ang sarili kong sakit.

Hanggang kailan ko kayang tiisin ang sakit?

Hanggang saan ang kaya kong panindigan?

Ilang luha pa ang kaya kong ibigay?

@sheinAlthea

Related chapters

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 1

    Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Natanong ko tuloy ang aking sarili kung bakit pa ba ako nagpunta sa lugar na ito? Kung bakit pa ba ako umasa na papayag si Trina sa alok ko?Who am I kidding? Sarili ko lang din ang niloloko ko. Umasang maaawa ito sa akin dahil babae din ito. Ngunit, nagkamali ako. I forgot that she was rotten as potatoes. Nangangamoy at umaalingasaw ang bulok na pagkatao nito. She was a gold digger bitch and a mistress of the town. Hindi ko nga maintindihan si Atlas kung bakit ito ang napili niyang maging kabit."Kung wala ka nang sasabihin makakaalis ka na." maarteng wika nito.'Fuck them!' mura ko sa isip.Fuck them for hurting me. For treating me like a trash and for stealing the only thing that keeps me sane. Respect. Dahil pakiramdam ko wala na ako noon. Ninakaw nila maging ang natitirang respeto ko para sa sarili.Ganoon naman yata talaga ang nagmamahal. Kayang masaktan nang paulit-ulit. Kayang magtiis. Kayan

    Last Updated : 2021-04-12
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 2

    Hilam ng luha ang aking mga mata habang si Atlas naman ay naririnig ko ang paghinga nito ng malalim sa aking ibabaw. Nakayapos ito sa akin na para bang takot itong makawala ako. Na para bang tatakbuhan ko siya kung may pagkakataon."Tapos ka na ba?" tanong ko.Itinaas ko ang aking paningin at tiningnan si Atlas. Bumungad kaagad sa akin ang kaniyang makapal na kilay at nakakunot na noo. Habang ang mga mata nito'y sinusuyod ang aking mukha. Napakurap ako ng ilang beses upang palisin ang nagbabadya na namang pagtulo ng aking mga luha.Umalis si Atlas sa aking ibabaw at gumulong ito sa aking tabi. Dinig na dinig ko ang kaniyang mga buntonghininga at mga mahihinang pagmumura. Ramdam ko rin ang kaniyang galit sa akin na hindi ko alam kung kailan matatapos.Natanong ko tuloy sa aking sarili kong nagsisisi ba ito sa nagawa sa akin, ngunit agad kong pinalis iyon. Why would he regret? Alam ko namang sa umpisa pa lan

    Last Updated : 2021-04-15
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 3

    Alas-singko pa lang ng hapon nang umalis ako sa aking klinik. Nauna pa akong nagpaalam sa aking sekretarya at nagbilin ng mga importanteng bagay. Tumuloy agad ako sa bahay ng aking Tita, kapatid ito ng aking ina. May birthday gathering ang pamilya at lahat ay imbitado.Sa Forbes subdivision ito ginanap. Sa marangyang bahay nito. Marami itong handa at ang lahat ay may dalang regalo, ako lamang ang wala. Lahat din ng dumalo ay mga kilala sa lipunan. Pare-parehong makapangyarihan at matunog ang pangalan."Naku, Olive! Kailangan niyo ba balak na magkaanak ni Atlas? Aba'y sampung taon na akong naghihintay ng apo mula sa 'yo!" Ngumiti si Lola sa akin. Nasa hapagkainan kami at magana ang lahat na kumakain.Si Lola ang nanay ng Mommy ko. Seventy na ito at maganda pa rin. Presidente ito ng isang cosmetic products na isa sa nangunguna sa bansa. Habang ang mga tita ko naman ang isa sa mga distributor ng cosmetics sa iba't ibang

    Last Updated : 2021-04-15
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 4

    Iniwan ko saglit si Daddy sa loob ng VIP room. I decided to went to the bathroom to freshen up. My dad is a good conversationist that he did not leave any questions behind. Lahat yata ng bagay sa buhay ko ay natanong na niya. Lahat din ng mga ito ay nasagot ko ng buong kasinungalingan. I sighed and looked myself in the mirror. Mas lalo akong naging kaawa-awa sa paningin ko. I am not a fan of lying but I need to. Kahit pakiramdam ko sinusunog na ng empyerno ang kaluluwa ko. It hurts me everytime I lied. But, I don't have a choice. Mabilis akong naghilamos ng aking mukha. Wala akong pakialam kung maging ang kaunting kolorete sa aking mukha ay mabura nito. Wala rin namang dahilan kung bakit pa ako magpapaganda. In Atlas eyes, I am the most ugly and wicked woman he knew. "Oh, look who's here." I abruptly shifted my gaze from the newly opened door. I instantly saw Trina walking towards me, smirking. I shook

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 5

    I stayed at my Dad's house for one week. I skipped from work and decided to cancel all my meetings. Naisip kong magpahinga mula sa lahat nang stress na nararamdaman ko nitong mga nakaraan. To unwind and relax. Hindi na rin ako nagpaalam kay Atlas. Hindi naman kasi kami sanay na pinapaalam ang schedule ng isa't isa. Masasabi ko rin na hindi kami close. We are two different people that is binded only because of marriage. Na hindi pa niya gusto dahil ako lang naman ang nagpumilit. Bago ako umuwi sa South Ridge Village ay dumaan muna ako sa aking klinik. Kinuha ko ang ilan sa mga dokumento ko at mga papeles ng aking mga pasyente. I decided to read those papers at home. It was six in the morning and I had all the day to scanned it. I smiled as I maneuvered my car. Naalala ko na naman ang masasayang araw ko kasama ni Daddy. Ang pagpunta namin ng ibang bansa para lamang kumain at magliwaliw nang tatlong araw at ang pagbili nit

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 6

    I left Atlas in the kitchen after I said those words. Pakiramdam ko kapag mananatili pa ako sa lugar na iyon kasama siya ay baka tuluyan nang malaglag ang mga luha sa aking mga mata. Hindi nga ako nagkamali. Dahil nakakailang hakbang pa lamang ako ay nag-uunahan nang magpatakan ang mga ito. Masakit. Masakit dahil alam kong pinipilit ko lang ang sarili kong hindi masaktan sa lahat ng nangyayari. Alam kong dinadaya ko lamang ang aking sarili na maging matatag at lumaban. Pero ang totoo, durog na durog na ako. Isang klase ng pagkawasak na hindi ko alam kong posible pa bang mabuo. Dumiretso ako sa aking kwarto. I locked my door before I sat on my bed. Hinawakan ko rin ang aking dibdib at tinapik-tapik iyon nang marahan. My tears keep on falling that I can hardly breathe. Natanong ko rin ang aking sarili kung ganito na lang ba ako palagi? Iiyak at magtatago na lang? Masasaktan nang paulit-ulit at mamamanhid

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 7

    Ilang segundo ang lumipas bago ko naitulak si Ramn palayo sa akin. Nanlalaki ang mga mata na tinitigan ko ito. I can't utter anyword. Gulat na gulat ako sa nangyari. Hindi ko rin alam kung ano ang uunahin ko ang sampalin ito o ang salubungin ang titig ni Atlas sa akin na tila nanunuot sa aking pagkatao. I blinked many times to calmed my raging heart. But, the moment I tried to say something to Ramn is the same time I felt someone grabbed my waist. The man behind me punched Ramn straight to his face. Mas lalo akong napakurap. Pilit ko mang itanggi sa isip ngunit alam kong hindi ako dinadaya ng aking puso. Alam na alam ko kung sino ang lalaki sa aking likuran. Alam na alam ko dahil kahit na ang amoy ng cologne nito ay memoryado ko na. "Fuck you, moron!" galit na sigaw ni Atlas. Hinila ako nito paalis sa swimming pool at binuhat na parang sako pagkatapos. I heared him cursed under his breath while I am still shocked from t

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 8

    Atlas kissed me rough. Para bang sa pamamagitan ng halik niya sa akin mapapawi lahat ang galit nito. Nalasahan ko rin ang dugo na nagmumula sa aking mga labi. Gustong-gusto ko siyang itulak ngunit katulad ng dati, hindi ko magawa. Nakapulupot ang braso niya sa akin habang hawak naman niya ang likod ng aking ulo. Umiling ako nang pakawalan nito ang aking labi. Puno ng pagsusumamo ang aking mga mata na nakatitig dito. Maging si Atlas ay nakatitig din sa akin. Pilit ko ring itinutulak ang katawan nito gamit ang aking kamay. "No, Atlas. Please," mahinang bulong ko. Atlas shooked his head and pulled me close to him. Naramdaman ko pa kung paano nito kinagat ang pang-ibabang labi ko para bumuka iyon. Masakit. Ngunit, ilang sandali lang ay nagbago iyon. Naging mahinahon ang ritmo nito na para bang inaakit ako. Na para bang ang lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin ay mapapawi dahil doon. Pumikit ako. Nab

    Last Updated : 2021-05-13

Latest chapter

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Special Chapter

    Atlas Ramirez POVI smiled as I watched Olive beside me sleeping like a baby. I even heard her snore that made my heart throbbed with gladness. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na sa lahat ng mga pinagdaanan namin, uuwi pa rin kami sa isa't isa. Kami pa rin ang nakatadhanang magsama.It has been a few months since we've met at Paris. Few months of us trying to know each other like strangers. Nagsimula kami ulit sa una at masasabi kong nagtagumpay kaming dalawa. We did not rush things. Bagkus, naghintay kami. Inalam muna namin lahat ng bagay na hindi namin alam sa isa't isa mula pa noon."I love you," mahinang bulong ko.My eyes widened when Olive moved slowly. Tila naalimpungatan itong sumiksik sa aking dibdib. I was half naked that her every breath touched my bare chest. It tickles my skin but it was fine as long as I could hold her close to me."I love you,"

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Wakas

    Starry starry nightPaint your palette blue and grayLook out on a summer's dayWith eyes that know the darkness on my soulNow I understandWhat you tried to say to meHow you suffered your sanityAnd how you tried set them freeThey did not listenThey did not know howPerhaps they listen nowAgad kong hinapuhap ang cellphone na nasa ilalim ng aking unan. Papungas-pungas na tiningnan ko ang screen nito. I pouted as I saw the time. Late na naman ako ng tatlumpong minuto sa aking pupuntahan. Alas-nuebe na ng umaga at kakagising ko pa lang.I put the phone in my bedside table and tried to get up. Maingat akong umalis ng kama at nag-unat ng kaunti bago dumiretso sa maliit kong bintana. I smiled instantly when the small but beautiful garden greeted me. Ang iba't ibang klase ng mga bul

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 35

    Atlas Ramirez POVNapangiti ako habang pinagmamasdan ang isang babae na mahaba ang buhok. Naka pusod iyon sa likuran nito habang pormal na nakatayo at nakataas ang paningin sa matayog na building ng Eiffel Tower. Mahaba ang brown na coat nito na lampas hanggang sa hita habang nakapaloob naman ang isang puting bluose na nagsisilbing takip sa katawan nito. Bumagay din dito ang suot nitong blue jeans at may takong na boots. Habang sukbit naman nito ang isang clutch bag sa balikat.Matagal na panahon nang huli ko itong makita. Mga panahong pakiramdam ko wala nang silbi ang buhay ko. Mga panahong isinuko ko na ang lahat para dito. At mga panahong kailangan kong dalhin ang sakit para pakawalan ito.Hindi ko lubos maisip na dahil sa bakasyon makikita ko ito.Maraming uri ng pag-ibig. May puro may hindi. May nagtitiis. Mayroon ding umaalis. May pag-ibig para sa pamilya, para sa kaibigan at para sa lahat. Ngun

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 34

    Pakiramdam ko tumigil lahat sa akin ng mga sandaling iyon. Ang pagtibok ng aking puso maging ng aking paghinga. Pakiramdam ko pinapatay ako ng unti-unti habang nakikita ko ang anak ko na pinapalibutan ng doktor at nurse. Ginagawa ang lahat para dito hanggang umiling na lamang ang mga ito tanda ng pagsuko."Time of death. Twelve thirty in the afternoon."I sobbed to Atlas chest as the doctor uttered the words I don't want to hear. Bakit ba kapag gusto ko ang isang bagay hindi ko ito makuha ng buo. Palaging hindi Pwede. Palaging may mali. Palaging wala sa tamang panahon.Iniisip ko tuloy kong anong nagawa kong mali sa buhay ko na pinaparusahan ako ng ganito. Lagi kong binabalikan ang mga nagdaang buhay ko pero kahit katiting hindi ko malaman ang dahilan. Wala akong maisip kundi ang katotohanang nagmahal lang naman ako. Nagmahal lang ako ng totoo.Atlas hand was caressing my back and trying to calm me down. A

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 33

    Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan. Mabilis ang pagmamaneho ni Atlas sa kaniyang kotse. Mabilis din naming narating ang pinakamalaking hospital sa bayan ng San Vicente. Hindi ito nagsayang ng oras at agad akong binuhat para dalhin sa loob ng hospital. Maingay itong pumasok sa loob habang dire-diretso ang hakbang patungo kung saan.Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan at takot sa aking kabuuan."It's okay. Everything's gonna be okay," mahinang bulong nito habang maingat na hinalikan ang aking ulo."Masakit," nahihirapang sambit ko. .Naramdaman

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 32

    Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na pumanaog sa sinasakyan namin ni Atlas. Hindi ko alam kung paano ko naihahakbang ang aking mga paa kasabay ni Atlas na mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay. Nang balingan ko ito ng tingin ay seryoso lamang itong nakatitig sa aming harapan. Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan na lamang ang sarili kung saan man ako dadalhin ni Atlas."We're here."Tumigil kami sa isang hindi kalakihang mausoleum. Halata na sa hitsura nito ang katagalan dahil sa nababakbak na kulay ng grills nito. Maging ang yero na nagsisilbing proteksyon nito sa init at ulan ay halos kinalawang na rin."She's my first love," panimula nito.Kahit ilang beses ko nang narinig ang mga katagang iyon mula kay Atlas ay masakit pa rin sa akin ang sinabi nito. Marahil dahil sa katotohanang iyon nabuhay akong may agam-agam sa loob nang sampung taon. Dahil sa salitang iyon nawasak ako nan

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 31

    Kapag natapos ang unos may liwanag na darating. Kapag tumila ang ulan may araw na sisibol. Ang mga luha at sakit, mga dalamhati at pasakit. Ito ang magsisilbing pundasyon para sa panibagong yugto. Bagong simula at bagong pag-asa.Nagising ako kinabukasan nang may ngiti sa aking labi. Inisip ko ang nangyari sa amin ni Atlas nang nagdaang gabi. Hindi sekswal kundi pisikal na pangyayari na hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mga yakap nito sa akin. Yakap na naging dahilan upang maging payapa ang isip ko at mahulog sa karimlam.I roamed around the room as I got up from bed. There is no trace of Atlas in every corner of it. I pouted my lips. I felt a bit of dissappointment but I just shrugged the thoughts off. Then, I sighed and continued the things that I needed to do."Ate!"Natigil ang akmang pagbubukas ko ng pintuan ng banyo nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Leklek. My gaze shifted to where she was a

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 30

    Dedicated to: Ako Si DollyI didn't exactly know what Atlas meant about coming with him. I don't know either what he meant by starting again. All I know is that I am with him and we were both inside his car, while he was driving to somewhere far from the Metro. A place that I didn't know. Nagsisimula nang maging makulimlim ang paligid dahil sa pag-agaw ng kadiliman sa liwanag. Nagsisimula na ring mamaalam ang araw kasabay ng pagbati ng buwan. I am tired for the long ride that I let myself be drowned into slumber. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong nakatulog dahil sa pagod. Ang tanging alam ko lang ay nagising ako sa isang banayad na halik sa aking labi. At nang magmulat ako ng tingin ang nakangiting mukha ni Atlas ang bumungad sa akin. "Nandit

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 29

    Dedicated to: Ann DeLeon RodrigoDinala kami ni Dr. Lagman sa isang pribadong silid. My heart was beating so fast. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Kinakabahan ako at excited sa mga mangyayari. Nang ilibot ko ang paningin, nakita kong isang normal na klinik laboratory room lamang iyon. May higaan sa gilid ng silid habang may maliit na mesa naman katabi ng ultrasound monitor. May lavatory din sa kabilang gilid ng silid at may mga larawan ng bata sa dingding. Puti ang interior nito na may halong berde kaya mas maganda sa paningin ng kung sinumang titingin."Alright! Pwede niyo na pong bitawan si misis," baling nito kay Atlas. Doon ko lang napagtanto na nakahawag pa rin si Atlas sa aking beywang. I took a glimse of him and shook my head. Tumango naman ito at binitiwan ako kasabay ng isang buntonghininga."No

DMCA.com Protection Status