I left Atlas in the kitchen after I said those words. Pakiramdam ko kapag mananatili pa ako sa lugar na iyon kasama siya ay baka tuluyan nang malaglag ang mga luha sa aking mga mata. Hindi nga ako nagkamali. Dahil nakakailang hakbang pa lamang ako ay nag-uunahan nang magpatakan ang mga ito.
Masakit.
Masakit dahil alam kong pinipilit ko lang ang sarili kong hindi masaktan sa lahat ng nangyayari. Alam kong dinadaya ko lamang ang aking sarili na maging matatag at lumaban. Pero ang totoo, durog na durog na ako. Isang klase ng pagkawasak na hindi ko alam kong posible pa bang mabuo.
Dumiretso ako sa aking kwarto. I locked my door before I sat on my bed. Hinawakan ko rin ang aking dibdib at tinapik-tapik iyon nang marahan. My tears keep on falling that I can hardly breathe.
Natanong ko rin ang aking sarili kung ganito na lang ba ako palagi? Iiyak at magtatago na lang? Masasaktan nang paulit-ulit at mamamanhid na lamang.
Do I deserve this?
Ngunit, kahit ilang beses ko pa man tanungin ang sarili, alam kong kasalanan ko rin naman. Kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan. Kasalan ko rin kung bakit galit si Atlas sa akin.
May mga bagay na hindi ko sinasadya at nangyari na lang. Mga bagay na kahit kailan hindi ko nakalimutan. Bagay na hanggang ngayon, inuusig pa rin ako ng aking konsensya. Bagay na hindi na nawala dahil nakatatak na sa isip ko maging kay Atlas.
Hinayaan ko muna ang sarili kong lunurin ng sakit. I cried my heart out, in hope that my worries will be vanished. Ngunit, katulad ng isang ligaw na bala, tinamaan ako nang hindi ko alam. Tama na nagdulot ng sugat sa akin. Sugat na nagdulot ng isang pilat sa puso ko na hinding-hindi na mabubura.
Ilang sandali ako sa ganoong posisyon nang mapagpasyahan kong tumigil. I wiped my tears and tried to compose myself. Gustuhin ko mang maglupasay sa pag-iyak, hindi rin nito maaalis ang lahat ng sakit. Katulad ng dati, hahayaan ko na lamang ito. Kakalimutan at kusa na lamang na ibabaon.
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong pakalmahin ang sarili. Tumayo rin ako at tiningnan ko ang sarili sa salamin. Namumugto ang aking mga mata dahil sa pag-iyak. Maging ang ilalim nito ay may mga maitim na linya, tanda ng stress sa buhay na matagal ko nang pinapasan.
Ngumiti ako nang pilit habang tinitingnan ang aking kabuuan. Hinawakan ko rin ang aking mukha at marahan itong dinama. Maging ang aking nagulong buhok ay inayos ko rin ng marahan.
I sighed.
I have everything that life could offer, and yet, I am not happy. I am a lost soul, trying to fit in.
**
Saktong alas-syete ng gabi nang magdesisyon akong pupunta sa pool party ng village. Hindi ko alam kung anong meron dahil wala namang ibang nabanggit ang presidente kundi pool party. Gayunpaman, ay nag-ayos pa rin ako.
I wore my usual black skinny jeans and white sleeveless top. Nilagyan ko rin ng kaunting kolorete ang aking mukha. Light make-up and a red lipstick. Habang hinayaan ko naman na nakalugay ang aking bob cut na buhok. Napangiti ako sa nakita nang tingnan ko ang sarili sa harap ng salamin. Tumayo rin ako at nagtungo sa aking maliit na dressing room para kunin ang aking white stiletto.
Nang makuntento ako sa pagmamasid sa sarili ay tuluyan akong lumabas ng aking kwarto. Tulad ng inaasahan ay tahimik ang buong lugar. Nakapatay ang ilaw sa sala at tanging ang kaunting liwanang lamang mula sa lampshade sa gilid ng dingding ang tanging nagbibigay liwanag sa loob.
Mahina akong napabuga ng hangin kasabay ng mga mararahang paghakbang. Maingat ko ring binuksan ang pinto at tuluyang lumabas. Hawak ang aking clutch bag ay mabilis kong binuksan ang aking kotse. Nang makapasok sa loob ay napabuntong-hininga na lamang ako kasabay ng isang iling. Alam kong magagalit na naman si Atlas sa akin ngunit, hindi ko na lamang iyon iisipin. Sanay naman na ako.
Habang patungo ako sa clubhouse ay hindi ko mapigilang tingnan ang magagarang bahay na aking nadadaanan. Napakaganda ng mga itong tingnan. Naghuhimiyaw sa karangyaan at estado sa buhay. Ang magagarbong Christmas decors sa labas ng kaniya-kaniyang gate, na animo'y mga bituin na nagkikislapan sa buong lugar. Maging ang mga higanteng Christmas trees sa gilid ng kalsada sa buong village. Napakaganda nito na para bang ang lahat ng makakakita nito ay binibigyan ng pag-asa.
Habang papalapit ako sa clubhouse ay tinigil ko na ang mga bagay na gumugulo sa akin. Gusto ko munang mag-enjoy at makihalubilo sa mga kasamahan sa village. Hahayaan ko muna ang sarili na makilala ng iba. In return, I want to know them too.
Napangiti ako nang tuluyang makapasok sa loob ng clubhouse. Bumungad kaagad sa akin ang malawak na espasyo nito mula sa entrance. Ang malaking fountain sa gitna ng isang napakagandang harden at ang mga maliliit na puno na sadyang itinanim sa pathway upang makadagdag ng atraksiyon.
I parked my car farther from the villa. Dinampot ko ang aking clutch bag at agad na lumabas. Naglakad ako patungo sa entrada ng lugar. Ni hindi ko alintana ang taas ng takong na suot ko. I walked straight to the villa with head high.
Malayo pa lang ay naririnig ko na ang malakas na sterio na nagmumula sa loob. Tuloy-tuloy ang lakad ko papasok sa villa. The lights were dimmed along the way to the pool area. Hindi ko na rin pinansin ang aking nadadaanan. Ang mahalaga sa akin ay ang makarating ako sa aking destinasyon.
Fuck!
I cursed under my breath when I finally reached the place. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o uuwi na lang. Namura ko rin ng ilang beses ang aming presidente. Sa isip ay gustong-gusto ko na itong pagsasampalin.
"Olive Ramirez is here!" narinig kong wika kung saan.
I shifted my gaze and roamed around the area. Mas lalo kung naramdaman ang kagustuhang lumayo na lamang sa lugar. Maging ang isip ko ay iyon ang idinidikta. Malas nga lamang ako dahil ayaw namang sumunod ng aking mga paa. I felt ashamed. Dahil ang inaasahan kong simpleng pool party ay masquerade party pala.
"Welcome! Mrs. Ramirez! Good thing, you came."
Natigil ang lahat ng iniisip ko nang marinig ko ang boses ng aming presidente. Nakangiti ito habang maingat ang mga hakbang na papalapit sa akin. Naka-dark blue gown ito habang hawak sa kamay ang isang mabalahibong maskara.
Sa nakita ay gusto ko itong irapan. Pinigilan ko na lamang ang aking sarili dahil baka mag-eskandalo lamang ako. Kung intensiyon man nilang ipahiya ako ay tatanggapin ko. Ngunit, hinding-hindi ko sila bibigyan ng pagkakataon na lumala pa ang ginawa nila sa akin.
I smiled, a fake one. "Good evening, Mrs. President. Thank you for inviting me."
Nagbeso muna kaming dalawa bago namin hinarap ang isa't isa.
"Naku! Hindi ko ba nasabi na masquerade ang theme ng party? Sorry, Hija," wika nito sabay napailing.
Kung hindi ko lamang ito kaharap ay kanina ko pa ito inikutan ng mata. It's very impossible that she forgot to inform me. Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang iparating. The last time I checked, wala naman akong kaaway sa buong village.
"Ayos lang po," sagot ko naman.
"Suit yourself, Hija. Pupuntahan ko lang ang iba pa. Mr. and Mrs. Austria is here," paalam nito.
Tumango ako. Sinundan ko na lamang ito ng tingin habang papalayo. Napabuga ako ng hangin pagkatapos. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto. Halata naman kasing ako lang ang saling pusa sa party na ito.
All of theme wore an elegant gown. May iba na nakatakip ang mukha ng maskara may iba naman na hawak-hawak lamang ito. The whole pool area has tables in the side. Lahat din ay ukupado na. Habang sa harapang bahagi naman ng pool ay isang mesa na puno ng mga pagkain at inumin. May chocolate fountain pa.
I sighed and walked directly to the table. Kung hindi man ako mag-eenjoy, lulunurin ko na lang ang sarili sa pag-inom ng alak. Hindi naman siguro ako makikilala dahil medyo madilim ang lugar dahil sa ilaw na ginamit.
Kumuha kaagad ako ng isang champagne. Nagsalin sa basong naroon at agad na ininom. Nalasahan ko pa ang pait nito sa aking lalamunan na may kasamang tamis kalaunan. Inubos ko kaagad iyon at nagsalin muli.
"Halatang hindi mo pinaghandaan ang party."
I looked at my back and saw Alexandra Martinez. Kilala ko ito dahil isa itong sikat na cosmetic owner. Kalaban din ng lola ko sa negosyo. Napakaganda nito sa gown na suot habang bitbit ang maskara na halatang mahal at pinaggastusan.
I frowned at her. "Hindi rin halata na naghanda ka sa party."
Tumawa ito ngunit nahimigan ko pa rin ang lungkot niyon. Nakita ko pa kung paano nito kinuha ang champagne habang tinungga ng diretso sa bibig nito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. I am surprised and shocked at the same time.
"W-What are you doing?" wika ko nang mahanap ang sarili kong boses. I never thought that a daughter of a businessman with class will act like that. Hindi man lamang ito nag-abalang kumuha ng baso.
"Mukhang gulat na gulat ka? Alam mo kasi Miss Olive, minsan kailangan nating maging wild. Forget about etiquette. Just fuck!"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Nakamasid lang din ako habang patuloy ito sa pag-inom. Aaminin kong hindi pa ako kailanman lumayo sa aking comfort zone. I am always the prim and proper. I never endulged myself to be wild and carefree. Lahat ay kalkulado ko. Lahat ay naaayon sa aking gusto.
"Look at that girl." Sinundan ko ang tinuturo nito. "May hawak ng aso. She's a daughter of a wealthy man too. But, she act like a twelve years old. Always happy and carefree. Parang bata kung kumilos."
"So, anong pinupunto mo?" nakakunot ang noo na tanong ko.
"Wala. Gusto ko lang talaga ng kausap. This party is very boring. Oh! That's Pepper!"
Tinawag nito ang isang babae. Lumapit naman ito sa amin at napagmasdan ko ng maigi ang hitsura nito. She's the same girl that has a lonely eyes. Binati kaagad nito si Alex nang makalapit sa amin.
"This is my friend, Pepper. Doctor Olive Ramirez. You know her, right?"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Alex. Ang totoo ay hindi naman kami magkaibigan. We shared the same status in the society. We often see each other in some social gatherings but we're not close.
Ganunpaman ay tinanggap ko pa rin ang kamay na inilahad ni Pepper. We greeted each other and tried to have a conversation. Hindi rin nagtagal ay tatlo na kaming umiinom sa harap ng mesa. Drowning ourselves in the liquor. Iba-iba man kami ng rason. Alam kong katulad ko ay nasasaktan din ang mga ito. I can see it. I can feel it.
I stopped myself from drinking nang makita ko si engineer Primo. Kakapasok pa lamang nito sa lugar at ang kasama nito. Nagpaalam muna ako kina Alex at Pepper bago nilapitan ang dalawa. I smiled as I walked towards them.
"Hi! Engineer," bati ko nang makalapit sa dalawa. They instantly looked at me. Ngumiti din kaagad si Primo habang hindi ko naman mawari ang reaksyon ng kasama nito dahil sa maskara.
"Mrs. Ramirez! Kumusta po?"
"Ayos lang. By the way, I just want to congratulate you. Nasabi kasi sa akin ni uncle. Alam ko ring sekreto, kaya 'wag kang mag-alala." Umakto akong sinisilyuhan ang bibig.
Natawa ang dalawa. Napakamot din sa ulo si engineer Primo. I know him because he is one of Atlas' engineers. Nagkatrabaho sila noon sa isang mall sa Quezon City.
"Oo nga po, eh. Si Avi nga po pala," nahihiyang wika nito.
"Avi the actress?"
Tumango ito.
"Hello po, ma'am!" wika naman ng asawa ni engineer Primo.
Ngumiti ako dito at naglahad ng kamay. "Olive Ramirez."
Hindi rin ako nagtagal at umalis din kaagad pagkatapos kong magpakilala sa asawa nito. My head is throbbing because of the brandy that Alex gave me. Nakasulubong ko pa si Mr. Gonzalo kasama ang rumored kabit nito. Tinaasan ko ng kilay ang babae na ngumisi lang naman sa akin.
"Shit!" mura ko nang hindi sinasadyang mabunggo ako ng isang bulto. Hinawakan ko ang aking ulo at tiningala iyon. Bumungad kaagad sa akin ang isang hindi pamilyar na lalaki.
"Ayos ka lang ba?" wika nito.
"Ayos lang," wika ko habang nagsisimula na uling maglakad.
"Wait!" Hinawakan nito ang aking braso. "Kanina pa kita tinitingnan at wala ka namang kasama. So, can you hangout with me?"
Tumaas ang kilay ko. "Excuse me, mister. I'm a married woman. Wala akong panahon sa-"
"I know. Ramn nga pala." Inilahad nito ang kamay sa akin.
Napailing ako at lalagpasan na lamang ito nang sa kamalas-malasan ay natapilok ako. I expected to fall but it never happened. Ramn's arms wrapped around my waist. Titig na titig din ito sa akin habang nanlalaki naman ang aking mga mata.
"The party is on!" sigaw ng mga naroon.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa loob na nang pool. Ramn fall with me, too. Nakahawak pa rin ito sa aking beywang habang pareho kaming nakaharap sa isa't isa. Basa ang buong katawan.
"I'm-"
"Olive!"
Natigil ang anupamang sasabihin ko. I looked up and saw Atlas at the side of the pool. He looked deadly. Mas lalo pang naging mabangis ang hitsura nito. Maging ako ay nagulat din sa sunod na nangyari. Rams lips touched mine. A stranger kissed me, in front of my husband.
What the fuck!
@sheinAlthea
Unedited
Ilang segundo ang lumipas bago ko naitulak si Ramn palayo sa akin. Nanlalaki ang mga mata na tinitigan ko ito. I can't utter anyword. Gulat na gulat ako sa nangyari. Hindi ko rin alam kung ano ang uunahin ko ang sampalin ito o ang salubungin ang titig ni Atlas sa akin na tila nanunuot sa aking pagkatao. I blinked many times to calmed my raging heart. But, the moment I tried to say something to Ramn is the same time I felt someone grabbed my waist. The man behind me punched Ramn straight to his face. Mas lalo akong napakurap. Pilit ko mang itanggi sa isip ngunit alam kong hindi ako dinadaya ng aking puso. Alam na alam ko kung sino ang lalaki sa aking likuran. Alam na alam ko dahil kahit na ang amoy ng cologne nito ay memoryado ko na. "Fuck you, moron!" galit na sigaw ni Atlas. Hinila ako nito paalis sa swimming pool at binuhat na parang sako pagkatapos. I heared him cursed under his breath while I am still shocked from t
Atlas kissed me rough. Para bang sa pamamagitan ng halik niya sa akin mapapawi lahat ang galit nito. Nalasahan ko rin ang dugo na nagmumula sa aking mga labi. Gustong-gusto ko siyang itulak ngunit katulad ng dati, hindi ko magawa. Nakapulupot ang braso niya sa akin habang hawak naman niya ang likod ng aking ulo. Umiling ako nang pakawalan nito ang aking labi. Puno ng pagsusumamo ang aking mga mata na nakatitig dito. Maging si Atlas ay nakatitig din sa akin. Pilit ko ring itinutulak ang katawan nito gamit ang aking kamay. "No, Atlas. Please," mahinang bulong ko. Atlas shooked his head and pulled me close to him. Naramdaman ko pa kung paano nito kinagat ang pang-ibabang labi ko para bumuka iyon. Masakit. Ngunit, ilang sandali lang ay nagbago iyon. Naging mahinahon ang ritmo nito na para bang inaakit ako. Na para bang ang lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin ay mapapawi dahil doon. Pumikit ako. Nab
Tiningnan ko ang relong pambisig. Napailing na lamang ako nang makita ang oras. It is exactly three in the afternoon. Isang oras na lang sa napagkasunduan naming oras ni Montreal.I sighed. Hindi pa rin ako makapaniwala na napapayag ako ng baklang attorney na iyon. He used his scheming tactics on me. Bukod pa sa interes ko nang marinig ang pangalan ni Trina na may pakana ng lahat.Ikinuyom ko ang aking kamay. She will never get away with this. Kutang-kuta na siya sa akin. Tanggap ko ang katotohanang kabit siya ni Atlas pero ang ipahiya ako ay hinding-hindi ko matatanggap. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya sa akin.Ilang sandali pa ay ibinalik ko ang paningin sa mga papel na nagkalat sa aking mesa. Isa-isa ko ring tiningnan iyon at binasa. Being a good psychiatrist in the Metro means having the biggest responsibility. May mga kailangang ingatan. Mayroon din na kailangan itago.Ilang sandalin
Kraius and I ended to a resto near in BGC. Pasado alas-sais na rin nang gabi. Nagutom kami pareho at napagkasunduan na kumain na lang. Sa isang turkish restaurant kami humantong. Nagulat din ako nang sabihin nito na half turkish pala ang lahi nito.I ordered my usual salad and steak. Hindi naman kasi ako mahilig sa heavy foods kapag gabi. Madalas juice lang at lettuce ay ayos na ako. Habang si Kraius naman ay isang Kebab and Köfté. Pareho naman kaming mahilig sa orange juice."Ayos na ba 'yan sa'yo? No wonder, sobrang payat mo," nakakalokong wika nito. Nakataas ang kilay na nakatitig sa akin. Hawak nito ang tinidor na may kebab."Stop staring," saway ko.Ibinalik ko ang atensyon sa pagkain ngunit sadyang makulit si Kraius. I can feel his intense gaze towards me. I sighed and put my fork and knife back in the plate. Tinitigan ko rin si Kraius ng mariin."I am okay with it. Kung
Kanina pa ako gising pero ramdam ko ang kagustuhang hindi bumangon. My mind is being clouded with so much uncertainties. Mga tanong na hindi ko alam kung dapat ko pa bang alamin o hayaan na lang. Napabuntong-hininga ako. Kasabay nito ay sinilip ko rin si Atlas na nasa kabilang gilid ng aking kama. Nakatalikod ito sa akin at mukhang tulog pa rin. Napasarap sanang isipin na ang mag-asawang tulad namin ay nagtatabi sa kama kapag gabi. Na tulad nang karamihan ay normal kaming nagsasama. Mag-aaway, magkakatampuhan pero sa huli sa isat-isa pa rin kami uuwi. Sana ganoon na nga lamang kadali ang lahat para sa amin ni Atlas. Hindi na sana kami nagkakasakitan. Hindi na sana lalalim ang sugat sa puso ko. Hindi na sana ako nagtitiis na mang-amot nang pagmamahal. I sighed and looked at the bedside table beside me. Alas-sais na nang umaga pero mas gusto ko pang matulog na lamang ulit. Gayunpaman, ay pinilit ko ang s
"Aba, anak! Ang ganda na ng bahay."I smiled when I saw the happiness in Atlas mom's face. Kahit hindi naging maganda ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Atlas ay pinilit ko pa rin na mamili ayon sa gusto ko. Ni walang salitang namutawi sa akin sa buong durasyon na nasa mall kami.Pinili kong manahimik dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang lahat ng sasabihin ko kay Atlas. He already concluded everything. Sarado ang utak niya sa anumang dahilan ko. Ang masakit, umasa ako na kahit papaano magiging maayos ang pakikitungo namin sa isa't-isa.Napailing ako at mahinang napabuntong-hininga. Hindi pa rin ako nagbabago. Kapag mahal ko ang isang tao, marupok pa rin ako. Marupok ako kay Atlas dahil mahal ko siya. Mabilis din akong umasa. Kahit galit ako dito, hindi ko pa rin maikakailang mahal ko si Atlas. Alipin niya ang puso ko na sa loob nang sampung taon ay martir pa rin para sa kaniya."Olive, hal
I drunk until my hearts content. Sadyang malakas ang tolerance ko sa alak dahil kahit marami ang nainom ko ay kaya ko pa ring maglakad ng tuwid. Malinaw pa rin ang paningin ko kaya nga lamang medyo masakit na ang aking ulo.Tiningnan ko ang relong pambisig. It's exactly twelve midnight but the bar is still alive. Maging si Atlas at Trina ay kanina pa umalis. Kahit masakit sa akin ay pinilit kong sundan ang dalawa ng tingin habang papalayo.Masokista ako dahil kinaya ko ang sakit. Tinanggap ko na rin na kahit kailan hindi ako nanalo pagdating kay Atlas. Talo ako parati hindi pa man nagsisimula ang laban.Napailing ako at napangiti ng mapait. Kanina pa ako sa loob ng aking sasakyan pero hindi ko alam kung saan ako uuwi. O may uuwian pa ba ako. Hindi ko alam kung saan ba talaga ako lulugar. Kung ano pa ang dapat kung gawin.Pagod na ako. Pagod na pagod na.Sa huli, pinili kong umuwi sa
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Atlas. Tinitigan ko ito ng mariin at tinumbasan ang titig niya sa akin. Kahit masakit ang braso ko dahil sa pagkakahawak nito ay hindi ako nagpatinag. Pinilit kong maging matatag para ipakita na hindi ako takot dito."Bakit Atlas? Noong kumabit ka ba, humingi ka ng permiso sa akin?" Tumigil ako at natawa ng mahina. "Takot ka bang maranasan ang sarili mong multo?" mariing wika ko."You can't do that to me, Olive." May pagbabanta sa tinig nito. Mas lalo rin nitong hingpitan ang hawak sa aking braso."Kung magloloko ako. Magloloko ako, Atlas. I don't need an approval from you!" idiniin ko ang huling katagang sinabi. Pilit akong humiwalay kay Atlas at hindi naman ako nabigo. Marahas ko itong itinulak dahilan kung bakit ito saglit na nawalan ng balanse. Kinuha ko ang pagkakataon at mabilis na sumakay sa aking sasakyan.I instantly locked my car. Wala akong pak
Atlas Ramirez POVI smiled as I watched Olive beside me sleeping like a baby. I even heard her snore that made my heart throbbed with gladness. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na sa lahat ng mga pinagdaanan namin, uuwi pa rin kami sa isa't isa. Kami pa rin ang nakatadhanang magsama.It has been a few months since we've met at Paris. Few months of us trying to know each other like strangers. Nagsimula kami ulit sa una at masasabi kong nagtagumpay kaming dalawa. We did not rush things. Bagkus, naghintay kami. Inalam muna namin lahat ng bagay na hindi namin alam sa isa't isa mula pa noon."I love you," mahinang bulong ko.My eyes widened when Olive moved slowly. Tila naalimpungatan itong sumiksik sa aking dibdib. I was half naked that her every breath touched my bare chest. It tickles my skin but it was fine as long as I could hold her close to me."I love you,"
Starry starry nightPaint your palette blue and grayLook out on a summer's dayWith eyes that know the darkness on my soulNow I understandWhat you tried to say to meHow you suffered your sanityAnd how you tried set them freeThey did not listenThey did not know howPerhaps they listen nowAgad kong hinapuhap ang cellphone na nasa ilalim ng aking unan. Papungas-pungas na tiningnan ko ang screen nito. I pouted as I saw the time. Late na naman ako ng tatlumpong minuto sa aking pupuntahan. Alas-nuebe na ng umaga at kakagising ko pa lang.I put the phone in my bedside table and tried to get up. Maingat akong umalis ng kama at nag-unat ng kaunti bago dumiretso sa maliit kong bintana. I smiled instantly when the small but beautiful garden greeted me. Ang iba't ibang klase ng mga bul
Atlas Ramirez POVNapangiti ako habang pinagmamasdan ang isang babae na mahaba ang buhok. Naka pusod iyon sa likuran nito habang pormal na nakatayo at nakataas ang paningin sa matayog na building ng Eiffel Tower. Mahaba ang brown na coat nito na lampas hanggang sa hita habang nakapaloob naman ang isang puting bluose na nagsisilbing takip sa katawan nito. Bumagay din dito ang suot nitong blue jeans at may takong na boots. Habang sukbit naman nito ang isang clutch bag sa balikat.Matagal na panahon nang huli ko itong makita. Mga panahong pakiramdam ko wala nang silbi ang buhay ko. Mga panahong isinuko ko na ang lahat para dito. At mga panahong kailangan kong dalhin ang sakit para pakawalan ito.Hindi ko lubos maisip na dahil sa bakasyon makikita ko ito.Maraming uri ng pag-ibig. May puro may hindi. May nagtitiis. Mayroon ding umaalis. May pag-ibig para sa pamilya, para sa kaibigan at para sa lahat. Ngun
Pakiramdam ko tumigil lahat sa akin ng mga sandaling iyon. Ang pagtibok ng aking puso maging ng aking paghinga. Pakiramdam ko pinapatay ako ng unti-unti habang nakikita ko ang anak ko na pinapalibutan ng doktor at nurse. Ginagawa ang lahat para dito hanggang umiling na lamang ang mga ito tanda ng pagsuko."Time of death. Twelve thirty in the afternoon."I sobbed to Atlas chest as the doctor uttered the words I don't want to hear. Bakit ba kapag gusto ko ang isang bagay hindi ko ito makuha ng buo. Palaging hindi Pwede. Palaging may mali. Palaging wala sa tamang panahon.Iniisip ko tuloy kong anong nagawa kong mali sa buhay ko na pinaparusahan ako ng ganito. Lagi kong binabalikan ang mga nagdaang buhay ko pero kahit katiting hindi ko malaman ang dahilan. Wala akong maisip kundi ang katotohanang nagmahal lang naman ako. Nagmahal lang ako ng totoo.Atlas hand was caressing my back and trying to calm me down. A
Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan. Mabilis ang pagmamaneho ni Atlas sa kaniyang kotse. Mabilis din naming narating ang pinakamalaking hospital sa bayan ng San Vicente. Hindi ito nagsayang ng oras at agad akong binuhat para dalhin sa loob ng hospital. Maingay itong pumasok sa loob habang dire-diretso ang hakbang patungo kung saan.Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan at takot sa aking kabuuan."It's okay. Everything's gonna be okay," mahinang bulong nito habang maingat na hinalikan ang aking ulo."Masakit," nahihirapang sambit ko. .Naramdaman
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na pumanaog sa sinasakyan namin ni Atlas. Hindi ko alam kung paano ko naihahakbang ang aking mga paa kasabay ni Atlas na mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay. Nang balingan ko ito ng tingin ay seryoso lamang itong nakatitig sa aming harapan. Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan na lamang ang sarili kung saan man ako dadalhin ni Atlas."We're here."Tumigil kami sa isang hindi kalakihang mausoleum. Halata na sa hitsura nito ang katagalan dahil sa nababakbak na kulay ng grills nito. Maging ang yero na nagsisilbing proteksyon nito sa init at ulan ay halos kinalawang na rin."She's my first love," panimula nito.Kahit ilang beses ko nang narinig ang mga katagang iyon mula kay Atlas ay masakit pa rin sa akin ang sinabi nito. Marahil dahil sa katotohanang iyon nabuhay akong may agam-agam sa loob nang sampung taon. Dahil sa salitang iyon nawasak ako nan
Kapag natapos ang unos may liwanag na darating. Kapag tumila ang ulan may araw na sisibol. Ang mga luha at sakit, mga dalamhati at pasakit. Ito ang magsisilbing pundasyon para sa panibagong yugto. Bagong simula at bagong pag-asa.Nagising ako kinabukasan nang may ngiti sa aking labi. Inisip ko ang nangyari sa amin ni Atlas nang nagdaang gabi. Hindi sekswal kundi pisikal na pangyayari na hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mga yakap nito sa akin. Yakap na naging dahilan upang maging payapa ang isip ko at mahulog sa karimlam.I roamed around the room as I got up from bed. There is no trace of Atlas in every corner of it. I pouted my lips. I felt a bit of dissappointment but I just shrugged the thoughts off. Then, I sighed and continued the things that I needed to do."Ate!"Natigil ang akmang pagbubukas ko ng pintuan ng banyo nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Leklek. My gaze shifted to where she was a
Dedicated to: Ako Si DollyI didn't exactly know what Atlas meant about coming with him. I don't know either what he meant by starting again. All I know is that I am with him and we were both inside his car, while he was driving to somewhere far from the Metro. A place that I didn't know. Nagsisimula nang maging makulimlim ang paligid dahil sa pag-agaw ng kadiliman sa liwanag. Nagsisimula na ring mamaalam ang araw kasabay ng pagbati ng buwan. I am tired for the long ride that I let myself be drowned into slumber. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong nakatulog dahil sa pagod. Ang tanging alam ko lang ay nagising ako sa isang banayad na halik sa aking labi. At nang magmulat ako ng tingin ang nakangiting mukha ni Atlas ang bumungad sa akin. "Nandit
Dedicated to: Ann DeLeon RodrigoDinala kami ni Dr. Lagman sa isang pribadong silid. My heart was beating so fast. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Kinakabahan ako at excited sa mga mangyayari. Nang ilibot ko ang paningin, nakita kong isang normal na klinik laboratory room lamang iyon. May higaan sa gilid ng silid habang may maliit na mesa naman katabi ng ultrasound monitor. May lavatory din sa kabilang gilid ng silid at may mga larawan ng bata sa dingding. Puti ang interior nito na may halong berde kaya mas maganda sa paningin ng kung sinumang titingin."Alright! Pwede niyo na pong bitawan si misis," baling nito kay Atlas. Doon ko lang napagtanto na nakahawag pa rin si Atlas sa aking beywang. I took a glimse of him and shook my head. Tumango naman ito at binitiwan ako kasabay ng isang buntonghininga."No