Share

Kabanata 1

Author: Shein Althea
last update Last Updated: 2021-04-12 21:26:09

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Natanong ko tuloy ang aking sarili kung bakit pa ba ako nagpunta sa lugar na ito? Kung bakit pa ba ako umasa na papayag si Trina sa alok ko?

Who am I kidding? Sarili ko lang din ang niloloko ko. Umasang maaawa ito sa akin dahil babae din ito. Ngunit, nagkamali ako. I forgot that she was rotten as potatoes. Nangangamoy at umaalingasaw ang bulok na pagkatao nito. She was a gold digger bitch and a mistress of the town. Hindi ko nga maintindihan si Atlas kung bakit ito ang napili niyang maging kabit.

"Kung wala ka nang sasabihin makakaalis ka na." maarteng wika nito.

'Fuck them!' mura ko sa isip.

Fuck them for hurting me. For treating me like a trash and for stealing the only thing that keeps me sane. Respect. Dahil pakiramdam ko wala na ako noon. Ninakaw nila maging ang natitirang respeto ko para sa sarili.

Ganoon naman yata talaga ang nagmamahal. Kayang masaktan nang paulit-ulit. Kayang magtiis. Kayang lunukin maging ang pagkatao. A martyr love. Unrequited. Mas masakit.

My chest contracted from the thought. Nanunuot iyon maging sa aking buong pagkatao. Naglalakbay na para bang unti-unti akong hinihila sa reyalidad na matagal na akong mulat. Matagal na ngunit nananatili akong bulag.

Tumango ako bilang tugon sa sinabi nito sa akin kanina. Lulugo-lugo man ang aking pakiramdam ngunit, sinikap kong manatiling matatag at panatilihin aking istrikto kong awra. Walking straight outside her office with head high.

I am Olive Trinidad-Ramirez. A well-known Psychiatrist in the Metro. A daughter of a good Senator. A successful woman that screamed confidence and wealth. No one should know my pain.

Napakaingay kaagad ang sumalubong sa akin paglabas. Maraming customer ang café ni Trina. I wondered if her coffee taste bitter. Or maybe just like her, it was cunning too.

I sighed and continued my pace. Nakasalubong ko pa ang isang babae na may hawak na aso. A Pomeranian dog.

Agad na tumaas ang kilay ko sa nakita. Wearing pajamas while roaming around the place was weird. Mas lalo na nang marinig ko ang pagkausap nito sa aso. Napailing ako. Bakit ba napakalakas nang trip ng mga tao?

Mabilis kong narating ang aking sasakyan. A red Ducati Veyron. Agad kong binuksan iyon gamit ang remote key at pumasok sa loob. Napabuntonghininga kaagad ako pagkaupo at agad na isinandal ang aking likod sa upuan.

My Dad gave me this car as a gift for my success as a representative of the Philippines for the women impowerment in India. I spoke as a woman with happiness and light. Isang bagay na kabaliktaran nang totoong buhay ko. Nang totoong ako.

Habang pabalik sa South Ridge Village ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang lugar. Ang malawak at engrandeng clubhouse na nasa gitna mismo ng village. Sa likod naman nito ay ang malaking pool para sa mga owner na gustong mag-unwind.

The village was huge and exclusive for rich and famous people. It has four different streets and each block consist of two storey glass walled houses. Each screamed luxury and wealth while maintaining the environment more nature like because of the big trees in front of the houses.

Napangiti ako ng mapait dahil sa naisip. Naaalala ko na naman ang tagpo sa meeting kanina. Ang mga pekeng ngiti at tawa. At ang mga boses na pilit pinapatatag upang umaktong normal. Somehow, I felt we were alike. May itinatago din ako na hindi dapat ipaalam sa iba.

Women could hide their pain for the longest of time. They could always pretend to be strong and happy. Na kahit nasasaktan na ay nananatiling nakangiti. Isang bagay na kahanga-hanga para sa mga babae. Para sa katulad kong matagal nang kinikimkim ang sakit.

Mabilis akong nakarating sa aking bahay. Agad kong pinindot ang automatic lock nito sa aking kotse at bumukas agad iyon. Bumungad kaagad sa akin ang isang single storey minimalist style na bahay. May maliit na harden sa gilid at may hindi kalakihang terasa sa harap. All were so peaceful for my eyes. Payapa at malinis. Ang tanging tanawin na nagpapakalma na lamang sa akin. May veranda na napapalibutan ng mga hanging plants. Habang sa gilid naman nito ay ang collection kong succulents.

Mabilis akong naupo sa couch pagkapasok ko pa lamang sa bahay. Agad kong isinandal ang aking likod sa sandalan niyon at tumingala. I massaged my temple slightly and closed my eyes. The place was so quite. Tanging ang ingay lamang ng wind chimes ang maririnig.

Ilang sandali akong nanatili sa ganoong posisyon bago ko napagdesisyonang magbihis. My house was very simple. Isang maliit na sala na kanugnog ng isang 'di kalakihang kusina. Dalawang kwarto na magkalayo. Isang guest room at ang gym room ni Atlas. I do have mini liquour room too. Madalas akong uminom kapag nag-iisa ako. Para makalimot at mamanhid.

I quickly changed my clothes when I went inside my room. Wearing a short and a white top, I scanned myself in the mirror. Napangiti pa rin ako sa nakita. My bob cut hair was starting to get long. I am petite physically and white in complexion. Some said, I looked like a teen but I was actually twenty-eight years old.

Sinong mag-aakala na sa lahat ng pinagdaanan ko hindi pa rin ako nabaliw. Na sa lahat ng paghihirap ko hindi ko hinayaang mapabayaan ang sarili ko. I am good in everything. And maybe, I already mastered the act of pretending.

Isang doorbell ang pumukaw sa aking pag-iisip. Mabilis akong nagtungo sa pinto at tiningnan ang monitor kung sino ang nasa labas. Napakunot kaagad ang noo ko nang mapagtantong isa ito sa aking kapitbahay.

Wala akong kaibigan sa village kaya nakakapagtaka. I am a-social. Bukod pa sa may istrikto akong awra ay pinangingilagan din ako ng iba. Maybe, because I was rich. Or maybe, they simply don't like me.

Gayunpaman ay mabilis ko pa ring binuksan ang gate. Bumungad kaagad sa akin ang aking kapitbahay. May alanganin itong ngiti na agad nagpataas ng aking kilay. Idagdag pa ang mukha nito na napuno ng make-up dahil sa kakapalan niyon.

"Kumusta po, Doktora. Para po sa inyo," nakangiting saad nito.

The eyes was what mirrored the soul. Nakangiti man ito sa aking harapan ngunit kitang-kita ko ang lungkot niyon. Why does I had to see those sorrowful eyes? Ngayon ako nagsisi kung bakit ako nag-aral ng psychology.

I could see pain. I could feel it. Maging sa ibang tao ay ganoon din. Sadyang masokista lamang ako pagdating kay Atlas dahil pilit kong isinasantabi ang katotohanang iyon.

Sa naisip ay napailing na lamang ako. Ngumiti din ako ng pilit bilang paggalang at respeto. Tinanggap ko rin ang ibinigay nitong plastic container.

"Salamat," tipid kong sagot kapagkuwan.

"Relyenong bangus po iyan, Doc. Naparami kasi ang gawa ko kaya naisip kong bigyan ka. Tyaka, magpapakilala na rin ako. Mina nga pala," nahihiyang saad pa nito sabay lahad ng kaliwang kamay.

I smiled. A genuine one. Ngayon lang may naglakas ng loob na magpakilala sa akin. Maging ang mga kasamahan ko sa home owners ay hindi ko gaanong nakakausap. This was my first time and I was thankful. Kahit pa, malungkot ang mga ngiti nito.

"Olive Ramirez," sagot ko naman at tinanggap ang kamay nito. "Pasok ka, Mina!" dagdag ko pa.

"Hindi na po." Umiling ito sa aking sinabi at binitiwan ang aking kamay. Luminga din ito sa paligid at tila hindi mapirmi ang mga mata. Pagkatapos ay ngumiti na naman ito at nagpaalam nang umalis.

I sighed as I walked inside the house. Dumiretso rin ako sa kusina para maghanda nang lulutuin para sa dinner. Inilagay ko rin sa isang maliit na Pyrex ang ibinigay ni Mina.

Maliit lamang ang kusina ko. Sakto lang para sa akin. Puti ang buong kulay nito maging ang mga gamit at ganoon din. May mga drawer sa palibot niyon habang isang electric oven naman ang gamit ko sa pagluluto. May maliit na lamesa rin doon at silya na pwede kong upuan kapag pagod na sa pagluluto at nais kong magpahinga. Sa may bandang pinto naman ay naroon ang aking four door refrigerator.

Cooking was one of my passion aside from reading minds. Magaling akong magluto nang kahit na anong putahe. I cooked bulalo for our dinner. I also added pandan leaf for our rice too, for a good taste and aroma.

They said, a way to a mans heart is through his stomach but Atlas was an exception. Dahil kahit anong sarap pa ng luto ko, sa loob nang sampung taon sa pagsasama namin ni minsan hindi ko naramdaman na nagbago ang pagtingin nito sa akin. Nakakalungkot pero kailangan kong tanggapin.

"What did you tell to Trina, Olive?!"

Natigil ang pagmumuni-muni ko at napalitan ng gulat nang mula sa nakabukas na pinto ng kusina ay bumungad si Atlas sa aking paningin. His eyes were piercing through me. Mabilis din ang mga hakbang nito habang papalapit sa akin.

"Sagutin mo ako!" sigaw pa nito sa aking harapan sabay haklit ng marahas sa aking braso.

"Nasasaktan ako, Atlas!" daing ko dito. Ngunit, bingi si Atlas sa bawat pagdaing ko. Bingi siya sa bawat hiyaw at pagpalag ko. Matagal na siyang bingi sa lahat. Naging bingi siya dahil sa galit niya sa akin.

"Halika dito!"

Marahas akong kinaladkad ni Atlas palabas ng kusina. Dahil maganda ang pangangatawan at malakas kumpara sa akin ay walang kahirap-hirap niya iyong nagawa. Masakit ang bawat paghila niya na alam kong magmamarka iyon.

"Atlas! Huwag! Please..." pagsusumamo ko dito pagkatapos niya akong ihagis sa kama. "Masakit!" dagdag ko pa.

"Masasaktan ka talaga sa akin! Di ba? Ito naman ang gusto mo kaya mo ako pinakasalan? You want me, right?" sagot naman nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Atlas was stripping in front of me. Walang pakialam nitong hinubad ang damit habang mabilis ang mga kilos na daganan ako.

I cried as he claimed me in his own satisfaction. Moving in and out like I am some random pornstar.

"No..." I whispered.

This was my life. I chose this, but why am I still not used to it?

The inevitable pain gushed through me. I was alive but I am dying inside.

Related chapters

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 2

    Hilam ng luha ang aking mga mata habang si Atlas naman ay naririnig ko ang paghinga nito ng malalim sa aking ibabaw. Nakayapos ito sa akin na para bang takot itong makawala ako. Na para bang tatakbuhan ko siya kung may pagkakataon."Tapos ka na ba?" tanong ko.Itinaas ko ang aking paningin at tiningnan si Atlas. Bumungad kaagad sa akin ang kaniyang makapal na kilay at nakakunot na noo. Habang ang mga mata nito'y sinusuyod ang aking mukha. Napakurap ako ng ilang beses upang palisin ang nagbabadya na namang pagtulo ng aking mga luha.Umalis si Atlas sa aking ibabaw at gumulong ito sa aking tabi. Dinig na dinig ko ang kaniyang mga buntonghininga at mga mahihinang pagmumura. Ramdam ko rin ang kaniyang galit sa akin na hindi ko alam kung kailan matatapos.Natanong ko tuloy sa aking sarili kong nagsisisi ba ito sa nagawa sa akin, ngunit agad kong pinalis iyon. Why would he regret? Alam ko namang sa umpisa pa lan

    Last Updated : 2021-04-15
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 3

    Alas-singko pa lang ng hapon nang umalis ako sa aking klinik. Nauna pa akong nagpaalam sa aking sekretarya at nagbilin ng mga importanteng bagay. Tumuloy agad ako sa bahay ng aking Tita, kapatid ito ng aking ina. May birthday gathering ang pamilya at lahat ay imbitado.Sa Forbes subdivision ito ginanap. Sa marangyang bahay nito. Marami itong handa at ang lahat ay may dalang regalo, ako lamang ang wala. Lahat din ng dumalo ay mga kilala sa lipunan. Pare-parehong makapangyarihan at matunog ang pangalan."Naku, Olive! Kailangan niyo ba balak na magkaanak ni Atlas? Aba'y sampung taon na akong naghihintay ng apo mula sa 'yo!" Ngumiti si Lola sa akin. Nasa hapagkainan kami at magana ang lahat na kumakain.Si Lola ang nanay ng Mommy ko. Seventy na ito at maganda pa rin. Presidente ito ng isang cosmetic products na isa sa nangunguna sa bansa. Habang ang mga tita ko naman ang isa sa mga distributor ng cosmetics sa iba't ibang

    Last Updated : 2021-04-15
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 4

    Iniwan ko saglit si Daddy sa loob ng VIP room. I decided to went to the bathroom to freshen up. My dad is a good conversationist that he did not leave any questions behind. Lahat yata ng bagay sa buhay ko ay natanong na niya. Lahat din ng mga ito ay nasagot ko ng buong kasinungalingan. I sighed and looked myself in the mirror. Mas lalo akong naging kaawa-awa sa paningin ko. I am not a fan of lying but I need to. Kahit pakiramdam ko sinusunog na ng empyerno ang kaluluwa ko. It hurts me everytime I lied. But, I don't have a choice. Mabilis akong naghilamos ng aking mukha. Wala akong pakialam kung maging ang kaunting kolorete sa aking mukha ay mabura nito. Wala rin namang dahilan kung bakit pa ako magpapaganda. In Atlas eyes, I am the most ugly and wicked woman he knew. "Oh, look who's here." I abruptly shifted my gaze from the newly opened door. I instantly saw Trina walking towards me, smirking. I shook

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 5

    I stayed at my Dad's house for one week. I skipped from work and decided to cancel all my meetings. Naisip kong magpahinga mula sa lahat nang stress na nararamdaman ko nitong mga nakaraan. To unwind and relax. Hindi na rin ako nagpaalam kay Atlas. Hindi naman kasi kami sanay na pinapaalam ang schedule ng isa't isa. Masasabi ko rin na hindi kami close. We are two different people that is binded only because of marriage. Na hindi pa niya gusto dahil ako lang naman ang nagpumilit. Bago ako umuwi sa South Ridge Village ay dumaan muna ako sa aking klinik. Kinuha ko ang ilan sa mga dokumento ko at mga papeles ng aking mga pasyente. I decided to read those papers at home. It was six in the morning and I had all the day to scanned it. I smiled as I maneuvered my car. Naalala ko na naman ang masasayang araw ko kasama ni Daddy. Ang pagpunta namin ng ibang bansa para lamang kumain at magliwaliw nang tatlong araw at ang pagbili nit

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 6

    I left Atlas in the kitchen after I said those words. Pakiramdam ko kapag mananatili pa ako sa lugar na iyon kasama siya ay baka tuluyan nang malaglag ang mga luha sa aking mga mata. Hindi nga ako nagkamali. Dahil nakakailang hakbang pa lamang ako ay nag-uunahan nang magpatakan ang mga ito. Masakit. Masakit dahil alam kong pinipilit ko lang ang sarili kong hindi masaktan sa lahat ng nangyayari. Alam kong dinadaya ko lamang ang aking sarili na maging matatag at lumaban. Pero ang totoo, durog na durog na ako. Isang klase ng pagkawasak na hindi ko alam kong posible pa bang mabuo. Dumiretso ako sa aking kwarto. I locked my door before I sat on my bed. Hinawakan ko rin ang aking dibdib at tinapik-tapik iyon nang marahan. My tears keep on falling that I can hardly breathe. Natanong ko rin ang aking sarili kung ganito na lang ba ako palagi? Iiyak at magtatago na lang? Masasaktan nang paulit-ulit at mamamanhid

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 7

    Ilang segundo ang lumipas bago ko naitulak si Ramn palayo sa akin. Nanlalaki ang mga mata na tinitigan ko ito. I can't utter anyword. Gulat na gulat ako sa nangyari. Hindi ko rin alam kung ano ang uunahin ko ang sampalin ito o ang salubungin ang titig ni Atlas sa akin na tila nanunuot sa aking pagkatao. I blinked many times to calmed my raging heart. But, the moment I tried to say something to Ramn is the same time I felt someone grabbed my waist. The man behind me punched Ramn straight to his face. Mas lalo akong napakurap. Pilit ko mang itanggi sa isip ngunit alam kong hindi ako dinadaya ng aking puso. Alam na alam ko kung sino ang lalaki sa aking likuran. Alam na alam ko dahil kahit na ang amoy ng cologne nito ay memoryado ko na. "Fuck you, moron!" galit na sigaw ni Atlas. Hinila ako nito paalis sa swimming pool at binuhat na parang sako pagkatapos. I heared him cursed under his breath while I am still shocked from t

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 8

    Atlas kissed me rough. Para bang sa pamamagitan ng halik niya sa akin mapapawi lahat ang galit nito. Nalasahan ko rin ang dugo na nagmumula sa aking mga labi. Gustong-gusto ko siyang itulak ngunit katulad ng dati, hindi ko magawa. Nakapulupot ang braso niya sa akin habang hawak naman niya ang likod ng aking ulo. Umiling ako nang pakawalan nito ang aking labi. Puno ng pagsusumamo ang aking mga mata na nakatitig dito. Maging si Atlas ay nakatitig din sa akin. Pilit ko ring itinutulak ang katawan nito gamit ang aking kamay. "No, Atlas. Please," mahinang bulong ko. Atlas shooked his head and pulled me close to him. Naramdaman ko pa kung paano nito kinagat ang pang-ibabang labi ko para bumuka iyon. Masakit. Ngunit, ilang sandali lang ay nagbago iyon. Naging mahinahon ang ritmo nito na para bang inaakit ako. Na para bang ang lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin ay mapapawi dahil doon. Pumikit ako. Nab

    Last Updated : 2021-05-13
  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 9

    Tiningnan ko ang relong pambisig. Napailing na lamang ako nang makita ang oras. It is exactly three in the afternoon. Isang oras na lang sa napagkasunduan naming oras ni Montreal.I sighed. Hindi pa rin ako makapaniwala na napapayag ako ng baklang attorney na iyon. He used his scheming tactics on me. Bukod pa sa interes ko nang marinig ang pangalan ni Trina na may pakana ng lahat.Ikinuyom ko ang aking kamay. She will never get away with this. Kutang-kuta na siya sa akin. Tanggap ko ang katotohanang kabit siya ni Atlas pero ang ipahiya ako ay hinding-hindi ko matatanggap. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya sa akin.Ilang sandali pa ay ibinalik ko ang paningin sa mga papel na nagkalat sa aking mesa. Isa-isa ko ring tiningnan iyon at binasa. Being a good psychiatrist in the Metro means having the biggest responsibility. May mga kailangang ingatan. Mayroon din na kailangan itago.Ilang sandalin

    Last Updated : 2021-05-13

Latest chapter

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Special Chapter

    Atlas Ramirez POVI smiled as I watched Olive beside me sleeping like a baby. I even heard her snore that made my heart throbbed with gladness. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na sa lahat ng mga pinagdaanan namin, uuwi pa rin kami sa isa't isa. Kami pa rin ang nakatadhanang magsama.It has been a few months since we've met at Paris. Few months of us trying to know each other like strangers. Nagsimula kami ulit sa una at masasabi kong nagtagumpay kaming dalawa. We did not rush things. Bagkus, naghintay kami. Inalam muna namin lahat ng bagay na hindi namin alam sa isa't isa mula pa noon."I love you," mahinang bulong ko.My eyes widened when Olive moved slowly. Tila naalimpungatan itong sumiksik sa aking dibdib. I was half naked that her every breath touched my bare chest. It tickles my skin but it was fine as long as I could hold her close to me."I love you,"

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Wakas

    Starry starry nightPaint your palette blue and grayLook out on a summer's dayWith eyes that know the darkness on my soulNow I understandWhat you tried to say to meHow you suffered your sanityAnd how you tried set them freeThey did not listenThey did not know howPerhaps they listen nowAgad kong hinapuhap ang cellphone na nasa ilalim ng aking unan. Papungas-pungas na tiningnan ko ang screen nito. I pouted as I saw the time. Late na naman ako ng tatlumpong minuto sa aking pupuntahan. Alas-nuebe na ng umaga at kakagising ko pa lang.I put the phone in my bedside table and tried to get up. Maingat akong umalis ng kama at nag-unat ng kaunti bago dumiretso sa maliit kong bintana. I smiled instantly when the small but beautiful garden greeted me. Ang iba't ibang klase ng mga bul

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 35

    Atlas Ramirez POVNapangiti ako habang pinagmamasdan ang isang babae na mahaba ang buhok. Naka pusod iyon sa likuran nito habang pormal na nakatayo at nakataas ang paningin sa matayog na building ng Eiffel Tower. Mahaba ang brown na coat nito na lampas hanggang sa hita habang nakapaloob naman ang isang puting bluose na nagsisilbing takip sa katawan nito. Bumagay din dito ang suot nitong blue jeans at may takong na boots. Habang sukbit naman nito ang isang clutch bag sa balikat.Matagal na panahon nang huli ko itong makita. Mga panahong pakiramdam ko wala nang silbi ang buhay ko. Mga panahong isinuko ko na ang lahat para dito. At mga panahong kailangan kong dalhin ang sakit para pakawalan ito.Hindi ko lubos maisip na dahil sa bakasyon makikita ko ito.Maraming uri ng pag-ibig. May puro may hindi. May nagtitiis. Mayroon ding umaalis. May pag-ibig para sa pamilya, para sa kaibigan at para sa lahat. Ngun

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 34

    Pakiramdam ko tumigil lahat sa akin ng mga sandaling iyon. Ang pagtibok ng aking puso maging ng aking paghinga. Pakiramdam ko pinapatay ako ng unti-unti habang nakikita ko ang anak ko na pinapalibutan ng doktor at nurse. Ginagawa ang lahat para dito hanggang umiling na lamang ang mga ito tanda ng pagsuko."Time of death. Twelve thirty in the afternoon."I sobbed to Atlas chest as the doctor uttered the words I don't want to hear. Bakit ba kapag gusto ko ang isang bagay hindi ko ito makuha ng buo. Palaging hindi Pwede. Palaging may mali. Palaging wala sa tamang panahon.Iniisip ko tuloy kong anong nagawa kong mali sa buhay ko na pinaparusahan ako ng ganito. Lagi kong binabalikan ang mga nagdaang buhay ko pero kahit katiting hindi ko malaman ang dahilan. Wala akong maisip kundi ang katotohanang nagmahal lang naman ako. Nagmahal lang ako ng totoo.Atlas hand was caressing my back and trying to calm me down. A

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 33

    Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan. Mabilis ang pagmamaneho ni Atlas sa kaniyang kotse. Mabilis din naming narating ang pinakamalaking hospital sa bayan ng San Vicente. Hindi ito nagsayang ng oras at agad akong binuhat para dalhin sa loob ng hospital. Maingay itong pumasok sa loob habang dire-diretso ang hakbang patungo kung saan.Impit ang aking mga ungol habang sumisidhi ang sakit na aking nararamdaman. Ang papalit-palit na sakit sa aking balakang at gitnang bahagi ay hindi ko na halos makayanan. Kakaibang sakit na nagdudulot ng pawis sa aking katawan at takot sa aking kabuuan."It's okay. Everything's gonna be okay," mahinang bulong nito habang maingat na hinalikan ang aking ulo."Masakit," nahihirapang sambit ko. .Naramdaman

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 32

    Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na pumanaog sa sinasakyan namin ni Atlas. Hindi ko alam kung paano ko naihahakbang ang aking mga paa kasabay ni Atlas na mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay. Nang balingan ko ito ng tingin ay seryoso lamang itong nakatitig sa aming harapan. Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan na lamang ang sarili kung saan man ako dadalhin ni Atlas."We're here."Tumigil kami sa isang hindi kalakihang mausoleum. Halata na sa hitsura nito ang katagalan dahil sa nababakbak na kulay ng grills nito. Maging ang yero na nagsisilbing proteksyon nito sa init at ulan ay halos kinalawang na rin."She's my first love," panimula nito.Kahit ilang beses ko nang narinig ang mga katagang iyon mula kay Atlas ay masakit pa rin sa akin ang sinabi nito. Marahil dahil sa katotohanang iyon nabuhay akong may agam-agam sa loob nang sampung taon. Dahil sa salitang iyon nawasak ako nan

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 31

    Kapag natapos ang unos may liwanag na darating. Kapag tumila ang ulan may araw na sisibol. Ang mga luha at sakit, mga dalamhati at pasakit. Ito ang magsisilbing pundasyon para sa panibagong yugto. Bagong simula at bagong pag-asa.Nagising ako kinabukasan nang may ngiti sa aking labi. Inisip ko ang nangyari sa amin ni Atlas nang nagdaang gabi. Hindi sekswal kundi pisikal na pangyayari na hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mga yakap nito sa akin. Yakap na naging dahilan upang maging payapa ang isip ko at mahulog sa karimlam.I roamed around the room as I got up from bed. There is no trace of Atlas in every corner of it. I pouted my lips. I felt a bit of dissappointment but I just shrugged the thoughts off. Then, I sighed and continued the things that I needed to do."Ate!"Natigil ang akmang pagbubukas ko ng pintuan ng banyo nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Leklek. My gaze shifted to where she was a

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 30

    Dedicated to: Ako Si DollyI didn't exactly know what Atlas meant about coming with him. I don't know either what he meant by starting again. All I know is that I am with him and we were both inside his car, while he was driving to somewhere far from the Metro. A place that I didn't know. Nagsisimula nang maging makulimlim ang paligid dahil sa pag-agaw ng kadiliman sa liwanag. Nagsisimula na ring mamaalam ang araw kasabay ng pagbati ng buwan. I am tired for the long ride that I let myself be drowned into slumber. Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong nakatulog dahil sa pagod. Ang tanging alam ko lang ay nagising ako sa isang banayad na halik sa aking labi. At nang magmulat ako ng tingin ang nakangiting mukha ni Atlas ang bumungad sa akin. "Nandit

  • WIFE SERIES: TEARS OF A WIFE   Kabanata 29

    Dedicated to: Ann DeLeon RodrigoDinala kami ni Dr. Lagman sa isang pribadong silid. My heart was beating so fast. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Kinakabahan ako at excited sa mga mangyayari. Nang ilibot ko ang paningin, nakita kong isang normal na klinik laboratory room lamang iyon. May higaan sa gilid ng silid habang may maliit na mesa naman katabi ng ultrasound monitor. May lavatory din sa kabilang gilid ng silid at may mga larawan ng bata sa dingding. Puti ang interior nito na may halong berde kaya mas maganda sa paningin ng kung sinumang titingin."Alright! Pwede niyo na pong bitawan si misis," baling nito kay Atlas. Doon ko lang napagtanto na nakahawag pa rin si Atlas sa aking beywang. I took a glimse of him and shook my head. Tumango naman ito at binitiwan ako kasabay ng isang buntonghininga."No

DMCA.com Protection Status