“MISS Olive, bumalik ka rito!”
Umalingawngaw sa buong ground ng school ang isang napakalakas na sigaw dahilan para kumaripas ako nang takbo. Habang tumatakbo, bigla akong bumangga sa kung sino kaya napahinto ako dahil nalaglag ang hawak 'kong walis tambo. Akmang sisinghalan ko ang epal na nakabangga ko ng mapagtantong student officer pala iyon.
Dali-dali 'kong pinulot ang walis tambo at saka umakto ng normal at naglakad ng normal na para bang wala akong ginawang kaguluhan ngayong araw na ito. Pagkatapos, nagpatuloy ako sa pagtakbo ng malagpasan ko ang student officer na walang kamuwang-muwang sa ginawa ko. Luminga-linga muna ako sa paligid para maghanap ng ibang daraanan. Dahil kapag dineretso ko lang, siguradong marami ang nakaabang at mahaharang ako.
Maya-maya pa, nakakita ako ng isang silid at pagpihit ko ng doorknob, biglang bumukas ang pinto. Sa sobrang pagkataranta mabilis akong pumasok sa loob.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang ibang tao sa silid maliban sa isang lalaki na nakayuko sa desk at mukhang natutulog. Iba ang uniform nito. Sinubukan 'kong silipin ang logo sa uniform nito at napag alaman kong college student na ang lalaki.
Ano naman kaya ang ginagawa nito sa National High school? Nasa 4th year high school pa lamang ako at wala akong balak mag-aral ng college dahil waste of time ang pag-aaral sa ganoong kahabang panahon. Pahahawakin rin naman ako nila Mommy and Daddy ng kumpanya, bakit ko pa kailangan mag-ambisyon, ‘di ba?
“Nasaan na ba ang pasaway na batang iyon?!”
I heard a group chatting outside and eventually realized they were Guards and Student officers. They were tirelessly trying to chase me.
‘Ano ba kasi ang masama sa ginawa ko? Nag-party lang naman kami sa loob ng room dahil walang teacher. Kahit kailan talaga ang kj ng mga matatalino, hays!’ Pagkausap ko sa aking sarili habang pinapakinggan ang mga ito.
Pagkalipas ng ilang minuto nawala ang kumpulan sa labas at nabagot ako magtago sa ilalim ng desk kaya naman gumapang ulit ako palabas at saka umupo sa desk katabi ng lalaki. Tinitigan ko ito sandali, at agad na nagtaka dahil natutulog pa rin siya sa kabila ng pang-titrip ko sa kaniya. Ipinatong ko ang siko sa likod nito pero hindi pa rin gumigising ang binata.
Patay na ‘yata ‘to, e!
“Alam mo bang masama ang matulog na parang mantika?” Pilyang sabi ko at saka ngumisi na parang may nabubuong kalokohan sa isip ko. “Ayaw mo talagang gumising, Kuyang college student?” Kumuha ako ng marker sa drawer sa may harap ng blackboard at pumunit ng papel sabay lapit muli sa binata.
‘Tulog mantika ako’ Isinulat ko sa papel. Hihihi. Ayan ang napapala ng mga manhid!
Pagkatapos, dahan-dahan ko nang idinikit iyon sa likod ng lalaki gamit ang nakita kong scotch tape sa may drawer. Nang makuntento ay dumistansya na ako ng kaunti sa kaniya bago tumayo at sumilip sa labas. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makitang walang tao sa hallway. Siguro sumuko na sila, buti naman..
Kinuha ko na ang walis tambo na dala-dala ko kanina pa. Hindi ko nga rin alam kung bakit nadala ko ang walis tambo na ito-- siguro dahil sa pagkataranta kanina. Useful naman ‘to, kasi nakatakas ako.
Bitbit ang walis tambo na lumapit ako sa binata upang silipin itong muli. “Hays.. Grabe ka matulog. Tulog mantika hindi ko tuloy makita ng buo ang mukha mo-”
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatigil ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata sabay ngiti. “Hi, Kuya Ernesto! Gusto mo uminom ng tubig?” Agad akong humarap sa pinto at sunod-sunod na dumating ang mga students officer.
“Miss Olive! Ikaw na bata ka talaga, nandito ka lang pala. Sumuko ka na dahil tinawagan na namin sina Mr and Mrs. Perez. Kaya huwag ka na tumakbo at gumawa ng panibagong kalokohan..” Pakiusap ni Kuyang Ernesto na guard rito sa school, na kanina pa humahabol na sa akin. Parang walang kapaguran. Tagaktak na ang pawis nito at hinihingal pa.
“Kuya Ernesto, susuko naman ako, e. Kaya lang... hinahabol ninyo ako kaya syempre, tatakbo ako, di ba?" Pangangatwiran ko.
Napahawak si Kuya Ernesto sa sintido niya dahil sa naging katwiran ko. “Paanong hindi ka namin hahabulin, tumatakbo ka!”
Huminga ako ng malalim, bago ulit sumagot. “Kuya Ernesto, pwede bang pakawalan mo na lang ako? Tapos babalik ako ng tahimik sa room-” Bigla akong tumigil sa pagsasalita nang makitang tumayo ang binata na natutulog lang sa desk kanina.
“Ah, Mr. Hudson. Salamat pala at itinuro mo kung saan nagtatago ang batang ‘to.” Pagkausap ni Kuya Ernesto sa lalaki na ngayon ay tinatanggal ang idinikit 'kong papel na may nakasulat pang. ‘Tulog mantika ako’
Napapitlag ako sa gulat at napalingon sa lalaki. “Papaano-”
“Tinext niya kami at sinabing nandito ka sa loob ng exclusive study room, na para lamang kay Mr. Hudson.” Sabat ni Kuya Ernesto.
Hindi makapaniwala na tumingin muli ako sa binata. “Traydor ka! Purket ba tumapak ako sa exclusive room na ito kenemerot magsusumbong ka na?!”
Lumapit na ang mga student officers na nakisali sa paghabol sa akin kanina at hinawakan ako sa magkabilang braso upang hindi na ako makatakas. Daig pa kriminal ‘to, ah!
Akmang aalis ang binata ng makaisip ako ng revenge. Sinubukan kong patirin siya gamit ang isa 'kong paa, ngunit matibay ang tuhod nito at hindi man lang natinag, o nadapa sa ginawa ko. Sa sobrang inis ko sinigawan ko siya kahit nakatalikod na ang mokong na ito.
“Hoy! Traydor na lalaki! Gusto mo bang magreklamo sa ginawa 'kong kalokohan sa’yo? Tara magharap tayo sa guidance!” paghahamon ko.
Humarap ito sa akin na walang emosyon ang mukha. “No, I don't want to get involved with a person like you. You always think you're right, and you're always trying to start arguments with people. I don't need that kind of stress in my life.” segunda ng lalaki, bago tuluyang naglakad paalis. Ang kapal ng mukha!
“Hoy! Bastos ‘yang bibig mo, ah!” Gusto kong pumalag para habulin ang lalaking iyon, subalit marami na ang umaawat sa akin. Tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko tuloy manapak!
Wala akong nagawa, kundi ang sumama sa mga ito patungo sa guidance. Halos sa isang linggo, nakakailang pasok na ako ng guidance. Minsan nga natutulog na lang ako habang kinakausap ng guidance counselor. Pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga. Ganoon lang naman ang gawain ko rito.
“Miss Perez, it's you again-”
“Ma’am, nag-party lang naman po kami sa loob ng room habang walang teacher. Pinasaya ko lang po ang mga kaklase ko dahil bagsak sila sa subject ni Ma’am Pelaez. Alam kong malungkot sila, at ayokong magmukhang sementeryo ang section namin.” Pangunguna ko at hindi man lang binigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang guidance counselor.
Maging ako naman ay bagsak sa subject ni Ma’am Pelaez, pero wala akong pakialam.
Pumikit ang guidance counselor, hudyat na nagpipigil lamang itong bulyawan ako. “I contacted your parents, but they are busy.” Bungad ng guidance counselor sa akin. “Kailangan ko silang makausap tomorrow, puwede ba ‘yon?” dagdag pa nito.
I rolled my eyes before responding. “Ma’am, wala po akong magagawa. They are always busy with their business, siguradong ang makakasama ko bukas ay si Yaya Lena. Kayo ulit ang mag-uusap bukas.”
The school counselor shook her head. “Miss Olive. Bakit mo ba ginagawa ang mga ‘to? Do you want to get your parents' attention? Kung ayan ang dahilan mas lalong kailangan-”
“Ouch! Ang sakit ng tiyan ko, Ma’am!”
Ito na naman siya sa mga tricks niya. Kapag ang isyu sa parents niya ang topic, palagi siyang gumagawa nang paraan upang lumihis. Ito ang unang pagkakataon na gagawin niya ang ganitong eksena. Madalas kasi ay umaarte siya at kunwaring umiiyak para palampasin ang kalokohang ginawa niya. Sana gumana..
“Are you tricking me again, Miss Perez?”
“No-no, Ma’am! Masakit po talaga ang tiyan ko!” Giit ko habang nakapilipit ang dalawang 'kong braso sa aking tiyan para mas epektibo ang pag-arte ko.
Kainis, dapat maniwala siya dahil sayang ang pag-arte ko, ‘no. Ayokong bini-bring up nila ang usapan o isyu sa mga magulang ko. Una sa lahat, wala silang alam sa nararamdaman ko kaya lubayan nila ako sa kakatanong.
“Ernesto! Tumawag ka ng Nurse sa clinic!” Natataranta na utos ng Guidance counselor sa Guard na si Kuya Ernesto.
“Okay po, Ma’am!” Kaagad naman itong tumalima sa utos kasama ang guidance counselor.
I heaved a sigh of relief when she was gone.
Gustong kong matawa sa reaksyon ng mga ito, subalit kailangan kong magpigil dahil ayaw 'kong makulong sa Guidance at sermunan ng walang katapusan.
NAPAHIKAB ako sa malakas at napakalamig na hangin. Pagtingin ko sa aking suot na relo--- alas otso na pala ng gabi, pero wala pa rin sina Mommy at Daddy. Kasalukuyan akong nasa rooftop ng bahay namin habang nagpapalipas ng oras at naghihintay na dumating ang mga magulang ko mula sa business travel.Maya-maya, umupo ako sa sahig at sumandal sa dingding. Pagkatapos, inilabas ko ang malaking album na naglalaman ng mga larawan namin mag pamilya na madalas 'kong silipin kapag namimiss ko sila.“Olive?”Nang marinig ko ang pagtawag ni Yaya Lena sa akin ay mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo upang salubungin siya.“Yaya Lena! Nandiyan na po ba sila Mom and Dad?” eksaherang tanong ko habang may ngiting nakaplasta sa aking mga labi. Sabik akong muling makita sila at makasama kahit sa ngayong buong gabi lang, sapat na.“Anak, Olive.” Lumapit si Yaya Lena sa akin at hinaplos ang aking buhok, bago muling nagsalita. “Tumawag ang iyong Mommy at Daddy, mayroon daw silang bagong business travel.”B
I had no clue of my destination, so I just kept on walking until I spotted a convenience store and quickly headed in that direction. Subalit hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob nang makarinig ako ng batang umiiyak sa gilid ng eskenita at mukhang hindi ito nag-iisa. May sariling isip ang mga paa kong nagtungo sa gawing ingay na naririnig ko.“Huwag po! Kailangan ko po ang perang ito..” Pagsusumamo ng bata.“Ibigay muna! Kung ayaw mong masaktan pa.”“Oo nga bata, magsimula ka na lang ulit. Ibigay muna, kasi pag ako nagalit pa babangasan kita sa mukha. Itong nagugutom na ‘ko! Bilisan mo!”“Huwag po! Kailangan po ng Nanay ko ang perang ito..”Kumukulo ang dugo ko sa aking nakikita. Inaagawan ng mga kalalakihan ang batang lalaki ng pera na mukhang kinita nito mula sa panlilimos. Hindi ko kayang tumayo lang rito at walang gawin, ayoko sa lahat ay makakakita ng mga inaapi.“Hoy! Mga bakla, ano iyan?” Kuha ko sa atensyon nilang lahat. Masamang bumaling ang mga ito sa kinaroroonan ko, pero w
When the bell for recess sounded, my classmates all began to make their way to the cafeteria. I stayed behind as I had no intention of joining them. The break period is still about an hour long. Hinintay kong makalabas ang lahat pero si Reyes mukhang walang balak lumabas kaya naman tumayo na ako para sana lumabas nang humarang siya sa daraanan ko at magkasiklop ang mga kamay niya na parang nahihiya at may gustong sabihin.“May kailangan ka?” tanong ko agad sa kaniya.“Sa-salamat pala kanina..” Anito.“No, problem.”Ngumiti siya na parang katulad ng isang anghel na walang kasalanan.“Pwede bang-”“Hindi puwede.” Direkta kong tugon. Alam ko may pagka-rude pero umiiwas na ako sa mga tao na kunwari ay makikipag-close. May trust issues na ako. Pagkasabi ko niyon, nilagpasan ko na siya ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa aking braso.“Puwedeng makipagkaibigan?” Nag-aalangan niyang tanong. “Kung.. Kung okay lang sa’yo.”“Ayoko ng kaibigan.” Diretso kong sagot.“Bakit?”“
I started packing my clothes and personal belongings with a smile on my lips. This is the happiest day of my life. I thought they would ignore my request. Walang ibang mahalaga para sa akin, kundi ang pamilya, buong pamilya at masayang pamilya tulad nito. Hindi talaga ako makapaghintay kung saan kami magbabakasyon ngayon. Kasalukuyan na kaming nasa byahe at halos ilang oras rin ang binuno sa byahe. Buti na lang hindi napagod si Dad. Niyogyog ko na ang balikat ni Mommy upang gisingin siya dahil itinigil na ni Daddy ang sasakyan sa isang tabi. Pagkabukas ko pa lamang sa binatana ng kotse sumalubong na ang malakas na hangin sa aking mukha at kasabay niyon ang huni ng mga ibon. Wow! Ang refreshing naman rito, kaya ipinalibot ko pa ang aking mga mata. Nakita ko ang iba’t-ibang klase ng mga bulaklak na malalago at magaganda. Para itong malaking harden, hindi lamang malaki, kundi sobrang lawak na taniman ng mga bulaklak. I was taken aback when someone blocked my sight of the magnificent su
“Ito na ba si Olive?” Manghang tanong sa akin ng isang medyo may edad na lalaki. Hinuha ko medyo may edad kumpara kay mommy at daddy.Siniko ko si mommy nang mahina sabay bulong. “Mommy, sino siya?”“Ang Ninong Recy mo...” Pabalik na bulong ni mommy bago ngumiti. “Kaya, pwede bang bumati ka at ngumiti.” Dagdag pa ni mommy.“Hello po! Ako nga po si Olive.” Sagot ko na may malaking ngiti sa aking mga labi. Ang hirap naman magpanggap na masayahin at pabibo. Hays!Naupo na kami sa sala at may mga pagkaing nakahain sa mesa tulad nang green tea, coffee, juice at sandwich. Alam na alam nila ang breakfast namin, ah. Ganito ang nakahain palagi sa mesa namin noong bata pa ako na sabay-sabay kami kumain nila mommy and daddy. Ngayon na lang ulit ‘to mangyayari pero ngayon, hindi na lang kaming tatlo kundi anim.“Kamusta naman kayo sa Manila? Ang tagal na rin pala noong huling punta ninyo rito. I heard you are often travelling to various countries to promote the Lala Olive Fragrance Corporation. Ho
“Olive?! Why did you do that?” Mahina ang boses na tanong ni mommy, pero maririnig ang diin sa boses nito. “Hanggang dito ba naman?” Humugot ako nang isang malalim na hininga, bago nagpaliwanag. “Mom, listen to me. Wala akong ginawang masama-” “My god, Olive! Anong walang ginawang masama? Sinaktan mo lang naman ‘yung anak nang ka-partnership natin, paano na lang ang agreement both parties kung iatras nila iyon?” “Mom! Pwede bang kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang naman pakinggan mo ako!” I didn't intend to yell at Mommy so suddenly. I couldn't control myself because I didn't want her to accuse me and ignoring my explanation. I looked around and saw that there were a lot of eyes on us. Siguro sa isip-isip ng mga tao, bastos akong anak dahil nangangatwiran pa ako at mas malakas pa ang boses ko kaysa kay mommy. Mas nagmamatapang pa ako. Alam na alam kong hinuhusgahan na nila ako without knowing the full story. “Huwag mo akong pakinggan, mom. Hindi ako nagsasabi ng totoo. Maliwana
We have arrived at a great, vibrant flower field where a lot of workers have arrived to start the harvest. The workers are expertly gathering the flowers and putting them in baskets. They are very proficient and move swiftly. It looks like they're having a good time while they work. The air is filled with the sweet scent of the flowers, and the sun is shining brightly down on us. Nang biglang mawala sa paningin ko si Aragon, mukha akong tanga na pina-ikot-ikot ang ulo ko para lang makita kung nasaan siya at nang masilayan kung saan direksyon siya nandoon, bahagya akong ngumiti. The hell, bakit ko ba hinahanap ang presensya ng bwisit na lalaking ‘to. Aragon was sitting on the grass. May bag na nakapatong sa binti niya. Mga ilang segundo ko siguro siya tinitigan, ewan ko ba sa mga mata kong ito, siguro kailangan ko na magpatingin dahil ‘yung mata ko hindi na sumusunod sa akin. Meron na ‘atang pagtingin kay Aragon. Palitan ko na lang nang bagong mata. "Aragon, take Olive on a walk ar
“Buti naman.” Naisagot ko na lang. Wala na akong ma-topic, e. “What about you. Do you have a lot of friends?” He asked. “Well, dati marami.” Sabi ko bago inubos ang kape na iniinom ko. “Pero ngayon, kahit isa wala na akong itinuturing na kaibigan.” “Alam ko kung bakit.” Aniya. Masama ko siyang tinitigan. “Alam ko ang sasabihin mo. Kasi troublemaker ako, ganun?” “Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako.” Aniya, parang inosente. “Alam mo, masaya magkaroon ng kaibigan. Kaibigan na kasama mo sa mga bagay na may sense, o halaga, hindi kaibigan na kasama sa gimmic at party-party. I didn’t like complicated person and complicated situation.” “Edi, ayaw mo pala sa akin?” Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin at bahagyang tumawa. “Medyo.” Pinandilatan ko siya. “You! Bwisit ka talaga!” “Oh, huwag kang mag-eskandalo rito.” Pigil niya na para bang mas iniinis ako. “Kaya wala kang kaibigan. Dragon ka kasi, ang bilis mo magalit para kang nag-aapoy.” Pumikit ako kasabay niyon ang paghugot ko ng
"Olive." Tawag pansin ni Ninang sa akin. Nilingon ko si Ninang. "Bakit po?"Nararamdaman ko na parang may gustong sabihin sa akin si Ninang. It's Sunday and I'm here in the garden, with Ninang Cherry. She invited me to have breakfast here in the garden. We are sitting at a small table, in the middle of the garden, enjoying our breakfast. May pag-aalinlangan siya, kaya naman ngumiti ako para ma-assure na okay lang sa akin na magsabi siya ng kung ano man ang gusto niyang sabihin at iparating sa akin. “Ninang, ano po ang gusto ninyong sabihin?” Ninang inhaled deeply. "I suggest that you consult a medical professional for advice and treatment. Gusto ko maayos ang nararamdaman mong bigat. Alam kong mabigat pa ang pakiramdam mo at may trauma ka sa nangyari sa mga magulang mo. Napag-usapan namin na baka makakabuti kung may titingin sa’yo para maging maayos ang pakiramdam mo." Hindi ako nakapagsalita kaagad. Alam kong kaya niyaya ako Ninang ay dahil sa gusto nila akong ipa-check up. Narin
DUMAAN ang sabado, Linggo at ngayon, Lunes. Ngayong araw, hindi ako ginulo ni Luna at ng mga aliporis niya. Mabuti naman at tahimik ang buhay ko ngayon. Ngayong araw ang Birthday ko, pero wala akong balak na mag-celebrate. Nakatanggap lang ako ng message mula kay Tita Doris, binati niya ako ng Happy Birthday. Kaya lang wala pa akong natatanggap na pagbati mula kay Aragon. Buti pa si Ninang At Ninong, maaga pa lang binati na ako, samantalang siya, wala pa. Kainis! Si Aragon ang gusto kong unang bumati sa akin. Siya pa ang nagpapaalala sa akin na malapit na ang Birthday ko, tapos siya pa itong hindi ako binati simula kaninang umaga? May amnesia ba siya? Umuwi na kami’t lahat, nandito na kami sa bahay, ngunit wala pa rin akong natanggap na pagbati mula sa kanya. "Ninang, nasaan po si Kuya Aragon?" Tanong ko kay Ninang na busy sa pagluluto ng spaghetti. Lumingo si Ninang sa gawi ko. "Nako, nagpaalam kanina sa akin. May lakad daw sila ng mga kaibigan niya." Sumimangot ako. "Ganoon p
ISINABAY ulit ako ni Aragon at pareho kaming tahimik. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko kapag hindi kami nakakapag-usap. Pakiramdam ko, kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang ngiti sa mga labi niya at kapag hindi niya ako kinikibo. Aragon's expression was completely blank. Sumobra ba ako kagabi? "Kuya Aragon–" "Olive," he cut me off, “malapit na mag-bell, pumasok ka na sa loob at baka ma-late ka." I took a deep breath, then spoke. "Alright."Iniiwasan niya ba akong kausapin? Ni hindi niya ako matingnan. Argh! Ano ba kasing pinagsasabi ko kahapon? Kainis! Walang preno ang bibig ko! Hindi pa man ako nakakarating sa loob ng campus may mga humarang na sa akin. Jusko, nasa ground floor pa lang ako malapit sa stage, naghahanap agad ng away si Kiana?"Anong problema mo?" Mataray kong tanong. She flipped her hair before giving a laugh. "Well, ako wala, pero sila?” Gumilid si Kiana at bumungad ang mga lalaki na nasa likuran niya. Tatlong lalaki ang may dala
KASALUKUYAN akong nasa loob ng kotse at hinihintay si Aragon na nasa loob pa ng bahay, daig pa ang babae mag-ayos. Sabay kaming papasok ni Aragon kaya hindi ako kakabahan sa unang klase. Ang sabi ko dati, hindi ako magkokolehiyo pero dahil nangako ako sa mga magulang ko na aayusin ko ang buhay ko, kailangan ko iyon tuparin para maging proud sila sa akin. Ayokong nasa langit na lang sila’t lahat, inaalala pa rin nila ang magiging future ko. Alam kong nagpupursige sila sa pagtatrabaho para sa akin, malaki ang naipon nila sa bangko at lahat iyon under my name. Nasa tamang edad na daw ako to take over the family business, but I lacked the knowledge necessary to do so. I will strive to learn everything I need to in order to preserve my parents' legacy. Itutuon ko muna ang atensyon ko sa pangarap na gusto ng mga magulang ko para sa akin. “Kinakabahan ka na ba?” Pinukaw ni Aragon ang nangangarap kong diwa. Sumakay na pala siya, hindi ko napansin. Sila ang kabahan sa akin. Choss! “Baki
“OLIVE?” “Olive?!” Biglang may umakbay sa akin kaya muntikan na akong mapasigaw sa gulat. Kunot-noo kong inalam kung sino ang pangahas na katabi ko. Bigla akong natauhan nang makitang si Christian iyon. Akala ko guni-guni ko lang na may tumatawag sa akin. Nakita ko na naman ang playboy na ‘to. Hays. “Anong ginagawa mo dito? Panira ka ng moment.” Pagrereklamo ko. Magkasama kami ni Aragon kanina pero nagpaalam siya na may pupuntahan lang daw siya saglit. Namamasyal kami ngayon sa malawak na dagat na malapit lang rin sa bahay nila Aragon. Ang sabi niya gagawa daw kami ng kubo at manonood ng fireworks para mag-celebrate ng Niyugyugan Festival at ang venue ay sa dagat. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Mapang-asar na tanong nito. Hindi ko pinansin ang sinabi ng mokong na ‘to. Napairap ako sa hangin. “Ano ba! Ang bigat-bigat ng braso mo! Alisin mo nga iyan!” Malakas na ipiniksi ko ang braso niya na naka-akbay sa balikat ko at naiinis na naglakad palapit sa tubig. “Hindi mo ba tatanung
Nasaan sila? Ibig sabihin, hindi sila umuwi kagabi? “Baka po sinusulit nila ang pagdalaw sa Maynila-” “Hi, Mom.” Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Aragon... Lumapit si Aragon kay Ninang at nagmano siya. Automatikong napaharap siya sa akin. Shit! Bakit ba ako nakakaramdam ng kaba? Haler, si Aragon lang naman ‘to! “Oh, Anak. Nasaan ang mga kaibigan mo?” Kapagkuwan ay tanong ni Ninang kay Aragon kaya naalis ang tingin nito sa akin. Buti naman, akala ko matutunaw na ako, e! Ako naman ang tumingin sa kanya habang nagpapaliwanag kay Ninang. Pinakinggan ko talaga ang mga sasabihin niya, subukan lang niyang sabihin kay Ninang ang nangyari kagabi at sa akin niya isisi lahat. Hmp! Magkakasubukan kami. “Olive?” “Olive?!” “Po?” Napakurap-kurap ako nang lumakas ang pagtawag ni Ninang sa akin. “Are you okay?” Nakakunot ang noong tanong ni Ninang. “A-ayos lang po ako.” Umiling-iling si Ninang. “Hindi ka maayos. Palagi kang tulala.” Nginitian ko si Ni
WALA sa sarili at panay ang tango ko lang habang nagkukwentuhan si Aragon at ang mga kaibigan niya. Sinasakyan ko na lang iyon sa pamamagitan nang pagtango-tango ko at pag-ngiti ko ng peke sa kanila. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama at maingay. Hindi ko na rin gustong kumilala ng iba. Nadala na kasi ako sa mga naging kaibigan ko noon. Sa una lang masaya, sa una lang sila concern sa’yo pero ang totoo, iiwan ka rin nila sa huli kapag nakuha na nila ang loob mo. Walang totoong kaibigan, si Aragon lang ang kilala kong may malasakit sa akin at nanatili sa tabi ko. Mas okay sana kung si Aragon lang ang dumating. Siya lang naman ang gusto kong kasama at kausap. Bakit kasama pa si Luna? Nakasalampak na upo kami sa sahig na nakabilog sa center table at kumakain ng mga prutas na hiniwa-hiwa nila sa maliliit na pieces. Panay ang sulyap ko kay Luna, panay rin kasi ang dikit niya kay Aragon. Si Aragon naman parang ayos lang sa kanya, parang gustong-gusto pa niyang dumidikit si Lun
I LAZILY got up from my bed when I heard someone knocking and calling me at the door. Balak ko sanang baliwalain na lang iyong kumakatok at pilitin ang sariling matulog pero alam kong hindi rin naman ako tatantanan nito kahit magbingi-bingihan pa ako. Mas lalo lang nila akong kukulitin. Binuksan ko ang pinto ng silid na inuukupa ko at bumungad ang nakangiting mukha ni Ninang Cherry sa akin. Pinalitan ko iyon ng pilit na ngiti. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang maging masaya pero kailangan. “Good morning, Ninang.” Bati ko sa kalmadong boses habang sinusuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko at umaaktong kagigising lang. “Olive. Sumabay ka na sa amin mag-breakfast sa baba.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Ninang. “Kahit ngayon lang. Sabayan mo kami kumain.” “Salamat, Ninang. Pero hindi pa ako gutom. Gusto ko pa matulog-” “You're not sleeping. You've been up all night.” Pigil ni Ninang sa sasabihin ko. “Ang sabi mo sa amin last time, maayos ka na. Pero ba
Ikatlong araw na ngayon at kahit pa paano ay may pagbabago sa kalagayan ni Mom. Responsive na siya dahil sa tuwing kakausapin ko siya iginagalaw niya ang kanyang daliri. Si Dad naman, wala pa rin sa sarili niya. Mas napuruhan siguro sa aksidenteng nangyari kaya ganoon. Dumating ang mga pulis at sinabing normal na aksidente lang daw ang nangyari. Nawalan ng preno ang sasakyan at ibinangga ni Dad sa poste para walang ibang madamay. Kaya lubos akong humahanga sa mga magulang ko, e. In the end, they still care about other people. “Olive.” Nilingon ko ang taong tumawag sa akin mula sa likuran. “Tita. Kayo po pala.” Ngumiti si Tita Doris at nilapitan ako sabay hawi ng buhok ko na parang naglalambing sa akin. “How are your parents doing?” She asked in calm, comforting tones. Pinalitan ko nang matamis na ngiti iyon at sumagot. “Ayos lang po. Ang sabi ng Doktor magiging maayos sila after ilang days.” Sagot ko kay Tita. “Nasaan po pala si Tito Nelson? Bakit hindi mo siya kasama?” Kapagk