I had no clue of my destination, so I just kept on walking until I spotted a convenience store and quickly headed in that direction. Subalit hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob nang makarinig ako ng batang umiiyak sa gilid ng eskenita at mukhang hindi ito nag-iisa. May sariling isip ang mga paa kong nagtungo sa gawing ingay na naririnig ko.
“Huwag po! Kailangan ko po ang perang ito..” Pagsusumamo ng bata.
“Ibigay muna! Kung ayaw mong masaktan pa.”
“Oo nga bata, magsimula ka na lang ulit. Ibigay muna, kasi pag ako nagalit pa babangasan kita sa mukha. Itong nagugutom na ‘ko! Bilisan mo!”
“Huwag po! Kailangan po ng Nanay ko ang perang ito..”
Kumukulo ang dugo ko sa aking nakikita. Inaagawan ng mga kalalakihan ang batang lalaki ng pera na mukhang kinita nito mula sa panlilimos. Hindi ko kayang tumayo lang rito at walang gawin, ayoko sa lahat ay makakakita ng mga inaapi.
“Hoy! Mga bakla, ano iyan?” Kuha ko sa atensyon nilang lahat.
Masamang bumaling ang mga ito sa kinaroroonan ko, pero wala akong pakialam dahil wala namang namamatay sa mga tingin lang.
“Miss, alam mo imbis na mangealam ka sa amin, bakit hindi ka na lang tumakbo at pabayaan kami, o baka naman gusto mo rin kaming bigyan ng pera? Mukha ka namang mayaman. Anong sa palagay mo?” matabil ang dila na tugon ng isang lalaki na kasing payat naman ng tingting.
“Pre, hindi lang mayaman, parang yummy pa ‘yata ang babaeng ‘yan.” segundang wika ng lalaking may hawak na isang sigarilyo at walang sawang humithit. Adik p*****a!
Sumenyas ako sa batang lalaki na tumakbo at tumakas na habang nililibang ko pa ang dalawang lalaki.
“Tsk. Ang pera ay pinaghihirapan. Mga malalaki na kayo dapat nagtatrabaho kayo imbis na nangongotong sa iba! At saka, bata pa talaga, ah?” Asik ko habang nakangisi ang aking labi dahil sa inis na nararamdaman ko. Wow, Olive, coming from you, ah?
Nakita kong nagpipigil nang tawa ang dalawang lalaki at hindi rin nagtagal ay sumabog ang tawa na kanilang pinipigil. Tumawa lang kayo ngayon, mamaya iiyak kayo sa akin.
“Pre! Nakatakas ang bata!” Bulalas ng isang lalaki na napansing wala na ang batang lalaki na kokotongan sana nila ng pera. “Intensyon mo ba ‘yon, babae ka?!”
“Matalino rin pala kayo? Tsk. Diyan na nga kayo.”
I was about to leave when two men, looking extremely irritated, stepped in my path with aggressive expressions.
"Hindi kami aalis hangga’t hindi namin nakukuha kung ano ang gusto namin," the taller man said.
Alam ko na ang kasunod nito, alam ko rin namang hindi nila ako palalagpasin nang ganon-ganon lang. Alam na alam ko ang mga adik na tulad nila ay lalaban kahit ano pa ang gender mo. Sila kasi ang mga walang respetong tao.
“Akala mo ba, basta-basta ka namin paaalisin?” may sarkasmong sabi ng isang lalaki na kulang na lang liparin ng hangin sa payat. Hithit pa, boy.
“Wala akong panahon sa walis tingting na katulad mo.”
“Aba’t! Gago ka, ah! Birahin na natin ‘to!”
Umamba siya nang suntok at kada suntok niya ay tumatama lamang sa hangin dahil sinasalag ko ang bawat sugod niya. Hindi ko na sana papatulan, e. Kaya lang makulit, siya lang rin ang mapapagod sa ginagawa niya. Mamaya niyan hikain pa ‘to.
“Puta!” Hinihingal na mura ng lalaki. “Napapagod lang ako sa’yo..”
“Kasi naman, bakit ka sumusuntok sa hangin?” nakangisi 'kong tanong. “O, siya. Maiwan ko na kayo. Salamat sa exercise na hindi nakakapagod.”
“Ahh!” Nilingon ko ang isang lalaki na medyo may laman na susugod sa gawi ko at may hawak itong kahoy, pero mabilis akong nakaiwas sa ginawa niyang paghampas. “Hindi ka na makakaligtas rito! Patutulugin ka namin ngayong gabi!”
“Mauna kang matulog.” Pagkasabi ko niyon ay malakas ko siyang binayagan dahilan kung bakit siya ngayon nakaluhod sa harapan ko at namimilipit sa sakit.
Nakangiwi ang lalaki at nabitawan niya ang kahoy. “Aray! Hayop kang babae ka! Mapapatay talaga kita!” Sa bawat pag-ngiwi niya katumbas niyon ang pag ngisi ko sa kanilang dalawa.
“Jobert! Tawagin mo sila boss. Tingnan natin kung makaalis ka pa ng buhay rito.”
Aba, aba, magtatawag pa siya. Napailing na lang ako sa pagsigaw nilang dalawa. Imbis na maghintay ay naglakad ako paalis ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang salubungin ako ng isang batalyong kabataan at may dala silang mga kahoy. Fuck! Alam kong dehado ako sa dami nila pero wala na akong magagawa.
“Boss, siya ‘yung babaeng pakielamera!” Turo ni kuyang tingting sa akin. Crying baby pala ang mga ito, e. “Boss, kayo na po ang bahala sa kaniya. Lumpuhin po natin ang babaeng ‘yan! Tingnan natin kung may tapang ka pa.”
Tinaasan ko sila ng kilay. “Crying baby, sumasali ka pa sa mga gang. Iyakin ka naman pala.”
“Woy! Ano bang problema mo sa mga bata ko, ah?” mayabang na tanong ng isang lalaki na nakapamulsa, hinuha ko siya ang tinatawag na boss ng mga ito.
I just sighed heavily. “Bahala kayo.”
Nilampasahan ko silang lahat at malayo na ako sa kanila. Sa pag-aakalang hinayaan na nila ako may kung anong tumama sa hita ko at sumikdi ang hapdi niyon at pakiramdam ko may nakatusok sa hita ko at hindi ako nagkamali. Pagbaling ko sa aking hita may nakatusok na stick. Shet! Ang sakit!
“Masakit ba?”
Nag-angat ako nang ulo at nakita ko ang lalaking binayagan ko kanina.
“Hindi pa natatapos diyan ang lahat. Sabi kasi ni boss, dalhin daw kita sa kaniya. May isang bote ng alak roon, at ikaw ang pulutan.” Anito, sabay ngisi na kamukha ng demunyo. Hindi pala kamukha, siya na talaga ang pumalit kay satanas.
Kung sakali kayang magpabugbog ako para pag nakita ako nila Mommy and Daddy mag-alala sila sa akin. Maranasan ko man lang na maging concern sila sa akin pag nawala ako, o magka-injury. Iiwan kaya nila ang trabaho para alagaan ako? Alam 'kong ang panget nang ganitong pag-iisip.
“Hey, bakit hindi ka nagsasalita? Tumatawag ka na siguro ng mga santo, ‘no?” pukaw nitong lalaki na malakas ang loob purket nadaplisan niya ako. “Ito ang bagay sa’yo-”
Pumikit ako at hinintay ang paglatay ng kahoy sa katawan ko, ngunit ilang segundo pa ang lumipas wala akong natamong hampas. Sinubukan kong imulat ang aking kanang mata at nanlaki iyon nang makita 'kong may isang lalaki, naka-coat ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. Nakahawak siya sa braso ng lalaking gusto akong hampasin ng kahoy at naaaninag ko kung paano ang pag-ngiwi nito sa sobrang sakit ng pagpilipit na ginagawa ng estrangherong lalaki sa braso niya habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig ng lalaki upang mapigilan ang pagsigaw nito.
After a few seconds, the strange man let go of the man's arm. Tumakbo ang lalaki ang mga ugok at hindi na sinubukan pang manlaban. I was shocked at what he did and before I could even open my mouth to ask, he grabbed me and pulled me away.
“Hey, sino ka ba-”
“Shut up. Just follow me.” He said, and his voice sounded familiar to me. I think we've met somewhere?
Nang makalayo kami ay tumigil na siya sa pagtakbo at binitawan na rin niya ang kamay ko. Sa kagustuhan kong makita ang mukha niya inabot ko ang coat na may pa-sumbrelo sa ulo niya at mabilis ko iyong tinanggal, subalit mabilis niyang naibalik iyon sa ulo niya at hinawakan ang kamay ko. Puta, ninja ba siya? Ang bilis ng mga galaw niya.
"Troublemaker, just a kind warning. If you don't stop causing trouble, you're going to end up in a lot of trouble. Don't get yourself in any trouble you can't even handle." Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking kamay. “Ilagay mo sa lugar ang katapangan mo.”
“Wait!” Pigil ko sa kaniya nang akmang maglalakad na siya paalis. “Do I know you? Para kasing nagkita na tayo.”
“Hindi kita kilala.” malamig ang boses na sabi nito sabay alis.
Kumirot ang sugat ko sa hita kaya’t hindi ko na siya kinulit pa. Pabulong na lang akong nagpasalamat sa kaniya. Ang ipinagtataka ko lang, paano niya nasabing troublemaker ako? Mababaliw na ako kakaisip! Aminado kasi akong troublemaker ako pero ang nakakaalam lang ‘nun ay ang mga nasa school o mga kilala ako.
Lumingon ako kung saan ilang hakbang na lamang ay papunta na sa loob ng subdivision. Umakto ako sa harap ng mga Guard na ayos lang ako, ayokong mapahiya, ‘no. Pagkatapos ko sabihing kaya ko ang sarili ko dahil nasa tamang edad na ‘ko, tapos malalaman nilang may sugat ako. Siguradong tatawanan ako ng mga ito.
“Hi, Ma’am Olive.” Bati ng mga ito sa akin. As usual, pekeng ngiti ang ibinalik ko at iniiwasan ko ang aking mukha na mapangiwi sa sakit. “Asan po pala ang yosi?”
Naalala pa pala nila ang bagay na ‘yon. Pakingshet.
Kunot ang noo na humarap ako sa kanila. “Bukas na lang po. Ang sakit ng tiyan ko, natatae ‘yata ako sa kinain ko.”
“Luh! Sige po Ma’am. Baka rito pa kayo magkalat.” sabay na sabi ng mga ito.
Lumakad ako nang diretso na tila walang iniindang hapdi sa aking hita. Nang ako’y medyo malayo-layo na at saka ko lamang inilabas ang ngiwi sa aking mukha. Mabuti na lamang at malapit na ang aming bahay.
“Jusko, Olive! Anong nangyari sa iyo?!” Sinalubong ako ni Yaya Lena. Alalang-alala ito sa akin, na sana’y ganito rin sila Mom and Dad sa tuwing makikita nilang nasasaktan ako.
Sorry Yaya Lena. Bulong ko sa aking sarili. Mabilis akong dinaluhan ni Yaya Lena upang gamutin ang mga sugat na aking natamo.
***
HINDI ko maintindihan ang aking sarili habang nakasakay ako sa elevator patungo sa floor kung saan ang classroom namin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mawaglit sa aking isipan ang lalaking tumulong sa akin kagabi. Pakiramdam ko talaga nagkita na kami, e. Argh! Bakit ko ba iniisip ang lalaki na iyon? Dahil ba gusto ko ulit siyang makita? Duh! It’s a no, no, no. Tumulong lang siya, wala ng iba.
“Miss Perez! Why are you late?”
Shems, bakit si Ma’am Pelaez pa ang dadatnan ko. Bad mood na naman ang lahat.
“Good morning, Ma’am. I’m sorry I’m late.” walang buhay 'kong bati. Hindi ko kasi talaga gusto kung paano kami tratuhin ni Ma’am Pelaez, imbis na mabubuhayan ka maiinis ka pa.
“Sit down, Miss Perez.” mahinahon na sabi nito na mabilis ko namang sinunod.
Wala akong itinuturing na kaibigan, wala rin akong pinagkakatiwalaan maliban kay Yaya Lena at sa mga magulang ko, wala ng iba kundi ang sarili ko. Hindi ako nakikipag-hangout or bonding sa iba, pero kilala ko naman ang mga classmates ko lalo na pag oras ni Ma’am Pelaez. Haha. Ako ang nangunguna at pasimuno sa classroom para lang hindi kami maging badmood pag oras na niya.
“Miss Reyes! You’re late again!” Sigaw nito na nakapagpatigil sa aming lahat.
“Ma’am, I’m sorry po sadyang nagkaroon lang po ng-”
“I don’t need your explanation! I need your parents right now!”
“Pero-”
“No, buts!” Mataas ang boses na sabi nito. “Maybe you forgot you were a scholarship recipient, and people like you should not break the rules. You have no right to explain. If you break the rules, you will lose your scholarship and you will be kicked out of school.”
“I’m sorry Ma’am, hindi na po mauulit. Nagka-emergency lang po-”
“Binigyan ba kita nang pahintulot na magpaliwanag?!” Putol na naman niya sa paliwanag ni Reyes at parang sinisilihan ang puwet kong sumagot dahil sa aking mga narinig.
“Mag-usap tayo sa office-”
“Ma’am Pelaez. I have a video here on my phone.” Segunda ko habang iwinawagayway ang cellphone na hawak ko dahilan kung bakit tumigil siya sa pagsasalita at balingan ako nang matatalim na tingin.
“So what?” Matapang na sagot nito.
I smiled devilishly. “Ise-send ko ito sa principal at papupuntahin ko si Mom and Dad para mag-report na nambubully ka ng mga studyanteng scholar.”
“You’re a b*tch.” Komento nito.
“I'm a b*tch when you're in front of me. I'm not afraid to admit it." Buwelta ko.
“Sumusobra ka na, Miss Perez!” she exclaimed. “Hindi purket kilala at may kapit ang pamilya mo aasta kang ganyan! Baka nakakalimutan mo, tinagurian kang troublemaker rito dahil puro sakit ng ulo ang dulot mo sa school na ito.”
Ngumisi ako para mas mainis siya. “Mas sumosobra ka. Just one click, masisira ang buong pangalan mo. Magbago-bago ka naman, Ma’am. Aminado naman akong pareho tayo ng ugali. Ang pinagkaiba lang ay estado sa buhay at mas basura ang iyong pag-uugali.”
Dahil sa sinabi kong iyon, kitang-kita ko kung paano mas lalong namula sa galit si Ma’am. Alam kong pikon na pikon na siya at handang manakit ano mang oras, pero bago mangyari iyon sisiguraduhin kong siya ang magiging dehado. Kaya hindi lumalaban ang mga scholar students dahil takot silang matanggalan ng scholar pag hindi sila pinaniwalaan, pwes, ibahin nila ako. I am willing to fight for what I believe is right. I hate anyone who is cowardly and does not stand up for themselves. I will never back down from a fight. Everyone should have the courage to stand up for what is right.
Ipinaikot ko ang cellphone na hawak ko sa aking kamay at nang-aasar na ngumisi sa kaniya para ipamukha sa kaniyang hindi ako mag-aatubiling i-send ang video sa principal. Ang kapal ng mukha niyang magmatapang, tsk.
“Fine! Let’s have a deal.” She said in a calm voice.
Kabado yarn?
I rolled my eyes. “Hmm.. It’s depend kung i-aacept ko.”
“Lahat kayo ay ipapasa ko ng buong sem. Kahit hindi na kayo gumawa ng mga activities, projects or any kind of performance task. Deal, Miss Perez? At least, wala na kayong iisipin sa subject ko.” Pag-ooffer niya.
Isang malaking ngisi naman ang iginanti ko sa kaniya bago sumagot. “Okay. Deal.”
Fixed Deal.
When the bell for recess sounded, my classmates all began to make their way to the cafeteria. I stayed behind as I had no intention of joining them. The break period is still about an hour long. Hinintay kong makalabas ang lahat pero si Reyes mukhang walang balak lumabas kaya naman tumayo na ako para sana lumabas nang humarang siya sa daraanan ko at magkasiklop ang mga kamay niya na parang nahihiya at may gustong sabihin.“May kailangan ka?” tanong ko agad sa kaniya.“Sa-salamat pala kanina..” Anito.“No, problem.”Ngumiti siya na parang katulad ng isang anghel na walang kasalanan.“Pwede bang-”“Hindi puwede.” Direkta kong tugon. Alam ko may pagka-rude pero umiiwas na ako sa mga tao na kunwari ay makikipag-close. May trust issues na ako. Pagkasabi ko niyon, nilagpasan ko na siya ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa aking braso.“Puwedeng makipagkaibigan?” Nag-aalangan niyang tanong. “Kung.. Kung okay lang sa’yo.”“Ayoko ng kaibigan.” Diretso kong sagot.“Bakit?”“
I started packing my clothes and personal belongings with a smile on my lips. This is the happiest day of my life. I thought they would ignore my request. Walang ibang mahalaga para sa akin, kundi ang pamilya, buong pamilya at masayang pamilya tulad nito. Hindi talaga ako makapaghintay kung saan kami magbabakasyon ngayon. Kasalukuyan na kaming nasa byahe at halos ilang oras rin ang binuno sa byahe. Buti na lang hindi napagod si Dad. Niyogyog ko na ang balikat ni Mommy upang gisingin siya dahil itinigil na ni Daddy ang sasakyan sa isang tabi. Pagkabukas ko pa lamang sa binatana ng kotse sumalubong na ang malakas na hangin sa aking mukha at kasabay niyon ang huni ng mga ibon. Wow! Ang refreshing naman rito, kaya ipinalibot ko pa ang aking mga mata. Nakita ko ang iba’t-ibang klase ng mga bulaklak na malalago at magaganda. Para itong malaking harden, hindi lamang malaki, kundi sobrang lawak na taniman ng mga bulaklak. I was taken aback when someone blocked my sight of the magnificent su
“Ito na ba si Olive?” Manghang tanong sa akin ng isang medyo may edad na lalaki. Hinuha ko medyo may edad kumpara kay mommy at daddy.Siniko ko si mommy nang mahina sabay bulong. “Mommy, sino siya?”“Ang Ninong Recy mo...” Pabalik na bulong ni mommy bago ngumiti. “Kaya, pwede bang bumati ka at ngumiti.” Dagdag pa ni mommy.“Hello po! Ako nga po si Olive.” Sagot ko na may malaking ngiti sa aking mga labi. Ang hirap naman magpanggap na masayahin at pabibo. Hays!Naupo na kami sa sala at may mga pagkaing nakahain sa mesa tulad nang green tea, coffee, juice at sandwich. Alam na alam nila ang breakfast namin, ah. Ganito ang nakahain palagi sa mesa namin noong bata pa ako na sabay-sabay kami kumain nila mommy and daddy. Ngayon na lang ulit ‘to mangyayari pero ngayon, hindi na lang kaming tatlo kundi anim.“Kamusta naman kayo sa Manila? Ang tagal na rin pala noong huling punta ninyo rito. I heard you are often travelling to various countries to promote the Lala Olive Fragrance Corporation. Ho
“Olive?! Why did you do that?” Mahina ang boses na tanong ni mommy, pero maririnig ang diin sa boses nito. “Hanggang dito ba naman?” Humugot ako nang isang malalim na hininga, bago nagpaliwanag. “Mom, listen to me. Wala akong ginawang masama-” “My god, Olive! Anong walang ginawang masama? Sinaktan mo lang naman ‘yung anak nang ka-partnership natin, paano na lang ang agreement both parties kung iatras nila iyon?” “Mom! Pwede bang kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang naman pakinggan mo ako!” I didn't intend to yell at Mommy so suddenly. I couldn't control myself because I didn't want her to accuse me and ignoring my explanation. I looked around and saw that there were a lot of eyes on us. Siguro sa isip-isip ng mga tao, bastos akong anak dahil nangangatwiran pa ako at mas malakas pa ang boses ko kaysa kay mommy. Mas nagmamatapang pa ako. Alam na alam kong hinuhusgahan na nila ako without knowing the full story. “Huwag mo akong pakinggan, mom. Hindi ako nagsasabi ng totoo. Maliwana
We have arrived at a great, vibrant flower field where a lot of workers have arrived to start the harvest. The workers are expertly gathering the flowers and putting them in baskets. They are very proficient and move swiftly. It looks like they're having a good time while they work. The air is filled with the sweet scent of the flowers, and the sun is shining brightly down on us. Nang biglang mawala sa paningin ko si Aragon, mukha akong tanga na pina-ikot-ikot ang ulo ko para lang makita kung nasaan siya at nang masilayan kung saan direksyon siya nandoon, bahagya akong ngumiti. The hell, bakit ko ba hinahanap ang presensya ng bwisit na lalaking ‘to. Aragon was sitting on the grass. May bag na nakapatong sa binti niya. Mga ilang segundo ko siguro siya tinitigan, ewan ko ba sa mga mata kong ito, siguro kailangan ko na magpatingin dahil ‘yung mata ko hindi na sumusunod sa akin. Meron na ‘atang pagtingin kay Aragon. Palitan ko na lang nang bagong mata. "Aragon, take Olive on a walk ar
“Buti naman.” Naisagot ko na lang. Wala na akong ma-topic, e. “What about you. Do you have a lot of friends?” He asked. “Well, dati marami.” Sabi ko bago inubos ang kape na iniinom ko. “Pero ngayon, kahit isa wala na akong itinuturing na kaibigan.” “Alam ko kung bakit.” Aniya. Masama ko siyang tinitigan. “Alam ko ang sasabihin mo. Kasi troublemaker ako, ganun?” “Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako.” Aniya, parang inosente. “Alam mo, masaya magkaroon ng kaibigan. Kaibigan na kasama mo sa mga bagay na may sense, o halaga, hindi kaibigan na kasama sa gimmic at party-party. I didn’t like complicated person and complicated situation.” “Edi, ayaw mo pala sa akin?” Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin at bahagyang tumawa. “Medyo.” Pinandilatan ko siya. “You! Bwisit ka talaga!” “Oh, huwag kang mag-eskandalo rito.” Pigil niya na para bang mas iniinis ako. “Kaya wala kang kaibigan. Dragon ka kasi, ang bilis mo magalit para kang nag-aapoy.” Pumikit ako kasabay niyon ang paghugot ko ng
“MY god, Olive!” Bumungad na naman ang malakas at galit na boses ni Mommy. “Saan ka ba nanggaling?” “Mom-” “Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sa’yo, huh?” Humawak pa si Mommy sa sintido niya na parang pinipigilan ang sarili na ilabas ang galit. “Ang sabi ng Kuya Aragon mo sa amin ay umalis ka daw sa cafe at iniwan sila doon. Tinanong ka niya kung alam mo ang pauwi at dahil nga lumaki kang mayabang at ayaw magpatalo, sumagot ka ng oo. So, he expected na nakauwi ka na. Pero dumating na siya, wala ka pa rin!” Tiningnan ko muna si Aragon na katabi ni Ninang at saka huminga ng malalim. “Mom. Listen to me first, okay? Don’t panic. Hindi ako napahamak, malaki na ako at alam ko ang ginagawa ko-” “No, you don’t know what you’re doing.” Umiling-iling si Mommy, tanda na kontra siya sa mga sinabi ko. “Huwag kang umakto na kaya mo ang sarili mo. Paano kung napahamak ka? Paano kung hindi ka nakita ni Aragon-” Aragon. Aragon na naman. Hindi siya super hero. Kainis! I smiled at them. Sye
Ikatlong araw na ngayon at kahit pa paano ay may pagbabago sa kalagayan ni Mom. Responsive na siya dahil sa tuwing kakausapin ko siya iginagalaw niya ang kanyang daliri. Si Dad naman, wala pa rin sa sarili niya. Mas napuruhan siguro sa aksidenteng nangyari kaya ganoon. Dumating ang mga pulis at sinabing normal na aksidente lang daw ang nangyari. Nawalan ng preno ang sasakyan at ibinangga ni Dad sa poste para walang ibang madamay. Kaya lubos akong humahanga sa mga magulang ko, e. In the end, they still care about other people. “Olive.” Nilingon ko ang taong tumawag sa akin mula sa likuran. “Tita. Kayo po pala.” Ngumiti si Tita Doris at nilapitan ako sabay hawi ng buhok ko na parang naglalambing sa akin. “How are your parents doing?” She asked in calm, comforting tones. Pinalitan ko nang matamis na ngiti iyon at sumagot. “Ayos lang po. Ang sabi ng Doktor magiging maayos sila after ilang days.” Sagot ko kay Tita. “Nasaan po pala si Tito Nelson? Bakit hindi mo siya kasama?” Kapagk
"Olive." Tawag pansin ni Ninang sa akin. Nilingon ko si Ninang. "Bakit po?"Nararamdaman ko na parang may gustong sabihin sa akin si Ninang. It's Sunday and I'm here in the garden, with Ninang Cherry. She invited me to have breakfast here in the garden. We are sitting at a small table, in the middle of the garden, enjoying our breakfast. May pag-aalinlangan siya, kaya naman ngumiti ako para ma-assure na okay lang sa akin na magsabi siya ng kung ano man ang gusto niyang sabihin at iparating sa akin. “Ninang, ano po ang gusto ninyong sabihin?” Ninang inhaled deeply. "I suggest that you consult a medical professional for advice and treatment. Gusto ko maayos ang nararamdaman mong bigat. Alam kong mabigat pa ang pakiramdam mo at may trauma ka sa nangyari sa mga magulang mo. Napag-usapan namin na baka makakabuti kung may titingin sa’yo para maging maayos ang pakiramdam mo." Hindi ako nakapagsalita kaagad. Alam kong kaya niyaya ako Ninang ay dahil sa gusto nila akong ipa-check up. Narin
DUMAAN ang sabado, Linggo at ngayon, Lunes. Ngayong araw, hindi ako ginulo ni Luna at ng mga aliporis niya. Mabuti naman at tahimik ang buhay ko ngayon. Ngayong araw ang Birthday ko, pero wala akong balak na mag-celebrate. Nakatanggap lang ako ng message mula kay Tita Doris, binati niya ako ng Happy Birthday. Kaya lang wala pa akong natatanggap na pagbati mula kay Aragon. Buti pa si Ninang At Ninong, maaga pa lang binati na ako, samantalang siya, wala pa. Kainis! Si Aragon ang gusto kong unang bumati sa akin. Siya pa ang nagpapaalala sa akin na malapit na ang Birthday ko, tapos siya pa itong hindi ako binati simula kaninang umaga? May amnesia ba siya? Umuwi na kami’t lahat, nandito na kami sa bahay, ngunit wala pa rin akong natanggap na pagbati mula sa kanya. "Ninang, nasaan po si Kuya Aragon?" Tanong ko kay Ninang na busy sa pagluluto ng spaghetti. Lumingo si Ninang sa gawi ko. "Nako, nagpaalam kanina sa akin. May lakad daw sila ng mga kaibigan niya." Sumimangot ako. "Ganoon p
ISINABAY ulit ako ni Aragon at pareho kaming tahimik. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko kapag hindi kami nakakapag-usap. Pakiramdam ko, kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang ngiti sa mga labi niya at kapag hindi niya ako kinikibo. Aragon's expression was completely blank. Sumobra ba ako kagabi? "Kuya Aragon–" "Olive," he cut me off, “malapit na mag-bell, pumasok ka na sa loob at baka ma-late ka." I took a deep breath, then spoke. "Alright."Iniiwasan niya ba akong kausapin? Ni hindi niya ako matingnan. Argh! Ano ba kasing pinagsasabi ko kahapon? Kainis! Walang preno ang bibig ko! Hindi pa man ako nakakarating sa loob ng campus may mga humarang na sa akin. Jusko, nasa ground floor pa lang ako malapit sa stage, naghahanap agad ng away si Kiana?"Anong problema mo?" Mataray kong tanong. She flipped her hair before giving a laugh. "Well, ako wala, pero sila?” Gumilid si Kiana at bumungad ang mga lalaki na nasa likuran niya. Tatlong lalaki ang may dala
KASALUKUYAN akong nasa loob ng kotse at hinihintay si Aragon na nasa loob pa ng bahay, daig pa ang babae mag-ayos. Sabay kaming papasok ni Aragon kaya hindi ako kakabahan sa unang klase. Ang sabi ko dati, hindi ako magkokolehiyo pero dahil nangako ako sa mga magulang ko na aayusin ko ang buhay ko, kailangan ko iyon tuparin para maging proud sila sa akin. Ayokong nasa langit na lang sila’t lahat, inaalala pa rin nila ang magiging future ko. Alam kong nagpupursige sila sa pagtatrabaho para sa akin, malaki ang naipon nila sa bangko at lahat iyon under my name. Nasa tamang edad na daw ako to take over the family business, but I lacked the knowledge necessary to do so. I will strive to learn everything I need to in order to preserve my parents' legacy. Itutuon ko muna ang atensyon ko sa pangarap na gusto ng mga magulang ko para sa akin. “Kinakabahan ka na ba?” Pinukaw ni Aragon ang nangangarap kong diwa. Sumakay na pala siya, hindi ko napansin. Sila ang kabahan sa akin. Choss! “Baki
“OLIVE?” “Olive?!” Biglang may umakbay sa akin kaya muntikan na akong mapasigaw sa gulat. Kunot-noo kong inalam kung sino ang pangahas na katabi ko. Bigla akong natauhan nang makitang si Christian iyon. Akala ko guni-guni ko lang na may tumatawag sa akin. Nakita ko na naman ang playboy na ‘to. Hays. “Anong ginagawa mo dito? Panira ka ng moment.” Pagrereklamo ko. Magkasama kami ni Aragon kanina pero nagpaalam siya na may pupuntahan lang daw siya saglit. Namamasyal kami ngayon sa malawak na dagat na malapit lang rin sa bahay nila Aragon. Ang sabi niya gagawa daw kami ng kubo at manonood ng fireworks para mag-celebrate ng Niyugyugan Festival at ang venue ay sa dagat. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Mapang-asar na tanong nito. Hindi ko pinansin ang sinabi ng mokong na ‘to. Napairap ako sa hangin. “Ano ba! Ang bigat-bigat ng braso mo! Alisin mo nga iyan!” Malakas na ipiniksi ko ang braso niya na naka-akbay sa balikat ko at naiinis na naglakad palapit sa tubig. “Hindi mo ba tatanung
Nasaan sila? Ibig sabihin, hindi sila umuwi kagabi? “Baka po sinusulit nila ang pagdalaw sa Maynila-” “Hi, Mom.” Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Aragon... Lumapit si Aragon kay Ninang at nagmano siya. Automatikong napaharap siya sa akin. Shit! Bakit ba ako nakakaramdam ng kaba? Haler, si Aragon lang naman ‘to! “Oh, Anak. Nasaan ang mga kaibigan mo?” Kapagkuwan ay tanong ni Ninang kay Aragon kaya naalis ang tingin nito sa akin. Buti naman, akala ko matutunaw na ako, e! Ako naman ang tumingin sa kanya habang nagpapaliwanag kay Ninang. Pinakinggan ko talaga ang mga sasabihin niya, subukan lang niyang sabihin kay Ninang ang nangyari kagabi at sa akin niya isisi lahat. Hmp! Magkakasubukan kami. “Olive?” “Olive?!” “Po?” Napakurap-kurap ako nang lumakas ang pagtawag ni Ninang sa akin. “Are you okay?” Nakakunot ang noong tanong ni Ninang. “A-ayos lang po ako.” Umiling-iling si Ninang. “Hindi ka maayos. Palagi kang tulala.” Nginitian ko si Ni
WALA sa sarili at panay ang tango ko lang habang nagkukwentuhan si Aragon at ang mga kaibigan niya. Sinasakyan ko na lang iyon sa pamamagitan nang pagtango-tango ko at pag-ngiti ko ng peke sa kanila. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama at maingay. Hindi ko na rin gustong kumilala ng iba. Nadala na kasi ako sa mga naging kaibigan ko noon. Sa una lang masaya, sa una lang sila concern sa’yo pero ang totoo, iiwan ka rin nila sa huli kapag nakuha na nila ang loob mo. Walang totoong kaibigan, si Aragon lang ang kilala kong may malasakit sa akin at nanatili sa tabi ko. Mas okay sana kung si Aragon lang ang dumating. Siya lang naman ang gusto kong kasama at kausap. Bakit kasama pa si Luna? Nakasalampak na upo kami sa sahig na nakabilog sa center table at kumakain ng mga prutas na hiniwa-hiwa nila sa maliliit na pieces. Panay ang sulyap ko kay Luna, panay rin kasi ang dikit niya kay Aragon. Si Aragon naman parang ayos lang sa kanya, parang gustong-gusto pa niyang dumidikit si Lun
I LAZILY got up from my bed when I heard someone knocking and calling me at the door. Balak ko sanang baliwalain na lang iyong kumakatok at pilitin ang sariling matulog pero alam kong hindi rin naman ako tatantanan nito kahit magbingi-bingihan pa ako. Mas lalo lang nila akong kukulitin. Binuksan ko ang pinto ng silid na inuukupa ko at bumungad ang nakangiting mukha ni Ninang Cherry sa akin. Pinalitan ko iyon ng pilit na ngiti. Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang maging masaya pero kailangan. “Good morning, Ninang.” Bati ko sa kalmadong boses habang sinusuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko at umaaktong kagigising lang. “Olive. Sumabay ka na sa amin mag-breakfast sa baba.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Ninang. “Kahit ngayon lang. Sabayan mo kami kumain.” “Salamat, Ninang. Pero hindi pa ako gutom. Gusto ko pa matulog-” “You're not sleeping. You've been up all night.” Pigil ni Ninang sa sasabihin ko. “Ang sabi mo sa amin last time, maayos ka na. Pero ba
Ikatlong araw na ngayon at kahit pa paano ay may pagbabago sa kalagayan ni Mom. Responsive na siya dahil sa tuwing kakausapin ko siya iginagalaw niya ang kanyang daliri. Si Dad naman, wala pa rin sa sarili niya. Mas napuruhan siguro sa aksidenteng nangyari kaya ganoon. Dumating ang mga pulis at sinabing normal na aksidente lang daw ang nangyari. Nawalan ng preno ang sasakyan at ibinangga ni Dad sa poste para walang ibang madamay. Kaya lubos akong humahanga sa mga magulang ko, e. In the end, they still care about other people. “Olive.” Nilingon ko ang taong tumawag sa akin mula sa likuran. “Tita. Kayo po pala.” Ngumiti si Tita Doris at nilapitan ako sabay hawi ng buhok ko na parang naglalambing sa akin. “How are your parents doing?” She asked in calm, comforting tones. Pinalitan ko nang matamis na ngiti iyon at sumagot. “Ayos lang po. Ang sabi ng Doktor magiging maayos sila after ilang days.” Sagot ko kay Tita. “Nasaan po pala si Tito Nelson? Bakit hindi mo siya kasama?” Kapagk