Krizelle Encarlight
Monday.
Maaga akong nagising ngayon at ganoon din ang kasama ko dito sa kwarto na si Raijin. Dadalawa lang kami dito ngayon. Si Trixie? Wala akong balita sa kan'ya. Lalo pa't no'ng nakaraang linggo na may engkwentrong nangyare sa cafeteria ay mukhang sumama na ito doon sa lalaking nagngangalang Jacob at hanggang ngayon ay wala akong alam kung nasaan ito.
"Good morning, Ma'am Ayesha."
I just nodded to Raijin. Even I started teaching last week I chose not to change my name and tell them the truth, since my sister is a student here. Ayoko namang may marinig ako na kaya siya naging Vice President ng Student Council ay dahil mayroon siyang ate na teacher dito. Kahit pa wala naman akong kinalaman kung paano siyang naging bise presidente ng student council.
And oh, speaking of being the Vice President. Today is the day that Ms. Sylvia will talk to them. If ever
Krizelle Encarlight's Point of View"I already talked to Ms. Sylvia. Pumayag siya sa kasunduan namin. Pero ayokong samantalahin yung pagkakataon, maliwanag ba Zero?""Sure."I've been watching Zenre the whole time. He's talking with his brother using his wristwatch."Where did you bought that?" I asked him pointing on the bracelet in his left arm.He looked at me and raised his hand, letting me see that high-tech gadget. "I made it.""Really?" Lumapit ako para tignan iyon. I was amazed when I saw it. I saw two letters inside the red dot. "What does that Z and K means?""That? That was Kirsten and Zero's initial. I put their initials here to find where are they. They're wearing a bracelet can be used as a communication device and a tracking device also. Para pag may nangyareng hindi maganda, madali ko lang silang mahahanap."That's
Krizelle EncarlightHINDI na talaga ako natutuwa! Ilang linggo na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas si Kirsten. Kahapon nang mag-usap kami ni Zenre ay sinabi nitong papasok na siya kahapon. Pero ito, dumating na ang kinabukasan ngunit walang nangyayare.Gumawa na rin ng grupo si Leppy na nais nang patalsikin si Kirsten sa Student Council dahil hindi na nito nagagawa ang kan'yang tungkulin.Kalahati ng mga estudyante ay sumasang-ayon sa kaniya at ang iba naman ay wala na lang ding pakialam.Nandito ako ngayon sa opisina ni Ms. Sylvia dahil nais daw ako nitong makausap. Malapit na ako sa opisina niya.Isa lang naman ang sa tingin kong pag-uusapan namin dito. Si Kirsten.No'ng nakaraang araw ay nagkausap kami patungkol kay Kirsten at hindi ko masabi sa kan'ya ang totoo kaya nagsinungaling na lang ako na hindi ko alam. Isipin na niyang pa
Krizelle Encarlight"You okay now?" Zenre asked me.I heaved a sigh and said, "yes. Ayoko lang talaga na nagtatago ka pa ng sekreto sa'kin. So please, Zenre, sana huli na 'to."Niyakap ako nito mula sa likuran at saka ipinatong ang baba nito sa balikat ko. "I will. Sorry..."Marahan kong kinurot yung tenga nito. "Tsk! Basta sinasabi ko sa'yo, ah!"Hindi ito sumagot. Nakiliti ako sa ginawa nitong pagkagat sa leeg ko."Tumigil ka nga." Natatawang anas ko."Galit ka na niyan?"Umirap na lang ako sa kan'ya."We can stay here if you want. Wala namang klase ngayong hapon, 'di ba? May announcement si Ms. Sylvia sa Social Hall mamaya."Ah, yeah. Yung pinag-usapan pala namin kanina sa office niya. Ibabalik na pala niya si Leppy sa Student Council. "Hindi mo pa rin ba nakausap si Kirsten o si Zero man lang?
KRIZELLE ENCARLIGHT'S P.o.V."Good afternoon, Ma'am." A group of boys greeted me as we went to Social Hall.Maraming estudyante ngayon dito gaya ng dami ng estudyante na dumalo rin noong ihalal si Kirsten sa pagiging Vice President ng eskwelahan."Kirsten wants to suffer Leppy Aragon. Alam ni Kirsten kung gaano kagusto ni Leppy ang posisyong iyon. Kaya kahit hindi siya interesado sa bagay na yun, ay pipilitin niyang makuha iyon." Zero said.Tatlo kami nina Zenre at Zero ang narito ngayon at nag-aabang sa paglabas ni Ms. Sylvia sa backstage. Anong oras na at ang usapan ay alas tres ng hapon ngunit mag a-alas tres y media na ngunit wala parin ito. Napansin ko na din sa gilid si Leppy na kung todo kung mag-ayos sa sarili.Ewan ko ba sa bwisit na 'yan, sa t'wing nakikita ko siya ay literal na tumataas ang dugo ko sa kan'ya. Nakakahigh-blood ang pagmumukha niya."Kung
Kirsten Encarlight"Tapos ka na ba sa kadramahan mo? Ako naman." Marahas kong inagaw yung mikropono kay Leppy. Isang matinis na tinig na nanggagaling sa mikropono ang narinig ng lahat ng narito. Sinadya kong tagalan pa iyon hanggang sa ma-satisfy ang pakiramdam ko. Nang makita kong tinakpan na ng karamihan ang mga tenga nila ay pinatay ko muna yung mikropono.Tinignan ko silang lahat isa-isa. At lahat ng mga taong inasahan kong narito, ay narito nga.Nasa sulok si Trixie habang nakatanaw sa'kin. Hinanap ko sa tabi niya si Jacob ngunit wala akong nakita. Hindi rin nakaligtas si Yvankovv sa paningin ko. Nasa gilid lang ito at mayroon itong mga kasamang kalalakihan. Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung kasa-kasama ni Leppy kanina no'ng nakaharap niya si Krizelle. Kanina ko pa sila tinitignan mula sa malayo at wala akong balak lumapit.Napansin ko ring magkakasama sila Zenre, Zero at Krizelle. Pans
Kirsten Encarlight"Ano bang problema mo?!"Natigilan ako sa paglapit sa kanila. Kinorner ni Zero si Raijin sa pader at todo awat sina Krizelle at Zenre sa kanila."Ikaw ang problema ko!" Sinigawan ni Zero si Raijin."Pwede bang tumigil na kayo? Ganito na nga ang sitwasyon ni Ms. Sylvia, nag-aaway pa kayo!" Habol ang hiningang suway ni Krizelle sa dalawa."Mas binigyan mo ko ng dahilan para wag kang tanggapin sa pamilya!" Idinikdik pa lalo ni Zero si Raijin sa pader. Akma sana nitong susuntukin si Raijin nang marahas na hinila ni Zenre si Zero.Naguluhan ako sa sinabi ni Zero. Itatakwil? Saan? Sa pamilya nila?Nanindig ang balahibo ko nang maisip kong mayroon nga palang kapatid si Zero. Ang bunso sa kanila. Hindi kaya—"Tumigil ka, Zero!" Noon ko lang nakitang ganoon kagalit si Zenre. Itinulak nito si Zero at napaupo ito sa
Kirsten Encarlight I looked at them. Jacob looked so pale. He's thin already not unlike the last time I saw him and even the first time I've met him. It is far now from who he really is before. Madilim man dito sa pwesto namin ngunit kitang-kita ko sa mukha nito na marami itong rashes at mayroon ding maliliit na sugat. "Please..." Lumapit si Trixie sa'kin. Nabigla ako ng lumuhod ito at nagsimulang mag-iiiyak. Ganoon lang ang posisyon namin ng ilang segundo. Pinatatag ko ang sarili kong wag maluha sa sitwasyon. They're begging me to do something for them. And in return, they will help us. Umupo ako at saka ko inalalayan si Trixie sa pagtayo. "Tumahan ka na..." I smiled a bit at her and looked at Jacob after. "Deal. Tutulungan ko kayo sa paraang kaya ko. Pero—" I should make a condition. Hindi naging madali sa'kin na pagkatiwalaan pang muli si Jacob sa kabila
Kirsten EncarlightNarinig ko na minsan ang mga boses nila. Kaya kahit madilim sa paligid, batid ko kung sino sila.Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakalugmok sa sahig ngunit sinipa ako ng isa sa kanila. Mahigpit kong ikinuyom ang mga kamao ko.Hindi pwedeng mauwi sa lahat ang mga pinag-aralan ko kay Zero. Bagaman ang puso ko ay unti-unti na namang kumakabog dahil sa kaba at takot, ngunit nilabanan ko iyon.Hindi ibig sabihin na babae ako, wala na akong laban!'Kung sa dilim ka nila lalabanan, tandaan mo parehas lang kayong walang nakikita. Lakas ng pakiramdam ang kailangan mong gamitin. Pakinggan mo ng mabuti yung mga kilos ng paa nila, maging ang mga maliliit na tunog na nagagawa nila. Talasan mo lang yung pakiramdam mo at mag-focus ka. Iwasan mo ang kabahan.'Pumasok sa isip ko yung mga sinabi ni Zero nang mga panahong nasa headquarters ako at nagsasanay.
Kirsten Encarlight's P.o.V.Ten years later...Maganda ang panahon ngayon. Hindi gaanong mainit at malamig ang simoy ng hangin. Pinanuod ko ang mga dahon sa puno na tila sumasayaw at sinasabayan ang pag-ihip ng hangin."Honey!" Natanaw ko sa di-kalayuan ang asawa ko kasama ang anak ko.Sampung taon na ang nakalilipas ngunit ang pagmamahal ko para sa kan'ya ay hindi nagbago. Hindi naglaho.Araw-araw sa buhay ko ay napakasaya ko sa t'wing nakikita ko si Raijin at ang anak naming si Rain. Sa totoo lang ay hindi ko lubos akalain noong pagka-graduate ko ng high school ay nagdadalang tao na rin ako. At heto na nga, narito na sila ngayon sa harapan ko."Kanina ka pa hinahanap ng anak mo. Nandito ka lang pala." Napakamot si Raijin sa ulo nito.Natawa naman ako sa kan'ya. Alam kong sa edad ni Rain ay napakakulit niya
Kirsten Encarlight's P.o.V.One week later..."Okay lang ba kayo diyan?"Tumamgo sila sa'kin."Kumalma lang kayo, okay? Magiging okay na din ang lahat," 'ka ko pa sa kanila.Narito kaming lahat ngayon sa Social Hall at tila ba nagkaroon ng medical mission ngayon dito sa dami ng mga narito. Ang bawat isa ay nakahiga sa mga solo bed na narito. Lahat ng mga positive sa HIV, STD, at AIDS ay narito lahat upang mabigyang lunas ang mga karamdaman nila."Your father will surely be proud of you, anak."I looked behind me and saw my Mom. Kasama nito si Krizelle habang nakakrus ang mga kamay nila at naglalakad palapit sa akin.I smiled at them. My Mom and my sister Krizelle opened their arms and aiming to hug me. I walk towards them and hugged them."Masaya ako, anak, at proud na
Raijin Steel's P.o.V.Napapagod na ako sa dami nila. Aaminin kong nauubos na ang lakas ko at hindi ko na kaya pa. Kaunti na lamang ang natitira sa kanila. Kaunting laban oa ay tiyak na ang pagkapanalo namin.Masakit na rin ang katawan ko ngunit mabuti at ni isa sa amin ay walang lubhang natamo. Maliban kila Jacob, Trixie, at Leppy na ngayon ay nasa loob na ng isa sa mga kwarto dito. Batid kong kakayanin nila iyong tama nila ng baril dahil may nag-aasikaso naman sa kanila."Raijin!" Napatingin ako kay Zenre na patuloy pa rin sa pakikipagbarilan. Mabilis akong tumakbo palapit sa kan'ya."Kuya...""Nasa'n si Kirsten?!"Natigilan ako. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala siya. Luminga ako sa paligid ko ngunit nawawala siya. Napamura ako sa isipan ko dahil sa sarili kong kapabayaan. 'Tangina!'"Go and find
Kirsten Encarlight's P.o.V."Sugod!!!" Malakas kong sigaw.Napansin kong napakarami nang natumbang tauhan ng Dark Room sa labas kanina kaya inasahan ko nang narito pa rin sila.Wala mang dalawang armas ang mga kasama kong estudyante, mga guro, at may mga katungkulan sa Virginian High, ay alam kong mas marami kami kumpara sa kanila. Bago kami nagtungo kanina dito ay kumuha sila ng mga kahoy sa gubat at ang ilan sa kanila ay namulot ng mga bato bilang armas laban sa mga kaalyado ng Dark Room.Hinanap ng mga mata ko si Raijin. Hindi ako nabigo nang makita ko siya kaagad. Tumakbo ako palapit sa kan'ya at mahigpit ko itong niyakap."Raijin..." Masaya akong okay siya at wala akong nakikitang sugat sa kan'ya maliban sa marumi na yung suot nitong white shirt na ginamit nitong panloob."Kirsten..." sambit nito sa'kin.Inunaha
Raijin Steel's P.o.V.Tahimik kaming lahat at nagpapakiramdaman. Bawat isa ay walang balak magsalita ngunit nakatuon ang atensyon sa mga nakapaligid. Narito kami sa unang bahagi ng Dark Room kung saan matatagpuan ang Punishment Area. Isa itong malawak na bulwagan na sa bawat paligid ay puno ng mga pintuan kung saan hinahatol sa mga estudyante ng Virginian High ang kaparusahan nila.Dalawang palapag ang lugar na ito. Nasa gitna kami habang si Margaux ay nanatili nakatayo dulo kung saan matatagpuan ang hagdan patungo sa silid ng Master ng Dark Room.Nakapaligid sa'min ngayon ang napakaraming tauhan ng Dark Room. May mga tauhan sila na nasa itaas at nakatutok ang mga baril sa'min. Meron din dito sa baba na nakapalibot sa'min.Natumba na namin ang iba sa kanila ngunit hindi biro ang bilang nila ngayon. Matalino ang Papa ko at alam kong inasahan nitong susugod kami rito kaya bago pa
Kirsten Encarlight's P.o.V.They should be here. Tatlong oras na ang nakalipas at nababahala na ako. Hindi ko magawang matulog dahil nag-aalala ako para sa kanila.Halo-halo ang nasa isip ko. Natalo ba sila? Napasakamay na naman ba sila ng Master? Hindi ko na alam! Mababaliw na ako sa kakaisip. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko!Tinignan ko si Krizelle na nahihilo kanina lamang at ngayon ay nakatulog na. Nagulat din ako nang may ipakita ito sa'king test kit. Isa pala iyong pregnancy test kit at tama nga ang napapansin ko sa ikinikilos nila kanina ni Zenre.My sister was pregnant. Masaya ako para sa kanila, actually. Pero hindi ko man lang maipakita kay Krizelle yung kagalakan ko dahil sa nangangamba ako para kila Raijin.Hindi ko rin sinabi sa kan'ya yung namagitan sa amin ni Raijin dahil tiyak kong magagalit ito.Tinignan ko ang mga kamay ni
Raijin Steel's P.o.V.Pumasok kaming lahat sa Dark Room. Walang pagbabalat-kayo. Ipinapakita kung sino talaga kami. Ito na marahil ang pinakamagandang nangyare sa pagitan ng mga Hunter at Heneral. Parehas kaming nagkasundo sa iisang layunin, ang mapabagsak ang Dark Room."Mga hunter! At mga— Heneral?!" Sigaw nang isa sa mga nagbabantay dito sa entrada ng Dark Room.Ngumisi ako at inihanda ang sarili ko. Ganoon din ang mga kasama ko."Kami na ang bahala sa kanila. Pumasok na kayong dalawa sa loob at hanapin ninyo yung kapatid niyo!" Sigaw ni Skye sa'min ni Zenre.Nagtinginan kami saglit ni Zenre bago kami sumang-ayon sa sinabi ni Skye."Sugod!!!" Sigaw ng mga kasamahan kong Heneral.Nilagpasan namin ni Zenre ang mga humaharang sa'min. Itinutumba kung nagpupumilit. Kapwa hindi papatalo sa mga nasa harap n
Raijin Steel's P.o.V.Narito kaming lahat ngayon sa harapan ng Dark Room. Nakatago lang sa gilid habang hinihintay ang paglabas ni Skye. Kailangan niyang suriin ang lagay sa loob bago kami sumugod at pumasok.Ipinatawag ko na rin sa kan'ya yung mga tauhan niya na maaari naming makasama sa pakikipaglaban.Narito pa lang kami sa labas ngunit nakikita na namin kaagad sa harapan kung gaano sila karami. Batid kong mahihirapan kami neto kung lahat kami ay susugod sa kanila. Wala kaming magiging laban.Ang tanging armas lang na dala namin ay yung mga kinuha namin sa mga nakaharap namin kanina sa kuta nila Skye."Wala pa ba siya? Kanina pa tayo narito," nagrereklamong ani Leppy."Maghintay ka lang diyan. Lalabas din si Skye." Ako na ang sumagot dahil kanina pa ito panay reklamo. Hindi marunong maghintay.Inayos ko ang suot kong coat. Kung ano ang isinusuot ko dati dito sa loob ng Dark Room ay ganoon d
Kirsten Encarlight's P.o.V.Tumakbo ako papunta sa loob ng abandonadong gusali. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak nang sobra sobra. Nasasaktan ako at natatakot ako para kay Raijin. Hindi ko alam kung ano'ng pinaplano niya pero sa mga sinabi niya pakiramdam ko ay may masasamang mangyayare.Habang tinatahak ko ang madilim na daan dito sa loob papunta sa Headquarters ay naiiyak na lang ako nang sobra. Napakabigat sa dibdib na tila ba sasabog ako anytime.Kailangan kong humingi ng tulong kila Zenre! Hindi pwede 'to! Sa oras ba makabalik si Raijin sa Dark Room ay siguradong tutugising na siya ng mga naroon."Tulong!!!!" Sa pagkakaalam ko ay hindi na gumagana pa ang fingerprint ko sa scanner nila. Pero sinubukan ko pa rin iyon upang makapasok ako.Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang magbukas iyon at tinanggap n'on ang fingerprint ko.Pagpasok pa lang sa loob ay natanaw ko kaagad si Krizelle, Zen