Krizelle Encarlight's P.o.V.
"What happened to her?!"
We were discussing about Kirsten in the headquarters when Thunder told me that she was sent to the clinic. Nawalan daw siya ng malay sa cafeteria. And here I am running as fast as I can.
"Nadatnan ko sa labas yung pamilyar na babae na sa pagkakaalam ko ay kaklase ni Kirsten. Siya yung napag-alaman kong nadisgrasya ni Kirsten dati kaya siya pinatalsik sa Lakestone High.
"Ikaw ba yung kaibigan ni Kirsten?" tanong ko sa kan'ya. Isinama rin siya ni Kirsten dito? Tsk. Hindi ko na talaga maunawaan pa ang kapatid ko.
Umangat ang tingin no'ng babae sa'kin. Naluluha ang mga mata niya. "Y-Yes. I'm Samantha. And you must be her sister? Magkamukha kayo."
Tumango ako. "What happened to her?" tanong ko sa kan'ya.
"Nasa cafeteria kami kanina. Nag-order lang ako ng food then napansin kong
Raijin Steel's Point of ViewFLASHBACK:"They're leaving now. What should we do?"Tumingin lang ako sa Ikalimang Heneral na nasa harapan ko. Nakangisi. She looked very frustrated. Siya ba naman ang utusan ng Master upang dakpin ang mag-iinang iyon."Problema ko pa ba 'yun?" Tumalikod ako rito at saka akmang aakyat patungo sa hagdan."T-teka lang! Hindi pa ako tapos magsalita, tinatalikuran mo na ako!"I stopped for a second and looked back at her. "Kung pigilan mo 'ko, akala mo nasa mas mataas kang posisyon gaya nang sa'kin." Sinamaan ko ito ng titig. Maswerte siya kung tutuusin. Hinahayaan kong makipag-usap siya sa'kin.Bago pa man mawala ang mga heneral ng Dark Room at tanging si Ikalawa lang ang natira, hindi ko talaga hinahayaang kausapin o ni makipag-usap man lang sa mga nasa mababang posisyon na
Raijin Steel's Point of ViewAfter that incident happened, hindi na ako nanatili pa sa Dark Room. Dahil iyon din naman ang utos sa'kin ng Master."Tell your brothers you saved that family. Hindi pwedeng mabuko ka nila."I didn't response to what he said. I just simply leave the Dark Room without looking back at him.Hirap na hirap akong lumabas sa Dark Room dahil sa pinsalang natamo ko mula aa mga tauhan ng Master. Literal na bugbog sarado ang inabot ko sa kanila. Hahangos-hangos akong nakalabas sa field ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad kahit hirap na hirap na. Hanggang sa nakaabot na nga ako sa abandonadong building kung saan naroon ang headquarters.Eksaktong napindot ko na yung fingerprint scanner ay doon na ako tuluyang nawalan ng lakas."Raijin!" Narinig ko ang boses ni Zenre. Naramdaman kong inalalayan ako nito.
Krizelle Encarlight's P.o.V.We were just talking about him and now, he's in front of us. Napatayo si Zero sa kinauupuan niya, maging ako ay lumapit na rin kay Raijin."You shouldn't be here..." maayos kong sinabi sa kan'ya iyon.Nagugulumihanan itong tumingin sa'kin pasunod kay Kirsten. "Bakit?" Akma itong papasok sa loob ngunit agad na humarang si Zero."Makinig ka na lang," seryosong sabi nito."Paano akong makikinig gayong hindi ko maunawaan kung bakit n'yo ko pinapaalis." Mababatid sa mga mata ni Raijin na nais nitong lapitan ang kapatid ko.Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinila ko na ito palabas. Mamaya ay biglang magising si Kirsten at makita niya si Raijin na naroon."Please, makinig ka muna sa'kin. Hindi ka muna pwedeng makita ni Kirsten—"Pinutol nito ang sasabihin ko.
Raijin Steel's P.o.V.It was night and I'm here in my room here in the Dark Room. I used to stay here all night since I'm not feeling well. Missing someone that I can't see right now."Hey, you stay here? Your brothers must be finding you right now." I looked at her. It was Skye. She sat down near me. Here in my bed.I shrugged my head and said, "They wouldn't."She raised her eyebrow. "How can you say so? Tsk! If I were you, please go back there if you really don't want them to know your secret.""Kirsten is here. She's at the clinic right now. For sure they were there."I saw her eyes widened. "A-Are you sure? Then let's get her. Panigurado pag dinala natin siya dito ay matutuwa sa'tin yung Master. Lalo na sa'yo—"I cut her off. "Are you sure on what you were saying?"Bago pa man na
Kirsten Encarlight's P.o.V."Matulog na muna kayo. Ako na muna ang magbabantay sa kapatid ko."Naramdaman ko ang katawan kong namamanhid. Ang utak ko ay pumipintig-pintig nang napakasakiy na siyang nagdudulot sa'kin ng matinding sakit.Marahan kong iminulat ang mg mata ko. Umaasang hindi na sana sumakit pa ang ulo ko."She's awake!" I heard a familiar voice.For a moment, all the pain I am feeling earlier has all gone. Nakita ko ang mga pamilyar na mukha na nasa harapan ko. Zero, Krizelle, and Zenre. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko nang maluha ako sa pagkakataong ito."H-How are you?" Zero asked me.Ngumisi ako sa kan'ya. Ipinapakitang maayos lang ako. Kilala ko si Zero na mayabang kaya naman gusto ko ring magmayabang sa kan'ya ngayon. "I'm fine, Zero." Tinignan ko si Zenre. "H-Hi, Zenre."
Kirsten Encarlight's P.o.V.I paused for a second. Standing in front of him. Dang! I don't understand my heart right now. "R-Raijin..." I mouthed. He smiled a bit and I can see in both of his eyes that he was about to cry.Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napayakap ako kaagad sa kan'ya. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyapos nito sa mga yakap ko."Zero, where are you going?" That's all I heard from them. Hindi ko muna sila pinansin bagkus ay itinuon ko ang atensyon ko kay Raijin."I miss you..." we both said in each other."A-Are you fine now? Does your head still hurts?" Bakas sa tinig nito ang labis na pag-aalala."Y-yeah. It hurts a bit but I can manage. Don't worry about me." Bumitaw ito sa yakap ko sa kan'ya at saka nito hinawakan ang magkabilang sentido ko. Hinawi nito saglit ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko at saka
Kirsten Encarlight's P.o.V.Lumabas na kami ni Raijin sa cafeteria nang matapos kaming kumain. Actually, ako lang pala. Sinamahan niya na lang akong kumain since busog pa raw s'ya."Ihahatid na kita sa clinic. Magpahinga ka na muna doon, ha?" He said while holding my hands. We're are walking towards the hallway to the clinic.To be honest the time that we had tonight isn't enough for me. I want him to stay here beside me."Sasamahan mo naman ako sa clinic, 'di ba?" I do not know if I'm being to possesive to him since I really want him to just stay near me.He smiled at me. "As much as I want to but I cannot." Nawalan ako bigla sa mood nang sabihin n'ya iyon. "Don't worry, I will go to your place tomorrow morning. Ako na ang magdadala sa'yo nang makakain mo, ayos ba yun?"Tumango-tango na lang ako sa kan'ya. Ayoko naman din magmukhang ina
Raijin Steel's P.o.V.Gusto ko pa sanang mag-stay nang matagal kasama si Kirsten pero wala na akong choice kundi ang iwan na lang siya sa clinic.Kanina pa ako nakakaramdam ng kakaiba sa paligid ko. Animo'y may nakasunod sa'min ni Kirsten kaya naman agad din akong umalis nang pumasok ito sa loob."Whoever you are. Show yourself." Buong sabi ko nang makalayo na ako sa clinic. Batid ko na kaagad kung sino ang naglalakad ngayon patungo sa likuran ko. Nilingon ko kung sino iyon at hindi na ako magugulat pa na sumusunod ito sa'kin.Pumapalakpak ito habang naglalakad palapit sa'kin. "Outstanding. I just found out na kahapon pa siya dumating dito pero tignan mo nga naman, ibang araw na ngayon at inabot na ng dilim, wala ka pa ring binabalita sa Master!" Ngumisi ito sa'kin.Luminga ako sa paligid ko at napakarami nilang nakapalibot sa akin. Nanatili silang nakatayo
Kirsten Encarlight's P.o.V.Ten years later...Maganda ang panahon ngayon. Hindi gaanong mainit at malamig ang simoy ng hangin. Pinanuod ko ang mga dahon sa puno na tila sumasayaw at sinasabayan ang pag-ihip ng hangin."Honey!" Natanaw ko sa di-kalayuan ang asawa ko kasama ang anak ko.Sampung taon na ang nakalilipas ngunit ang pagmamahal ko para sa kan'ya ay hindi nagbago. Hindi naglaho.Araw-araw sa buhay ko ay napakasaya ko sa t'wing nakikita ko si Raijin at ang anak naming si Rain. Sa totoo lang ay hindi ko lubos akalain noong pagka-graduate ko ng high school ay nagdadalang tao na rin ako. At heto na nga, narito na sila ngayon sa harapan ko."Kanina ka pa hinahanap ng anak mo. Nandito ka lang pala." Napakamot si Raijin sa ulo nito.Natawa naman ako sa kan'ya. Alam kong sa edad ni Rain ay napakakulit niya
Kirsten Encarlight's P.o.V.One week later..."Okay lang ba kayo diyan?"Tumamgo sila sa'kin."Kumalma lang kayo, okay? Magiging okay na din ang lahat," 'ka ko pa sa kanila.Narito kaming lahat ngayon sa Social Hall at tila ba nagkaroon ng medical mission ngayon dito sa dami ng mga narito. Ang bawat isa ay nakahiga sa mga solo bed na narito. Lahat ng mga positive sa HIV, STD, at AIDS ay narito lahat upang mabigyang lunas ang mga karamdaman nila."Your father will surely be proud of you, anak."I looked behind me and saw my Mom. Kasama nito si Krizelle habang nakakrus ang mga kamay nila at naglalakad palapit sa akin.I smiled at them. My Mom and my sister Krizelle opened their arms and aiming to hug me. I walk towards them and hugged them."Masaya ako, anak, at proud na
Raijin Steel's P.o.V.Napapagod na ako sa dami nila. Aaminin kong nauubos na ang lakas ko at hindi ko na kaya pa. Kaunti na lamang ang natitira sa kanila. Kaunting laban oa ay tiyak na ang pagkapanalo namin.Masakit na rin ang katawan ko ngunit mabuti at ni isa sa amin ay walang lubhang natamo. Maliban kila Jacob, Trixie, at Leppy na ngayon ay nasa loob na ng isa sa mga kwarto dito. Batid kong kakayanin nila iyong tama nila ng baril dahil may nag-aasikaso naman sa kanila."Raijin!" Napatingin ako kay Zenre na patuloy pa rin sa pakikipagbarilan. Mabilis akong tumakbo palapit sa kan'ya."Kuya...""Nasa'n si Kirsten?!"Natigilan ako. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala siya. Luminga ako sa paligid ko ngunit nawawala siya. Napamura ako sa isipan ko dahil sa sarili kong kapabayaan. 'Tangina!'"Go and find
Kirsten Encarlight's P.o.V."Sugod!!!" Malakas kong sigaw.Napansin kong napakarami nang natumbang tauhan ng Dark Room sa labas kanina kaya inasahan ko nang narito pa rin sila.Wala mang dalawang armas ang mga kasama kong estudyante, mga guro, at may mga katungkulan sa Virginian High, ay alam kong mas marami kami kumpara sa kanila. Bago kami nagtungo kanina dito ay kumuha sila ng mga kahoy sa gubat at ang ilan sa kanila ay namulot ng mga bato bilang armas laban sa mga kaalyado ng Dark Room.Hinanap ng mga mata ko si Raijin. Hindi ako nabigo nang makita ko siya kaagad. Tumakbo ako palapit sa kan'ya at mahigpit ko itong niyakap."Raijin..." Masaya akong okay siya at wala akong nakikitang sugat sa kan'ya maliban sa marumi na yung suot nitong white shirt na ginamit nitong panloob."Kirsten..." sambit nito sa'kin.Inunaha
Raijin Steel's P.o.V.Tahimik kaming lahat at nagpapakiramdaman. Bawat isa ay walang balak magsalita ngunit nakatuon ang atensyon sa mga nakapaligid. Narito kami sa unang bahagi ng Dark Room kung saan matatagpuan ang Punishment Area. Isa itong malawak na bulwagan na sa bawat paligid ay puno ng mga pintuan kung saan hinahatol sa mga estudyante ng Virginian High ang kaparusahan nila.Dalawang palapag ang lugar na ito. Nasa gitna kami habang si Margaux ay nanatili nakatayo dulo kung saan matatagpuan ang hagdan patungo sa silid ng Master ng Dark Room.Nakapaligid sa'min ngayon ang napakaraming tauhan ng Dark Room. May mga tauhan sila na nasa itaas at nakatutok ang mga baril sa'min. Meron din dito sa baba na nakapalibot sa'min.Natumba na namin ang iba sa kanila ngunit hindi biro ang bilang nila ngayon. Matalino ang Papa ko at alam kong inasahan nitong susugod kami rito kaya bago pa
Kirsten Encarlight's P.o.V.They should be here. Tatlong oras na ang nakalipas at nababahala na ako. Hindi ko magawang matulog dahil nag-aalala ako para sa kanila.Halo-halo ang nasa isip ko. Natalo ba sila? Napasakamay na naman ba sila ng Master? Hindi ko na alam! Mababaliw na ako sa kakaisip. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko!Tinignan ko si Krizelle na nahihilo kanina lamang at ngayon ay nakatulog na. Nagulat din ako nang may ipakita ito sa'king test kit. Isa pala iyong pregnancy test kit at tama nga ang napapansin ko sa ikinikilos nila kanina ni Zenre.My sister was pregnant. Masaya ako para sa kanila, actually. Pero hindi ko man lang maipakita kay Krizelle yung kagalakan ko dahil sa nangangamba ako para kila Raijin.Hindi ko rin sinabi sa kan'ya yung namagitan sa amin ni Raijin dahil tiyak kong magagalit ito.Tinignan ko ang mga kamay ni
Raijin Steel's P.o.V.Pumasok kaming lahat sa Dark Room. Walang pagbabalat-kayo. Ipinapakita kung sino talaga kami. Ito na marahil ang pinakamagandang nangyare sa pagitan ng mga Hunter at Heneral. Parehas kaming nagkasundo sa iisang layunin, ang mapabagsak ang Dark Room."Mga hunter! At mga— Heneral?!" Sigaw nang isa sa mga nagbabantay dito sa entrada ng Dark Room.Ngumisi ako at inihanda ang sarili ko. Ganoon din ang mga kasama ko."Kami na ang bahala sa kanila. Pumasok na kayong dalawa sa loob at hanapin ninyo yung kapatid niyo!" Sigaw ni Skye sa'min ni Zenre.Nagtinginan kami saglit ni Zenre bago kami sumang-ayon sa sinabi ni Skye."Sugod!!!" Sigaw ng mga kasamahan kong Heneral.Nilagpasan namin ni Zenre ang mga humaharang sa'min. Itinutumba kung nagpupumilit. Kapwa hindi papatalo sa mga nasa harap n
Raijin Steel's P.o.V.Narito kaming lahat ngayon sa harapan ng Dark Room. Nakatago lang sa gilid habang hinihintay ang paglabas ni Skye. Kailangan niyang suriin ang lagay sa loob bago kami sumugod at pumasok.Ipinatawag ko na rin sa kan'ya yung mga tauhan niya na maaari naming makasama sa pakikipaglaban.Narito pa lang kami sa labas ngunit nakikita na namin kaagad sa harapan kung gaano sila karami. Batid kong mahihirapan kami neto kung lahat kami ay susugod sa kanila. Wala kaming magiging laban.Ang tanging armas lang na dala namin ay yung mga kinuha namin sa mga nakaharap namin kanina sa kuta nila Skye."Wala pa ba siya? Kanina pa tayo narito," nagrereklamong ani Leppy."Maghintay ka lang diyan. Lalabas din si Skye." Ako na ang sumagot dahil kanina pa ito panay reklamo. Hindi marunong maghintay.Inayos ko ang suot kong coat. Kung ano ang isinusuot ko dati dito sa loob ng Dark Room ay ganoon d
Kirsten Encarlight's P.o.V.Tumakbo ako papunta sa loob ng abandonadong gusali. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak nang sobra sobra. Nasasaktan ako at natatakot ako para kay Raijin. Hindi ko alam kung ano'ng pinaplano niya pero sa mga sinabi niya pakiramdam ko ay may masasamang mangyayare.Habang tinatahak ko ang madilim na daan dito sa loob papunta sa Headquarters ay naiiyak na lang ako nang sobra. Napakabigat sa dibdib na tila ba sasabog ako anytime.Kailangan kong humingi ng tulong kila Zenre! Hindi pwede 'to! Sa oras ba makabalik si Raijin sa Dark Room ay siguradong tutugising na siya ng mga naroon."Tulong!!!!" Sa pagkakaalam ko ay hindi na gumagana pa ang fingerprint ko sa scanner nila. Pero sinubukan ko pa rin iyon upang makapasok ako.Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang magbukas iyon at tinanggap n'on ang fingerprint ko.Pagpasok pa lang sa loob ay natanaw ko kaagad si Krizelle, Zen