Hindi ko man tiyak na magagawa ko ang aking trabaho ng walang palya ay gagawin ko na lamang ang lahat para magampanan ko ng maayos ang aking trabaho. Buhay ko ang nakataya dito.
Malalim ang aking iniisip ng mahinto ako sa isang park. Naisip kong tingnan ang envelope sa loob ng aking bag, pinag-aralan ko ang bawat detalye ng target, maigi ko rin pinagmasdan ang litrato ng lalaki. Pinagmasdan ko ito hanggang sa mamemorya ko ang itsura nito. May edad na ito, at sa tantya ko ay nasa ika anim naputlimang taong gulang na ito at nag ngangalang Francis Villaruel. Sa Pampanga nakatira. Isang malaking hasyenda ang kinatitirikan ng mansyon nito at napapalibutan ng CCTV ang bawat sulok ng pader ng mansyon. Meron din itong ilang grupo ng mga tauhan na beynte kwatro oras nakabantay sa mansyon. Kaya napaka labong makalusot ako upang makapasok ng mansyon, pero kung ito ay lalabas sa lungga ay posible na magagawa ko ang aking misyon. Muli kong itinago ang papel sa aking bag at sumakay na ng motor saka pinaandar ito. Malayo ang iniisip ko habang nagmamaneho, kailangan kong maghanda sa panibagong misyon na aking haharapin, hindi ito madali kaya kailangan kong pag igihan ang pag eensayo. Naisipan kong pumunta sa gym na pag aari ng aking kaibigan dahil nais ko siyang kausapin. Bago ako tumuloy sa gym ay kumuha muna ako ng ilang damit na bihisan ko sa aking condo bago nagtungo sa gym. "O sir, welcome back. Akala ko ba ay nasa bakasyon ka?" Nagtatakang tanong sa akin ng isang trainor ng gym na lagi kong nakakausap, si Joe. "Nagbago isip ko ehh," nakangiti kong bero dito at nakipag aper ako bago nagtuloy sa loob. “Nandito ba siya?” Muli akong bumaling sa kanya. “Wala pa sir eh,” aniya. Pinulot ko ang dalawang dumbell na tig sampung kilo ang bigat bawat isa pagka lapag ko ng aking bag. Pag tayo ko ay may dumaan na babae sa aking harapan, may bitbit itong bag na may kalakihan. Seryoso ang mukha ng dumiritso ito sa locker room, sinundan ko pa ito ng tingin dahil pamilyar ang mukha ng babae, pilit kong inaaala kung saan ko ito nakita. Maya-maya ay bumalik ang babae, napapanganga ako sa kaseksihan nito. Nakatali ang lagpas balikat nitong buhok na blonde at nakasuot ito ng kulay itim na ligings at itim na bralet, itim din ang sapatos nito. Sumakay sa treadmill machine at nag umpisang naglakad, nakatingin lang ako dito habang kinikilala ang babae. Nang bigla kong naalala ang babaeng naka one night stand ko sa aking condo, siya nga ang babae na iyon. Napangiti ako at lumapit ako sa katabing treadmill at sumakay din, nagkunwaring maglakad ng mabagal. Saglit akong nakiramdam bago magsalita. "Hi, do you remember me?" Tanong ko sa babae. Ngunit hindi niya ako pinansin, tumatakbo na ito at pabilis ng pabilis ang pag takbo nito. Napangiti ako ng napansin ko na naka earpad pala ito, kaya pala hindi ako narinig. Maaaring hindi niya ako nakilala o kaya hindi siya maka alala dahil lasing ito noong gabing iyon. "Shariena...!!" Tili ng isang bakla na patakbong lumapit sa babae. Agad naman nag tanggal ng earpad ang dalaga at pinahinto ang treadmill, bumaba ito at nakipag yakapan sa bakla. "Bakit ang tagal mo bakla?" Tanong nito sa bakla at pinulot ang tumbler at uminom ng tubig. Nang mag angat ito ng ulo para uminom ay napalunok ako ng aking laway dahil sa kinis ng leeg nito. "Hay nako, alam mo naman ang parents ko strict," sambit ng bakla pagkatapos ay nagtatawanan sila. "Ikaw talaga.... nakuha mo pa talagang mag bero. Magbihis ka na nga para makapag pa sexy ka na," bahagya pa itong itinulak ng babae para umalis dahil nakasuot ito ng pang opisina na damit. Halatang kaka galing lang sa trabaho. "Teka.... hi pogi pwedeng pa himas." Sambit nito ng balingan ako. Akma na sana na lalapit ang bakla sa akin ngunit hinila ito ng dalaga. Siguro ay naakit ko ang bakla sa macho kong katawan, “Teka macho nga ba ako?” Napailing na lang ako sa aking naisip. Labas kasi ang abs ko at muscle sa aking suot na sando na kulay abo at itim na jagger pants. "Hoy, bakla mahiya ka naman sa tao. Bilisan mo na, magbibihis na lang lumalandi pa!" Muli nitong itinulak ang bakla at tumingin sa akin, nakita ko ang paglunok ng laway ng babae ng humarap ito sa akin. "Tulo mo lumalaway! Baklang to akala mo kung sinong malandi, ikaw rin naman!" Humagalpak ng tawa ang bakla saka kumaripas ng takbo bago pa ito mahampas ng dalaga. Bumalik sa treadmill ang dalaga at nag umpisa itong muling mag lakad sa treadmill ng dahan-dahan habang napapalingon sa gawi ko, nginingitian ko naman ito kapag nagtatama ang aming paningin. ****************** Kinabukasan ay bumalik ako ulit sa gym dahil hindi nakarating si Brandon kahapon, ngunit natuwa ako ng makita ko ulit ang babae sa gym. Mag isa lang ito at wala ang bakla nitong kaibigan. "Hi Shariena, hindi mo yata kasama ang kaibigan mo?" saad ko sa dalaga. Napatingin naman sa akin ang dalaga. “Ha? Ako ba ang tinatanong mo?” Tumango-tango ako habang nakangiti. "Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?" Nagtataka niyang tanong sa akin. "Ah yun ba, narinig ko kasi kahapon na binanggit ng kaibigan mong bakla ang pangalan mo," tugon ko habang itinuturo pa ang kamay niya sa entrance ng gym. "Ah okay, may lakad lang si Dave, marami kasing raket yun." Saad niya kahit hindi ko naman tinanong kung nasaan ang kanyang kaibigang bakla. "Pwede ba magtanong?" Sambit ko habang bahagya akong lumapit sa dalaga. "Yes of course," agad naman siya sumang ayon. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong ko sa kanya. "What!? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito sa akin. "Noong gabi na lasing na lasing ka, sa bar? Hindi mo yun natandaan?" Napa awang ang kanyang bibig habang namimilog ang mata na nakatingin sa akin. Maya-maya ay napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. "You mean, that night? Ikaw…?!" Hindi makapaniwala na sambit niya. "Yes, I'm the one. I'm sorry …for that night, medyo naka inom din ako noon kaya di ako nakapag control sa aking sarili." Saad ko. "It's okay, ako naman ang nag umpisa," nahihiya nitong sambit. Nakayuko ang kanyang mukha, tela hindi ito makatingin ng diretso sa akin. "Ibig mong sabihin naalala mo yung gabing may nangyari sa atin pero hindi mo natandaan ang mukha ko?" Takang tanong ko sa dalaga. Tango lang ang naging sagot niya. "Really?! Paano mo nagawa ang bagay na yun, i mean bakit mo naman ginawa yun? Ang halikan ako bigla, lalaki ako. You know what I mean," Dugtong ko pang tanong sa kanya. "Gusto ko lang naman na libangin ang sarili ko,” aniya. “As in naglilibang ka lang?” Tumango-tango siya. “Saka nakipag pustahan kasi ako sa barkada ko," nahihiya nitong kwento sa akin. "Sabi nila.... kapag daw birhen pa ang isang babae ay hindi pa raw ganap na dalaga," kibit balikat nitong dugtong. "At naniwala ka naman?" Napapa iling kong tanong sa kanya, habang nakayuko siya at hindi makuhang tignan ako. "Paano kung doon ka nasama sa dalawang lalaki na gustong maka score sayo? Idi mas lalo kang napahamak!" Dugtong ko pa. "Hindi ko nga akalain na magagawa ko ang bagay na iyon, siguro dala na rin sa mga kinakaharap kong problema at lasing na rin ako nun," saad nito na tela may lungkot na naramdaman. "Hindi naman yun solusyon sa problema, kahit anong problema pa iyon hindi mo dapat isa-alang-alang ang katawan mo para lang mapatunayan mo na ganap ka ng dalaga.” Sambit ko. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. “Tulad ko na uhaw rin sa sex, paano kung masamang tao ako o ang naka-siping mo nang gabing iyon at gawan ka ng masama?" Dagdag ko pa.***VINCENT***"Eh bakit? Ikaw? Hindi ka rin naman mabait ah, pinatulan mo nga ako. Kung mabait ka ide sana hindi mo ako dinala sa condo mo," singhal nito sa akin. "Edi sana kung hindi kita dinala sa condo at hinayaan kita dun sa dalawang lalake, edi na rape ka na!" Paliwanag ko naman sa kanya.Napatingin siya sa akin at agad akong hinampas sa braso kaya napahagikhik ako ng tawa."Bakit kaba nandito, sinusundan mo ba ako?" Mataray na tanong nito sa akin habang naka kunot ang noo."Para malaman mo, regular costumer na ako sa gym na ito. Nagkataon lang na nakita kita rito kahapon," paliwanag ko sa kanya, ngunit ang totoo niyan ay kaibigan ko ang may ari ng gym na ito. “Eh ikaw, bakit ka nandito?” Dagdag ko pa."May nag rekominda kasi sakin na dito raw magandang pag insayuhan. Hinihintay ko lang na ma meet ang lalakeng mag t-training sakin, mamaya pa daw darating," sambit nito."Bakit ka naman mag ensayo? Sasabak kaba sa giyera?" Pabiro kong tanong sa kanya."Parang ganun narin, inihahand
*VINCENT***“Oppsss! I’m sorry," napangiti akong tumingin sa kanya.Nakangiti rin siya habang pinunasan ang beer na tumalsik sa mukha niya."Okay i tried," aniya.Saka kinuha niya ang isang lata ng beer at binuksan din, tinitigan niya muna ang bunganga ng butas ng lata bago siya s******p. Bahagya pa niyang inangat ang kanyang ulo para maka inom ng maigi, habang napapatingin ako sa kanyang leeg. Nakita ko ang umaagos na beer sa kanyang leeg kaya naman bigla akong napa lunok ng laway. "Oh..Sorry it leaked, i'm not used to drinking like this, do you have a glass?" Tanong niyang sambit sa akin habang sinasalo ng kanyang palad ang tumulong beer sa kanyang leeg.Bigla naman akong natauhan ng tumingin siya sakin na parang nagtatanong ang mga mata. "Sorry, here," saad ko ng i-abot ko sa kanya ang tissue. Maya-maya ay umupo narin ako sa tabi niya at nagbukas ulit ng pangalawang beer saka ininom ito.Makalipas ang ilang minuto ay naubos namin ang anim na beer, inipon ko ang mga lata at isinil
*SHARIENA's PoV Isinama ko siya sa aking penthouse para kumuha ako ng mga gamit ko na dadalhin sa aming pupuntahan. Kita ko kong paano siya humanga sa tinitirhan ko, speechless yan ang itsura niya habang umiikot ang paningin sa buong kabahayan. Nang matapos na ako ay binitbit ko na ang aking bag. "Come." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ko siya papunta sa rooftop kung saan andun ang chopper ko na naghihintay na sa amin. "Is that yours?" Sambit niya, pakiwari ko ay nagulat siya sa chopper na nakita niya. "Yes, it's all mine." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Ang ibig mong sabihin ay lahat ng ito?" Ani niya na gulat na gulat. "Yes.! Ang buong building na ito ay pag aari ng aking magulang. Kaya kapag nakuha ko na ang last will ni Dad ay mapapasakin na ang buong building na ito." Paliwanag ko sa kanya. "Let's go?" Muli kong hinawakan ang kanyang kamay at hinila ko na pasakay ng chopper na kanina pa umaandar. Kanina habang bumabyahe kami ay nagpadala na ako ng mensahe sa
**SHARIENA's POV (FLASHBACK) Masaya kaming mag anak ng araw na iyon habang binabaybay namin ang kahabaan ng highway papuntang Baguio dahil nag request ako sa aking magulang na magbakasyon muna. Masaya kaming kumakanta ni mommy habang nagmamaneho si daddy at sumasabay din sa aming kantahan ni mommy. Excited na akong makarating ng baguio lalo pa ng naamoy ko ang halimuyak ng puno ng pine tree mula sa nakabukas na bintana ng kotse, nag request kasi ako na mag road trip kami para ma feel ko kung paano bumiyahe ng malayo na hindi nakasakay sa chopper. Nang biglang nakita ko si daddy na parang natataranta na inaapakan ang preno. Ngunit hindi gumagana ang preno ng kotse, at may papalapit na malaking truck na makaka salubong namin. "Dad, anong nangyayari?" Tanong ko sa aking ama na panay ang apak sa preno ng sasakyan. "Ayaw gumana ng preno anak." Sambit niya na ramdam kong kinakabahan at natataranta. Kinabahan narin kami ni mommy, nagyakapan kami, at bahagya pa na pinikit ni mommy
***VINCENT***"Fuckkk... this is crazy..!!" Mahigpit siyang nakakapit sa aking leeg at isinandal ang baba sa aking balikat, habang umaandar ang motorsiklo sa bako-bakong daan ay tamang nababayonko siya. Maya-maya ay nagpakawala ito ng putok ng baril sa mga kalaban kasabay ng pagragasa ng aking katas sa kanyang loob. Kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ko sa motorsiklo ganun din kabilis ako labasan dahil parang gumigiling ang aking sandata sa loob ng kanyang pagkababae at dahil sa pa giwang giwang na takbo ng motorsiklo at samahan pa ng mga humps na sunod sunod. "Ahh..!!" Sigaw ni Shariena ng tumilapon sila mula sa motor dahil sa hindi ko inaasahan na mabangga ang isang kotse na sumalubong sa amin. Pareho kaming tumilapon sa kalsada, sanhi ng pagkaka bangga sa kotse. Pilit akong bumangon para tiyakin ang kaligtasan niya, kita ko siya na nakahandusay sa may hindi kalayuan sa akin."Shariena...!" Pilit ko na tinukod ang aking braso para makatayo. Ngunit huli na upang makalapit ako sa
***VINCENT***Habang naghahanap kaming dalawa ng masisilungan dahil mag gagabi na at umaambon pa ay may nakita akong isang kubo na medyo sira-sira na, lumapit kami dito at pumasok sa loob, may nakita akong isang gasera ngunit walang lamang gas. Dahil wala naman kaming dala na kahit na anong gamit ay nag hanap hanap ako sa loob ng kubo na pwede naming ma gamit upang magsilbing liwanag. Upang matiyak kung ligtas ba dito o walang makamandag na insekto.Swerte naman at may nakita ako na isa pang gasera at napangiti ako ng makita kong may lamang gaas, agad akong naghanap ng pewede kong gawing pansindi. Dahil sanay ako sa bukid ay may alam naman akong paraan para makagawa ng apoy kahit walang posporo. Ngunit dahil gabi na ay kailangan ko ng liwanag upang makahanap ng mga kahoy na pwede kong gawin na panggatong. "Boy scout ha!" Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siyang nanood sa ginagawa ko. Nag kiskis ako ng kawayan gamit ang bato na kinuha ko mula sa dingding ng kubo. At isang saglit l
"Okay kalang ba?" Tanong ni Vincent kay Shariena habang nagpapahinga sila sa ilalim ng puno. "Masakit na ang paa ko." Sambit nito na hinihilot hilot pa ang paa. "Konting tiis nalang at makakalabas din tayo dito sa gubat." Saad ni Vincent na lumapit sa dalaga para tulungan itong hilutin ang paa.Hanggang sa nakatulog si Shariena sa masarap na hilot ni Vincent sa paa nito. Si Vincent ay nagmamasid masid sa paligid baka may mabangis na hayop o kaya naman ay mahanap sila ng mga kalaban na humahabol sa kanila. "Siguro naman ay hindi na kami makikita ng mga iyon dahil sa napaka layo na namin sa kanila." Sambit niya sa sarili at tumabi sa dalaga, marahan niyang ipinikit ang kanyang mata para mahimbing dahil narin dahil sa pagod sa kakatakbo sanhi ng pag takas nila sa kalabang humahabol sa kanila.Nagising si Vincent sa malamig na bagay na nakadikit sa kanyang bewang. "Shariena! Wake up..!!" Sigaw niya sa dalaga habang hawak ang isang kahoy at itinutok ito sa malaking ahas na sinlaki ng b
Makaraan ang ilang oras ay nakabalik na sila ng hotel na ligtas, cellphone na lang ang natira sa mga importanteng gamit ni Shariena maliban sa mga damit na nagkalat sa sahig. Ang laptop at ang mga cards na naglalaman ng mga documents sa negosyo at pera sa bangko ay wala na, malamang sa malamang ay nakuha na ito ng sakim niyang tiyuhin. "Shit!" bulalas ng dalaga. Habang si Vincent ay halatang nagiisip ng malalim kung paano ang gagawin niya para mabawi ang nawalang mga importanting bagay sa dalaga. "Hindi ko pwedeng hayaan na lang na makuha niya ang lahat ng pinaghirapan ng magulang ko." Singhal ni Shariena habang hilot ang sintido at hindi mapakali, paroo't parito ang kanyang lakad sa loob ng kwarto nila dito sa hotel, iniisip kung anong pwedeng gawin para mabawi ang mga ninakaw ng sakim niyang tiyuhin. "Mababawi mo ang mga iyon Shariena, ang importante ngayon ay ligtas ka." saad ng binata na kanina pa umiigting ang panga sa galit ngunit nahihilo na sa kaka sunod ng tingin sa d
Habang pabalik sa school ni Viana ay nakatanggap ako ng tawag mula sa manager ng aking hardware. Sinagot ko ang tawag, “yes, Remon?” “Boss, kailangan mong pumunta dito sa hardware ngayon. Si Renante,” sabi nito sa kabilang linya. Sa tono ng salita nito ay parang may malaking problema na nagaganap ngayon sa hardware. Agad kong kinabig ang manibela at nag U-turn ako para makabalik sa street kung saan patungo sa aking hardware. Ilang minuto lang ay narating ko ang hardware. Habang tahimik lang si Shariena na nakasunod sa akin. Sa isang malaking gusali na may pangalang Quinn Hardware ay nagmamadali akong pumasok. “Boss,” bulalas ni Remon ng makita ako. Nakahawak ang mga kamay nito sa magkabilang tagiliran at tila galit. Nakita ko naman si Renante sa labas ng office na nakatayo at nakayuko lang. Agad na akong nag tanong, “anong problema Remon?” “E… boss, nahuli ko si Renante na nagpupuslit ng mga alambre. Hindi niya siguro alam na may cctv dito. Alam ko rin kung iilan lang ang d
VINCENT Kasalukuyan kaming tatlo nasa living room habang ako ay abala sa pag s-scroll sa social media gamit ang aking laptop. Nang may dumaan sa news feed ko na balita. Dala ng curiosity ay n-play ko ito. Isa itong balita mula sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa public market. May isang babaeng reporter ang nagsasalita mula sa screen, may mga mamimili rin sa kanyang likuran. Ngunit habang ako ay nanonood ay may napansin akong isang tao na hindi ko makakalimutan ang mukha, five years ago. Ilang beses kong inulit-ulit ang tagpong iyon sa naturang video para masiguro ko na siya nga ang taong iyon. N-pause ko ang video at i-zoom ko ang screen. Nanlaki ang aking mata dahil sa gulat. Siya nga; siya nga ang lalaking iyon. Kahit naka sumbrero siya ay kilalang-kilala ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha, ang mukha ni Hugo Branson. Ang aking amo noon. Pero bakit siya naroon? Bakit parang napakalayo na ng itsura nito kumpara noon? Napaka-luma na ng damit niya? May hawak siyang gulay na s
JESSA“Mom,” umiiyak ako sa puntod ng aking ina. “Nakita ko na siya,” nakangiti ako ngunit patuloy na lumuluha. Hinahaplos-haplos ko ang larawan ng aking ina na nakapatong sa puntod nito habang umiiyak. Muli ko na naman naalala ang nakaraan bago nalagutan ng hininga ang aking mommy. Namatay siya sa sakit na cancer, ginawa ni daddy ang lahat ng paraan para gumaling siya pero kahit milyon na ang nagastos noon ay hindi talaga gumaling si mommy. Hanggang sa dumating ang araw na kahit hirap siyang magsalita ay nagawa pa niyang mamaalam sa akin. “Anak,” sabi niya. Meron siyang tinuturo. “Mommy, ‘wag ka na magsalita, mas lalo kang mahihirapan pag pinilit mo pang magsalita…” umiiyak ako dahil sa awa sa kalagayan ng aking ina. “Ku-kunin mo a-ang bag ko,” hirap niyang sabi sa mahinang boses habang tinuturo ang kanyang bag na nasa sofa dito sa loob ng kanyang kwarto dito sa ospital. Tumayo ako at nagtataka na kinuha ang kanyang bag na hindi iniiwan kahit saan siya mapunta. “Ku-kunin mo a
SHARIENA“Mommy, mommy… can i have this one?” Napatingin ako sa batang babae habang hinihila ang laylayan ng aking t-shirt at tila nagmamakaawa na bilhin ang hawak nitong food for kids na popping candy with lollipop. “Princes, that's unhealthy food,” sabi ko at hinawakan ko ang kanyang kaliwang pisngi at hinaplos ito. “But mommy I want to try this, I saw this on the internet yesterday,” bagsak balikat niyang sabi. “Sorry na bakla, ayaw kasi makinig sa akin eh,” nakanguso at kumakamot naman sa ulo na sabi ni Dave. Ang kaibigan kong bakla. “Please mommy…” pagmamakaawa niya sakin. Pinagdikit pa ang magkabilang palad niya na parang nagdadasal na pagbigyan ang kanyang hiling. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at itinaas bahagya ang aking suot na sumbrerong itim at sinuklay pataas ang aking nakalugay na mahabang buhok pagkatapos ay sinuot ko rin ang aking sumbrero sa ulo. “Okay baby, but only this time ha? Sa susunod hindi na ako papayag,” desmayado kong tugon sa aking anak n
VINCENT Nang matapos ako kumain ay niligpit na nila ang aking pinagkainan, kasalukuyan pa rin kami nandito ni Shariena sa loob ng kwarto at itinuloy niya ang pagpupunas sa aking mga galos sa katawan, gamit ang bembo na binasa sa maligamgam na tubig. Kasalukuyan namang mahimbing na natutulog ang aming anak. Hinawakan ko ang kamay ni Shariena. “Maraming salamat Shariena; nagpapasalamat ako na nandyan kayo sa tabi ko, kayong dalawa ng anak natin. Kayo lang ang nasa isip ko habang nakikipaglaban ako sa mga kaaway, pinilit kong makaligtas para sa inyo,” pukaw ko sa katahimikan habang habang dinadampian ko ng panaka-nakang halik ang kanyang kamay. “Mahal na mahal ko kayo ng anak natin,” patuloy ko. Maya-maya ay hinawakan ko naman ang kanyang pisngi at tinitigan ko muna ang kanyang namumulang labi bago ko siya siniil ng halik. Nakakapanabik na maangkin muli ang babaeng mahal ko. Kanina habang tumatakas ako sa mga kalaban ay iniisip ko ang aking mag-ina. Paano kung nasawi ako ng mg
Habang naglalakad ng mabilis at paika-ika ay may nakita siyang isang napakalaking puno at mayabong ang dahon sa mga sanga nito, agad siyang nakapag isip ng paraan para makaligtas sa mga kalaban. Ngunit mas may naisip siya na paraan para makaligtas. Isiniksik niya sa kanyang likurang pantalon ang kanyang baril at inayos ang kanyang backpack saka maingat na umakyat siya sa malaking puno. Hirap man ay kailangan niyang maka akyat.Nang nasa taas na siya ng puno ay naka hinga siya ng maluwag dahil sa isip niya at ligtas na siya sa mga kalabang naghahabol sa kanya. Sa taas ay hingal na hingal siyang umupo sa sanga ng puno, halatang pagod sa kakatakbo makaiwas lamang sa mga kalabangnhumahabol at bumabaril sa kanya. MAKALIPAS ang isang oras ay wala na siyang naririg na mga kaloskos at putok ng baril kaya humiga muna siya sa sanga at marahang ipinikit ang mata, gayun pa man kahit na nakapikit ay bukas ang kanyang pandinig sa mga kaloskos sa ilalim ng puno. Hindi namalayan ni Vincent na nakat
"Palagi kang mag-ingat mahal ko, kahit na… nasa tago ka ng lugar ay palagi mong tatandaan na hanggat nabubuhay pa si Francis ay hindi pa rin tayo ligtas," paalala ni Vincent ng humarap siya sa katipan at niyakap ito ng mahigpit. "Maraming salamat sa lahat, Vincent mahal ko. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita kayo ng anak ko. Ikaw ang mag ingat sa iyong pupuntahan at delikado ang misyon mo, ipagdarasal kita na sana maging ligtas ka at magawa mo ang iyong misyon." Saad ni Shariena. Masama man ang loob ni Shariena na gagawin pa rin ni Vincent ang kanyang misyon ay kailangan niyang tiisin dahil hindi sila mamuhay ng payapa kung malaya parin si Francis. Matapos makapag paalam sa isa't-isa ay umalis na si Vincent. Maingat siyang nagmanman muna para maka siguro na walang naka sunod sa kanila. Sa labas ng bahay ni Don Hugo ay may katapat na malaking bahay at maingat siyang umakyat sa rooftop ng naturang bahay ng hindi siya nakikita ng may ari ng bahay. Sa rooftop ay abala si Vincent
Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ni Vincent bago niya itinuloy ang sasabihin sa taong kausap niya sa telepono. "Hello par? Kailangan ko ngayon ng malalaking kalibre ng baril." Pabalik-balik siya ng lakad sa loob ng kanyang condo. "Mai-hahatid mo ba mamayang gabi?" Sambit niya sa lalaking kausap niya gamit ang de keypad na cellphone, upang makakuha ng mga armas. "Sige pare, magkita nalang tayo mamayang gabi," tugon ng kausap niyang lalaki. Sa huli ay nagkasundo ang dalawa sa lugar kung saan sila magkikita. Hindi niya pwedeng dalhin ni Vincent sa kanyang condo ang kanyang mag ina dahil hindi iyon ligtas na lugar, kaya minabuti niya na manatili muna sa isang kwartong paupahan, sa hotel.Sa isang abandonadong hospital ay nagkita si Vincent at ang kanyang kaibigan na nagmamay ari ng gym, si Brandon. Bitbit ang isang bag na naglalaman ng mga kalibre ng baril na gagamitin ni Vincent sa kanyang gagawing paglusob sa bahay ni Don Hugo, at balak niyang mailigtas ang amo. "Meron ka b
Tatlong araw matapos manganak si Shariena, medyo may lakas na siya dahil nakapag lakad-lakad na siya. Matamis ang ngiti na nakatitig lang siya sa anak niya habang pinapadede niya, parang nabigyan siya ng panibagong buhay mula ng masilayan niya ang munting anghel na napaka ganda. May pumatak na luha sa kanyang pisngi dahil naghahalo ang kanyang nararamdaman para sa anak na babae na pinangalanan niyang Viana Quinn Hawley. Nangarap siya ng magagandang bagay para sa anak. "Shariena," tawag sa kanya ni Vincent."Halika, nakangiti siya tingnan mo. Ang ganda ng anak natin," aniya at napangiti naman si Vincent ng masilayan nito ang ngiti ng kanyang anak."Sana magawa natin na mapalaki siya ng maayos at ligtas," saad ni Shariena.Walang mailabas na salita si Vincent dahil sa halo halo narin ang kanyang iniisip kong paano niya mailalabas mg isla ang kanyang mag ina at kung paano nito mapoprotektahan ng maayos ang bata. Kinagabihan ay pinapasok ni Shariena kasama ang anak nila sa kanilang kwa