Share

Chapter 2

Author: Miss Virgo
last update Huling Na-update: 2023-07-14 07:21:09

"Thank you for this wonderful night, miss..." pabulong kong sambit sa kanya.

Naalala ko na hindi ko pala alam ang kanyang pangalan. Napa-iling na lang akong nakangiti sabay marahan ko siyang hinalikan sa noo.

Maya-maya ay bumangon ako para hanapin ang kanyang panty na basta ko na lamang tinapon sa kung saan kanina. Nang makita ko ito ay agad kong kinuha at isinuot sa kanya saka hinila ko ang kumot at tinakpan ang hubad na katawan ng dalaga.

Bumaba ako sa kama at nagtungo sa banyo upang makapaglinis ng aking katawan.

Ilang minuto akong nakatapat sa umaagos na tubig sa shower. Nag-iisip kung ano ang gagawin sa nangyari.

Lasing siya ng dalhin ko dito sa aking condo at hindi ko siya kilala pero may nangyari sa amin. Pero napa-isip ako.... "mas maigi na rin ang ganitong nangyari kaysa naman sa dalawang lalaki siya mapunta, tiyak na mapapahamak pa siya sa kamay ng dalawang lalaki na halatang may masamang binabalak."

Iwinaglit ko sa aking isipan iyon, bagkus na mag isip ng kung ano-ano ay tinuloy ko na lamang ang aking pag-ligo.

Pagkatapos kong maligo ay binalutan ko ng tuwalya ang aking hubad na pang-ibabang katawan bago lumabas ng banyo.

Ngunit bigla akong nagulat ng pagka-labas ko ng banyo ay wala na ang babae sa kama.

Agad-agad akong nag tungo sa pintuan baka sakaling kalalabas lang nito, pero wala na ito.

Mabilis ang nangyari sa amin kanina, kasing bilis din ng paglisan niya sa aking kwarto.

Balak ko pa sana na kilalanin siya. Alamin ang kanyang pangalan kung sakaling mahimasmasan na ito sa kalasingan pero bigla na lamang siyang nawala at walang ibang iniwang bakas sa kwarto na ito kundi ang ala-alang binigay niyang kaligayahan sa akin.

Bigo akong bumalik sa aking unit at isinara ang pintuan. Nagsuot ako ng boxer shorts at hindi na ako nagsuot ng pang itaas na damit, pagkatapos ay umupo ako sa upuan na nasa gilid ng dingding na salamin ng aking condo.

Nasa ika 20th na palapag ang aking condo, mula rito ay kita ko ang nagkikislapang ilaw ng mga gusali.

Kumuha ako ng sigarilyo na nakapatong sa isang bilog na maliit na mesa na may kataasan at sinindihan ko ito. Isang malalim na higop ang ginawa ko sa sigarilyo bago ako bumuga ng maraming usok.

Sumagi na naman sa isip ko ang babae, iniisip ko kung paano ko hahanapin ang babae. Ang babaeng na kaulayaw ko kanina lang, hindi na siya mawala sa aking isipan.

Isang linggo ang lumipas.

Nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone, sanhi ng kung sino mang tumatawag.

Pupungay-pungay ang aking mata at napapahikab pa ako ng damputin ko ang aking cellphone sa night table ng aking kama.

Nanlalabo pa ang aking mata nang tingnan ko kung sino ang tumatawag kaya bahagya kong kinusot ang aking mata para maibsan ang panlalabo nito.

Hindi naka-rehistro ang numero sa aking cell phone, duda ko itong sinagot.

"Hello. . .?" Saad ko ng sagutin ang tawag nang itipat ko ito sa aking tainga.

"Vin, pinapatawag ka ni boss," tugon ng lalaki sa kabilang linya.

Agad kong nahulaan ang boses ng lalaki, isa pala ito sa mga kasamahan ko sa trabaho kay boss Hugo.

"Copy," tipid kong sagot.

Pinutol ko ang tawag at ibinalik ang cellphone sa pinaglalagyan nito kanina.

Napilitan na akong bumangon at nag desisyon na maligo.

Nang matapos ay nagbihis lang ako ng kupas na maong at itim na t-shirt saka pinulot ang helmet na itim na nakapatong sa lamesa.

Naglakad ako papunta sa harap ng salamin at kinuha ko ang kulay itim na leder jacket na nakasabit sa gilid ng salamin. Inilapg ko muna sa sofa ang helmet bagi ko sinuot ang aking jacket. Nang matiyak kong okey na ang aking sarili ay kinuha ko ang aking cellphone at susi ng motor na dukati saka lumabas ng condo bitbit ang helmet.

Ilang oras akong naglakbay sa matrapik na kalsada bago ako nakarating sa mansyon ni boss Hugo.

Agad akong nagtanong sa guwardiya na nag bukas ng gate sa akin.

"Si boss?"

"Nasa loob, kanina ka pa hinihintay," tugon ng guwardiya.

May tatlong minuto pa ang layo mula sa gate hanggang makarating sa harap ng malaking pinto sa mansion.

Pagbaba ko sa motor ay agad akong pumasok sa mansyon.

Pagpasok ko pa lamang ay nakita ko na ang nag u-umpukan sa sala. Ang mga tauhan ni Don Hugo Branson na abala sa paglaklak ng beer na naka bote.

Huminto ako sa harap nila para tanungin sila ngunit naunahan ako ng isa sa kanila.

"Oh, nandiyan ka na pala," saad ng isang lalaki na siyang tumawag sa akin kanina.

"Asan si boss?"

"Nasa opisina," sagot naman ng isang lalaking nakatayo, matapos bumuga ng usok ng sigarilyo.

"Ang aga ng beer ah," turan ko bago ako nagtungo sa opisina ni amo.

Ilang segundo ay narating ko ang opisina ni Boss Hugo. "Boss, pinatawag mo raw ako?" Bungad ko ng makapasok na ako sa loob ng opisina nito.

Nakaupo siya sa swivel chair ngunit nakatalikod. Tumayo ito at humarap sa akin.

"Vincent, good to see you here. Umupo ka," aniya. Tinuro niya ng upuan na nasa harap ng kanyang office table. "Siya nga pala, may ibibigay akong misyon sayo," wika niya matapos ilapag sa mesa ang isang brown envelope matapos itong kunin sa drawer ng kanyang office table.

Kumunot ang aking noo bago sumagot. "Hindi ba maaga pa para sa susunod kong misyon? Hindi pa tapos ang aking bakasyon boss," ani ko. Pagkuwan ay kinuha ko rin ang envelope saka binuksan ito para tingnan ang nasa loob.

Detalye at litrato ito ng lalaking may edad.

"I know Vince," nakangiti niyang saad. "Hindi mo ba naaalala ang sinabi mo sa 'kin bago ka umalis dito sa mansion noong matapos mo ang huli mong misyon?” Aniya at lumapit sa akin.

Nag salin siya ng alak sa baso. “Sabi mo isang misyon na lang ang tatanggapin mo at titiwalag ka na,” patuloy pa niya at sumimsim ng alak. “Mabait akong amo Vincent, at hindi ako tulad ng iba na pumapatay ng tauhan kapag gusto na nitong tumiwalag sa aking binuong organisasyon,” giit niya. "Nasa loob niya'ng envelope ang huli mong misyon."

Tinuro niya ang envelope na ipinatong nito sa office table. "Pag nagawa mo yan ng walang palya ay bibigyan pa kita ng bunos, malaya kang makakaalis sa organisasyong ito," dagdag niya at tumalikod bago uminom ng alak.

Alam kong mabait na amo si Hugo, pero wala akong pinagkakatiwalaan. Ang mga katulad ni Hugo ay pwedeng maging tuso.

"Mabigat ba ang taong ito, kaya ito ang inatas mo sa aking huling misyon?" Tanong ko matapos kong usisain ang detalye ng target.

Muli ko rin binalik sa loob ng envelope ang litrato at papel at inilapag ko muli ito sa mesa.

"Exactly. Siya ang pinaka matinik at malaking sindikato all around the world, wala pang nakaka tibag sa grupo niya, alam kong kaya mo siya may tiwala ako sayo Vincent.... oras na nagawa mo iyong huling misyon, pangako.... hindi kita bibiguin sa ipinangako ko sayo, fifty million at malaya kang aalis sa pagiging hitman."

May naramdaman akong tuwa sa sinabi niya. Ngunit hindi ako dapat na makampante.

Matagal ko ng gusto na mag bagong buhay, magulo ang buhay sa uri ng aking trabaho. Bawat misyon ay hindi ko tiyak na makakaligtas ako, wala akong freedom. Palagi akong nagtatago sa mga alagad ng batas.

Ilang minuto pa kaming nag-usap at sa huli ay tinanggap ko rin ang kanyang alok. Nilapitan niya ako at bahagyang tinapik ang aking kanang balikat. Matapos ay pinulot ko ulit ang envelope sa mesa at walang paalam na nilisan ang opisina ni Hugo.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makalabas ako ng mansyon, hindi ko na pinansin ang aking mga kasamahan kahit na tinatawag ako.

Hindi ako friendly na tao, pili lang ang mga taong pinakisasamahan ko.

Habang nasa byahe ay nag-iisip ako kung anong mangyayari sa akin kung sakaling mabigo ako sa aking huling misyon. May pinangako sa akin si Hugo ngunit alam kong tuso ang aking amo, tiyak na ipapa-patay din ako ni Hugo kapag pumalya ako o kahit magawa ko ng maayos ang aking trabaho.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
ingat ka nlng s misyon m
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 3

    Hindi ko man tiyak na magagawa ko ang aking trabaho ng walang palya ay gagawin ko na lamang ang lahat para magampanan ko ng maayos ang aking trabaho. Buhay ko ang nakataya dito. Malalim ang aking iniisip ng mahinto ako sa isang park. Naisip kong tingnan ang envelope sa loob ng aking bag, pinag-aralan ko ang bawat detalye ng target, maigi ko rin pinagmasdan ang litrato ng lalaki. Pinagmasdan ko ito hanggang sa mamemorya ko ang itsura nito. May edad na ito, at sa tantya ko ay nasa ika anim naputlimang taong gulang na ito at nag ngangalang Francis Villaruel. Sa Pampanga nakatira. Isang malaking hasyenda ang kinatitirikan ng mansyon nito at napapalibutan ng CCTV ang bawat sulok ng pader ng mansyon. Meron din itong ilang grupo ng mga tauhan na beynte kwatro oras nakabantay sa mansyon. Kaya napaka labong makalusot ako upang makapasok ng mansyon, pero kung ito ay lalabas sa lungga ay posible na magagawa ko ang aking misyon. Muli kong itinago ang papel sa aking bag at sumakay na ng moto

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 4

    ***VINCENT***"Eh bakit? Ikaw? Hindi ka rin naman mabait ah, pinatulan mo nga ako. Kung mabait ka ide sana hindi mo ako dinala sa condo mo," singhal nito sa akin. "Edi sana kung hindi kita dinala sa condo at hinayaan kita dun sa dalawang lalake, edi na rape ka na!" Paliwanag ko naman sa kanya.Napatingin siya sa akin at agad akong hinampas sa braso kaya napahagikhik ako ng tawa."Bakit kaba nandito, sinusundan mo ba ako?" Mataray na tanong nito sa akin habang naka kunot ang noo."Para malaman mo, regular costumer na ako sa gym na ito. Nagkataon lang na nakita kita rito kahapon," paliwanag ko sa kanya, ngunit ang totoo niyan ay kaibigan ko ang may ari ng gym na ito. “Eh ikaw, bakit ka nandito?” Dagdag ko pa."May nag rekominda kasi sakin na dito raw magandang pag insayuhan. Hinihintay ko lang na ma meet ang lalakeng mag t-training sakin, mamaya pa daw darating," sambit nito."Bakit ka naman mag ensayo? Sasabak kaba sa giyera?" Pabiro kong tanong sa kanya."Parang ganun narin, inihahand

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 5

    *VINCENT***“Oppsss! I’m sorry," napangiti akong tumingin sa kanya.Nakangiti rin siya habang pinunasan ang beer na tumalsik sa mukha niya."Okay i tried," aniya.Saka kinuha niya ang isang lata ng beer at binuksan din, tinitigan niya muna ang bunganga ng butas ng lata bago siya s******p. Bahagya pa niyang inangat ang kanyang ulo para maka inom ng maigi, habang napapatingin ako sa kanyang leeg. Nakita ko ang umaagos na beer sa kanyang leeg kaya naman bigla akong napa lunok ng laway. "Oh..Sorry it leaked, i'm not used to drinking like this, do you have a glass?" Tanong niyang sambit sa akin habang sinasalo ng kanyang palad ang tumulong beer sa kanyang leeg.Bigla naman akong natauhan ng tumingin siya sakin na parang nagtatanong ang mga mata. "Sorry, here," saad ko ng i-abot ko sa kanya ang tissue. Maya-maya ay umupo narin ako sa tabi niya at nagbukas ulit ng pangalawang beer saka ininom ito.Makalipas ang ilang minuto ay naubos namin ang anim na beer, inipon ko ang mga lata at isinil

    Huling Na-update : 2023-07-14
  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 6

    *SHARIENA's PoV Isinama ko siya sa aking penthouse para kumuha ako ng mga gamit ko na dadalhin sa aming pupuntahan. Kita ko kong paano siya humanga sa tinitirhan ko, speechless yan ang itsura niya habang umiikot ang paningin sa buong kabahayan. Nang matapos na ako ay binitbit ko na ang aking bag. "Come." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ko siya papunta sa rooftop kung saan andun ang chopper ko na naghihintay na sa amin. "Is that yours?" Sambit niya, pakiwari ko ay nagulat siya sa chopper na nakita niya. "Yes, it's all mine." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Ang ibig mong sabihin ay lahat ng ito?" Ani niya na gulat na gulat. "Yes.! Ang buong building na ito ay pag aari ng aking magulang. Kaya kapag nakuha ko na ang last will ni Dad ay mapapasakin na ang buong building na ito." Paliwanag ko sa kanya. "Let's go?" Muli kong hinawakan ang kanyang kamay at hinila ko na pasakay ng chopper na kanina pa umaandar. Kanina habang bumabyahe kami ay nagpadala na ako ng mensahe sa

    Huling Na-update : 2023-07-18
  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 7

    **SHARIENA's POV (FLASHBACK) Masaya kaming mag anak ng araw na iyon habang binabaybay namin ang kahabaan ng highway papuntang Baguio dahil nag request ako sa aking magulang na magbakasyon muna. Masaya kaming kumakanta ni mommy habang nagmamaneho si daddy at sumasabay din sa aming kantahan ni mommy. Excited na akong makarating ng baguio lalo pa ng naamoy ko ang halimuyak ng puno ng pine tree mula sa nakabukas na bintana ng kotse, nag request kasi ako na mag road trip kami para ma feel ko kung paano bumiyahe ng malayo na hindi nakasakay sa chopper. Nang biglang nakita ko si daddy na parang natataranta na inaapakan ang preno. Ngunit hindi gumagana ang preno ng kotse, at may papalapit na malaking truck na makaka salubong namin. "Dad, anong nangyayari?" Tanong ko sa aking ama na panay ang apak sa preno ng sasakyan. "Ayaw gumana ng preno anak." Sambit niya na ramdam kong kinakabahan at natataranta. Kinabahan narin kami ni mommy, nagyakapan kami, at bahagya pa na pinikit ni mommy

    Huling Na-update : 2023-07-19
  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 8

    ***VINCENT***"Fuckkk... this is crazy..!!" Mahigpit siyang nakakapit sa aking leeg at isinandal ang baba sa aking balikat, habang umaandar ang motorsiklo sa bako-bakong daan ay tamang nababayonko siya. Maya-maya ay nagpakawala ito ng putok ng baril sa mga kalaban kasabay ng pagragasa ng aking katas sa kanyang loob. Kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ko sa motorsiklo ganun din kabilis ako labasan dahil parang gumigiling ang aking sandata sa loob ng kanyang pagkababae at dahil sa pa giwang giwang na takbo ng motorsiklo at samahan pa ng mga humps na sunod sunod. "Ahh..!!" Sigaw ni Shariena ng tumilapon sila mula sa motor dahil sa hindi ko inaasahan na mabangga ang isang kotse na sumalubong sa amin. Pareho kaming tumilapon sa kalsada, sanhi ng pagkaka bangga sa kotse. Pilit akong bumangon para tiyakin ang kaligtasan niya, kita ko siya na nakahandusay sa may hindi kalayuan sa akin."Shariena...!" Pilit ko na tinukod ang aking braso para makatayo. Ngunit huli na upang makalapit ako sa

    Huling Na-update : 2023-07-19
  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 9

    ***VINCENT***Habang naghahanap kaming dalawa ng masisilungan dahil mag gagabi na at umaambon pa ay may nakita akong isang kubo na medyo sira-sira na, lumapit kami dito at pumasok sa loob, may nakita akong isang gasera ngunit walang lamang gas. Dahil wala naman kaming dala na kahit na anong gamit ay nag hanap hanap ako sa loob ng kubo na pwede naming ma gamit upang magsilbing liwanag. Upang matiyak kung ligtas ba dito o walang makamandag na insekto.Swerte naman at may nakita ako na isa pang gasera at napangiti ako ng makita kong may lamang gaas, agad akong naghanap ng pewede kong gawing pansindi. Dahil sanay ako sa bukid ay may alam naman akong paraan para makagawa ng apoy kahit walang posporo. Ngunit dahil gabi na ay kailangan ko ng liwanag upang makahanap ng mga kahoy na pwede kong gawin na panggatong. "Boy scout ha!" Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siyang nanood sa ginagawa ko. Nag kiskis ako ng kawayan gamit ang bato na kinuha ko mula sa dingding ng kubo. At isang saglit l

    Huling Na-update : 2023-07-20
  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 10

    "Okay kalang ba?" Tanong ni Vincent kay Shariena habang nagpapahinga sila sa ilalim ng puno. "Masakit na ang paa ko." Sambit nito na hinihilot hilot pa ang paa. "Konting tiis nalang at makakalabas din tayo dito sa gubat." Saad ni Vincent na lumapit sa dalaga para tulungan itong hilutin ang paa.Hanggang sa nakatulog si Shariena sa masarap na hilot ni Vincent sa paa nito. Si Vincent ay nagmamasid masid sa paligid baka may mabangis na hayop o kaya naman ay mahanap sila ng mga kalaban na humahabol sa kanila. "Siguro naman ay hindi na kami makikita ng mga iyon dahil sa napaka layo na namin sa kanila." Sambit niya sa sarili at tumabi sa dalaga, marahan niyang ipinikit ang kanyang mata para mahimbing dahil narin dahil sa pagod sa kakatakbo sanhi ng pag takas nila sa kalabang humahabol sa kanila.Nagising si Vincent sa malamig na bagay na nakadikit sa kanyang bewang. "Shariena! Wake up..!!" Sigaw niya sa dalaga habang hawak ang isang kahoy at itinutok ito sa malaking ahas na sinlaki ng b

    Huling Na-update : 2023-07-22

Pinakabagong kabanata

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 32

    Habang pabalik sa school ni Viana ay nakatanggap ako ng tawag mula sa manager ng aking hardware. Sinagot ko ang tawag, “yes, Remon?” “Boss, kailangan mong pumunta dito sa hardware ngayon. Si Renante,” sabi nito sa kabilang linya. Sa tono ng salita nito ay parang may malaking problema na nagaganap ngayon sa hardware. Agad kong kinabig ang manibela at nag U-turn ako para makabalik sa street kung saan patungo sa aking hardware. Ilang minuto lang ay narating ko ang hardware. Habang tahimik lang si Shariena na nakasunod sa akin. Sa isang malaking gusali na may pangalang Quinn Hardware ay nagmamadali akong pumasok. “Boss,” bulalas ni Remon ng makita ako. Nakahawak ang mga kamay nito sa magkabilang tagiliran at tila galit. Nakita ko naman si Renante sa labas ng office na nakatayo at nakayuko lang. Agad na akong nag tanong, “anong problema Remon?” “E… boss, nahuli ko si Renante na nagpupuslit ng mga alambre. Hindi niya siguro alam na may cctv dito. Alam ko rin kung iilan lang ang d

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 31

    VINCENT Kasalukuyan kaming tatlo nasa living room habang ako ay abala sa pag s-scroll sa social media gamit ang aking laptop. Nang may dumaan sa news feed ko na balita. Dala ng curiosity ay n-play ko ito. Isa itong balita mula sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa public market. May isang babaeng reporter ang nagsasalita mula sa screen, may mga mamimili rin sa kanyang likuran. Ngunit habang ako ay nanonood ay may napansin akong isang tao na hindi ko makakalimutan ang mukha, five years ago. Ilang beses kong inulit-ulit ang tagpong iyon sa naturang video para masiguro ko na siya nga ang taong iyon. N-pause ko ang video at i-zoom ko ang screen. Nanlaki ang aking mata dahil sa gulat. Siya nga; siya nga ang lalaking iyon. Kahit naka sumbrero siya ay kilalang-kilala ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha, ang mukha ni Hugo Branson. Ang aking amo noon. Pero bakit siya naroon? Bakit parang napakalayo na ng itsura nito kumpara noon? Napaka-luma na ng damit niya? May hawak siyang gulay na s

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 30

    JESSA“Mom,” umiiyak ako sa puntod ng aking ina. “Nakita ko na siya,” nakangiti ako ngunit patuloy na lumuluha. Hinahaplos-haplos ko ang larawan ng aking ina na nakapatong sa puntod nito habang umiiyak. Muli ko na naman naalala ang nakaraan bago nalagutan ng hininga ang aking mommy. Namatay siya sa sakit na cancer, ginawa ni daddy ang lahat ng paraan para gumaling siya pero kahit milyon na ang nagastos noon ay hindi talaga gumaling si mommy. Hanggang sa dumating ang araw na kahit hirap siyang magsalita ay nagawa pa niyang mamaalam sa akin. “Anak,” sabi niya. Meron siyang tinuturo. “Mommy, ‘wag ka na magsalita, mas lalo kang mahihirapan pag pinilit mo pang magsalita…” umiiyak ako dahil sa awa sa kalagayan ng aking ina. “Ku-kunin mo a-ang bag ko,” hirap niyang sabi sa mahinang boses habang tinuturo ang kanyang bag na nasa sofa dito sa loob ng kanyang kwarto dito sa ospital. Tumayo ako at nagtataka na kinuha ang kanyang bag na hindi iniiwan kahit saan siya mapunta. “Ku-kunin mo a

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 29

    SHARIENA“Mommy, mommy… can i have this one?” Napatingin ako sa batang babae habang hinihila ang laylayan ng aking t-shirt at tila nagmamakaawa na bilhin ang hawak nitong food for kids na popping candy with lollipop. “Princes, that's unhealthy food,” sabi ko at hinawakan ko ang kanyang kaliwang pisngi at hinaplos ito. “But mommy I want to try this, I saw this on the internet yesterday,” bagsak balikat niyang sabi. “Sorry na bakla, ayaw kasi makinig sa akin eh,” nakanguso at kumakamot naman sa ulo na sabi ni Dave. Ang kaibigan kong bakla. “Please mommy…” pagmamakaawa niya sakin. Pinagdikit pa ang magkabilang palad niya na parang nagdadasal na pagbigyan ang kanyang hiling. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at itinaas bahagya ang aking suot na sumbrerong itim at sinuklay pataas ang aking nakalugay na mahabang buhok pagkatapos ay sinuot ko rin ang aking sumbrero sa ulo. “Okay baby, but only this time ha? Sa susunod hindi na ako papayag,” desmayado kong tugon sa aking anak n

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 28

    VINCENT Nang matapos ako kumain ay niligpit na nila ang aking pinagkainan, kasalukuyan pa rin kami nandito ni Shariena sa loob ng kwarto at itinuloy niya ang pagpupunas sa aking mga galos sa katawan, gamit ang bembo na binasa sa maligamgam na tubig. Kasalukuyan namang mahimbing na natutulog ang aming anak. Hinawakan ko ang kamay ni Shariena. “Maraming salamat Shariena; nagpapasalamat ako na nandyan kayo sa tabi ko, kayong dalawa ng anak natin. Kayo lang ang nasa isip ko habang nakikipaglaban ako sa mga kaaway, pinilit kong makaligtas para sa inyo,” pukaw ko sa katahimikan habang habang dinadampian ko ng panaka-nakang halik ang kanyang kamay. “Mahal na mahal ko kayo ng anak natin,” patuloy ko. Maya-maya ay hinawakan ko naman ang kanyang pisngi at tinitigan ko muna ang kanyang namumulang labi bago ko siya siniil ng halik. Nakakapanabik na maangkin muli ang babaeng mahal ko. Kanina habang tumatakas ako sa mga kalaban ay iniisip ko ang aking mag-ina. Paano kung nasawi ako ng mg

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapyer 27

    Habang naglalakad ng mabilis at paika-ika ay may nakita siyang isang napakalaking puno at mayabong ang dahon sa mga sanga nito, agad siyang nakapag isip ng paraan para makaligtas sa mga kalaban. Ngunit mas may naisip siya na paraan para makaligtas. Isiniksik niya sa kanyang likurang pantalon ang kanyang baril at inayos ang kanyang backpack saka maingat na umakyat siya sa malaking puno. Hirap man ay kailangan niyang maka akyat.Nang nasa taas na siya ng puno ay naka hinga siya ng maluwag dahil sa isip niya at ligtas na siya sa mga kalabang naghahabol sa kanya. Sa taas ay hingal na hingal siyang umupo sa sanga ng puno, halatang pagod sa kakatakbo makaiwas lamang sa mga kalabangnhumahabol at bumabaril sa kanya. MAKALIPAS ang isang oras ay wala na siyang naririg na mga kaloskos at putok ng baril kaya humiga muna siya sa sanga at marahang ipinikit ang mata, gayun pa man kahit na nakapikit ay bukas ang kanyang pandinig sa mga kaloskos sa ilalim ng puno. Hindi namalayan ni Vincent na nakat

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 26

    "Palagi kang mag-ingat mahal ko, kahit na… nasa tago ka ng lugar ay palagi mong tatandaan na hanggat nabubuhay pa si Francis ay hindi pa rin tayo ligtas," paalala ni Vincent ng humarap siya sa katipan at niyakap ito ng mahigpit. "Maraming salamat sa lahat, Vincent mahal ko. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita kayo ng anak ko. Ikaw ang mag ingat sa iyong pupuntahan at delikado ang misyon mo, ipagdarasal kita na sana maging ligtas ka at magawa mo ang iyong misyon." Saad ni Shariena. Masama man ang loob ni Shariena na gagawin pa rin ni Vincent ang kanyang misyon ay kailangan niyang tiisin dahil hindi sila mamuhay ng payapa kung malaya parin si Francis. Matapos makapag paalam sa isa't-isa ay umalis na si Vincent. Maingat siyang nagmanman muna para maka siguro na walang naka sunod sa kanila. Sa labas ng bahay ni Don Hugo ay may katapat na malaking bahay at maingat siyang umakyat sa rooftop ng naturang bahay ng hindi siya nakikita ng may ari ng bahay. Sa rooftop ay abala si Vincent

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 25

    Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ni Vincent bago niya itinuloy ang sasabihin sa taong kausap niya sa telepono. "Hello par? Kailangan ko ngayon ng malalaking kalibre ng baril." Pabalik-balik siya ng lakad sa loob ng kanyang condo. "Mai-hahatid mo ba mamayang gabi?" Sambit niya sa lalaking kausap niya gamit ang de keypad na cellphone, upang makakuha ng mga armas. "Sige pare, magkita nalang tayo mamayang gabi," tugon ng kausap niyang lalaki. Sa huli ay nagkasundo ang dalawa sa lugar kung saan sila magkikita. Hindi niya pwedeng dalhin ni Vincent sa kanyang condo ang kanyang mag ina dahil hindi iyon ligtas na lugar, kaya minabuti niya na manatili muna sa isang kwartong paupahan, sa hotel.Sa isang abandonadong hospital ay nagkita si Vincent at ang kanyang kaibigan na nagmamay ari ng gym, si Brandon. Bitbit ang isang bag na naglalaman ng mga kalibre ng baril na gagamitin ni Vincent sa kanyang gagawing paglusob sa bahay ni Don Hugo, at balak niyang mailigtas ang amo. "Meron ka b

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 24

    Tatlong araw matapos manganak si Shariena, medyo may lakas na siya dahil nakapag lakad-lakad na siya. Matamis ang ngiti na nakatitig lang siya sa anak niya habang pinapadede niya, parang nabigyan siya ng panibagong buhay mula ng masilayan niya ang munting anghel na napaka ganda. May pumatak na luha sa kanyang pisngi dahil naghahalo ang kanyang nararamdaman para sa anak na babae na pinangalanan niyang Viana Quinn Hawley. Nangarap siya ng magagandang bagay para sa anak. "Shariena," tawag sa kanya ni Vincent."Halika, nakangiti siya tingnan mo. Ang ganda ng anak natin," aniya at napangiti naman si Vincent ng masilayan nito ang ngiti ng kanyang anak."Sana magawa natin na mapalaki siya ng maayos at ligtas," saad ni Shariena.Walang mailabas na salita si Vincent dahil sa halo halo narin ang kanyang iniisip kong paano niya mailalabas mg isla ang kanyang mag ina at kung paano nito mapoprotektahan ng maayos ang bata. Kinagabihan ay pinapasok ni Shariena kasama ang anak nila sa kanilang kwa

DMCA.com Protection Status