Share

Chapter 7

AS DESMOND entered the room, halos lahat ng mata ng mga kasama ko ay nakatingin sa kanya. Some of the trainees giggled and whispered about how good looking he is. He's wearing a white polo shirt na nakabukas ang dalawang butones and the sleeves are folded hanggang sa kanyang siko. Napailing na lang ako at tinignan siya. He's looking directly at me na para bang ako lang ang tao sa opisina.

Pero ang lubos na agaw pansin sa kanya ay ang pink na paper bag na may logo ng paborito ko na cafe. Hindi bagay sa suot niya.

"Hungry?" Ani nito ng makadating sa tabale ko at itinaas ang paper bag na dala niya. Labis ang pagtataka ko kung bakit sa paborito kong cafe siya bumili. Baka coincidence lang.

"Hi, I'm here to discuss the final design. Are you free?" Napalingon ako sa mga ka officemate ko na nagbubulungan, paniguradong tatanungin nila ako kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Okay..." Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay lumaput sa amin ang boss ko para batiin si Desmond.

"I'll be back. Please eat the food. I know you like it." He smiled, and walked towards my boss to great him as well.

Ako naman ay halos malaglag ang panga sa sinabi niya. Dali-dali kong binuksan ang dala niyang paper bag para tignan ang laman.

It's my favorite.

How did he know? Is he stalking me? Asa ka pa Yvonne why woul he stalk you?

Maybe it's just coincidence.

Isinawalang bahala ko na lang ang nasa isip ko at kinain ang masa laman ng bag. Maybe I'll ask him later about this.

"OMG. Ang pogi naman ng kliente mo!" Sabi ni Angel isa sa mga unang naging kaibigan ko dito sa opisina.

"Dapat pala tinanggap ko yung offer mo na palit tayo ng client." Nanghihinayang na sabi ni Marina. Siya kasi ang kinausap noong naghahanap ako ng kapalit ko para sa project na ito. Pero sa kasamaang palad hindi pumayag si Mr. Williams na makipagpalit ako dahil important client daw si Desmond at ito daw ang nagrequest na papayag lang siyang pumirma ng kontrata kung ako ang hahawak ng project.

"How I wish na sayo na lang ang project na ito." I sighed.

"Sino yun sister!? Single ba siya? Baka available pa reto mo na sa akin!" Hirit naman ni Joseph a.k.a Josefina. Isa siya sa pinagkakatiwalaan kong kaibigan dito sa office.

"Kliente ko lang. And no, he's not single he's getting married." i simply replied to him.

"Sus! Tapos may pa food na bigay sayo. Baka ikaw talaga ang gusto pakasalan!" Hinampas ko ang braso ni Fina.

"He's just being polite, Fina." I blurted

"Baka kasi type ka. Ikaw na ang gusto pakasalan." Biro pa nito.

"Oo nga te, kaya akin na lang si papi Nick." banat naman ni Angel.

I just rolled my eyes to the both of them. Kahit anong paliwanag ko asi ay hindi naman nila ako pinaniniwalaan.

AKALA ko ay madali lang ang pag-uusap nila pero almost lunch break na nkaalabas ng opisina ni Mr. Williams.

As soon as he walked out of the room, ay pumunta agad siya sa table ko.

"Should we talk it over lunch or after lunch?" bungad kong tanong at inayos ang mga nakakalat kong gamit para sana umalis.

"Did you like it?" He said while smiling. Ang tinutukoy niya ay yung dala niyang pagkain kanina.

Napalingon ako sa mga ka officemates ko ng makitang parang kinikilig ang mga ito. They are giggling and whispering.

"How did you know that I like..."

"Ma'am Yvonne, mag naghahapan po sayo, iyong boyfriend niyo po." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang pumasok ang guard kasunod nito si Nick na nakangiting kumaway sa akin pero agad ding nagbago ang mukha nito ng makita si Desmond sa harap ko. Desmond's face also changed for unknown reason. Is it because of Nick being here?

"Sister! Akin na lang ang isang papi mo." bulong ni fina sa tabi ko.

"Nako! Haba talaga ng hair. So alin diyan ang pipiliin mo?" pabirong dugtong naman ni Angel.

"Shut up, guys. Wag kayong ma-issue!" sabi ko at tumingin kay Nick na papalapit na ngayon sa table ko. Desmond looked serious pati si Nick ganon din. Para bang may kakaibang aura na kapalibot sa kanila lalo na ng makalapit si Nick sa table ko.

Looking at them I feel small, bukod sa naka upo ako ay they're both 6ft tall and I'm only 5'6.

"What brought you here Nick?" sabi ko at tumayo sa gitna nilang dalawa para silang poste sa harapan ko kaya naman pumagitna na ako para din mabawasan ang tensiyon sa office.

"Hi, I'm here to have lunch with you." Nick looked at me and smiled. Now that I think about it, Nick's probably here to apologize about our argument last night.

I was about to tell Nick na kanina pa si Desmond dito at isa pa ay kliente ko siya. Nakakahiya naman kung uunahin ko ang personal na bagay habang may naghihintay akong trabaho. For me, it's unprofessional.

"Can we have..."hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kay Nick na mamaya na lang kami mag-usap. Dahil biglang nagsalita si Desmond. at ganon din si Nick naman ay ganon din. I'm being ignored by this two men. Nakakunot-noo ko silang tinignan pero dahil mas mababa ako sa kanila ay parang hindi nila ako nakikita.Matalim na tingin ang ibinibigay nila sa isa't-isa, they are too focus to hear me out. It's getting irritating dahil nakakahiya sa katrabaho ko.

"Ako ang nauna, Gomez. Yvonne is going to have lunch with me." Sabi ni Desmond at hinila ako papalapit sa tabi niya. Sa gulat ko ay hindi ako naka angal sa paghila niya sa akin.

"Let her decide, bro." May diing sambit ni Nick habang nakatitig sa kamay ni Desmond na nakahawak sa pala-pulsuhan ko.

"Hey, stop. We're making a scene..." awat ko sa kanila at hinawi ang kamay ni Desmond.

"I got here first." Desmond seriously said and looked at me na para bang nagtataka kung bakit inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Aba! malamang na aalisin ko. Baka mamaya may spy pala dito si Samatha edi na issue pa ako kahit ang fiance niya ang dikit ng dikit sa akin.

No, erase that thought Yvonne. DESMOND. IS. NOT. INTERESTED. ON. YOU.

Right. Malabo yun. Diba?

"Don't be a child, Desmond. Hindi paunahan ang lavan." may pang-iinis na sabi ni Nick. This is not stopping and I'm starting to get angry na talaga.

"Both of you, Shut up!" Finally, I caught their attention. Palipat-lipat akong tumingin sa kanila at dahil sa inis ko ay hinila ko sila palabas ng office. Nakakahiya sa mga katrabaho ko.

"You know what...why don't the two of you have lunch together?" May pasigaw na sabi ko ng makalabas kami.

Desmond and Nick was about to protest but I raised my hand stopping the both of them. Naiinis ako. If both of them are here to disturb me while I was working then, they should leave!

"Tapos ako, sasabay na lang kina Angel at Fina. Please stop bothering me like this when I'm at work!" Inis na sabi ko at tinignan ang hindi madrawing na reaksyon nila. But they didn't complain probably because they are guilty.

"Then I'll talk to both of you later, after lunch. Okay?" Dugtong ko pa at tinalikuran sila. I didn't wait for then to respond dahil paniguradong magkakagulo na naman.

Kahit na kakakain ko lnag kanina nung dala ni Desmond ay bigla akong nagutom dahil sa ginawa nila.

"Tara na. Kain na tayo." Pag aaya ko kila Marina, Angel at Fina.

"Oh bakit hindi ka sa dalawang papi sumabay? Kung ayaw mo ay ako na lang" Malanding sabi ni Fina at umambang pupuntahan ang dalawang nakatingin lang sa direksiyon namin kaya naman umirap na lang ako sa mga ito.

"Bye boy's! Enjoy your lunch!" Pang-aasar ko at kumaway sa dalawa at hinila si Fina palabas ng opisina para kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status