3 years ago....
Friday Night
Kaaalis lang niya sa bahay ng kanyang kaibigan na si Daven. Tatlo silang magkakaibigan ni Calliyah simula no'ng high school hanggang sa mag kolehiyo sila. At dahil nagkaroon sila ng proyekto ng araw na 'yon kung saan ay silang dalawa ang magkapareha napagpasyahan ni Jewel na sa bahay nila Daven ito gawin. Ihahatid pa sana siya ng binata ngunit tumanggi ito dahil hindi pa naman masyadong gabi at ayaw niyang makaistorbo pa sa kaibigan, isa pa ay nagpasundo din ito sa kanilang driver sa labasan.
Habang tinatahak niya ang daan palabas ng subdivision kung sana nakatira ang kaibigan para doon maghintay ng kanyang sundo ng araw na iyon, habang naglalakad siya ay napansin niya na parang may nakasunod sa kanya kaya mas binilisan pa niya ang kanyang lakad ngunit hindi pa rin nawawala ang mga lalaking nakasunod.
Tatakbo na sana siya at sisigaw ng bigla siyang hablutin ng lala
Matapos bumalik ang pangyayaring iyon sa isip niya ay hindi niya mapigilan ang maiyak, naaalala niya ang matalik na kaibigan nito na tinuring siyang parang isang kapatid. Nang dahil sa kanya ay namatay ito, kung hindi sana siya iniligtas nito ay malamang buhay pa ito ngayon. Tatlong taon ng nakalipas simula mangyari ang isang bangungot sa buhay niya na iyon pero hanggang ngayon dala dala pa rin niya ang bigat sa kanyang dibdib. Ipinikit niya ang kanyang mga mata para pigilan ang patuloy na pagdaloy ng nga luha sa kanyang mga mata. Akala niya ay okay na siya at nakamove on na pero ang totoo hindi pa rin pala, sariwa pa rin sa kanya ang pangyayari na iyon kahit na nakalipas na, hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sobrang pag iisip. Nagising lang siya ng marinig ang sunod sunod na katok sa kanyang hotel unit. Malamang ay ang kaibigan niya na iyon na si Cain, agad siyang tumayo para buksan ito dahil mukhang naiinip na ito. Pupu
Dark POV Nandito ako ngayon sa isang cafe kasama ang girlfriend kung kanina pa ay mainit ang ulo. Hinahanap niya ang kaibigan niyang si Jewel dahil hindi raw nito sinasagot ang mga tawag niya, kanina niya pa ako pinipilit na tawagan o puntahan namin si Thunder para natungin. "Babe, pwede maupo ka muna? Kanina pa ako nahihilo sa ginagawa mo." kako sa kanya na tiningnan lang ako ng masama. "Tawagan mo na kasi 'yang dyablo mong kaibigan!" inis na turan niya Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang phone ko para tawagan si Thunder, dahil kapag hindi ko pa 'yon ginawa ay siguradong hindi titigil ang isang 'to. Nakailang tawag na ako kay Thunder pero hindi man lang ito sumasagot. "Oh ano na? Ano sabi? Nasaan daw?" atat na tanong ni Calliyah sakin "Hindi sinasagot ni Thunder." Napairap naman ito at sabay na umupo sa tabi ko. Alam kun
Jewel POV Nakatayo ako sa harap ng salamin habang sinisipat ang aking kabuuan. This is it, no turning back Jewel. You've suffer enough.' she thought to herself Ngayong araw na ang alis nila ni Cain papuntang Canada. Walang kahit na anong pag aalinlangan na siyang aalis, hindi katulad noon, siguro kung hindi dahil sa nangyari sa kanilang asawa niya ay wala siya sa ganitong sitwasyon ngayon. Napapikit siya habang inaalala ang mga panahong magkasama sila ni Thunder. She loves her husband so much to the point na hindi niya napapansin na pati sarili niya ay unti unti ng nasisira. Inubos niya ang lahat ng pagmamahal para sa taong kailanman ay hindi siya nagawang mahalin. Minsan pala hindi sapat ang pagmamahal mo sa isang tao, kailangan mo rin magtira para sa sarili mo para hindi ka durog na durog. At ngayon ay nakapagdesisyon na siyang tuluyan iwan ang asawa at magsimulang muli ng mag isa. Ngumiti ako ng mapait bago kinuha ang kanyang maliit n
Kasalukuyang nakasalampak sa sahig ang dalagang si Jewel habang patuloy na naglalandas ang mga luha sa kanyang mga magagandang mata, hawak hawak niya ang isang bagay na sumasampal sa pagmumukha niyang buntis siya. Hindi makapaniwala si Jewel na magbubunga ang kawalanghiyaan na ginawa sa kanya ng asawa, hindi niya lubos maisip kung paano niya ito tatanggapin sa oras na maisilang ito dahil ipapaalala lang nito sa kanya ang masakit at masalimuot na pangyayari sa buhay niya. Nasa gano'ng kalagayan siya ng magbukas ang pintuan ng cr at iniluwa nito ang kaibigang si Cain na bakas ang pag aalala ng makita siya na nasa gano'ng kalagayan. Mabilis siyang nilapitan ni Cain at niyakap ng mahigpit. "What happen Jew? Why are you crying? May sakit ba sayo?" tanong nito Ngunit walang lakas ng loob ang dalaga para sagutin ang binata. Hindi na ulit umimik pa ang binata at hinayaan na lang muna ito. Pagkatapos ng ilang minuto ay iginaya niya ang dalaga pabalik s
Mabilis na natapos sa pagkain silang dalawa at walang ni isa sa kanila ang nagsasalita. Pagkatapos nilang ligpitin ang kanilang piangkainan ay nakaupo na sila ngayon sa sofa na magkatabi, si Cain ay nanonood ng tv samantalang si Jewel naman ay hawak hawak ang kanyang telepono na animo'y may tinitingnan. "Sinabi mo na ba lahat kay Calleigh?" biglang tanong ni Cain "Oo, tinawagan ko siya noong isang araw at sinabi kung nandito ako sa Canada at kasama ka. Gusto niya sana na pumunta dito kaso hindi niya magawa dahil palaging kasama niya si Dark." "Walang balak si Dark na pakawalan ang bestfriend mo." Cain said laughing "Kasi gago 'yang kaibigan mo. Sasaktan niya ang bestfriend ko tapos hahabulin." "But look at them now, they got back together." She just shrugged her shoulders and continued what she was doing, later she also watched tv. Habang nanonood sila sila ng tv ay biglang tumunog ang phone ni Cain, mabilis niya
Masayang bumalik sa condo unit ang binatang si Cain dahil maliban sa pagbili ng gamot ay may nakita siyang isang stuff toy at binili niya ito para ibigay sa kaibigang si Jewel isa kasi ito sa kanyang paborito. Nang makarating siya sa unit ay inilapag niya muna ang dalang stuff toy at dumiretso sa kusina para ipaghanda ng soup ang dalaga para makakain muna ito bago uminom ng gamot. Hindi naman siya natagalan dahil bumili na lang siya ng ready to cook na soup. Nang kumulo na ito ay mabilis niyang isinalin sa isang mangkok at inilagay sa tray kasama ng isang basong pineapple juice at gamot. Dahan dahan niyang dinala ito sa kwarto ng dalaga dahil hindi niya alam kung gising ito o tulog. Pagkarating niya sa kwarto ay inilapag niya muna sa maliit na mesa ang tray na may laman na pagkain at gamot. "Jew gising na, naghanda ako ng soup para kainin mo muna bago uminom ng gamot para may laman ang sikmura mo." aniya sabay upo sa kama nito Ngunit wala man lang siy
Monique POV I've been calling Cain how many times but he is not answering it. I thought we will have our lunch together with his friend but he is not answering my calls. Inip na inip na ako sa aking opisina kaya gusto kung magliwaliw dahil naging busy ako nitong mga nakaraang araw at ngayon lang ako ulit nagkaroon ng oras. Habang nag aayos ako ng mga sales nitong nakaraang buwan ng biglang tumunog ang phone ko at tiningnan ko naman kung sino at nakitang si Cain ang caller. "Hey Cain! I've been calling you multiple times." bulalas ko pagkasagot ng tawag. "I'm sorry Nique, I rush Jewel to the hospital that's why I wasn't avaible to answer your call all." boses ng nasa kabilang linya "Why? What happen?" I asked. "Hindi ko pa talaga alam kung ano ang totoong nangari, basta nakita ko na lang si Jewel na walang malay." He said. "I'm coming over there, send me the address. Okay?" wika ko "Alright!" aniya sabay baba ng ta
Ilang araw ng lumipas ng tuluyan ng maging maayos ang kalagayan ng dalagang si Jewel, ito na rin ang araw kung kailan ay pwede na siyang lumabas ng hospital at umuwi. Sa loob ng ilang araw na pamamalagi niya roon ay madalas niyang kasama si Monique, naging close na rin sila. Halos tatlong linggo din ang inilagi niya sa hospital para masiguradong okay na talaga sila ng kanyang baby at sa mga araw din na 'yon ay hindi siya pinapansin ng kaibigan na si Cain. Ilang beses niya rin sinubukang kausapin ito ngunit para lamang siyang hangin sa binata. "Naayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong nito "Oo ayan na lahat." sagot naman ni Jewel. "Good, let's go." aniya Wala namang nagawa ang dalaga kung hindi ang sumunod na lang sa kanya, nasanay na akong ganito ang binata makitungo sa kanya simula no'ng nangyari ang lahat. Mabilis lang ang naging byahe nila at nakaraying din sila sa condo. FASTFORWARD Dalawang linggo ng nakalipas sim
Ngayon ang araw ng libing nina Thunder at Jewel, limang araw lang ang ginawang burol dahil ayaw ng patagalin pa ng kanilang mga magulang at naiintidihan naman ng lahat 'yon dahil hindi madali mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung anak mo pa. Wala ng mas sasakit pa sa isang ina at ama na maglilibing ng sariling mga anak. Simula ng mamatay ang mag asawa ay nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanilang panganay na anak na si Storm, madalas na itong tahimik at nakikita na lang nilang umiiyak ito kapag nasa kwarto ng kanyang mga magulang. Sa loob ng limang araw ay hindi umaalis si Storm sa kabaong ng dalawa, palagi siyang nakaupo do'n sa tabi at pinagmamasdan ang kanyang ama at ina na payapa ng natutulog. Alam ng mga kaibigan ng mag asawa na mahihirapan si Storm na tanggapin ang nangyari lalo na't malapit ito sa kanyang mga magulang, hindi tulad ng bunsong kapatid niyang si Kiara na bata pa at hindi pa alam kung ano ang nangyayari. At ngayon ay magkakasama na sila
Nang matapos na silang kumain ay inayos na ni Thunder ang kanilang mga gamit na dadalhin sa kotse. Hindi naman sila aalis papuntang ibang bansa kung hindi ay dito lang din sa Pilipinas sa isang resort kung saan iniregalo sa kanila ng mga magulang para magkaroon daw naman sila ng oras sa isa't isa. No'ng una ay ayaw pa nila itong tanggapin dahil hindi na naman nila kailangan 'yon dahil ilang beses na din naman silang umaalis na sila lang at minsan naman ay kasama ang kanilang mga anak pero mapilit lang ang mommy ni Jewel kaya sa huli ay pumayag na din sila. "Oh paano ba 'yan iiwan na muna kayo namin at baka pagbalik namin tatlo na kami." pagbibiro ni Thunder na ikinawa nilang lahat. Agad naman siyang hinampas ni Jewel. "Akala mo ang dali lang, ikaw kaya ang manganak para maranasan mo." Nagpaalam na sila sa mga magulang at mga kaibigan nila, ang huli ay sa anak nila. "Be a good boy Storm huwag kang pasaway sa lola at lolo mo okay? Minsan nandito n
It's been a year simula ng mabiyayaan ng bagong anak ang mag asawang Thunder at Jewe. Mas lalong naging masaya ang kanilang buhat ay kontento na silang pamilya kasama ang dalawang anak nila.Tatlong linggo na simula ng makabalik sila sa Pilipinas dahil nagtagal sila sa New York ng halos 11 months dahil gusto ni Thunder na maglaan ng oras sa kanyang pamilya at wala naman naging tutol do'n ang kanyang asawa.Laking pasasalamat nila dahil sa loob ng isang taon ay walang problema na dumating sa kanila o walang taong sumubok na sumira muli sa kanila, maliban na lang sa paminsan minsan na pagkakaroon nila ng tampuhan o away na normal naman sa isang mag asawa.At ngayon ay anibersaryo ng kanilang kasal pero hindi nila ito maiicelebrate ngayon dahil bukas pa sila aalis, binigyan kasi sila ng kanilang magulang ng isang regalo para magkaroon sila ng oras sa isa't isa. Gusto nga nilang isama ang kanilang dalawang anak perp pinipigilan naman sila ng mga kaibigan.
Dumating na ang araw ng kabuwanan ni Jewel kaya mas lalong tumutok dito si Thunder, halo halo ang nararamdaman niya ngayong dahil lalabas na ang anak niya sa mga araw ba ito kaya halos lahat ay excited. Nasa sofa si Thunder ngayon sa kakabasa ng mga dokumento sa ipinasa sa kanya ng sekretarya nito. Hindi na kasi siya pumapasok sa opisina dahil sa kanyang asawa.Habang nagbabasa siya ay nakarinig siya ng malakas na sigaw na galing sa kanilang kwarto kaya mabilis siyang tumayo at tinungo ang ito dahil nando'n ang kanyang asawa.Pagpasok niya sa kwarto ay hindi niya ito makita kaya dumiretso siya sa banyo at nakitang niyang namimilipit ito sa sakit. "Whta happen hon?" tanong niya."M-manganganak na yata ako!" naiiyak na sadd nito,"What? As in now?" pagtatanong pa ni Thunder."Tangina mo talaga kahit kailan! Manganganak na nga ako kaya dalhin mo na ako sa hospital you idiot!" sigaw ni Jewel dito.Do'n lang yata natauhan si Thunder at mabilis na
Thunder POV Nagtagal pa kami ng halos isang linggo sa Baguio at katulad ng sinabi sa akin ng asawa ko ay gusto niyang si Marga naman ang tulungan ngayon kaya ang ginawa namin nakaraang araw ay ipinapunta din namin dito ang kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala ang mga ito na muli nilang masisilayan ang kanilang anak na akala nila ay patay na. Napag usapan din nila na babalik na si Marga kasama sila at humingi din siya ng pabor na isama si Nanang sa kanila dahil wala na daw itong pamilya at hindi naman nagdalawang isip ang mga ito na sumang ayon dahil malaki ang utang na loob nila kay Nanang sa pagkupkop sa kanilang anak. At kung tatanungin niyo kung ano na ang nangyari sa amin ni Jewel ay masasabi kung maayos na kami ulit kahit na madalas siyang nagsusunget o mainit ang ulo at naiintindihan ko naman 'yon dahil buntis siya. At ngayon ay nakaayos na ang gamit niya dahil ito na ang araw na uuwi na kami sa bahay namin. Inilagay ko na sa kotse ang mga g
Thunder POVRamdam ko ang hinanakit nga asawa ko sa bawat salitang binibitawan niya, pero mas okay na 'yon para mailabas niya lahat ng saloobin niya sa akin. Masaya ako na sa wakas ay pumayag na siyang makapag usap kami sana lang ay pagkatapos nito ay maging maayos na kami ng tuluyan."Oh bakit natahimik ka? Iniinis mo ako!" wika niya at sabay na inirapan ako.Hindi ko talaga maintindihan itong asawa ko ngayon pabago bago ng ugali. Hindi ko nakikita sa kanya ang dating Jewel at nakikita ko ngayon ay isang matapang at palaban na babae."Wala naman na kasi akong sasabihi, napaliwanag ko na ang lahat sa'yo.""Oh bakit parang kasalanan ko pa ngayon?"Napailing na lang ako, kailangan ko ng mahabang pasensiya."Oh anong nangyari pagkatapos? Nasaan na ang babae mo?" dagdag niya pa.Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Anong babae ang pinagsasabi mo? Kung meron man akong baabe ay ikaw lang 'yon! At kung tinatanong mo si Jhazzy ay hi
Jewel POVMabilis akong pumasok sa kwarto matapos kung talikuran si Thunder, ang totoo niyan ang nabigla talaga siya dito sa bahay. Hindi ako galit sa ginawa ni Marga alam kung iniisip niya lang ako dahil madalas niya akong nakikitang umiiyak.Hindi ko lang alam kung paano matatagalan ang pakikipag usap sa asawa ko dahil hanggang ngayon ay nandito pa din ang sakit. Oo alam kung may punto siya dahil hindi ko muna siya tinanong pero hindi naman niya ako masisisi dahil kung siya din ang nasa lugar ko ay baka ito din ang gagawin niya.Namimiss ko na ang anak ko pero hindi naman ako pwedeng humarap sa kanya ng ganito ang sitwasyon namin ng daddy niya. At ayaw ko na pati siya ay maapektuhan. Habang nakaupo ako sa kama ko ay nakarinig ako ng katok at pumasok si Nanang."Iha pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sa akin.Tumango naman ako bilang tugon at umayos ng upo."Alam ko na asawa mo ang nandito kanina at umalis na siya. Hindi sa nakiki
Margaux POVNandito na kami ngayon ni Kuya Thunder sa labas ng gate, kinakabahan ako na baka magalit sa akin si Ate Jewel pero wala na din naman akong magagawa dahil nandito na kami ngayon. Sana lang ay hindi makasama sa kanila ang pakikialam ko.Nauna muna akong pumasok at naiwan muna si Kuya sa labas para hintayin ang hudyat ko. Nakita kung nakaupo sa sala silang dalawa ni Nanang."Oh Marga nandito kana pala. Akala ko mamaya ka pa uuwi." anas ni Nanang."Hindi naman Nang, may pinuntahan lang ako ang totoo niyan ay may kasama po ako ngayon." wika ko naman."Sino? Boyfriend mo ba? Ikaw ha." pang aaasar naman sa akin ni Ate Jewel, kung alam mo lang na asawa mo ang nandiyan."Aba'y nasaan? Bakit hindi mo pinapasok?" saad ni Nanang."Oo nga po eh, wait at tatawagin ko siya." nahihiyang turan ko at naglakad pabalik sa labas.Nakita ko naman si Kuya Thunder na tahimik lang habang hinihintay ako."Kuya pasok na tayo." pag aya
Margaux POVNandito lang ako nakatayo sa gilid veranda kung nasan nakaupo si ate Jewel, kita ko sa kanyang mukha ang lungkot at pangungulila. Madalas ay ganito lang siya araw araw nakatulala o di kaya ay nasa kwarto lang. Hindi ko makita ang masiyahing babae na kilala ko.Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko kahit ang sabi ko noon ay ayaw kung pangunahan si ate sa magiging desisyon niya, pero sa nakikita ko ay mukhang kailangan niya sa kanyang tabi si Kuya Thunder.Noong isang araw ko pa kinuha ang numero nito sa phone ni Ate Jewel no'ng hiniram ko ito sinabi kung makikitext ako dahil nawalan ako ng load pero ang totoo no'n ay kinuha ko lang talaga ang kanyang number para madali ko siyang makausap. Alam kung magugulat 'yon kapag nalaman niya na buhay pa ako pero hindi 'yon ang mahalaga sa ngayon kung hindi si ate.Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko, tatawagan ko si Kuya Thunder para ipaalam sa kanya kung nasaan si Ate, kailangan na nil