Kabanata 1
Habang abala sa kaniya-kaniyang ginagawa sa kani-kanilang cubicle ang mga katrabaho ko ay pasimple akong dumaan.Halos hindi ako gumawa ni katiting na ingay para hindi nila ako mapansin.Hindi ko alam kung dahil ba magaling ako o talagang masyado silang abala sa mga ginagawa kaya nagawa kong makarating sa cubicle ko at makaupo nang hindi ko nakukuha ang atensyon nila.Huminga ako ng malalim at tinabi ang bag ko."Keila..." mahinang tawag sa akin nang nasa tabi kong cubicle.Nilingon ko si Pelle. Sinipat niya saglit ang relo niya bago niya ako inabot para sampalin sa braso."Aray!" impit ngunit tahimik kong d***g sa ginawa niya."Late ka na naman?! Mapapagalitan ka na naman ni Ma'am n'yan," aniya at tukoy sa senior editor namin dito.Dahil sa ginawa niya at sa boses niya may ilang malapit na napatingin sa akin. Ngunit agad ding binalik ang pansin sa mga ginagawa.Sinipat ko si Pelle at sinamaan siya ng tingin. Sinenyasan ko siyang manahimik.Napailing-iling siya sa akin."Nasaan pala si Ma'am? Pumasok?" tanong ko dahil hindi ko pa nakikita si Ma'am Elisa.Nginuso niya sa akin ang opisina ng aming senior editor bilang sagot. Tumango ako.Sana hindi lumabas para hindi ako mahuling late.Isang pasada muli ang ginawa ko sa mga katrabaho namin. Kumunot ang noo ko at dahil mga hindi na sila abala sa nga ginagawa kundi may tinatanaw sila. Sinundan ko ang mga atensyon nila na ngayon ay nasa monitor na.It is morning news. Isang clip ang pinapakita sa screen. Isang babaeng iniinterview ng isang kilalang showbiz host ang clip.Sa baba ay may nakalagay na "Breaking News: Xenya, may inamin.""So you are currently in love, Xenya?"Ngumiti ng matamis ang artistang si Xenya at naghiyawan naman ang mga tao sa studio."I am," medyo nahihiya ngunit proud niyang sagot."Woah. Straight to the point. Ang tanong ng bayan, who's the lucky guy?"Matagal na hindi muna sumagot ang artista. Nagbulungan naman ang mga katrabaho ko kasabay ng hiyawan ng mga audience sa studio sa clip na iyon.Xenya Ramirez is one of the versatile actress in today's generation. Kilalang-kilala siya sa industriya ng showbiz. Isa din siya sa magaganda. At sa pagkakaalam ko ay wala pa itong naging nobyo."I...don't know if I am allowed to say his name," hagikgik ng artista."You should, Xenya. Everything's waiting for your answer," gatong ng host.Xenya bit her lower lip and smiled wickedly. Matagal siyang tumigil na para bang pinag-iisipan niya kung sasabihin niya o hindi. Pero sa huli..."Well, I like...Mr. Gavriel Ignacio."Doon mas lalong lumakas ang hiyawan ng audience.Natapos ang clip at pumalit na ang host sa morning news."Iyan ang panayam ni Xenya ng tanungin siya ng showbiz host na si Tito Oy sa showbiz balita kahapon. At dahil nga sa sagot niya ay maraming netizens ang na-intriga kung may namamagitan ba sa kanila ng ex-military at ngayo'y businessman na si Gavriel Ignacio. Kahit ako ay naintriga, partner. Sinubukan namin hingin ang panayam ng naturang businessman ngunit wala itong sagot ukol dito.""Well, kung matatandaan natin mga viewers, last week, may kumakalat na balita na 'gay' raw si Mr. Gavriel Ignacio. Ito ay dahil sa isang litrato kuha kung saan may kasamang siyang isang lalaki at kumakain sila. Nangyari ito ng madaling araw. Ngayon ay pumutok naman ang balita na may namamagitan sa kanila ni Xenya. What do you think about it, partner?"Habang nag-uusap ang mga host ay pinakita sa screen ang litrato ng businessman kasama ang isang lalaki sa isang restaurant. It's a snap of Gavriel Ignacio sipping at his wine flute while looking seriously at the guy."With his look, I don't think he's—you know? I definitely think he's with Xenya," saad ng isang host. Nawala ang mga litrato at pinalitan ito ng isang muted clip kung saan nagsasalita ang isang lalaki sa harap ng crowd.The man was wearing a very formal black suit. Agaw pansin ang malapad nitong balikat at ang kakaibang tindig nito. His eyes were so stern and serious. In every subtle move, he's claiming authority and space. Every time his mouth and lips move, he's claiming everyone's attention.Kumunot ang noo ko.Natapos ang clip at bumalik sa mga host ang camera."Sana nga, partner. But what could be the possible reason why he met up with the guy? At madaling araw pa! That's the big question. For work? Parang impossible, partner. If I remember it correctly in a Bit Magazine, Mr. Ignacio said he is strict with his work hours," aniya.Napatango-tango ang kasama niya."But anyway, if the rumor is true about Xenya and him, they would make a power couple—"The monitor turned pitch black. Umungol naman ang mga katrabaho ko para ipakita ang pagkadismaya nang naputol sa panonood.Pero nang nakita nila kung sino ang nagpatay ng TV, agad silang nanahimik.Napaayos ako ng upo nang makita si Ma'am Elisa. Medyo yumuko ako ng kaunti para hindi ako mapansin."Shit," bulong ko."Alright," panimula nito. "That's our next project. We'll have to do whatever it takes to get Gavriel Ignacio's statement. Bago pa tayo maunahan ng iba. But this time, we'll make sure to get a scoop about him and Xenya."May mga nagpakita ng pag-angal at ang iba ay napailing pa."Jude, na-contact mo na ba ang secretary niya para magpa-book ng appointment?" tanong niya sa kaniyang secretary."Yes, Ma'am.""Thank you. Please, follow up. We need to get an update today.""Got it, Ma'am."Pagkatapos ay nilingon niya kaming lahat."Now, who wants to do this project?" tanong niya.Nag-iwasan ng tingin ang mga katrabaho ko. Maging si Pelle ay kunwaring inabala ang sarili sa laptop.We are entertainment journalists. Kaya madalas na artista ang iniinterview namin. We write scoop and exclusive reports about them. The more controversial the news is, the more we get advantage from it. Kaya tuwing nag-iinterview kami, we make sure to get a controversial scoop because that's what the netizens want. Especially if we have pictures to prove our claim.Mga kilala sa showbiz industry ang target namin. Madalang ang mga business personalities unless na-link sila sa isang kilalang artista. Just like now.This is not the first time I heard the name Gavriel Ignacio, but I never really encountered his name at our line of work. This is the first.Ang alam ko lang kilala sa business world ang lalaki. He's the eldest of the famous Ignacio clan and the one who currently managed the Ignacio Group of Companies after his father, Edwardo Ignacio stepped down. Plus Gavriel Ignacio is a bachelor despite his 28 years of age. Kaya naman maraming nahuhumaling sa kaniya. But other than that, wala na akong alam tungkol sa lalaki.Naputol ang pag-iisip ko nang nagsalita muli si Ma'am Elisa. Wala pa ring nagppresinta."Go to my office if you're interested in getting this project. Or inform my secretary. Kapag wala pa rin, I'll assign you randomly."Some in our team groaned.Nagpaalam na si Ma'am Elisa. Palakad na siya kaya ready na sana akong makipagkwentuhan kay Pelle ngunit nang nahagip niya ako ng tingin ay napatigil siya at tinawag niya ako."Keila Saldivar," pormal niyang tawag.I bit my lower lip and immediately stand up. Dahil doon, nakuha ko ang atensyon ng lahat.Now, great! Akala ko pa naman makakalusot!"Yes, Ma'am. Good morning," I said with a smile.Sinipat niya ng tingin ang relo niya bago niya binalik ang tingin sa akin."You're late again."Sa gilid ng mata ko ay napailing at patagong nagtawanan ang mga kasamahan ko.Nilingon ko sila at tinapunan sila ng masamang tingin isa-isa. Nginiwian naman ako ng iba at ang iba ang naimbyerna sa paraan ng pagtitig ko sa kanila.Binalik ko ang atensyon kay Ma'am Elisa. I smiled apologetically."I'm sorry, Ma'am. Nasiraan kasi ang jeep—"Bago ko pa matapos, pinutol na niya."Nasiraan ang jeep na sinakyan mo at nagpa-gas pa kaya ka na-late? Iyan ba ang rason mo?" aniya."Wow, Ma'am! Paano niyo po nalaman?" pilit na tawang sabi ko.She scoffed. "Paanong hindi ko malalaman? It's always your reason, Miss Saldivar. Kabisado ko na."Nagtawanan naman ang mga katrabaho ko. Habang naging mapait naman ang ngiti ko.Her stares and voice tell me she had enough with all my excuses.Pero anong gagawin ko? Iyon ang totoo!Ma'am Elisa eyed everyone to shut them up. Nanahimik naman ang lahat.Binalik niya ang tingin sa akin pagkatapos."Miss Saldivar, come to my office. I need to talk to you. Now," she said before she turned her back on us.Oh shit.Nilingon ko si Pelle. Huminga siya ng malalim at sinenyasan ako na sumunod na lang agad.Tumango ako at sumunod kay Ma'am.Medyo kabado ako dahil sa ilang beses na late ako sa trabaho, hindi naman ako pinatawag sa opisina niya ni-isa. Pagsasabihan pero hindi aabot sa ganito.Pagkapasok namin sa kaniyang opisina ay pinaupo niya ako sa silya malapit sa kaniyang mesa.Nakakabingi ang katahimikan sa buong silid. Kaya nang lumipas ang ilang segundo na wala pa siyang sinasabi, ako na ang unang bumasag sa katahimikan."Ma'am, kung dahil po ito sa pagiging late ko, pasensya na po talaga. Totoo po iyong rason ko kanina—""We're firing you, Ms. Saldivar," putol niya sa paliwanag ko.Hindi ako agad naka-react. Hindi pa rumerehistro sa isip ko ang sinabi niya."Look, Ms. Saldivar. The management already made the decision. We are firing you," seryoso niyang saad. Malinaw."Po?!" gulantang na ani ko.Rinig na rinig sa apat na kanto ng opisina niya ang boses ko. Sa pagkakataon na iyon, nawala na ko ng paki kung marinig man ako ng mga katrabaho ko sa labas."Ma'am. Paanong…"Hindi ko matapos-tapos na lintanya."Palagi kang late, Miss Saldivar. And your work? Tatlong beses lang naging okay ang article mo but after that? Lahat na ng scoop na pinapasa mo sa editor ay palpak. Lahat na ng article na ginagawa mo ay hindi nagiging hit."Para akong naestatwa sa narinig."Ilang taon ka na ba dito sa Scandal News? Halong isang taon na, Miss Saldivar. Pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nag-g-grow. Do you think we need an incompetent journalist like you?"Nanlamig ang kamay ko.I never imagine that this day will come. Masyado akong nakampante. Shit."Hindi na po ako ma-lalate." Iyon ang unang lumabas sa bibig ko.Iniisip ko pa lang na mawawalan ako ng trabaho ay nahihinuha ko na ang mangyayari sa akin. I will not be able to buy things I want!"Aayusin ko na po ang mga ipapasa kong project, Ma'am," desididong sambit ko."Please, Ma'am, baka naman pwedeng pakiusapan ang management?" pakiusap ko.She sighed heavily like this is a difficult situation."Ilang beses ka nang nangako, Miss Saldivar. Hindi ko na mabilang. The management already gave you so many chances. You only take advantage of it. Lagi ka pa ring late," iling-iling niya."Hindi ibig sabihin na hindi ka pinapatawag ay ayos lang ang ginagawa mo. You have to be punctual all the time, Miss Saldivar," dagdag niya.Huminga ako ng malalim. Medyo nagpa-panic na.Hindi pwede. Hindi pwedeng mawalan ako ng trabaho. I...like this job.Hindi man ito ang pinangarap ko talaga pero gusto ko ang trabaho ko. Kahit papaano, malapit ito sa gusto ko.Napahawak ako sa arm ng upuan ko."Last chance po, Ma'am. Hindi na po ako ma-lalate. I promise that. No. I swear that!"Nanliit ang tingin niya sa akin."What about your performance, then? How will you prove that you are worthy of staying here? We're so tired of hearing you say that you will pass a good article. Hindi naman nangyayari," aniya.Huminga ako ng malalalim at umayos ng upo sa silya. Mabilis at taranta na nag-isip ng sasabihin.Right! Paano nga ba? Paano?Naalala ko ang nasa morning news kanina. Kaya nag-angat ako ng tingin kay Ma'am.Tumaas ang isang kilay niya. Naghihintay sa sasabihin ko. Lumunok ako ng laway.Tumuwid ako ng upo at hindi na pinag-isipan iyon ng malalim."I'll do it. I'll do the interview with Gavriel Ignacio. I'll bring you a scoop about him."Nagbago ang ekspresyon ni Ma'am Elisa sa sinabi ko."I'll do that project. Sisiguraduhin kung makakakuha ako ng scoop tungkol sa kaniya o sa kaniya ni Xenya," pagpapatuloy ko.Ma'am Elisa's hands clasped on her desk. Probably thinking.Nagpatuloy naman ako."And if I failed, saka niyo po ko tanggalin."Her clasped hand went near her mouth. Mas lalong nag-isip.May kumatok sa opisina at bumakas ito.Ang sekretarya ni Ma'am Elisa. Nalipat ang tingin ni Ma'am doon."Excuse me, Ma'am," si Jude.Ma'am Elisa's eyes went to her secretary."Go on."Huminga ako ng malalim at medyo ni-relax ang sarili sa upuan.Tama ba ang desisyon kong iyon?I bit my lower lip.Bahala na! Ayokong mawalan ng trabaho!"I called Mr. Ignacio's secretary to follow up the appointment. But there's a problem po. Hindi daw po available for interview next week si Mr. Ignacio. The only available time he has is tomorrow."Sumandal sa swivel chair si Ma'am Elisa pagkarinig no'n at tumingin sa akin.Kabanata 2"Ano?!" napalakas na sabi ni Pelle. "Bakit mo sinabi iyon?!" dugtong niya.Nagpatuloy naman ako sa pagsuyod ng mga damit dito sa department store. "Ano ba dapat ang sabihin ko kung ganoon? Matatanggal ako sa trabaho, Pelle kapag wala akong gagawin kaya sinabi ko na ako na lang ang mag-iinterview doon sa businessman."Nilingon ko siya habang tinitigil muna ang paghahanap ng dress.Sa mukha niya ay parang problemado siya. "Bakit?" tanong ko. "Sobrang hirap ba ma-interview iyon?" usisa ko.Pelle is a complete opposite of me. Tahimik siya at hindi agad nag-rereact sa mga bagay-bagay kaya ang makita ang reaksyon niya ngayon ay kakaiba. Ibig sabihin niyan, there's really something about that Gavriel Ignacio."Oo! Mas lalo kang mawawalan ng trabaho niyan sa pinasok mo," nag-aalalalang aniya.Nakuha no'n ang pansin ko."Paanong mahirap? Ang instruction lang naman sa akin ni Ma'am, mag-iinterview lang bukas. Get a scoop and I'm done. Hindi na ako mawawalan ng trabaho.""Tingin mo
Kabanata 3 Hindi ako tumigil. Hindi ako sumuko. Sa araw din na iyon ay naghintay ako sa lobby.Nakabalik na si Mr. Ignacio galing sa kaniyang lunch at ngayon ay marahil nasa kaniyang opisina na. Nilingon ko ang mga security guards na tinatanaw ako sa malayo. Sinisigurong hindi ako manggugulo.Umirap ako."6 PM? Talaga po?" tanong ko sa kinakausap na medyo may katandaan na na janitress. Kasalukuyan siyang nagma-mop ng sahig."Oo, ne."Tumango ako. 6 PM daw kasi ang tapos ng work hours dito. Pagkasapit ng ganoong oras ay bababa na si Sir Ignacio para umuwi.Sinipat ko ng tingin ang aking relo. Malapit na. 5 PM na. Isang oras na lang."Kumusta naman po si Mr. Ignacio bilang boss?" usisa ko."Nako, tahimik si Sir, hija. Pero mabait naman."Tumaas ang isang kilay ko. Mabait? Hindi ako kumbinsido.Sa salita nito kanina sa akin ay parang ni 20% wala itong kabaitan sa katawan."Hindi ka po ba sinisigawan? Pinapagalitan? Minamaltrato?"Tumawa siya sa tanong ko habang ako ay seryoso."Hindi na
SimulaUmupo kami sa upuan at tinabi ko ang mga bagahe namin. Sa labas ng convenience store ay unti-unting lumalakas na ang ulan. Sila Pietro at Hanna ay nasa tabi ko at nakatingin din sa pagbuhos ng ulan."Kuya, wala na po ba talaga tayong bahay? Pa'no na tayo niyan? Saan na tayo matutulog?" nagbabadyang iyak na sabi ni Hanna kay Pietro."Shh!" saway ni Pietro sa kaniya. "Kapag umiyak ka, baka mapaalis tayo dito. Shh!" Nagtiimbagang ako. Wala na kaming mapuntahan. Hindi sapat ang pera ko para makakuha ng matutuluyan. Hindi rin kami pwedeng manatili rito sa convenience store dahil alam kong paalisin lang kami kapag nagtagal pa kami roon nang hindi naman bumibili ng kung ano. Gusto kong umiyak, magwala at magalit sa kinahinatnan naming magkakapatid pero kung gagawin ko iyon ay uubusin ko lang ang natitirang lakas ko.Nilabas ko ang cellphone ko at naghanap ng pu-pwedeng tawagan para makahingi ng tulong."Pasensya na, Ke. Ayaw pumayag ni Mama. P-pero...susubukan ko ulit. Kakausapin
Kabanata 3 Hindi ako tumigil. Hindi ako sumuko. Sa araw din na iyon ay naghintay ako sa lobby.Nakabalik na si Mr. Ignacio galing sa kaniyang lunch at ngayon ay marahil nasa kaniyang opisina na. Nilingon ko ang mga security guards na tinatanaw ako sa malayo. Sinisigurong hindi ako manggugulo.Umirap ako."6 PM? Talaga po?" tanong ko sa kinakausap na medyo may katandaan na na janitress. Kasalukuyan siyang nagma-mop ng sahig."Oo, ne."Tumango ako. 6 PM daw kasi ang tapos ng work hours dito. Pagkasapit ng ganoong oras ay bababa na si Sir Ignacio para umuwi.Sinipat ko ng tingin ang aking relo. Malapit na. 5 PM na. Isang oras na lang."Kumusta naman po si Mr. Ignacio bilang boss?" usisa ko."Nako, tahimik si Sir, hija. Pero mabait naman."Tumaas ang isang kilay ko. Mabait? Hindi ako kumbinsido.Sa salita nito kanina sa akin ay parang ni 20% wala itong kabaitan sa katawan."Hindi ka po ba sinisigawan? Pinapagalitan? Minamaltrato?"Tumawa siya sa tanong ko habang ako ay seryoso."Hindi na
Kabanata 2"Ano?!" napalakas na sabi ni Pelle. "Bakit mo sinabi iyon?!" dugtong niya.Nagpatuloy naman ako sa pagsuyod ng mga damit dito sa department store. "Ano ba dapat ang sabihin ko kung ganoon? Matatanggal ako sa trabaho, Pelle kapag wala akong gagawin kaya sinabi ko na ako na lang ang mag-iinterview doon sa businessman."Nilingon ko siya habang tinitigil muna ang paghahanap ng dress.Sa mukha niya ay parang problemado siya. "Bakit?" tanong ko. "Sobrang hirap ba ma-interview iyon?" usisa ko.Pelle is a complete opposite of me. Tahimik siya at hindi agad nag-rereact sa mga bagay-bagay kaya ang makita ang reaksyon niya ngayon ay kakaiba. Ibig sabihin niyan, there's really something about that Gavriel Ignacio."Oo! Mas lalo kang mawawalan ng trabaho niyan sa pinasok mo," nag-aalalalang aniya.Nakuha no'n ang pansin ko."Paanong mahirap? Ang instruction lang naman sa akin ni Ma'am, mag-iinterview lang bukas. Get a scoop and I'm done. Hindi na ako mawawalan ng trabaho.""Tingin mo
Kabanata 1Habang abala sa kaniya-kaniyang ginagawa sa kani-kanilang cubicle ang mga katrabaho ko ay pasimple akong dumaan.Halos hindi ako gumawa ni katiting na ingay para hindi nila ako mapansin.Hindi ko alam kung dahil ba magaling ako o talagang masyado silang abala sa mga ginagawa kaya nagawa kong makarating sa cubicle ko at makaupo nang hindi ko nakukuha ang atensyon nila.Huminga ako ng malalim at tinabi ang bag ko."Keila..." mahinang tawag sa akin nang nasa tabi kong cubicle. Nilingon ko si Pelle. Sinipat niya saglit ang relo niya bago niya ako inabot para sampalin sa braso. "Aray!" impit ngunit tahimik kong d***g sa ginawa niya."Late ka na naman?! Mapapagalitan ka na naman ni Ma'am n'yan," aniya at tukoy sa senior editor namin dito.Dahil sa ginawa niya at sa boses niya may ilang malapit na napatingin sa akin. Ngunit agad ding binalik ang pansin sa mga ginagawa.Sinipat ko si Pelle at sinamaan siya ng tingin. Sinenyasan ko siyang manahimik.Napailing-iling siya sa akin. "
SimulaUmupo kami sa upuan at tinabi ko ang mga bagahe namin. Sa labas ng convenience store ay unti-unting lumalakas na ang ulan. Sila Pietro at Hanna ay nasa tabi ko at nakatingin din sa pagbuhos ng ulan."Kuya, wala na po ba talaga tayong bahay? Pa'no na tayo niyan? Saan na tayo matutulog?" nagbabadyang iyak na sabi ni Hanna kay Pietro."Shh!" saway ni Pietro sa kaniya. "Kapag umiyak ka, baka mapaalis tayo dito. Shh!" Nagtiimbagang ako. Wala na kaming mapuntahan. Hindi sapat ang pera ko para makakuha ng matutuluyan. Hindi rin kami pwedeng manatili rito sa convenience store dahil alam kong paalisin lang kami kapag nagtagal pa kami roon nang hindi naman bumibili ng kung ano. Gusto kong umiyak, magwala at magalit sa kinahinatnan naming magkakapatid pero kung gagawin ko iyon ay uubusin ko lang ang natitirang lakas ko.Nilabas ko ang cellphone ko at naghanap ng pu-pwedeng tawagan para makahingi ng tulong."Pasensya na, Ke. Ayaw pumayag ni Mama. P-pero...susubukan ko ulit. Kakausapin