Share

3

Author: marcella_ph
last update Huling Na-update: 2023-06-05 14:13:11

Kabanata 3

Hindi ako tumigil. Hindi ako sumuko. Sa araw din na iyon ay naghintay ako sa lobby.

Nakabalik na si Mr. Ignacio galing sa kaniyang lunch at ngayon ay marahil nasa kaniyang opisina na.

Nilingon ko ang mga security guards na tinatanaw ako sa malayo. Sinisigurong hindi ako manggugulo.

Umirap ako.

"6 PM? Talaga po?" tanong ko sa kinakausap na medyo may katandaan na na janitress. Kasalukuyan siyang nagma-mop ng sahig.

"Oo, ne."

Tumango ako. 6 PM daw kasi ang tapos ng work hours dito. Pagkasapit ng ganoong oras ay bababa na si Sir Ignacio para umuwi.

Sinipat ko ng tingin ang aking relo. Malapit na. 5 PM na. Isang oras na lang.

"Kumusta naman po si Mr. Ignacio bilang boss?" usisa ko.

"Nako, tahimik si Sir, hija. Pero mabait naman."

Tumaas ang isang kilay ko. Mabait? Hindi ako kumbinsido.

Sa salita nito kanina sa akin ay parang ni 20% wala itong kabaitan sa katawan.

"Hindi ka po ba sinisigawan? Pinapagalitan? Minamaltrato?"

Tumawa siya sa tanong ko habang ako ay seryoso.

"Hindi naman. Bakit naman ako sisigawan ni Sir? At saka madalang lang magkrus ang landas namin. Ako ang toka sa paglilinis sa kaniyang opisina. Pero pagkaalis niya, saka lang ako naglilinis kaya hindi nagkukrus ang landas namin. Wala namang komento si Sir sa paglilinis ko. Mukhang hindi naman maarte ang Sir."

Ngumuso ako.

"Baka naman po nagrereklamo pero hindi lang nakakarating sa inyo?" hirit ko.

"Hindi, hija. Wala talaga akong naririnig na reklamo sa kaniya sa paglilinis ko. Sa katunayan, siya pa nga ang nagbigay sa akin ng trabaho rito."

Kumunot ang noo ko. Lumapit ako dahil naging kuryoso roon.

"Talaga po?"

Tumango siya.

"Streetsweeper ako sa village kung saan nakatira si Sir. Nakita niya akong naglilinis sa tapat ng kaniyang bahay. Nagmagandang loob siya at inalok akong magtrabaho na lang dito sa kaniyang kumpanya dahil aniya, maganda ang pasahod. Kaya masasabi kong mabuti ang puso niya. Matulungin siya sa mga katulad kong mahihirap."

Kumunot ang noo ko. Mabait? Matulungin? I doubt it!

Baka nagpapabango lang ng pangalan? Pakitang tao, gano'n.

"Nakatira po siya sa village? Saan pong village?"

Nagtagal ang tingin sa akin ni Manang para bang nagdadalawang-isip kung sasabihin niya ba o hindi. I smiled to assure her that I'm harmless.

"Exclusive Village, hija. Sa Stanville. Ang pinakadulo don ang kaniyang bahay. Pinakamalaki sa mga bahay na naroon. Bakit? May kailangan ka sa kaniya?"

Nangapa ako ng maisasagot.

"Ah. Opo, eh. Hihingi sana ako ng tulong sa kaniya. Sabi niyo po mabait siya at matulungin."

"Ganoon ba?" aniya at pinasadahan ako ng tingin. "Mukha namang hindi mo kailangan ng tulong mo, hija. Mukhang mamahalin ang suot mo," puna niya.

Sinipat ko ang suot na dress. Ito iyong binili ko kahapon kasama si Pelle.

Mali pa atang ito ang sinuot ko.

"May kaibigan kasi ako na nangangailangan ng tulong. Naghahanap kasi siya ng trabaho. Gusto ko siyang tulungan lapitan si Mr. Ignacio, Manang," I lied.

Napatango-tango naman ito. Kumbinsido.

"Kung gano'n, sigurado akong matutulungan siya ni Sir."

Napatango-tango ako. Pinanood ko ang pagbalik ni Manang sa pag-ma-mop.

"Habang narito po kayo't nagtatrabaho, may...napapansin po ba kayong kakaiba kay Mr. Ignacio?" sunod na tanong ko naman.

Napatigil naman sa pagma-mop si Manang.

"Anong klaseng kakaiba ba, ineng?"

Paano ko ba sasabihin?

"Hmm? Girlfriend? O kaya naman... boyfriend? Meron po ba siyang ganoon?" maingat na tanong ko.

Natawa naman ang matanda.

"Boyprend? Lalaki? Nako, hija. Sa gwapo ni Sir, imposibleng lalaki ang gugustuhin niya. At saka, kung gerlprend naman, wala pa naman akong nakikitang pumupunta ditong babae na hindi tungkol sa trabaho ang pakay. Puro trabaho ang nasa isip ni Sir, hija. Kaya palagay ko ay wala pa siyang gerlprend."

"Baka tinatago..." bulong-bulong ko.

"Ano iyon, hija?" tanong ni Manang. Hindi narinig ang sinabi ko.

Ngumiti ako at umiling.

"Wala po. Sige po. Salamat po, Manang."

Ngumiti rin ito. Dinantay niya ang medyo basa niyang kamay sa braso ko kaya napaigti ako ng bahagya.

"Walang anuman."

Nakaupo ako sa waiting area at kanina pa dito. Isang minuto na lang ay alas-sais na.

Pelle:

Ha? Paano na iyan? Sinasabi ko na nga ba sa'yo, imposibleng ma-interview mo iyan si Mr. Ignacio eh.

Basa ko sa mensahe sa akin ng kaibigan. Magtitipa na sana ako ng sagot sa kaibigan pero nakita kong tumunog ang elevator malapit kaya nag-angat ako ng tingin.

Mabilis na tumayo ako nang nakitang si Mr. Ignacio ang lumabas na may kasamang isang halos katangkad niyang lalaki.

Sinukbit ko ang sling bag ko at mabilis na nagtungo sa kaniya. Nakita niya naman ako kaya mabilis na kumunot ang noo niya.

Hindi naman ako napansin ng kanyang kasama dahil may tinitingnan sa cellphone.

"Hi!" bati ko nang nakalapit. Saka palang nag-angat ng tingin ang lalaking kasama nito.

Hindi ito ang lalaking kasama ni Mr. Ignacio sa pictures kung saan nababalita na gay siya. Sigurado ako doon.

Ang lalaking ito ay may hawig kay Mr. Ignacio. Marahil ay kapatid? Pinsan?

"Why are you still here?" Mr. Ignacio asked.

Sinabayan ko ang kanilang paglalakad.

"Kilala mo, Gav?" tanong ng lalaki, tukoy sa akin.

"She's from Scandal News, Theo," simpleng sagot ni Sir Ignacio.

Napatango-tango ang lalaki na ang pangalan ay Theo.

Magsasalita na sana ako pero may lumapit na isang babae na may dalang folder. Tumigil sila kaya napatigil din ako.

Pinanood ko ang pagtanggap ni Mr. Ignacio sa inaabot ng babae na ballpen at mabilis na binasa ang ilang mga papel na pinapakita ng staff bago ito pinirmahan.

Nang makaalis ang babae ay nagsalita ang lalaking kasama ni Mr. Ignacio. Nagpatuloy sila sa paglalakad habang ako ay sinasabayan sila.

Nginitian ko ang lalaking nakatitig sa akin bago binigay ang atensyon kay Sir Ignacio.

"Mukhang tapos na ang trabaho mo, Mr. Ignacio. I know a place where we can have the interview. You can also eat dinner. My treat!" saad ko.

May pera naman ako sa ATM kaya ayos na siguro ito.

"I won't have an interview with you," pinal nitong sinabi.

Pero makulit ako. Hindi sumusuko.

"10 minutes lang, Mr. Ignacio. Or 5 minutes kung gusto mo. Saglit na saglit lang talaga," pamimilit ko.

Tumigil siya kaya parehas kaming tumigil ng kasama niya. Nilingon niya ako. Kunot ang noo at hindi na natutuwa.

"I told you. Hindi na ako magpapa-interview. I have given you a chance but you took advantage of it by being late. Now, you want me to adjust for you?" he spat like I'm being imposible.

"Maliit na adjustment lang naman, Sir. 5 minutes interview is fine with me. Tatanawin ko ng utang na loob kung pagbibigyan mo ako. I just really need to do this. Ayaw kong mawalan ng trabaho."

Tinapik ng lalaking si Theo ang balikat ni Mr. Ignacio.

"You should allow her, Gav. Limang minuto lang naman daw e."

Ngumiti ako sa lalaki. He's siding with me! Bukod sa gwapo ito ay mabait pa.

Hindi katulad nitong isa.

"Tama! Limang minuto lang, Mr. Ignacio. Tapos na."

Nagtagal saglit ang titig ni Mr. Ignacio sa kasama niyang lalaki bago niya ako sinipat ng tingin.

"I'm not going to waste my 5 minutes with someone like you."

Iyon lang ang sinabi nito at tinalikuran na ako. Theo looked at me with worried and apologetic eyes.

"I'm sorry about him," pahayag nito sa akin bago sundan si Mr. Ignacio.

Kinuyom ko ang kamao ko. Nauubos na ang pasensya. Kaya nakakailang hakbang pa lang sila nang nagsalita ako.

"Are you gay, Mr. Ignacio?" I asked in a high tone so that he could hear me.

That was it! I shot the first question I was dying to ask!

Ramdam ko ang lahat ng taong mga napatingin sa akin dahil narinig ang tanong kong iyon. I heard them gasping and whispered something.

Kitang kita ko naman ang ginawang pagtigil ni Mr. Ignacio sa paghakbang gayon din ang kasama niya. Nilingon ako noong Theo, gulat sa sinabi ko. Pero si Mr. Ignacio ay hindi lumingon.

Nagpatuloy naman ako.

Wala nang pakialam kung gumawa kami ng eksena rito sa lobby.

5 minutes interview pero hindi niya ako mapagbigyan? Kung ganoon, wala akong choice para gawin ito.

If he won't allow me to interview him exclusively, then this is how I will interview him.

"Do you have a relationship with Xenya? Or you have no interest in her because you are gay?" sunod-sunod at diretsong tanong ko.

Mas lalong nagsinghapan ang mga tao sa paligid. Mga naeskandalo sa tanong kong iyon.

Doon pa lang ako nilingon ni Mr. Ignacio at hinarap. Madilim ang mga mata ang tinapon niya sa akin.

And did I get an answer? No!

"Ano ba!" singhal ko dahil ang higpit ng hawak sa akin ng isa sa mga security guard.

Kinaladkad nila ako palabas ng building.

Panay naman ang angal ko sa kanila!

Padabog na binitiwan nila ang braso ko nang napalabas na nila ako.

"Huwag ka ng babalik dito, Miss. Banned ka na daw utos ni Sir Ignacio," ani ng isa.

Tinalikuran nila ako habang nanunuot naman ang galit ko.

Bwiset!

Kaugnay na kabanata

  • Unwanted Maid   Simula

    SimulaUmupo kami sa upuan at tinabi ko ang mga bagahe namin. Sa labas ng convenience store ay unti-unting lumalakas na ang ulan. Sila Pietro at Hanna ay nasa tabi ko at nakatingin din sa pagbuhos ng ulan."Kuya, wala na po ba talaga tayong bahay? Pa'no na tayo niyan? Saan na tayo matutulog?" nagbabadyang iyak na sabi ni Hanna kay Pietro."Shh!" saway ni Pietro sa kaniya. "Kapag umiyak ka, baka mapaalis tayo dito. Shh!" Nagtiimbagang ako. Wala na kaming mapuntahan. Hindi sapat ang pera ko para makakuha ng matutuluyan. Hindi rin kami pwedeng manatili rito sa convenience store dahil alam kong paalisin lang kami kapag nagtagal pa kami roon nang hindi naman bumibili ng kung ano. Gusto kong umiyak, magwala at magalit sa kinahinatnan naming magkakapatid pero kung gagawin ko iyon ay uubusin ko lang ang natitirang lakas ko.Nilabas ko ang cellphone ko at naghanap ng pu-pwedeng tawagan para makahingi ng tulong."Pasensya na, Ke. Ayaw pumayag ni Mama. P-pero...susubukan ko ulit. Kakausapin

    Huling Na-update : 2023-06-05
  • Unwanted Maid   1

    Kabanata 1Habang abala sa kaniya-kaniyang ginagawa sa kani-kanilang cubicle ang mga katrabaho ko ay pasimple akong dumaan.Halos hindi ako gumawa ni katiting na ingay para hindi nila ako mapansin.Hindi ko alam kung dahil ba magaling ako o talagang masyado silang abala sa mga ginagawa kaya nagawa kong makarating sa cubicle ko at makaupo nang hindi ko nakukuha ang atensyon nila.Huminga ako ng malalim at tinabi ang bag ko."Keila..." mahinang tawag sa akin nang nasa tabi kong cubicle. Nilingon ko si Pelle. Sinipat niya saglit ang relo niya bago niya ako inabot para sampalin sa braso. "Aray!" impit ngunit tahimik kong d***g sa ginawa niya."Late ka na naman?! Mapapagalitan ka na naman ni Ma'am n'yan," aniya at tukoy sa senior editor namin dito.Dahil sa ginawa niya at sa boses niya may ilang malapit na napatingin sa akin. Ngunit agad ding binalik ang pansin sa mga ginagawa.Sinipat ko si Pelle at sinamaan siya ng tingin. Sinenyasan ko siyang manahimik.Napailing-iling siya sa akin. "

    Huling Na-update : 2023-06-05
  • Unwanted Maid   2

    Kabanata 2"Ano?!" napalakas na sabi ni Pelle. "Bakit mo sinabi iyon?!" dugtong niya.Nagpatuloy naman ako sa pagsuyod ng mga damit dito sa department store. "Ano ba dapat ang sabihin ko kung ganoon? Matatanggal ako sa trabaho, Pelle kapag wala akong gagawin kaya sinabi ko na ako na lang ang mag-iinterview doon sa businessman."Nilingon ko siya habang tinitigil muna ang paghahanap ng dress.Sa mukha niya ay parang problemado siya. "Bakit?" tanong ko. "Sobrang hirap ba ma-interview iyon?" usisa ko.Pelle is a complete opposite of me. Tahimik siya at hindi agad nag-rereact sa mga bagay-bagay kaya ang makita ang reaksyon niya ngayon ay kakaiba. Ibig sabihin niyan, there's really something about that Gavriel Ignacio."Oo! Mas lalo kang mawawalan ng trabaho niyan sa pinasok mo," nag-aalalalang aniya.Nakuha no'n ang pansin ko."Paanong mahirap? Ang instruction lang naman sa akin ni Ma'am, mag-iinterview lang bukas. Get a scoop and I'm done. Hindi na ako mawawalan ng trabaho.""Tingin mo

    Huling Na-update : 2023-06-05

Pinakabagong kabanata

  • Unwanted Maid   3

    Kabanata 3 Hindi ako tumigil. Hindi ako sumuko. Sa araw din na iyon ay naghintay ako sa lobby.Nakabalik na si Mr. Ignacio galing sa kaniyang lunch at ngayon ay marahil nasa kaniyang opisina na. Nilingon ko ang mga security guards na tinatanaw ako sa malayo. Sinisigurong hindi ako manggugulo.Umirap ako."6 PM? Talaga po?" tanong ko sa kinakausap na medyo may katandaan na na janitress. Kasalukuyan siyang nagma-mop ng sahig."Oo, ne."Tumango ako. 6 PM daw kasi ang tapos ng work hours dito. Pagkasapit ng ganoong oras ay bababa na si Sir Ignacio para umuwi.Sinipat ko ng tingin ang aking relo. Malapit na. 5 PM na. Isang oras na lang."Kumusta naman po si Mr. Ignacio bilang boss?" usisa ko."Nako, tahimik si Sir, hija. Pero mabait naman."Tumaas ang isang kilay ko. Mabait? Hindi ako kumbinsido.Sa salita nito kanina sa akin ay parang ni 20% wala itong kabaitan sa katawan."Hindi ka po ba sinisigawan? Pinapagalitan? Minamaltrato?"Tumawa siya sa tanong ko habang ako ay seryoso."Hindi na

  • Unwanted Maid   2

    Kabanata 2"Ano?!" napalakas na sabi ni Pelle. "Bakit mo sinabi iyon?!" dugtong niya.Nagpatuloy naman ako sa pagsuyod ng mga damit dito sa department store. "Ano ba dapat ang sabihin ko kung ganoon? Matatanggal ako sa trabaho, Pelle kapag wala akong gagawin kaya sinabi ko na ako na lang ang mag-iinterview doon sa businessman."Nilingon ko siya habang tinitigil muna ang paghahanap ng dress.Sa mukha niya ay parang problemado siya. "Bakit?" tanong ko. "Sobrang hirap ba ma-interview iyon?" usisa ko.Pelle is a complete opposite of me. Tahimik siya at hindi agad nag-rereact sa mga bagay-bagay kaya ang makita ang reaksyon niya ngayon ay kakaiba. Ibig sabihin niyan, there's really something about that Gavriel Ignacio."Oo! Mas lalo kang mawawalan ng trabaho niyan sa pinasok mo," nag-aalalalang aniya.Nakuha no'n ang pansin ko."Paanong mahirap? Ang instruction lang naman sa akin ni Ma'am, mag-iinterview lang bukas. Get a scoop and I'm done. Hindi na ako mawawalan ng trabaho.""Tingin mo

  • Unwanted Maid   1

    Kabanata 1Habang abala sa kaniya-kaniyang ginagawa sa kani-kanilang cubicle ang mga katrabaho ko ay pasimple akong dumaan.Halos hindi ako gumawa ni katiting na ingay para hindi nila ako mapansin.Hindi ko alam kung dahil ba magaling ako o talagang masyado silang abala sa mga ginagawa kaya nagawa kong makarating sa cubicle ko at makaupo nang hindi ko nakukuha ang atensyon nila.Huminga ako ng malalim at tinabi ang bag ko."Keila..." mahinang tawag sa akin nang nasa tabi kong cubicle. Nilingon ko si Pelle. Sinipat niya saglit ang relo niya bago niya ako inabot para sampalin sa braso. "Aray!" impit ngunit tahimik kong d***g sa ginawa niya."Late ka na naman?! Mapapagalitan ka na naman ni Ma'am n'yan," aniya at tukoy sa senior editor namin dito.Dahil sa ginawa niya at sa boses niya may ilang malapit na napatingin sa akin. Ngunit agad ding binalik ang pansin sa mga ginagawa.Sinipat ko si Pelle at sinamaan siya ng tingin. Sinenyasan ko siyang manahimik.Napailing-iling siya sa akin. "

  • Unwanted Maid   Simula

    SimulaUmupo kami sa upuan at tinabi ko ang mga bagahe namin. Sa labas ng convenience store ay unti-unting lumalakas na ang ulan. Sila Pietro at Hanna ay nasa tabi ko at nakatingin din sa pagbuhos ng ulan."Kuya, wala na po ba talaga tayong bahay? Pa'no na tayo niyan? Saan na tayo matutulog?" nagbabadyang iyak na sabi ni Hanna kay Pietro."Shh!" saway ni Pietro sa kaniya. "Kapag umiyak ka, baka mapaalis tayo dito. Shh!" Nagtiimbagang ako. Wala na kaming mapuntahan. Hindi sapat ang pera ko para makakuha ng matutuluyan. Hindi rin kami pwedeng manatili rito sa convenience store dahil alam kong paalisin lang kami kapag nagtagal pa kami roon nang hindi naman bumibili ng kung ano. Gusto kong umiyak, magwala at magalit sa kinahinatnan naming magkakapatid pero kung gagawin ko iyon ay uubusin ko lang ang natitirang lakas ko.Nilabas ko ang cellphone ko at naghanap ng pu-pwedeng tawagan para makahingi ng tulong."Pasensya na, Ke. Ayaw pumayag ni Mama. P-pero...susubukan ko ulit. Kakausapin

DMCA.com Protection Status