Share

Chapter 3

"Mahirap daw Stem at Abm, at easy lang daw Humss." 

"Hindi naman siguro, mostly kasi chill chill lang mga taga Humss pero sa totoo lang nahihirapan din sila." I nodded. Agreeing at what she said. 

"Mostly debates doon diba? Mga essay ganon? Magaling si Zhia sa essay, pero siguradong bagsak yan sa debates." Napangiwi ako sa sinabi ni Ysa. Kung magsalita 'to kala mo wala ako sa harap niya. 

Pero she's right. Yun ang problema ko ngayon, hindi naman sa hindi ako magaling sa debates hindi lang talaga ako pala salita. I'm afraid to speak what's on my mind, nakakatakot ma judge. Kaya gusto kung mag Humss kasi it can improve my vocabulary and way of communicating. 

"Hindi naman siguro tayo masha shuffle, noh? Balita ko kasi wala daw gustong pumunta sa TVL." Kumunot ang noo ko.

Noong grade 9 kasi kami na shuffle kami sa TLE. Eh, diba pag grade 9 na ikaw na pipili kung saan ka mag t tle? Ang nangyari sa amin na shuffle kami kasi walang gustong mag drafting at isa ako sa mga napili ni satanas. Nainis ako noon kasi ba't ipipilit yung drafting kung walang may gusto? Future namin iyon tas ipipilit yung hindi namin gusto?! 

One of the reason din kung ba't natanggal ako sa star section noon kasi noong grade 8 kami, last quarter na at sa drafting ako napunta, eh sa hindi ako marunong mag drawing at badtrip pa yung teacher ayon binagsak ko. Pero pinagkalat binagsak ako, hindi niya alam ibinagsak ko talaga kasi napaka judgemental niya. Bakit? Alam na nga niyang halos lahat kami hindi marunong mag drawing tas pag pasahan na ng drawing kung makalait kala mo naman ang perfect perfect niya mag drawing! Kilay nga niya di niya maayos. Kairita. 

"ZUP." 

Nasa garden ako ngayon sa bahay, nagbabasa ng libro. 

"Yah." I responded saka tinuloy ang pagbabasa ng libro. 

Hindi na ako nagulat na andito siya sa bahay, hindi ko alam kung bakit dito ang meeting place nila kuya pag may balak silang puntahan. 

Pero tanghali na, mag ba bike parin sila? Ang init kaya...

"May pupuntahan kayo?" Tanong ko nang hindi ko matiis na hindi siya kausapin. Since nag iba ang section ko mas naging madalang na lang kami mag usap. Hindi naman talaga kami nag uusap noon, palagi niya lang akong inaasar pero hindi kami nag uusap ng matino. 

"Kakauwi lang namin." Sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Pawis na pawis siya, suot niya parin ang damit na pinagawa pa nila kuya sa ibang bansa. Medyo nakaawang ang kaniyang mapupulang labi at humihingal ng kaunti. 

My brows furrowed. Eh, ba't hindi siya pumasok? Medyo mainit dito at least sa loob may aircon. Wala ba siyang panyo o pamalit man lang? 

"Bakit?" Tanong niya habang nakatitig sa akin. Binaba ko ang librong hawak ko at inilagay sa lamesa. 

"Mag palit ka nga, ang baho mo!" Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya pero kahit ganoon ang gwapo parin niya. 

Inamoy amoy niya ang sarili niya at ngumisi. "I smell good! Baka may sira yang ilong mo." I snorted. 

Hindi ko na lang siya pinansin at nagbasa ulit. 

"Anong strand mo?" 

"Humss. You?" Tanong ko dito, matagal siyang sumagot kaya liningon ko ito. 

"What are you looking at?" He blinked, namumula ang kaniyang ilong kaya umiwas ito ng tingin. 

"Humss din, criminology." Oh. Police, huh? Not bad. 

"Si Jean, anong kukunin?" Ba't sa akin tinatanong? Magpinsan sila, huh? Sabi nga ni Jean araw araw silang mag kasama. 

"Abm." 

"Ok." 

Hindi ako madaldal, ganoon din si Lleidzy. Pero pag nakikita ko siyang kasama mga barkada niya at si Hana Ley ang daldal, ngingiti-ngiti pa siya. Siguro pag ako ang kasama hindi madaldal? Kasi pagkasama naman namin si Jean ang ingay ingay niya. 

Hindi na din niya ako masyadong inaaway, siguro kasi may jowa na. Katulad ni Ysa, nagka jowa lang medyo tumino na. Pero daily routine niya na yatang asarin ako, para bang ikakamatay niya pag hindi niya ako naaasar. 

Lumapit din ang mga pinsan ko sa pwesto namin at nagpakuha ng pagkain. Aba, akala mo naman mga walang trabaho halos tumambay na dito araw-araw. 

"Malapit na moving up niyo, huh? Pero 'tong si Zhia chill chill lang!" Tuwang tuwa na sabi ni kuya K at nginisian ako. Delubyo. Araw-araw delubyo dahil sakaniya. 

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nila akong asarin. Asar. Madali lang daw kasi akong asarin, madalas nakakatuwa daw ang mga sagot ko sakanila, but I found it nakaka offend. Pero if it's fine for them, then it's ok. 

"Lleidzy, ligo na!" He chuckled kaya tinignan ko siya, my eyes immediately fell from his green eyes. Umiwas ako ng tingin. 

Hindi ko alam, pagtumi-tingin ako sa kaniyang mga mata pakiramdam ko para akong linulunod nito, parang hinihila ako papalapit kaya once na nagsalubong na ang mga mata namin agad akong umiiwas ng tingin. 

Madalas din kasing may kakaiba akong nararamdaman, pinagpapawisan ako at lumalakas ang tibok ng puso ko. Naisip ko tuloy baka engkanto yang si Lleidzy.

Nakatayo parin siya doon ng ilang minuto, I still can feel his stares but I ignored it. 

"Pahiram ako damit, nasuot kuna lahat eh." Tumango si kuya at saka ako tinignan. 

"Zhia, ikaw na lang kumuha. Tatawagan ko lang ate Sole mo." Magpro protesta na sana ako nang tumayo na ito at tinawagan si ate Sole. 

Tinignan ko iyong apat at ngingisi-ngisi sila na parang aso. 

"Aba't ay parang mag asawa na a!" Inirapan ko lang si Kuya K ngunit tumawa lang ito. 

Kainis! 

"Kuya Winter, paano kayo nagka kilala nila Lleidzy?" He smiled playfully and look at Lleidzy. I arched one of my brows. 

"Why don't you ask, Lleidzy? Bro?" I pouted. What a jinx! 

"Sumbong ko kayo kay ate Sole, inaasar niyo ako palagi." Tumahimik sila pero naka ngisi parin. Inirapan ko sila at inaya na si Lleidzy.

Rinig na rinig ko ang kantyawan nila kahit nasa loob na kami! Lleidzy is also smirking which makes me more annoyed! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status