Share

Chapter 5

"So, umiyak ka nga?" Ang kulit! 

"Hindi luha iyon! Basta tumulo iyon sa mata ko pero hindi iyon luha!" Pilit kong pina paintindi kina Jean at Ysa na hindi luha ang tumulo sa mga mata ko kahapon. 

Nakakainis! Hindi ba sila maka gets?! Buti pa sina Draze nagpapa uto! 

"Aminin mo na kasi, hindi ko naman sasabihin kay Lleidzy." Magsasalita na sana ako nang may nauna sa akin. 

"What is it?" Napairap na lang ako sa kawalan. Walang hiya..balak pang ibuking ako! 

I glared at her kaya nag peace sign lang siya at tumawa. Kainis. 

"Ang pangit mo daw, insan." Natatawang sabi niya kaya napairap ako. Hindi daw sasabihin pero may sinabi naman! Pano kung inamin ko talaga? Jusko naman...

"Edi pangit ka rin! Aba, iisang lahi lang tayo Jean." 

"Hindi tanga, ampon ka lang." Ngumisi ulit ito habang tumawa lang si Lleidzy at hinalikan ito sa noo. 

"You're looking again...gusto mo talaga mahalikan eh." My brows furrowed. Ang kapal naman neto. Inirapan ko lang siya at dina pinansin. 

Humalkhak si Ysa kaya bigla akong kinabahan. She playfully look at me bago lingonin si Lleidzy. 

"Gusto mo yung regalo ko diba? Iyo na." Mas lumawak ang ngisi nito at umiling iling pa. Kunot noo ko itong tinignan at napabuntong hininga. 

"Dalawa sakanila! Bwisit!" Umupo ito ng maayos at nagsuklay. 

"Hi." I glared at him. 

"Woah, Zhia! Kadarating ko lang ang init na ng dugo mo sa akin." Sabi ni Rone bago humalik sa pisngi ni Ysa, umupo siya sa tabi ko dahil pang tatlo lang ang upuan sa bawat benches. 

Bali ang magkakatabi ay si Lleidzy, Jean at Ysa sa kabila naman ay ako at si Rone. Habang ang dalawang dulo ay si Draze at si EJ. 

"Walang hiya kasi iyang jowa mo! Hindi mo ba iyan rineregaluhan?!" Inis kong sumbong dito kaya tumawa siya at liningon si Ysa. Parang nag uusap ang kanilang mga mata kaya napairap ulit ako. 

Sa harap ko na naman naglandian! Mga bastos! Hindi man lang kami naisip na mga single. 

"What are you looking at?" Sasakit na yata ang ulo ko kakairap. 

"Wala. Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko siya tinitignan habang nag uusap kami. Habang siya ay ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. 

Tingin tingin ka niyan? Tusokin ko mata mo eh. 

Siniko ako ni Rone at nginuso nguso si Lleidzy, hindi ko parin ito tinitignan at nag cellphone na lang. Hindi naman niya sinagot ang tanong ko bakit ko siya papansinin?!

"Tanong tanong ka diyan, hindi mo naman ako tinitignan!" He said, halata ang inis sa boses niya. Ano bang problema niya pag hindi ko siya tinitignan pag nagsasalita siya? As if naman hindi gagana bibig niya pag walang tumititig dito, kung gusto niya ng katitigan puntahan niya ang babe niya.

Nanahimik ang grupo namin at tinitignan kaming dalawa, ramdam na ramdam ko ang mga titig nila. Nakikiramdam. Bumuntong hininga na lang ako at liningon siya ng ilang segundo at nag cellphone ulit. 

"What's with that phone?!" Bubulong bulong niyang sabi na silang tatlo lang ang nakarinig. 

Ngumisi si Ysa habang umiling iling naman si Jean. 

Nag usap ulit sila habang tahimik lang kaming dalawa, ilang minuto pa ay nagpaalam na si Rone at pumalit naman sa tabi ko si EJ. 

"Ej, paano ba ito?" I said and showed him my phone. 

"Ah, ganto." Sabi niya tsaka mas lumapit sa akin at tinuruan ako. 

"Ang lapit lapit, amputa." 

Patuloy parin sa pagtuturo si EJ sa akin dahil nagkamali ako ng ilang letters. Linalaro kasi namin yung game na decrypt me, yung mga pinapahula is famous na lines, may ibibigay na ilang clue then bubuoin yung sentence. Parang fill in the blank. 

"Parang mag jowa, bwisit!" Narinig kong tumawa na naman ang dalawa akala mo mamamatay na bukas sa kakatawa nila. 

"Nakakalito naman!" He chuckled and messed up my hair. 

"But you love playing it! It's addicting diba?" I nodded and smiled sweetly at him. 

Napatigil ako sa ginagawa nang maramdamang may nakatitig sa akin. 

"Pag ako natunaw, lulunorin kita!" He smirk and lick his lower lip. 

"Kailan pang titigan para mapansin..." Masama ang tingin niya sa akin habang sinasabi iyon, may pataas taas pa ang kaniyang kilay, nagsusungit. 

Anong problema neto?! May dalaw yata 'to eh. 

"Babe!" 

Ayan na iyang babe babe niya. Umupo si Hana sa tabi ko at nginitian ako, ngumiti ako pabalik dito. 

"EJ, palit tayo." Edi wow. 

"Ako na lang." Sabi ko at tumayo na, kunot noong tinignan ako ni Lleidzy at inirapan. 

"Ano na? Tayo na." 

"Loyal ako, Savillan." 

"Ulol, tangina mo." Tumawa lang ito at umupo na sa tabi ni Hana. 

"Kanina pa kita hinahap, babe." Hana said softly, para siyang mababasag ano mang oras. 

Lleidzy smirk, inakbayan niya ito at hinalikan siya sa pisngi. 

Lumingon ito sa akin kaya tinaasan ko lang ito ng kilay. What the hell is he looking at?! 

"Jean, ba't yang pinsan mo pag may hinahalikan laging lumilingon sa akin?!" Bulong ko dito na parang sigaw sa gigil ko kay Lleidzy.

She chuckled. "Alam mo ikaw, hindi ko alam kong tanga ka lang o manhid ka lang talaga." Hanep! Pag talaga kaibigan mo ano, grabeng mang trashtalk. 

"Hindi ko din alam kung ba't kita naging kaibigan, hayup ka!" 

"Ako, alam ko Zhia! Tanongin mo ako." Hindi ko pinansin si Ysa, masama ang loob ko sa mga regalong ibibigay ko sa kaniya. 

"Tampo na yan, Zhia? Galingan mo naman!" 

"Eto ka." Sabi ko at pinakita ang middle finger ko. Lumingon lingon ako sa paligid tsaka itinaas pa ang isang kamay. Ngumisi ito. 

"Ma'am si Miss Sa---" Natatarantang ibinaba ko ang mga kamay at umupo nang maayos. 

"Tangina ka, Ysa." 

"Tangina ka rin, Zhia." 

"Tangina niyong dalawa, amputa." 

Nagsitawanan kaming tatlo habang yung dalawa ay nag uusap sa harapan namin, si Draze at EJ ay tahimik lang. 

"I'll go na, masungit pa naman next teacher namin." 

"Ako din, sabay na tayo Zhia." Sabi ni Ysa at hinila ako. 

"Wait, hatid kuna kayo." Sabi ni EJ at hinila pa si Draze, tumawa si Jean at tumayo na rin. Liningon ko ang mag jowang nakatingin na sa amin ngayon. Kunot na kunot ang noo ni Lleidzy habang nakangiti lang si Hana. 

"Ang cute niyo ni Ej, Zhia." Tumawa ako at inakbayan si EJ na nakangisi na ngayon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status