Napadouble check naman ang host sa papel na hawak niya.
“Oh, wait,” napatingin ang lahat sa host ng para bang may mali sa hawak-hawak niyang listahan.
“Naibenta na po pala ni Mrs. Janeth De Chavez ang lahat ng shares niya at yung nakabili ng mga shares niya ang may karapatan ng pumili ng susunod na uupo sa pagiging chairman.” Napakunot ng noo ang mga De Chavez dahil hindi nila alam na ibinenta pala ni Janeth ang lahat ng shares niya pero kanino?
Napatingin silang lahat sa pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang matipunong lalaki. Nagsalubong ang mga kilay ni Monique ng makilala niya kung sino ang kapapasok lang sa loob ng conference room.
Inaayos pa niya ang relo niya at ang mahaba niyang coat. Nakasuot ng eyeglass na mas lalong nagpalakas ng appeal niya. Kahit sinong babae ay maaagaw ang atensyon niya. Seryoso ang mga mata niya at nakaayos din ang mga buhok niya na tila ba ipinasadya pa niya sa salon para maging perp
“Are you okay?” yun pa rin ang tanong ni Aidan. Kita ni Monique na nahihirapan si Aidan na para bang may iniinda siya sa katawan niya. Nataranta si Monique saka niya kinapa ang likod ni Aidan at nakapa niya ang isang malagkit na likido.Nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang dugo ang nahawakan niya. Nag-aalala na ang mga mata niyang tiningnan si Aidan.“Aidan,” maging ang tinig niya ay nanginginig na. Hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil natataranta na siya.“Hindi ka ba nasaktan?” tanong ni Aidan.“Bakit ba ako pa rin ang iniisip mo?! Let’s to go the hospital. Damn it! I’m shaking!” naiinis niyang saad sa sarili niya dahil nanginginig na ang mga kamay niya. Inalalayan niya si Aidan at isinakay sa kotse niya na malapit lang sa kanila.Hinihingal naman na si Aidan dahil sa sak/sak sa tagiliran niya.“Oh my God,” natataranta pa ring saad ni Monique hab
Nang makauwi si Aidan, galit na naman ng kaniyang ina ang sumalubong sa kaniya. Palagi na lang silang nag-aaway simula nang dumating si Monique at muling magkagulo ang mga pamilya nila.“Sinabi ko naman na sayong layuan mo na ang babaeng yan. Kailan ka ba makikinig sa akin, Aidan?” tila nagsasawa na rin si Julia na pagsabihan ang anak niya dahil kahit minsan ay hindi man lang ito nakinig sa kaniya.“Look what happened to you, magpapakamatay ka ba para lang sa kaniya? Siya lang ang ina ng anak mo pero hindi mo rin siya responsibilidad! For heaven sake! Nagawa mo pa talagang saluhin ang kutsilyong para sa kaniya kahit na unti-unti niya nang kinukuha ang lahat ng meron ka!” napapahawak na lang si Julia sa ulo niya dahil sumasakit na ito.Napakarami na nilang iniisip, hindi na natapos ang gulong kinakaharap nila.“Why should I leave her there if my son will be hurt more if his Mommy is gone? I can endure all the pain but my son,
Nang matapos niyang basahin ang mga bank names at bank accounts ay binasa niya naman ang mga information tungkol sa kaniya. Mula sa araw na umalis siya ng Pilipinas, nakasulat din dun ang mga schedule ni Monique kapag nagpapacheck up siya noong ipinagbubuntis pa lang niya si Brylle.“Alam niya na ba una pa lang na buntis ako kay Brylle?” mahinang tanong ni Monique sa sarili niya.Natutop niya na lang ang bibig niya nang mabasa niya ang tungkol sa sunog sa nursery at nakalagay dun ay successful. Anong ibig niyang sabihin na successful? Ang akala niya ba ay successful niyang napatay si Brylle dahil sa dami ng mga sanggol na nasunog sa nursery noon? Umiiling si Monique dahil hindi siya makapaniwalang alam ni Isabella ang tungkol sa anak niya.Siya ba ang nagpasunog sa nursery at ang akala niya ay napatay niya na ang anak ni Monique? Kaya ba nagulat siya ng malaman niyang may anak silang dalawa ni Aidan?Lahat ng mga information na gustong malaman
Hindi lang mga Sandejas ang nagulat sa nalaman nila tungkol kay Isabella dahil maging ang mga De Chavez ay nagulat dahil hindi nila yun inaasahan. Simula nang dumating si Monique mga Sandejas at De Chavez ang nagkakagulo pero hindi nila akalain na si Isabella pala dapat ang sisihin sa mga nangyayari sa kanila.Hindi man maganda ang relasyon ng mga Sandejas at mga De Chavez naging tahimik naman ang mga buhay nila sa mga nakalipas na taon. Napapahilot na lang si Julia sa sintido niya, hindi siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito dahil kay Isabella—ang babaeng gusto niyang maging asawa ng kaniyang anak.Muli siyang napabuntong hininga.“I can’t believe this,” anas ni Julia. “I am forcing my son to marry Isabella because I think that she’s the right woman for him tapos ngayon malalaman natin na siya ang dahilan ng lahat ng mga kaguluhang nangyayari. Hind ako makapaniwalang plinano niyang patayin ang anak ni Aidan. Anong klaseng pagmamahal ba ang ibinibigay niya sa anak ko?” nass
Napabuga lang ng hangin si Aidan saka niya pinagpatuloy ang ginagawa niya. Hanggang ngayon ay personal siyang nagsesend ng email sa mga hotel na maaaring pinagtataguan ni Isabella pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita ang pangalan ni Isabella sa mga listahan ng mga guest list nila.Mabuti na lamang at mabilis magreply sa kaniya ang management ng mga hotel para sa request niya. Nang matapos niyang basahin ang response sa kaniya sa email ay kinuha niya ang cell phone niya. Gusto niyang tawagan si Monique, gusto niyang makausap ito pero ano bang dapat niyang sabihin?Gusto rin niyang makausap ang anak nila para man lang makamusta ito pero hindi niya alam kung anong cell phone number na ginagamit ni Brylle. Namimiss niya na ang anak niya pero wala pa siyang magawa para mabisita ito kung saan siya itinago ng mga Sandejas.Hindi niya na namalayan ang oras at sa sobrang pagod niya ay nakatulog na lang siya sa mini office niya. Ginawa niyang unan ang braso niya. Bakas na bakas an
Nang malaman nilang lahat ang nangyari kay Isabella ay tahimik silang lahat. Hindi nila inaasahan na magpapakamatay siya at dun lang matatapos ang buhay niya. Hindi nila alam kung anong pinagdaanan ni Isabella sa mga nakalipas na araw na nagtago siya.Maaaring nadepress kaya naisipan niyang magpakamatay. Sa dami ng krimen na ginawa niya, imposible pang palayain siya ng korte lalo na at dalawang malaking pamilya ang binangga niya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Marem habang kasama niya ang buong pamilya ng mga De Chavez maliban kay Janeth.“I really can’t believe this is happening,” wika ni Marem.“She deserves it anyway. Siya ang gumawa ng gulo sa mga pamilya natin at sa mga Sandejas.” Napatingin si Marem kay Julia na siyang nagsalita.“Really? Hindi ba at siya ang babaeng gusto mo para kay Aidan? You are forcing your son to marry that woman tapos sasabihin mong she deserves it?” hindi makapaniwalang wika ni Marem dahil paano nasasabi yun ni Julia kay Isabella gay
Ayaw niya lang lumabas ngayon o pumasok sa trabaho dahil wala pa siyang gana. Gusto niya munang magpahinga dahil sa mga sunod-sunod na nangyari sa kaniya. Hindi biro ang mga pinagdaanan niya sa mga nakalipas na buwan lalo na at muntik niyang makita si Kamatayan.“Naging hectic lang yung schedule ko because of our new project. I’m sorry if I’m not there if you need someone in your side but I know na hindi ka naman pinabayaan ni Aidan.” Napatingin si Monique kay Zamir.Ang boses niyang tila ba nagseselos pero hindi naman galit. Tipid na nginitian ni Zamir si Monique nang magsalubong ang mga mata nila.“You’re not mad at me, are you?” tanong ni Zamir na ikinailing naman ni Monique.“Why would I? I understand if you’re busy Zamir and you don’t need to say sorry because it’s not your responsibility to stay beside me when I always need someone. Ayaw kong umasa at sumandal na lang palagi sayo like a kid.”‘But I want you to lean on me whenever you need me.’ tipid na lang na ngumiti si Zamir
Nang maging malinaw na ang mga mata ni Monique ay muli niyang binasa ang mahabang letter ni Isabella para sa kaniya. Isabella is calling her Princess too dahil nag-iisa siyang babae sa pamilya nila.‘Nagawa ko ang lahat ng mga krimen na yun sa sobrang inggit ko sayo. Ako nga ang kasama ni Aidan, ako ang palaging nasa tabi niya, ako ang kasama niya sa pagtupad ng mga pangarap niya pero kahit na wala na siyang balita sayo alam ko at ramdam ko pa rin na ikaw pa rin ang hanap niya. Ikaw pa rin ang gusto niyang makasama at nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niya sa akin na kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Araw-araw niyang ipinaparamdam sa akin na wala akong puwang sa puso niya, na walang makakapalit sayo sa puso niya, na kahit wala ka sa tabi niya ikaw pa rin ang mamahalin niya. Ako ang nasa harapan niya pero ikaw ang laman ng puso’t isipan niya. Alam kong late na para marealize ko ang lahat ng ginawa ko, kinain ako ng inggit ko at sa mga oras na ito lilisanin ko na ang mundo.
AIDAN’S POV Sa nakalipas na mga taon napakarami naming pinagdaanan. Simula nang umalis si Monique at wala na akong balita kung saang bansa na siya nananatili, pakiramdam ko pati ang mundo ko ay bumagsak but I need to endure all the pain that I am feeling dahil ang ginawa kong pananakit sa kaniya ay para rin sa kaniya. Alam naman naming hindi kami bibigyan ng basbas ng mga pamilya namin para sa relasyon naming dalawa. Alam kong willing si Monique na iwan niya ang pamilya niya para sa akin pero ayaw kong gawin niya yun, ayaw kong iwan niya ang magandang buhay na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam kahit na anong maging buhay naming dalawa pero ayaw kong danasin niya ang hirap. Kinailangan kong magsinungaling sa kaniya that I cheated on her para siya na ang kusang lumayo sa akin dahil kung pipiliin niyang sumama sa akin hindi ko maibibigay sa kaniya ang magandang buhay dahil nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko, wala pa akong kakayahan na buhayin siya sa isang marangyang buhay. Gu
Nang matapos ang audition ay lumabas na silang lahat. Buhat-buhat ni Aidan ang anak niya because they both miss each other.“I'm glad you came here po. I have two daddies,” tuwang-tuwang saad ni Brylle sa kaniyang ama. Nilapitan naman ni Monique si Zamir.“Sumama ka muna sa amin sa shop. Nagpaluto ako ng makakain sa mga staff. Kay Kuya na nga pala ako sasabay na pumunta dun. Si Brylle naman ay gustong sumakay kay Aidan. Is it okay for you?” natawa lang si Zamir saka niya tiningnan si Monique. Ginulo pa niya ang buhok ni Monique na ikinanguso naman nito.“Nag-aalala ka ba dahil baka masaktan ako? Monique, I already accept it and it’s okay for me kung saan ka sasabay at si Brylle. Huwag mo akong isipin dahil okay lang ako, I’m perfectly okay, okay?” aniya dahil hindi naman talaga kailangang mag-alala ni Monique sa kaniya. He’s okay at tanggap niya na kung hanggang saan lang siya sa buhay ni Monique at ni Brylle.Mas gusto pa rin niyang makitang masaya si Monique at Brylle kesa sa masasa
Dumating ang araw ng audition ni Brylle. Nakipagsiksikan si Aidan sa harap para makita niya ng malapitan ang anak niya. Nasa likod naman ng stage si Zamir at Monique para may kasama si Brylle habang hindi pa siya ang pumapasok sa stage.Inayos ni Monique ang kwelyo ni Brylle saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.“Huwag ka lang kakabahan baby okay? Isipin mo lang na nasa practice ka lang. Is your finger okay?” tiningnan ni Monique ang mga daliri ni Brylle para macheck kung wala ba itong sugat. Piano ang gagamiting instrument ni Brylle habang kumakanta.May organist naman para sa kanila na mag-o-audition pero mas gusto ni Brylle na siya ang tutogtog ng piano para sa auditon niya.“I’m okay Mom, don’t worry po.” Sagot ni Brylle saka niya tiningnan ang Daddy Zamir niya. Tipid niya itong nginitian. Ang mga ngiti niyang hindi man lang umabot sa tenga niya, para bang may gusto siyang makita, para bang may iba siyang hinihintay pero hindi na siya umaasa na makikita pa n
Naging tahimik na silang dalawa at naging seryoso na sa mga ginagawa nila. Mabilis din ang bawat kilos ni Aidan na para bang master na master niya na ang pagbebake. Hindi maiwasan ni Monique na hindi lingunin ang ginagawa ni Aidan.Talaga bang nag-aral siya sa pagbebake? Base pa lang naman sa bilis nang kilos niya mukha namang marunong nga talaga siya.“Nangongopya ka ba?” si Aidan naman ang nagtanong nun kaya inirapan siya ni Monique.“Hindi ko kailangang mangopya. Gusto ko lang makasiguro na tama nga ang ginagawa mo at hindi ka lang nagsasayang ng mga ingredients.” Saad niya naman. Ilang oras silang nakatayo para makagawa ng maraming baked Alaska at para may maidisplay na rin sila sa shop nila.Dahil mag-isa lang lang ni Monique na gumagawa ng baked Alaska ay hindi nagtatagal ang stock nila.Makalipas ang ilang oras ay nakatapos din silang dalawa. Napangiti na lang si Monique dahil marami-rami na rin ang nagawa nilang dalawa pero hindi pa rin nila naaabot ang pieces na order sa kani
Simula ng magpakita si Aidan kay Monique ay palagi na rin itong pumupunta sa shop niya.“Three lemon-blueberry mini cheesecake cupcakes and one hot chocolate, please.” Hindi pa man tinitingnan ni Monique kung sino ang customer niya ngayon alam niya na kung sino dahil sa boses pa lang nito.Inis niyang tiningnan si Aidan na nasa harapan niya, matamis pa itong nakangiti at may dala-dala na naman siyang isang pirasong rosas. Sa araw-araw na pagbisita niya sa shop ni Monique ay mapupuno na ng mga rosas ang vase na pinaglalagyan niya.“Kailan ka pa naging mahilig sa sweets? Araw-araw kang kumakain dito, hindi ba sumasakit ngipin mo?” inis na wika ni Monique saka niya inasikaso ang order ni Aidan. Nakangiti lang naman si Aidan na tinititigan ang naiinis na mukha ni Monique.“You’re beautiful as always. Araw-araw naman na kitang nakikita pero bakit mas lalo kang gumaganda? Ginagayuma mo ba ako?” hilaw na natawa si Monique. Namumula na rin ang pisngi niya dahil sa pagpupuri ni Aidan sa kaniy
Aalis ba si Zamir? Iiwan niya na ba silang mag-ina? Nasasaktan niya na ba si Zamir at gusto niya ng lumayo? Sa iniisip ni Monique ay nasasaktan siya. Nasanay na rin siya na nandyan palagi si Zamir para sa kanilang mag-ina pero alam niyang hindi habang buhay ay mananatili si Zamir sa kanila lalo na at kailangan niya rin magkaroon ng sariling pamilya.“Why are you saying this?” mahinang tanong ni Monique. Oo, hindi niya magawang mahalin pabalik si Zamir pero masasaktan siya kapag iniwan niya na silang mag-ina. Tumingin na lang sa ibang direksyon si Monique dahil bakit nga ba niya pipigilan si Zamir para umalis sa buhay nilang dalawa ni Brylle?Zamir deserves to be happy.“I am not saying this to say goodbye. Mananatili pa rin ako sa tabi niyo ni Brylle dahil siya ang naging panganay ko, ipinaramdam niya sa akin kung paano maging ama. Mananatili pa rin akong kaibigan mo Monique at hindi dahil susuko na ako sa pagmamahal ko sayo ay lalayuan ko na kayo. Ayaw ko lang na makita kang nasasakt
9 months later, siyam na buwan na rin ang nakalipas simula nang iwan nina Monique ang Pilipinas. Madalas naman silang bisitahin ng Kuya niya at ng mga pinsan niya. Kapag nasa New York ang mga Kuya ni Monique ay sila ang sumasama kay Brylle sa tuwing may event ito.Ilang buwan na lang din ay idadaos na ang 7th birthday ni Brylle pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita si Monique. Ayaw naman niyang tanungin ang Kuya niya o ang mga pinsan niya dahil iba na naman ang iisipin nila.Sa nakalipas na buwan mukhang nasanay naman na si Brylle na hindi siya kinakamusta o binibisita ng kaniyang ama. Masaya naman na siya at para bang hindi na siya umaasa na pupuntahan siya ng kaniyang ama pero kahit na ganun nasasaktan pa rin si Monique para sa anak niya lalo na at idadaos na nila ang pang 7th birthday niya.Anim na taon na hindi naging present si Aidan sa mga birthday ni Brylle, naitatanong na lang ni Monique sa sarili niya kung makakapunta ba si Aidan kahit sa birthday na lang ng anak nila.
Naupo silang dalawa kung saan nakapwesto si Brylle.“Daddy Zamir are you available this coming Saturday po?” tanong ni Brylle. Inisip naman ni Zamir kung may tatamaan ba siyang schedule sa sabado.“Yes, I think wala naman kaming masyadong gagawin this weekend. Why do you ask?”“Let’s skate po, can we Mom? Wala rin po akong klase sa Saturday.” Anas ni Brylle. Hindi alam ni Monique kung talaga bang into sports, music and arts si Brylle o kung dun sa paraan na lang niya nililibang ang sarili niya para hindi isipin ang Daddy niya.Naging mahilig lang sa music at sports ang anak niya nang lumipat sila ng New York. Ang arts naman ay matagal niya ng talent at libangan yun.“Kung available ang Daddy Zamir mo, why not?”“Let’s have a date, matagal ko na rin kayong hindi nailalabas eh. Pwede mo namang iwan ang shop mo sa mga staff mo, right?” saad ni Zamir. Inisip naman ni Monique ang sinabi ni Zamir. Wala naman sigurong masama kung magbonding sila minsan lalo na at lahat sila ay nakafocus sa m
Lumipas ang kalahating taon, lahat sila ay abala sa kaniya-kaniya nilang mga buhay. Patuloy na pinapalago ni Aidan ang kompanya nila dahil ayaw niyang sayangin ang ibinigay na tiwala sa kaniya ni Monique.Sa loob ng anim na taon na yun, hindi niya nakita ang anak niya o nakausap man lang ito. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya kay Brylle, gusto niya haharapin niya ang anak niya na nasa maayos na siyang sitwasyon.Hanggang ngayon pinatutunayan niya ang sarili niya, tinutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya at ang lahat ng mga gusto ni Monique para sa kaniya. Mas naging abala siya nang maupo siya bilang chairman. Halos linggo-linggo rin ang paglipad niya patungong iba’t ibang bansa for their business.Gusto niyang maging maayos ang lahat para sa kinabukasan ng anak nila ni Monique. Malapit na, konti na lang ang titiisin niya at makikita at makakasama niya na rin ang mag-ina niya at kapag naging maayos na ang lahat pamilya niya naman ang aayusin niya.Samantala naman ay nagkaroo