Nang matapos niyang basahin ang mga bank names at bank accounts ay binasa niya naman ang mga information tungkol sa kaniya. Mula sa araw na umalis siya ng Pilipinas, nakasulat din dun ang mga schedule ni Monique kapag nagpapacheck up siya noong ipinagbubuntis pa lang niya si Brylle.
“Alam niya na ba una pa lang na buntis ako kay Brylle?” mahinang tanong ni Monique sa sarili niya.
Natutop niya na lang ang bibig niya nang mabasa niya ang tungkol sa sunog sa nursery at nakalagay dun ay successful. Anong ibig niyang sabihin na successful? Ang akala niya ba ay successful niyang napatay si Brylle dahil sa dami ng mga sanggol na nasunog sa nursery noon? Umiiling si Monique dahil hindi siya makapaniwalang alam ni Isabella ang tungkol sa anak niya.
Siya ba ang nagpasunog sa nursery at ang akala niya ay napatay niya na ang anak ni Monique? Kaya ba nagulat siya ng malaman niyang may anak silang dalawa ni Aidan?
Lahat ng mga information na gustong malaman
Hindi lang mga Sandejas ang nagulat sa nalaman nila tungkol kay Isabella dahil maging ang mga De Chavez ay nagulat dahil hindi nila yun inaasahan. Simula nang dumating si Monique mga Sandejas at De Chavez ang nagkakagulo pero hindi nila akalain na si Isabella pala dapat ang sisihin sa mga nangyayari sa kanila.Hindi man maganda ang relasyon ng mga Sandejas at mga De Chavez naging tahimik naman ang mga buhay nila sa mga nakalipas na taon. Napapahilot na lang si Julia sa sintido niya, hindi siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito dahil kay Isabella—ang babaeng gusto niyang maging asawa ng kaniyang anak.Muli siyang napabuntong hininga.“I can’t believe this,” anas ni Julia. “I am forcing my son to marry Isabella because I think that she’s the right woman for him tapos ngayon malalaman natin na siya ang dahilan ng lahat ng mga kaguluhang nangyayari. Hind ako makapaniwalang plinano niyang patayin ang anak ni Aidan. Anong klaseng pagmamahal ba ang ibinibigay niya sa anak ko?” nass
Napabuga lang ng hangin si Aidan saka niya pinagpatuloy ang ginagawa niya. Hanggang ngayon ay personal siyang nagsesend ng email sa mga hotel na maaaring pinagtataguan ni Isabella pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita ang pangalan ni Isabella sa mga listahan ng mga guest list nila.Mabuti na lamang at mabilis magreply sa kaniya ang management ng mga hotel para sa request niya. Nang matapos niyang basahin ang response sa kaniya sa email ay kinuha niya ang cell phone niya. Gusto niyang tawagan si Monique, gusto niyang makausap ito pero ano bang dapat niyang sabihin?Gusto rin niyang makausap ang anak nila para man lang makamusta ito pero hindi niya alam kung anong cell phone number na ginagamit ni Brylle. Namimiss niya na ang anak niya pero wala pa siyang magawa para mabisita ito kung saan siya itinago ng mga Sandejas.Hindi niya na namalayan ang oras at sa sobrang pagod niya ay nakatulog na lang siya sa mini office niya. Ginawa niyang unan ang braso niya. Bakas na bakas an
Nang malaman nilang lahat ang nangyari kay Isabella ay tahimik silang lahat. Hindi nila inaasahan na magpapakamatay siya at dun lang matatapos ang buhay niya. Hindi nila alam kung anong pinagdaanan ni Isabella sa mga nakalipas na araw na nagtago siya.Maaaring nadepress kaya naisipan niyang magpakamatay. Sa dami ng krimen na ginawa niya, imposible pang palayain siya ng korte lalo na at dalawang malaking pamilya ang binangga niya.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Marem habang kasama niya ang buong pamilya ng mga De Chavez maliban kay Janeth.“I really can’t believe this is happening,” wika ni Marem.“She deserves it anyway. Siya ang gumawa ng gulo sa mga pamilya natin at sa mga Sandejas.” Napatingin si Marem kay Julia na siyang nagsalita.“Really? Hindi ba at siya ang babaeng gusto mo para kay Aidan? You are forcing your son to marry that woman tapos sasabihin mong she deserves it?” hindi makapaniwalang wika ni Marem dahil paano nasasabi yun ni Julia kay Isabella gay
Ayaw niya lang lumabas ngayon o pumasok sa trabaho dahil wala pa siyang gana. Gusto niya munang magpahinga dahil sa mga sunod-sunod na nangyari sa kaniya. Hindi biro ang mga pinagdaanan niya sa mga nakalipas na buwan lalo na at muntik niyang makita si Kamatayan.“Naging hectic lang yung schedule ko because of our new project. I’m sorry if I’m not there if you need someone in your side but I know na hindi ka naman pinabayaan ni Aidan.” Napatingin si Monique kay Zamir.Ang boses niyang tila ba nagseselos pero hindi naman galit. Tipid na nginitian ni Zamir si Monique nang magsalubong ang mga mata nila.“You’re not mad at me, are you?” tanong ni Zamir na ikinailing naman ni Monique.“Why would I? I understand if you’re busy Zamir and you don’t need to say sorry because it’s not your responsibility to stay beside me when I always need someone. Ayaw kong umasa at sumandal na lang palagi sayo like a kid.”‘But I want you to lean on me whenever you need me.’ tipid na lang na ngumiti si Zamir
Nang maging malinaw na ang mga mata ni Monique ay muli niyang binasa ang mahabang letter ni Isabella para sa kaniya. Isabella is calling her Princess too dahil nag-iisa siyang babae sa pamilya nila.‘Nagawa ko ang lahat ng mga krimen na yun sa sobrang inggit ko sayo. Ako nga ang kasama ni Aidan, ako ang palaging nasa tabi niya, ako ang kasama niya sa pagtupad ng mga pangarap niya pero kahit na wala na siyang balita sayo alam ko at ramdam ko pa rin na ikaw pa rin ang hanap niya. Ikaw pa rin ang gusto niyang makasama at nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niya sa akin na kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Araw-araw niyang ipinaparamdam sa akin na wala akong puwang sa puso niya, na walang makakapalit sayo sa puso niya, na kahit wala ka sa tabi niya ikaw pa rin ang mamahalin niya. Ako ang nasa harapan niya pero ikaw ang laman ng puso’t isipan niya. Alam kong late na para marealize ko ang lahat ng ginawa ko, kinain ako ng inggit ko at sa mga oras na ito lilisanin ko na ang mundo.
Paglipas ng dalawang araw ay nagkita na silang dalawa ni Aidan sa dati nilang tagpuan, sa lugar kung saan madalas silang magstay, ang lugar na naging saksi ng pagmamahalan nila noong mga college pa sila.Naunang dumating si Aidan sa tagpuan nila at ng makita ni Monique na nandun na si Aidan ay nginitian niya ito nang magsalubong ang mga mata nila.“Kanina ka pa ba?” tanong ni Monique.“Halos kararating ko lang din. What do you want to tell me in this place?” tanong kaagad ni Aidan. Hindi niya binisita si Monique o tinawagan ito to give her a time and space. Naupo naman na muna si Monique sa bench saka niya pinagmasdan ang magandang tanawin nila sa ibaba.“This place is full of memories when we are in college, you remember?” napakunot naman ng noo si Aidan dahil bakit pa ipinapaalala ni Monique sa kaniya ang nakaraan nila?“Of course, I remember, the place that once became my favorite place to visit.” Napangiti naman si Monique. Hindi rin naman pala masamang balikan minsan ang nakaraan
Lumipas ang kalahating taon, lahat sila ay abala sa kaniya-kaniya nilang mga buhay. Patuloy na pinapalago ni Aidan ang kompanya nila dahil ayaw niyang sayangin ang ibinigay na tiwala sa kaniya ni Monique.Sa loob ng anim na taon na yun, hindi niya nakita ang anak niya o nakausap man lang ito. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya kay Brylle, gusto niya haharapin niya ang anak niya na nasa maayos na siyang sitwasyon.Hanggang ngayon pinatutunayan niya ang sarili niya, tinutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya at ang lahat ng mga gusto ni Monique para sa kaniya. Mas naging abala siya nang maupo siya bilang chairman. Halos linggo-linggo rin ang paglipad niya patungong iba’t ibang bansa for their business.Gusto niyang maging maayos ang lahat para sa kinabukasan ng anak nila ni Monique. Malapit na, konti na lang ang titiisin niya at makikita at makakasama niya na rin ang mag-ina niya at kapag naging maayos na ang lahat pamilya niya naman ang aayusin niya.Samantala naman ay nagkaroo
Naupo silang dalawa kung saan nakapwesto si Brylle.“Daddy Zamir are you available this coming Saturday po?” tanong ni Brylle. Inisip naman ni Zamir kung may tatamaan ba siyang schedule sa sabado.“Yes, I think wala naman kaming masyadong gagawin this weekend. Why do you ask?”“Let’s skate po, can we Mom? Wala rin po akong klase sa Saturday.” Anas ni Brylle. Hindi alam ni Monique kung talaga bang into sports, music and arts si Brylle o kung dun sa paraan na lang niya nililibang ang sarili niya para hindi isipin ang Daddy niya.Naging mahilig lang sa music at sports ang anak niya nang lumipat sila ng New York. Ang arts naman ay matagal niya ng talent at libangan yun.“Kung available ang Daddy Zamir mo, why not?”“Let’s have a date, matagal ko na rin kayong hindi nailalabas eh. Pwede mo namang iwan ang shop mo sa mga staff mo, right?” saad ni Zamir. Inisip naman ni Monique ang sinabi ni Zamir. Wala naman sigurong masama kung magbonding sila minsan lalo na at lahat sila ay nakafocus sa m