“Where is my attorney now? Call him and release me.” mahinang saad ni Julia dahil natatakot siyang saktan na naman siya ng mga kasamahan niya sa loob. Nilingon ni Julia ang mga kasama niya at mabilis na iniwas ang paningin niya nang makita niyang nakatingin ang mga ito sa kaniya.Napapalunok na lang siya at gusto niya nang umalis.“Papunta pa lang po, Ma’am. Pakihintay na lang.” gusto pa sanang magreklamo ni Julia dahil ikinulong siya kaagad hindi man lang hinintay ang lawyer niya. Hanggang ngayon ay iniinda pa rin niya ang sakit ng sikmura niya dahil malaki ang kamao ng babaeng sumuntok sa kaniya.Nagmamadaling nagpunta ng prisinto si Hudson kasama ang attorney ng pamilya nila ng malaman niya ang ginawa ng asawa.“Where’s my wife?” tanong ni Hudson sa isang pulis. Itinuro naman nila kung nasaan si Julia.“Why did you take her in?! Nasampahan na ba siya ng kaso para ikulong ninyo? Imbita pa lang
“What do you mean?”“Alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng isang bracelet. Nung kunin ko si Brylle sa bahay ng mga De Chavez nakita kong suot-suot ni Mrs. De Chavez ang bracelet na pareho ng kay Isabella at pareho ng hawak natin ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali Kuya dahil kilalang kilala ko ang bracelet na yun. Ngayon, kung dalawang piraso lang ang meron na bracelet na ganyang design, si Isabella at Mrs. De Chavez ang nagmamay-ari. Kung una pa lang alam na ni Isabella ang tungkol kay Brylle bakit gulat na gulat pa rin siya ng malaman niya ang tungkol sa anak namin ni Aidan? Sa tingin mo, possible ba ang iniisip ko?” naguguluhan niyang tanong dahil nahihirapan siyang pagdugtong-dugtungin ang mga nangyayari.Masyado silang nalilito kung sino ba ang dapat na pagdudahan.“Posible pero maaari ring nagkukunwari siyang walang alam para hindi mo siya pagdudahan. Kung suot naman ni Mrs. De Chavez yung sa kaniya at wala yung kay Isabella,
Gusto sanang sunduin ni Aidan ang mag-ina niya pero magpapahatid na lang daw sila sa driver ni Monique. Maaga pa lang ay nandun na siya sa restaurant para masiguro na kompleto lahat ng inorder niya.“Reservation for Aidan De Chavez,” saad niya sa babaeng nasa front desk.“Aeron, for Mr. De Chavez,” tawag niya sa isang lalaking katrabaho niya rin. “Pakisundan na lang po siya Sir,” nakangiti nitong saad. Sinundan naman na ni Aidan ang lalaki.“May inihanda po kaming room para sa inyo Sir. Kung isasama ka po kasi namin sa mga customers baka magkagulo pa dahil nakalagay na po sa menu namin na not available for the moment ang lobsters. Kapag nakita po kasi nila na may inilabas kaming lobsters para sa ibang customers paniguradong magrereklamo po yun sila sa counter.” Wika ng lalaki na ikinatango naman ni Aidan.Pumasok na silang dalawa sa isang room at napatango-tango na lang siya dahil maganda naman ang kwarto at
Pagpasok ni Monique ay nagulat pa siya ng makita niya si Zamir na naghihintay sa sala.“Zamir,” wika niya. Tipid namang ngumiti si Zamir kay Monique.“Lumabas pala kayo kasama si Aidan? Nakalimutan mo bang we also have a dinner tonight? Sinabi ko na yun sayo noong nakaraang araw pero mukhang nakalimutan mo.” naalala naman ni Monique na ngayon nga din pala sana ang dinner nilang tatlo.Bigla siyang nakonsensya dahil nakalimutan niya yun.“Ihatid ko lang si Brylle sa kwarto,” aniya saka niya nilampasan si Zamir at iniakyat na si Brylle sa kwarto nila. Maingat niyang ibinaba si Brylle. Napabuntong hininga na lang si Monique dahil nauna si Zamir na imbitahan sila para magdinner tonight pero si Aidan ang inakit niya.Bumaba na si Monique at nandun pa naman si Zamir.“Kanina ka pa ba rito?” mahinang tanong ni Monique. Bago mag-alas syete ay umalis na silang dalawa ni Brylle ng bahay at mag-aalas dyes
Nagsimulang magsukat ang mga engineer na kasama nila para sa gagawin nilang resort sa bakanteng lupa sa isla.“Hanggang dito ang tayo ng building para sa maliit na hotel. Dito naman banda ang gusto niyong pool.” Pagpapaliwanag ng engineer kay Monique at Isabella na nakasunod sa kaniya.“Pwede ko bang makita ang blueprint niyo?” wika ni Monique.“Of course you can,” muli silang sumunod sa engineer para makita ang blueprint ng plano nila. Inilatag nila ang blueprint sa isang table at inumpisahan na naman ng engineer na ipaliwanag sa kaniya ang bawat pwesto ng building at pool.Inumpisahan kaagad nila ang trabaho nila sa unang araw nila para makauwi rin kaagad bukas lalo na at kailangan din sila sa kompanya. Naiirita si Isabella dahil boring na boring na siya. Wala naman siyang kinalaman sa pagpapatayo ng building pero isinama pa siya rito. Ano bang connection nun sa pwesto niya sa kompanya?Tiningnan niya ang buong
“Kung gusto mong masiguro na hindi na nga nila ibabalik, stay here Isabella.” Sabat naman ni Monique kaya tinawanan siya ni Isabella.“Alam ko naman na pabor sayo dahil ikaw ang nasa picture. Paano kung ikaw ang nasa kalagayan ko? Ikaw yung fiancée tapos picture naming dalawa ang nakadisplay dyan? Ano kayang mararamdaman mo?” ngumisi naman si Monique kay Isabella. Siya pa talaga ang tinanong niya?“Kung ano man yung nararamdaman mo para sa picture kulang pa yan sa naramdaman ko Isabella. Hindi ba at ginawa mo naman na rin yan? Ako ang girlfriend pero ikaw ang kasiping. Hindi ba at mas masakit yun kumpara sa mga pictures lang na yan? Ano nga bang pakiramdam, Isabella? Hindi ba at nasasaktan ka lang naman dahil ang lalaking inagaw mo sa akin ay ako pa rin ang mahal?” hindi na pinigilan ni Monique ang sarili niya. Wala na siyang pakialam kung masaktan o magalit si Isabella sa mga sinasabi niya.Totoo lang naman ang lahat n
Malamig at seryoso ang mukha ni Aidan habang mabilis siyang naglalakad para puntahan si Isabella. Hindi niya alam ang magagawa niya rito kapag nalaman niyang may ginawa siya kay Monique. Habang nasa isla si Isabella at Monique nalaman ni Aidan na isa si Isabella sa person of interest ni Monique sa nangyari sa kanila sa England.Nakakuyom ang mga kamao ni Aidan. Sa bilis nang lakad niya para bang gusto niya na lang lumipad para lang makarating kung nasaan si Isabella.Samantala naman, hindi mapakali si Isabella sa loob ng kwarto niya habang kagat-kagat niya ang mga daliri niya. Alam niyang ano mang oras ay pupuntahan na siya ni Aidan at hindi niya alam kung anong ipapaliwanag niya.Gulat na napatingin si Isabella sa pintuan niya nang bigla itong bumukas at iniluwa nun si Aidan na nanlilisik ang mga mata niya.“Aidan,” mahinang saad ni Isabella. Nanginginig na ang mga kamay niya at hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Aidan na para bang
“Wala akong kasalanan sa pagkawala ni Monique. Oo, tama sila. Kami ang magkasama ni Monique bago siya mawala pero masyadong mabilis ang lahat ng nangyari! Wala akong kasalanan, Aidan.” Dagdag ni Isabella at nagmamakaawa na ang mga mata niya na paniwalaan siya.“Hindi mo alam? Sino ang pagbibintangan dun Isabella kung ikaw ang kasama niya?” wika ni Anthony.“Pwede bang hayaan niyo munang magpaliwanag ang anak ko? Hindi pa siya tapos magpaliwanag salita na kayo nang salita.” Saad ni Mrs. Valdez sa kanila. Hinarap niya ang anak niya at hinawakan ito sa mga kamay niya.“Sabihin mo na anak kung anong nangyari. Kung wala kang kasalanan wala kang dapat na ikatakot. Please tell them the truth para tumigil na silang lahat at makauwi na tayong dalawa.” Malumanay niyang saad sa anak niya.“I’m scared Mom, I’m scared,” umiiyak niya ng wika. Natatakot pa rin dahil sa nasaksihan niya.&ldquo