Nagsimulang magsukat ang mga engineer na kasama nila para sa gagawin nilang resort sa bakanteng lupa sa isla.
“Hanggang dito ang tayo ng building para sa maliit na hotel. Dito naman banda ang gusto niyong pool.” Pagpapaliwanag ng engineer kay Monique at Isabella na nakasunod sa kaniya.
“Pwede ko bang makita ang blueprint niyo?” wika ni Monique.
“Of course you can,” muli silang sumunod sa engineer para makita ang blueprint ng plano nila. Inilatag nila ang blueprint sa isang table at inumpisahan na naman ng engineer na ipaliwanag sa kaniya ang bawat pwesto ng building at pool.
Inumpisahan kaagad nila ang trabaho nila sa unang araw nila para makauwi rin kaagad bukas lalo na at kailangan din sila sa kompanya. Naiirita si Isabella dahil boring na boring na siya. Wala naman siyang kinalaman sa pagpapatayo ng building pero isinama pa siya rito. Ano bang connection nun sa pwesto niya sa kompanya?
Tiningnan niya ang buong
“Kung gusto mong masiguro na hindi na nga nila ibabalik, stay here Isabella.” Sabat naman ni Monique kaya tinawanan siya ni Isabella.“Alam ko naman na pabor sayo dahil ikaw ang nasa picture. Paano kung ikaw ang nasa kalagayan ko? Ikaw yung fiancée tapos picture naming dalawa ang nakadisplay dyan? Ano kayang mararamdaman mo?” ngumisi naman si Monique kay Isabella. Siya pa talaga ang tinanong niya?“Kung ano man yung nararamdaman mo para sa picture kulang pa yan sa naramdaman ko Isabella. Hindi ba at ginawa mo naman na rin yan? Ako ang girlfriend pero ikaw ang kasiping. Hindi ba at mas masakit yun kumpara sa mga pictures lang na yan? Ano nga bang pakiramdam, Isabella? Hindi ba at nasasaktan ka lang naman dahil ang lalaking inagaw mo sa akin ay ako pa rin ang mahal?” hindi na pinigilan ni Monique ang sarili niya. Wala na siyang pakialam kung masaktan o magalit si Isabella sa mga sinasabi niya.Totoo lang naman ang lahat n
Malamig at seryoso ang mukha ni Aidan habang mabilis siyang naglalakad para puntahan si Isabella. Hindi niya alam ang magagawa niya rito kapag nalaman niyang may ginawa siya kay Monique. Habang nasa isla si Isabella at Monique nalaman ni Aidan na isa si Isabella sa person of interest ni Monique sa nangyari sa kanila sa England.Nakakuyom ang mga kamao ni Aidan. Sa bilis nang lakad niya para bang gusto niya na lang lumipad para lang makarating kung nasaan si Isabella.Samantala naman, hindi mapakali si Isabella sa loob ng kwarto niya habang kagat-kagat niya ang mga daliri niya. Alam niyang ano mang oras ay pupuntahan na siya ni Aidan at hindi niya alam kung anong ipapaliwanag niya.Gulat na napatingin si Isabella sa pintuan niya nang bigla itong bumukas at iniluwa nun si Aidan na nanlilisik ang mga mata niya.“Aidan,” mahinang saad ni Isabella. Nanginginig na ang mga kamay niya at hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Aidan na para bang
“Wala akong kasalanan sa pagkawala ni Monique. Oo, tama sila. Kami ang magkasama ni Monique bago siya mawala pero masyadong mabilis ang lahat ng nangyari! Wala akong kasalanan, Aidan.” Dagdag ni Isabella at nagmamakaawa na ang mga mata niya na paniwalaan siya.“Hindi mo alam? Sino ang pagbibintangan dun Isabella kung ikaw ang kasama niya?” wika ni Anthony.“Pwede bang hayaan niyo munang magpaliwanag ang anak ko? Hindi pa siya tapos magpaliwanag salita na kayo nang salita.” Saad ni Mrs. Valdez sa kanila. Hinarap niya ang anak niya at hinawakan ito sa mga kamay niya.“Sabihin mo na anak kung anong nangyari. Kung wala kang kasalanan wala kang dapat na ikatakot. Please tell them the truth para tumigil na silang lahat at makauwi na tayong dalawa.” Malumanay niyang saad sa anak niya.“I’m scared Mom, I’m scared,” umiiyak niya ng wika. Natatakot pa rin dahil sa nasaksihan niya.&ldquo
Ilang oras na silang naghahanap sa napakalawak na karagatan subalit hindi pa rin nila nahahanap si Monique. Namumula na rin ang buong mukha ni Aidan dahil sa init ng panahon sa paghahanap niya sa dagat.Nag-aalala na silang lahat para kay Monique habang ang mga De Chavez naman ay naghihintay din ng balita. Sigurado silang kapag may nangyari sa nag-iisang babae sa pamilya ng mga Sandejas ay hindi sila titigil hangga’t wala silang naipapakulong dahil sa nangyari.Napapahilot na lang ang ama ni Aidan dahil sigurado siyang ang anak niya ang pag-iinitan ng ulo dahil siya ang nag-utos kina Monique na pumunta sa isla. Kung una pa lang sana ay pinaalis na nila si Monique sa kompanya para hindi na umabot pa sa ganito.Makalipas ng ilang oras na paghahanap ni Aidan ay umahon na rin siya dahil ihahatid na sila ng mga coastguard para umuwi dahil magdidilim na ang kapaligiran nila. Pag-ahon ni Aidan ay tahimik lang siya habang salubong ang mga kilay niya.Wala k
“Don’t mind him, okay? I know you’re innocent. You don’t need to worry hija, I’m sorry for what he did.” Paghingi niya ng pasensya.“Kung hindi po ba Sandejas si Monique, hindi niyo po ba sila hahadlangan ni Aidan?” biglang tanong ni Isabella. Hindi naman kaagad nakaimik si Julia dahil hindi niya rin alam ang isasagot niya. Wala siyang pakialam kung sino man ang babaeng mamahalin ni Aidan maliban sa isang Sandejas na kaaway ng pamilya nila.Tipid na lang na ngumiti si Isabella dahil alam niya na ang sagot. Hindi niya na kailangang sagutin ang tanong niya.“I want to go home now Tita. I know that Aidan is still mad at me at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita na naman niya ako. Thank you for everything Tita, I really appreciate it po.”Inihatid na ni Julia sa labas si Isabella habang naghihintay sila ng sundo niya. Nang makaalis si Isabella ay pinuntahan ni Julia ang anak niya. Nakita niy
FlashbackMatiyagang naghihintay si Taylor kay Monique sa daungan dahil ngayon ang alam niyang balik nila. Nasabi na kasi sa kaniya ni Monique bago sila umalis na siya ang susundo sa kaniya. Ipinapatok-patok lang ni Taylor ang isa niyang paa sa semento habang naghihintay.Ilang minuto ang lumipas at nakikita niya na ang paglapit ng yate. Nang makaduong ito ay hinintay niyang lumabas si Monique pero nakababa na lahat ng mga kasama niya pero wala pa rin si Monique kaya napapakunot siya ng noo.“Where’s Monique?” tanong ni Taylor sa mga nakasama ni Monique.“Baka nasa itaas pa,” sagot ng mga ito kaya tiningnan ni Taylor ang itaas ng yate pero wala pa rin ito kaya umakyat na siya at kinausap ang driver ng yate.“Tingnan niyo po sa loob ng kwarto dahil baka nakatulog pa po.” Sagot ng lalaki at ginawa naman ni Taylor ang sinabi ng lalaki. Nang makapasok siya sa loob ng kwarto ay walang bakas ni Monique tanging mg
“I think she is dahil nakita ko ang ilang patak ng dugo sa shirt niya. Pinilit ko siyang tanungin at sa kakamadali kong puntahan ka hindi na ako nakapag-isip na tumawag sa pamilya mo para sana sabihin kung anong nangyari. Ilang oras kitang hinanap at nang paalis na sana tayo dun naman nawalan ng gasulina ang motor boat na gamit ko kaya wala akong nagawa kundi ang ipunta ka rito. As you can see hindi maganda ang panahon kaya bukas susubukan kong humanap ng signal para makatawag sa Kuya mo.” pagkwekwento ni Taylor.Napatango na lang si Monique, mabuti na lang at hindi lang basta driver ang kinuha ng Kuya niya dahil talagang magaling siya. Tiningnan ni Monique ang mga gamit na kinuha lang ni Taylor sa kagubatan.“Kumain ka na muna para may laman ang tiyan mo at may lakas ka. Prutas lang ang nakuha kong makakain natin dahil inabutan na ako ng ulan kanina at hindi na nakahuli ng isda.” Inabutan ni Taylor ng prutas si Monique at kinain naman yun
Nakahinga ang lahat ng mga De Chavez lalo na si Julia ng malaman nilang buhay si Monique at nagpapagaling na sa hospital. Hindi dahil sa nag-aalala sila para kay Monique dahil oras na may nangyari sa kaniya paniguradong gulo ang mangyayari sa mga pamilya nila lalo na at nasa oras ng trabaho si Monique ng may mangyari sa kaniya.“Tinawagan mo na ba si Aidan? Kagabi pa siya hindi umuuwi.” Tanong ni Julia sa asawa niya pero inilingan naman siya ni Hudson dahil cannot be reach ang number ng anak nila. Pakiramdam nila ay nabunutan sila ng malaking tinik sa dibdib.Kahit na galit ang mga pamilya nila sa isa’t isa, ayaw na nilang dumanak pa ang dugo sa mga pagitan nila dahil gusto na lang nilang mabuhay ng tahimik kaya pilit nilang pinaglalayo si Monique at Aidan.“Kausapin mo ang anak mo Hudson dahil hindi titigil ang gulong ito kung patuloy niyang hahabulin ang babaeng yun. Pwede naman siguro nilang pagkasunduan ang tungkol sa anak nilang dala
AIDAN’S POV Sa nakalipas na mga taon napakarami naming pinagdaanan. Simula nang umalis si Monique at wala na akong balita kung saang bansa na siya nananatili, pakiramdam ko pati ang mundo ko ay bumagsak but I need to endure all the pain that I am feeling dahil ang ginawa kong pananakit sa kaniya ay para rin sa kaniya. Alam naman naming hindi kami bibigyan ng basbas ng mga pamilya namin para sa relasyon naming dalawa. Alam kong willing si Monique na iwan niya ang pamilya niya para sa akin pero ayaw kong gawin niya yun, ayaw kong iwan niya ang magandang buhay na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam kahit na anong maging buhay naming dalawa pero ayaw kong danasin niya ang hirap. Kinailangan kong magsinungaling sa kaniya that I cheated on her para siya na ang kusang lumayo sa akin dahil kung pipiliin niyang sumama sa akin hindi ko maibibigay sa kaniya ang magandang buhay dahil nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko, wala pa akong kakayahan na buhayin siya sa isang marangyang buhay. Gu
Nang matapos ang audition ay lumabas na silang lahat. Buhat-buhat ni Aidan ang anak niya because they both miss each other.“I'm glad you came here po. I have two daddies,” tuwang-tuwang saad ni Brylle sa kaniyang ama. Nilapitan naman ni Monique si Zamir.“Sumama ka muna sa amin sa shop. Nagpaluto ako ng makakain sa mga staff. Kay Kuya na nga pala ako sasabay na pumunta dun. Si Brylle naman ay gustong sumakay kay Aidan. Is it okay for you?” natawa lang si Zamir saka niya tiningnan si Monique. Ginulo pa niya ang buhok ni Monique na ikinanguso naman nito.“Nag-aalala ka ba dahil baka masaktan ako? Monique, I already accept it and it’s okay for me kung saan ka sasabay at si Brylle. Huwag mo akong isipin dahil okay lang ako, I’m perfectly okay, okay?” aniya dahil hindi naman talaga kailangang mag-alala ni Monique sa kaniya. He’s okay at tanggap niya na kung hanggang saan lang siya sa buhay ni Monique at ni Brylle.Mas gusto pa rin niyang makitang masaya si Monique at Brylle kesa sa masasa
Dumating ang araw ng audition ni Brylle. Nakipagsiksikan si Aidan sa harap para makita niya ng malapitan ang anak niya. Nasa likod naman ng stage si Zamir at Monique para may kasama si Brylle habang hindi pa siya ang pumapasok sa stage.Inayos ni Monique ang kwelyo ni Brylle saka niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.“Huwag ka lang kakabahan baby okay? Isipin mo lang na nasa practice ka lang. Is your finger okay?” tiningnan ni Monique ang mga daliri ni Brylle para macheck kung wala ba itong sugat. Piano ang gagamiting instrument ni Brylle habang kumakanta.May organist naman para sa kanila na mag-o-audition pero mas gusto ni Brylle na siya ang tutogtog ng piano para sa auditon niya.“I’m okay Mom, don’t worry po.” Sagot ni Brylle saka niya tiningnan ang Daddy Zamir niya. Tipid niya itong nginitian. Ang mga ngiti niyang hindi man lang umabot sa tenga niya, para bang may gusto siyang makita, para bang may iba siyang hinihintay pero hindi na siya umaasa na makikita pa n
Naging tahimik na silang dalawa at naging seryoso na sa mga ginagawa nila. Mabilis din ang bawat kilos ni Aidan na para bang master na master niya na ang pagbebake. Hindi maiwasan ni Monique na hindi lingunin ang ginagawa ni Aidan.Talaga bang nag-aral siya sa pagbebake? Base pa lang naman sa bilis nang kilos niya mukha namang marunong nga talaga siya.“Nangongopya ka ba?” si Aidan naman ang nagtanong nun kaya inirapan siya ni Monique.“Hindi ko kailangang mangopya. Gusto ko lang makasiguro na tama nga ang ginagawa mo at hindi ka lang nagsasayang ng mga ingredients.” Saad niya naman. Ilang oras silang nakatayo para makagawa ng maraming baked Alaska at para may maidisplay na rin sila sa shop nila.Dahil mag-isa lang lang ni Monique na gumagawa ng baked Alaska ay hindi nagtatagal ang stock nila.Makalipas ang ilang oras ay nakatapos din silang dalawa. Napangiti na lang si Monique dahil marami-rami na rin ang nagawa nilang dalawa pero hindi pa rin nila naaabot ang pieces na order sa kani
Simula ng magpakita si Aidan kay Monique ay palagi na rin itong pumupunta sa shop niya.“Three lemon-blueberry mini cheesecake cupcakes and one hot chocolate, please.” Hindi pa man tinitingnan ni Monique kung sino ang customer niya ngayon alam niya na kung sino dahil sa boses pa lang nito.Inis niyang tiningnan si Aidan na nasa harapan niya, matamis pa itong nakangiti at may dala-dala na naman siyang isang pirasong rosas. Sa araw-araw na pagbisita niya sa shop ni Monique ay mapupuno na ng mga rosas ang vase na pinaglalagyan niya.“Kailan ka pa naging mahilig sa sweets? Araw-araw kang kumakain dito, hindi ba sumasakit ngipin mo?” inis na wika ni Monique saka niya inasikaso ang order ni Aidan. Nakangiti lang naman si Aidan na tinititigan ang naiinis na mukha ni Monique.“You’re beautiful as always. Araw-araw naman na kitang nakikita pero bakit mas lalo kang gumaganda? Ginagayuma mo ba ako?” hilaw na natawa si Monique. Namumula na rin ang pisngi niya dahil sa pagpupuri ni Aidan sa kaniy
Aalis ba si Zamir? Iiwan niya na ba silang mag-ina? Nasasaktan niya na ba si Zamir at gusto niya ng lumayo? Sa iniisip ni Monique ay nasasaktan siya. Nasanay na rin siya na nandyan palagi si Zamir para sa kanilang mag-ina pero alam niyang hindi habang buhay ay mananatili si Zamir sa kanila lalo na at kailangan niya rin magkaroon ng sariling pamilya.“Why are you saying this?” mahinang tanong ni Monique. Oo, hindi niya magawang mahalin pabalik si Zamir pero masasaktan siya kapag iniwan niya na silang mag-ina. Tumingin na lang sa ibang direksyon si Monique dahil bakit nga ba niya pipigilan si Zamir para umalis sa buhay nilang dalawa ni Brylle?Zamir deserves to be happy.“I am not saying this to say goodbye. Mananatili pa rin ako sa tabi niyo ni Brylle dahil siya ang naging panganay ko, ipinaramdam niya sa akin kung paano maging ama. Mananatili pa rin akong kaibigan mo Monique at hindi dahil susuko na ako sa pagmamahal ko sayo ay lalayuan ko na kayo. Ayaw ko lang na makita kang nasasakt
9 months later, siyam na buwan na rin ang nakalipas simula nang iwan nina Monique ang Pilipinas. Madalas naman silang bisitahin ng Kuya niya at ng mga pinsan niya. Kapag nasa New York ang mga Kuya ni Monique ay sila ang sumasama kay Brylle sa tuwing may event ito.Ilang buwan na lang din ay idadaos na ang 7th birthday ni Brylle pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita si Monique. Ayaw naman niyang tanungin ang Kuya niya o ang mga pinsan niya dahil iba na naman ang iisipin nila.Sa nakalipas na buwan mukhang nasanay naman na si Brylle na hindi siya kinakamusta o binibisita ng kaniyang ama. Masaya naman na siya at para bang hindi na siya umaasa na pupuntahan siya ng kaniyang ama pero kahit na ganun nasasaktan pa rin si Monique para sa anak niya lalo na at idadaos na nila ang pang 7th birthday niya.Anim na taon na hindi naging present si Aidan sa mga birthday ni Brylle, naitatanong na lang ni Monique sa sarili niya kung makakapunta ba si Aidan kahit sa birthday na lang ng anak nila.
Naupo silang dalawa kung saan nakapwesto si Brylle.“Daddy Zamir are you available this coming Saturday po?” tanong ni Brylle. Inisip naman ni Zamir kung may tatamaan ba siyang schedule sa sabado.“Yes, I think wala naman kaming masyadong gagawin this weekend. Why do you ask?”“Let’s skate po, can we Mom? Wala rin po akong klase sa Saturday.” Anas ni Brylle. Hindi alam ni Monique kung talaga bang into sports, music and arts si Brylle o kung dun sa paraan na lang niya nililibang ang sarili niya para hindi isipin ang Daddy niya.Naging mahilig lang sa music at sports ang anak niya nang lumipat sila ng New York. Ang arts naman ay matagal niya ng talent at libangan yun.“Kung available ang Daddy Zamir mo, why not?”“Let’s have a date, matagal ko na rin kayong hindi nailalabas eh. Pwede mo namang iwan ang shop mo sa mga staff mo, right?” saad ni Zamir. Inisip naman ni Monique ang sinabi ni Zamir. Wala naman sigurong masama kung magbonding sila minsan lalo na at lahat sila ay nakafocus sa m
Lumipas ang kalahating taon, lahat sila ay abala sa kaniya-kaniya nilang mga buhay. Patuloy na pinapalago ni Aidan ang kompanya nila dahil ayaw niyang sayangin ang ibinigay na tiwala sa kaniya ni Monique.Sa loob ng anim na taon na yun, hindi niya nakita ang anak niya o nakausap man lang ito. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya kay Brylle, gusto niya haharapin niya ang anak niya na nasa maayos na siyang sitwasyon.Hanggang ngayon pinatutunayan niya ang sarili niya, tinutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya at ang lahat ng mga gusto ni Monique para sa kaniya. Mas naging abala siya nang maupo siya bilang chairman. Halos linggo-linggo rin ang paglipad niya patungong iba’t ibang bansa for their business.Gusto niyang maging maayos ang lahat para sa kinabukasan ng anak nila ni Monique. Malapit na, konti na lang ang titiisin niya at makikita at makakasama niya na rin ang mag-ina niya at kapag naging maayos na ang lahat pamilya niya naman ang aayusin niya.Samantala naman ay nagkaroo