Malamig at seryoso ang mukha ni Aidan habang mabilis siyang naglalakad para puntahan si Isabella. Hindi niya alam ang magagawa niya rito kapag nalaman niyang may ginawa siya kay Monique. Habang nasa isla si Isabella at Monique nalaman ni Aidan na isa si Isabella sa person of interest ni Monique sa nangyari sa kanila sa England.
Nakakuyom ang mga kamao ni Aidan. Sa bilis nang lakad niya para bang gusto niya na lang lumipad para lang makarating kung nasaan si Isabella.
Samantala naman, hindi mapakali si Isabella sa loob ng kwarto niya habang kagat-kagat niya ang mga daliri niya. Alam niyang ano mang oras ay pupuntahan na siya ni Aidan at hindi niya alam kung anong ipapaliwanag niya.
Gulat na napatingin si Isabella sa pintuan niya nang bigla itong bumukas at iniluwa nun si Aidan na nanlilisik ang mga mata niya.
“Aidan,” mahinang saad ni Isabella. Nanginginig na ang mga kamay niya at hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Aidan na para bang
“Wala akong kasalanan sa pagkawala ni Monique. Oo, tama sila. Kami ang magkasama ni Monique bago siya mawala pero masyadong mabilis ang lahat ng nangyari! Wala akong kasalanan, Aidan.” Dagdag ni Isabella at nagmamakaawa na ang mga mata niya na paniwalaan siya.“Hindi mo alam? Sino ang pagbibintangan dun Isabella kung ikaw ang kasama niya?” wika ni Anthony.“Pwede bang hayaan niyo munang magpaliwanag ang anak ko? Hindi pa siya tapos magpaliwanag salita na kayo nang salita.” Saad ni Mrs. Valdez sa kanila. Hinarap niya ang anak niya at hinawakan ito sa mga kamay niya.“Sabihin mo na anak kung anong nangyari. Kung wala kang kasalanan wala kang dapat na ikatakot. Please tell them the truth para tumigil na silang lahat at makauwi na tayong dalawa.” Malumanay niyang saad sa anak niya.“I’m scared Mom, I’m scared,” umiiyak niya ng wika. Natatakot pa rin dahil sa nasaksihan niya.&ldquo
Ilang oras na silang naghahanap sa napakalawak na karagatan subalit hindi pa rin nila nahahanap si Monique. Namumula na rin ang buong mukha ni Aidan dahil sa init ng panahon sa paghahanap niya sa dagat.Nag-aalala na silang lahat para kay Monique habang ang mga De Chavez naman ay naghihintay din ng balita. Sigurado silang kapag may nangyari sa nag-iisang babae sa pamilya ng mga Sandejas ay hindi sila titigil hangga’t wala silang naipapakulong dahil sa nangyari.Napapahilot na lang ang ama ni Aidan dahil sigurado siyang ang anak niya ang pag-iinitan ng ulo dahil siya ang nag-utos kina Monique na pumunta sa isla. Kung una pa lang sana ay pinaalis na nila si Monique sa kompanya para hindi na umabot pa sa ganito.Makalipas ng ilang oras na paghahanap ni Aidan ay umahon na rin siya dahil ihahatid na sila ng mga coastguard para umuwi dahil magdidilim na ang kapaligiran nila. Pag-ahon ni Aidan ay tahimik lang siya habang salubong ang mga kilay niya.Wala k
“Don’t mind him, okay? I know you’re innocent. You don’t need to worry hija, I’m sorry for what he did.” Paghingi niya ng pasensya.“Kung hindi po ba Sandejas si Monique, hindi niyo po ba sila hahadlangan ni Aidan?” biglang tanong ni Isabella. Hindi naman kaagad nakaimik si Julia dahil hindi niya rin alam ang isasagot niya. Wala siyang pakialam kung sino man ang babaeng mamahalin ni Aidan maliban sa isang Sandejas na kaaway ng pamilya nila.Tipid na lang na ngumiti si Isabella dahil alam niya na ang sagot. Hindi niya na kailangang sagutin ang tanong niya.“I want to go home now Tita. I know that Aidan is still mad at me at hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita na naman niya ako. Thank you for everything Tita, I really appreciate it po.”Inihatid na ni Julia sa labas si Isabella habang naghihintay sila ng sundo niya. Nang makaalis si Isabella ay pinuntahan ni Julia ang anak niya. Nakita niy
FlashbackMatiyagang naghihintay si Taylor kay Monique sa daungan dahil ngayon ang alam niyang balik nila. Nasabi na kasi sa kaniya ni Monique bago sila umalis na siya ang susundo sa kaniya. Ipinapatok-patok lang ni Taylor ang isa niyang paa sa semento habang naghihintay.Ilang minuto ang lumipas at nakikita niya na ang paglapit ng yate. Nang makaduong ito ay hinintay niyang lumabas si Monique pero nakababa na lahat ng mga kasama niya pero wala pa rin si Monique kaya napapakunot siya ng noo.“Where’s Monique?” tanong ni Taylor sa mga nakasama ni Monique.“Baka nasa itaas pa,” sagot ng mga ito kaya tiningnan ni Taylor ang itaas ng yate pero wala pa rin ito kaya umakyat na siya at kinausap ang driver ng yate.“Tingnan niyo po sa loob ng kwarto dahil baka nakatulog pa po.” Sagot ng lalaki at ginawa naman ni Taylor ang sinabi ng lalaki. Nang makapasok siya sa loob ng kwarto ay walang bakas ni Monique tanging mg
“I think she is dahil nakita ko ang ilang patak ng dugo sa shirt niya. Pinilit ko siyang tanungin at sa kakamadali kong puntahan ka hindi na ako nakapag-isip na tumawag sa pamilya mo para sana sabihin kung anong nangyari. Ilang oras kitang hinanap at nang paalis na sana tayo dun naman nawalan ng gasulina ang motor boat na gamit ko kaya wala akong nagawa kundi ang ipunta ka rito. As you can see hindi maganda ang panahon kaya bukas susubukan kong humanap ng signal para makatawag sa Kuya mo.” pagkwekwento ni Taylor.Napatango na lang si Monique, mabuti na lang at hindi lang basta driver ang kinuha ng Kuya niya dahil talagang magaling siya. Tiningnan ni Monique ang mga gamit na kinuha lang ni Taylor sa kagubatan.“Kumain ka na muna para may laman ang tiyan mo at may lakas ka. Prutas lang ang nakuha kong makakain natin dahil inabutan na ako ng ulan kanina at hindi na nakahuli ng isda.” Inabutan ni Taylor ng prutas si Monique at kinain naman yun
Nakahinga ang lahat ng mga De Chavez lalo na si Julia ng malaman nilang buhay si Monique at nagpapagaling na sa hospital. Hindi dahil sa nag-aalala sila para kay Monique dahil oras na may nangyari sa kaniya paniguradong gulo ang mangyayari sa mga pamilya nila lalo na at nasa oras ng trabaho si Monique ng may mangyari sa kaniya.“Tinawagan mo na ba si Aidan? Kagabi pa siya hindi umuuwi.” Tanong ni Julia sa asawa niya pero inilingan naman siya ni Hudson dahil cannot be reach ang number ng anak nila. Pakiramdam nila ay nabunutan sila ng malaking tinik sa dibdib.Kahit na galit ang mga pamilya nila sa isa’t isa, ayaw na nilang dumanak pa ang dugo sa mga pagitan nila dahil gusto na lang nilang mabuhay ng tahimik kaya pilit nilang pinaglalayo si Monique at Aidan.“Kausapin mo ang anak mo Hudson dahil hindi titigil ang gulong ito kung patuloy niyang hahabulin ang babaeng yun. Pwede naman siguro nilang pagkasunduan ang tungkol sa anak nilang dala
Nang makarating naman si Warren at Brylle ay ibinaba na ni Warren si Brylle at hinayaan niyang lapitan ni Brylle ang ama niya.“What happened to him, Tito? Is he okay? Are they together with Mom?” inosente niyang tanong nang makalapit siya sa kama ni Aidan. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ama at ramdam niya ang mainit nitong katawan.“He’s fine baby, nilalagnat lang ang Daddy mo dahil sa pag-aalala niya sa Mommy mo.” sagot ni Warren, napangiti naman si Brylle dahil masaya siyang malaman na nag-aalala ang Daddy niya sa Mommy niya. Walang ibang gusto si Brylle kundi ang mahalin silang mag-ina ng kaniyang ama.“Daddy, Brylle is here.” wika niya at bahagyang hinahaplos ang kamay ni Aidan. Nanguha naman si Warren ng mataas na upuan para makaupo ang pamangkin niya. Inalalayan niyang makaupo si Brylle at hinayaan itong manatili sa gilid ng kama ni Aidan habang siya naman ay naupo sa sofa.Nakatitig lang si Brylle sa
Nang maging maayos ang kalagayan ni Monique ay nagsimula na rin ang pagtatanong sa kaniya para sa mabilisang imbestigasyon sa nangyari.“Ito yung mga list sa wanted pero hindi pa nahuhuli. Tingnan mo ng mabuti kung isa sa kanila ang bumaril sayo.” saad ng pulis kay Monique saka ibinigay sa kaniya ang isang folder na maraming mga papeles.Isa-isa namang tiningnan yun ni Monique pero natapos niya ng tingnan hanggang dulo pero wala sa kanila. Inilingan niya ang mga pulis dahil hindi niya kilala ang mga picture sa mga dokumento na ipinakita sa kaniya.“I don’t know all of them,” wika niya. Pilit na inaalala ni Monique kung saan niya ba nakita ang isang lalaking bumaril sa kaniya. Alam niyang nakita niya na ito pero hindi niya matandaan kung saan at kung sino ang kasama niya.“Pwede na lang natin sketch ang mukha nila kung natatandaan mo. Kukuha tayo ng magaling na artist para mahanap natin kung sino ang mga taong yun at mal