Nang maging maayos ang kalagayan ni Monique ay nagsimula na rin ang pagtatanong sa kaniya para sa mabilisang imbestigasyon sa nangyari.
“Ito yung mga list sa wanted pero hindi pa nahuhuli. Tingnan mo ng mabuti kung isa sa kanila ang bumaril sayo.” saad ng pulis kay Monique saka ibinigay sa kaniya ang isang folder na maraming mga papeles.
Isa-isa namang tiningnan yun ni Monique pero natapos niya ng tingnan hanggang dulo pero wala sa kanila. Inilingan niya ang mga pulis dahil hindi niya kilala ang mga picture sa mga dokumento na ipinakita sa kaniya.
“I don’t know all of them,” wika niya. Pilit na inaalala ni Monique kung saan niya ba nakita ang isang lalaking bumaril sa kaniya. Alam niyang nakita niya na ito pero hindi niya matandaan kung saan at kung sino ang kasama niya.
“Pwede na lang natin sketch ang mukha nila kung natatandaan mo. Kukuha tayo ng magaling na artist para mahanap natin kung sino ang mga taong yun at mal
“Monique,” napabalik na lang sa wisyo si Monique nang tawagin siya ng Kuya niya. Bumuntong hininga naman si Monique.“Gusto mo bang umalis ako sa kompanya? Kuya, malapit na ang pagpapalit ng chairman sa kompanya ng mga De Chavez at hindi ako pwedeng umatras. Ang alam ko ay ito lang ang pangunahing kabuhayan ng pamilya ni Mrs. Janeth at ng mga anak niyang nasa ibang bansa. Kapag nawala sa kanila ang kompanya siguradong babagsak din si Janeth De Chavez.” May panggigigil sa bawat mga salitang binibitawan ni Monique.Napapahilot na lang si Anthony sa sintido niya dahil sa katigasan ng kapatid niya. Ang akala niya yata ay isa siyang pusa na may siyam na buhay para magkaroon ng lakas na harapin ang taong gusto siyang patayin.“Anak masyadong delikado,” nag-aalala na ring saad ni Arianna.“Ayaw kong manuod lang Mom, hindi sapat ang makulong lang siya sa lahat ng ginawa niya sa akin at sa anak ko. Kukunin ko ang lahat ng
Naging mabilis ang imbestigasyon kay Janeth at ngayon ay nahuli na nila ang lalaking bumaril kay Monique at hindi nga siya nagkakamali dahil siya ang driver ni Mrs. Janeth De Chavez. Gumawa sila kaagad ng warrant of arrest laban kay Janeth De Chavez.“What is the meaning of this?” nagtataka niyang tanong nang mapalibutan ng mga kapulisan at swat ang buong bahay niya.“Ikaw Janeth De Chavez ay aming inaaresto. May karapatan kang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin laban sa iyo sa anumang hukuman.” Binasahan na muna nila si Janeth ng Miranda rights at akma na sana itong poposasan nang tinabig ni Janeth ang kamay ng pulis.“You don’t need to handcuff me dahil kusa akong sasama. Ano bang ginawa ko para arestuhin niyo ako?” malumanay niyang tanong.“Sa pag-utos sa driver mo na patayin si Ms. Monique Sandejas.”“What?!” gulat na tanong ni Janeth sak
“Monique, hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala akong ginagawa kaya hindi kita maintindihan.” Naguguluhan niya na talagang saad pero hilaw lang siyang tinawanan ni Monique.“Hindi mo alam? Sige, ipapaalam ko sayo kung anong ginawa ng Mommy mo at ng magaling mong fiancée. Nagfile sila sa korte para sa custody ni Brylle. Wala ka ba talagang kinalaman dun? Hindi naman siguro nila gagawin yun kung hindi mo inutos diba? Yung anti mo gusto kaming patayin ng anak ko tapos ang Mommy mo at ng fiancée mo na walang kahirap-hirap sa anak ko ay gustong kunin at ilayo sa akin ang anak ko!” mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Aidan dahil wala siyang alam sa sinasabi ni Monique.“They really did that?” mahina niyang tanong. “Fuck,” malutong niyang mura dahil wala siyang ipinapagawa sa Mommy niya at kay Isabella tungkol kay Brylle.“I will talk to them. I never asked them to do that Monique. Anong karapatan ko
Napabuntong hininga na lang si Monique.“Pinag-iisipan ko pa dahil alam kong hindi rin naman ako mananalo. Mas matagal nilang nakasama si Aidan kesa sa akin na bago pa lang. I’m just a shareholder in his company.” Sagot niya.“Why don’t you try? Wala ka namang laban na hindi mo naipapanalo eh.” Bahagya na lang na natawa si Monique sa sinabi ni Zamir. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o kung nagsasabi ng totoo. Napapailing na lang si Monique dahil nagdadalawang isip din siya kung itutuloy pa ba niya ang plano niyang yun.Hindi alam ni Monique kung bakit biglang nagbago ang isip niya. Is it because of Aidan? Bigla siyang nalito sa nararamdaman niya ng malaman niya kung anong ginawa ni Aidan noong nawawala siya.“May gumugulo ba sa isip mo?” tanong ni Zamir. Nabalik naman sa wisyo si Monique saka siya umiling.“Wala naman, magmeryenda ka na muna. Mamaya mo na ituloy kung anong ginagawa mo.&rdqu
After what he did to her for the past years tapos sasabihin niyang he still love her? Is he kidding? Dahil kung oo tatawanan talaga siya ni Monique. Ramdam ni Monique ang pang-iinit sa pisngi niya, is it just because of Aidan’s words? Damn it!Huwag niyang sabihin na may nararamdaman pa siya para kay Aidan? Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw pa niyang tumanggap ng iba sa buhay niya?“No!” di pagsang-ayon ni Monique sa iniisip niya. Napapabuntong hininga na lang siya dahil sa mga iniisip niya. Bakit pa niya ito iniisip gayong mas marami siyang dapat na isipin?Kinuha ni Monique ang cell phone niya saka niya tinawagan ang Kuya niyang siyang nag-aasikaso sa pag-iimbestiga kay Janeth De Chavez.“Kuya, wala pa rin bang balita sa imbestigasyon?” tanong niya kaagad pagkasagot ni Anthony sa cell phone niya.“Nandito ako ngayon sa prisinto at nakikinig sa pag-iimbestiga ni chief sa driver ni Ms. Janeth pero hanggang ngayo
Napadouble check naman ang host sa papel na hawak niya.“Oh, wait,” napatingin ang lahat sa host ng para bang may mali sa hawak-hawak niyang listahan.“Naibenta na po pala ni Mrs. Janeth De Chavez ang lahat ng shares niya at yung nakabili ng mga shares niya ang may karapatan ng pumili ng susunod na uupo sa pagiging chairman.” Napakunot ng noo ang mga De Chavez dahil hindi nila alam na ibinenta pala ni Janeth ang lahat ng shares niya pero kanino?Napatingin silang lahat sa pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang matipunong lalaki. Nagsalubong ang mga kilay ni Monique ng makilala niya kung sino ang kapapasok lang sa loob ng conference room.Inaayos pa niya ang relo niya at ang mahaba niyang coat. Nakasuot ng eyeglass na mas lalong nagpalakas ng appeal niya. Kahit sinong babae ay maaagaw ang atensyon niya. Seryoso ang mga mata niya at nakaayos din ang mga buhok niya na tila ba ipinasadya pa niya sa salon para maging perp
“Are you okay?” yun pa rin ang tanong ni Aidan. Kita ni Monique na nahihirapan si Aidan na para bang may iniinda siya sa katawan niya. Nataranta si Monique saka niya kinapa ang likod ni Aidan at nakapa niya ang isang malagkit na likido.Nanlaki na lang ang mga mata niya ng makita niyang dugo ang nahawakan niya. Nag-aalala na ang mga mata niyang tiningnan si Aidan.“Aidan,” maging ang tinig niya ay nanginginig na. Hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil natataranta na siya.“Hindi ka ba nasaktan?” tanong ni Aidan.“Bakit ba ako pa rin ang iniisip mo?! Let’s to go the hospital. Damn it! I’m shaking!” naiinis niyang saad sa sarili niya dahil nanginginig na ang mga kamay niya. Inalalayan niya si Aidan at isinakay sa kotse niya na malapit lang sa kanila.Hinihingal naman na si Aidan dahil sa sak/sak sa tagiliran niya.“Oh my God,” natataranta pa ring saad ni Monique hab
Nang makauwi si Aidan, galit na naman ng kaniyang ina ang sumalubong sa kaniya. Palagi na lang silang nag-aaway simula nang dumating si Monique at muling magkagulo ang mga pamilya nila.“Sinabi ko naman na sayong layuan mo na ang babaeng yan. Kailan ka ba makikinig sa akin, Aidan?” tila nagsasawa na rin si Julia na pagsabihan ang anak niya dahil kahit minsan ay hindi man lang ito nakinig sa kaniya.“Look what happened to you, magpapakamatay ka ba para lang sa kaniya? Siya lang ang ina ng anak mo pero hindi mo rin siya responsibilidad! For heaven sake! Nagawa mo pa talagang saluhin ang kutsilyong para sa kaniya kahit na unti-unti niya nang kinukuha ang lahat ng meron ka!” napapahawak na lang si Julia sa ulo niya dahil sumasakit na ito.Napakarami na nilang iniisip, hindi na natapos ang gulong kinakaharap nila.“Why should I leave her there if my son will be hurt more if his Mommy is gone? I can endure all the pain but my son,